Tumgik
#ang aking araw buwan at bituin
tellerluna-stories · 1 year
Text
Tumblr media
@x-zho wakey wakey 😚
9 notes · View notes
blaisegun · 5 months
Text
Tumblr media
★﹐ SLYTHERIN BOYS AS OPM LYRICS (original pilipino music).!
- pairing ୧ blaise <3 x reader , draco x reader , mattheo x reader , theo x reader , enzo x reader
- warnings ୧ gn reader, filipino lyrics with english translation , ooc ?
- molly’s note ୧ i wrote something similar this on my other acct but for bsd ! thought i’d do something like that but w the slytherin boys <3
。    ✧    ⁺     。
BLAISE ZABINI - “gusto kitang isayaw ng mabagal” i want to dance with you slowly
blaise zabini; who holds your hips as you two sway to the rhythm. who hums softly whilst dancing with you. its late, its dark, and its perfect. the way he holds you, the way his lips feel on yours. its like all your problems could melt away
DRACO MALFOY - “ang iyong ganda’y umaabot sa buwan” your beauty reaches the moon
draco malfoy; who worships every part of your body. he fully believed the stars kissed your skin and the angels danced when you were born.
MATTHEO RIDDLE - “di ba nawala gintab ng bituin? sana ganon ka nga pa rin” did the light of the stars go away? i hope you stayed the same
mattheo riddle; who hopes you never change. he hopes you always stay bright and happy cause he knows that he’ll never be okay knowing youre not.
THEODORE NOTT - “tignan mo lang ang aking mga mata; wag kang titingin na sa iba” just look at my eyes; dont look at anyone else
theodore nott; who wants you to love him. when you smile at him its like everything is brighter. he wants you to stay with him, smile and look at him only.
ENZO BERKSHIRE - “di maikukumpara, araw araw kong dala dala” you cant be compared, everyday i take you with me
enzo berkshire; who still crushes over you like a 12 year old boy. his face heats up and his palms sweat everytime he sees you. no matter how much you remind him you two are dating, he’ll never get over how much he’s inlove with you.
126 notes · View notes
formyatasha · 1 year
Text
aking ulayaw,
mas matingkad pa ang 'yong mga mata sa sikat ng araw. ang mahaba mong buhok ay higit na mabango kaysa sa mga bulaklak na nagsasayaw. dalisay mong boses hatid sa lahat ay kalinaw; kung kaya nga't hindi nakapagtataka na ang pag-ibig ko para sa iyo ay patuloy na nag-uumapaw.
higit pa roon ay nagsilbi kang payong. nang bumuhos ang mabibigat na luha ng kalangitan, at sa gitna ng daan ako'y nakatikom; nahanap mo ang kaluluwa kong sugatan, ang puso kong 'di mahinahon. inabot mo ang iyong mga kamay, hindi alintana ang bugso ng magulong panahon. nanatili ka sa tabi ko, mahal kong dilag, mahal kong silong.
sa iyong mga ngisi ay nararahuyo. hindi na kailangan pang idaan sa pagsuyo, presensya mo lamang ay sapat na upang ang aking lalamuman ay manuyo. nasasabik sa 'yong atensyon, nauuhaw sa pag-ibig mong maiuugnay sa bahaghari, bagkus hindi sila nalalayo. dayang, dinggin. ikaw ang kapayapaan pagkatapos ng nakakabagabag na bagyo.
at madalas kung tingalain ang kalawakan. sinasambitla ang pasalamat na walang hangganan. 'di bali nang dumaan sa mga kahirapan, sa dulo nama'y iyong mga kamay ay aking nahawakan. mga mapapait na karanasan sa likod nga'y iiwanan, diretso ang tingin sa kinabukasan. sa muling paglubog ng bilog na kahel, aahon ang maliwanag na buwan-at hawak kamay, mga bituin ay ating pagmamasdan.
ikaw ang kundiman, paraluman.
nagmamahal,
eli.
3 notes · View notes
fvckxxxxa · 2 years
Text
Wala ka, sa gabing malamig
Pag bati mahal ko, kamusta ka?
Ilang araw na din nang lumisan ka
At ako ngayo'y sobrang nangungulila na
Presensya mo'y aking hinahanap
Ikaw ay aking minimithi sa dyos na lumikha
Batid ng bathala na ikaw ay labis kong iniibig
Ngunit tila ba saakin ika'y kanyang binawi
Dama ng unan ko ang mga luha ko
Na mula sa mata ko'y pumapatak
Tuwing maaalala ko ang ikaw at ako
Saksi ang buwan kung paano ko hilingin
Na muli saakin ika'y bumalik
Ramdam ng aking higaan ang bigat na aking pasan pasan
Pagkat sayo talaga ako'y nangungulila
Tanaw ng mga bituin sa kalangitan kung paano ako tanggihan ng bathala
Pag hinihiling kita
Bakit naman ganun? Tila ba tinatanggihan na ako ng maykapal
Parang ayaw na nya na ikaw ay bumalik pa saakin
Pero siguro nga tama ka, ang henerasyong ito ay hindi pa para sa atin
At sa ngayon tayo ay mag hintay nalang muna
Na ang ating puso ay muling mag tagpo
Siguro sa panahon na iyon
Handa na ako, ikaw handa na tayo
At sa panahong pwede na tayo sana naman ay pwede pa
Kahit na ganoon pa man naniniwala ako na ikaw at ako ay babalik
At mag sisimulang muli ng kwento
Kasabay ng pag bubukas ng bagong libro
Paalam na muna mahal ko
Hanggang dito nalang muna
Ang aking pluma'y wala ng tinta
Ang akin ding kamay ay pagod na
At ang papel na aking ginagamit ay puno na
Abangan mo ang susunod kong liham para sa iyo
—errors ahead
—open for critism
—plagiarism is a crime
Tumblr media
2 notes · View notes
semches · 3 months
Text
Sagada: Nababalot ng Hamog at Hiwaga
Sa paglisan ko sa Bataan, tila ba ang init ng sikat ng araw ay kaakibat ng takot na sumisilayan sa malayong patutunguhan. Kasama ang aking mga pinsan ay nagtangka kaminy bumisita sa Sagada, ang bayang nagtataglay ng malamig na simoy ng hangin at hiwaga ng kalikasan. Hindi na ako bago sa pagpunta sa kabundukan ng Benguet dahil dito nagmula ang aking ama. Madalas ang pag-uwi namin dito upang bumisita. Ngunit, sa pagkakataong ito ay hindi na ako umakyat ng Benguet upang bumisita, kundi para maglakbay. Ang pagdaan sa mahangin at bulubunduking kalsada ay tila sumasalamin sa taglay na ganda ng kalikasan. Ang kaharian ng Sagada, sa layong hindi pa nasisilayan, ay puno ng mga hiwaga na tila ba nag-aalok ng paglalakbay na mas higit pa sa mga pangarap.
Tumblr media
Sa wakas, pagdating sa gitna ng dilim, naroon na sa harap ko ang ilaw ng bayan. Ang unang paglapit ko sa kanyang mga kalye ay parang pagsilang muli sa isang bagong buhay. Nagsimula ang akint paglalakbay sa Sumaguing Cave, kung saan ang dilim ay mas naging makulay sa mga pormasyon ng mga bato. Ang bawat yugto ng paglakbay sa loob ng kweba ay parang paglipad sa ibang dimensyon, kung saan ang mga yugto ng mga bato ay nagsalaysay ng mga kwento ng kaharian ng kagubatan.
Tumblr media
Sa pagtahak sa hindi pangkaraniwang Sagada Blue Soil, ang lupa ay parang nagiging pintura ng kalikasan. Ang kulay asul na ito ay nagbibigay ng bagong anyo sa kagubatan, nagdadala ng mas maraming pagnanasa sa puso ng bawat naglalakbay.
Tumblr media
Hindi makukumpleto ang iyong karanasan kung hindi mo aakyatin ang Tanawin ng Kiltepan kung saan nakita ko ang kamangha-manghang tanawin ng karagatan ng mga ulap. Ang pag-ikot ng mga ulap ay tila nagbibigay buhay sa langit, nagbibigay ng halina sa puso ng sinumang makakakita.
Tumblr media
Ang panghuling destinasyon sa aking listahan ay ang nakakubling misteryo ng kanyang kagubatan at ang mga “Hanging Coffins” na naglalakbay sa ilalim ng madilim na langit ay nagbigay ng diwa sa bawat hakbang na aking tinatahak. Sa dulo ng lahat, nang lumubog na ang araw at muling bumangon ang buwan, naroon ako, nagmumula sa ilalim ng madilim na langit ng Sagada. Ang paglalakbay na tila ba isinulat ng mga bituin, ang bawat karanasang nagdala sa akin sa mga yugto ng saya at lungkot, ay tila isang malalim na pagnanasa na punan ang puso kong lugmok. Ang alingawngaw ng mga puno sa “Echo Valley” ay parang nagsalita ng mga lihim na hindi kayang unawain ng simpleng tao. 
Tumblr media
Sa pagdaan ng oras, narito na naman ako, humahakbang sa dilim ng kagubatan na tila ba kumakatawan sa mga pag-alaala ng nakaraan. Tulad ng pagtatapos ng isang dakilang kabanata, bumabalik ako sa mundong may liwanag, ngunit ang aking kalooban ay paminsan-minsan na lamang sa kanyang likas na pag-ibig. Sa bawat hakbang patungo sa biyahe ng pag-uwi, ako'y dala ang mga bitbit na lihim at pangarap na tila ba iniwan sa gilid ng mga bangin. Sa paglipas ng mga sandali, ang Sagada ay hindi lamang nagbigay sa akin ng mga alaala; ito'y nagpatakbo ng isang pambihirang kwento ng paglalakbay, sa ilalim ng madilim na langit na isang tanyag na sagisag ng mga lihim at pagnanasa.
1 note · View note
mga-salita-ni-kiro · 4 months
Text
Naniniwala ako na gago ang mundo at ang buhay ay madaya.
Pero sa kabila ng lahat, ikaw pa din ay aking nakilala.
Mga araw na patay ay muli mo na binuhay.
At ang mundo na wala nang kwenta ay muling nagkakulay.
Binigyan mo ulit ang mga bagay ng kahulugan.
Ikaw ang naging ilaw para makita ang lahat sa kadiliman.
Ikaw ang nagsilbing gabay para makita kong muli ang katotohanan.
Ikaw na nga ang biyaya para sa akin mula sa kalangitan.
Ikaw ang araw na yayakapin ko kahit ano pang init ang maramdaman.
Ikaw ang mga bituin sa madilim na langit na lagi kong pagmamasdan.
Ikaw ang buwan na nagbibigay liwanag sa madilim ko na daan.
Ikaw na nga ang langit, na gustong-gusto ko na mapuntahan.
Ibinigay ko na sayo ang kahulugan mo sa buhay ko.
Gumamit ako ng mga metapora upang malaman mo ang halaga mo.
Nagsulat ako ng simpleng tula, para sayo, mahal ko.
Kaya sana ay huwag mo na bitawan pa ang mga kamay ko.
Sumama ka sa akin, at sabay natin na labanan ang gagong mundo.
Madaya man ang buhay, basta't ikaw at ako ay magkasama, tayo, kakayanin natin ito.
Kiro - Ikaw, 4 AM
0 notes
soulpoetrylied · 7 months
Text
“Pretend that we are more than friends, then of course I'll let you break my heart again.”
Bago kita nakilala ay buong buo ako, ngunit noong nasilayan kita ay parang binago mo ako. Binago mo ang pananaw ko, kaya ngayon ang nais ko ay mapalapit sa iyo para naman mapansin mo at maisip na “Ay, baka pwede ito.” Ang isang araw ay napunta sa linggo– hanggang sa umabot sa buwan na kahit libo-libong bituin ay hindi mapigilan aking nararamdaman. May mga araw na napapansin mo ako pero wala pa ring pinagbago dahil estranghero pa rin talaga ako saʼyo. Bawat buwan na lumipas mas nagpupursige ako na makilala mo ako. Hanggang sa mapansin mo na ako, hanggang sa mapalapit na ako saʼyo. Masaya ang mga araw na kasama kita na para bang ʼdi alintana ang bawat takbo ng oras makasama lang kita. Ngunit isang araw nagbago ka, hindi na tayo lumalabas gaya ng nakagawian ng ilang buwan, hanggang sa nalaman ko na meron ka na palang kasintahan.
Lumayo ako hindi dahil nasasaktan ako. Lumayo ako dahil masaya ako para sa iyo, ngunit may kirot pa rin sa puso ko na nagsasabi na “Bakit hindi na lang ako?”. Ilang buwan ang lumipas, masayang masaya ka nakikita ko pero ako ito ikaw pa rin walang pinagbago. Sinusubukan ko namang limutin ka pero masyado atang lumalim ang pag ibig ko, na minsan na ring sumagi sa isip ko na sana ako na lang ang sinisinta mo.
Isang araw habang nagsusulat ako ng tula para sa pag-ibig ko saʼyo, nakita kita sa may likod ng puno lumuluha ang mga mata mo. Kaya napatanong ako sarili ko na “Bakit anong nangyari sa minamahal ko?”. Sinilayan muna kita sa malayo bago lumapit sa iyo at itinanong kung anong nangyari sa iyo ‘kaibiganʼ ko. Nalaman ko na wala na kayo ng kasintahan mo. Naawa ako sa iyo dahil hindi ka sana masasaktan ng ganito kung napansin mo lang sana ang mga kinang ng mata ko tuwing malapit ako saʼyo. Niyakap kita at sinabing “tahan na.” Ngayon napagtanto ko na handa akong masirang muli, mabuo ka lang aking sinta.
Tumblr media
0 notes
ghnpstls · 8 months
Text
HINDI INAASAHANG PASKO SA QUEZON
Isang hindi inaasahang lakad ang bumungad sa aming pamilya, Lahat kami ay inayos ang mga gamit at sa petsang disyembre 23, 2018, Kami’y lumisan sa Dinalupihan. Kasama ang buong pamilya masayang nakasakay sa van dahil ito ang unang beses na kami ay makakapunta sa Quezon kung saan ipinanganak at lumaki ang aming lolo. Halos anim na oras ang byahe papunta rito kung kayo’y mas sariling sasakyan tulad namin. Sulit ang byahe dahil sa napakagandang tanawin papunta rito, mayroon naglalakihang puno at maliliit na waterfalls, kay sayang pagmasdan at daanan ng mga ito talaga namang nakakapukaw atensyon sa bawat turista. 
Tumblr media Tumblr media
Nang kami ay makarating na sa aming patutunguhan sa lucban ay tila kami ay namangha sa klima, hindi sobrang init at hindi rin sobrang lamig at ang mga daan ay napaka linis. Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit kami ay mag papasko sa rito ay sa kadahilanang ang isa sa aming Lola  ay binabantayan na kami mula sa itaas kasama ang aming lolo. Sa araw na ito ay talagang napakahalaga para samin dahil halo-halong emosyon ang aming nadama, Ngunit sa kapalit ng mga luhang patuloy na tumutulo sa aming luha ay napalitan ng saya. 
Mga Pinuntahan namin sa Lucban 
PALENGKE
Sa mismong araw ng pasko ay buong pamilya kaming nilibot ang Lucban Quezon, Kami ay nagsimula sa kanilang Palengke na tila kitang-kita ang disiplina dahil sa linis at eco-friendly pamumuhay, karamihan sa nakita naming tao sa palengke ay may sari-sariling eco bag at ang mga bigas, isda, gulay at iba pa ay nakabalot sa diyaryo at hindi sila gumagamit ng plastic bag na talagang nakakamangha tignan para sa’kin.
Tumblr media Tumblr media
KAMAY NI HESUS
Sumunod ang Ang Kamay ni Hesus ito ay isang sikat na destinasyon ng mga turista sa Quezon kaya naman isa ito sa aming pinaka gustong puntahan. Ang simbahan ay sinasabing isang healing church, ibig sabihin ay naniniwala ang mga deboto na nagkatotoo ang mga healing prayer dito sa Kamay ni Hesus.
Isa-isa kaming kiukuhanan ng litrato sa likod ng malaking christmas tree dahil ito nga ay araw ng pasko at dahil kilala rin ito sa 300-hakbang na pag-akyat sa malaking rebulto ni Hesus kahit na sobrang sakit ng aming mga hita ay talaga napakagaan sa pakiramdam ng makatating na kami sa itaas, makikita rito ang berdeng kalikasan at sariwang hangin. Sa pag baba namin ay pumasok kami sa simbahan para magpasalamat at mag dasal para sa masaya at ligtas na paglalakbay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Plaza De Revolución
 Kinagabihan ay nag lakad kami papunta sa plaza para mag makita ang mga maliliwanag at kumukutikutitap na ilaw at palamuti. Tuwang-tuwa ang aking mga nakababatang pinsan at kapatid sa ganda ng plaza. Napaka Gandang pagmasdan ng mga maliwanag sa buwan at kumikinang na bituin sa araw ng pasko kasama ang pamilya. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang pag-uwi
Sa aming pag-uwi bakas ang saya at pagod naming lahat. Isang napakahalaga at hindi inaasahang memorya ang nabuo sa aming pasko, salo-salo ang lahat sa pagkain at tila limot ang problema na mayroon ang bawat isa.  Sa hindi inaasahang panahon ay namulat ang aming mata sa bago, disiplina at magandang pasyalan ang mayroon sa lucban quezon. Hindi pa kami na nakarating sa bahay ay nag pla-plano na muli ang aking pamilya sa muling pag-balik sa lucban at mas tagalan pa raw namin ang araw na kami ay magbabakasyon dito.
1 note · View note
thecatlovedthedog · 10 months
Text
HI, HELLO
Hi, hello dito nagsimula ang lahat
dalawang taong magkaiba pero isa lang ang nadarama
Hi, hello siguro dito talaga nagsimula di lang makapaniwala
di agad napansin nahuhulog narin
di ko talaga napansin, nung una nagsimula lang tayo sa patingin tingin
akala ko hanggang magkaibigan lang
bakit ninanais na ata ikaw maging akin
masyado ata tayong mabilis, isang araw lang di magusap tila di agad makatiis
baka naman tayo ay malihis
marami pang kailangan unahin at ang sarili muna ang intindihin
magaral muna tayo, maniwalang kahit di naguusap walang magbabago
sa tuwing ako'y matutulog kahit sa mga dasal ko pati ikaw kusang naisasama ko
nahuhulog naba ako o baka nalilito lang ako, magkaibigan palang naman tayo sabi mo
pero yung mga mata at ngiti mo parang iba na yung nararamdaman ko
baka isipin mo nagaassume lang ako pero yung mga pinapakita mo sakin tila kilig na kilig na ako
nako parang masama na ata to, pano kung walang sumalo, Lord tulong po nagooveethink na ako
sabi nila delikado na daw ako
sa mga kwentuhan namin puro ikaw na daw bukang bibig ko
gabi gabi ng naguusap, nakikichismis narin pati mga bituin at mga ulap
kahit ang buwan nakatulog na sa ating late night talks na paguusap
sumikat na ang araw
ang oras mabilis gumalaw o parang bumabagal?
sabi mo tulog na pero parehas ayaw bumitaw
mga nararamdaman di na naiiwasang lumitaw
tuloy tuloy lang ang usapan
bakit ayaw pa ba magtapatan
natatakot parehas o baka lang nagkakahiyaan
gusto nalang hayaan, pero ang lahat may hangganan
ayaw pagusapan,
baka biglang manlamig parang sahig, natatakot maglaho yung kislap ng yong mga titig
siguro sinubukan naman namin parehas
pero parang nasa rehas kahit letra o salita walang makatakas
nais ilabas sa aking bibig matagal na kitang iniibig
sana walang magbago hanggang sa huli para walang pagsisisi
siguro pagnagmahal talaga tayo, kailangan magtapat at sabihin ang totoo
wag sayangin ang oras kung hindi naman ako ang para sa iyo
hi, hello dito nagsimula pero mukhang seen at inboxzone nagtapos,
naglaho parehas mga pusong naghihikahos
sabi nila may walang hanggan
pero bakit ganun ang lahat bigla nalang tinuldukan
lahat ng kwentuhan at pinagsamahan naiwan nalang sa nakaraan
ayos lang, siguro kasama lang talaga to sa buhay
dapat matuto agad,
hindi lahat sa pagibig pinapalad agad
wag maghanap kung saan saan
maghintay nalang ng mabuti sa isang nilalang na satin talaga nakalaan
1 note · View note
Text
Isang-daang araw ng mga tula para sa kanya
Ika-sampung araw: Alitaptap
Hindi makapaniwala sa libu-libong liwanag; Sa dilim ng kagabihan, bumaba ang mga bituin sa kalangitan.
Ikaw ang tanging kindap ng liwanag sa gabing walang tala; Isa akong estrangherong walang gabay, sa kalawakang aking nilalakbay nanabighani sa kislap mong taglay.
Sa mga talulot ng liwanag nitong buwan nakakapaso; Kwento nitong pusong tuluyan nang nahapo, mga damdaming sayong pisngi dumapo.
Sa bawat kidnap ng liwanag mong unti-uting naglalaho; Maririnig itong taludturan ng himig, mga kantang mula sa malamig mong tinig.
Isa kang alitaptap sa mundo kong lumbay; Binubuo mo ang taludtod nitong aking mga tula, hahanap-hanapin kindat ng liwanag mong sana'y hindi mawala.
Liwanag mong may taglay na tugma; Samahan mo akong sumayaw sa harap ng daang libong tala, nasabawat ating galaw bakit ang mahalin ka’y parang isang malaking sala.   Aking alitaptap sa ilalim nitong kalangitan; Ikaw ang liwanag sa daang libong milyang nag daan, atsana nama'y madapuan mo itong pusong sayo lang nakalaan.
0 notes
upismediacenter · 1 year
Text
LITERARY: Juan(a)
Tumblr media
Lábing pula na kasintamis ng presa Nagnakaw ng halik, nalipat ang mantsa May dumaan at sinabing bagay ang tinta ‘Di alam na gáling ‘to sa aking sinta
Nagagandahan sila sa bahaghari Pero sa ulan, tayo ang laging basâ Itim na ulap, puputi ba sakali? Pag-ibig nati’y may nakataling banta
Ang kislap ng iyong tingin, mistulang mga bituin Ngunit sa dilim mo lang pinapailaw Sa liwanag ng araw, ‘di ka malambing Sa ilalim ng buwan ang iyong lígaw
Nananaginip ng mundong walang hamon Kung saan pagmamahalan nati'y ligtas Subalit ako’y gigising at babangon Balik sa mundong puno ng pintas
0 notes
tellerluna-stories · 2 years
Text
behold, the ULTIMATE POWER of yoohankim matchy layouts with the celestial trio !!!!!! featuring my stars @byeol-ssi and my sun @x-zho <33
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
WE LOOK SO CUTE TOGETHER LETS GOOOOOOOOO
10 notes · View notes
oblong22 · 2 years
Text
Spoken Word Piece
Ito ang ating simula, gitna at ang dulo
Ang walang katapusang daan na hindi abot ng tingin ay napupuno ng pakikipagsapalaran ng libo-libong tao at mga sasakyan
Sa kung paanong ang landas na tinatahak ay tiyak na nagmumula sa pinanggalingan hanggang sa paroroonan ay kabaligtaran kung pag-ibig ang pag-uusapan
Ito ang ating simula, gitna at ang dulo
Ikaw ay unang nakita sa malayong distansya at oo, ikaw ay buwan sa malayong dulo ng daan
Ang pagmasdan ka ay tila pagtingin sa larawan ni Mona Lisa
Hindi man ikaw ang pinakamaganda, itinuturing kang nakabibighani at nakahahalina
Sa mga pagkakataong ito, alam ko, ikaw ang gustong paroonan
Gitna.
Buntong hininga at labis na tuwa sapagkat ikaw na destinasyon ko sa wakas ay narating
Yakap ka’t walang sawang hinahagkan
Ang hangad ay laging papunta sa iyong piling
Sinaulo ko ang bawat daan, tanda, gusali, ilaw at tawiran
Sa iyo lang ako.
Mahaba man ang daan, abutin man ng mabagal na pagdaloy ng mga sasakyan at maghintay hanggang madaling araw
Yana, araw-araw ako’y uuwi sa’yo
Dulo.
Ito ay ang pagkakataong hindi natin namamalayan
Masaya ang malagpasan ang maliliit na bitak sa kalsada ngunit gugulatin kang bigla
May lindol na biglang mananalasa
O unos na biglang raragasa
Hindi ba’t sabi nila ay magpapatibay ito ng relasyon?
Oo, sa mga pagkakataon na pinili ang pananatili
At hindi, sa mga pagkakataong paglisan ang ginawang solusyon
Siya ay nakabibighani at nakamamangha at isa pa, nakalulula at tila nakabibingi
Sa kung paanong ibinulong sa akin ang bawat pangako ng pagtatagal ay siya ring pagsigaw sa pagtatapos ng sinabi niyang walang hanggang pagmamahal
Yana.
Miski ang pagbanggit sa pangalan mo ay nagsasanhi ng panibagong bitak at pagbubungguan na ikaw pa ang nagsabi ng pangakong hindi pag-iwan
Nasaan ka?
Sa bawat daan at sa bawat kanto’y hinahanap kita ngunit ang natira ay ang bawat ala-ala sa bawat pagkakataong kasama ka
Tapos na.
Hangad ko ang hindi ka lisanin ngunit hindi sapat ang mga hiling kong ito
Kaya’t mga bituin, gabayan sana ng iyong ilaw ang landas na kanyang tatahakin
At kung dumating ang pagkakataong mapunta ka sa isang hindi pamilyar na daan at makakilala
Sana’y sapat ang mga tanda na aking iniwan
Upang sa huli, sa akin pa rin ang iyong patutunguhan.
1 note · View note
ulapluna · 2 years
Text
Si Tiya Sera
Kinukulayan ng mga bahaghari ang kalangitan. Yumayakap ang mapagkalingang init ng araw sa bawat nasisinagan. Dinadalaw ng kapayapaan ang dinadaanan ng nakikipaghabulang hangin. Nakapaligid ang lahat kay Tiya Sera habang naghahanda sa kuwentong pinagmulan ng lahat. Isang diwata ng kalikasan ang aking Tiya.
Sinimulang ikumpas ang maliit na sanga para magpalabas ng hiwaga.
Isang kumpas, napalitan ang tanghaling-tapat ng buwang nakasipat.
Dalawang kumpas, sumindi sabay-sabay ang pailaw ng mga alitaptap.
Tatlong kumpas, umawit ang mga kuliglig kasabay nang pagpapaliwanag ng buwan. Bumulong ang hangin sa aming mga pisngi. Ito na ang senyales na lahat ay dapat makinig.
Katabi ni Tiya Sera ang pinakamatandang duwende dahil kasama niya ito sa pagkukuwento. Nagmamasid naman sa malaking sanga ng Narra ang tikbalang at katabi nito ang mangkukulam. Tumatayo ang balahibo ko kapag sabay silang tumatawa lalo na kapag masaya ang kuwentuhan. Mabuti na lang at nasa tabi ko ang mga kaibigang sirena ni Tiya Sera. Kapag ako’y natatakot umaawit sila na sobrang nakahahalina. Nasa likod naman namin ang mga siokoy, iba pang engkanto at mga hayop. Sumasayaw naman sa paligid ang mga alitaptap, paro-paro at iba pang insekto. Isang salo-salo para sa napakagandang kuwento mula sa aking Tiya Sera. Lahat ay magkakaibigan at nagkakasiyahan. Pati ang buwan nakikitawa habang kayakap ang mga ulap.
Nagsimula sa pagwasiwas ng maliit na sanga na sa lahat ay nagpahanga. Nahawi ang mga bituin dahil naging isang malaking panoorin ang kalangitan. Sandaling tumabi ang buwan at nakipanood din. Isang mahikang kagila-gilalas. Natapos ang palabas sa pumaligong mga munting tala. Inihatid ng hangin ang bawat isa sa kanilang tahanan. Kumukundap-kundap na ang mga bituin nang kami ay humimbing. Nanatili si Tiya Sera sa kaniyang puwesto at doon nagpahinga.
Kinabukasan ay nasa paborito kong puwesto lang ako habang pinagmamasdan si Tiya Sera. Hindi ko siya malapitan dahil kinakausap niya isa-isa ang kaniyang mga kaibigan. Kapag pinapayuhan niya ang mga ibong nawalan ng tirahan ay nagsasalita rin siya na parang ibon. Kinakampay rin niya ang mga kamay hanggang sila’y magkapalagayan. Nakatatakot naman kapag kausap niya ang mga engkanto lalo na ang mangkukulam. Pinapatinis ni Tiya Sera ang boses niya dahil nasasaktan daw ang mangkukulam kapag ang boses niya ang pinagtatawanan. Kapag naman ang mga insekto ang kausap ay parang silang nagbubulungan. Ayaw raw kasi ng mga insekto na para silang sinisigawan.
Madalas ay hindi ko nakakausap si Tiya Sera dahil napakarami sa kaniya ang nagpapakonsulta. Nagrereklamo na rin siya sa akin dahil lahat na raw ng trabaho sa mundo ay ginagawa niya. Nakatitig lang ako sa napakahabang pila ng mga humihingi ng tulong sa aking Tiya Sera. Hindi naman ito nalalayo sa utos ng aking Inang Reyna, inatasan akong maging tagapag-alaga ng aking diwatang tiya. Pagkatapos ng araw ay hindi mawawala ang yakap sa akin ni Tiya Sera. Pero minsan hindi niya na ako nakikilala, napagkakamalan niya akong duwende, isda, siokoy, kapatid ng tikbalang at minsan pa nga ay isa sa kaniyang mga kaaway — ang mga bungisngis.
Malakas ang buhos ng ulan, umaapaw ang mga ilog at gumagapang ang baha papunta sa trono ni Tiya Sera. Wala ang kaniyang mga kaibigan, ako lang at siya ang magkasama. Bumubulong si Tiya hindi ko sigurado kung may kausap siyang insekto.
“Nariyan na naman ang mga bungisngis. Papalapit na sila sa atin. Mag-iingat ka munting kaibigan.”
Hindi ko muna nilapitan si Tiya. Baka nagkaroon siya ng mga masamang pangitain.
Kinabukasan, may iniutos si Inang Reyna sa akin. Nagpaalam ako upang maagang makaalis. Nagsabi rin ako kay Tiya Sera na mag-iingat habang wala ako.
“Huwag kang umalis munting kaibigan, maraming bungisngis sa labas ng ating kaharian.”
“Kaya ko po ang sarili ko, hindi po ba, ako ang tagapag-alaga ninyo?”
Napatitig sa akin si Tiya Sera. Balot ng takot ang kaniyang mukha. Hindi rin niya ako gaanong makilala.
Paglabas ko may malaking pista sa labas ng kaharian. Dumadagundong ang kalabog ng malalaking tambol kasabay ng mga hiyawan. Nakapaligid ang banderitas. Nagkakasiyahan ang mga tao. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang makarating tapat ng simbahan. Sa rebulto ng malaking anghel may mga sigaw na pumaibabaw.
“Munting kaibigan! Nariyan na sila!” sigaw ng pamilyar na boses. Ang aking Tiya Sera.
Tumatakbo siya papunta sa akin. Sumisigaw at hinahawi ang karamihan ng mga nababangga. Humahangos. Itinutok ang espada sa paligid. Buong tapang makikipaglaban.  
“Mga bungisngis lumayo kayo!”
Ngunit unti-unti, nawala ang kaniyang ganda’t liwanag. Ang kumikislap na kasuotan ay naging nakapalupot na kumot. Ang korona na yari sa mga rosas ay naging pulang balabal na hanggang bewang ang haba. Ang mga umiikot na alitaptap na nagpapaliwanag ng kaniyang paligid ay naging polbo sa mukha at hindi na siya nakakalutang. Lumitaw ang sugatang paa na walang suot-suot na tsinelas. Napahinto ako’t hindi makapagsalita.
            Niyakap niya ako.
“Proprotektahan kita Sariel dahil ako ang iyong diwatang tiya,” bulong niya. Nakilala na ako ni Tiya Sera.
            Hindi nagbago ang kaniyang mapagkalingang yakap pero nagsimula ang hagikgikan hanggang mapunta sa halakhakan.
“Si Serang baliw narito na naman,” sigaw ng isa naming kapitbahay.
            Kilala ko ang mga tumatawa, hindi sila mga bungisngis pero habang tumatagal ay nagbabago ang kanilang itsura. Ang mga kalaro ko, naging bungisngis. Ang mga kapitbahay namin, naging bungingis. Hindi ko na sila makilala dahil sa kanilang tawa. Gusto kong protektahan ang aking tiya pero mahigpit ang yakap niya sa akin. Siya ang pumoprotekta sa akin.
“Huwag kayong lalapit sa amin! Mga bungisngis!” habang winawasiwas ang walis tingting na kanina ay espada.
            Sumaklob ang isang anino sa amin.
“Tumigil na kayo! Walang nakakatawa!” sigaw ni Mang Lito. Sinundan din ito ni Aling Fe. Tinangay ng hangin ang malakas na tawanan. Para silang mga kabalyerong anghel katulad ng malaking rebultong anghel na nilalabanan ang mga halimaw sa tapat ng simbahan. Mainit rin ang kanilang mga yakap at akbay. Mapagkalinga.
            Inakay nila kami papauwi. Sa parada ng pangungutya ay hindi naman lahat nakikisaya.
Hindi naman lahat tumatawa, iilan lang ang bungisngis. May ilang nakatingin lang at nagmamasid parang ang kaibigang tikbalang ni Tiya Sera. May ilan ring nagbabawal at nagtatanggol, mga anghel rin kaya sila?
Naiuwi namin si Tiya Sera. Sa kaniyang silid at paboritong upuan, naglaho ang kaninang takot at pangamba. Nakausap ko si Inang Reyna o ang aking Nanay Celi.
“Sa mundong ito, marami ang mga anghel na nagtatago. Minsan hindi nila alam na anghel pala sila pero alam nila ang misyon nila sa mundo,” paliwanag ni Nanay.
Tulad nila Mang Lito at Aling Fe na kay bubuti. Tulad ni Tiya Sera na sinubok ngunit hindi nagpagapi. Malinis ang puso at hindi gumagawa ng masama. Tulad ng mga may kapansanan sa katawan ngunit pinili paring maging mabuti. Tulad nating buo ang regalo’t hindi nagpapatukso.
“Ituring natin lahat bilang isang biyaya at maging biyaya sa lahat,” dagdag ni Nanay Celi.
Binukadkad ko ang aking kamay, lumapit at yumakap kay Nanay at Tiya Sera.
Ako rin pala ay isang anghel at isang biyaya. Isang anghel na may dalang kabutihan na susupil sa lahat ng uri ng kasamaan.
Ang Akdang ito ay entry para sa Kuwentong Pambata Category ng Saranggola Blog Awards 12. #SBA12
https://culturalcenter.gov.ph/?fbclid=IwAR3P4ZmQIat6becHidrWTjBc9zpz4OEXaYD5zlDamYepjOTMoxNTDTGtJE4
https://culturalcenter.gov.ph/?fbclid=IwAR3P4ZmQIat6becHidrWTjBc9zpz4OEXaYD5zlDamYepjOTMoxNTDTGtJE4
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
greenteaanon · 2 years
Note
sanggol, sanggol, ikaw ang aking araw at buwan At bawat isa na nasa gitna Ang daming marikit na pagmumukhang sumasayang sa oras ko Pero ikaw aking pangarap na babae Pinabubuka mo ang bulaklak Pinagbangga mo ang mga bituin Hindi ko alam ang ginawa ko nang swertehin ng ganito Pero siguradong ayos lang ang pakiramdam ko.
"ay nahulog cellpon" decurb
1 note · View note
trickramirez · 2 years
Text
iro
Tumblr media
Isang gabi, habang mundo'y tahimik
Nakatingala't nagmamasid, buong puso, ako'y humiling ...
Nalunod
Sa mga bakas ng nakaraan ako noo'y nalunod
Di alam sa'n patungo
Di alam kung saan dadalhin ng mga daluyong
Naligaw
Mga guni-guni't multo sa isipa'y gabi-gabi akong niligaw
Sa landasing kay dilim at kay panglaw
Doo'y naiwang mag isa't giniginaw
Kay rami nang hinarap na gulo-gulo
Napagal, lumuha't nasuyod ang buong mundo
Paulit ulit nalugmok
Paulit ulit nalumbay at nabigo
Ngunit sa kalagitnaan ng pagbitaw at pagsuko
May kumabig at humila pataas sa basag-basag kong puso ...
"Pahiran ang mga luha
Tatagan ang dibdib pagkat
Mula sa araw na ito'y 'di ka na mag iisa
Hihilumin nating sabay ang nalusaw mong pag asa"
At yaon nga ang wika ng yaong puso sa akin
Labis ang pintig, labis ang nginig
Dulot ay tag araw sa pagsintang sinusubok ng habagat araw-araw
Isang gabi, habang may alinlangan sa paligid
Huminga ng malalim ... buong pusong tumalon sa mga along nagliliwaliw ...
Giliw ko, ika'y tinatangi ...
Kalangitan sa dibdib, ngalan mo ang s'yang ninanais nais
Tinatangi ka —
Naparaming rason kung bakit sinta
Ngunit ngayong gabi, habang buwan ay kalimbahin
Hayaan mo akong ituran ang ilan sa 'sang libong rason kung bakit ...
Tinatangi kita pagkat ikaw ay ikaw
Tinatangi ka pagkat dulot mo'y kalma; payapa ang isipan 'pag ikaw ang kasama
Tinatangi ka 'di dahil sa mga bagay na sa 'ki'y handa mong ialay
Bagkus ay sa mga lagablab na dulot mo sa t'wing nyebe'y nagbabadya
Tinatangi ka pagkat buong puso, ako'y iyong tinanggap
Walang pag aalinlangan ni walang pagtatanong
Niyakap mo aking mga naghihingalong piraso
Tinatangi ka, o, sinta
Ang talang marikit sa gabing maginaw at mapanglaw
Dulot mo saki'y maningning na bughaw
Labis ang kintab, labis ang pusyaw
Walang ibang mahal kundi ikaw
Ikaw lamang, walang kapantay
Ngayong gabi, habang lahat ay pagod na't umiidlip
Sinusulat ko paunti unti ang istorya natin … isang maningning na bituin na ngayo'y akin nang pag-aari
1 note · View note