Tumgik
#lakbay museo
altherlee · 1 year
Text
We had a field trip yesterday and there was a lego wall template and some lego bricks. So my friend and I tried making Kenny for fun (we tried our best)
Tumblr media
3 notes · View notes
beingjellybeans · 2 years
Text
The Jelly List: 4 IG-worthy destinations in the metro to up your selfie game
The Jelly List: 4 IG-worthy destinations in the metro to up your selfie game
#EveryOppIsAPhotoOpp, am I right? If you get admonished for needlessly taking and posting photos of yourself in your social media, just respond with “Au contraire, boomer!” (These people can be boomers, or not… but they would still be killjoys, wouldn’t they?) Selfies, after all, may have psychological benefits for you. By being able to preserve a snapshot of how you look and feel in a certain…
Tumblr media
View On WordPress
3 notes · View notes
rome-writes · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
03/13/2023
Food Wanderer x Lakbay Museo
Dare I say eating insects, vinegar tasting, and lambanog drinking is something I’d ever do. Well cheers to a fun experience.
4 notes · View notes
missktel-kiem · 1 year
Text
Museum Gaming 2023 at Food Wanderer x Lakbay Museo and The Dessert Museum!
@kiemannn
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
danalazy · 2 years
Text
gusto ko mag-lakbay museo 🥲 kaso di available friends ko. HAHAHAHAHA inangyan. solo yarn? 😂 awawak!!!
1 note · View note
mom-of-rochnrosh · 1 year
Photo
Tumblr media
𝘌𝘹𝘱𝘭𝘰𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘴𝘦𝘶𝘮 𝘰𝘯𝘦 𝘢𝘵 𝘢 𝘵𝘪𝘮𝘦.👌👨‍👩‍👦‍👦 • #norchesoniahsadventures #familytime #dadabetsvacation2022 #foodwandererxlakbaymuseo (at Food Wanderer x Lakbay Museo) https://www.instagram.com/p/CpHtS8MLjZG/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
chnchymrnd · 1 year
Text
Lakbay sa Nakaraan: Gunitain ang Kamangha-manghang Oras sa Hong Kong
Halina't balikan natin ang tatlong araw kong abentura sa Hong Kong!
Sa katimugang bahagi ng baybayin ng China, ang mabunduking lugar ng Hong Kong ay isa sa mga pinupuntahang bansa ng mga manlalakbay. Ito ay binubuo ng iba’t ibang kultura mula sa China, Western, at British. Kaya naman, sa kahit anong panahon, ang Hong Kong ay dinadayo dahil sa kanilang mga tanawin, tradisyon, kultura, mga pagdiriwang, at iba pa.
Aking ibabahagi ang aking karanasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Gabay sa Paglalakbay
Unang Araw: Ngong Ping Village
Pangalawang Araw: Hong Kong Disneyland
Pangatlong Araw: Ocean Park
Karagdagang Lugar na Maaaring Puntahan
Tumblr media
Gabay sa Paglalakbay:
Sa aking abentura, ang aking pagpunta sa Hong Kong ay madali lamang.
Patungong Hong Kong: Galing Manila, kumuha ng 2-hour flight patungong Hong Kong. Noong kami ay nag-book, aming kinuha ang flight mula sa Cebu Pacific Air. Pagkababa ng eroplano, galing sa paliparan ay sumakay sa shuttle bus patungo sa hotel na tutuluyan.
Patungong Ngong Ping Village: Sumakay ng bus mula sa New Territories papunta sa Tung Chung cable car terminal. Matapos ay bumaba sa Ngong Ping Cable Car Station.
Patungong Hong Kong Disneyland: Sumakay ng tren o MTR patungong Disneyland Resort Line. Matapos ay lumipat ng tren mula rito patunong Disneyland.
Patungong Ocean Park: Sumakay ng tren mula sa South Island Line MTR patungong Ocean Park Station. Mula rito ay sumakay ng cable car patungo sa destinasyon.
Tumblr media
Kung ating babalikan noong tayo ay bata pa, ating ninais na makapunta sa isa sa pinakamasayang lugar sa buong mundo. At dahil tayo ay nakatira sa Pilipinas, ang pinakasikat at pinakamalapit na pook na ito ay sa Hong Kong Disneyland. Ngunit, hindi lamang ito ang destinasyon na maaaring magbigay saya kapag ang bansang ito ay napuntahan. Kaya naman, halina at sumama sa sulating ito na kung saan tayo ay maglalakbay tungo sa aking memorya noong 2015. Samahan niyo akong gunitain ang mga destinasyong aking napuntahan sa loob ng tatlong araw sa Hong Kong.
Unang Araw: Ngong Ping Village
Tumblr media
Sa kanlurang bahagi ng Lantau Island na kung saan mararanasan ang langit, lupa, at karagatan ng Hong Kong, ang Ngong Ping Village ay itinayo at mapupuntahan sa itaas ng Ngong Ping Plateau. Maraming turista ang nagpupunta rito upang maging pamilyar at maranasan ang mga kinagawian, kultura at iba’t ibang produkto ng Hong Kong. Ang pinakapinupuntahan sa destinasyon na ito ay ang The Big Buddha o Tian Tan Buddha na kung saan ikaw ay aakyat ng 263 na hakbang upang marating ito, at ang istatwang ito ay nasa tanyag na kapaligirang may kahanga-hangang tanawin.
Tumblr media
Maliban dito, mararanasan din ang Walking With Buddha na kung saan matutuklasan ang pagtatag ng Buddhism. Matapos dito ay mapupuntahan din ang Ngong Ping Piazza at ang Po Lin Monastery na isa sa pinakaimportanteng institusyon ng Buddhism sa Hong Kong.
Tumblr media
Karagdagan sa mga ito, mayroon ding iba’t ibang bilihan ng kanilang mga produkto at matitikman din ang kanilang mga tradisyonal na pagkain.
Pangalawang Araw: Hong Kong Disneyland
Tumblr media
Hindi mabubuo ang pagbisita sa Hong Kong kung hindi pupuntahan ang destinasyon na ito sapagkat ito ang pinakakilala at pinakagustong puntahan lalo na ng mga bata. Ang Hong Kong Disneyland ay isang theme park sa Penny’s Bay, Lantau Island na kung saan ito ang pinakamalaking parke sa Hong Kong. Nang aking makita ang arko ng Disneyland, hindi mapagkakaila na ito nga ang ‘Happiest place on Earth’ lalong-lalo na kapag kasama ang ating pamilya o di kaya ang ating mga kaibigan.
Tumblr media
Marami ang maaaring gawin sa liwasan na ito tulad ng pagsakay sa mga roller coasters, pagmamasid sa museo, at pamimili ng mga merchandise mula sa iba’t ibang pamilihan.
Tumblr media
Ang mga pagkain din dito ay Disney-themed na siguradong magugustuhan ng lahat lalo na ng mga bata sapagkat ang mga pagkain na ito ay patok din sa panlasa.
Tumblr media
Mayroon ding mga parada ng mga Disney Characters at mga palabas katulad ng fireworks display at live music na talaganag nagbibigay saya sa mga turista. At upang masulit ang pagpunta sa Hong Kong Disneyland, kakailanganin ang buong araw para masakyan at mapagmasdan ang sayang hatid ng liwasan na ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pangatlong Araw: Ocean Park
Tumblr media
Ang saya ay hindi magtatapos mula sa dalawang araw na pagbisita namin sa Hong Kong, sa halip ay mas madadagdagan pa ang kagalakan sa aming damdamin. Sa Wong Chuk Hang mapupuntahan ang Ocean Park na isang liwasan na binubuo ng roller coaster rides, mga palabas, at mga aktibidad na siguradong patok sa mga bata kasama ang kanilang pamilya o mga kaibigan. Maliban sa mga rides dito, mayroon ding mga hayop na makikita o makakasalamuha tulad ng panda, koalas, penguins, at iba pa.
Tumblr media
Karagdagan sa mga masasayang gawain sa Ocean Park, katangi-tangi rin ang tanawing hatid nito. Mula sa pagsakay sa cable car patungo sa destinasyon, makikita ang ganda ng kapaligiran, lalo na’t kitang-kita sa itaas ang buong parke. Ang Ocean Park ay nasa bundok din na kung saan ang tanawin ay pinapaligiran ng mga puno at sa tabi nito ay ang pinakamagandang asul na karagatan. Katulad ng sa Disneyland, kinakailangan din ang buong araw upang masakyan at mapuntahan ang iba’t ibang atraksyon sa liwasan na ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Karagdagang Lugar na Maaaring Puntahan
Kung mayroon pang natitira o labis na oras, huwag palampasin ang pagdayo sa mga Street market kung saan makakakita o makakabili ng mga tradisyunal na kagamitan sa Hong Kong o kaya mga souvenir at pampasalubong. Marami ring mga Street food o mula sa karinderya na dapat tikman ng mga turista lalo na’t mas naipapakita nito ang kultura at pagkakakilanlan ng Hong Kong.
Tumblr media
Kahit pa ako ay bata pa lamang noong ako ay dumayo sa Hong Kong, ang bawat sandali at alaala ay sadyang hindi malilimutan, lalo na ang galak na aking naramdaman. Mula sa paglalakbay na ito, aking nalaman ang iba pang tradisyon at kulturang lumaganap sa mundo. Sana ay nabahagian ko kayo ng sulyap sa aking abentura sa Hong Kong. Kaya kung kayo naman ang susunod na makakapunta sa destinasyong ito, anong lugar at aktibidad ang una at pinakagugustuhin mong dayuhin?
Mga Sanggunian:
The ultimate guide to Ocean Park Hong Kong | Hong Kong Tourism Board. (n.d.). Discover Hong Kong. https://www.discoverhongkong.com/seasia/explore/attractions/the-ultimate-guide-to-ocean-park-hong-kong.html
Hoffmann, M. (n.d.). The Ngong Ping Village. Hong Kong Traveller. https://www.hong-kong-traveller.com/ngong-ping-village.html
Baxter, D., & Baxter, D. (2021, Oktubre 11). Tian Tan Buddha | Detailed Guide to Hong Kong Big Buddha. AwayGoWe. https://www.awaygowe.com/tian-tan-buddha-hong-kong-big-buddha/
M. (2022, Marso 1). Hong Kong Disneyland Review 2022 – Guide to Planning Your Family Trip. Mum’s Little Explorers. https://mumslittleexplorers.com/hong-kong-disneyland-review-families/
G. (2023, Pebrero 21). Hong Kong Culture: an Interesting Guide to Hong Kongers. China Highlights - Since 1998! https://www.chinahighlights.com/hong-kong/culture.htm#:~:text=Hong%20Kong%20culture%20is%20a,the%20people%20from%20Chinese%20mainland
0 notes
clarkwitty · 1 year
Photo
Tumblr media
Sana kahit Itlog ni Kuya na lang this 2023 po. 🥰🥚🤣 (at Food Wanderer x Lakbay Museo) https://www.instagram.com/p/CnYevdqvYrl/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
athornyclark · 1 year
Photo
Tumblr media
Sana kahit Itlog ni Kuya na lang this 2023 po. 🥰🥚🤣 (at Food Wanderer x Lakbay Museo) https://www.instagram.com/p/CnYeo8nvxkXB32Ue6YdK1meB8pRLobY2zdd2Xs0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
danabonnie5 · 1 year
Photo
Tumblr media
Lakbay Museo Ayala Manila Bay (at Food Wanderer x Lakbay Museo) https://www.instagram.com/p/CnRyZniPL_1/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
and-reasss · 2 years
Text
Pang-edukasyon na Paglalakbay Taong-2019
Papunta sa destinasyon: Magkakasama kami ng aking mga kaklase katabi ang aking kaibigan. Hindi ako nagutom sapagakat maraming pagkain ang katabi ko at mga tao na sakay ng bus na aking sinakyan, na kusang-loob na nagbibigay ng kanilang mga pagkain. Sobrang ingay pero hindi nakaka-irita sapagkat puno ng tawanan ang iyong maririnig. Bawat isa ay nagbibigayan ng mga kanilang baon, hindi uso ang madamot sa biyaheng iyon.
Tumblr media Tumblr media
Mga Lugar na aking Pinuntahan at Kapupulutan ng Aral na Matatagpuan sa Manila:
1. Lakbay Museo
Matatagpuan ito sa Level 1, S'Maison, Seaside Blvd, Coral Way, Pasay, Metro Manila. Ang Lakbay Museo ay isang magandang pasyalan na ipinapakita ang mga paboritong destinasyon at kultural na pagdiriwang sa Pilipinas. Ang Lakbay Museo ay ibinabahagi AT ipinakikilala sa mga turista ang mga natatanging handog ng Pilipinas.
Tumblr media Tumblr media
Dito mo rin malalaman kung gaano kaganda at kadaming nakakamanghang kultura ang mayroon ang Pilipinas. Mga pagkain na matatagpuan at ipinagmamamlaki sa iba't ibang parte ng Pilipinas. wlang hindi magandang parte ang lugar na ito, dinadayo ito dahil sa ika nga nila instagramable place nga raw ang lugar. Natutunan ko rito kung gaano kahalaga na malaman ng bawat mamamayan ng isang bansa ang kultura nito upang mapangalagaan at hindi malimot.
2. Upside Down
Matatagpuan ito sa Boom Na Boom Grounds CCP Complex, Roxas Blvd, Pasay, 1300 Metro Manila. Ang inspirasyon ng Upside Down Museum ay kinuha mula sa Malaysia /Thailand /Taiwan at USA.
Tumblr media Tumblr media
Dumadagsa ang mga tao sa mga museo na ito upang makakita ng pamilyar ngunit kakaiba - ang pagbabaliktad ng mga bahay. Sa ngayon, nagtatampok ang Upside Down ng lanbing limang higit pang mga atraksiyon. Mayroong nakasandal na bahay, lumulutang na mga bagay, nakabaligtad na bahay, bahay na mayroong salamin sa itaas, malaking sapatos at headset, The World of Comfort , The Inverted Steel Bridge. atbp. Ang lugar na ito ay wlang pinipiling edad para magkapagsaya. malilibang ang bawat isa at tanging maririnig mo lamang ay mga tawa at camera shot. Sobrang naging masaya kami rito sapagkat makulay ang paligid at madaming pwedeng pagliratuhan. Natutunan ko rito kung gaano kasaya na makaranas ng bago sa atin. Lalo na kung kasama mo ang iyong mga kaibigan.
3. Mall of Asia
Matatagpuan ito sa G/F, Main Mall, Seaside Blvd, 123, Pasay, 1300 Metro Manila. Ito ay tinawang na mall of asia sapagkat sobrang napakalaki talaga nito. Mayroon itong apat na ektaryang laki at 8,000 na kapasidad ng sasakyan ang pwedeng iparada sa kanilang parking space.
Tumblr media
Sa sobrang laki neto nahirapan kami na hanapin ang mga stores na nais naming puntahan. Puno ang mga kainan kaya sa malayong parte kami napunta. Nakita pa namin si mimimiyuhhh laya sobrng naging masaya ang karanasan namin rito kahit saglit lamang. Natutunan ko rito na wag kung saan-saan pumunta kung hindi naman kabisado ang paligid lalo na sa puro tao at malalaking lugar.
4. Skyranch Pampanga
Matatagpuan ito sa Sky Ranch Pampanga, San Fernando, 2000 Pampanga. Maaaring gumala-gala sa parke nang walang bayad sa pagpasok, kaya kailangan mo lang gugulin ang iyong oras para makapagsaya! Ang amusement park ay palaging puno ng tawanan at nasasabik na hiyawan mula sa mga bata at kahit hindi na mga bata. Meron itong 11 rides na garantisadong magbibigay ng magandang ala-ala sa lahat.
Tumblr media Tumblr media
Ang una naming tinry ng ay ang drop off tower, nakakalula ito sa taas at sobrang nakakabilis ng tibok ng puso ang rides na ito. Pangalawa naman ay ang roller coster nahilo ako rito at nakakasuka sa pakiramdam tulad rin sa vikings pero mas nakakahilo ito kumpara sa roller coster. Panghuli ay ang ferris wheel, dito ko nardaman ang saya dahil kapag nasa tuktok ka na makikita mk ang city lights na sobrang nakakawala ng pagod at gugustuhin mo nalng tumingin dito buong magdamag.
Aking napagtanto rito kung gaano kasarap maging bata ulit. Kung gaanong ang maliliit na bagay ay kaya tayong pangitiin. Parang napakasarap bumalik sa pagkabata na wlang pinoproblemang kay raming gawain sa eskwelahan, matutulog kung kailan gusto at uuwi kapag sinundo ka na ng iyong magulang sa bahay ng kaibigan mo.
Natutunan Sa paglalakbay: Hindi importante kung saan ka pupunta malayo man o malapit upang maging masaya. Basta't kasama mo ang mga mahalo sa buhay, pamilya man o kaibigan gawin mo itong isang makabuluhang paglalakbay at tiyaking magiging masaya ang bawat isa at ang pinaka mahalaga ay ang sarili mo.
1 note · View note
roblesalia · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
beingjellybeans · 2 years
Text
Travel across the Philippines in just 2 hours at Lakbay Museo
Travel across the Philippines in just 2 hours at Lakbay Museo
Like me, you might have been keeping your wanderlust contained for the past two years because of the pandemic. It would be so good to be able to wander freely through many places, see the sights and get a much-needed change of scenery, wouldn’t it? Well, given the still present threat of COVID-19, and the rising costs of travel due to soaring gas prices, we have no choice but to stay right…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
armipey · 3 years
Text
Tumblr media
Gawa nina Theo Allen T. Nacu at Armhie Fhey C. Sacramento
Tumblr media
          Bata pa lamang ako ay interesado na akong makapunta sa iba’t ibang lugar upang malaman ang mga pangyayaring naganap doon at ang mga masasarap na pagkain na natatangi sa bawat lugar. Noon pa man, gusto ko nang lakbayin ang bawat sulok ng Ilocos Sur upang malaman ko kung ano ang mga mahahalagang nangyari roon at kung anu-ano ba ang aking makikita roon na talagang makakapagpagalak sa akin.
Tumblr media Tumblr media
          Naaalala ko pa noong panahon na litong-lito ako kung saan nga bang parte ng Pilipinas nakapwesto ang Ilocos Sur, tinawanan pa nga ako ng aking ina noong sinabi ko sa kanya na ito ay nasa bandang Visayas. Ang Ilocos Sur ay isang probinsya na matatagpuan sa lungsod ng Vigan na makikita naman sa rehiyon ng Ilocos na nasa isla ng Luzon. Ang Ilocos Sur ay may kabuuang 2,579.60 kilometro kwadrado at mahigit kumulang 20% ang sakop ng probinsyang ito sa buong rehiyon ng Ilocos. Ang dayalektong kalimitang ginagamit ng mga taong naririhan rito ay Ilocano. Ngunit mayroon pa rin naming ibang lengguwahe o dayalekto na ginagamit ng mga tao rito. Ang mga ito ay English, Tagalog, Chinese, Pangasinense, Kankanai, Tinggian, Muslim, at Visaya.
Tumblr media
Dahil nga ang Vigan sa Ilocos Sur ay naging parte na ng Unesco World Heritage List, napakarami ng mga bagay at lugar na maaaring mapuntahan upang makita ang mga natatanging kultura rito. Noong kami ay nagpunta rito, hindi mapagkakaila na talagang inalagaan ang mga bagay na makakapagpaalala sa pagsakop ng Espanya sa lugar na ito. Ang kasaysayan ay talagang naroon pa rin, hindi ito nawala at kitang-kita ito sa mga monumento at mga pagkakatayo ng mga bahay at gusali.
Tumblr media
          Noong pag-apak ko sa lupa ng Vigan, isa sa pinakamasaysayang lugar sa Ilocos Sur, hindi ako magkamayaw dahil sa aking galak. Tila bang ako’y namumuhay pa sa nakaraang panahon. May mga kalesa, ang mga gusali ay hindi ganoon kamoderno at makikta mong may halo talagang kultura ng Espanya rito. Ang lugar na aming pinuntahan ay ang Calle Crisologo, na tinatawag ding Cobblestone Street, dito makikita ang makukulay na heritage houses na talagang nakatatag na rito mula pa noon. Ito ay inalagaang mabuti kung kaya’t napakaayos pa ng itsura nito. Ngunit bago pa man maging Calle Crisologo ang pangalan ng kalyeng ito, tinawag muna itong Escolta de Vigan nang matagpuan ito ni Juan de Salcedo noong 1572. Ayon sa ilang mga mamamayan na nakasalamuha namin sa kalyeng ito, noong panahon pa raw ng mga Espanyol, ang lugar na ito ay naging sentro ng kalakan ng mga tiga ibang lugar. Mayroon pa nga silang nababanggit na istorya na tila ba teleserye dahil sa nangyari. May mga Pilipina at Hapon na nagkaibigan sa kasagsagan ng pananakop. Ito raw ay mahigpit na ipinagbabawal ngunit matindi raw talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Hindi ko ito makalimutan dahil na rin siguro sa aking galak na marinig kong may love story palang nabuo noong mga panahong iyon habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig.
Tumblr media
          Makikita rin sa Calle Crisologo ang mga tindahan ng mga pasalubong na pagkain at kagamitan. Napakaganda ng mga tinda rito, ngunit naaalala kong may kamahalan ang mga ito kaya iilan lamang ang pasalubong na nabili namin mula sa tindahang ito. Mayroon pang hanay ng nagtitinda sa kahabaan ng kalyeng ito ngunit halos pare-pareho lamang ang aking nakikitang tinitinda nila.
Tumblr media
          Hindi ko na rin pinalagpas ang pagkakataon na makasay sa kalesa. Tuwing naaalala ko ang pangyayaring ito, nakakaramdam ako ng awa para sa mga kabayong naamasada roon. Napakaganda ng ideya na sumakay sa kalesa, magpanggap na nasa sinaunang taon ka pa; ngunit pag naiisip ko na ang mga kabayo ay nasa ilalim na sobrang init na sikat ng araw at mabibigat pa ang mga pasaherong sinasakay nito. Pero napapaisip din ako dahil ang kalesa ang nagsisilbing pamumuhay ng ilang mamamayang tiga-Ilocos Sur. May kamahalan din ang pagsakay sa kalesa ngunit masasabi ko na sulit naman ito dahil iba ang pakiramdam kapag naranasan mong sumakay sa isang kalesa. Talagang iba ang nabibigay na kaligayahan ng pagsakay dito.
Tumblr media
          Pagkatapos ng aming maikling pagsakay sa kalesa, dinala naman kami ng aming mga nahihiwagaang isipan sa isa pa sa mga kilalang atraksyon sa Vigan, ito ay ang kanilang mga liit-liit na mga museong naglalahad ng mga buhay ng mga prominenteng tao at kasaysayan ng kani-kaniyang lugar tulad na lamang ng tanyag na bahay ni Padre Burgos.
          Ang bahay na ito ay kilala sa pagiging ancestral house ng mga Burgos at ang lugar ng kapanganakan ng Padre. Ito ay isang dalawang palapag na museo na naglalaman ng kultura ng Ilocos, Kankanay, at Itneg. Sa pagpapakita ng kanilang mga sari-saring kagamitan tulad ng mga platong kahoy, kabaong na yari sa nara, burial chairs, tambur o mga kasangkapang pangmusika, at marami pang iba, naipaparating ang makulay ng kultura hindi lamang ng mga Ilocano kung hindi pati na rin ang mga Pilipino.  Ang museo ay mayroon ring lamang dioramas na nagpapakita ng mga local na pagtitipon, litrato ng mga indibidwal na may malaking ambag sa sosyo-kultural na paglago ng rehiyon. At syempre, hindi mawawala ang mga memorabilia ni Padre Burgos at ng kanyang pamilya na nanirahan sa tahanan.
Tumblr media
          Ilang liko lamang mula sa kilalang museo ay dinala naman kami ng kutsero ng kalesa sa isa pa sa mga tanyag na museo sa loob ng Ilocos Sur, ang Museo ng Crisologo. Ang Museo ng Crisologo ay isa ring ancestral house ng kilalang dating kinatawan ng Ilocos Sur na si Floro Crisologo at ng kanyang pamilya. Ang mga Crisologo ay isa sa mga pinaka tanyag na political family sa probinsya ng kanilang panahon. Ngayon, ang bahay ay nagsisilbing daan upang bisitahin ang nakaraan gamit, memorabilia, kasangkapan, at ang bahay na minsang tinirahan ng mga Crisologo. Sa dinami-dami ng mga kagamitan sa museo, ang pumukaw ng aking pansin ay ang pulang sasakyang ito. Si Gobernador Carmeling Crisologo ay tinambangan sa pulang Chevrolet na ito noong Mayo 10, 1961 sa Bacsil, San Juan, Ilocos Sur. Sa kabutihang palad, siya ay nakaligtas mula sa nabanggit na insidente.
Tumblr media
          Sa totoo lamang, ito ay isang nakakapangilabot na memorabilia para sa akin. Hindi ko pa rin lubos isipin na kahit sila ay mga kilalang tao, nakasabit pa rin ang kani-kaniyang mga memorabilia na naiwan sa mga nagdaang taon tulad na lamang ng pantalong sinuot ng kinatawan noong siya ay barilin sa simbahan, sasakyang ginamit noong ang gobernadora ay tinambangan. Ngunit ito ay mga bagay na may makukulay na nakaraan at kwentong marahil hindi alam ng karamihan, ito pa rin ay isang karanasang nagbukas sa aking isipan sa ‘lakbay-nakaraang’ ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
          Hindi lamang mga museyo at mga kalyeng puno ng istoryang pang-kasaysayan ang mayroon ang Ilocos, matatagpuan rin dito ang nagsasarapang mga pagkain tulad na lamang ang kanilang empanada at longganisa. Ang empanada ay isang sikat na street food na kalimitang makikita sa mga kalye ng Vigan, Ilocos Sur. Ito ay may dough na gawa sa dinurog na kanin at atsuete para sa kilala nitong kahel na kulay, luntian o hindi pa hinog na papaya, vigan longanissa, at isang itlog na inilagay sa gitna ng filling at isinalang sa kumukulong mantika upang maging malutong. Sa pag kagat mo ng empanada ay siguradong malalasahan ang malutong na dough, malasang Vigan longganisa, at sariwang-sariwang murang papaya na magdadagdag ng “freshness” sa naturang pagkain.
Tumblr media
          Sa kabilang banda naman, ang Vigan longganisa, tulad ng mga kilala nating longanissa ay mayroon palaman na baboy na mayroong kasamang pampalasa at maraming bawang na nagdadala ng kilala nitong lasa at amoy. Napakasarap nito mag-isa ngunit hindi dapat ito palagpasin ng hindi nalalagyan ng sukang Iloko. Unang kagat pa lamang ay malalasahan mo na ang bawang at siguradong susundan ito ng iba’t iba pang panlasa na ginamit sa baboy sa loob ng longanissa. Tunay ngang napakasarap ng empanada at longganisa sa kahabaan ng kalye at kung papaanong hindi lamang masarap na pagkain ang dala nito kung hindi pati na rin ang kwento ng mga cobblestone pathways sa klaye.
Tumblr media
          Nang tumagal-tagal ang aming paglalakad sa kahabaan ng Calle Crisologo, napunta naman kami sa isa pa sa mga tanyag na pagkain pinasikat ng Ilocos Sur, ang kilalang Pinakbet Pizza. Aming pinuntahan ang orihinal na gumagawa ng tinaguriang “vegetarian pizza”, ang Café Leona. Ang pizza ang may lamang kamatis, talong, sitaw, bulaklak at mismong bunga ng kalabasa, at higit sa lahat, ampalaya. Kung kaya’t bagamat hindi ako mahilig sa mga gulay, ako pa rin ay magiliw na naghintay sa pizza dahil interesado akong matikman ito at kung tunay nga bang nabago nito ang lasa ng gulay at ito ay napasarap. Tunay nga! Ng aking tikman ang isang slice ng pizza ay napatunayan ko na ito ay hindi lamang masarap kundi masustansya rin.
Tumblr media
          Tila hindi pa nakuntento ang aming mga kalamnan sa naturang pizza kung kaya’t naghanap pa kami ng kakainin sa kilalang Vigan at natagpuan naman naming ang miki noodles. Ang miki ay isang kilalang sabaw sa Ilocos na may lamang pancit na gawa sa itlog, chicken stock, at para sa kaniyang kilalang kahel na kulay ay mayroon rin itong dinurog na atsuete. Sinangkapan rin ito ng bagnet na nagpalasa at nagbigay ng lutong sa sabaw kung kaya’t mas masarap at mas malasa ito. Napakasarap ng sabaw na ito ay perfect na kasabay ng Vigan longganisa at empanada habang ikaw ay nakaupo sa cobblestone cafes ng kilalang kalye.
Tumblr media
          Bagaman marami dito ay sa kahabaan lamang ng Calle Crisologo matatagpuan, sigurado naman akong mabubusog ang iyong tiyan at mapupuno pa ito ng makukulay na kwento mula sa mga tindera ng mga kainan at karinderya. Halos lahat ng aming natikman mula sa paglalakbay na ito ay nirekomenda sa amin ng mga nakatira roon ang pinagmamalaking empanada at longganisa ang Ilocos Sur. Talaga nga namang hindi ka magsisisi at babalik-balikan mo ang mga ito. Naaalala ko pa na nagbilin ako sa aking ina na bumili siya ng sariwang longganisa para mayroon kaming iuuwi at iluluto sa bahay.
Tumblr media Tumblr media
          Sa aming paglalakbay sa loob ng tatlong araw, tila napakaraming kwentong, karanasan, at panlasa ang nagbalik sa akin sa aking kabataan sa Ilocos at nakapagbukas ng aking isipan hindi lamang sa nakaraang mga nangyari dala ng kilalang Calle Crisologo at Museo ng Burgos at Crisologo ngunit pati na rin ang aking pinagmulan. Bagamat lingid sa inyong kaalaman, ako ay isang Ilokano kung kaya’t habang nararamdaman ko na tila ba ako ay isang dayuhan sa aking sariling bayan ay hindi pa rin maalis ang aking pagmamalaki sa aking pinagmulan. Sapagkat sa bawat sulok, kalye, at hapagkainan ng Ilocos Sur ay mayroon kang bagong malalaman hindi lamang mula sa kasaysayan ng mga Ilokano kung hindi pati na rin ang kanilang mga kasanayan kung bakit isa ang Ilocos at Ilocano sa mga tanyag na rehiyon sa Pilipinas. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng aming paglalakbay patungo sa Vigan, Ilocos Sur kung kaya’t sa aking pagbabalik sa aming tahanan ay may bitbit akong mga bagong kwento, karanasan, panlasa, at mga natutunan na kumilala sa aking nakaraan at patuloy na huhubugin ako sa kasalukuyan at kinabukasan.
Mga Sanggunian:
https://www.lakwatserangligaw.com/2015/10/what-to-see-in-ilocos-sur.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
http://laoag.china-consulate.org/eng/lqjs/gsgk_1/t315270.html
https://www.phbus.com/blog/tourist-spots-vigan-city-2021/
https://www.zenrooms.com/blog/post/calle-crisologo/
https://www.ivanhenares.com/2009/06/longganisa-vigan.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
https://tinyurl.com/4666xajp
https://tinyurl.com/29cg97gj
https://tinyurl.com/w63c4psj
https://tinyurl.com/4vskqu79
https://tinyurl.com/156svrse
https://tinyurl.com/12gl66qd
https://tinyurl.com/5fzxk5jy
https://tinyurl.com/ik4qrewg
2 notes · View notes
lakbay-sanaysay · 3 years
Photo
Tumblr media
Kasaysayan ng Kalikasan Ang National Museum of Natural History ay isa sa mga museo na matatagpuan sa National Museum of the Philippines. Dito matatagpuan ang mga kasaysayan tungkol sa ating kalikasan, likas na yaman, at kabuhayan. Makikita ang ilan sa mga simbolo ng kasaysayan ng ating kalikasan. Ang mga buto ng sinaunang mga dinosaur. Ang mga replika ng mga sinaunang tao. 
Iba't ibang uri at hugis ng mga dahon at halaman. Mga klase ng bato na bihirang makikita sa ibabaw ng lupa. Ang lakbay na ito ay natupad dahil isinama kami ng isang pari sa aming paaralan. Noong una kong nasilayan ang museo na ito, ako ay namangha sa dambuhalang laki nito. Dito ko napagtanto na may nakatago akong kahiligan na matuto ng mga kaalaman, luma man ito o bagong natuklasan na impormasiyon. 
Masasabi ko na ako ay natuwa sa paglalakbay na ito. Nakakapagbigay ito ng malawak na pagtingin sa ating kapaligiran. Subalit, hindi lahat ng bagay ay aking malalaman ng isang araw lamang. Babalik-balikan ko ang lugar na ito at patuloy na alamin ang mga nilalaman dito. Ang museo ay isang lugar na puno ng kaalaman. -Uy, Gian Lance B.
2 notes · View notes
travelera · 3 years
Text
Ang Paglalakbay sa Lungsod ng Baguio
Tumblr media
https://primer.com.ph/blog/wp-content/uploads/sites/14/2018/08/top-photo-1024x768.jpg\
Ang lungsod ng Baguio ay tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas dahil sa malamig nitong klima na dulot ng mataas na altitud na umaabot ng hanggang 5200 talampakan. Dinarayo ito ng mga turista na galing pang ibang bansa at maski mga Pilipino na nakatira pa sa iba’t ibang lalawigan sa pagnanais na makaranas ng malamig na klima. Bukod sa klima, dinarayo rin ang iba’t ibang tourist destination na nasa lungsod lamang ng Baguio matatagpuan.
PAGLALAKBAY PAPUNTANG BAGUIO
Dahil sa malayong byahe na kinakailangan naming tahakin, pasado alas-2 pa lamang ng madaling araw ay nagsimula na kami sa paglalakbay. Humigit kumulang 233 kilometro mula Bataan patungong Baguio ang aming tinahak na inabot ng apat na oras na biyahe
Tumblr media
http://images.summitmedia-digital.com/topgear/images/2019/09/16/kennon-road-closure-01-1568629864.jpg
Dumaan kami sa isa sa pinakakilalang highway sa Pilipinas na kung tawagin ay Kennon Road. Dito pa lamang ay sinalubong na kami agad ng isang malaking estatwa ng malaking ulo ng leon na sumisimbolo ng pagdating namin sa lungsod ng Baguio. Hindi na nagdalawang isip pa at itinabi na agad ang aming sasakyan sa kalsada para magpakuha ng litrato sa higanteng ulo ng leon. Matapos kumuha ng litrato ay nagpatuloy na kami sa aming byahe.
BAKIT KA PUPUNTA SA BAGUIO?
Minsan sa aming buhay, nais din naman naming malibang at maisantabi ang stress at iba’t ibang problema na kinakaharap namin sa araw-araw. Kilala ang lungsod ng Baguio na napapaligiran ng kabundukan ngunit mayroong mga establisyemento na maaring puntahan ng mga tao. Ang pagtanaw sa magagandang tanawin sa lungsod ng Baguio ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa aming isipan. Dagdag pa rito, ay ang iba’t ibang lugar na aming pinuntahan na lubos na nagbigay sa amin ng kasiyahan.
MGA DAPAT GAWIN SA BAGUIO
1. Magpahinga at Magsaya sa Burnham Park
Una naming pinuntahan ay ang Burnham Park na punung-puno ng Pine Trees na nagsisilbing lilim sa mismong parke. Samahan pa ng malamig na simoy ng hangin, dito naming lubos na natamasa ang maaliwalas at preskong pakiramdam. Sa aming paglalakad-lakad, wala akong nakitang kahit anong basurang nakakalat sa daan dahil maraming basurahan sa paligid na pwedeng pagtapunan ng mga tao.
Tumblr media
Agad din napukaw ang aming pansin ang mga taong namamangka sa isang tahimik na lawa sa tabi mismo ng parke. Kahit may pangambang baka lumubog ang bangka, lakas loob naming sinubukan ito at namangka sa lawa. Iba’t ibang makukulay na disenyo ng bangka ang aming pinagpilian na nagkakahalagang 100 pesos sa loob ng 30 minutong pamamangka.
Tumblr media
Sinubukan din naming ang pagsakay sa iba’t ibang klase ng bisikleta na maaari ring rentahan sa tabi lamang ng lawa. Ang tanging problema lamang ay maikli lamang ang ruta na maaari naming ikutan kaya para lamang kaming paikot-ikot sa aming lugar. Subalit, tila hindi naming ramdam ang pagod sa pagpedal dahil sa lamig ng simoy ng hangin at galak na nararamdaman.
 2. Masdan ang Ganda ng Kalikasan sa Mines View Park
Tumblr media
https://i0.wp.com/danielsecotravels.com/wp-content/uploads/2020/04/1 6992270_ 9658978 73545394_ 2357857265169269593_o.jpg?resize=750%2C469&ssl=1
Sunod naming pinuntahan ay ang Mines View Park na may layong anim na kilometro lang mula sa Burnham Park. Dito naming nakita ang magandang tanawin ng kabundukan ng iba’t ibang lugar sa Baguio. Dito kami nagpahinga habang pinagmamasdang mabuti ang ganda ng kalikasan. Ang bayad sa pasukan ng Mines View Park ay libre para sa lahat ng mga bisita, ngunit ang ilang mga aktibidad sa loob tulad ng pag-upa ng mga kasuotan ng Ifugao ay mayroong kaunting bayad.
 Bukod sa magandang tanawin, marami pa kaming ibang nagawa sa Mines View Park dahil dito makikita ang karamihan sa mga tindahan na nagtitinda ng pasalubong tulad ng lengua de gato, ube at strawberry jam, chocolate and ube crinkles, peanut brittle at marami pang iba.
Tumblr media
https://lakbaybaguio.com/wp-content/uploads/010314-lakbay-baguio-city-mines-13.jpg
Gayunpaman, nahirapan kami sa pamimili dahil napakarami ng tao dahil na din sa katapusan ito ng linggo. Kaya hindi kami makapili ng maayos at makahanap ng murang paninda. Hindi rin maiiwasan ang pakikipag siksikan at unahan sa tindahan. Mas maganda na pumunta ng mas maaga o kaya naman pumunta sa ibang araw upang masiguro na makakapili ng maayos at makapag litrato ng magagandang tanawin dito.
Tumblr media
https://www.phbus.com/blog/mines-view-park-in-baguio-city/
Dito rin sa Mines View Park pwedeng makapag bihis ng kasuotang pang-Igorot at makihalubilo sa mga lokal. At maaari din makapagpakuha ng litrato habang nakasakay sa makukulay na kabayo sa sikat na asong kilala sa pangalang Doglas.
3. PERSONAL NA TINGNAN ANG KASAYSAYAN NG BAGUIO
   Paghahabi ng Tela
Tumblr media
https://media-cdn.tripadvisor.com/media/photo-s/02/4d/1e/36/traditions.jpg
Nakakaaliw panoorin ang paghahabi ng tela ng mga lokal dahil ang kadalasang nakikita ko lamang ito sa litrato mula sa libro o kaya sa internet.
   The Mansion
Tumblr media
Pumasok kami sa museo na bukas sa publiko at doon ay nakita naming ang ilang memorabilia ng dating Presidente dahil nagsisilbi itong Summer Palace ng Presidente ng Pilipinas.
   Makulay na StoBoSa
Tumblr media
Lubha kaming napamangha sa ganda ng StoBoSa dahil sa makulay nitong disenyo. Nakakatuwa ring isipin na nakatingin ako sa isang napakalaking art na nilikha ng mga Pilipino.
4. MAMITAS NG STRAWBERRY
Tumblr media
https://media-cdn.tripadvisor.com/media/photo-s/05/c6/33/c2/strawberry-farm.jpg
Hindi maaaring matapos ang paglalakbay sa Baguio ng hindi nakakadaan sa Strawberry Farm. Isa ito sa pinaka paborito kong ginawa dahil ako mismo ang namili ng strawberry na babaunin ko hanggang sa pag-uwi na maaari ko rin ibahagi sa aking pamilya at gawan ng masarap na inumin tulad ng strawberry shake.
5. MAGPASALAMAT AT HUMINGI NG GABAY SA PAG-UWI
Ang huli naming destinasyon ay ang pagbisita sa Our Lady of Atonement Cathedral o mas kilala ng karamihan bilang Baguio Cathedral. Ito ay isa sa pinakamagandang simbahan na aking nakita dahil sa ganda ng kulay nito lalo na kapag sinindihan na ang mga mailaw na palamuti sa gabi.
Tumblr media
https://i1.wp.com/danielsecotravels.com/wp-content/uploads/2020/03/40432702_2200598213 5483 8511 8029 5274 82105856_o.jpg?fit=750%2C500&ssl=1
Bilang isang Katoliko, nakagawian na naming ang pagdaan sa simbahan upang magsimba at magpasalamat sa ligtas na paglalakbay at humingi ng gabay upang makauwi ng ligtas sa aming tahanan. Ang simbahang ito ang sumisimbolo ng pagtatapos ng aming paglalakbay.
Reyalisasyon
Hindi sapat ang isang araw na paglilibot sa lungsod ng Baguio dahil sa dami ng mga lugar na maaring puntahan. Kailangan gumugol ng tatlong araw upang masiguradong sulit ang paglalakbay. Sa loob ng unang araw sa Baguio ay nahulog na agad ang loob ko ditto hanggang sa huling araw ng aming pagbisita. Ang mahalaga, lahat kami ay masaya at ligtas na naka-uwi. Siguro kaming lahat ay umuwi ng pagod, ngunit patunay lamang ito na lubos kaming nasiyahan sa paglalakbay na iyon. Totoo nga na ang Baguio ang Summer Capital ng Pilipinas dahil sa ilang araw na aming pagbisita sa baguio, libo libong alaala agad ang tumatak sa aming mga isip at puso.
1 note · View note