Tumgik
#hindi-si-ikay
delopsia · 6 months
Note
Ive been thinking about this FOREVER!!! It haunts me >:]
Possible scenario:
Bob comes into work one day with a new nametag reading "Floytt" and all his coworkers/friends are like "Whoa dude they messed up ur nametag" NO! THE PAPERS FOR THEIR LAST NAME WENT THROUGH AND ROBERT BOB FLOYD IS OFFICIALLY ROBERT BOB FLOYTT!!!!!!!!
Also also how and when do the squad find out about Reader and Rhet?????
Your writing is absolutely fucking amazing and Im obsessed with it 😭😭😭❤️❤️❤️
Tumblr media
Omg, omg 😭 Bob can never figure out when to mention that he's in the process of changing his last name to Floytt because he's always worried that it'll sound too out of the blue. So he just doesn't mention it until the change has become official, and he's given that temporary sticker until they can get him a proper nametag made up.
It's another pilot that mentions it, someone Bob forgets the name of, but he knows is friends with Rueben. Some guy who hardly thinks twice when he points at Bob's nametag, loudly crowing, "Dude! They really fucked up your nametag!"
Poor Bob is opening and closing his mouth like a fish because it's way too early to be trying to explain the whole name situation. But before he can find the right words to say, it clicks for the members of his primary friend group.
...or maybe it just clicks for Jake, and he gives it away to the others with his, "Floyd plus Abbott, huh?"
And Bobby does not get a moment of peace for the rest of the fucking week because "it's always the quiet ones." The name is such a slight chance that it keeps forcing him to explain that it's not a typing error and is, in fact, his new last name 😭
The squad technically found out about Rhett and Reader's existences towards the end of Not Rhett, so roughly within the first month of Bob meeting them, but it's not explicitly mentioned.
Bob had brought the Daggers to the festival with him, and it was only a matter of time before someone asked why he kept disappearing for hours on end. But nobody learns of the relationship until about six months after it became official. Bobby's sly, like that. Keeping it a secret and blatantly dropping it in the middle of lunch after Nat jokingly asked if he was texting his partner.
They met Reader and Rhett a little after the one-year anniversary when they'd come to greet Bob fresh off his deployment. It was a surprising meeting, but Nat loves the Reader half to death, and Rhett and Jake have gotten along quite well with the whole blue-collar cowboy thing 💕
35 notes · View notes
hindi-si-ikay · 11 months
Text
username change :)
not-two-shrimp -> hindi-si-ikay
2 notes · View notes
pito-na-koykoy · 1 year
Text
Gusto kong sumulat nang tulang para sayo
Ngunit diko alam kung paano
Oh saan ba ako magsisimula
Ewan koba kung bat ako ganito tuwing nandiyan ka
Na para bang palaging balisa
Na para bang dikona alam ang gagawin
At parang mababaliw na
Ganyan ba talaga nagagawa nang iyong presensya?
Na tila bang isang prinsesa na naglakad
oh tila ba isang reynang nasa magarang karwahe at may kasamang mga guwardia
At akoy isa lamang dukha na nangangarp na ikay mahagkan
Isang taong walang kayang ipag malaki
At palaging maliit ang tingin sa sarili
Isang taong walang pangarap at parang wala naring mararating sa buhay,
Ewan ko ngarin kung bat gantu
Na sa layo nang ating mga agwat ay pilit parin akong umaasa sayo
Na parang wala akong kapag a pagasa eh kumakapit parin ako sa imahinasyon kung to
Oh baka nag iimagine nangalang talaga ako
Na tayo ay magkakalapit at darating sa puntong pinapangarap ko
Imahinasyon kona talaga toh
Dinga ako maka amin nang deretso
Eh ganun pa talaga laman nang aking isipan
Dinga kita makausap nang deretsahan
Pano naman tayo magkakatuluyan
Di ngarin ako marunong pumorma
Pano mo pa kaya ako magugustuhan
Wala man lang akong ni isang katangihan na pwede mong hangaan
Na pwede kong ipagmalaki kung saan ako magaling
Na pwede mong ipagmalaki sa iyong mga kaibigan
Na si ganto magaling siya dto kaya crush ko siya
Oh kahit kapogian man lang
Na mala Joshua Garcia na pwede mong paglawayan
At mala dingdong dantes ang datingan
Syempre pang extra lang yun
Imahinasyon ngalang to eh
Pero wag kang mag alala di naman kita pinipilit
Dimonanga ako pinapansin bat pako kakapit
Alam ko namang alam mo pero bat parang dedma kang sayo
Bat pala ako nag aasume eh ano pala ako sayo?
Sensya na nagkatugma lang
Kaklase ba na pwede mong pagtanungan sa mga lecture na dimo maintindihan?
Oh kaibigan na pwede mong sandalan pag iyong kailangan?
Kahit isa lang jan ok na sakin
Pero kung pwede sana mas ok ka sakin
Pero parang hindi, kase merong isang prinsipeng parang iyong hinihintay
San ba kase siya nagpunta eh bat di nalang namatay
At sa kaniyang paglalakbay ay nanatiling buhay para sayo
Na kahit wala siya sa iyong tabi ay nanatili ang inyong pangako
Pero pano na namn ako?
Lagi nalang bang ganto?
Palaging umaasa sa iba, parating nahuhulog ngunit parati ring umaasa
Pero Siyempre anong magagawa ko eh dun ka masaya,
Hahanapin ko na lamang ang aking kasiyahan
Ngunit mananatili kang ala ala
At akoy parati paring sayoy nakatingala
Dahil may naging isang ako na nabighani sa liwanag na iyong pasan
At merong magiging ako na lagi lang sayoy naghihintay
0 notes
mihlo · 2 years
Text
binibini
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
cw: camilo. f!reader. fluff and angst. my not-so-good tagalog. reblogs are appreciated.
sum: "bakit sisimulan pa ang isang bagay na madali din namang tapusin?"
a/n: sorry kung may wrong grammar WHAHAH happy almost 200 followers to me din < 3 credits sa art po
Tumblr media
✧ 9 . 00 . . .
binibini, alam mo ba kung pano nahulog sayo? naramdaman lang bigla ng puso,
“y/n! mag-usap muna tayo!” desperadong sigaw ni camilo habang tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.
tila nakikiramay rin ang langit sa kanyang mga iyak at nagsimulang umulan, mga matatamis na alaala ninyong dalawa’y bumabalot sa iyong utak.
hindi naman talaga patas ang mundo — at alam mo yun. ang sayo lang naman ay sana hindi nalang kayo pinagtagpo kung ito man din ang magiging wakas; na kusang mapipilitan kayong ipaghiwalay sa isa’t isa sa oras na alam mo na siya lang ang iyong mamahalin.
hinawakan niya ang iyong kanang kamay nang malapit na siya sayo, ang sakit na kanyang nararamdaman ay mas bumibigat bawat segundong lumilipas.
“camilo alam mo naman hindi tayo para sa isa’t isa diba? kaya pabayaan mo na lang ang tadhana. masasaktan lang tayo.” sinabi mo na hindi tumitingin sa kanya, alam na alam na hindi mo kayang makitang malungkot ang lalaking pinakamahal mo.
“...susuko kana satin, mahal?”
Tumblr media
✧ 7 . 00 . . .
aking sinta ikaw lang nagparamdam nito, kaya sabihin mo sakin ang tumatakbo sa isip mo — kung mahal mo na rin ba ako
nakita mo si camilo na masayang naglalakad papunta sa iyo, kanyang dalawang braso'y nakatago sa kanyang likod. ngumiti siya na abot tainga bago inabot sayo ang isang magandang bulaklak.
“para sayo, diwata.”
natawa ka na lang sa iyong kasintahan, ang tibok ng puso mo’y bumibilis habang kinuha mo ang bulaklak sa kanya. tumingin ka sa kanyang mga mata na tila’y kumikinang na parang isang bituin at nagpasalamat.
“salamat, mahal.” nahihiyang sabi mo.
maya-maya lang ay sumilay ang pilyong ngiti sa mukha niya habang papalapit siya sa'yo.
“wala bang kiss diyan— aray!”
hinimas-himas mo ang balikat ni camilo bago iniharap mo siya sa iyo at kasabay ng isang malalim na paghinga, dahan dahan mong isinara ang distansya sa inyong dalawa.
nababaliw na ata ang isip mo pero sa gitna ng kaguluhan sa iyong paligid, napaisip mo na sana laging di mawala si camilo sa iyong paningin, na sana’y tunog ng iyong puso parin ang kanyang aawitin.
Tumblr media
✧ 3 . 00 . . .
isayaw mo ako, sa gitna ng ulan mahal ko.. kapalit man nito'y buhay ko, gagawin ang lahat para sayo
tumitig ka sa mga ulap na nasa langit na tila'y naghahabulan, iniisip kung ano ang pwedeng gawin ngayon bago marinig ang pamilyar na boses ng isang tao.
“ehem soo... okay na ba tayo?” muli ay hindi mo pinapansin ang kanyang mga pagmamakaawa at patuloy mo lang tinitingnan ang ulap. subalit, hindi rin nagpapatalo si camilo at hindi tumigil sa paghingi ng tawad sa iyo.
“uyy y/n galit ka pa ba sakin?”
“tas what if i do?” sumagot ka na nakataas ang iyong kilay.
“edi i do rin. so kiss ko na ba kita or wait tayo kay father??”
pabiro mong sinuntok ang braso ng iyong kaibigan na sana’y hindi niya mapansin ang mukha mong namumula. “bahala ka jan camilo! sayaw mo nalang ako sa ulan.”
hindi nagtagal ay umulan din ang mga ulap, bawat patak nito ay naging isang piyesa ng himig para kay camilo. lumapit siya sayo at hinila ang magkabila mong kamay at ipinatong iyon sa balikat niya. isang sandali ay nasa baywang mo na ang kanyang mga kamay at ikay sinayaw niya sa ligaya ng tubig.
“yiee kinikilig siya oh” asar niya sa iyo.
“kilig mo mukha mo!” mabilis mong sinabi.
hindi nakinig ang lalaki sayo at inikot ka nalang, sabay ng paghalik sa iyong noo. "binibini, kay ningning ng iyong ngiti, hindi ko kayang mawalay ka saking tabi. sabi mo noon sa akin ayaw mo pa, pero ang yakap natin ngayo'y kakaiba. aking sinta, wag mo nang labanan ang puso dahil mahal din naman kita, noon, ngayon, at bukas pa.”
hindi ka gumalaw sa iyong kinatatayuan, puso’y hindi maiwasang umasa sa kanyang mga binibigkas ngunit mayroon paring paghihinala sa likod ng iyong isip.
“uy.. wag kang magbiro ng ganyan..”
“hm? sabi ko ba biro yun?”
huminto ang oras, isip mo’y pilit na hindi paniwalaan ang katotohanan ngunit nakita mo ang kanyang mga mata na punong puno ng pagmamahal at unti-unting binura nito ang iyong mga pagdududa.
ika’y umiyak sa puno ng saya at tuwa habang lumalangoy sa baha ng kanyang nakakalunod na pag-ibig. at gayundin siya sa iyo.
Tumblr media
✧ 831 . 00 . . . error
alam kong mahal mo na rin ako
“patawad binibini,”
sa isang huling sulyap sa iyong lumalakad na anyo, sa wakas ay unti-unting binitawan ka na niya. ngunit hanggang kailanman ay hindi parin matatahimik ang kanyang pusong mabigat lalo na't ika'y nawala na sa kanyang piling.
"patawad y/n sa pagbitaw ng iyong kamay... at sa pangakong tayo’y maging habambuhay”
Tumblr media
gumising ka sa harap ng katotohanan na walang magandang idinulot kundi ang pagpaalala sayo na ika’y nag-iisa sa malupit na mundong ito.
pumikit ang iyong mga mata at nakita mo ang kanyang mukha na hindi mawaglit sa iyong kaisipan. sa tuwing nasisilayan mo ang kanyang larawan ay di mo maiwasang masaktan ang iyong damdamin ngunit kahit ganun pa man ay ito pa rin ay nababalot ng walang katapusang pagmamahal mo sa kanya.
kasabay ng pagpatak ng luha sa iyong mga pisngi ay ang pagsikat ng liwanag ng buwan sa iyong anyo, tumingin ka sa langit habang naghihiling, na sana’y dumating ang araw na may magmamahal sa iyong nababagabag na sarili.
na sana’y siya pa rin ito.
Tumblr media
⠀⠀
95 notes · View notes
elliescent-affairs · 2 years
Text
Tumblr media
A Leason on Love To My Future Daughter:
Masakit magmahal.
Para kang umuukit gamit ang mapurol na punyal. Ngunit sa halip na iukit mo ang inyong pangalan sa bungad ng walang hanggan ay malalaman mo nalang na duguan kana, na sugat-sugat na pala. Dahil imbes na ikaw siya ang nag-ukit ng pagdurusa’t pasakit. Walang humpay ang pagsirit ng iyong dugo tulad ng agos ng luha mula sa mga mata mong mugto. Mapurol man ang punyal, babaon parin ito. Ang pag-ibig ay ganon, bumabaon. Maaalala mong lagi na ang tamis at pait, pighati at lugod, bawat pagpapala’t dinulot niyang salot.
Kaya’t huwag kang palilinlang.
Maraming magtatangkang magmahal sayo. Ilan sa kanila’y mamahalin mo ng todo. Sa pag-aakalang siya na ang para sayo, ang iyong pang-walang hanggan, magpakailanman.
Maraming pag-ibig ang ganito.
Na bubuhatin ka kapag baha para ang mga paa mo’y ‘di mabasa, ngunit sa huli’y lulunurin ka rin pala sa luha. Mga pag-ibig na parang pinupuri ka, sinasamba ngunit sa mata ng iba’y kinahihiya ka niya.
Tatanggapin mo ang bawat salita niya, para bang siya’y sugong propeta. Pero ang totoo’y ginagawa ka nang puta.
HUWAG KANG PALILINLANG.
Sinasabi ko sayo huwag kang mang-mang. Malaman mo sana ang kanyang mga tagong lihim. Na anomang oras ay maaari niyang gamitin bilang patalim para ikay saksakin. Maari ka niyang bugbugin sa dilim, gagawin mong tanging pang-alo ang pansariling panalangin. At ikaw si tanga dahil maniniwala ka ng matagal. Huwag kang martir. Pakiusap, huwag kang hangal.
Huwag mo sanang basta-bastang ibigay ang sarili mo. Pinanganak kang mula sa pag-ibig at kahit hindi mo man batid, may halaga ka. Isipin mong ginto ka. Mahalaga. Hayaan mong paghirapan ka niya. Ang tanging may karapatang angkinin ka ay ang karapatdapat. ‘Yong kayang magbayad ng sapat. Hayaan mong saya ang ibayad sayo. Ginto ka. Mahalaga. Hindi tamang magpakalugi ka sa barya.
Mahapdi ma’y masanay kang masugatan. Sa pagmamahal ay ganyan ang kalakaran. Sa pagmamahal ang masaktan ay pawang pangkaraniwan. Bagkos, ay hanapin mo ‘yong taong kung humingi ng tawad ay taos, kung magsisi ay lubos.
Ganito ang mahalin mo. Hindi ba’t sabi nga nila, sa panahon ngayon ang tunay na pag-ibig ay matatagpuan na lamang sa pamilya? Pwes, mahalin mo ‘yong pamilya na ang turing sayo. Mahalin mo ‘yong di ka pipiliting magbago. Batid na ‘di ka perpekto, ngunit tanggap ang tama’t mali sayo. Mahalin mo ‘yong kahit isang daang beses mo nang tinaboy palayo ay hahanap parin siya ng isang daan at isang mga daan pabalik sa piling mo.
Ang pagmamahal ay masyadong komplikado. Misan para kang nahagip ng rumaragasang auto.
Bababa ang nagmamaneho,
Lalapit siya sayo.
Tumakbo ka.
Tumakbo kang palayo.
Palayo, hanggang sa mahanap mo ang maglalakad kasama mo. Hanggang sa mahanap mo ang maglalakad sayo sa dambana. Titingin sa mga mata mo, at kahit na kawalan ang makita niya sa mga itim nito ay handa siyang mahulog kasama mo.
[This poem drew inspiration from Katie Pukash's "A Lesson on Love to My Future Daughter"]
Tumblr media Tumblr media
About the candle:
Chandler: Twin Flame Candles PH (IG: @twinflamecandlesph)
Scent: [Love Jam - gourmand] This Valentines Special is a mix of fresh strawberries, sweetened shortbread, and vanilla cream. AMOY MONAMI!!!!! Like strawberry milk shake that's really, really creamy. Smells like puppy love! 💕
Wick: Wood
Vessel: Amber jar with black tin screw lid.
Performance: The cold throw is strong enough to fill my room. Its a very good mix of powdery, strawberry, milky, creamy gourmand. The hot throw makes is better! The scent even lasts for most of the day! My only problem is that its doesn't burn evenly. It's now pooling but very, very thing lang naman sa sides.
Final Thoughts: 9.5/10 awesome experience! Maybe this really is love ❤️ Interesting that I found Miss Chandler in a makeup group (colourette club) I'm looking forward to more scents from this shop 🥰
Tumblr media
7 notes · View notes
kahugot · 2 years
Text
Leandro’s Story | DKB 033 | 12-10-2020
Dear Kuya Bono
 August 27, 2017 ay nasa airport ako ng bansang Oman. Kabababa ko lang noon sa mula sa eroplanong galing ng Saudi Arabia at kailangang maghintay ng dalawang oras sa airport ng Oman hanggang sa dumating ang eroplanong lilipatan namin at lilipad hanggang Thailand, at sa Thailand ay maghihintay ulit at lilipat sa isa nanamang eroplanong magdadala sa amin pauwi ng Pilipinas. Connecting flight ‘yun, at mas mura ang ticket kapag ganong connecting at iyon ang ticket na binili ng kumpaniya para sa akin, para sila ay makatipid.
 Sa airport ng Oman ay naghanap ako ng mapupuwestuhan sa dalawang oras na paghihintay…hanggang sa matanaw ko ang isang mahaba at halos bakanteng upuan, halos sabi ko kasi…may isang babaeng nakaupo sa dulo ng mahabang upuan na ‘yun…at natigilan ko noong mapansin kong pamilyar ang babae na ‘yun na kahit naka-side view at bahagyang nakayuko dahil nakatutok ang paningin nito sa kaniyang cellphone….ay kilang-kilala ko siya at kabisado ko lahat ng anggulo ng mukha niya– HINDI ako puwedeng magkamali --- siya nga…si Adeline Abesamis.
 Si Adeline ang babaeng sobra kong hinangaan at pinangarap noong High School ako. Hindi ko siya makakalimutan…pero bago ko malimutan ang bumati at magpakakilala ay hayaan niyong,…batiin ko muna ang lahat ng isang mapayapang oras…at ako po si Leandro, 29 year old, tubong Isabela.
 PLAY>S1    Music
 DKB-2
      Taong 2004, first year ako sa high school…section 2, section 1 si Adel. Magkatabing-magkatabi ng pinto ng classroom namin. Unang kita ko pa lang sa kaniya noon ay nagandahan na ako sa kaniya. Siya ay maputi, napakaganda ng mukha, at maganda rin siyang manamit.
       Mula noon ay naging crush ko siya at talagang gumaganda ang araw ko kapag siya ay aking nakikita. Noong malala na ang nararamdaman kong paghanga sa kaniya ay nakagawa pa ako ng tula, Maliban kasi sa pag-do-drawing ay mahilig talaga akong magsulat ng tula Kuya Bono kahit pa noong nasa elementarya pa lamang ako.
       Maikli lamang ang unang nasulat kong tula noon patungkol kay Adel. Nasa notebook ko pa rin ang tulang ‘yun at ganito siya;
 Salamat sa karpintero na gumawa ng pinto
ng classroom namin at classroom niyo
Tuwing ikay papasok o lalabas ng pinto
Kagandahang mong likas, napagmamasdan ko
 Salamat sa Tatay, lalo na sa Nanay mo
dahil isinilang ka sa mundong ito
Hatid mong ligaya sa aking puso
Tuwing kagandahan mo ay nakikita ko…
 Mayroon akong hiling, binulong sa hangin
sana isang araw ay mapansin mo rin
Abang tagahanga mo, madapuan ng tingin
Ngitian mo man lang, kikiligin ng labis…
 PLAY>S2    Music 
DKB-3
      Si Papa ang number 1 kong tagahanga sa aking mga guhit at mga tula. Sabi niya’y mana daw ako sa kaniyang ama na si Lolo Marcial. Hindi ko na nakita si Lolo Marcial dahil maaga daw itong namatay at bunso si Papa sa  kanilang magkakapatid kaya’t talagang hindi ko na naabutan si Lolo. Kamamatay lang daw kasi niya noong isilang ang panganay namin sa Bulacan kung saan kami dati nakatira.
       Si Lola ay buhay pa ngunit siya ay nasa poder ng kapatid ni Papa na nakatira sa Pangasinan.
      Kuwento ni Papa, maliit pa daw siya noong natatandaan niyang umaalis si Lolo papuntang Maynila upang sumali sa mga Balagtasan, at naguuwi ng pera at trophy kinabukasan.
 “Ikaw anak, ang nagpapaalala sa akin sa aking ama…” Sabi ni Papa noon habang hawak niya ang notebook kung saan ako nagsusulat ng mga tula mula pa noong elementarya ako.
       “Kamukha ko pa siya Papa?” tanong ko noon.
      “Hindi eh…kasi ang itsura mo ay namana mo sa side ng Mama mo….”
      “Guwapo ba si Lolo, Papa?”
      “Oo siyempre,..pero mas guwapo ka anak…”
      “Ay Papa, alam kong hindi ako guwapo…kaya huwag mo akong bolahin….”
      “Anak,…eto ang tatandaan mo. Ang tunay na kaguwapuhan ay wala sa panlabas na anyo…nasa puso, nasa pag-uugali ng tao….”
      “..Maganda naman ang ugali ko Papa diba?...sa tingin mo kaya may magkakagusto sa akin kahit mabait lang ako pero ganito naman ako?”
      “Oo naman anak,..basta makatapos ka ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho…”
      “..Makakapag-trabaho kaya ako Papa?”
      “Bakit naman hindi pero…ano ba ang gusto mong maging….kung magiging makata ka, eh…sorry pero hindi na kumikita ang mga makata sa panahon ngayon, hindi gaya ng panahon ng Lolo mo…”
       “Magiging artist ako Papa,..o kaya Architect!”
      “Wow! Bigatin ang pangarap mo anak ah…pero sige, kakayanin natin yan…basta mangarap ka lang…at gawin mong inspirasyon ang pangarap mo….”
 PLAY>S3    Music
 DKB-4
      Maliban kay Papa ay mahilig ding buklatin ni Gino ang aking notebook ng tula. Siya ay ka-klase ko mula pa noong firs year kami sa high school.
       “Alam mo ‘tol, ang gusto ko sa mga tula mo…naiiintindihan ko…hindi gaya ng mga tula sa libro, di ko maintindihan….” Kumento minsan ni Gino.
       “Eh kasi tol, magagaling yung mga nagsulat ng tula sa libro, MALALALIM NA SALITA ANG MGA GINAGAMIT NILA….gaya nina…Lope K Santos, Jose Palma at Francisco Balagtas…matalinghaga ang kanilang mga tula kaya…hindi madaling unawain lalo sa panahong natin…”
      “Etong mga tula mo ‘tol, napansin ko lang parang puwedeng gawing rap eh….”
      “Rap?”
      “Oo,..kasi magkakatugma sa dulo…teka tol,..ira-rap ko tong isa na ‘to…” Sabi niya noon at akmang magra-rap nga kaso biglang dumating ang teacher namin at pinaghanda kami ng ¼ sheet of paper. Agad kong binuksan ang bag ko upang magpalabas ng ballpen at papel…ngunit paglingon ko sa pinto ay nakita ko si Adel at masaya ang kaniyang ngiti habang kausap si Brandon.
       Magka-klase sina Adel at Brandon. Guwapo si Brandon at ang kaguwapuhan niyang iyon at nakakasakit sa akin dahil pakiramdam ko ay ginagamit niya yun upang magustuhan din siya ni Adel. Halatang kakaiba ang saya ni Adel habang kausap ni si Brandon,…at nakakasakit yun sa akin.
 PLAY>S4   Music
 DKB-5
             Hanggang sa maulinigan ko sa kuwentuhan ng mga babaeng chismosang ka-klase ko na mag-on na sina Adel at Brandon. Nasaktan ako sa balitang yun Kuya Bono. Ewan ko kung bakit?
 Sa pagkakatanda ko ay may naisulat akong tula noong nasasaktan ako dahil nagseselos ako sa relasyon nina Brandon at ang lihim kong minamahal na si Adele. Natatandaan ko na umuulan pa noong magsulat ako ng tula pero hindi ko makita notebook ko ang nasabing tula.
       Talagang nagseselos ako noon Kuya Bono kahit alam ko namang wala akong karapatang magselos pero di ko maiwasan.
       Second year high school ako noon Kuya Bono at magkatabi pa rin ang section namin ni Adel, nasa section 1 pa rin siya at ako ay section 2. Hindi na magkatabi ng pinto ng classrooms namin noon pero magkatabi pa rin ang classroom namin…kaya’t madalas ko pa rin siya matanaw. At sa tuwing makikita ko silang magkasama at magkausap ni Brandon ay hindi ko mapigilan ang magselos.
 PLAY>S5   Music 
DKB-6
      Noong pista nina Gino, buwan ng Marso na noon Kuya Bono ay pilit niya akong isinama. Mula sa school ay dumeretso kami sa barangay nila dahil sinundo kami ng pinsan niyang si Kuya Arvin sakay ang kanilang tricycle. Nangako si Gino noon na ihahatid nila ako sa bahay pagkayari lang naming kumain sa kanila.
       Noon nasa barangay na kami nina Gino, maraming tao sa kalsada, maraming sasakyan ang nakaparada sa gilid dahilan upang magbagal ng patakbo si Kuya Arvin, nakita ko…napansin ko ang isang lalaking kay ganda ng pagkaka-akbay sa isang babaeng mahaba ang buhok at napaka-iksi ng suot na short. Hindi ako maaaring magkamali,---si Brandon ang lalaking yun. Noong matapat kami sa kinatatayuan nila ay tinitigan ko pa.
       Napamura ako sa isip ko noon Kuya Bono dahil hindi ko akalaing may iba pala si Brandon, pero para makasiguro ako ay tinanong ko si Gino;
       “Kilala mo si Brandon Lopez, tol?”
      “Oo, section 1,..andun ah…kasama niya si Cheska….”
      “Sino yung Cheska?”
      “Yung babaeng kaakbay ni Brandon, taga-dito siya…malayong kamag-anak namin….”
       So noon ay na-confirm ko nga Kuya Bono, may girlfriend na si Brandon at pinagtataksilan niya si Adel.
 PLAY>S6   Music
 DKB-7
      Sumapit ang bakasyon noong matapos ang second year namin sa high school at nakilala ko naman si Mariel. Siya ay pinsan ng kapit-bahay naming si Ate Luna at sa kaniya ko nalaman ang pangalan ni Mariel pati kung taga-saan si Mariel. Taga-Lucban Quezon daw ito at kinuha nila si Mariel upang may makasama sila, pag-aaralin din daw nila Mariel.
       Simple lang si Mariel Kuya Bono, pero maputi at mahaba ang buhok. Noong una ay hindi ko siya masyadong gusto ngunit noong marinig ko ang boses niya habang kumakanta ay bigla akong nagkaroon ng damdamin sa kaniya.
       May sari-sari store kasi si Ate Luna at doon ako lagi bumibili. Isang araw, ilang hkbang pa ako sa tindahan ay narinig ko na ang maganda at matamis na boses na kumakanta ng kantang Ingles, na pamilyar sa akin pero hindi ko alam ang Title. Paglapit ko ng tindahan ay nalaman kong si Mariel ang kumakanta. Noong mapansin niya ako ay tumigil siya sa pagkanta at tinanong ako;
       “Ano yun?”
      “Ah…coke, yung maliit lang…” Sagot ko. Noon ay tumayo siya at binuksan ang ref. Kumuha ng isang bote ng coke saka binuksan, nilagyan ng straw at inabot sa akin. Inabot ko din ang bayad;
        “Ang galing mo palang kumanta…” Lakas-loob kong sinabi sa kaniya. Napangiti siya saka nagtanong;
       “Alam mo ba yung kanta na ‘yun?”
      “Ah…naririnig ko yun sa radyo pero…hindi ko alam ang title…”
      “If Ain’t Got You…kanta ni Alicia Keys. Favorite song ko ngayon yun eh….”
      “Talaga? Ano naman ang kuwento ng kanta?” tanong ko.
      “Ano…kanta yung ng isang babae na…walang ibang hinahangad sa mundo…kundi ang makasama lang niya ang kaniyang mahal…” Sagot niyang napangiti pa.
      “Mukhang inlove ka ah” Sabi ko.
      “Oo. Kaso…magkalayo na kami. Nasa Quezon siya at ako…nandito sa Isabela….”
      “LDR na kayo….” Sabi ko, hindi ko pinahalatang medyo na-disappoint ako sa pagkaka-alam na may boyfriend na pala siya.
      “Oo eh. Ikaw ba, taga-dito ka ba talaga? Dito ka pinanganak?”
      “Ah…hindi ako dito pinanganak…sa Bulacan, dun dati nakatira sina Mama at Papa…pero si Mama, tagarito talaga sa Isabela….nung kinder na ako, saka kami lumipat dito…”
      “OK. Eh ano ba mga hilig mong gawin? Mahilig ka rin bang kumanta?”
      “Hindi eh. Ahmm mahilig akong magsulat ng tula…”
      “Tula?”
      “Oo. Tula as in poem…”
      “Uso pa ba ang tula?”
      “Ewan. Hindi na yata pero…wala lang, hilig ko lang….”
      “Ah ok. Eh,..may girlfriend ka na?”
      “Wala eh. Crush lang….”
      “Crush? Eh ba’t di mo ligawan?”
      “….Hindi ako magugustuhan non…”
      “Pano mo nasabi? Di ka pa nga nanliligaw diba?”
      “Ni hindi nga niya ako kilala eh…”
      “Magpakilala ka. Sulatan mo…or gawan mo ng tula…tapos bigay mo sa kaniya….”
      “..May…boyfriend na siya…”
      “Aw! Eh….hayaan mo na din. Taken na pala eh…”
      “Kaya nga…pero crush ko pa rin siya kahit  may boyfriend na siya…”
      “Ano ka ba? Huwag na, magpalit ka na ng crush. Wala ka nang aasahan dun kasi may boyfriend na nga…palitan mo na!” Napangiti ako sa sinabing yun ni Mariel. Palitan ko na daw si Adel. Kaya lang, naisip ko din Kuya Bono, parang tama siya. Taken na si Adel,..para ano pa ba na crush ko siya?
 PLAY>S7    Music
 DKB-8
      Sumapit ulit ang pasukan. Third year na kami. Ka-klase ko pa rin si Gino at si Mariel, nag-enroll din sa school kung saan ako pumapasok kaya lang, 4th year na siya.
       Lalo pang gumanda si Adel noong 3rd year na kami. Nagkahubog na ang katawan niya at lumaki ng konti ang dibdib niya. Hindi ko pa rin maiwasan noon ang pagmasdan siya at talagang nahahalina pa rin ako sa natatangi niyang kagandahan. Noon ako nagtataka sa sarili o Kuya Bono kasi marami namang magaganda o mas magaganda pa, pero siya pa rin talaga ang gustong-gusto ko.
       Sumapit ang buwan ng Agosto, pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Isang araw noon ay nagtanong ang Filipino Teacher namin kung sino daw sa amin ang marunong magsulat ng tula.
       “Ma’am si Leandro!” Malakas na sabi ni Gino. Nasa dulo siya ng row ng upuan noon at hindi ko siya katabi.
       “Leandro,…isasali kita sa paligasahan sa pagsulat ng tula ha. On the spot yun……at yung mapipiling sampu na pinakamagandang tula ay aktuwal nilang ide-deliver ang kanilang tula sa program para sa Buwan ng Wika….ipapalista na kita ha, Leandro!” Hindi ko nasagot si Ma’am noon. Ngumiti lang ako. OK lang sana sa akin kung magsusulat lang ng tula,…pero yung actual kang tutula sa stage sa program…ikinatakot ko yun…pero wala na rin akong nagawa dahil pinalista na ako ni Ma’am.
 PLAY>S8   Music
DKB-9
      Sumapit ang araw ng contest sa pagsusulat ng tula. Ginanap yun sa classroom ng 4th year Section 1. Bawat section ng bawat year level ay may representative. Yung head ng Filipino Department ang nandoon noon at siya ang namahala sa contest. 
      “Handa na ba kayo? Ilabas na ninyo ang inyong yellow pad paper at ballpen. Kayo ay magsusulat ng tula na bibigyan niyo ng pamagat…at ang pamagat ay mga bagay-bagay sa paligid, gaya ng puno, bulaklak, pader, bubong…kahit ano basta bagay….at igagawan niyo ito ng tula sa wikang Pilipino….magsisimula tayo sa loob ng tatlumpong segundo…at mayroon kayong trenta minutos para gawin ang tula na kailangan ay mayroong lima hanggang sampung talata…or paragraph…ten seconds students…ready…timer starts now…! 
      Noon Kuya Bono ay nalito ako. Hindi ko alam kung anong tula ang isusulat ko, iginala ko ang paningin ko sa paligid…ang daming bagay akong nakita pero wala akong maisip na tula. Gusto ko lang magsulat ng tula tungkol sa pag-ibig,..tungkol kay Adel na mahal ko. 
      Hanggang sa mapansin kong lahat ng kasali ay nagsusulat na at ako na lang ang nakatanga. Hanggang sa lumipas na ang sampung minuto ay wala pa akong nasusulat kahit na isang letra…noon ay kinabahan na ako….si Adel ang nasa isip ko….siya ang gusto kong igawan ng tula….
      Hanggang sa sabi ko sa sarili ko…bahala na!
      Nagsimula na rin akong magsulat Kuya Bono pero wala pa akong naisip na pamagat. Tatlong minuto bago matapos ang itinakdang oras ay natapos ko ang tula…na mayroong pitong paragraph…binasa ko ulit ito para maghanap ng pamagat hanggang sa nakita ko ang isang salitang ginamit ko….ang salitang PINTURA…at iyon ang isinulat kong pamagat. PINTURA! 
      Noong maipasa namin ang aming mga papel,…ang sabi ng Head Teacher ay;
      “Ang sampung mapipili ay ipapaskel sa bulletin board sa tabi ng entrance gate. Ang sampung ito ay aktuwal na isasatinig ang kanilang mga tula sa program na gaganapin sa biyernes! Ang tatlong pinakamagaling ay tatanggap ng premyo,..cash, certificate at trophy. Good luck sa inyong lahat at maraming salamat sa pagsali!”
 PLAY>9     Music
 DKB-10
      Makaraan ng isang araw mula noong contest Kuya Bono ay nakita namin ni Gino ang napakapaskel sa bulletin board. Kasali dun ang pangalan ko…at ang pamagat ng tula ko. Ang saya ni Gino noon, proud na proud siya sa akin….samantalang ako’y natatakot sa parating na biyernes na dalawang araw na lang noon. 
      Tumuloy kami ni Gino noon sa Filipino Department office upang kunin ang xerox kami copy ng aking tula. Si Sir Dexter noon ang nandun at siya ang Filipino Teacher namin noong second year kami.
       “Magaling ka pa lang magsulat ng tula ha Leandro. Sayang lang kasi…hindi purong Pilipino ang salitang ginamit mo…nagkaroon ka ng minus point dun isa english word na nagamit mo pero OK lang….kasi kasali ka pa rin naman sa Top 10. Good luck sa biyernes, galingan mo ha?”
      “Sige sir…eh sir, puwede ko bang palitan yung english word na nagamit ko?”
      “Ay hindi na Leandro eh…at saka mawawala naman sa rhyme kapag tinagalog mo kaya hayaan mo na…maganda pa rin naman at kakaiba siya sa lahat ng mga tula na nabasa namin….pero curious lang ako Leandro, para kanino yung tulang sinulat mo?” Nakangiting tanong ni sir Dexter. 
      “Wala sir. Compose ko lang yun…”
      “Naku naman Leandro,…halata namang may pinatatamaan ka sa tula mo eh…pero anyway, kung gusto mong isekreto yan…bahala ka, basta sa Friday galingan mo ha? Huwag kang kakabahan para hindi ka mawala o mamali hano?” 
      “Yes sir. Sisikapin ko po….”
 PLAY>S10  Music 
DKB-11
      Kinagabihan nun Kuya Bono ay kinabisado ko na ang tula ko. Nagkulong talaga ako sa kuwarto ko para makapag-concentrate ako. Kaya lang tuwing maaalala ko na aakyat ako sa stage ay ginagapangan talaga ako ng takot. 
      Nasa ganong ayos ako, nagsasaulo ng tula nang kumatok si Papa sa pinto. nalamam kong siya yun kasi sinabayan niya ng tawag sa pangalan ko ang pagkatok niya. Binuksan ko. 
      “Ano bang ginagawa mo? Nag lock ka pa ng pinto….” Malisyosong tanong ni Papa noon.
      “Eh Pa,…kasali ako sa contest ng tula sa biyernes eh….kaya eto nagmememorize ako….”
      “Talaga anak? Yan na ang sinasabi ko eh…talagang mana ka sa lolo mo….eh ano ba yung kinompose mong tula?” tanong niya saka aktong kukunin ang papel na hawak ko pero inilayo ko..
      “Huwag mo nang basahin Papa…”
      “Bakit naman? Titingnan ko lang eh….”
      “Wag na….”
      “Kadamot mo naman….”
      “Eh Papa basta wag na kasi…”
      “Eh di wag kung ayaw mo. Pero ilan naman kayong maglalaban-laban?”
      “Eh dun sa contest ng pagsusulat ng tula, 36 kami papa…Tapos pumili sila ng sampu na pinakamagandang tula…napili yung tula ko…kaya isa ako sa mga tutula sa stage sa biyernes…”
      “Talaga? Ang galing naman pala ng anak ko! Eh anak,…puwede bang manood sa biyernes?”
      “Eh…baka hindi Papa kasi sa mga estudyante lang yun eh…Buwan ng Wika lang yun saka sa school lang gaganapin….”
      “Anong oras naman?”
      “Alas otso po ng umaga..eh Papa, bawal ang outsider dun….”
      “Oo. Hindi naman ako pupunta eh….MAY pasok ako sa trabaho…”
      “Oo,..pumasok ka na lang Papa…” Sabi ko pero malakas ang kutob ko noon na manonood si Papa. Kilala ko siya, sobrang supportive niya sa akin kahit noon pa. Lima kaming magkakapatid Kuya Bono at pang-apat ako, pero pakiramdam ko…ako ang pinaka-paborito niya.
 PLAY>S11   Music
 DKB-12
      Sumapit ang araw ng Biyernes Kuya Bono. Sa back stage ay nagbunutan kami. Number 7 ang nabunot ko kaya pang-pito ako sa mga magre-recite ng tula. Sa mga naunang anim ay may magagaling pero meron ding mga nenerbiyos at nagkamali…meron pang nakalimot sa mga salita..nagkamot ng ulo at pinagtawanan.
       Nilakasan ko ang loob ko noon Kuya Bono hanggang sa natapos ang number six, ako na ang tinawag. Si Maam Wilma noon ang EMCEE.
       “Ngayon naman tawagin natin ang pang-pitong kalahok,…na bibigkas ng tulang may pamagat na PINTURA!”
       Noon Kuya Bono ay umakyat na ako ng stage at hindi ko maiwasang makadama ng hiya na pilit ko lang pinaglalabanan….noong tumingin ako sa mga nanonood ay lalo pa akong kinabahan dahil lahat ng mata ay sa akin nakatingin, lalo na noong tumayo na ako sa harap ng nakatayong mikropono…hanggang sa mapansin ko ang isang tao sa tabi ng gate…nakangiti sa akin at sumenyas pa ng OK!...Si Papa. Ngumiti na lang din ako sa kaniya. Tama ang inasahan ko na manonood siya. Hinayaan ko na lang pero…nakadama ako ng konting tapang noon dahil kay Papa….kaya noon ay sinimulan ko na ang aking tula na nalaman kong kakaiba nga kumpara sa mga naunang tula….
       Sinikap ko ring makita si Adel mula sa napakaraming estudyante pero hindi ko siya nakita…umasa ako noon na sana absent siya…sana di niya marinig ang aking tula.
       “Magandang umaga po sa lahat. Ako po si Leandro, Third Year..section 2. Ang pamagat ng aking tula ay PINTURA!” Noon Kuya Bono ay may ilang pumalakpak pero halatang halata na pinakamalakas ang palakpak mula kay Papa. Nooni ay sinumulan ko na ang aking tula;
 AKING BINIBINI…..AKO SANA’Y DINGGIN
SA TULA KONG ITO’Y IYONG MABABATID
NA DITO SA PUSO KO IKA’Y NATATANGI
DAHIL MULA PA NOONG FIRST YEAR
IKAW NA AT IKAW LANG ANG TANGING INIBIG….
 IBIG KONG MALAMAN MO NA MULA SA MALAYO
AKING  NATATANAW ANG KAGANDAHAN MO
HABANG PUSO KO’Y NANGANGARAP SA PAGMAMAHAL MO
KAHIT NA MALABONG AKO AY MAGUSTUHAN MO
DAHIL AKOY HINDI GUWAPO GAYA NG MAHAL MO
 MAHAL MO ANG LALAKING MAY MAHAL NA IBA
BAKIT DI MO MAKITANG NILOLOKO KA NA
NAKAPANGHIHINAYANG DAHIL MAGANDA KA
NGUNIT BULAG NAMAN AT NAGPAPAKATANGA
SA TAONG ANG NOBYA AY DALA-DALAWA
 DALAWA DIN ANG BABAENG AKING MINAMAHAL
UNA AY SI INA, PANGALAWA AY IKAW
PAGKAKAIBA LANG AY MAHAL AKO NI INAY
SAMANTALANG IKAW, KAHIT PANGALAN KO’Y HINDI MO ALAM
PAGKAT AKO’Y ISANG ABANG TAGAHANGA MO LAMANG
 LAMANG ANG UGALI KESA SA ITSURA
ANG BAGAY NA ITO DAPAT ALAM MO NA
DAHIL ANG ITSURAY KUKUPAS NA PARANG PINTURA
PANLABAS LAMANG AT PANSAMANTALA
AT UGALING MAGANDA AY PANG HABANG BUHAY NA…
 HABANG BUHAY KITANG AALAGAAN
DITO SA AKING PUSO AT SA ALA-ALA
AT DI MAKAKALIMUTANG SA AKING KABATAAN
AKO’Y MAY MINAHAL AT PINAHALAGAHAN
AT WALANG ITONG IBA KUNDI IKAW LANG…
 IKAW LANG AKING MAHAL AT PINA-PANGARAP
BALANG ARAW NAWA’Y MAPAKASALAN…
AT KUNG SA MULI TAYO AY MAGKITA
AKING IPAGTATAPAT NA ITONG AKING TULA
AY AKING SINULAT PARA LANG SA’YO SINTA….
 PLAY>S12  Music
 DKB-13
      Noong una Kuya Bono ay aminado akong kabado ako pero noong matapos ko pa lang ang unang paragraph ay nagre-react ang mga estudyante, bagay na hindi nila ginawa sa mga naunang tumula. Nakaka-relate kasi sila sa bawat salita ng aking tula….hanggang sa bawat linya ng aking tula ay may reaction silang parang kinikilig…at kung ano ano pa kaya kinailangan ko pa silang hintaying manahimik bago ako magsalita…
       At noong matapos akong tumula ay malakas ang hiyawan at palakpakan nila. Bago ako bumaba ng stage ay sinulyapan ko pa si Papa sa tabi ng gate. Katapat ng katapat kasi ng stage ang gate Kuya Bono. Sumenyas si Papa ng OK. Noon ay tuluyan na akong bumaba.
       Bago mag alas dose ay ina-announce na ang winner. Second Prize naman ang nakuha ko, First Prize ang representative ng 4th year section 1, at 3rd prize ang 4th year section 5. Sobrang saya ko noon Kuya Bono kasi nagka-trophy ako at 500 hundred pesos. Nayakap ako ni Papa noong bumungad ako sa pinto ng bahay kinakapunan nang makita niyang may hawak akong trophy. Lumuha pa si Papa noon habang nakangiti.
       “Proud na proud ako sayo anak!” sabi niyang lumuluha. Sariwang-sariwa pa yun sa ala-ala ko Kuya Bono kasi…isa yun sa mga hindi ko makakalimutang sandali noong buhay pa si Papa. Biglaan ang pagkamatay niya. Atake sa high blood ang kinamatay niya.
 PLAY>S13   Deathly Song 
DKB-14
      4th year na ako noong pumanaw si Papa. Buwan ng Hulyo noon. Galing siya sa handaan,binyag ng anak ng kaibigan niya. Hindi naman daw siya uminom pero naparami daw ang kain niya ng baboy at hipon.
 Naisugod pa naman sa ospital noong mahilo siya at nahihirapang huminga. Kaya lang nalaman ng mga doctor na may pumutok na ugat sa utak niya at iyon ang naging sanhi ng pagpanaw niya.
       Hindi naman alam kung paano tanggapin yun Kuya Bono. Si Mama, nagtatapang-tapangan lang kapag nakaharap kaming magkakapatid, pero nakita ko siya sa kuwarto nila ni Papa na grabe ang paghagulgol habang tinatakpan ng unan ang bibig niya habang umiiyak.
 PLAY>S14  Music
  DKB-15
      Sumapit ulit ang buwan ng Agosto at Buwan Ng Wika nanaman sa school. Si Sir Dexter ang teacher namin noon sa Filipino at hindi na niya ako tinanong kung sasali ako o hindi sa Paligsahan ng Tula. Ang sabi lang niya sa akin;
       “Leandro, pinalista na kita ha. Ang tema ng mga tula ngayon ay Damdamin. Halimbawa, LUNGKOT, GALIT, TUWA, PANGAMBA…mga ganon, basta Damdamin….”
       “Sige sir….” Sagot ko at noong sumapit ang araw ng contest sa pagsusulat ng tula ay hindi na ako nahirapan mag-isip ng tula o pamagat…ngunit nahirapan ako dahil ilang beses akong napaluha habang nagsusulat ng tula. Napatakan pa ng luha ang papel ko noon at kahit mabilis kong napunas ang nabasang papel ay nag-blot na ang ink ng ballpen….kaya’t inulit ko na lang….
       After one day ay nakatayo kami ni Gino sa harap ng bulletin board..
      “Wow congrats, kasali ka ulit!” Narinig kong sabi ng isang boses ng babae at paglingon ko,..nagulat ako. Si Adel ang nagsabi non ay kay ganda ng kaniyang ngiti. Hindi ako nakapagsalita hanggang sa umalis sila…sinundan ko siya ng tingin hanggang sa  mawala na siya sa paningin ko…
       “Tol, OK ka lang ba?” untag sa akin ni Gino. Nginitian ko lang siya,..ngiting masaya at napansin yun ni Gino.
       “Kinilig ka kay Adel ah ‘tol!” Sabi niya. Hindi ko na siya sinagot dahil hindi talaga ako makapaniwala na kinausap ako ni Adel. Noon lang araw na yun ulit ako Kuya Bono nakadama ng saya…mula noong mawala si Papa.
 PLAY>S15  Music 
DKB-14
      Pang-siyam ako noong araw ng contest sa Pagtula. Noong tawagin ang pangalan ko ay malakas ang palakpakan at hiyawan. Wala na akong kaba o takot noong umakyat ako sa stage pero paglingon ko sa gawi ng gate…parang nakita ko si Papa…nakangiti. Kaya lang noong muli akong tumingin sa gate ay wala na siya…..at natuon na ulit ang atensiyon ko sa napakaraming estudyanteng nakatingin sa akin…at ang mga judges na naghihintay sa aking pagtula kaya sinimulan ko na….
      “Maganda umaga po sa lahat. Ako po si Leandro, 4th year section 2. Ang pamagat ng aking tula ay…PANANABIK…”
 TATLUMPOT LIMANG ARAW PA LANG MULA NANG UMALIS KA
SA PILING NAMING NA IYONG PAMILYA
AT HANGGANG NGAYON MAHAL KONG AMA
PANANABIK SAYO’Y HINDI NAWAWALA
 ANG LAGI KONG TANONG, BAKIT BIGLA-BIGLA?
BAT BIGLA KANG LUMISAN NA KAMI’Y HINDI HANDA
AKALA KO BA’Y MAY PANGARAP TAYONG TUTUPDIN PA?
MAHAL KONG AMA PANO NA? PANO NA?
 IBIG KONG MAGTAMPO SA BATHALANG LUMIKHA?
BAKIT KAY AGA NA IKA’Y KINUHA?
PERO SABI NI MAMA DI KA DAW NAWALA
DAHIL SA PUSO NAMIN AY MANANAHAN KA.
 AKO’Y NANGANGAKO MAHAL KONG AMA
GAGAWIN ANG LAHAT PANGARAP NATI’Y MATUPAD
KAHIT WALA KA NA, INSPIRASYON KITA
SA PUSO’T ISIP KO DI KA MAWAWALA…
 BALANG ARAW AKO’Y MAGKAKAPAMILYA
ANG PANGALAN MO’Y AKING IPAMAMANA
KAHIT KANINO IPAGYAYABANG KITA
DAHIL PARA SA AKIN, DABEST KA WALA NANG IBA
 O MAHAL KONG AMA NASAN KA MAN NGAYON
SANA NAKIKITA MO AKONG NASA ENTABLADO NGAYON
BUMIBIGKAS NG TULANG SA’YO AY INAALAY KO
TULANG PUNONG-PUNO NG PANANABIK SAYO…..
 PLAY>S14        Music + Life Passing
  DKB-15
      Dumaan ang maraming araw at mga taon Kuya Bono. Noong 2007 ayt nagtapos ako ng High School at nagawaran akong special award in FILIPINO bilang…MAKATA NG TAON.
 Sa college, nagtapos ako ng kursong BSIT pero mas nakahiligan ko ang Artworks gamit ang computer gaya ng Adobe Illustrator, Photoshop, Corel Draw at Affinity Designer.
 Nakapagtrabaho din ako dati sa Santiago City, sa isang Advertising Shop na gumagawa ng mga signage at Tarpaulin Printing, hanggang sa lumipat ako sa Bulacan dahil ang pinsan ni Papa doon ay nagbukas din ng Advertising Studio kaya lang hindi naman nagtagal dahil nalulong ito sa CASINO at nalugi ang kaniyang negosyo.
       Noon ay umuwi ako dito sa amin dahil sa dalawang rason.
      Una, dahil wala na akong trabaho kasi nagsara na ang Studio ni Uncle Jaime.
      Pangalawa, dahil nagkabalikan kami ni Mariel.
       Oo Kuya Bono, si Mariel ang aking unang girlfriend. Sinagot niya ako noong 3rd year na ako sa college, pero pangatlong boyfriend niya ako dito sa amin. Naging malapit kasi kami ni Mariel noon at para kaming bestfriends. Sa katunayan, sa akin nga siya umiiyak sa mga pagkakataong nabibigo ang mga relasyon niya.
       Isang gabi noong umiiyak siya dahil nakipagbreak sa kaniya ang boyfriend niyang si Jason na noon ay nasa Dubai. Sa text lang sila nag-break. Sa awa ko kay Mariel noon ay hinaplos haplos ko ang likod niya bilang pagpapadama ng simpatiya pero sumandal siya sa dibdib ko..at magkadikit na noon ang psingi ko at gilid ng mukha niya…tapos noong i-angat niya ang kaniyang mukha ay tinitigan ko siya sa mata…hanggang sa ewan ko kung panong nangyaring…nauwi yun sa halikan….at iyon ang unang karanasan ko sa lips to lips….
      At mula noon ay naging kami na ni Mariel….
 PLAY>S15  Music
 DKB-16
      Hindi man kagandahan si Mariel gaya ni Adel pero, minahal ko si Mariel at itinuring ko siyang isang regalo mula sa Diyos dahil hindi ko aakalain na may magkakagusto o magmamahal sa akin sa kabila ng aking kakulangan.
       Pinahalagahan at minahal ko si Mariel at noon ay lalo pang nagkakulay ang mundo ko Kuya Bono. Nagsilbi siyang inspirasyon sa akin na mag-aral mabuti dahil pangarap ko noon na mabigyan ng magandang buhay si Mariel…kasi nalaman kong talagang mahirap lang ang pinagmulan niyang pamilya sa Quezon.
       Kaya lang, inabot lang ng six months ang relasyon namin dahil noong umuwi si Jason galing ng Dubai ay muli niyan sinuyo si Mariel at naging sila ulit kaya’t na-itsapuwera ako. Masakit pero tinanggap ko na lang…
 PLAY>S16  Music
  DKB-17
      Mula noon, kahit noong ako’y graduate na ng college at nagtatrabaho na ay….nahirapan na akong makatagpo ulit ng babaeng kaya akong tanggapin. Maganda na ang buhay ni Mama noon at ng mga kapatid ko dahil ang panganay naming si Ate Lizette ay nakapag-trabaho sa New Zealand at doon na rin nakatagpo ng asawang foreigner. Si Kuya Leo naman ay seaman at napakapihikan sa babae kaya’t matagal ding si Mama ang nakinabang sa kaniyang suweldo. Si Ate Lily naman ay graduate ng kursong Education pero nahirapang mag-apply bilang teacher kaya’t naisipang mag-training sa PNP kaya’t siya ay Pulis ngayon.
       Noong nagta-trabaho na ako sa Santiago, tuwing Lingo ay pinauuwi ako ni Mama para daw maiuwi ko ang mga maduduming damit ko. Iniiwisan kong umuwi noon Kuya Bono dahil hangga’t maaari ay ayaw kong makita sana si Mariel na kapit-bahay ko lang. Aminado ako na mahal na mahal ko pa rin siya noon kahit nagkabalikan na sila ni Jason.
       Kaya noong malaman kong magtatayo ng Advertising Studio si Uncle Jaime sa Malolos, Bulacan ay nagpresinta ako. Iyon ang unang pagkakataong malayo ako kay Mama. Masakit sa akin ang lumayo kay Mama Kuya Bono dahil mula noong mawala si Papa ay lubha akong naging madikit kay Mama. Inaalala ko siya lagi kasi natatakot akong baka bigla din siyang mawala.
       Kaya lang nandito naman noon si Lorenz, ang nakababata kong kapatid na maagang nakapag-asawa kaya’t may kasama si Mama dito, liban sa bunso naming si Linette. So nagpunta nga ako sa Bulacan Kuya Bono. Isang taon at tatlong buwan ko na doon nang biglang magtext si Mariel gamit ang bagong number. Wala na daw ulit sila ni Jason at ang tanong niya noon sa text;
       “Mahal mo pa ba ako?”
      “Bakit?”
      “Gusto ko lang malaman kung mahal mo pa ako…kasi kung hindi, uuwi na lang ako sa Quezon…”
      “Bakit ka uuwi…eh di magkakalayo na kayo ni Jason?”
      “Wala na kami!” Ganito ang mabilis niyang reply.
      “Bakit?”
      “May iba siya eh. Hiniwalayan ko. Ayoko na ng lokohan….”
      “Ganon ba?”
      “Oo Leandro. Nagsisi ako noong iwanan kita….sana pala, hindi na ako naniwala kay Jason. Ngayon, gusto kong malaman kung gusto mo ba akong balikan o hindi na?”
      “Gusto. Babalikan kita…” Ganito ang reply ko. Tapos, kulang isang buwan ang lumipas ay binenta na ni Uncle Jaime ang shop at hindi ko gusto yung nakabili kaya umuwi na lang ako….AT naging kami ulit ni Mariel…
 PLAY>S17  Music
 DKB-18
       Bumuo kami ng mga pangarap ni Mariel Kuya Bono. Noon ay nilegal ko na din siya kay Mama at sa mga kapatid ko. Nahihiya si Mariel sa pamilya ko Kuya Bono kaya’t naging challenge sa akin noon kung paano ko siya ilalapit kina Mama.
       Hanggang sa mapagusapan na namin ang kasal ngunit kulang pa ang ipon ko at ayaw ko namang si Mama pa ang pagagastusin ko kaya ako nag-pasyang mag-abroad. Pinayagan naman ako ni Mariel Kuya Bono dahil ang sabi ko’y kailangan kong mag-ipon para magkaroon kami ng maayos na kasal…kahit medyo engrande lang.
       Nung gabi bago ako lumuwas kinabukasan dahil flight ko na in two days papuntang Saudi,….ay inalay sa akin ni Mariel ang kaniyang katawan. Ang sabi niya’y bilang pagpapatunay daw na seryoso siya sa aming relasyon at mahal na mahal niya ako….
       Inangkin ko nga siya Kuya Bono at nalaman kong ako…ang nakauna sa kaniya. Naikuwento pa tuloy niya sa akin na yun daw ang dahilan kung bakit siya iniwan ng mga naging boyfriend niya dito sa amin…dahil daw siya hindi siya ma-iskoran…masyado daw siyang pakipot…pero sa akin ay nagkusa siya….at iyon ay isang bagay na nagpa-tibay pa ng tiwala at pagmamahal ko sa kaniya.
 PLAY>S18  Music
 DKB-19
      Kaya lang noong nasa Saudi na ako Kuya Bono ay ang dami kong nababalitaan tungkol kay Mariel. Mga kakilala at kaibigan ko dito ang nagkukuwento tungkol sa kaniya na…madalas daw silang magkasama ni Jason at may nakakita pa daw na may kasamang ibang lalaki si Mariel sa bayan.
       Noong ay kinausap ko si Mama at ang sabi ko;
      “Paki-obserbahan nga Mama si Mariel kung totoo ang mga binabalita sa akin….”
      “Na ano ba?”
      “Nagloloko daw si Mariel…”
      “Sige,..pamamanmanan ko pero…bakit ikaw may balitang ganiyan eh ang layo layo mo..samantalang ako kapitbahay ko lang pero wala naman akong naririnig na ganiyan…”
        Ayoko kasi Kuya Bono na kay Mariel ko tanungin kasi baka…ma-misinterpret niya ako. Baka isipin niyang wala akong tiwala sa kaniya.
       Hanggang sa natapos ang kontrata ko Kuya Bono at si Mama noon ay may balita na rin sa akin tungkol kay Mariel. Siya pa daw mismo ang naka-kita na magkausap sina Jason at Mariel sa tindahan NG KAPITBAHAY NAMIN….at masaya daw sila…nagtatawanan pa daw.
       Mabuti na lang at ilang araw na lang noon ay pauwi na ako, hindi ako nagkaroon ng mahabang panahong mahirapan doon dahil sa emotional problem na dulot ni Mariel. Umuwi ako at habang nasa flight ako ay binubuo ko na ang isipan ko sa mga sasabihin ko kay Mariel. Hindi ko siya iiwanan Kuya Bono sa halip at sisikapin ko siyang mapagbago at muling bumalik sa akin. Iyon ang gusto kong gawin noon…pero may ibang nangyari….at ito ay nagsimula sa airpot ng Oman noong August 27, 2017---noong hindi ko inaasahang makita ko doon ang aking High School secret Love na si…Adel o Adeline.
 PLAY>S19  Music
 DKB-20
      Kabababa ko lang noon sa mula sa eroplanong galing ng Saudi Arabia at kailangang maghintay ng dalawang oras sa airport ng Oman hanggang sa dumating ang eroplanong lilipatan namin at lilipad hanggang Thailand, at sa Thailand ay maghihintay ulit at lilipat sa isa nanamang eroplanong magdadala sa amin pauwi ng Pilipinas. Connecting flight ‘yun, at mas mura ang ticket kapag ganong connecting at iyon ang ticket na binili ng kumpaniya para sa akin, para sila ay makatipid.
 Sa airport ng Oman ay naghanap ako ng mapupuwestuhan sa dalawang oras na paghihintay…hanggang sa matanaw ko ang isang mahaba at halos bakanteng upuan, halos sabi ko kasi…may isang babaeng nakaupo sa dulo ng mahabang upuan na ‘yun…at natigilan ko noong mapansin kong pamilyar ang babae na ‘yun na kahit naka-side view at bahagyang nakayuko dahil nakatutok ang paningin nito sa kaniyang cellphone….ay kilang-kilala ko siya at kabisado ko lahat ng anggulo ng mukha niya– HINDI ako puwedeng magkamali --- siya nga…si Adeline Abesamis.
 Umupo ako sa kabilang dulo ng mahabang upuan. Nakantingin ako kay Adel pero siya ay busy sa kaniyang cellphone…at wala akong lakas ng loob na batiin o imikan man lang siya kaya’t inilabas ko na lang din ang cellphone ko at ako’y naglaro na lang ng games….NANG BIGLANG MARINIG KO ANG PAGBIGKAS NIYA NG MGA SALITANG ITO;
      “Leandro….Makata ng Taon!”
 PLAY>S20 Music
 DKB-21
      Si Adel pa ang lumipat ng upuan papunta sa tabi ko at kay ganda ng ngiti niya. Napakaganda pa rin niya Kuya Bono kahit na halatang pagod siya.
        “Kumusta? Kilala mo pa ba ako? Schoolmate tayo nung high school!” Masayang sabi niya.
      “Oo naman,..kilala kita Adeline….”
      “Sang ka galing?”
      “Ah Saudi,..pauwi na ng Pinas….”
      “Talaga? Nakapag-abroad ka rin pala….ako naman galing ng Dubai at pauwi na rin…para harapin ang masalimuot na buhay….” Sabi niyang bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya.
      “Bakit naman masalimuot?”
      “Magulo eh….lagi na lang akong minamalas sa lalaking sinasamahan ko….”  Nawalan ako ng reaction sa sinabi niyang ‘yun hanggang sa muli siyang mapalingon sa akin at ang sabi niya;
      “Siyanga pala Leandro…may itatanong lang ako..sana magsabi ka ng totoo…” Bahagya akong kinabahan sa sinabi niyang yun.
      “Kilala mo si Jennifer Talosig diba? Pinsan yun ni Gino Ramos na barkada mo nung high school?”
      “Oo, kilala ko si Jennifer….”
      “Ka-klase ko yun nung 4th year at sinabi niya sa akin na…yun daw tula mo noong 3rd year tayo ay para sa akin..totoo ba yun?” Nawalan akong tapang na salubungin ang mga mata ni Adel noon. Pakiramdam ko noon ay high school pa lang ako at duwag…
      “Oy…ano…totoo ba yun?” Ulit na tanong niya. Noon ay bahagya akong humarap sa kaniya saka ako tumango-tango.
      “So totoo pala…eh Leandro bakit….hindi mo ako niligawan noo?”
      “Papansinin mo ba naman ako?”
      “Bakit naman hindi?” Sagot niya. Hindi ulit ako nag-react. Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan. Iginala ko kunwari ang tingin ko sa napakaluwang na waiting area ng airport….hanggang sa muli siyang nagsalita…
      “Alam mo Leandro,…naka-dalawang live in na ako….at 17 na boyfriends mula noong high school tayo….kaya lang, hindi man lang ako ako pinalad na makatsamba ng matino at may paninindigang lalaki….”
        “…May anak na ako Leandor, 4 years old na….pero ang Tatay ng anak ko ay isang napakalaking gago…kaya ako uuwi para makuha ko ang anak ko sa kaniya..na kinakawawa ng bago niyang asawa….”
        “Alam mo….sobra akong nagtataka kung bakit kasi….mabait naman ako, pero bakit ganon ang mga lalaking natatagpuan ko….”
        “Baka kasi puro guwapo yung mga pinatulan mo…” Sabi ko.
      “Oo Leandro,…puro guwapo nga sila…kasi….mahilig ako dati sa guwapo..pero ngayon, kung may darating lang na lalaking seryoso at mahal ako…pati ang anak ko….kahit walang itsura….basta’t mahal ako at aalagaan ako, papatulan ko….kesa naman sa guwapo nga pero marupok naman sa tukso….”
        “…Eh Adel….pano kung hindi na nga guwapo, pero may kapansanan pa?” tanong kong hindi nakatingin sa kaniya.
        “Depende kung anong kapansanan niya….”
      “Ah….kung gaya ng..kapansanan ko….Adel…..”
      “Leandro…para sa akin wala kang kapansanan. Kahit naka-saklay ka….normal ka pa rin naman kasi…..gaya niyan nakapag-abroad ka pa nga….nakakapunta ka sa lahat ng gusto mong puntahan ng walang sagabal kasi nakakalakad ka naman….hindi ka naman disabled Leandro….” Noon Kuya Bono ay nagawa kong tumitig na sa magandang mukha ni Adel.
        “…So….anong ibig mong sabihin Adel….pu…puwede ba ako sayo?” Tumitig din siya noon sa mga mata ko Kuya Bono at naghari ang katahimikan sa pagitan namin….
        “Totoo bang…mahal mo ako noon pang high school tayo Leandro?”
      “Oo Adel…ikaw ang kauna-unahang babaeng minahal ko…kahit palihim….at naranasan ko ang maraming beses na pagseselos noon kapag nakadikit ka sa ibang lalaki….nagseselos ako kahit alam kong wala naman akong karapatang magselos…..kasi…mahal na mahal kita noon….”
        “Eh ngayon Leandro,…hindi mo na ba ako mahal?”
      “…Nakalimutan na rin kita dati…kasi matagal na kitang hindi nakita pero ngayong nagkita ulit tayo….normal lang siguro na….muling mabuhay yung damdamin ko para sayo….”
        “Pakakasalan mo ba ako Leandro…kahit na…may anak na ako?”
      “Oo Adel…oo!” Sagot kong hindi ko napigilang mahulog ang luha sa mata ko. Luha yun ng matinding saya….
      “Leandro….gusto ko sana kitang yakapin kaso….nasa middle east tayo….baka mapahamak pa tayo kaya….sa Pilipinas nalang kita yayakapin ha?” Tumang0-tango na lang ako noon Kuya Bono habang pinupunas ang luha sa mata ko.
 PLAY>S21  Music
  DKB-22
      “Kaya kong iharap sa’yo lahat ng lalaking nachi-chismis na nakakasama ko!” Mataas ang boses ni Mariel na parang maiiyak noong komprontahin ko siya noong kararating ko pa lang dito.
        “Oo,..nakakausap ko si Jason, kapag bumibili siya sa tindahan….wala namang dahilan para mag-iwasan kami. Ex ko na siya at masama bang maging kaibigan mo ang ex mo?....isa pa, malinis ang konsensiya ko Leandro,…WALA AKONG GINAWANG MASAMA!....Inaamin ako, maraming gustong manligaw sa akin….lahat ng message nila nasa messenger ko…basahin mo kung gusto mo….”
 “…..ibinigay ko ang sarili ko sa’yo para magkaroon ka ng tiwala sa akin pero…mukhang wala kang tiwala….mas naniniwala ka sa iba….”
 “Hindi naman sa naniniwala ako sa iba Mariel….tinatanong ko lang naman kung may katotohanan yung mga nakakarating sa akin…”
        “BAKIT hindi mo ako tinanong noon pa? Halos araw-araw naman tayong nagcha-chat diba? Bakit ngayon lang?....sana noon ko pa sinabi sayo na walang katotohanan ang mga chismis nila tungkol sa akin….HINDI AKO MASAMANG BABAE LEANDRO…..Oo, mahirap lang ako pero hindi ko dudumihan ang dangal ko lalo na’t may usapan na tayo na magpapakasal tayo…..”
        “…Pero tapatin mo ako Leandro. Kaya ba gusto mong maniwala sa mga chismis tungkol sa akin ay dahil….gusto mong umatras sa usapan nating kasal?....sabihin mo lang sa akin ang totoo Leandro….sabihin mo lang. Tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon mo…..kung ayaw mo na, uuwi na ako sa amin sa Quezon….matagal ko naman nang gustong umuwi doon…para makasama ko na ang mahirap kong pamilya….kahit papaano, tutulungan ko na lang ang Nanay ko dun…..kaya sabihin mo na. Gusto mo pa ba akong pakasalan o hindi na?”
 PLAY>S22 Music
  DKB-23
      Totoo pala yung sinabi ni Papa noon Kuya Bono, kahit pangit ako…at may kapansanan pa…kapag mabuti ang ugali ko…at nakatapos ng pag-aaral at may maayos na trabaho…ay may magkakagusto din sa akin…
        Inborn yung paa ko Kuya Bono, yung kaliwa ay Out of Service. Mapayat siya at mas maiksi…medyo balkutot pa at mahina kaya kailangan ko ng isang saklay, para sa kaliwa kong paa. Ito ang dahilan kung bakit mahiyain ako noong high school ako at sobra ang takot ko noong unang pagkakataong umakyat ako sa stage para magrecite ng tula.
        Ito rin ang nag-iisang dahilan kung bakit pinanatili kong lihim ang pag-ibig ko kay Adeline noon…kasi alam kong hindi niya ako magugustuhan…kaya’t nanatili siyang pangarap lang para sa akin….pangarap lang noon…na MAKAKAMIT KO NA…..SANA…..Magiging asawa ko na….SANA….PERO….Si Mariel ang pinakasalan ko….
 PLAY>S23 Music
  DKB-24
      Nagkausap naman kami ni Adel bago ko pinakasalan si Mariel. Ang sabi niya “Masuwerte siya sayo Leandro…congrats sa kasal niyo….kunin mo akong ninang sa first baby niyo ha?”
        Hindi masyadong magaan sa dibdib ko na…hinayaan kong mawala ang babaeng pangarap ko pero…siguro ganon talaga, hindi lahat ng pangarap natin ay nakakamit natin. NAGPAKALALAKI LANG AKO Kuya Bono,..kaya si Mariel ang pinakasalan ko. Mahal ko siya, mahal niya ako….at ako unang lalaking pinag-alayan niya ng kaniyang pagkakababae…bilang tanda ng tiwala niya sa akin kaya’t sisirain ko pa ba ang tiwalang yun?
        Tutal, napatunayan ko naman na lahat ng nakarating sa akin ay puro chismis lang talaga kaya noong November 18, 2017 ay nagpakasal kami ni Mariel.
        Pagkatapos nun ay nagtayo na lang din ako ng sarili kong Advertisement Shop at sa awa ng Diyos ay kumikita naman kahit papaano.
        December 24, 2018 ay isinilang ni Mariel aming panganay na isinunod ko sa pangalan ni Papa. Luis ang pangalan ni Papa ay ang anak namin ni Mariel ay pinangalan kong Louis Andre. Sa ngayon ay buntis ulit si Mariel para sa pangalawa naming baby, manganganak siya sa January 2021.
        Masaya ako Kuya Bono kasi,..naging mabait ang Diyos sa akin. Kahit ganito lang ako ay natamasa ko naman ang buhay na tinatamasa ko ngayon. Sana magsilbing araw ang kuwento ko sa mga kagaya kong may kapansanan. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Huwag niyong kaawaan ang sarili niyo. Kayanin niyo ang kinakaya ng mga taong normal habang sinisikap ang maging mabuting tao na may takot at pagmamahal sa Diyos.
       Hanggang dito na lang Kuya Bono at sana ay mabasa mo rin ang kuwentong ito ng buhay at pag-ibig ko.
       Ang kalalawigan mong umaasa at sumasaludo sayo,…Proud Isabelino….
       Leandro
 PLAY>S24 Music
3 notes · View notes
firstkokon0is · 3 years
Note
hello shawty gusto kolang sabihin na si hakkai yung torpe na may crush sayo tapos super harot sa chat pero di naman namamansin sa personal, tas kunwari intrams dun kalang nya papansin like mag gagala kayo buong school mag uusap lang minsan tambay lang sa canteen tas hanggang dun lang. tas one time tinanong mo sya “hakkai…..ano ba talaga tayo? may something ba tayo or hanggang dito lang?” tapos sagot nya “hindi ko rin alam eh” tas paranv di mo na sya pinansin non, a week later recess non syempre dapat nasa labas lahat pero ikaw nasa loob lang ng classroom gumagawa ng mga activities then all of the sudden pumasok sila hakkai, mitsuy, chifuyu baji tas takemich, may dalang speaker tas timutugtog yung ‘Bumalik kana sakin’ tas dun sa part na “sige na pls wag ng mainis bumalik kana sakin, sorry mahal ikay nasaktan bumalik kana sakin” kinanta ni hakkai sayo habang haway yung bote as a mic tas backing vocals sila chifuyu, tas nag sorry din sya sayo after non tas ayon iwan ko na sa imagination mo😞✋
TANGINA MO MARE KINIKILIG AKO HANGGANG BITUKA HOY YUNG SONG CHOICE DIN SHETTTT😭😭😭😭
13 notes · View notes
NICA
Author: Marlyn Lumanta Pardo
PART 5 ANG LIBRO
Sa ilalim ng puno duon kami nag pahinga. Naalala ko si lola at si Father Sebastian. Misteryoso parin ang pag kakaruon ko ng marka sa aking batok.
Lucas: "Asaan na ang Diyos mo Nica?
Bakit ka nila pinapahirapan ng
Ganito?"
Sinabi niya ito na parang nangaasar habang pinaglalaruan ang kanyang patpat na kahoy.
Ako: " May dahilan ang lahat ng ito.
Pagsubok man ito o hindi, alam
ko hindi tayo pababayaan ng
Diyos na Ama at ni San Miguel."
Lucas: " Kung ako sayo Nica pagiisipan ko ng mabuti yan."
Tumayo ito daladala ang kanyang mga kagamitan. Sinundan ko siya at nag simula na din kami sa aming paghahanap ng kuweba ni Lumen.
Ano kaya ang karanasan ni Lucas? Bakit ganun nalang siya makapag husga?
Isang kuweba ang aming nasilayan. Halatang may naninirahan dito dahil may liwanag na nanggagaling sa luob nito. Ngunit nung palapit na kami napansin ko may pulbos na nakapalibut sa kuweba.
Pamilyar ang pulbos na ito parang may na basa na ako tungkol dito.
"Pulbos ng Kamngyan" itoy ginagamit para pang proteksyon laban sa masasamang elemento.
Lucas: "Mauna ka na sa loob, ikutin ko
lang ang paligid para sigurdong ligtas tayo.
Ako: "Gusto mo ba sumama ako?"
Lucas: "Huwag na,
pumasok ka na sa loob."
Pag pasok ko may mga sulo na nakasabit sa dingding ng kuweba.
Ang daan patungo sa loob ay kurbado kaya hawak hawak ko ang aking pat pat habang naglalakad para sa kung ano mang sorpresa na nakaabang.
Ngunit sa halip ay isang Libro sa lamesa at papel na may mga dasal sa wikang Latin.
Panay ang tingin ko sa paligid pro walang tao. Binalikan ko ang lamesa.
Ang sigil sa libro ay ang parehong marka na mayroon ako sa likuran ng aking leeg. At ang mga salitang nasa papel ay aking nabasa na sa libro ni father Sebastian.
"Sino ka?"
sabi ng isang matandang babae sa likuran ko, habang may hawak na isang mahabang kahoy na may hiyas sa ibabaw nito.
Nagulat ako ng dumating siya pro nung narinig ko ang kanyang kalmadong boses, naramadaman ko na hindi siya masamang tao.
Ako: " kayo po ba si Lumen?"
Lumen: " Oo, ako nga. Bakit ka nandito?
At ano ang kelangan mo?
Ako: " Ako po si Nica, hindi po ako
taga rito pero dinala nalang po
ako ng tadhana sa lugar na ito."
Lumen: "Matagal ko na tinalikuran ang
pag gamit ng itim na
kapangyarihan. Kaya, kung yun
ang iyung pakay umalis ka na."
Ako: " Hindi po!"
Tumayo ako para lapitan siya na
parang nakikiusap.
"pero, aling Lumen paano po titigil
ang mga Aglao kung hindi niyo po
bawiin yung sumpa?"
Lumen: " hindi ko na pwedeng bawiin
ang sumpa. Ang kelangan
natin
malaman ay kung paano sila
labanan. Dahil walang silbi
ang pag bawi ng sumpa
Nica. Alagad sila ng
Demonyong na
si Baal."
Ako: "kaya po ba kayo may libro na.
yan?
Napansin ko na pinagmamasdan niya ang aking sing sing.
Lumen: " Oo, at alam mo ba na may.
kaugnayan ang Sing sing mo
at ang librong ito?
Ako: " kung ang sing sing ko at ang
libro ay may kaugnayan.
Baka kaya niyo din po ipaliwanag
Ang sigil ni San Miguel Arkanghel
Na nasa batok ko?
Hinawi ko ang aking buhok pinakita kay Lumen ang Marka. Hinarap niya ako at biglang niyakap habang nakangiti.
Lumen: "Nica, yang marka na yan ay
nakuha mo nung ikay
pinanganak. Ikaw ang napili
ng arkanghel na maging daan
para labanan ang masasamang
Elemento.
Kung ganun matutulungan ko si Lumen sa kanyang pakikipagsapalaran. Pero kelangan ko parin malaman ang pag gamit ng kung ano mang kapangyarihan na meron ang singsing at ang sigil.
Naalala kong bigla si Lucas. Bakit hindi pa siya bumabalik? Hindi kaya kinuha na siya ng mg Aglao?
Ako: "may kasama po ako
Na dapat susunod sa akin. Pero,
kalahating oras na po wala parin
siya.
Hindi ako mapalagay. Kelangan ko mahanap si Lucas.
"Kelangan ko pong balikan si Lucas.
Nagaalala ako baka kung napano na
siya."
Kahit na mahiwaga ang pagkatao ni Lucas nagaalala parin ako sa kanya.
Lumen: "Hindi natin siya pwedeng
hanapin ngyun gabi. Sigurado
nagmamasid na ang mga
Aglao. Dito ka na mag pagabi."
Naghanda si Lumen ng hapunan.
Isang plato ng kamote.
" kumain ka na muna,
Alam ko nagugutom ka na."
Ako: "Bakit niyo po naisipan na ihinto ang pag gamit ng itim na kapangyarihan?"
Lumen: " Nung sinumpa ko ang mga
Aglao. Nagalit ng husto si
Baal. Pina sugod niya ang
Kanyang mga alagad.
Akala ko katapusan ko na.
nagising ako na natabunan
ng dugo sa kadiliman. Ngunit
May liwanag akong nakita.
Sinundan ko ang ilaw at
inakay ako sa kweba na ito.
At agad agad pinalibutan ko
Ang kweba ng pulbos ng
kamangyan.
Liwanag? Hindi kaya ung liwanag na nakita ko sa gubat nuong hinahabol ako ng mga aglao at ang liwanag na nag dala kay lumen sa kweba ay iisa?
Tumblr media
2 notes · View notes
russelking · 4 years
Text
Tumblr media
Wala namang Oo
Mahal kita mula pa nung una
Nakita kita noon na isang dalaga. Na sakto lang ang ganda
Pero nahulog ako sa kabaitan mong kahanga hanga
Oo, nagkagusto ako sayo
Pero sabi ko di pa pede
Bata pa tayo at marami pa ang dapat na matamo
Kaya naghintay ako
Hihintayin kita na magdisi-otso
Yan sabi ko sa sarili ko
14 anyos palang ako nun
Pero pangarap na kita
Pero alam mo na may gusto ako
At kahit na anong pilit ko, binalewala mo ako
Sinaktan ng paulit ulit, nabusted ng sobrang lupet.
Pero patuloy paring nakakapit
Naalala mo pa ba?? Ang mga panahon na
galawang hokage ang diskarte ko tuwina?
Na kunwari may kukunin pero yayakap lang sayo?
Oo, natatandaan ko pa na nagalit ka sakin noon.
At di mo ko pinansin dahil dun
At mga panahon na nakita mo ang gallery ko
napunong puno ng pictures mo
At naiinis ka sakin sa ginagawa ko
Naalala mo pa ba?? Ang ginawa kong birthday
gift na portrait at tula.
Mga panahon na kabang kaba ako na ibibigay
sayo ang regalo
Na ilang buwan iniisip ang sasabihin
Pero nung kaharap ka di alam ang gagawin,
Naibigay naman ang regalo, pati puso ko ibibigay ko sana sayo
pero gusto mo ba
na maging tayong dalawa??
Dumaan ang maraming taon na alam mong may gusto ako sayo
Nagbigay uli ako ng regalo
Pero laking bigla ko sa ginawa mo
Sa harap ng maraming tao
nag walk out ka sa harap ko
habang binibigay ko ang regalo
Ang sakit dahil sa harap ng maraming tao
pinakita mong wala akong pag asa sayo
Pero di pa rin ako sumuko
Kahit ako'y nakayuko
Inihabilin nalang sa kaklase mo na ibigay sayo ang regalo
At umalis ako na sira ang puso ko
Kahit pala ngayon
Kailangan pa kitang piliting isuot yun
Para makita ko na naappreciate mo yun
Makaraan ng ilang taon
Naalala mo pa ba??
Na may pangako ako sa tula na hihintayin kita?
Di muna ako naging showy dahil nagagalit ka
Pero ang sakit nung narinig ko sa kaibigan mo na mahina at torpe ang tingin mo sakin
Porket ba di kita pinapansin
At dumidistansya ako?
Naghihintay lang naman ako ng tiyempo
Pero naalala ko, na ako lang pala ang nakakapit sa binitawang pangako
Dahil nung binitawan ko ang mga salita,
Mula ng pasimula
Ay alam ko na ako lang ang kakapit
At ikaw ay nakabitaw at hindi sakin lalapit
Papatunayan ko sayo na di ako mahina
Makaraan ang ilang taon
Isang taon nalang 18 kana baka naman pede na?
Ginawa ko lahat ng diskarte at hatid sundo
Ginawa ang libre na pasimpleng date kuno
Pero bakit kaya ganun
Even I want you to be mine
You always left me behind
Naunahan pala ako
Sa isang gwapong perpektong lalaki sa eskwela ninyo
Grabe 4 na taon na ako naghihintay
Pero buti pala sa kanya ilang buwan lang agad
gusto mo na makasama panghabang buhay
Buti pala binusted mo rin siya
Kaso nasa kanya na ang puso mong pumapagibig na
Ang sakit naman nito.
Kaya pala ako mahina kasi naunahan na ako
Ng mas gwapo at perpekto
Kahit na hinahatid kita pero siya ang iyong
sinasambitla
Kahit na ako ang kasama mo
Siya palagi ang nasa isip mo
Bakit ganito ang mundo
Ako ang naghintay at nagbigay ng lahat ng
makakaya ko
pero talo pa rin sa isang perpektong lalaki na
gusto mo
Kamanhid ko
Tinapon ko na ang pride ko sayo
Inisip na siguro konting tulak pa
Makukuha na kita
Siguro maalala mo naman ang efforts ko
Para makamtan ang matamis mong oo
Pero hindi, ako lang ang nakaalala
Ako lang ang nagpapaalala sayo
Na nandito ako kahit na wala namang tayo
Nag-18 kana
5 taon na paghihintay para sa isang dalagang
pilipina
Sa wakas sinabi mong may pag-asa
Pero kailangan mag-aral muna
Konting kirot at konting saya
Limang taon na naman
Ang hihintayin ko para ikaw ay lagi kong
makakasama
Pero teka, paano mo ba sinabi na may pag-asa?
Unawain ko muna dahil magulo talaga
Napilitan kalang ba o naawa
O talagang yan ang iyong nadarama?
Unawain ko lang saglit
Baka ikay nagpapakabait lamang
Naalala ko na ang sinabi mo
Sa tanong na may pag-asa ba ako
Sabi mo na, Kung hanggang saan makakaya ko
At kung gusto ko nang sumuko
Ayos lang sayo
Kung tayo ay tayo hanggang dulo
Pero kung hindi maghanap nalang ng bago
Sambit mo pa na marami naman dyan
Sila nalang baka sumuko kalang
At maypasegway ka pang sinabing may pag asa ka naman sakin
Dahil halata naman na binibigyan kita pag asa para sa tin dalawa
College na tayo, at kasama na kita sa eskwela
Pero manhid pa rin ako
Sa mga masayang alaala
Laging binubulag ako sa katotohanan na di naman tayo
Mga pagkakataon na sobrang saya mo kapag tayong dalwa lang ang nandyan sa ukay ukay
Na tusok tusok lang ayos na para sa panghabam buhay
At kapag may bibilhin ka ay andito ang tagabitbit mo
Kahit na ano para sayo
Pero kapag may kasamang ibang tao
O kaya sa eskwela ninyo
Bakit ganun ka umasta
Parang di ako tao kapag kaharap mo sila
Kahit na sinabi mong may pag-asa ako
Di ko maiwasan tingnan ang galaw mo
May pag-asa nga ba ako?
Kung nakaignore message ako sayo?
May pag-asa ba talaga ako?
Kung sa harap ng maraming tao iniiwasan
mo ako
Totoo ba talaga ang sinabi mo?
Sa loob ng maraming taon
Hinintay kong sabihin mo ang salitang iyon
Eto pa rin ako nandito sayo
Naghahanap ako ng dahilan para mag-stay
But you always give me a reason to let you away
Pero eto ako, eto napala ko sa katangahang ito
Naghintay ako sa wala.
Ang puso ko ay nagwawala
Buti pala si perfect guy noon ikaw unang nagchachat
Eh ako kaya? May balak ka bang magchatback sa mga message ko?
Sana naman magreply
Kasi llang buwan ko nang hinihintay
Kailan ka kaya mabubuhay?
Palagi nalang ba ako ang magsisimula?
At ako lang ba dapat magchat sa chat box nating dalawa?
Kaya sinubukan ko
Na di kita chinat at hihintayin na magsimula ka
Tutal naka45 na seen ka na sa lahat ng message ko
Tutal invisible lang ako sayo sa eskwela man o maging saan man
At ayaw mo ngang makita ako ng classmate mo
Dahil ayaw mong may issue sa atin dahil walang tayo
Pansinin mo naman ako, pero wala pa ring response.
Hanggang umabot na ng quarantine ng COVID
19
Pero ni txt wala pa rin
Buti pa ang virus sineseryoso
Buti pa ang Virus di dapat gawing biro
Buti pa ang mga frontliners ibibigay ang lahat para sa bayan at paparangalan
Eh ung akin?? Buti pala sayo di mo ko sineryoso
At ginawa lahat ay biro
At kahit na ibigay ko lahat sayo ay di mo maappreciate ang bigay ko
Kailangan na atang tapusin ito
Ang limang taon na paghihintay sayo
Dahil sawang sawa na ako
Sa pagmamahal na ito
dahil alam ko na ang totoo
Na hindi pedeng maging tayo
Dahil limang taon na ang hinintay ko
Para wala parin akong napalang oo
4 notes · View notes
princekisskill · 4 years
Text
Tumblr media
Dear Coronavirus,
Ano ga???
Ako’y talagang naiiyamot na sa iyo ha.
Liit na liit mo’y habang haba ng iyong gulamot at kainamang ligalig mo at pinsala mo sa mundo ih. Ikaw ga ay hindi mapapakiusapan na tumimo na? Ikaw ga ay walang magulang na pwedeng gumaruti sa iyo ng ikay magtigil na?
Are ha! Kung ikaw lamang ay madadale sa tadyak ay pihung ikay tumbalik at hilim ka sa dami ng taong iyamot sa iyo. Kaso’y pagkaliit mo naman, sarap mong sumbiin!
Ano gang ating problema? Tayo nga’y magusap, gusto mo gang malaman bakit akoy iyamot na iyamot sa iyo at kung bakit ako’y nagkakagarne? Iisa isahin ko ha at ng ikay hindi mamaas maas.
Una,
Daming dami mo nang pinagkagalit at pinagbabag ih, aba! Ikaw naman ang tunay na kababag e bakit ga’y kami kami na ang nagaaway? Sinisi na sa paniki, sa kabag, sa ahas, sa buwaya, sa aso dahil kung anu ano daw ang kinakain sa China. Maya maya pay mga Chinese na kababag at tuong daming dami nila at sila daw nagpakalat. Maya maya pa ay garne na at gobyerno na ang kapulong at si Duterte daw ay nagpabaya, inutil, abusado, tapos mga ralliyista naman sigla sa kalye, may mga pasaway namang tao na litar na inam at di nasunod sa curfew. Kita mo? Kita mo ga? Kagulo na ih, NAKALIMUTAN NA ATA NA IKAW ANG TUNAY NA KABABAG. Kung sino na laang maituro ih. Tsk tsk ayaw ng aking mamay ng ganyang padale. Huhusay ka at kamiy pinagaaway mo talaga.
Pangalawa,
Panic, alam mo ga yun? Ano gang ligalig mo! Lasa ko baga’y sumakit laang ng kaunti ang lalaugan e katal na ang inay at papainumin na agad ng salabat (na guhit na maigi) para daw mawala ang virus sa lalaugan, kita mo ga yan. Ay ngay-on mas gusto pa ng taong makarinig at suminghot ng utot kaysa sa makarinig ng ubo ih. Wala nang makapunta sa tuklong, wala nang makapag barek, wala nang makapaghuntahan sa kalye, nakakalimutan nang bunutin ang paltak sa katal na baka mahawa pag lumabas. Kapag may nabalitaang fake news, ay lasa ko bagay pandalas at sunggab na maigi sa palengke nang malalamon at baka magkaubusan. Ubos na ubos na ang laman ng pitaka ay wala namang kita at sarado nga ang pinagtatrabahuhan. Tama tama ng virus ka ha! Dapat ngayong panahong ito ay marami na ang nagpapa pagayo ih, kaso, gawa mo nga, dahil ng quarantine lahat nakatimo sa bahay.
Pangatlo,
Dahil sa iyo, nagla-bas na maigi ang pwedeng maging doctor, presidente ng bansa, political analyst, politiko, abogado, batikang chismusa, lahat nay may sinabing magaling. Lahat na’y magaling at kayayama! Kala mo naman ay tuong pag sinunod ang pinuputak nila e bukas e nakalayas ka na. Di gay hindi naman.
Pang apat,
Bakit ga tuong inubos mo na ang mga matatanda? Akoy katal na sa iyamot!
Ano gang galit mo sa mamay at lula, at tuong iyong inuutas. Sila talaga ang puntirya mo ih, kung di man e, karamihan sa kinakaon mo ay sila. Ikaw gay ginaruti nila dati... kaya ngay-on ay ganire mo sila madale? Huwag naman gay-un kaawa awa naman ih. Sarap mong kuritin ng dukit ang balat!
Sa tunay, ikaw naman na virus ka ay mauutas at mauutas din, di gay matatapos ka din naman, alangan namang ikaw ang matirang maninirahan dine sa mundo, akoy hindi napayag. Kailangan ka laang naming pagdaanan, huwag mo laang kaming hawahan e tamang ismir na laang kami sa iyo.
Pero sa tunay laang sa isang banda, kung wala ka lang inuutas, may maganda ka ding naidulot sa mundo…………………. PERO dahil nga may inutas ka, ibang usapan na ito.
PS
Ikaw naman ay hindi namin imbitado kaya ikaw ay wag ng mangaon paparne at baka ikaw ay dine pa magdamusak ha. Usap na.�
PS PS
Ikaw gay talagang saan nakukuha? Sa talsik ga ng laway o dalang hangin? Kakaliyo na ih. Makapirmi na nga laang ng basaysay.
Ang gustong sumampiga sa iyo,
Apo ng mamay
1 note · View note
KALAYAAN PARA UMUSAD ANG BAYAN
(Cholo Sebastian)
Ang Blog na ito ay tungkol sa kalayaan, Ano nga ba ang kalayaan? Ako bilang mag aaral ng La Sallete of San Mateo ay kinakailangan ng kalayaan bagamat hindi lahat ng Estudyante ay wala nito dahil sa pang huhusga at pananakit ng mga kabataan gamit ang kanilang bibig , Sabi nga nila ang pinaka maduming parte ng ating buong katawan ay dila dahil sa ating masasakit na salita na nagmumula sa ating dila dahil sa ating dila , Maraming Estudyante ang naalisan ng kalayaan dahil sila ay natatakot na at nahihiyang magsalita sa harap ng maraming tao. Ang kalayaan ay napaka impotante sa ating Bansang Pilipinas ito rin ang dahilan para umusad ang ating mahal na Bayan. Ako si Cholo Sebastian na atasan kaming gumawa ng blog upang maipalaganap sa mundo ang Importansya ng Kalayaan sa ating mga kabataan, Iwasan natin ang Dirkriminasyon, Pang bubully at higit sa lahat wag nating tanggalan ng kalayaan ang isang bata itrato natin ang Isa't isa ng patas, Ating ipaglaban ang kalayaan tungo sa magandang kinabukasan dahil kung ikaw ay walang karapatan na maging malaya ihahalintulad ko tong ikay nasa preso na halos wala kang magawa kundi makulong at manahimik. Nais kong ibahagi sa iba ring mag aaral ang aking kaisipan o opinyon tungkol sa kalayaan na kailangan ng mga kabataan sa ating bansa at nais ko ring maging tulay upang magkaroon pa ng pag asa ang mga kabataan.
8 notes · View notes
itsmesandramae · 4 years
Text
Random thoughts
March 9, 2020
Breaking News!! Corona Virus.. nakakaalarma talaga ang virus na yan ngayon na trending worldwide, madami ng naganunsiyo ng pagkansela ng mga klase, establishments na naapektuhan na nagpositibo sa virus mula ibat ibang panig ng bansa, saan nga ba nagmula ang virus na ito? napabalitaan sa wuhan china nagmula at di umano'y sa pagkain ng mga karne ng paniki or bats? totoo kaya? anyway kapag ikay isang corona virus patient, mabilis itong kumalat by droplets , halimbawa kapag ang patiente ay humawak sa isang bagay katulad ng door knob at hinawakan mo ito at hindi ka naghugas ng kamay, at ipapahid mo ito sa iyong mukha, or ikay kakain, ay mabilis mattransfer ang nasabing virus. kaya paalala sa lahat .. panatilihin malinis ang katawan, hindi lang sa kamay tayo magfocus kundi sa ating personal hygiene, health is wealth kaya naman alagaan natin ito. Wala pa ngang nadidiskubreng vaccine sa virus pero may nabalitaan naman na may mga survivors sa sakit na iyan.mabuting magingat na lamang at wag na umalis ng bahay kung hindi naman ganoon kaimportante ang pupuntahan. keep hydrated, healthy diet, take vitamins, exercise, have enough sleep. and siempre iwasan sin ang maistress diba, nakakadagdag yan sa pagkakasakit sa tao, kaya happy lang dapat.. hayyy ngayon nagccrave ako ng mighty zinger sa KFC.. paano ba malagpasan ang cravings.. grrrr.. iinom ko nalang ito  ng tubig haha..  and ngayon gusto ko naman magtravel.. kahit hongkong muna, next time nalang sa europe countries.. ano paba? HK, Japan, South Korea, Thailand, Indonesia, Malaysia, Singapore, ETC. at saka pahuhuli ba ang pinas, eh ang daming magagandang destinasyon sa atin, magagandang historical place, beaches and camping sites. ano kaya ang uunahin ko? EL nido palawan siguro, next na ang boracay, Cebu - Bohol..  anu ba yan, nagCrave na naman ako ng Beef Lasagna!.. makapag Gawa nga next week ay bahala na pala, kelan kaya makapaunta ng supermarket, kakatakot na kasi magagala ngaun, kailangan doble ingat na talaga.. may kinaaadikan pala ako ngayon na Kdrama Series on netflix. ayiieeee crash landing on you. hayy kakainlove naman si captain.. Sana OIL.. Well he is a soldier in North korea na anak ng General.. siya ay guwapo siempre, mabait, masungit pero sweet and caring. yan siguro ung mga tipo ko, halos lahat naman ng girls gusto ng ganoong guy. Sana OIL lang talaga.. hahaha :) I plan na tapusin na ang series this week.. oops magreready padin pala ako sa bible study namin di patapos ang topic ko hehehe..  since nagcrave ako ng Beef lasagna, share ko nalang kung paano ito lutuin. siempre kukunin ko rin ito isang food website..
How To Make Beef Lasagna Detailed instructions and measurements can be found on the printable recipe card at the bottom of the page.
Preheat the oven: Set to 375 F degrees. -Brown the beef: In a sauce pan or skillet, cook the ground meat until no longer pink. Add chopped onion, 1 tbsp of the oregano, salt, pepper and continue cooking until onion is cooked through and translucent.
-Prepare the sauces: Add the marinara sauce to the skillet and the cup of water. 
-Stir and bring to a boil. Remove from heat and set aside. In a small bowl combine the ricotta cheese, 1 tbsp oregano, eggs, Parmesan cheese, salt and pepper. Mix well.
-Stack the lasagna: In a baking dish that’s about 9×13 inches, start assembling your lasagna. Start with a couple ladles of the sauce at the bottom, this is especially necessary now that the noodles aren’t cooked. Lay 3 lasagna noodles over the meat sauce. Next layer with ricotta mixture and about 1/2 cup of the mozzarella cheese. Repeat until you have 4 layers of noodles, and end with ricotta cheese and mozzarella cheese.
Tips For Making The Best Lasagna
-Believe it or not, it’s not required to boil the noodles first, even though many recipes call for it. There is plenty of sauce in the recipe to cook the noodles while the lasagna is baking. Plus this way you end up with a firmer lasagna and no mushy noodles, but perfectly al dente. -Don’t be afraid to mix your ground meat for the sauce. This time I used ground beef, but if you’re feeling adventures, combine beef with pork or chicken and turkey. -Be sure to use lots of sauce to cook those noodles fully! -Use cottage cheese for even more creaminess. -Crumbled sausage is a nice addition to the ground beef if you want an even meatier sauce.
Leftovers Properly cool the beef lasagna before storing it, so that it will freeze and store evenly. It will stay fresh for 3 – 5 days in an airtight container in the fridge. Frozen lasagna will last for 2 – 3 months, just be sure to allow to thaw fully in the fridge before re heating.
SOURCE: https://www.jocooks.com/recipes/easy-beef-lasagna/
1 note · View note
mister-ez123 · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
PANA NI KUPIDO
Nagmahal, nasaktan natanggap ang kabiguan
Kinaya, natuto at patuloy na lumaban
Nagmahal ulit, nasaktan nanaman
Parang normal na ata na akoy masaktan
Tumigil dahil ang pusoy natuto
Natatakot nang masaktan muli ang puso
Tumangging ang damdamin ay tumibok muli
Kailangan pigilan para di na masawi
Akoy dinalaw ulit ni kupido
Tinangkang panain ng kanyang palaso
Pero akoy nakailag sa pagkakataong ito
At na protektahan ko sa ngayon ang puso
Akala ko ang lahat ay tapos na
Akala ko si kupido ay natuto na
Pero hindi inakalang babalik pala
At yun ang puso koy sapol ng kanyang pana
At akoy tuluyang nahulog sa iyo
Hindi ko alam kung paano ito
Ginawa ko naman ang lahat para labanan ito
Pero natangay parin ako sa damdamin ko sayo
Natatakot na sabihin ang nadarama sayo
Natuto na ako sa nakaraan ko
Nangangambang baka ako lang ang nahulog
Mas masarap pa sanang magpahingat matulog
Kaso huli na ang lahat
Ang problema kung ako ba ay sapat
Hanggang pangarap lang kasi kita
At ang damdamin koy malabong maipadama
Pero nakaipon ng lakas ng loob
At nasabi ko ang nasa loob
At naipahayag ang damdamin sa iyo
Natatakot man ay tinuloy ko parin ito
Pero sobrang saya ng damdamin
Ng sabihin mong akoy mahal mo rin
Hindi maipaliwanag ang nadarama
Hindi maipaliwanag ng mga kataga
Ang sarap nga pala sa pakiramdam
Kapag pareho kayo ng nararamdaman
Ng taong iniibig mo ng totoo
At ng taong gusto mong alayan ng buhay mo
At mahal para sa iyo ito
Lagi mong tatandaan na nandito lang ako
Handa kang pasayahin kapag nalulungkot ka
At susuportahan ka para sa iyong ikakasaya
Akoy iyong kaibigan na lagi mong matatakbuhan
Handang maging padir na masadandalan
Maging unan kapag ikay nasasaktan
At kasintahan na mamahalin ka hanggang sa walang hanggan.
1 note · View note
Text
Anak, anak hindi mo man ako kilala pero Ako,
Ako, kilalang kilala Kita.
Alam Ko kung naka tayo ka
Alam Ko kung naka upo ka
Anak, alam Ko kung ano ang nasa isip mo, alam Ko.
Alam Ko kung pagod ka na
At hindi ka pa man nagsasalita, alam Ko na ang iyong sasabihin
Anak, lahat ng ginagawa mo ay Aking nalalaman.
Pati ang bilang ng buhok mo ay alam Ko
Anak, nilikha kita ayon sa Aking wangis.
Anak, bago ka pa man nilalang sa tiyan ng iyong ina ay pinili na Kita.
Oo anak, pinili na Kita noong una pa lang
Anak, hindi Ka isang pagkakamali.
Hindi ka isang pagkakamali pagkat noong una pa lang
Noong una pa lang ay nakatala na sa Aking aklat ang itinakdang araw na ika'y mabubuhay
Alam Ko kung anong eksaktong araw ka isinilang
Anak, alam Ko kung saang lugar ka maninirahan.
Anak, alam Ko.
Anak, kagilas gilas ka at kahang- hanga
Oo anak, kahanga- hanga ka.
Oo, alam ko! Alam Ko sapagkat Ako ang lumikha sayo
Ako ang humulma sa iyo sa tiyan ng iyong ina.
At nang ika'y isinilang
Anak, kasama mo Ako
Anak, alam Kong marami ang hindi nakakaintindi sa Akin
Hindi nila Ako naiintindihan dahil hindi nila Ako kilala
Hindi Ako nasa malayo, hindi Ako galit na lagi kayong pinarurusahan
Anak, Ako ang pag ibig at iniibig kita
Anak, anak ang nais Ko lamang ay malaman mo
Malaman mo kung gaano kalalim, gaano kalaki ang pag ibig Ko sayo
Anak, gusto 'Kong iyan ay malaman mo sapagkat anak kita
Anak kita at ako ang iyong Ama
Anak, kaya Kong higitan ang lahat ng maaring ibigay sayo
Ibigay sayo ng iyong ama dito sa lupa
Dahil anak, anak, Ako'y sakdal
Lahat ng mabuti at ganap na kaloob
Kaloob na natatanggap mo ay nagmula sa Akin
Anak, Ako ang tumutugon sa lahat ng iyong mga pangangailangan
Alam Ko kung paano ko tutuparin ang mga plano Ko
Mga plano Ko para sa ikabubuti mo
Mga plano na punong puno ng pag- asa
Dahil anak, mahal kita
Ang pag ibig Ko sayo'y walang hanggan
Hindi mo man maintindihan
Hindi mo man mabilang ang mga plano Ko para sayo
Pero isa lang ang masisiguro Ko
Masisiguro kong mas madami pa ito
Mas madami pa ito sa mga buhangin sa mundo
Anak, anak aawit Ako ng kagalakan dahil sayo
Hindi, hindi Ako titigil, buong puso'y patuloy Akong gagawa ng mabuti sa iyo
Sapagkat anak, ikaw ang Aking tanging yaman
Ang iyong ikabubuti ang Aking kagalakan
Nais Ko, nais 'Kong ipakita sayo, ipahayag sa iyo
Ang mga, ang mga bagay na kahanga hanga at hindi mo pa nalalaman
Anak, anak makikita mo Ako kung hahanapin mo Ako ng iyong buong puso
Sa Akin mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay Ko sayo ang ninanais mo
Sapagkat Ako ang siyang nagbigay sayo ng pagnanais na iyan
At magagawa Ko ang higit pa sa iyong inaasahan
Anak, higit pa sa kung ano ang nasa iyong imahinasyon
Anak, Ako ang patuloy na nagbibigay sayo ng kalakasan
Anak, kapag ikay naghihirap na
Ako laging nagbibigay kalakasan ng iyong kalooban
Anak, kapag bagbag ang iyong puso?
Ako'y malapit sa iyo
At sa iyong mga mata
Papahirin ko ang mga luha mo
Walang nang pagdadalamhati,
Wala ng paghihirap
Wala ng pagtatangis
Anak, wala na, mawawala na ang lahat ng iyan
Anak, Ako ang iyong Ama
Ako ang iyong Ama at mahal kita
Mahal kita kagaya ng pamamahal Ko sa aking bugtong na anak
Bugtong na anak, na si Hesus
At dahil sa Kanya, ang pag ibig ko sayo ay naihayag
Siya, Siya ang tunay na larawan ng Aking pagkatao
Na dumating siya para ipakita sayo na kasama mo Ako
Na kakampi mo Ako at hindi ang kalaban mo
At para sabihin sa'yo na hindi Ko binibilang ang kasalanan mo
Siya'y namatay upang ang Ako at ikaw ay muling magkasundo
At ang Kanyang kamatayan ang aking pinaka dakilang pagpapahayag
Pinaka dakilang pagpapahayag ng Aking pag ibig sa iyo
Ibinigay Ko ang aking pinakakamamahal
Na baka sakali, na baka sakaling makuha Ko ang iyong pagmamahal.
At Kung tatanggapin mo ang handog ng Aking anak na si Hesus,
Ay tinatanggap mo na rin Ako
At wala, wala ng makakapagpapahiwalay sayo mula sa pag ibig Ko
Walang buhay o kamatayan
Walang pamunuan o kapangyarihan
Walang kataasan o kailaliman
Walang hinaharap o kasalukuyan
Anak, wala, walang maaaring makapagpahiwalay
Anak, ako'y nandirito lang, patuloy kang hinihintay
1 note · View note
markjohnmacs20 · 5 years
Text
"Ako ang Sumulat at Ikaw ang Pamagat "
Isa, dalawa, tatlo
Ganyan ako kabilis na nahulog sayo
Sa bawat araw na ikay kasama ko
Akoy napamahal na ng todo
Hayaan moko magkwento ng lovestory na kakikiligan mo ng todo
Una, nakilala kita sa di inaasahang pagkakataon
Pagkakataon nung mga panahong nililigawan mo ay hindi ako
Kaibigan kong dati'y minahal mo
Pangalawa, kayo'y nagkalabuan na
At ako'y iyong nilandi na
At ako naman tong si tanga na nagpalandi rin aba
Sa mga pambobola mo'y nabihag na nga
Pangatlo, akoy nabihag na
Di na nakaalis pa
Ang pagkakahulog sayo
Ay mas lalong lumalim pa
Pang apat, tayoy nagmahalan na
Ikaw ay aking sinagot na
Sa araw na yun ako ang babaeng naging pinaka masaya
Masaya dahil ikaw ay nakilala
Panglima, ikaw ang naging kasiyahan
Ang iyong ngiti ay aking naging kayamanan
Ikaw ang naging sandalan
Sa Kasiyahan man o sa kalungkutan
Panganim, uubos ako ng mga letra at gagawa ng ilang pahina
Masambit lang ang pagmamahal sayo sinta
Mga araw na iikot sa mundo nating itinayo
Masasayang ala-ala na tayo mismo ang bubuo
Pang pito, sa relasyon ay di maiiwasan ang tampuhan
Batuhan ng masasakit na salita na tatagos hanggang laman at tatatak sa isipan Mga luhang pupunasan ng panyo
Mga pusong nagdurugo
Pangwalo, lilipas ang sakit
Luluha ng nakapikit
Mga luhang pumapatak, na kahit gano ka katapang di mo kayang pingilan Mga sakit na kahit iwasan ay di ka titigilan
Pangsiyam, gaya ng sinabi ko sa unang bahagi ng tula ko
Ikaw na nagbabasa nito ay kikiligin ng todo
Pero nadala ako ng emosyon ko at nabago ko ata ankwento
Gusto ko lamang ilahad ang nararamdaman ko para sayo
Pangsampo, Matatapos na ang tula at titigil na sa pagbibilang
ititigil na ang pag akda
Ng kwentong aking ginawa
Para sa lalaking binigyan ng pangalan ng diyos na Paul Gabriel Rapiza Hindi sa pagbibilang ng sampo matatapos ang lahat
Dahil bibigkas pa ako ng mga salitang sapat
Para sa pagmamahal mong TAPAT?
Dahil para sakin ikaw lang ang lalaking karapat dapat
Ikaw yung taong ginusto ko
Pero diko inaasahang mamahalin ko ng husto
Sa lahat ng taong nandito kaya kong ipagmalaki na sa buong mundo
Na ikaw, ikaw na nagbabasa nito ngayon ikaw, ikaw na lalaking minamahal at mamahalin ko. Ikaw na magiging tatay ng mga anak ko
Ikaw ang bubuo sa pamilyang pinapangarap ko
Ikaw lang ang gusto ko
Ikaw na nagbigay ng inspirasyon
Dito sa mundong puno ng imahinasyon
At lahat ay may limitasyon
Tayo ang bida sa libro na gagawin nating dalawa
Na kung sakaling maubos man ang pahina
Samahan mo akong punuin ulit ang iba pa
Di ako papayag na itoy matapos pa.
Sa lahat ng tulang ginawa ikaw ang unang pag aalayan ko
Na sa lahat ng taludtod nito
Pagmamahal ko ang binibigkas ko
Malawak man ang aking imahinasyon
Iniisip ko kase na hawak ko ang kamay mo sa paglipas panahon
Dumating man sa oras na ang tadhana na ang kalaban ko
Hahabulin ko ang oras makarating lang sa mundo mo
Di ko hahayaan maging taksil ang kalawakan
Hahabulin ko ang mundo makasabay lang ulit sa pag ikot nito.
Di man mabalik ang dating tayo pero pwede pa tayo mag simula ng bago. Di ko hahayaang maubos ang tinta ng nagsusulat ng kwento nating dalawa. Di ako papayag na magsarado ang libro at matapos ang kwento.
Di man ako perpekto
Atleast ako ay totoo
Ako ang sumulat at ikaw ang pamagat
Para bang ikaw ang pahina at ako ang aklat
Ikaw yung laman at ako naman ang balat
Ikaw yung araw at ako naman yung bulaklak na nag aabang ng iyong pag sikat Ayan ang patunay na laging nakadepende sayo ang kasiyahan ko
Oo, walang ako kung walang ikaw
Asahan mong mananatiling sayo ang pagibig at atensyon ko kahit may makilala akong ibang tao Dahil hinding hindi nila mababago
Ang saya, at tuwa na naramdaman ko ng dumating ka sa buhay ko
Asahan mong ikaw ang siyang laging pamagat
Sa mga tulang aking isusulat.
2 notes · View notes
Text
Iba si Lord, after all the sadness and emptiness, all the disappointments and the feeling na “naiiwan na ako, na baka wala nang matira para sa akin”, after all the worry... He mad me feel secured and just wait for Him because He is working on me...
I was feeling troubled kase napostpone na naman yung cpale, which I planned to take last May, tas namove, naging October and again got postponed... That left me saying “wala ka sa plano... hindi na naman nangyari ang plano ko... so what’s next?”. Noong nagpeprepare pa lang ako for the May 2020 exam, I was so complacent na “okay lang” na wala muna ako work kase nagrereview nga ako di ba... then na postpone at naging October, sige more chances of winning and passing the board... hindi sumagi sa isip ko noon na maghanap ng work, kahit part time... kase “mayabang ako” while at the same time, takot at mababa ang tingin ko sa sarili ko...I was discouraged to do anything... kase “okay pa naman kame”, I did not felt the urgency to work kase “okay pa naman kame” financially... until nga this August when there was the announcement na postponed na naman. By this time, my sister graduated and now having her apprenticeship, earning... At duon na tinamaan yung ego ko, “shet, ako panganay dito, dapat tumutulong na ako sa bahay”. I don’t blame my sister for that, well in fact, I am proud of her na nag-uumpisa na yung career nya. I somehow felt relieved na atleast sya ikay yung track ng life nya... which I prayed for kase alam ko ang feeling ng walang direksyon ang buhay... So yun na nga... dahil nga sa wala akong magawa sa bahay at hindi ko alam ang gagawin ko... again, I made my plan, “maghahanap ako ng trabaho”... I made accounts sa mga job hiring sites and sa mga sites ng mga companies I want to work... I polished my resume, passed it to them... waited... and now I am still waiting.... mainipin akong tao at OA, kaya mga 3 days pa lang ang nakakalipas, nagdodoubt na ako na baka hindi ako tawagan... Gusto kong magmadali kahit alam ko sa sarili ko na hindi pa ako masyado handa...gusto kong may magyari nang makabuluhan sa buhay ko dahil noong inassess ko ang pagkatao ko, tae, wala pa akong nararating at mas malaking tae, kase wala pa akong nasisimulan... Naprepressure ako bigla...
Then this afternoon, out of nowhere, my uncle sent a prayer and worship video. I played it, and lahat ng tanong ko sa mga nagyayari sa buhay ko ay sinagot ng video na yun. That God really made a way to talk to me..Saktong sakto yung words... and during the first worship song, where I usually say my prayers, lahat ng concerns ko, yun yung points na nabanggit sa teachings nung pastor... I just want to share how God makes a way to remind you that He is a friend. At may plano sya para sa akin..
Iba ka talaga Lord... the best
I am praying for better days pa din. My past, present and future is Yours. Ikaw na po ang bahala. Mahal kita☺️☺️☺️☺️☺️
-avec amour, aria
1 note · View note