Bata, bata paano ka ginawa?
070723
Bata, bata paano ka ginawa?
Hinubog ka kaya ng nakapalibot na madla
Nilang mga nakatanga't nakatulala
O kaya nama'y nilang mga nag aalala
Maaaring hindi, maaring nakilala mo ang ikaw
Sa kabila ng mga turo at panuto
Sa dulo ng mga pagbabago
Sa likod ng salaming nakaulayaw
Nakita mo kaya ang mga liko
O patuloy ka bang sumunod sa daan habang nakapikit
Sinusundan ang halimuyak ng mga nagdaan, nakakasalamuha ang mga bumabalik
O di kaya'y patuloy lang na nakikiramdam
Ang mahalaga'y patuloy kang naghahanap
Hindi ka mawawala kung hindi ka magpapanggap
Hindi mawawalang saysay ang nawala sa pagkakamali
Hindi masamang manatili sandali
Kilalanin mo ang iyong sarili
Hindi mo kailangang magmadali
Hindi naiiwan ang nagpapahinga
Nasa isip lang natin ang konsepto na may nauuna
Kaya't paulit ulit mo lamang tanungin ang iyong sarili
kung paano ka nga bang ginawa
Sa pamamagitan nito ay mananatili kang naghahanap
Ngunit kailan ma'y di mawawala.
3 notes
·
View notes
To those who can understand Tagalog, feel free to laugh. Translation will be posted later. Sorry.
'Ni hindi ko masabi—
Ang mga katagang, "sana'y hindi na lang kita nakilala—
Sa panahong nagtitimpi ako, sa mga pagkukulang, sa pagpapabaya mo—
Para akong isang batang nag aantay sa lambing ng isang inang, hinding hindi na uuwi muli.
Malaki na ako sabi ko pa nga sayo,
Alam ko ang kahihinatnan ng mga salitang maari kong isigaw sayo
Ang lumo—ayokong magalit dahil walang rason na dapat ikagalit,
Nagkamali ka, ako ang nagpatawad, ako ang umako ng lahat.
Sinabi mo noon, iiwan mo ako—
Ngunit pinigilan ko ang sarili, maudyok, matapos ang lahat.
Giliw, masaya ako kahit ganito—dumating ako sayo na puno ng pagmamahal
Ibibigay ko sa'yo ito—buo at ng lubusan,
Sabihin mo man sa akin na hindi mo na ako mahal,
Patuloy kitang mamahalin, magsusulat, magpapatawad.
Wika ni Ramon sa kanyang ka situationship.
— Joshua.
6 notes
·
View notes
isa, dalawa, tatlo. tatlo. tatlong takal sa kutsara.
isang baso ng yelong isinalin
dalawang malumanay na tapik at kislap sa daliri
at ang ikatlong ulit sa kanyang ibig sabihin.
bago tuluyang mabulahaw ang aking pandinig at paningin
na tila tumining maitanggi lang ang kanyang mga salita.
bihira ang mga pagkakataong makatatanggap ng papuri
lalo't higit mula mismo sa aking mga sinasamba
"kailangan ko palang magdagdag ng lima"
"ha?", kanyang pagtataka
nakalimutan kong magkaiba ang aming nakikita
ngunit pinakawalan niya ako nang walang pag-aalala
dahil alam niya, at alam din nung matandang kahera na
hindi ako lalayo, labing-siyam na hakbang kung titiyakin
hindi sapat na bilang upang ang atensyon niya'y maibaling
kaya inilakas ng ale sa tapat ang pagpapaypay,
at dahil sabay na umiikli ang pila at kanyang pasensya,
inalok niya ako at iisa pa rin ang sagot ko.
ang kanyang pagngisi ang pinakamalinaw kong alaala.
sa pagkupas ng kanyang ngiti, nagbitaw siya ng limang iling
bitbit ay diwa ng tugon sa nais kong iparating
saka ko lang napansin ang aliwalas ng pamamaalam
at saka ko lang napansin ang lumalayong init kahit kami'y nasisinagan.
ngunit bago ko pa subukang basagin ang namamagitang iláng at ginaw,
umalingawngaw ang pangalan niyang sa aki'y nagpamangha
tumaas ang mga kilay niyang may ibig itanong
ngunit isinauli ko ang pag-iling at sinabayan siya sa pagtayo
bigla ko lang napagtanto
kung gaano kadaling dumudulas ang pangalan niya sa dila
at kung gaano ito kadalas tumatakas sa aking mga labi
tig-dalawang baso ng tubig, tinidor at kutsara.
sa aming paghaharap, muling nangusap ang mga kilay niyang mas malambing mula sa nakaraan
saglit siyang ipinasyal sa pasilyong likha ng mga kaluluwang naghihimok magpasiyá
sa kanyang pagyuko ay ang aking pagtingala
at sa pagpatong ng kanyang mga siko ay nagmistulang altar ang mesa
sandaling tumahimik ang paligid na humihimbing at nagpapakumbaba sa kahinaan ng kanyang mga pilikmata
at kahit siya ang tumawag sa isang bathala,
sa akin naman ibinunyag ang isang rebelasyon
aking napatunayan sa mga oras na iyon
sinungaling si Galileo,
saksi ako sa pagkurba ng mga aksis sa kanyang mukha,
sa káyo ng kanyang paglapit at paglayo,
at sa hatak ng mga alon sa aking palad at pulso—
hindi ito isang teorya—
malinaw na araw ang umiikot sa mundo.
ngunit hindi ko rin magawang tumitig nang hindi humihingi ng tawad sa kanyang panginoon kaya
bago ko pa tangkaing samantalahin ang pagkakataon,
'di ko namalayang sinundan ko siya sa pagpikit
ngunit nananatiling malinaw ang paligid
nakikilala ko ang bawat yabag sa daan,
nabibilang ang bawat siklo ng mga bisikleta at sasakyan,
ramdam ko ang alinsangang hatid ng kanyang katapatan
at ang rebolusyon ng hanging tumatangay sa'king kamalayan
siya nga ang sentro ng santinakpan.
sa kanyang pagmulat, nahuli niya akong hinahabol ang aking hininga,
pinihit niya ang kanyang ulo pakaliwa na
nagbigay sa'kin ng pagkakataong masilip ang kanyang mga matang pinatitingkad ng kabubukas na ilaw sa kalsada
at sa lalim ng kanyang titig ay may nabuong paliwanag sa aking isipan, taliwas sa mga naranasan
walang bigat sa dibdib na sa iba'y lulunod
malayo sa bingit kung sa'n maaaring mahulog
at hindi kailangan ng init kung saan ako ang nasusunog.
wala ang madalas na salaysay sa pagbagal ng oras
kahit na labing-isang minuto pa lang ang lumilipas,
sa inip at ikapat na muling pananabik kanya nang inulit
"paano ka nakakasulat...
...ng ganitong kaibig-ibig?"
at iisa pa rin ang sagot ko
maliit na platito, kalamansi, toyo, at kutsara
ang pangalan niya ang pinakamahabang sinulid
na humahabi at nagtutugma sa mga salitang aking nasasambit
ganito ko siya nakita
ngunit hindi ko siya minahal gaya ng pagkakasulat ko sa kanya
—
"x, 'kung akin si siara', 2023"
3 notes
·
View notes
kahit paulit-ulit kong halikan ang mga paa ng diyos, kahit gaano kataimtim akong magdasal bawat gabi, ako’y mananatiling isang makasalanang nilalang.
ang kasalanan na galing sa aking mga magulang ay dumadaloy sa aking dugo, nakaimprenta sa aking pagkatao.
ito’y hindi basta basta maalis, hindi mabubura kahit isang daang beses pa akong mag tampisaw sa ilog kung saan bininyagan si hesus — ang bigat ng aking kasalanan ay doble pa sa aking mga magulang.
siguro ay wala na akong pag asa, hindi na ako masasagip ng kahit ano pang dasal ang aking sambitin nang paulit ulit.
ngunit ikaw — ikaw na tumanggap sa akin ng buong pusong walang pag aalinlangan simula noong una tayong magkakilala, magagawa mo pang gawin ang mga bagay na iyong ninanais, magagawa mo pang lumayo sa akin at sa kapahamakang dulot ko.
nalalabi na lamang ang aking mga araw. kung ako’y papanaw, nais ko munang matiyak ang iyong kaligtasan. kaya parang awa — ako’y iwan mo na.
ang pagmamahal na ito’y aking ikukubli, bahala na kung ito’y hindi mo batid. basta para sa iyong ikabubuti.
ang mga araw ay lilipas, aking kamatayan lumalapit.
ako'y nakaluhod sa harap ng diyos, tinatanggap ang kaniyang parusa hangga’t buhay ko’y kanyang bawiin.
sa bawat pag patak ng aking mga luha, tahimik at taimtim kong ipinagdadasal ang iyong kaligtasan. kahit alala ko’y iyong ibaon, kahit ako’y iyong kamuhian.
sa susunod na buhay, kung ako'y papalarin. sa susunod na buhay ika’y aking mamahalin nang labis. sa susunod na buhay, tatahakin ko kapalaran ko sa iyong tabi. sa susunod na buhay.
originally posted on facebook, on my account @ wilted-hopes乱
2 notes
·
View notes
Palagi
Lumipas na ang mahigit isang taon
Ngunit pag-ibig kong alay sa ‘yo ay nandito pa ring nakabaon
Minahal kita sa mga nagdaang kahapon
At pag-ibig ko’y patuloy pa ring umaahon hanggang ngayon
Isang taon na rin ang lumipas noong nakilala kita nang walang kamalay-malay
Hindi inaasahang pati puso ko’y kasama mong tangay
Batid kong malayo ka man at hindi mahahawakan ang iyong kamay
Ngunit asahan mong ang pag-ibig ko sa ‘yo ay mananatiling pantay
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking kaisipan
Noong una kitang nakilala mula sa kapaligiran kong puno ng ingay at kalungkutan
Hindi ko inasahan na ikaw pala ang siyang magbibigay kulay
Sa mundo kong walang buhay
Hindi ko namalayan na ikaw na pala ang dahilan
Sa aking mga dinadasal
At tuwing ikaw na ang pinag-uusapan
Tila ba parang ako’y nauutal
Ngunit ngayon na nandito ka na
Kahit may natitira pang pangamba
Alam kong si kupido na ang dahilan sa pagpana na aking nadama
At panatag na ang aking loob na ako’y sayo itinadhana
Sa Diyos ay ikaw lamang ang tangining hinihingi
At ika’y hindi na ibabahagi at itatanggi
Dahil alam mo namang hanggang sa huli
Ako’y sayo palagi
- jc
a poetry i made inspired by tj monterde’s palagi :)) dedicated to my beloved, doc tricia <3
4 notes
·
View notes
— and i think i loved you long before i knew what love was.
— when i learned how to speak of love with as much certainty as i could have had, i remember i had typed up a long draft and erased and wrote and revised it before i chanced giving you it.
— it was the last month of classes, and it was not long before we would part. all the more i could trace the shape of your space in my heart as i steadily wrote for you a confession, all of me as flush as pink and nerves as a flame when i sent it to you, i love you in our two languages.
— i love you, in lavender violets. (mahal kita, na tila ba rosas ng takipsilim.)
— your returning reply of i love you too was more than enough then to send me to pinking skies. and maybe it was in part because i wrote you so great a letter but your response was more than enough to make me believe you were true. (you had scarcely lied if ever at all, so much truer than many i can think to name.)
— i loved you, and you loved me. that is more than any i could have asked for.
27 notes
·
View notes