Bago matapos ang lahat
Gusto ko muna sa'yo magpasalamat
Sa tamis at alat, sa sakit, sa lamat
At sa pag-iibigang naawat
.
Pinaalala mo sa akin
Kung gaano kasarap ang magmahal
Nagawa kang pangarapin
At naising sa iyo'y maikasal
.
Ngunit sa huling kabanata
Naging tama ang maling akala
Nahumaling sa natamasa
Umasa sa kasinungalingang pag-asa
.
Ngayon, kaluluwa'y pumanaw
Sa kasawia'y humalaw
Puso'y durog, sa kalungkuta'y tubog
Kasabay ng paglubog ng araw
.
Ninanamnam ko ang sakit
Dinadamdam ko ang pait
Inaasam kong pagbalik
Winasak sa isang saglit
.
Hangad mo'y tapos na produkto
Patawad kung hindi ako buo
'pagkat kasalukuyang nasa proseso
Maraming pagkukulang, hindi perpekto
.
Bagama't sayo'y hindi sapat
Ibinuhos ko naman ang lahat
Walang tinira, hindi nag-alinlangan
Walang iniba, hindi man kasintahan
.
Nanghihinayang na hindi ko nadama
Ang pag-ibig mong kinapos
Ngayo'y mananahmik na
Ito ang huling tugma, dito na magtatapos
60 notes
·
View notes
Paru-paro
Sa isang tahimik na gabi na hinalik ng bituin,
May munting paru-parong umaaligid sa hardin,
Tara't bumilang ka ng isa, dalawa, tatlo,
Sa lupang hinihigaan ko ito'y dumapo.
6 notes
·
View notes
as isaac, on the walk home
please, won’t you look at me, father?
i can’t erase the memory
of the surrender in your eyes
if i keep staring at your back.
you held my hand as we climbed the mountain.
i felt your pulse through my palm,
your grip tight against the sweat.
God has called us, you said with urgency,
yet you took your time as we ascended.
i can’t remember what i feared more:
the blade,
the flame,
or the aftermath.
who would have made the bigger sacrifice
if there was no ram in the thicket— you? me?
or mother?
is there no test of faith more agonizing
than to forgive?
but even in my final breath, i would have.
i love you even though
i may never understand it,
if only you would tell me. i don’t ask for much—
father! please.
soothe my shivering.
i’m afraid
the next time
i see a knife
i might think
it’s
love.
— Jade A.
escapril day 3: eye contact
@adventurerswritingguild day 3: hand / god / knife
57 notes
·
View notes
The Starmaker
"For you shined so brightly that She made you father the stars.
But She does not know how you shine now, greater than before the war.
Don't worry about me, old boy —
Live your life, cry your heart.
I adore you, truly, even when we are apart."
36 notes
·
View notes
Mga paruparo saki'ng dibdib ay nagsayawan
Sa pananabik na ika'y masilayan
Damdami'y sumisigaw sa tuwa
Ngunit mga labi'y hindi maibuka
Sa mga mata mo'y naaakit
At ang magpigil sa sarili'y tila pasakit
Kung kaya't halos maulol
Nang mga daliri nati'y nagbuhol
Maingay man ang musika sa paligid
Boses mo naman ang nagsisilbing himig
Handang humiram ng lakas sa serbesa
Mahalikan lang ang kaharap na prinsesa
Nais kang makasama magdamag
Sa'yong yakap ay 'di kakalag
Sa oras ay makikipaghabulan
Sa araw ay makikipagtaguan
4 notes
·
View notes
Sa mahabang panahon
Iniisip kong hindi ako naririnig ng mga tala
Hindi ako paborito ng mga diwata
Ayaw akong pagbigyan ng tadhana
Ngunit sa kabilang banda
Paano kung naririnig naman talaga?
Paano kung paborito naman talaga?
Ayaw ka lang pala mapahamak ng tadhana
25 notes
·
View notes
#171
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
Matalinghaga, may tugma, may sukat bawat sulok
Saan ang lugar ng mga karaniwang gaya ko?
Direkta, malaya, at sa langit ay tuldok
Kakayahan sa pagkalimot, tuluyang ginamot
Anong espesyal at mga tula'y 'di mo malimot?
Damdami'y ibunyag, gaano man kakomplikado
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
- SI TULA, ANG MAKATA
20 notes
·
View notes