Tumgik
#magfocus din sa isang bagay
Text
Sabi nila, nakakabaliw daw ang law school. Minsan nagiging biro pa nga na wala raw buhay ang mga nasa loob nito. Dahil kahit pahinga ay paniguradong mawawala sa dami ng dapat basahin. Akala ko pananakot lang ito ng marami, pero nung ako na mismo ang nandito masasabi kong hindi biro ang law school. Kahit saan ka mang institusyon nabibilang hindi magiging madali ang apat na taon para sa iyo.
Dito, susubukin ang pasensiya, lakas, pag-iisip, at s'yempre pinansiyal na aspeto ng isang tao.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos kailangan mong magbasa. Kailangan mong paghandaan ang bawat klase, kasabay ng mga personal na problema. Isama mo pa ang problema sa trabaho na wala ka namang magawa kasi kailangan mo ng pera.
Kailangan mong magpatuloy kahit na nanghihina at nalulungkot ka pa sa mga pagkakamali mo sa nakaraang recitations. Kailangan mong magfocus kahit na hindi mo na alam kung magiging maayos pa ba ang lahat. Kailangan mong maniwala sa sarili mo kahit na sa iyong palagay kung minsan ay paulit-ulit ka nitong binibigo. Sa ganitong mga pagkakataon, kailangan mong alalahanin na sa matagal na panahon, sarili mo ang iyong naging kasangga kaya't nararapat lamang na ibigay mo sa kaniya ang iyong tiwala.
Hindi madali at hindi magiging madali ang law school. Alam ko iyan at kahit papaano sa tingin ko ay handa ako. Nakakafrustrate makitang may buhay ang iba samantalang ikaw ay nasa isang kwarto pa rin nagbabasa at naghahanda sa paparating na recitation.
Sa apat na taon, alam kong marami pang mangyayari, maganda at hindi. Salamat sa mga tao na kahit papaano nagiging magaan ang mga bagay. Salamat sa mga tao na nagpapaalala sa akin na kahit paunti-unti, kahit na mabagal ay umuusad ako at sa tamang panahon darating din ang tagumpay ko.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
pachang · 6 months
Text
Some points to be an Effective Christian
1. Ead the word
2. Daily Habit (pray)
3. Renew the Mind
4. Connect
5. Daily practice of Forgiveness
1. Read the word= intindihin ang bibliya ng buo, basahin ng buo at hindi patche patche upang maintindihan maigi ang nilalaman. Ginagawa lang natin yung patche2 dito dahil yung paksa o topic ng magword for today. Gawing habit, intindihin at isabuhay.
Colossian 3:16 itanim nyong mabuti sa mga puso ninyo ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nyo and isat isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga Salmo,Himno at iba pang awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo. Bro and sis maliwanag? to know the scripture is to receive revelations from God by the Holy Spirit. Until unti mapapansin mo at ng mga tao sa paligid mo nagbabago ka na for good.
Salmo 119:105= ang salita nyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay liwanag sa aking daan
If you read the bible from first page to the last page mas magiging effective kang tagapagshare ng word ni God.
2 timoteo 3:16-17= lahat kasulatan ay isinulat sa panmamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotothanan, pagsasaway. Pagtutuwid at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay. So bro and sis puntos #1 Read the Word
2. Daily Habit (prayer)
Mateo 26:40-41= binalikad ni Jesus ang tatlo nyang tagasunod at dinatnan niya silang natutulog. Sinabi nya kay pedro,” hindi ba talaga kayo makapagpupuyat na kasama ko kahit isang oras lang? Magpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituy hangdang sumunod ngunit mahina ang laman.
Take note ang espirituy handang sumunod ngunit mahina ang laman meaning, Si Holy spirit nasasaatin na e gusto nyang mag pray pero tinatalo ka ng mga distractions mo sa paligid yun yung laman ibig sabihin mga makamundong gawi o bagay. You know why? Kasi Prayer is the death of the flesh. Ang panalangin ay kamatayan ng Laman mga bagay na gumugulo sa yo kahit ngayun di ka nakikinig kasi nadidistrak ka. Alam nyo ba kung bakit nilagay ni Lord si Holy Spirit sa bawat isa saatin? Its an invitation to pray,God put desire in you bcoz God is calling unto you. Bro justin nagppray naman kami ah kulang pa ba yun?
Spontaneous prayer= Yan yung madalas nating ginagawang prayer. Ano to? Pag gising Lord thank you buhay pa ko at bagong pakikibaka Lord thank you di ako malalate ngayon. Lord ingatan mo ko para safe ako makarating sa cby or dalisay.
Very good yan kc alam mo na si God ay sumasainyo. Aware ka na si God dinka papabayaan.
Scheduled Pray or Me Time itonyung prayer na wala kang ibang gagawing kundi magfocus kay God out of any distractions wala kang ibang gagawin kundi makipagusap sa Panginoon . Pinapayagan mo syang ayusin ka nakikipagniig ka just you and God without any distractions.even Jesus ginagawa nya to. Para makipag usap sa Ama ng walang distractions. Umaakyat oa sya ng bundok diba so tayo sarado lang ng pinto ng kwarto pwedeng pwede na kc ang gusto ni God kayong dalawa lang ang maguusap.gawin nyo yung Me time or scheduled prayer it will align you with the will of the Heavenly Father magiging masmaayos ang buhay mo promise.
3. Renew the mind= natalakay na din to ni sis mila last time kung nakinig kayo, idadagdag ko lang na for me to repent is to change the mind. Ang paghingi ng tawad is a one step forward to renew your mind. Set aside mo yang ego and pride mo why yang ego at pride mo wont allow you to know na ikaw ay naliligaw na pla ng landas bakit ulit? Yabang mo e kala mo ikaw laging tama taas ng ere mo kalamo ganda ng ugali mo pero bulag ka sa katotohanan na marami ng nagagalit sayo. Real talk tayo dito ha. Magbago kana di lang dahil dami ka na naririnig about you na nega magbago ka para sa sarili mo for the sake of your growth as a christian.Aspire to be inspired, fight! For the truth to renew your mind.
4. Connect= key word dito disconnect to connect. Disconnect your self once again to the world sa mga distractions pag inaatake ka ng kalaban acknowledge that all the word of God is true then you are the winner. Huh yun lang puntos number 4? Yes yan lang you know why?alam ni Lord na babalik nanaman tayo sa di magagandang gawain para balikan mo yung puntos number 1 2 3. Yan ang puntos 4 connect once again tru Read the word, Daily habit of prayer spontaneous and scheduled prayer and renew the mind.
Last but na puntos pero napaka importante so listen bro and sis.
#5. Practice Forgiveness Everyday
Base on my experience
Facebook Post about Forgiveness.
İnternet space is weird but helpful
İnternet amaze me but sometimes makes me sad
May mga violent reactions about forgiveness
-hindi mo alam kung anong ginawa sa akin kaya wag kang ano jan! Capslocked pa yun na
-grabe sama ng ugali ng dati kong frend kaya wag mong sabihing patawarin ko sya di nga nya iniisip magSorry sakin eh
-you dont know what you are saying preacher!
Ngayon ako naman huh? Luh anu yun?
Bro and sis mahirap magpatawad tama? Totoo yan. Tatamaan ka sa post kahit di para sayo yung forgiveness post tama? Feeling mo inaatake ka ng taong di mo naman kilala.
Thats Hurt, thats pain, thats unhealed wound. Right now yung iba sinasabi how dare you say i need to forgive you dont know the story. Well ask your self why? Bakit mo pinepersonal? Im telling you why? Its bcoz thats an area thats unhealed and youre guarding it bcoz you are afraid of being hurt again. Im saying this to you as your brother in Christ. I know its scary to open your heart like that lalong lalu na pagkatapos mong masaktan and burned and betrayed i cant pretend na alam ko sitwasyon mo, hindi ko alam. But God does He always Does and here what the Bible says
Efeso 4:32 sa halip maging mabait kayo at maawain sa isat isa at magpatawad kayo sa isat isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Kristo.
Namatay si Jesus sa krus at napatawad ang ating mga kasalanan. We receive the benefit of that forgiveness by faith namely salvation but He still forgave us. So ikaw at ako ay meron hindi lamang opurtunidad but the oligation to forgive others just us God has forgiven us.
So to those who hurt me I forgive you,to those na nasaktan ko w/ or w/o my knowledge im very sorry i love you bro and sis we casn do this all together, thats all for the day thank be to God.
0 notes
critic-cal · 8 months
Text
For me, focus on yourself, and talk about it with your partner. Kasi sabi ko sa nanay ng anak ko moving on is not easy, hndi sya isang iglap lang. Since she ask for a chance, sabi ko kasabay nun is maybe I will be toxic by reminding her the past. Sabi ko, there maybe times na susumbatan ko sya pero sabi ko tulungan niya ako, kasi I did not ask for this. Hndi ko to ginusto, my mind maybe stressed and traumatized kaya I still think about it. Kaya more on closure kame, I ask her slowly what went wrong bakit nagawa niya sa akin yung panloloko. Did she love the guy, what makes her to cheat again with me, and to remind her na she is always free to leave if he thinks ayaw na niya kesa lokohin niya ako ulit. Actually for me it been 10mos since niloko niya ako, I wouldn't say I am fully healed. Pero masasabi ko na I am more happier now and thinking less about our past issue. I see naman na she is honest with by not doing mistakes again, pero hndi na ako nagfocus dun. Nagfocus ako sa sarili ko on how I improve myself. More on sarili ako ngayon, nag-lelearn ako ng new skills, by availing free training online. So far, anak, school nila at sarili ko priority ko ngayon, I make myself busy. Hndi ko sya masyado iniisip , kasi I've had enough. Narealize ko kasi na even if I focus on her wala rin tlga mangyayari, di na maibabalik ung nagawa niya, at remember nothing last forever if sila mismo gagawa ng bagay na ikakasira ng relasyon natin. I mean mas maganda magfocus tayo sa sarili natin, kung ano pwd nating magawa para maimproved tayo physically, emotionally and sympre piniprepare ko sarili ko para if may opportunity to work gora ako. Ayoko ilugmok sarili ko kakaisip sa past, kasi unfair for me, na ako lang nagpapakastress sa sarili ko, while them eh busy sa buhay nila at maybe nakamove on na rin. In short utak mo dapat ang pinapairal mo hndi ang emotion mo. If I am weak, baka nasa depression padin ako, di ko sinabing perfect na ako ha. Kasi I still undergo anxiety, sometimes okay ako, tapos maya2x I feel sad na parang ayaw kong kumilos. It's not be of the past kasi di ko naman na inisip yun. Pero siguro it adds na rin sa depression ko. kaya mas lalo ko pinapalakas sarili ko dahil ayaw ko maging weak emotionally lalo na may mga anak na umaasa sa akin. If you want to cry , go cry all you want. Talk to your partner, kasi it helps me heal, umiiyak ako sa partner ko kasi di ko matanggap na niloko niya ako considering ginagawa ko nman ung best ko dito sa pinas at nag effort ako para makabawi na din sa mga pagkukulang ko noon, Talk to your trusted friend para makapagvent out ka. Or to your family para gumaan ang pakiramdam mo. Pero again nasayo parin yan how you handle things. If tingin di mo na talaga kaya, just kneel, let it go, and let GOD. sa kanya mo i-surrender lahat ng worries mo at overthinking mo. nakakagaan ng loob, promise, been there. trust me.
0 notes
dan6085 · 1 year
Text
Sa bawat yugto ng ating buhay, may mga biyaya tayong natatanggap. Maaaring ito ay nagmumula sa ating pamilya, kaibigan, trabaho, kalusugan, o iba pang mga aspeto ng ating buhay. Ang pagkakaroon ng biyaya ay nagbibigay sa atin ng kagalakan at kaligayahan, ngunit sa kabilang banda, ito rin ay maaaring magdulot ng inggit mula sa ibang tao.
Ang inggit ay isang kumplikadong emosyon na kadalasang mayroong pagkakaroon ng resenti, pagkainggit, at pagkakasakim sa isang taong mayroon ng isang bagay na hindi natin nakuha. Ito ay isang pangkaraniwang reaksyon sa mga taong nakapaligid sa atin, na kadalasang nagkukumpara ng kanilang buhay sa iba.
Sa mga biyayang natatanggap natin, maaaring magdulot ng inggit sa ibang tao. Halimbawa, maaaring inggitin ng isang tao ang iba na may magandang trabaho o mataas na sweldo dahil hindi nila ito nakuha para sa sarili nila. Mayroon din ibang tao na inggit sa may mga masayang pamilya dahil hindi nila ito nararanasan sa kanilang mga personal na buhay. At maaaring mayroon ding mga tao na inggit sa mayroong magandang kalusugan o pinansiyal na katatagan dahil hindi nila ito nararanasan.
Bagamat natural lamang na magkaroon ng inggit sa mga taong mayroong mga biyaya, mahalagang tandaan na ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang paglalakbay sa buhay. Hindi natin alam ang mga paghihirap at pagsubok na kanilang pinagdaanan upang marating ang kanilang mga biyaya. Sa halip na magdulot ng inggit, mahalagang magfocus sa sariling paglalakbay at pagpapahalaga sa sariling biyaya.
Sa halip na magdulot ng negatibong emosyon, mahalagang itaguyod ang positibong pananaw sa buhay. Mahalaga na tandaan na bawat isa sa atin ay mayroong sariling biyaya at mayroong kani-kaniyang paglalakbay sa buhay. Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sarili, pagsisikap, at pagpapahalaga sa mga biyaya, maaari nating maitaguyod ang positibong pananaw sa buhay at matutunan na ipagdiwang ang mga tagumpay ng iba nang hindi nakakadulot ng inggit sa atin.
Sa kabuuan, ang mga biyaya ay nagbibigay ng kagalakan at kaligayahan sa ating buhay. Ngunit, ito ay maaaring magdulot ng inggit mula sa ibang tao.
Tumblr media
0 notes
nice2meetyouu · 2 years
Text
Opportunity cost
Kalat (scattered) 'yung energy / utak / oras ko sa iba't ibang bagay. Hindi ko pa natatapos 'yung coding dojo. Nag-eexplore nanaman ako ng mga freelancing tools. Kailangan ko pa palang irecord 'yung "review" videos. Ang natapos ko pa lang ay 'yung cdrama na pinapanood ko (Nothing But Thirty). Naging successful sila sa ending at the expense of something sa buhay nila.
Ngayong matatapos na kami (medical interns), laging starter ng small talk ang "anong gusto mong residency" at variations nito. Anong gagawin mo pagka-graduate? Saan ka mag-aapply? Mag-u-USMLE ka ba? Anong plans mo after board exam?
Iba-iba 'yung mga sagot dito. 'Yung iba, alam na kung anong gusto nilang gawin, 'yung iba, 'di ko alam kung 'di lang din talaga nila alam o ayaw lang nilang mag-share sa ngayon. Ang malinaw lang talaga ay palapit na nang palapit ang panahon para mag-decide.
Sabi ng isang kaibigan, recently, na-hire sya sa some company, at ire-refer niya raw ako. Sa isip ko naman, paano naman ako magkakaroon ng time para mag-work doon? Pero sabi ko lang salamat at congrats. At this point, mas profitable ituloy 'tong career sa med. Mas convenient din, lalo na pag 'yung contact person for a particular offer ay schoolmate.
Nag-contact na ako ng people para sa elective week, at parang the next time na may ikocontact ako, baka application na for pre-residency. Wala na yatang atrasan 'to. By choosing this path, kailangan ko nanamang mag-dedicate ng another X years of my youth sa field na 'to. Pero... ano naman? Pare-parehas lang din naman silang hindi mawawala. After ko rito pwede pa rin namang mag-pursue ng whatever I want: learning other skills na walang kinalaman sa med, "freelancing", rumaket, mag-business, at kung anu-ano pa. Youth lang naman ang nawala.
Sinabi ko lang nang pa-joke sa isang friend na mag-aapply akong manager (para mapakinabangan 'yung MBA) tapos parang nag-agree naman siya. Sana alam niyang nagbibiro lang ako.
Minsan nai-imagine ko 'yung sarili kong nasa malayong bundok, lumalanghap ng sariwang hangin, pumipitas lang ng dahon ng tsaa, at namumuhay nang simple at kuntento sa kung anong mayroon. Masarap din namang matulog at 'di mag-isip. Kailangan ko lang ng pera at opportunity.
5 notes · View notes
msclumsy0023 · 2 years
Note
Hi po, msclumsy0023. Gusto ko lang po sana humingi ng advice mo. May boyfriend po ako, bago pa kami nagkakilala eh masyado po akong busy sa studies. As in puro po ako pag aaral. Then one time, nagchat po siya and hindi nga po ako interesado. And then a friend of mine told me na baka i need to loosen up a bit. I took her advice po and na-entertained ko po yung current bf ko. Okay naman po pag uusap namin, nakuha niya rin po yung ideal type ko po when it comes to men and yun hanggang sa nanligaw na siya and then yon na po sinagot ko siya. Okay naman po relasyon namin. Nag aaway man minsan pero naaayos naman po. As in wala po akong reklamo sa relasyon namin. And then umabot po ulit sa time na sobrang busy ko po na minsan pinag aantay ko siya. Sinusubukan ko naman po magbigay ng oras pero naano po ako sa pag aaral. Yun na nga po, patuloy pa rin po yun kasi kahit siya nabubusy na din. And then nagising na lang po ako, na iniisip kong mas okay pala akong walang boyfriend. Na mas maganda pa palang single lang ako. Na hindi ko pala kelangan ng lalaki sa buhay ko. Na mas magandang magfocus lang ako sa studies ko. Gusto ko lang po linawin na okay kami, as in. Sa'kin po ang problema. Dahil naiisip ko po yung mga bagay na 'yon, I felt guilty. Kaya po humihingi po ako ng advice kung ano po ang pupwede kong gawin? Maraming salamat po.
Hello Ms. Sherimiy,
Ang advice po natin Ay galing sa isa mga advisor ng aming gc! From Ms @Ariellerosas
there’s nothing wrong about realizing what your priorities are. If gusto mo magfocus sa pagaaral muna (or other things and not your boyfriend) na sayo un. Hindi mo naman kelangan isipin na may problema sayo. Everyone wants different things and need to focus on different things. Sa ngayon di ka pa ready pumasok sa isang relationship and that’s okay. Pero dapat makipaghiwalay ka ng maayos sa boyfriend mo. Kausapin mo siya soon so you are not dragging him along knowing na hindi naman siya ung priority mo at di ka naman masaya sa relationship niyo. It’s not fair for him na iniintay ka pag busy ka tapos ganyan naman pala un nararamdaman mo para sa kanya. It’s okay to focus on yourself first, but it’s not okay na masaktan siya kakaintay at kakaasa na may something more sa inyo. You probably just have to let him go na muna. Tell him your priorities and what you want and be honest about it. kung mahal ka naman niya maiintindihan niya un dahil para sa ikakabuti mo rin naman un. never feel guilty for wanting more for yourself and wanting to better yourself and focus on studies muna.
2 notes · View notes
ashlygalicia · 3 years
Text
May mga tao na pwedeng sumira o humadlang sa ating kalayaan o maari din ang pandemya na dinadanas natin ngayon.Nalalaman mo ba mo kung paano nawawalan o nagkakaroon tayo ng kalayaan bilang isang kabataan?Maraming pwedeng dahilan ng pagkawala at pagkakaroon nito.Kalayaan sa pagpili alam kung sariwa na ito sa inyo,may mga magulang na sila ang pumili ng gusto nilang kurso o trabaho sa inyo pero gusto niyo ba ito?May mga kabataan na hindi nila gusto ang gustong kurso o trabaho ng magulang mo para sayo pero napipilitan ka sapagkat sila ang nagpapaaral sayo,sa pangyayari na ito dito nawawalan tayo ng kalayaan.Isa pa ang pandemya na yan,nakapagaaral ba tayo ng mabuti sa tahanan?sa tingin ko yong iba oo pero may iba din naman na hindi sapagkat wala tayong kalayaan na magfocus sa ating pagaaral nandyan ang mga gawaing bahay na minsan ay hindi na tayo nakagagawa ng mga modules natin dahil sa kasabay nito ang pag gawa sa bahay. Hindi na tayo nagiging malaya dahil maraming tao ang humahadlang dito at minsan pa ng ang sarili natin ang humahadlang dito.Nagkakaroon tayo ng kalayaan sa mga oras na walang tao ang pwedeng humadlang satin.Maraming mga bagay dito sa mundo na ang kalaban mo para sa kalayaan mo at minsan pa nga ang sarili mo ang kumakalaban sayo.Kaya wag kang mawalan ng pagasa sa iyong kalayaan habang nabubuhay ka pa sa mundong ito maglaan ka na ng oras sa mga bagay bagay at gawin mo ang gusto mo maniwala ka sa sarili mo at maniwala ka sa panginoon,maging malaya ka na parang isang ibon na malayang nakakalipad saan man sa mundo.
Tumblr media
1 note · View note
kaimayontheway · 5 years
Text
Tumblr media
Sa totoo lang, nakakamiss din tumugtog ng gitara, bukog sa gitara minsan keyboards at bass. Hirap lang sa drums, wala akong sariling drum set at bano nah ako sa na ako magdrums sa Garageband. Siguro dahil sa sobrang preoccupied ako sa ibang mga bagay lalo nah yung pagmamasters ko. Mahal ko ang musika simula nung bata pa ako, ito lagi karamay ko noon kapag iniwan na ako ng mga kaibigan at kaklase, kapag busy ang parents ko sa paghahanapbuhay para lang may makain kami at kapag minsan nag-iisa lang ako sa bahay. Grade five pa lang ako nung matuto akong tumugtog ng gitara, high school nah ako nung matuto naman akong tumugtog ng bass guitar at drums at college nah ako nung matuto naman akong tumugtog ng konting keyboards. Dating DJ sa isang kilalang radio station ang ate ko. Namana ko tung talento ko sa musika sa namayapa kong papa, sobrang galing niyang tumugtog ng gitara hanggang sa napaisa naman niya itong talento ni sa musika ng limang kong kuya hanggang sa akin.
Tama, mahilig talaga ang pamilya ko sa musika pero wala ni-isa sa pamilya namin ang nagkainteres na pumasok sa musc industry, maliban lang sa akin. Plano ko sana kumuha ng Music Production o kahit Music Course sa Manila o sa Dumaguete, pero ayaw ng mama ko na mag-aral sa malayo. Kaya hindi ako ganon kaconsistent sa talento na mayroon ako dala narin ng pagkadismaya ko. Kaya dumating na rin sa punto na gusto ko nah itong talikuran at magfocus na lang sa mundo ng Sikolohiya.
Pero nung mabasa ko ang biography ni Brian May, isa sa mga gitarista ng isang sikat na bandang Queen, namangha na lang ako bigla. Bukod sa pagiging gitarista niya sa mahabang panahon, isa pala siyang Astrophysicist. May PhD pala siya sa Physics at isa pala siya sa mga collaborators ng NASA. Kaya nabuhay muli ako na ipursue ang pagiging isang musician habang pinupursue ko naman maging isang Guidance Counselor at School Psychologist. Narealize ko rin na pwede ko naman pala ipursue yung dalawa kahit alam kong mahirap, pero bakit hindi? Wala naman masama ipursue ang dalawa, di ba?!
Sabi nga nila, “kapag gusto mo maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan.”
Siguro nga mahirap talaga kung tutuusin, pero may dahilan kung pakit may talento ang isang tao. At sana’y gamitin nating ito sa tama at makabuluhang paraan.
4 notes · View notes
liyabantala-blog · 4 years
Text
Message from Bro
From: Bro
Mensahe para sa inyo... Gusto kong pasalamatan ang lahat dahil sa kahit papaano ay naging bahagi ng isang malaking kuwento ang kuwento ng Liyabantala... Kung inyong aalahanin, naging makahulugan sa lahat ito lalo na nung magkakasama tayo. Marami ang naging proud dito at nagkaroon ng kakaibang perspective sa buhay dahil alam nilang may sasalo at sasalo... Liyabantala ang dumugsong sa atin sa iba... Liyabantala ang nakakita ng kabutihan at kahusayan ninyo... Liyabantala din ang mas nagpabuklod sa inyo... Kaya nga tuwing may pagkakataon ng hindi pagkakaunawaan, kung mayroon mang pinagkukuhanan ng lakas para maiayos iyon ay yung pagkakaunawa natin sa Liyabantala... Dito natin makikita, na bukod sa mga kasapi nito, ang mas mahalagang tingnan ay ang lung ano ba talaga ang Liyabantala. At ito ay isang DIWA. Diwa na nagpapanatili ng isang samahan dahil may iniingatan na kasapi at karanasan... Kung ang kasapi ay nawawala o lalayo, naaapektuhan ang kabuuan nito... Kung iaalis natin ang kuwento ng Liyabantala, ganun din, nawawala ang kahulugan nito... Ito yung mga "SANA" na dapat naunawaan, pinaghawakan, naipagpatuloy, at inilaban... Ito rin sana yung pwersa na sana nagamit ninyo para mas makilala ang kahalagahan ng pagbuo ng samahan at pagbibigay lalim sa kahulugan ng pagkakataong nabigyan kayo ng bagong makakasama... Hindi isang kulungan ang Liyabantala na nagsasabing siya lang ang intindihin ninyo... Isa sana siyang INSPIRASYON para makagalaw kayo para sa klase kasi naranasan niyo na kung paano ka posible na pwede palang magkaroon ng tunay na samahan...yung hindi magiiwanan...
 Sa simula pa, IISA lang ang hiniling ko sa inyo - ang huwag hayaang may mawala. YUN LANG. Wala akong sinabi na Liyabantala lang ang inyong intindihin... Kaya sobra ang pasasalamat ko tuwing gumagawa kayo ng paraan para maiwasan ang pagkakalayo-layo at pagkawala ng iba... Ang dami ng usap at pagsasaayos ang ginawa para masolusyunan natin ang pagkawala ng isa nating kasamahan...at tulad ng lagi kong sinasabi, "Hindi tayo OK hangga't may isang hindi OK. Nasimulan tayo ni Vinz... Pero naging maayos agad kasi lahat may pakialam...lahat naghangad na siya ay mapabalik... At napagtagumpayan natin iyon... Sinundan ito ng pagkawala ni Jason... Pagkawala na nakaugat sa damdaming akala ay iniwan... Nagpunta sa mundo ng ML... Naging against ba ako dun? Hindi!!! Saan ako nagsimulang magkaroon ng reaksyon ng pagtutol? Nung hindi na tama ang mga nagyayari at nung nawalan ang ilan sa inyo (mga kalaro niya) ng pagkukusang akayin sana sa tama yung isa... Kaya agad ko silang kinausap... Pero ang usap na iyon ay walang pinuntahan bagkus ay nasundan pa ng napakaraming usap... Dumating pa sa punto na huwag na lang maghanap kasi marami ang nasasaktan...na mas maigi na tanggapin na lang na ganun. Pero ang sabi ng ilan sa inyo, "wala na po ba talaga tayong gagawin? " Kaya itinuloy ang paghahanap... Pero ganun pa rin. Kahit nakakahiya na, humingi pa rin ako ng tulong kasi hindi pupwedeng maiayos ang kuwento hangga't qlqm natin na hindi talaga... Pero wala pa rin... Ano ang tunay na nawala? Ang kakayahan nating magkaroon ng tunay na pakialam at maging matibay na panghawakan ang lahat ng solusyon na ibinigay natin sa lahat ng paguusap...tawag dun CONSISTENCY. Marami sa atin ang hindi naging totoo at naging takot...
 At marami din ang naging madamot at mas pinahalagahan lang ang mga personal nilang pangangailangan... Ang ginawa na lang na justification, "NAKAKAPAGOD"... Nung makita ko na wala ng pupuntahan ang lahat, nagdesisyon ako ng ibaling na lang lahat sa inyo para hindi tuluyang mawasak o madagdagan pa ang nawawala...sabi ko sa sarili ko, kung dun sa isa wala kaming magawa, ano pa kaya kung dumami pa... personal ko na lang pinuntahan at hanapin ang ilan pang muntik ng mawala (tulad ni jiro) para dun man lang huwag ng madagdagan pa ang nawawala... Marami sa inyo ang naging saksi kung paano ko inilaban ang Liyabantala... HUMINGI ako ng tulong... pero ang ipinalit, ay mga pangakong hindi napanghawakan... Nung may problema ang ilan sa inyo, inayos ko sa paniniwalang kailangan kong maging matibay para ndi na madagdagan ang sugat ng Liyabantala... halos araw araw iyon na ako ay nagpakumbabang humingi sa inyo ng kooperasyon para maayos ang problema na sanhi ng pagiging mapagmataas at kawalan ng pakialam...ginawa kong posible ang mga bagay bagay kahit nagkakaroon na ako ng pagaalinlangan sa aking kakayahan.. Sa huling beses na ako ay nakipagusap sa ilan sa inyo, nangako ako na wala na akong gagawing usap para sa Liyabantala... nangako ako na magfofocus na lang ako sa kung ano ang meron sa atin, at sa pangagalaga ng mga nakaraang din na batches at lalong higit sa bagong gr 10. Kaya mula noon, ndi niyo ako makikitang namomroblema para sa Liyabantala... tumayo ako sa harapan ninyo at nakitungo nang tama kasi iyon ang mas nararapat kahit wasak na wasak ang kalooban kong nasasaksihan ang pagkawala ng Liyabantala na nakasama ko noong Gr 10 pa kayo. Ayaw ko mang maniwala sa ganda ng kuwento natin, pero ang pinaghawakan ko na lang ay yung higpit ng yakap ninyo tuwing tayo ay magkakaroon ng gathering... Kaya para hindi ako lamunin ng panghihinayang, ipinalit ko na lang na kahit gr 12 na kayo, kinilala ko ang bago ninyong klase...lagi ko kayong ginagabayan..pinapalakas ang mga namumuno...pinagaayos ang mga may alitan...at ibinibida ang inyong kahusayan para mas maappreciate ninyo ang kahalagahan ninyo... Mas minabuti kong yakapin ang bago ninyong sitwasyon...kasi iyon ang mas makahulugan at nararapat...
 Mahirap yung habang nakikita ko na hindi na pumapasok ang iba at nakakagago pa...ang tanging nagawa lang ng iba ay makapag komento ng hindi kayang iparating sa mga taong sana ay inakay... Kaya lang pansinin, pero hindi kayang akayin... Dahil takot... Itinuloy ang paggabay at pagbibigay sa inyo ng paniniwala lalo na sa mga nabigyan ng posiyon, responsibilidad, at bagong pagkilala sa ibang kakayahan.. Ano ang naging sukli sa lahat? Yung huli ninyong ginawa ay walang kinalaman sa Liyabantala... Pero kung kayo man ang nasa sitwasyon ko, baka wala ni isa sa inyo ang magkaroon ng kakayahan para maniwala pa... Hindi performance task ang nawala... ang nawala ay yung kabutihan ninyo...kakayahan ninyong rumespeto, at magpahalaga din "sana" ng ibang tao... Nakakaliit at nakakapagparamdam ng kawalang kuwenta ang desisyon niyo...sa kabila ng pagunawa, at pasenxa sa bagay na iyon... Nawala ang kabutihan ninyo..kayo na nakasama ko... Kabutihan ninyo na siyang pinakang KAHULUGAN ng Liyabantala ... Pinatay ninyo yung kakayahan kong maniwala... Inilalalaban ko itong paniniwala na ito kahit wala na akong nakakausap sa inyo... Hindi na ako humingi ng tulong..pero ang ipinalit ninyo ay ang tuluyan akong mawalan ng kakayahan na maniwala sa kabutihan ninyo... Kung ndi niyo man maibigay yung kabutihan sa akin bilang isa ring Liyabantala, sana man lang kahit sa isang guro, naibigay ninyo ang nararapat... Pinatunayan niyo lang sa akin na wala kayong kakayahang tumanggap ng pagmamahal at pagpapahalaga. Na kaya walang naging solusyon sa lahat ng hinarap natin, ay iyon ay dahil sa pagiging mapagmataas natin, kawalan ng pakialam, at kaduwagang harapin ang mga sitwasyon na tayo lang din naman ang dahilan...ang kinilala niyo lang ay paano i-save ang inyong mga sarili... May lumapit ba? Nung hindi na pala mag aaral si Jiro, may nagsabi ba sa akin? Mabuti pa yung iba ninyong classmate naiopen sa akin dahil alam nilang Liyabantala si Jiro... Nung nasa punto na ako na pupuntahan ko sana ulit si Jason para maitawid niya ang kanyang pagaaral, anong sabi ng ilan sa inyo, "wag na lang bro..." Tpos ngayon makikita ko na parang walang nangyari? Ako ngayon ang naging mapagmataas at walang kakayahang mapatawad? Pero tapos na iyon...at nakahanda na akong harapin... Nung inilabas namin ang iba't ibang banners, iyon ay pagkilala sa diwa ng Liyabantala...kung nabigyan kayo ng pagkakataon na muling manariwa ang ganda ng dati nating samahan, pakibitbit niyo na lang... Marami sa inyo ang nagsabi na PAGOD na sila...paulit ulit na lang... At ang nagsabi pa ng mga ito ay yung walang tuwirang naiambag sa ikaaayos...at may iba oa na nagsabing pagod na ay yung mga sa simula pa lang, kasinungalingan na ang alam at pagiging makasarili... Wag kayong magalala, hindi na iyon mauulit... At sa pagtigil ng kuwento ng sinayang nating Liyabantala, nawa magawa ninyong makita ang katauhan ninyo...ang tunay na laman ng mga kalooban ninyo...at ang pamantayan ninyo ng pagiging mabuti... Kasi baka tuluyan na kayong mawala doon... Mahirap maging ma-pride...at walang kakayahang umako ng pagkukulang...kaya nga siguro nahirapan tayong alagaan ang Liyabantala kasi mas pinaghawakan natin ang kabaligtaran ng HUMILITY...at iyon ay ang PRIDE... Nung una, akala ko hindi natin deserved ang Liyabantala... Mali ako doon... TAYO pala ang hindi deserved ng Liyabantala... Kasi walang ibinigay at itinuro ang Liyabantala para bitawan natin ang sana ay biyaya ng malalim na samahan at makabuluhang pagharap sa buhay... Hindi niya tayo tunuruan na maging sinungaling, walang pakialam, mapanumbat, at pagiging mapagmataas... Utang natin sa kanya ang samahang nasaksihan natin pare-pareho... Kung hindi pa naging sapat ang naging pagkilos ko sa loob ng kulang kulang na tatlong taon, patawarin niyo ako...at kayo na ang magpuno. Baka may alam kayo na mas tamang gawin...
 Ingatan ninyo ang inyong mga sarili kung nasaan man kayo... Lagi ninyong tatandaan, kayo ay labis na minahal at pinahalagahan... Aalahanin ko kayo bilang Liyabantala... Pero sa ngayon mas mabuti na gawin ang inyong hinahangad... Salamat sa lahat... Go on with your chosen situation... Ayusin ninyo ang inyong buhay bilang gr 12... Magfocus kayo sa pag- aaral Sa ngayon, bukod sa pasasalamat at paghingi ng kapatawaran dahil hindi ko nakayanan ang inyong mga pamantayan, gusto ko ring sabihin sa inyo na... Mahal na mahal na mahal ko kayo... pero baka sa ngayon, ito yung mas kailangan na bawat isa... Na baka ang bawat pangnanais na kayo ay magabayan ay lalo pang makapagbigay ng sakit ng kalooban sa bawat isa.. Sorry sa inyo... hindi ko na kasi kaya...at wala na akong kakayahan pa... Paalam... Paalam mula sa kalooban kong ilalaban ang naiwang alaala ng samahan na naging makabuluhan sa bawat isa sa atin... Ingat kayo...
1 note · View note
kimdalanon · 5 years
Text
Something’s wrong with our generation
Tumblr media
Sobrang nakakatuwa na namumulat na ang kabataan ngayon sa mga isyu sa lipunan, nalalaman na natin ‘yung mga maling nakagawian noon na hindi na natin dapat ituloy ngayon at nagagawa na din natin na magisip na mas bukas ang isipan kaysa sa mga matatanda. I’m proud of what we have reached so far.
Pero teka lang, parang behind all of this glory, parang may mali. Bakit habang tumatagal at sobrang nagiging “makatao” tayo at pinaglalaban natin ang karapatan ng iba e nakakalimutan na natin na maging tao mismo. 
Walang masama sa may pinaglalaban. Kung tutuusin, proud pa nga ako kasi natututo na tayo na i-voice out ‘yung mga gusto natin ipahiwatig na para kapag narinig ng iba, maintindihan nila ang nangyayare kung hindi pa sila mulat. Ayos ‘yan, kapatid! Pero teka lang, sa iisang parte lang ba ng pagkatao ng iba ang magiging basehan natin?
Galit tayo sa mga bulag sa katotohanan kaya pinagsisisagawan natin ang mga dapat nilang marinig para mamulat sila, pero sana naman kung manatili silang pikit e maintindihan natin kasi dun din naman tayo nanggaling. Kesa iwanan sa ere, e sana mas tulungan sila.
Tsaka isa pa, kung may pinaglalaban ka at hindi ‘yan ang pinaglalaban ng ibang taong malapit sayo, isipin mo kung worth it ba ‘yan ang maging dahilan ng pagkawatak-watak niyo dahil lang hindi kayo sangayon sa isa’t isa sa isang issue lang. 
Hindi ako actually pabor sa “cancel” culture ngayon sa internet kasi para sakin cyberbullying lang ‘yon e. Kahit naman na hindi talaga involve, iniinvolve nila sarili nila sa issue para kunwari relevant sila. Wag naman ganon. Okay lang maging righteous, pero ilulugar. 
Nung sa Endgame lang e, ganon na ba kababaw mga tao na dahil lang sa spoilers e hahayaan mo na mawalan ka ng kaibigan? After 5 years, would the spoilers still matter? I don’t think so. 
Pag dating sa usapang pulitika, dito tayo mas magkakagulo. Ako personally, ayoko sa ginagawa nila Bato. Hindi ako pabor sa pamamaraan nila at sa war on drugs at lalong ayokong maging senador si Bato kasi may mas karapatdapat sakanyang maupo don. Pero, hindi ko siya hate as a person. Ayoko lang sa ginagawa at sa gusto niyang mangyare.
Ganun din ako sa mga taong sumusuporta sakanya. Hindi ko dapat i-cutoff ‘yung mga taong naniniwala sakanila ngayon kasi ang sakin, paano kung bulag lang pala sila? Na sa point of view nila, ayun talaga ‘yung solution kasi wala tayong maipakita na alternative? Paano pala kaya ganun sila magisip kasi walang nagpaliwanag sakanila kasi kesa ipaliwanag sakanila, e iniwan sila sa ere? 
Guilty ako, I admit. Ganyan din ako nung una, na willing akong i-cutoff ‘yung mga taong sumusuporta sakanila pero naalala ko, DDS nga pala nanay ko. Naniniwala siya na may pagasa sa ginagawa nila. I-ccutoff ko ba sarili kong nanay dahil lang don? Syempre hindi! Kasi ayokong i-define ‘yung nanay ko gamit ‘yung political ideologies niya. Instead, I was there for her and we had a good conversation about it. Nalaman niya side ko, naintindihan niya at ganon din ako sakanya. Mas maganda ‘yung ganon diba?
Ayan kasi problema sa generation natin, may makita lang tayong mali, cancelledt agad. Hindi porket di kayo parehas ng paniniwala sa isang bagay e mali na ‘yung buong pagkatao nila. 
Like, sino nagbigay sainyo ng kapangyarihan para idictate kung sino ang cancelledt at hindi? Who gave you the right? Wala na bang room for improvement ngayon? Write minus wrong na ba sa buhay? Bawal na matuto at maggrow? 
Hindi ko jinujustify ang mga mali nila. That’s on them. Ang hindi ko maintindihan is ‘yung bakit kailangan mainvolve ng taong hindi naman involved talaga don sa issue.
Parang ‘yung kay Mika Salamanca, ‘yung parang may tinarayan siya na fan na bumili nung same na ring na bigay sakanya kasi parang for her, exclusive dapat ‘yon kahit hindi. Mali niya ‘yon. Di siya dapat nagtaray for that. Pero dapat hanggang don lang. Kung nagsorry siya, tapos na dapat. Back to normal na lahat, kasi hindi naman big deal ‘yon so bakit pinalaki pa? Wala namang mababago sa Pilipinas o sa buhay mo kapag hinayaan mo nalang ‘yung issue na ‘yon diba?
Uulitin ko, hindi ko sila pinagtatanggol. Hindi naman ako fan. Nakikita ko lang din ‘tong mga issue na ‘to sa social media at nawiwitness ko lang kung anong mali sa nangyayari. 
Hindi ko magets actually ‘yung nangyayaring issue sa mga influencers ngayon. Oo, malaki ang following nila, may kapangyarihan sila na baguhin ang takbo ng Pilipinas, pero hindi porket kaya nila e kailangan nilang gawin. 
Ang weird kasi na tinatawag silang mayabang at socially insensitive kapag nagbigay sila ng remarks about having a good life at sasabihan naman silang ungrateful kapag nagreklamo sila with their privilege. So saan lulugar?
Hindi ko sila pinagtatanggol, ang sakin lang, kung gagamitin nila ‘yung power nila to educate people then ayos! Nakatulong sila para maging maayos ang lipunan. Pero kung hindi, okay lang din kasi hindi naman ‘yon ang trabaho nila at paano kung mali ‘yung sabihin nila?
Ilagay niyo ‘yung sarili niyo sa ganung position. Kung ako, sumikat ako sa pagluluto, my viewers are expecting to see cooking content. So why are you requiring me to push your political views to my viewers just because I have the power to do so? What if ayoko magsalita kasi wala naman akong alam diyan. Galit tayo sa mga naging senador na hindi karapatdapat, pero pinupush din natin ‘yung mga sikat na magsalita about politics. Ano na sis?
Sobrang hypersensitive kasi natin mga tol. May mga bagay naman na hindi naman talaga issue, nagiging issue pa. I know na hindi maganda maging apathetic at minsan, staying silent means you’re becoming part of the problem, pero sana din marealize niyo na this is not a black and white scenario and some are being quiet because they got nothing to say.
Ang mahirap kasi dito, ang daming gustong maging relavant. Ang pagiging woke, hindi siya trend okay? It’s a way of life. It’s about learning about the things that are happening and viewing things in a critical manner while being sensible. 
There’s a fine line of between being socially aware and trying to fit in. Imagine, pati ‘yung kanta ng Parokya ni Edgar na Silvertoes naging issue. Given na hindi nga naman dapat na ganun pero are we really trying to save people from being offended or we are just trying to get likes and shares?
Lahat ng sobra, masama mga chong. Tamang react lang, tapos isipin niyo kung tama bang pagaksayahan ng panahon ‘yung mga bagay na sa tingin niyong “problematic” at isipin niyo kung “problematic” ba talaga at kung may naapektuhan ba talaga don kasi kung wala, magfocus tayo sa mga bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin.
Wag tayong masyadong keyboard warrior. Wag tayong puna nang puna. Sana kung may gusto tayong magbago sa mundo e magsimula satin. Bago natin sabihin sa iba na ganito o ganyan ang gawin, sana tayo mismo muna ‘yung gumagawa. Laging sinasabihan at kinacancel ‘yung mga mayayaman kasi dapat tumulong sila at maging sensitive sa mas nakakababa sakanila, pero kayo mismo, may power din naman kayo kahit papaanong tumulong pero di niyo naman ginagawa. Anong difference niyo sakanila?
To summarize everything, ito lang gusto kong sabihin. Wag kang OA. 
5 notes · View notes
Text
REFLECTION!
Base sa video na pinanuod namin na ang title ay Gutom,Cheating at bangsak na naglalarawan sa ating karanasan sa buhay na kong saan nararanasan natin sa ating tahanan,lipunan,bansa at maging sa ating paaralan.Tulad nang Cheating lingid sa ating kaalaman na ang cheating ay isang panduruga sa paaralan na kong saan ginagawa ng karamihan makapasa lamang sa kanilang mga gawain o exam. Natutuhan ko sa aking napanood na dapat iwasan ang ganitong gawain magfocus kalamang sa inyong kakayahan wag na wag kang lilingon sa ibang bagay magtiwala kalamang sa iyong sarili.Ayon naman sa palabas na patungkol sa gutom natutunan ko na huwag tayo gagawa ng isang bagay na alam nating pagsisihan natin sa bandang huli.Magkaroon tayo ng kamalayan sa mga bagay bagay, maging isang responsable tayong mamamayan,huwag nating sayangin ang ating mga buhay isipin natin ang kapanganan ng ating pamilya,huwag mawalan ng pag asa sa ating buhay. Kong naiisip mong hindi mona kaya lumapit ka sa panginoon at humingi ka ng lakas sa kanya para harapin ang mga bagay bagay. Sa ating buhay hindi natin maiiwasan ang mag isip ng kong ano ano na kaya nating gawin sa ating mga sarili. Gumawa tayo ng mga bagay na makakapagpasaya satin.huwag padalos dalos sa gagawin pag isipan ito ng mabuti.At ang huling video na napanuod ko ay bangsak na kong saan paboritong laruin ng mga kabataan noon at maging sa ngayon na kong saan tumutukoy din ito sa ating lipunan na kong ano anong peligro ang nangyayari sa ating bansa,walang awang abusin ang ating lipunan maging ang mga taong nakatira dito. Natutunan ko na kahit anong hamon ang dumating sa ating buhay wag na wag kang susulo ,makihalubiho ka sa ibang tao isipin modin ang kapakanan ng iba magkaroon ng unity sa lipunan at maging responsableng mamayan.
1 note · View note
artinthusiast · 2 years
Text
What is it that you truly desire?
Someone I had met from a dating app asked me this before, obviously fan sya ng Brooklyn Nine-nine. Sobrang random but it’s funny because this is what I have been asking myself since nung naramdaman kong parang tentacles na ng octopus yung path na I’m heading. Sobrang timely.
I have already wrote several times both sa personal facebook ko and also here about those pleasing moments na proof how the universe genuinely loves me. Jk. Iisipin ko now, tatanungin or just merely wondering then days after nandyan na. Some took longer, some sobrang recognizable and meron din na later ko na marerealize na, syet yun pala yun. May mga funny na mostly sa love interests nangyayari na maiisip ko pinagtitripan ba ko ng universe haha, meron na sobrang unthinkable, meron din na nakakatakot na sa sobrang bilis at di mo ineexpect na mangayari. Naalala ko before sabi pa ng nanay ko, bakit di number sa lotto yung iask mo? Napatigil din ako nun at napatanong na oo nga no, bakit never pumasok sa isip ko yun haha, naisip ko din agad yung sagot na baka kaya ako pinapakinggan ng universe kasi hindi yung ganun klaseng loot ang habol ko sa buhay.
2019 naisip ko nun na nakakamiss meron baby sa bahay kasi naririnig ko sa gabi yung mga pinsan ko nagtatawanan dahil kay Adoboy. Namiss ko yung nuon na baby pa yung mga pamangkin ko, ganun din kami, ngayon parang ang lungkot na ng bahay. Later that year nabuntis yung jowa ng kapatid ko, 2020 sa gitna ng pandemic, Isla came. 
Yung pinakalatest na nakaka-amaze, nung naisip ko na gusto kong mag-career shift dahil bumabalik yung frustration kong mag-pulis/forensic. Naisip ko na siguro kong nasa investigation na genre yung work ko, masaya siguro ako sa ginagawa ko, kaso papano? E nasa financial industry ako. Sobrang layo. Know what happened later? Di pa natapos yung buwan a friend asked me to apply sa company nila. Yung work? Maginvestigate ng fraud cases. Yes! Naipasok yung investigation sa financial industry! Damn. 
Actually madami pang cases when it comes sa work. Every time din na I feel worn out at naiisip ko mag-photog, later sasabihan ako ng ate ko na may opening sa photog nila sa barko. Pero alanganin palagi. Even yung sa friend ko hindi ko na-applyan.
Ganun din ung sabi ko sa love interest. Gusto mo ng kilala mo na? Eto si ano. LDR? Sabay pasok ni ano. Gusto mo travel buddy? ng Buff? ng nasa medical industry kasi mukang malinis? Ah crush mo si Jon Snow gusto mo ng King of the North? Hahaha. Gusto mo ng tanggap ka as you na boyish? Pucha lahat yan binigay ng universe eh. Pinakanakakatawa nun sabi ko namimiss ko nang magka-crush, yun parang highschool days lang. Ayun nagkacrush nga, sa binatang highschool talaga hahahha. So namroblema ko sa edad, ambilis may dumating agad, kamukang kamuka nya na may edad na haha, mukang kuya nya eh haha. Pero lahat nang yun I didn’t act upon. Minsan nga naiimagine ko yung universe na bwiset na bwiset na sakin at gusto na kong batukan at gigil na gigil na, “Ano ba talagang gusto mo?!?”
So ayun, what is it that you truly desire? 
By now, sobrang proven ko na na walang contest when it comes sa tulong ng universe eh, ibibigay ano yung gusto ko e, kaso ang problema - ako, di ko alam ano yung hihilingin ko. Ano yung gusto ko? Ano bang gusto koooo? 
2022 na. I should probably think na san ko i-fifix ko yung utak ko. Alam ko sobrang indecisive at fickle-minded naten at change is constant at yes routine is lethal pero kelangan na talaga naten magfocus din sa ilang mga bagay bagay. Baka magsawa na saten yung universe at by the time na magsettle tayo sa isang thought e di na nya tayo pansinin at back-upan. Scary.
PS. Oo hanggang ngayon crush ko pa din yun bata, nagpapanic talaga yun senses ko pag makikita ko sya sa daan hahahhaha.
0 notes
runningarmy-blog · 6 years
Text
061418
I’m sad. Pressured. And I feel like isang move ko lang, babagsak ako. Babagsak ulit ako. Natatakot akong maulit yon ngayon pa’t second time ko na. Para bang ang dami kong araw at oras para magfocus pero anong ginawa ko? Ang bagal ko magaral. Distracted masyado. Ang daming iniisip. Bakit ko sinasayang ang chance ko? Bakit kailangan kong magisip ng kung ano ano? Pero kasi, hindi ba ko pwedeng magisip? Hindi ba ko pwedeng matakot? HIndi ko na alam ang iisipin at ang mararamdaman ko. Eto na naman ako sa point ng buhay ko na parang kahit anong gawin ko magfe-fail din naman ako. Hindi din ako aabot kasi hindi ko namang kaya. Hindi ko naman talaga kaya pero pinipilit ko pa. Eto na naman ako, kino-contradict ang lahat ng bagay. Alam ko ang mali ko nung unang season pero eto ako, walang ginagawang aksyon. Madami pa din akong time magchill kesa sa time na focus ako sa notes ko. Katulad ngayon, nagtatype ako dito pero dapat ay nagaaral ako. Anong reason ko? Kasi stress ako dahil sa payment mode ng PRC. Oo, umabot hanggang gabi ang stress ko na naging katamaran na naman. Tangina, another day na naman ang nasayang. Ano na
2 notes · View notes
Text
Ang bawat wakas ay may bagong panimula.
Humantong na sa pagtatapos ang aming pag-aaral sa Panitikan. Sa naging paglalakbay ko sa asignatura na ito ay marami akong bagay natutunan at naunawaan.
Tumblr media
Kaba, takot, saya, at lungkot ang aking nararamdaman sa tuwing sumasakay ako ng roller coaster gayundin kapag nag-aaral ng Panitikan. May mga pagkakataon na ako'y kinakabahan lalo na kapag papalapit na ang deadline ng pasahan. Naroon din ang takot na baka hindi magustuhan ng aking guro ang aking mga gawa. Mayroon ding saya lalo na sa tuwing nakakapagbasa ako ng mga bagong sulatin na gawa ng mga sikat na awtor. At lungkot sapagkat magtatapos na ang aming kabanata sa pagsusulat.
Tumblr media
Isa sa mga bagay na hindi ko makakalimutan sa naging pag-aaral ko sa Panitikan ay ang paglikha ng sarili naming maikling kwento at sariling pag-iisip ng tema, daloy at isyu dito. Napakahirap magsimula ng isang kuwento lalo na kung wala kang karanasan sa pagsusulat. Kinakailangan na sa unang bahagi pa lamang ng kwento ay tiyak na naaakit na nito ang mga mambabasa.
Tumblr media
Isa pa sa mga nagpahirap sa aming paggawa ay ang pagtukoy ng pinakaconflict ng bida sa kwento. Maraming tumatakbo sa aming isipan kung kaya't marami ding naglilitawan na problema sa kwento. Kinakailangan naming mamili kung saan kami dapat magfocus na conflict pagdating sa pagsusulat.
Isang malaking tulong ang naging paggawa namin ng maikling kwento sa pagpapalawak ng aming karanasan sa pagsulat. Marami kaming bagay na kinailangan tandaan sa tuwing gumagawa kung kaya't ito'y aking babaunin sa aking ibang magiging likha.
Tumblr media
Salamat sa Panitikan. Salamat dahil binuhay nito ang aming pagmamahal sa paggawa ng iba't-ibang sulatin. Salamat dahil dinala kami nito sa iba't ibang kwento na siyang nagbukas ng aming isipan. At salamat dahil hindi kami nito sinukuan sa aming naging paglalakbay. Lahat ng bagay ay nagtatapos ngunit sa magiging wakas nito ay isang bagong simula ang darating na maghahatid sa amin ng mga bagong aral at damdamin. Salamat.
0 notes
talanieugene · 6 years
Text
Listahan ng mga Bagay na Aking Natagpuan Makalipas ng Dalawa’t Kalahating Dekada
Tumblr media
Tama ang Nanay ko noong sinabi niya na mas mapapadali ang buhay ko kung sanay akong magtiklop ng damit at icompartmentalize sila ayon sa kung anong parte ng katawan ang tinatakpan nila. Pero gusto ko yung nachachallenge ako kaya di ko pa rin to ginagawa.
Mas tipid at time efficient kapag niluto sa iisang araw ang lahat ng pagkain sa buong linggo. Con: Tataas ang radiation level sa katawan mo kasi araw araw ka ring nagmimicrowave.
Mas tipid din kung malaking porsyento ng diet mo ay gulay at prutas kaysa karne.
Biyaya mula sa langit ang luyang dilaw. Di ko magagawang pumayat kung di dahil sa luyang dilaw.
Ugaliing uminom ng tatlong litro ng tubig araw araw.
Sa pakikipagusap, mas mahalaga kung papaano mo sinabi ang isang bagay kaysa sa value ng sinabi mo talaga. May sinasabi ang bawat tunog, hinto, patlang, ngiwi, kumpas ng kamay, at titig na pwedeng basahin at bigyang kahulugan ng kausap mo.
Madalas di mo naman talaga kailangang magkaroon lagi ng sagot kapag kinakausap ka. Sapat nang taimtim kang nakikinig sa kausap mo at sinusubukan mong tandaan kung saang parte ng sinabi nila yung totoo at yung hindi. Maraming tao ang makikipag usap lang sa’yo kasi kailangan lang nilang marinig ang sarili nilang boses.
Sobrang tanda ko na para maging aligaga sa pagpapaimpress sa mga taong wala naman akong intensyong panatilihin sa buhay ko.
May angking kakayahan sila na makapagdesisyon sa sarili nila kung nais nga ba talaga nilang manatili o hindi.
Mas magaan ang pagsisisi kung aamin ka agad sa crush mo kaysa yung di mo naranasang iconvey sa kanya yung nadarama mo. Regardless kung paano niya tinanggap at kung hanggang saan kayo humantong. Kung handa man siya sa’yo o hindi, hindi mo na obligasyon yon.
Sa topic ng pag amin, bigyan mo ng puwang na makapag isip din yung inaminan mo. Di kayo magkasing lebel ng pang unawa at pandama.
Kung mag iinvest sa isang sex toy, mainam na humingi ng payo sa mga eksperiyensyadong mga kaibigan at wag bumili online. Bumisita sa pinakamalapit na sex shop at kilatising mabuti ang laruan. Tip: rechargeable>>> battery operated.
Sa una lang nakakaguilty mang block ng toxic churchmates. After ng ilang oras, maluwag na ulit huminga.
Piliting magsulat kahit wala na kong masulat.
Ang pinaka highest form ng self-love ay pag iinvest ng pera at panahon sa mga libro, at pag eeliminate ng mga toxic na tao mula sa buhay mo.
Tsaa>>>>>>Kape
May kapangyarihan sa pagpapangalan. Vinavalidate nito ang existence at halaga ng isang bagay. Sa buhay ko, mahalaga sa akin ang aking sekswalidad. In the past, my sexuality has always been fluid, but right now, i feel certain that i am a transman. Sa tanong na kung magtatransition ako o hindi, yan ay kailangan ko pang pag isipan. Mag tatransition ako ayon sa sarili kong paghuhusga, panahon, at kakayahan.
Pansexual ako pero malaki ang attraction ko towards sa mga gay effem men.
Unahin ang overall health kaysa sa skin care. Mag invest sa mga supplements, gulay, prutas, gym.
Ngayong taon, umuwi ako sa luma kong pananampalataya. Tapos na ang pagsubok ko sa iba’t ibang paniniwala, at nalaman ko na sapat naman na pala ang Kristyanismo para sa akin. Noon, masyado akong dumepende sa indibidwal na pagkakahulugan ng mga churchmates ko sa kung sino ang Panginoon. May saysay pala na lumabas ako doon at tinanaw ang Krsityanismo mula sa paningin at pandama ng mga aba at marginalized. Mas naniniwala ako na ang Diyos ay nasa piling ng mga patuloy na inaapi’t binubusabos at may responsibilidad ako bilang mananampalataya Niya na maglingkod sa kanila.
Mahirap ireconcile ang pagiging peminista at porn analyst. Produkto ng kapitalismo ang porn industry at nagtathrive ito sa pagrereduce ng worth ng mga porn actors and actresses into mere sex objects. Hanggang ngayon, in search pa rin ako sa isang quality porn na may compelling story line, empowering, at may proper balance among sa mga porn stars.
Okay lang hindi maging okay at okay lang kung aaminin mo ito o ikukubli.
Parehong katotohanan at isang konsepto ang kalungkutan. Nalaman ko last year na mas madali itong kalabanin if you’re gonna draw it to existence kaya pumilas ako ng maraming linya mula sa mga braso ko. Nais ko sanang imapa ang bawat linya papunta sa kung saan nanggagaling ang lungkot ko, pero lahat sila nakaturo sa magkakaibang direksyon. Naglangib na silang lahat pero naliligaw pa rin ako.
Okay lang kung di mo maunawaan kung bakit ka malungkot, kung kailan ito matatapos, at kung matatapos nga ba ito. Kailangan mo lang magfocus sa ibang bagay para malibang palayo sa kakaisip kung bakit di ka masaya.
‘Wag umasa na wala nang isasagad yang lungkot mo, pero wag ka ring mapagod kakahanap ng dahilan para lumigaya.
1 note · View note
nikizefanyuh · 3 years
Text
Galit talaga ako nung una. Nung tinanong nila kung bakit tayo nawala ang sinasabi ko lang napagod ako. Pero kaakibat ng pagod na yun lahat ng masasakit na salitang binitawan mo sakin. From calling me names, to attacking my mental state and sensitivity. Naipon ‘yon. Dinibdib ko parin kahit hindi mo alam. Sabi sakin ni Daboy, “badi communication ang sagot dyan” hindi ko masabi kasi ayokong balikan. Hanggsng sa nakipaghiwalay ako. Pumayag ka. Umiyak ako non, Aug 3, 2020. Buong araw ako umiiyak. Pero sabi ko tangina ginusto mo yan eh. Tas iiyak iyak ka ngayon. Nung totally natanggap natin na wala na tayo nakahinga ako ng maluwag. Kumbaga hindi na mabigat sa loob ko dahil maayos napagusapan. Umiiyak ako nung mga unang araw, sinasabi ni nanay, “kung iiyak iyak ka lang rin naman, balikan mo nalang” pinanindigan ko yung time na sinasabi ko, hindi kako hindi kako ako okay alam ko sa sarili ko na TOXIC talaga ako. Pero alam mo yun, kahit ganon ako hindi mo ako binitawan eh.
Days after the break up, nagpaparamdam si Kuya Jai, kapitbahay namin at crush ko dati. Crush ko yun nung bata ako, kaya nakaramdam ako ng high school kilig. Sa totoo lang, hinahanap hanap ko kung paano ka makipagusap sakin hahahaha kasi tangina ang bigat kausap ng mga aquarius. Naramdaman kong gusto niya ako kasi kahit minsan di ako nagrereply (gawa nga ng ang bigat kausap) nagchachat parin siya. Hindi ko naisip that time na inaayos ko sarili ko, I was blinded by his ways of making me feel special. I felt special, yung longing na hinahanap ko for how many months was finally given to me. Pero hindi, hindi ako kumagat agad dahil takot ako. He offered me a ride nung sinabi ko na kailangan kong mamili for my grad party. After non inaya niya ako lumabas labas. And I said okay. The more na nakakasama ko siya naooverwhelm ako sa pinapakita niya. Pero mataas ang pride ko, hindi ko ipapakita na naooverwhelm ako, plus he was engaged. I want to be sure bago mag entertain. He made sure of it. Sa lola ko siya nagsabi na mahal niya ako. Gulat ako and naniwala dahil si nanay yon eh. Alam mo naman gaano kasungit si nanay. Days went smooth. I became matured in handling things kasi gusto ko sumabay sa age niya (he’s 25), kahit na nahuli ko na siyang nagsinungaling sakin ng ilang beses I handled it well. Natuto ako makipagcommunicate pag galit ako, mag adjust, magpakababa. Naging independent ako noon kasi hindi siya yung tipo na nakaalalay sakin. Si Jai, sa Cebu ang work, bago siya umalis ng calumpang tinanong niya ako kung pwedeng maging girlfriend. I said yes. Ang mindset ko non, sige relationship naman yung papatagalin hindi panliligaw. Sige, I’ll give it a try tutal ramdam ko naman na gusto talaga ako. Hanggang sa nasa Cebu na siya, palamig ng palamig na yung usap namin, on the rocks na kami, ramdam ko ng hindi magtatagal yung amin, so I confronted him. Hindi siya masagot lahat ng questions ko, sabi niya mas prefer niya sa call. Hanggang sa sinabi niya na hindi daw siya happy at problema namin yung age gap. Magsusuffer nanaman ako sa pagooverthink kaya pumayag din ako sa break up. Naisip ko non, mahal lang ako ni Jai pag comvenient sakanya. Nafill in ko lang yung void na nararamdaman niya dahil wala yung ex fiance niya dito sa Ph. Ayon, nag move forward na ako. Umiyak din ako non, Karl. Di ko tanggap na putangina ginawa akong rebound??? Pinaramdam sakin na mahalaga ako tas prank lang pala?? Hanggang sa okay na ako ulit. Alam kong okay na talaga ako non. Dahil wala na akong pake.
Sa ngayon may mga nagchachat parin sakin, 2 engineer, at isang nagrereview din ng for cpale. Nagrereply lang ako pag gusto ko, hindi ko inuubos oras ko sa mga nagchachat ng nagchachat kasi nga gusto ko rin magfocus sa sarili ko. Okay bahala kau dyan. Sabi ko bago mag review kailangan okay na ako. Pero tangina onting oras ko lang pala dinamdam yung nangyari satin kasi nga naoverwhelm ako sa dumating. Iniisip ko okay na yung sarili ko, mentally emotionally physically ready for review. Akala ko okay na ako Karl. First day ng review, advanced accounting ang subject namin. Need ko mag browse sa old book ko. Nung binuksan ko yung book ko I saw a piece of paper, our names were written there. Siguro sa sobrang urat ko sa subj na yon dati kaya kung saan saan kong libro sinulat pangalan mo. Biglang kumirot yung dibdib ko non. Biglang pumasok ka ulit sa isip ko. During class, hindi ako makafocus dahil ikaw ang naiisip ko. Cinoconvince ko yung sarili ko na “no bitch, okay ka na. Okay ka. Sinabihan ka ng masasakit niyan” pero habang iniisip ko yun, wala na sakin. Tanging sakit nalang ng pagkamiss ko sayo yung nararamdaman ko. Nasa isip ko lang non nasaktan kita, bakit kk nagawa yon eh ikaw lang nagmahal ng sobra sakin. Ikaw lang tumanggap sakin. Bakit ako nagkaganito. Karma ko ba yon kasi ngayon ako nagsisisi. Iniisip ko nungnumaga ichachat ba kita para magsorry or wag nalang. Kaso nung bumalik ako sa aral, tangina di akk makafocus dahil naiisip kita. Kinausap ko si Daboy about sa nararamdaman ko. Sabi niya kung ano daw magpapagaan ng loob ko. Ang magpapagaan ng loob ko pag nagsorry ako sayo. Kaya nag message akk sa tg. Binantayan ko tg ko non. Nakita kong naseen mo na pero di ka nagreply. And that’s okay. Sabi ko kay daboy okay na ako na nakapagsorry ako at least makakapag heal na talaga ako. Kailangan ki lang humingi ng tawad at magpatawad. I thought I was okay na. Kaso naiisip parin kita. Nung gabi, after ko magaral hindi ko na kinaya kimkimin. Sinabi ko nankay nanay. Nagulat siya na nasasaktan parin ako sa nangyari satin eh ako nga naman may kagagawan. Yung gabinh yon dun ko narealize mga bagay bagay. Tangina ko pala talaga. Pinagpray ki yun, sana kinabukasan okay na ako. Di ko na maramdaman yung sakit. Morning came, I woke up feeling excited kasi MAS ang topic namin. Pero tangina kalagitnaan ng review andyan ka nanaman sa utak ko. Nagpray ako, sabi ko Lord wag muna kailangan ko pong mag focus sa review. After ng class namin, bumagsak agad mga luha ko. Break down ulit. Binalikan ko pics nating dalawa, letters mo sakin, pics natin sa timezone, mga babies natin.. Dun kk narealize lahat. Tangina sobrang tangina ko. I fucked up big time. AND IT’S ALL MY FAULT. Kasalanan ko lahat to. Mali mali akk ng desisyon na ginawa. Sabi ng mga kaibigan ko, time will heal me. So yun pinanghahawakan ko ngayon. Napaisip ako, ako ba yung gumamit ng tao para mafill ko yung void na nararamdaman ko? Kasi di ako sanay magisa. Dependent ako noon sayo. Ngayon lang ako dinapuan ng sakit. Sobrang sakit pala talaga. Hindi ko masabi sa twitter ko dump man or main dahil alam kong ako yung mali, ako yung clown, ako yung kinakarma ngayon
Karl, sinasabi ko to lahat dahil gusto ko maging totoo. Gusto ko maging transparent kahit dito lang. kung mababasa mo man to, di ko alam pero masaya ako pag malaman mo ang side ko. Yun lang, Karl. Sana maayos ka dyan.
0 notes