Tumgik
#libre lang mangarap
upismediacenter · 1 month
Text
LITERARY: Koleksyon ng mga Tula ng Buhay
Tumblr media
Pagmamahal Ang pagmamahal ay matatagpuan kahit saan, romantiko, pampamilya, o pangkaibigan man Nakikita ito sa pagitan nating mga tao, at nararamdaman, at binibigyang-buhay sa kahit na anong paraan Lahat tayo ay mayroong kakayahang magbigay nito, ngunit ang iba ay natatakot o kailangan pang matuto Maihahambing sa isang goma na kapag iyong binitawan, masakit ang balik sa nasa kabila na iyong iniwanan
Pagkakaibigan Mahirap mamuhay sa mundong ating ginagalawan, ngunit mayroong mga tao na pwede nating sandigan Sa bawat oras ay nandiyan ang ating mga kaibigan, kaya’t hirap at suliranin ay kahit papaano’y nababawasan Ang tunay na kaibigan ay palagi kang tutulungan, at sa mga pagsubok ay sasamahan ka’t aalalayan Kaya dapat ay nandiyan din tayo para sa kanila, dahil mas matatag tayo ‘pag nagsasama-sama Pangarap “Libre lang mangarap”, yan ang laging sinasabi nila,  kaya’t mga pangarap sa sarili ay ‘wag ililimita Subukan lagi ang buong makakaya upang makamit, ang mga pangarap at ambisyon na ating minimithi Hindi sa lahat ng oras ay para sa sarili lang ang pangarap, maaaring para sa iba o sa bayan na matapos na ang paghihirap Bagamat walang katiyakan at resulta’y mahirap hulaan, binibigyan tayo nito ng bagay na paghihirapan at aasahan Lakas ng Loob Maraming mga bagay na walang kasiguraduhan, kaya mahirap makita kung ano ang kalalabasan Ngunit kailangan nating sumugal at subukan, upang sa sarili ay magkaroon ng kapanatagan Hindi solusyon ang pagtalikod sa mga hamon, dahil walang mangyayari kung hindi tayo aaksyon Lakasan lamang ang loob na harapin ang mga ito, at huwag magtatago, yuyuko, at magpapatalo Pag-asa Sa mundong puno ng problema, takot, dilim, at pangamba Susuko na ba sa mga paghihirap, o magtitiwala sa darating na pag-asa? Sa dulo ng dilim ay laging may liwanag, kaya tumingin lang nang diretso upang ito’y maaninag Tandaan na bukas ay panibagong araw, kaya kumapit lang, umasa, at huwag bibitaw Wakas Iilan lamang ito sa ating mga nararanasan, habang ang buhay ay tumutuloy at dumadaan Kaya sa iyong mga yapak tungo sa hinaharap, gawin at danasin ang mga ito nang masikap Bagamat ang mga ito’y puro positibo, hindi maiiwasan ang mga kabaliktaran at negatibo, Huwag aattras at harapin lang ang mga ito,  sa tulong ng mga salitang nandito 
3 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 year
Text
Kakagising ko lang pero alas-otso ng gabi pa ako tulog. Hahaha. Bumabawi ang katawan sa nasirang body clock. May pinanood akong movie sa netflix tungkol sa gambling at mga swindler pero hindi ko natapos sa sobrang antok. 'Di ko rin alam if naboringan ako kaya ako inantok. Happy March 2023 na agad!
P.S. Buti kung mananalo ako sa 1 game sa casino ng at least 5 million, pwede na 'yun. Life-changing. 1M gagastusin ko para magfeeling mayaman in a few months tapos 'yung 4M ititime deposit ko na lang sa iba't ibang bank. Libre lang mangarap.
#:)
8 notes · View notes
alloytheegg · 1 year
Text
Year End Confession
Tumblr media Tumblr media
To you, who makes me smile like an idiot, thank you. Even small interactions with you make me happy. Thank you for being part of my year. You made it extra special. Unexpectedly meeting you is the best thing that happened to me this year. You made my gloomy days into vibrant days. You didn't even know how much you affected my well-being. Every time I see you or just looking at your name motivates me in my everyday agenda.
Before this year ends, I want you to know that you are so lovely that I hardly take my eyes off you when I'm with you. Your kindness touches my soul that makes me fall for you. Your attitude and personality attracted me more. I can't explain how I feel. All I know is that you are always in my mind. Even knowing that you can't reciprocate my feelings, I still like you. My feelings for you never changed, still the same. Yes, I still like you Normalin and always do. Let me fall in love with you until you find someone you will love because I'm unsure if these feelings of mine for you will fade away. I'll keep on admiring you until someone will makes you happy. (Ehem baka naman if ever na may chance nandito lang ako HAHAHAHAHA libre lang naman mangarap kaya lubusin ko na HAHAHAHAHA)
Lastly, I'm always here supporting you and praying for your success in life. It's not visible, but it is always there.
HAPPY NEW YEAR MALIN!!!
-Alloy
Note: This is suppositively a hand written letter kaso nga nasa malayo ka kaya instead of messaging you this. I made this blog just for you hehe
4 notes · View notes
enelliegmatic-blog · 1 month
Text
Mangangarap ulit.
Di naman masama mangarap diba? Sa sobrang mahal ng bilihin ngayon yun na lang ang libre.
Putting it out here malay natin mapagbigyan ng tadhana. Nagdadasal kami ng pangalawang bahay, madali sana kung pakakawalan yung nauna kaso bukod sa ang ganda ng lokasyon sayang. Mahirap na umasa ngayon sa pension lang pag tumanda kasi.
Di namin gusto ng sobrang laki, yung kasing laki sana ng meron kami ngayon. Double garage lang ok na kasi di naman ako nagmamaneho, work van lang at family car lang naman meron kami. Gusto ko sana yung high ceiling kasi pangarap ko yung malaking chandelier na mahirap linisin. Bungalow lang sana para kahit pagtanda di kami mahirapan. Yung master’s bathroom double sink please tapos hiwalay yung stand shower sa bathtub. Malawak na kitchen at dining room, yung kitchen ko kasi ngayon medyo maliit lalo na yung dining area jusko siksikan pag may bisita. Maganda sana yung view ayoko kasi na puro bahay lang din nakikita pag nagkakape sa umaga sa balkonahe. Lastly, malaki at magandang entrance door sana.
Ang hirap isipin kung paano namin maiipon yung milyon-milyon pesos na downpayment lalo na nagmahal ang house market ngayon. Sasama pa sa budget yung pag convert ng basement ngayon sa family suite na may sariling kitchen at laundry area para di na nila kailangan magshare ng mga tenants. Suntok sa buwan hayst! Pero kaya nga pangarap diba? Mahirap abutin. Binulong ko na sa hangin at sa Maykapal. Tadhana na ang bahala.
Malay natin mapagbigyan.
0 notes
silidsikreto · 4 months
Text
maski ang butiki naaabot ang kanilang langit
tuwing gabi, naglalakbay ako sa kalawakan ng kawalang
liwanag, hinuhulma ang mga konstelasyon
sa kung paano ko naisin sa aking paglaki
lilipad ako, kay gaan ng daigdig
ng walang ibang iniisip
pero titiktik ang butiki at babagsak
muli ang bigat
hindi ito ang kisameng kinalakhan
gumuho na ang semento, kahoy nagiging abo
ang lahat ng nagbabaga ang puso
sa mga biyak na bato na lang maglalaro, maghihintay
hanggang sa matahimik muli ang mga bituin. ______________________________________________________
Ukol sa akda Bilang child rights advocate, parte ng pag-aaral at pagsusulat ko ang pagtalakay sa mga isyung nakakaapekto sa mga kabataan. Isa rito ang pagbomba sa mga lumad schools na tumulak para sa mga kabataan at mag-aaral na lumad upang lumikas sa kanayunan para sa kanilang kaligtasan. Mananatiling kahihiyan sa estado at pamayanan mismo ang kakulangan sa pagpunan sa sapat na pangangailangan ng bawat bata: maayos na tirahan, payapang pamumuhay, malinis na pagkain, at sapat na edukasyon. Obligado ang lahat ng matatanda na hayaan ang mga batang lumaki sa isang espasyong malaya silang mamuhay lang nang matiwasay. May karapatan sila at dapat itong respetuhin at proteksyunan. Mula ito sa isang freewriting exercise na nag-ugat sa ideya ng kisame. Maituturing ko ang sarili ko na marami laging iniisip kung kaya't madalas akong nakatitig sa kisame, na naihahalintulad ko rin sa pagtingala sa langit. Tulad ng mga bituin, nais nating lahat na maabot ang mga pangarap natin. At ganto rin ang mga lumad school children natin.
Mga unang bersyon tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalan nakatitig sa kumkindat kindat na ilaw. kelangan nang palitan ang bombilya ng dilaw na araw habang nagpapaikot ikot ang alikabok at agiw na malayang lumutang sa dilim akong malayang tumingala wala namang makakaaninag, maghihintay hanggang sa may marating ang boses kong paos lalamunin ng sansinukob sana kasama na ako
tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalang liwanag ang mga konstelasyon ay huhulma sa kung paanong hugis o sukat ko naisin madalas walang tinig ngunit dito ako ang nasusunod lulutang, oh kay gaan ng daigdig ko maski siyensiya'y 'di aalma sa paglipad at bago pa maabot ang mga tala titiktik ang butiki at babagsak ang puwersa hindi ito ang kisameng kinalakhan gumuho na ang lahat semento, kahoy, magiging abo ang lahat ng nagbabaga ang puso sabiý libre ang mangarap bakit higit pa sa akin ang pataw?
tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalang liwanag, huhulma ang mga konstelasyon sa kung paano ko naisin sa paglaki lulutang, oh kay gaan ng daigdig ng walang ibang iniisip pero titiktik ang butiki at babagsak  muli ang puwersa hindi ito ang kisameng kinalakhan gumuho na ang semento, kahoy nagiging abo  ang lahat ng nagbabaga ang puso sabi'y libre ang mangarap, bakit higit pa sa'ming lahi ang pataw?
Tumblr media
0 notes
otepzablan · 1 year
Text
PAANO HUMUGOT NG PANIMULA?
Paano nga ba masasagot ang katanungan sa mga salitang ‘bakit’ at ‘papaano’? Sa tulad kong nabubuhay na naman sa walang katapusang panimula, mahirap mag isip at magdesisyon kung ano ba talaga ang gusto natin mangyari sa hinaharap. Lumilihis na ko sa mga kasabihang pinaninindigan ko tulad ng ‘libre lang ang mangarap’. Pangarap! – salitang inspirasyon na dapat pinagsusumikapan o inaakyat. Ganoon pa…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
itsnotniiick · 2 years
Text
Existence Update Ngayon ko lang napagtanto, nakakapagod din palang mangarap. Kung hindi lang siguro ganoon kailangan ang pera ngayon para mabuhay, siguro mas pipiliin ko na lang ang manirahan sa malayo; malayo sa siyudad at tao. Simula bata pa lamang ako at hanggang ngayon ay ilang beses ko nang naririnig ang katagang, "libre ang mangarap". Totoong libre nga, ngunit ang dulot nito sa 'yo parabagang mababanggit mo na lang na, "h'wag na lang" at "hindi ko na lang tatanggapin dahil sa dulot nito sa akin".
Hindi ko alam kung nawawalan na ba talaga ako kaagad ng pag-asa, o kaya'y kinakailangan ko lang ng mahabang pahinga. Nabibilisan ako masyado sa mga pangyayari. Sabi naman e, h'wag ako magmadali— dahan-dahan lamang; maglakad. Pero hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.
Nais ko rin naman tuparin ang pangarap ko; na paglingkuran ang kapwa at komunidad. Pero pakiramdam ko ang pangarap ko sa ngayon ay matulog— magpahinga.
0 notes
ano-po · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
AU where philippines was not colonized and Hilagang Luzon ™ became the world's Agrarian and Fisheries exporter, letting them advance so much in this aspect that their farmers and fisherfolks are scientists and researchers using industrialized and advance technologies to produce/harvest the food. There is also Industrial Sector that produces non-agrarian/fisheries consumer goods, and manages the overall operations of the Hilagang Luzon ™ industries. Nonetheless, the two earlier sectors have higher salaries than the latter. ((which sector do you want to belong?))
134 notes · View notes
missmariaclara · 3 years
Text
trese ficlet #1
Sa huli, hindi rin pupwedeng magtagal na lamang si Alex sa lilim ng kanyang pighati.
Limang taon man o isang sandali, wala pa ring magbabago. Kahit na ang nais niya ay malugmok sa pagdadalamhati, kahit na gaano pa man ka tindi ang kagustuhan niyang malunod sa mga alaala na siyang tanging naiwan ng kanyang nasirang pamilya, walang magandang maidudulot ito kaninuman.
Lalong-lalo na sa mga natitirang umaasa sa kanya.
"Nasan sila?"
Ilang sandali rin bago umimik si Hank, at hindi na rin ikinagulat ni Alex ang sagot nito.
"Hoy!"
Papalubog na ang araw nang marating niya ang lugar.
Kahit ilang dekada na ang nakaraan, parang walang nagbago mula nung una at huli siyang naparito, sa bahay kung saan muntik nang bumalik sa mundo ng mga mortal ang diyos ng digmaan. Nung nawalan siya ng mga kaibagan at nagkaroon ng dalawa pang kapatid.
Nakatayo lamang ang kanyang mga sadya sa gitna ng unang palapag, tila nakatitig sa kawalan. Gumalaw lamang sila sa sigaw niya na siyang bumasag sa katahimikan.
"Maghahapunan na," muling tawag ni Alex. Maraming taon na rin nang huli niyang binigkas ang pamilyar na mga katagang halos araw-araw niyang linya nuon. "Hanggang ngayon ba, magpapasundo pa kayo?"
Dama niya ang gulat sa mukha nina Crispin at Basilio, at sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang paglalakbay at paghihirap, muling nakaramdam ng pag-asa at kaunting saya si Alex.
Hinintay niya hanggang matauhan ang dalawa. Ilang beses din gumalaw ang bibig ni Basilio, tila may nais ipahayag. Nais sambitin.
Huwag mong sabihing kailangan ka rin naming tawaging 'ate'?
Ikinagalit ito ni Alex nuon, ilang taon na ang nakalipas, nang una itong binigkas ng kambal na nuon ay hindi niya pa rin pinagkakatiwalaan. Bawat tunog ay isang insulto, isang biro na siya ang simula at wakas.
Ngayon, walang ibang nais si Alex kundi ang marinig itong muli.
Sa huli, si Crispin ang unang nakahanap ng kanyang boses.
"Bossing," pagbati nito, at sa likod ng pamilyar na salita na may kaunting pang-aasar, rinig ni Alex ang tunay nitong ipinapahiwatig. Nang ngumiti si Crispin, hindi napigilian ni Alex na ngumiti rin. "Maligayang pagbabalik."
"Oo, Bossing," dugtong naman ni Basilio. "Akala namin ikaw na yung kailangan sunduin eh."
Nang siyay umirap ay lalo lamang lumakas ang tawanan ng dalawa, kaya agad tumalikod si Alex at nagsimulang maglakad palabas ng bahay.
Kung tatanungin, sasabihin niyang oras na rin upang umuwi, ngayong nahanap na niya ang mga sutil. Maghahapunan na naman talaga, at ayaw ni Hank ang pinaghihintay.
"Libre lang mangarap, Basilio."
24 notes · View notes
chili-aux · 3 years
Text
Ang Pangako sa Huling Talulot
Summary: Sa bawat hugot ng bawat talulot, namumutawi sa bibig ang mga katagang nagpapakaba sa mga puso ng munting Levi at Hange. At sa huling kataga, isang pangako ang naibigkas.
Notes: This is late pero ito po yung first contribution ko for the Levihan Filo Week Day 1: Kabataan (Childhood)
Wala talaga kong balak magpublish ng kahit ano pero dahil walang pumapasok sa isip ko kagabi habang nagaaral, nagsulat na lang ako T_T
Sana po magustuhan ninyo! Hindi po ito proofread so there might be some mistake that I overlooked. And this might get translated someday too.
Link: AO3
Mga huni ng ibon na tila hinihimig ang saya ng kahapunan ang tanging nananalaytay sa pandinig ng munting batang nakahiga sa ilalim ng puno ng mangga. Librong nakatapat sa kanyang mukha, mga matang nakakulong sa maliit na salamin ang humihigop sa bawat titik na nakaukit sa mga pahina.
Bawat salita, pangungusap, at lathala – tila tinatangay siya papunta sa ibang mahiwagang mundo. Mundo na magsisilbing pagtakas sa kanya ngayong kinagagalawan, mundo na itinuturing niyang bagong tahanan. Ngunit, ang kapayapaan, tulad ng katahimikan, ay siya ring nababasag.
“Oy, apat na mata!” Tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.
Hindi niya binigyang pansin ang batang naglalakad na ngayon patungo sa kanya. Sa halip, pinagpatuloy niya na lamang ang kanyang pagbabasa.
Wala siyang oras sa mga batang hindi niya bati.
‘Manigas ka diyan.’ Ani ni Hange sa kanyang isip.
Ngunit, iba ang plano ng batang lalaking dumating.
Naupo ito sa kanyang tabi at bigla na lamang hinablot ang libro mula sa kanyang mga kamay. Napasigaw si Hange at napaupo nang mabilis upang abutin ito subalit nilagay lamang ni Levi ang kanyang mga kamay sa bibig ni Hange upang takpan ang sigaw na manggagaling mula rito.
Inalis naman ito agad ni Hange. “Amin na yung libro ko!” Saad niya habang nanlilisik ang mga tsokolateng mga mata. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang kasalanan nito sa kanya.
“Pansinin mo muna ko.” Malungkot na wika ni Levi. Tinago niya ang libro sa kanyang likod at nang aktong aabutin ito ni Hange, nilayo pa niya ito lalo.
“Ano ba kasi! Amin na kasi yan! Kita mong nagbabasa eh!” Ani ulit ni Hange nang di na naman niya naabot ang libro.
“Ayoko. Bati na kasi tayo. Dali na, lilibre kita ice candy diyan kila Aling Carla.” Pangaalok ni Levi. Ngunit, ang pangsusuyo gamit ang paborito nitong merienda ay wala man lang katalab-talab.
“Bahala ka diyan. Ayoko sayo.” Ani niya bago sumalampak ng higa na naman sa damuhan ng puno at tumalikod mula kay Levi. “Sayo na yang libro kung gusto mo. Punitin mo tapos papakin po. Go lang. Wala akong pake. Basta di na tayo magiging bati.”
Katahimik ay muling namayagpag sa hangin.
Ilang minute nang nakapikit si Hange nang maramdaman niya ang munting kalabit ni Levi sa kanyang balikat.
“Huy. Alam ko na paano tayo magbabati.”
Hindi niya ito pinansin. Ngunit nagpatuloy pa rin si Levi.
“Levi loves Hange. Levi loves Hange not. Levi loves Hange. Levi loves Hange not. Levi loves Hange…” Ani ni Levi.
Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtayo ni Hange at paglingon sa kababatang hawak ang isang tumpok ng sampaguita. Napatulala si Hange habang patuloy na nagbubunot ng mga talulot ng nasabing bulaklak.
At nang makarating si Levi sa huling talulot, inangat niya ang kanyang mga mata at tumitig kay Hange at nagsabing, “Levi loves Hange.”
Tila balon sa sobrang laki ng pagkabuka ng bibig ni Hange sa gulat sa pinaggagawa ni Levi. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magawa dahil nagawa pang maghanap ng lalaki ng sampaguita upang maaalis lamang ang pagkagalit niya. Gusto niyang matuwa sa huling resulta, kilig ay umaapaw mula sa kanyang puso patungo sa kanyang mga pisngi.
Ngiting kay liwanag ay nanaig na sa mga labi ni Hange, dahilan upang mawala rin ang lumanay at tamlay sa mga mata ni Levi.
Binaba ng batang lalaki sa tabi ng libro ang ngayong kalbo na na tangkay ng sampaguita. Umusog siya palapit kay Hange at hinawakan ang baba nito, sabay sarado rito. “Oy tama na. Sarado mo na ‘yan. Pasukan ng langaw ‘yan, tignan mo lang.” Natutuwang ani ni Levi.
“Levi loves… sino?” Tanong niya habang nakatulala pa rin, tila hindi pa narerehistro sa kanyang utak ang nangyari.
“Di ko na uulitin. Bahala ka diyan.”
“Eh!! Dali na! Narinig ko yon! Love mo ko, huh? Ikaw ahh! Yieee, crush mo ko, nuh?” Natatawang marahan na tinutusok ni Hange sa pisngi si Levi, paulit-ulit na siyang nagpairita kay Levi. Hinawi na lamang niya ito at hinawakan ito ang kamay ni Hange, sabay titig nang walang humpay sa kanyang mga mata.
“Paano kung oo?” Ani ni Levi.
“Edi crush din kita!” Nakangiting sagot ni Hange. Namula bigla ang mga pisngi ng batang lalaki na tinawanan lang ni Hange. Ang magandang halakhak ng bata ay ang nagpuno ng kasiyahan sa munting puso ng batang si Levi.
Gagawin niya ang lahat upang hindi mapawi ang mga ngiti sa kanyang mga mata
“Hange.” Tawag nito.
“Hmm?” Sagot nito habang pinupunasan ang luha ng kasiyahan sa mga mata.
Nagulat na lamang si Hange nang inabot nito bigla ang kaniyang tainga, sabay sabit ng takas na buhok ni Hange rito. Pagkatapos, may nilagay siya, isang munting puting sampaguita na nagpapuksyaw ng kanyang kagandahan sa mga mata ni Levi.
“B-bakit mo nilagay ‘to?” Waring tanong ni Hange habang kinakapa ang bulaklak. Para sa batang si Hange, tuwa at kilig lamang ang namutawi sa kanyang mga puso.
“Bagay kasi sa’yo. Tama na tanong.” Saad ni Levi na siyang nagpangiti na naman nang todo kay Hange. “Pero ito oh.”
Binuksan ng batang lalaki ang kanyang mga palad, sabay lagay ng sampaguita na naman. “Ano namang gagawin ko dito?”
“Gawin mo rin yung ginawa ko. Kapag ‘di tulad nung akin yung huling nabunot mo, edi hanap tayong bago. Tapos…”
“Tapos?”
“Gawin mo muna!”
Pinigilan ni Hange ang ngiting gustong mamutawi at nagsimula nang gawin ang ritwal.
“Hange loves Levi. Hange loves Levi not. Hange loves Levi. Hange loves Levi not…” Dahan-dahan at maingat na pagbigkas ni Hange sa bawat pangungusap. Ngunit si Levi ay nakatingin lamang sa malayo, bagama’t gusto mang tignan si Hange, hindi niya magawa dahil siya napupuno ng kaba.
Alam niyang hindi naman dapat isaalang-alang sa ganitong mga laro ang kanilang tadhana. Ngunit mas mabuti pa ring mangarap kaysa ipagsawalang-bahala na lang.
Sa sobrang lunod ni Levi sa kanyang mga iniisip, di niya namalayang patapos na si Hange sa pagbunot ng mga talulot ng sampaguita. Nanumbalik lamang siya sa wisyo nang binanggit nito ang pinakahihintay ng bata niyang puso.
“Hange loves Levi…” sabay bunot sa huling talulot.
Unti-unti ay binalik niya ang paningin kay Hange. “Hange loves Levi daw!” sigaw nito bago niya sakupin ng yakap si Levi na tulala pa rin.
Makailang sandali, niyakap niya ito pabalik, maliit na ngiti ang namutawi sa kanyang bibig.
“So, hindi ka na galit? Hindi na Hange loves Levi not ‘yung lumabas.” Onting pangaasar ni Levi ngunit sinakyan lang ito ni Hange.
“Siyempre hindi na!” Humiwalay na ito sa yakap, sabay hawak sa mga balikat ng batang lalaki. “So, ikaw naman! Ano yung ‘tapos’ mo? Anong sunod doon?”
Hindi umimik si Levi at inangat na lamang ang kanyang hinliliit patungo kay Hange. Lalong lumawak ang ngiti at saya sa puso ni Hange. Madalian niyang isinukbit ang kanya sa nakalahad na daliri at pinagsama ito nang mahigpit.
“Game? Makinig ka ha.” Tawa lamang ang binigay ni Hange. “Apat na mata. Four-eyes. Dapat kapag tayo lumaki na, hindi natin titigilang i-love ang isa’t-isa ha? Tsaka may balak akong pakasalan ka, so bawal kang magkacrush sa iba, okay? Ikaw lang crush ko kaya huwag ka nang maghanap ng iba.”
“Kasal? Eh ang bata pa natin ganyan na iniisip mo!” Pang-aasar nito.
“Pake mo ba? Gusto ko eh. Basta! Promise mo yan ah!”
“Wala pa nga kong sinasabi? Pero… Opo, Kapitan!”
“Dapat lang, Kumander.” Pinaghiwalay na ni Levi ang kanilang mga hinliliit sabay tayo, ngunit siya naman ding hinawakan ang kamay ni Hange wala pang ilang segundo ang lumipas. “Tara na. Kunin mo na yung libro mo.”
“Ha?! Saan tayo pupunta?” Tanong ni Hange habang kinukuha sa damo ang kanyang libro.
“Bili tayo ice candy. Libre ko. Binigyan ako ni Mama Kuchel eh.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ng lalaki. “Sige, sabi mo yan ahh.”
15 notes · View notes
anthonyrmnd · 3 years
Text
Pangarap
Importante sa tao ang may Pangarap, from small dreams to big dreams. pangarap mong maging pag laki mo (profession), pangarap mong kotse, bahay, gadgets at kung ano ano pa. ang mahalaga, may  pangarap ka.  So bakit Importante ang pangarap?
isipin mo kung wala kang pangarap tapos tinanong ka ng boyfriend/girlfriend, nanay/tatay mo o mga kaibigan mo ng ganto: “ano bang pinaka pangarap mo sa buhay na ggustong marating o makuha?” sagot mo “wala eh, gusto ko lang mag enjoy o ienjoy ang buhay”
so bakit nga importante?
Importante ang Pangarap dahil yan ang mag sisilbing path mo habang nag peperform ka sa entablado ng totoong mundo.
kung pangarap mong maging Restaurant Owner someday, in your 20s involved ka na sa mga kalaran ng isang restaurant., 30s planning to build ka na ng sarili mong restaurant, in your 40s may 5 to 10 branches ka na. kung pangarap mong maging Business Man (entrepreneur) ini-involved mo sarili mo sa mga business books, seminars and shows.
pero pag Wala kang Pangarap, wala kang gustong ma-achieve, eh mabubuhay ka sa tinatawag na Rat Race. meaning, you go to work for salary, pay the tax, get some debt that you need, then suddenly salary is not enough.. you work hard to promote, got promoted, pay higher tax, get debt. then pandemic hits. no work no pay. pay tax you buy in groceries and lots of debt. depressing no. 
skip the Rat Race! use your passion and dream to be determined. 
Hindi masamang mangarap, yan na lang ang ilang libre sa mundo. 
para saakin ang Pangarap ay isang mahalagang parte Law of Attraction.
Mangarap ka at act on it! Believe in yourself and be Blessed!
1 note · View note
nice2meetyouu · 2 years
Text
Opportunity cost
Kalat (scattered) 'yung energy / utak / oras ko sa iba't ibang bagay. Hindi ko pa natatapos 'yung coding dojo. Nag-eexplore nanaman ako ng mga freelancing tools. Kailangan ko pa palang irecord 'yung "review" videos. Ang natapos ko pa lang ay 'yung cdrama na pinapanood ko (Nothing But Thirty). Naging successful sila sa ending at the expense of something sa buhay nila.
Ngayong matatapos na kami (medical interns), laging starter ng small talk ang "anong gusto mong residency" at variations nito. Anong gagawin mo pagka-graduate? Saan ka mag-aapply? Mag-u-USMLE ka ba? Anong plans mo after board exam?
Iba-iba 'yung mga sagot dito. 'Yung iba, alam na kung anong gusto nilang gawin, 'yung iba, 'di ko alam kung 'di lang din talaga nila alam o ayaw lang nilang mag-share sa ngayon. Ang malinaw lang talaga ay palapit na nang palapit ang panahon para mag-decide.
Sabi ng isang kaibigan, recently, na-hire sya sa some company, at ire-refer niya raw ako. Sa isip ko naman, paano naman ako magkakaroon ng time para mag-work doon? Pero sabi ko lang salamat at congrats. At this point, mas profitable ituloy 'tong career sa med. Mas convenient din, lalo na pag 'yung contact person for a particular offer ay schoolmate.
Nag-contact na ako ng people para sa elective week, at parang the next time na may ikocontact ako, baka application na for pre-residency. Wala na yatang atrasan 'to. By choosing this path, kailangan ko nanamang mag-dedicate ng another X years of my youth sa field na 'to. Pero... ano naman? Pare-parehas lang din naman silang hindi mawawala. After ko rito pwede pa rin namang mag-pursue ng whatever I want: learning other skills na walang kinalaman sa med, "freelancing", rumaket, mag-business, at kung anu-ano pa. Youth lang naman ang nawala.
Sinabi ko lang nang pa-joke sa isang friend na mag-aapply akong manager (para mapakinabangan 'yung MBA) tapos parang nag-agree naman siya. Sana alam niyang nagbibiro lang ako.
Minsan nai-imagine ko 'yung sarili kong nasa malayong bundok, lumalanghap ng sariwang hangin, pumipitas lang ng dahon ng tsaa, at namumuhay nang simple at kuntento sa kung anong mayroon. Masarap din namang matulog at 'di mag-isip. Kailangan ko lang ng pera at opportunity.
5 notes · View notes
notaprettygirlsblog · 3 years
Text
1/2/2021
I started painting. But it really frustrates me. Wala akong malinaw na subject kapag nagpepaint ako kaya ang ending puro abstract. I'm starting to give up and lose hope. Baka hindi para sa akin ang arts. Hahaha! Tho kaya ko naman mag drawing kahit basic lang.
Sa sobrang frustrated ko, di ko na tinuloy. Haha! Pinunit ko yung ginawa ko ng dalawang oras! 😂
Nanood nalang ako ng Vlive ni Yoongi. Kahit na boses lang niya at english sub lang nakikita ko ay napasaya naman niya ang araw ko. Kaya nga lang sa sobrang ganda ng boses niya nakatulugan ko. Haha! Feeling ko tuloy natulugan ko yung jowa ko sa videocall. 😂 Aba! Libre lang mangarap!
Tinuloy ko na ring basahin yung libro na binili ko. The title is "I decided to Live as me". It was the book JK was reading on their bon voyage trip. Grabe! Ang dami kong natutunan sa book na ito. Kapag natapos ko na, I'll tell you some of the good things about this book.
Ayun lang. Second day of 2021 kkeut!
1 note · View note
mannelalakbay · 4 years
Text
TARA! AKO’Y INYONG SAMAHAN SA LUGAR NA PINAPANGARAP KONG MAPUNTAHAN ni Nislee Anne J. Soneja
BAGUIO CITY, PHILIPPINES
IKA-6 NG MAYO, 2017
@mANNElalakbay
Tumblr media
Ayon sa isang kasabihan, “Libre lang ang mangarap.” Natural na sa atin bilang kabataan na mangarap. Pangarap magkaroon ng ganito at ng ganyan, gusto makabili nito at niyan at gusto makapunta dito at diyan. Ngunit sa dinami-dami ng mga pangarap na ito, hindi natin alam kung alin at kailan ito matutupad.
Bilang isang kabataan ay pangarap ko na makarating sa Baguio City na kilala bilang Summer Capital ng ating bansa. Gusto ko maranasan ang malamig na klima at ang sikat na strawberry farm at strawberry picking sa lugar na ito. Akala ko noon ay hanggang pangarap ko lamang ito sapagkat wala naman kaming sapat na pera para makarating sa ganoong lugar. Kinakailangan itong pag-ipunan sapagkat sa pamasahe pa lamang ay tiyak malaki na ang gagastusin. Sinabi ko na lamang sa sarili ko na balang araw makakarating din ako diyan.
Mayo, 2017 nang magbakasyon kami sa kapatid ni Papa sa Alaminos, Pangasinan. Ito ang unang pagkakataon ko na makarating sa kanilang lugar. Sa ilang araw na pagbabakasyon namin sa kanila ay nag-uusap kami at bigla itong nagyaya na pumunta sa Baguio. Laking tuwa ko nang marinig iyon. Hindi ako makapaniwala na ang matagal ko nang pinapangarap ay matutupad na sa panahong hindi ko inaasahan. Sabik na sabik na ako na dumating ang araw na iyon.
“Kahit kailan talaga hindi nabigo ang Diyos sa pagsorpresa sa akin ng magagandang bagay.” bulong ko sa aking sarili. Maaaring para sa iba ay ang simple lang ng pangarap ko pero walang halong biro, pangarap ko talaga na mapuntahan ang Baguio. Kasali pa nga ito sa mga goals ko. Hindi ko inaasahan na matutupad ito nang ganoon kaaga.
Huwag na nating pahabain pa, “Tara na! Tayo na ay maglakbay.”
Ika-6 ng Mayo, 2017, ang araw ng aming pamamasyal sa Baguio. Nagising kami nang maaga at inihanda na ang aming mga dadalhin. Sumakay na kami ng aming pamilya sa van na aming sasakyan at nagsimula na sa aming mahabang biyahe. Inabot din ng halos apat na oras ang aming biyahe. Hindi nakakabagot ang biyahe sapagkat puro kami kwentuhan. Hindi ko rin nadarama ang pagod sapagkat mas nangingibabaw ang aking pagkasabik.
Tumblr media
Sabay-sabay na kaming bumaba sa van. Pagbaba namin ay hindi pa pala iyon ang mismong pasyalan. Kinailangan pa namin sumakay ng taxi upang dalhin kami doon. Malayo rin ang biyahe ng taxi mula sa aming binabaan. Pataas nang pataas ang lugar na tinatakbuhan ng taxi. Ang daan ay paikot sa bundok. Nararamdaman ko na rin ang lamig ng klima.
Tumblr media
Mga ilang minuto pa ay tumigil na ang taxi na aming sinasakyan. Kumain muna kami sa isang restaurant doon. Ang sasarap ng mga pagkain. Nang busog na ang lahat ay pumunta na kami sa strawberry farm. Sabik na sabik na akong mamitas ng strawberry kaso nga lang ay hindi na namin naabutan ang mga bunga. Tapos na raw ang pagmimitas. Naubos na ang mga bunga kaya ang naabutan na lamang namin ay ang mga tanim. Ang ginawa na lamang namin ay kumuha ng mga larawan/litrato sa farm. Hindi lang naman strawberry ang makikita sa farm. Maraming nakatanim doon na lettuce na mabibili sa murang halaga. Ang isang kumpol nito ay mabibili lamang sa halagang singkwenta na maaari mo nang gawing salad. May mga magagandang bulaklak din na makikita sa Flower Garden. Sa pagkakatanda ko ay nagkakahalaga lamang ng sampung piso hanggang bente  ang entrance fee. Nakadepende sa iyong binayaran kung maaari kang makakuha ng litrato. Syempre ang pinili ko ay yung makakakuha ako ng litrato para naman sulit.
Tumblr media
Pagkalabas namin sa farm ay maraming nakapaligid na mga nagtitinda. Mayroong mga wine at mga jam tulad ng strawberry, ube at marami pang iba. Mayroon ding mga laruan, damit, keychain, ukulele at iba’t ibang souvenir items. Mayroon ding mabibili na strawberry ice cream at strawberry taho na dito mo lamang matitikman. Ito ang unang pagkakataon ko na makatikim ng strawberry taho. Halos pareho lamang ito sa natural na taho. Ang pagkakaiba lamang ay strawberry syrup ang ginamit.
Tumblr media
Namili rin kami ng mga keychain at souvenir shirts na maaaring maging pasalubong. Sa halagang sampung piso ay may maiuuwi ka nang keychain at makabibili ka na rin ng t-shirt sa halagang 95 piso. Nakadepende ang presyo sa sukat at disenyo nito.
Habang kami ay namimili ng pampasalubong ay bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakakatakot pala kapag umuulan sa Baguio sapagkat kasabay ng malakas na ulan ay ang napakalakas din na hangin na tila ba may bagyo. Mataas kasi ang lugar nito. Sa sobrang lakas ng hangin ay nahulog at nabasag ang ilang paninda roon.
Hinintay muna namin na tumila ang ulan bago pumunta sa susunod naming pupuntahan. Nang humina na ang ulan ay pumunta naman kami sa Burnham Park. Napakaganda at napakalinis ng lugar na ito. Napakaaliwalas ng paligid. Napapalibutan ito ng maraming puno at halaman. Napakaraming tao ang nagbibisekleta. Maaari ditong magrenta ng iba’t ibang klase at laki ng bisekleta.
Tumblr media
Patuloy lamang kami pag-iikot at pagkuha ng litrato. Lakad dito at lakad doon, picture dito at picture doon. Sinilip din namin ang Burnham Lake. Hindi na kami nakapag-boating at hindi na kami nakapunta sa iba pang pasyalan sapagkat malapit na kami umuwi at pasumpong-sumpong din ang ulan.
Tumblr media
Ito na ang huli naming pinasyalan sapagkat bigla na namang bumuhos ang napakalakas na ulan at paparating na rin ang van na aming sasakyan. Maya-maya pa ay dmating na ang van at isa-isa na kaming sumakay. Nabasa rin kami ng ulan kaya nagpalit na rin kami sa loob ng van ng damit para iwas sakit.
Nagsimula na naman ang aming mahabang biyahe na may ngiti sa mga labi. Napakasaya ko sa araw na ito sapagkat maliban sa natupad na ang aking pangarap, kasama ko pa ang aking pamilya sa pagtupad nito. Hindi ko na rin kinailangan gumastos para matupad ang pangarap kong ito sapagkat nagsilbing instrumento ng Diyos ang aking Tita, kapatid ni Papa, upang tuparin ang isa sa aking pinapangarap.
Kaya kapag may bagay tayong hinihiling o minimithi idulog lamang ito sa Kaniya at ipagkakaloob Niya ito sa panahon na hindi natin inaasahan. Maghintay lamang  sa panahon na Kaniyang inilaan.
2 notes · View notes
denberstuff · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Buhay drayber.
Sa likod ng isang manibela ay isang taong maraming kwento at pinagdaanan sa buhay. Tulad ng sasakyan, maraming paghihirap ang dinaanan nito bago makarating sa paroroonan at ganon din sa tao. Ako bilang estudyante, marami narin akong napagdaanan sa buhay at dadami pa ito sa mga susunod na hakbang ko sa aking buhay.
Simula ng matuto akong magmaneho, wala na akong ibang ginawa kundi mag-maneho ng mag-maneho. Sa tuwing may biyahe kami ng aking pamilya, ako lagi ang pinagmamaneho. Minsan ay nagtataka sila kung ba ako nangangalay? Ang sagot ko naman ay hindi.
Hindi dahil ito talaga ang gusto kong gawin, kahit magbiyahe pa ako ng buong araw ay hindi ako mapapagod. Dito ko nailalabas lahat ng aking damdamin maging masaya, takot at lungkot. Sabi ng iba ay sa una lamang masaya ang pagmamaneho pero pag tumagal na ay hindi na ito nakakatuwa, pero saakin nama'y hindi. sa tatlong taon kong pagmamaneho ay hindi ko iyon sinabi sa tana ng buhay ko dahil nga ito talaga ang gusto kong gawin. Dahil gusto kong magsaliksik kung saan saan kaya naman gusto ko rin maging isang flight attendant at piloto. Sa pagmamaneho ko rin natutunan na dapat umabante ka lang ng umabante at wag nang balikan ang nakaraan at tignan at ipagpatuloy ang paglalakbay dahil mas marami ka pang masasaliksik.
Maraming tayong kwento sa buhay kahit ang mga taong kilala natin. Base naman sa aking kaalaman, maraming akong napapansin na nilalait ang kanilang sasakyan samantalang yung nagsasalita mismo ang baka walang sasakyan. Huwag nating husgahan ang isang tao dahil sa kanyang sasakyan dahil hindi natin alam kung ano ang kwento nila dahil may kwento ang kanilang sasakyan. Tulad ng pagkakaroon ng sentimental value na baka ito ang una niyang sasakyan, baka ito ay regalo ng kanyang mahal sa buhay, baka ito ay kanyang paghihirap sa buhay upang makuha ang gusto niyang sasakyan. Marami pang posibleng kwento iyan kaya hayaan nalang natin sila at isipin ang sariling buhay, hindi yung nanghuhusga ng ibang tao kung ikaw mismo ay walang ganong bagay.
Sa mga taong naghahangad ng mga bagay bagay, wag kayong mapagod na mangarap dahil ito lang ang libre. HAHAHAHA. Biro lamang, pero totoo, libre ang mangarap walang makakapigil sayo. Mangarap ka ng mangarap, paghirapan mo at ito rin ay makakamit mo sa tamang panahon. Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo agad, makukuha mo ito pero sa tamang panahon.
Nung panahon na ako ay nangangarap magkaroon ng sasakyan ay hindi ako tumigil sa aking pangarap, tinuloy tuloy ko ang aking pangarap hanggang sa naglabas kami ng Toyota Vios 2017 model nung november 25, 2017. Napakalaking achievement nito para sakin dahil bata pa lamang pinapangarap ko ng magkaroon ng sariling sasakyan ngunit ngayon meron na. Magulang ko naman ang gumagamit ng sasakyan😹😹. Pero kahit papano ay nakamit ko na ang isa sa mga pangarap ko at marami pa akong makakamit na pangarap sa daan.
kaya kung kaya ko, kayang kaya niyo rin! Huwag makinig sa sinasabi ng iba na wala tayong makakamit. Mangarap lang ng mangarap para sa ating pangarap!
1 note · View note
chinguannyeong · 4 years
Text
Ang sabi nila libre lang daw ang mangarap, ngunit hindi ba't kaysaya kung ang lahat ng ating minimithi ay maaabot din natin. Marami tayong pinapangarap sa ating buhay, may mga ilan na ang gusto ay makuha ang lahat ng karangyaan sa mundo, mayroong namang mangilan-ngilan na ang gusto ay mahalin sila ng buong buo. Ngunit hanggang kailan ka lalaban para maabot mo ang inaasam na tagumpay? Totoo nga bang may tagumpay sa kabila ng sakripisyo? -Papa Dudut/Jonald
4 notes · View notes