Tumgik
#ang mahal sa aking mura
wolywaly · 2 months
Text
Ang mahabang biyahe sa Ilocos Sur at Ilocos Norte
Noong April 18, 2019, sa kalagitnaan ng tag-init, nagsimula ang aming pamilya ng masayang paglalakbay patungo sa Ilocos Norte. Isang planong inorganisa ng mga kapatid ni Nanay, ito ay isang pagkakataon para masaksihan ang ganda ng mga tanawin at maranasan ang kultura ng Ilocos.
Tumblr media
Credits to TripadvisorBaluarte
Sa malapit na pagdating namin sa Ilocos Sur, nagpasya kaming huminto saglit para kumuha ng mga litrato at bumisita sa Baluarte Wild Animal Gallery. Subalit, nadismaya ako sa napabayaan na kalagayan ng lugar. Sa kabila ng kaunting hayop at kulang sa pagpapalakad.
Tumblr media
Credits to Wikipedia
Patuloy pa rin kaming naglakbay patungo sa Vigan City. Kahit na mainit ang panahon, hindi ko nai-enjoy ang pagbisita sa mga lumang bahay. Ngunit, nakatagpo kami ng mga kakaibang produkto ng mga taga-Ilocos Sur kagaya ng Bagnet, longganisa, at kalamay na tunay na nakatatak sa alaala.Pagdating ng gabi, nagpatuloy kami sa aming biyahe patungo sa Ilocos Norte.
Tumblr media
Credits to Laoag Ilocos Norte things to do, best travel spots and travel
Sa Laoag City, nagpasya kaming huminto saglit para magpahinga at bisitahin ang kamag-anak ng aking tito. Sa paggising kinabukasan, agad kaming nagtuloy sa Ilocos Norte. Nararamdaman ko na malapit na kami sa aming mga destinasyon dahil sa mga windmills na sumasalubong sa amin malapit sa dagat.
Tumblr media
Credits to Wikipedia
Ang Kapurpurawan Rock Formation ang unang lugar na aming pinuntahan, kung saan namangha ako sa ganda ng mga bato na nabuo dahil sa lakas ng alon ng tubig. Matapos nito,
Tumblr media
Credits to Guide to the PhilippinesCape Bojeador Lighthouse
Bumisita kami sa Cape Bojeador Lighthouse, isang historikal na lugar na patuloy na nagbibigay liwanag sa karagatan mula noong 1892. Ako ay natuwa dahil mura lamang ang entrance fee na nagkahalaga ng ₱40.00 at nasulit ko naman ang paglilibot sa Loob ng Lighthouse ngunit Hindi ko na naakyat ang lighthouse dahil ito ay pinagbabawal ng mga Bantay doon
Tumblr media
Credits to Arinaya White Beach Resort
Sa Arinaya Whitebeach Resort, nagpahinga kami at nagsaya kasama ang aming mga pinsan sa ilalim ng maliwanag na araw. Ngunit, dahil sa mahal ng mga tulugan, pinili naming matulog na lamang sa aming sasakyan.
Tumblr media
Credits to Wikipedia
Sa huling araw ng aming paglalakbay, bumisita kami sa Bangui Windmills, kung saan hindi mapapantayan ang ganda ng tanawin. Kasabay ng aming pag-alis, bumili kami ng mga souvenirs bilang alaala ng aming pagbisita sa Ilocos.Sa pag-uwi, nagpatuloy kami sa aming biyahe at dumaan sa Laoag City at Vigan City para magpahinga at magdagdag ng mga pasalubong.
Sa kabuuan, bagaman naging mapanglaw at mainit ang ilang bahagi ng aming paglalakbay, ang mga karanasan at alaala ay hindi malilimutan. Ang paglalakbay sa Ilocos Norte ay isang pagkakataon upang masilayan ang ganda ng Pilipinas at maranasan ang kultura ng mga taga-roon.
3 notes · View notes
ronnielonthego · 7 months
Text
ITO'Y AKING BABALIK-BALIKAN AT HINDI PAGSASAWAAN.
Bago pa man sumikat ang araw noong Disyembre 21, 2022 ay lumuwas na kami sa Batangas para makakuha ng ticket para sa barko na aming sasakyan papuntang Oriental Mindoro kung saan naroon ang aming mga kamag-anak. Ang probinsyang ito ay napakagandang lugar na halos dekada ko nang hindi napupuntahan. Emosyonal na makasampang muli sa barko at hindi ko mapigilang kumuha ng litrato kahit nababalutan ng dilim ang kapaligiran. Sikat ang Oriental Mindoro sa napakaganda nitong mga tanawin at masasarap na putahe. Dito rin matatagpuan ang tamaraw na napagkakamalan ng mga tao na kalabaw ngunit hindi sila magkatulad at marami pa rin silang pagkakaiba.
Tumblr media
Pagdating na pagdating namin ay niyakap ko ang aking mga pinakamamahal na pinsan, tiyo at tiya pati na rin ang aking lola. Pagkalipas ng isang araw ay dinala nila kami sa Plaza De Bansud kung saan ubod ng dami ang mga tao na naglilibot doon! Puno ng palamuti, mga nilalakong pagkain, mga palaro at mga bagay na magagamit sa pang araw-araw, kumbaga parang night market.
Tumblr media
Hindi ko akalain na napakarami nang nagbago sa lugar na ito. Bawat sulok ng bahay ng aking lola, maraming memorya ang bumabalik at ako ay nagmuni-muni sandali dahil sa napakagandang tanawin na aking nasilayan habang nakadungaw sa bintana. Pangunahing pangkabuhayan sa probinsyang ito ay pagsasaka at pangingisda, kaya napakaraming masasarap na lamang dagat ang nakita at natikman ko sa malaparaisong lugar na ito. Dito ay mababait ang mga tao, matulungin, at palakaibigan.
Tumblr media
Pumunta kami sa pinakamalapit na dalampasigan at lumangoy ng ilang oras. Kami ay nagdala ng masasarap na pagkain at nagsaya sa tulong ng videoke at syempre, dahil magkakasama kami bilang isang pamilya. Kahit na wala mang puting buhangin, walang makakatalo dito sa ganda ng tanawin at lakas ng ihip ng hangin na makakatulog kahit sino. Kakaunti lamang ang taong pumapasyal sa lugar na ito at bihira lang din ang mga turista sa kadahilanang hindi pa ito gaanong kilala, kaya napaka palad ko na makapunta sa tabing dagat kasama ang aking mga mahal sa buhay.
Tumblr media
Aking nasilayan ang makukulay at naglakakihang parol at christmas tree sa plaza. Ako'y namangha sa iba pang uri ng palamuti. Ramdam ko ang simoy ng malamig na hangin, aking nasilayan ang maraming tao na may ngiti sa kanilang mga labi kasama ang kani-kanilang pamilya at kaibigan. Hindi ako makapaghintay sa mga susunod pang araw at ako ay napaisip na nalalapit na rin ang araw na kami ay babalik na sa Bataan dahil malapit na ang pasukan kaya akin nang susulitin ang bawat minuto na kasama ang aking mga paboritong tao.
Tumblr media
Walang araw na nasayang dahil amin nang sinamal ang paglilibot sa mga ilog, bundok, at iba pang sikat na destinasyon na makikita sa lalawigang ito. Para sa akin, isa talaga ito sa pinakamagandang lugar na nakita ng aking dalawang mata. Makikita ang kulay ng ating planeta na berde at asul, ang sarap magpahinga habang walang iniisip na problema lalo na kung ganito kaganda ang masisilayan mo.
Tumblr media
Huling araw namin sa Oriental Mindoro noong Enero 2, 2023. Kami ay nag impake na ng gabi at sa huling sandali ng aming paglilibot, hindi ko na pinalampas at hindi na ako nagsayang ng oras sa pakikipag kwentuhan at tawanan sa aking mga pinsan. Ang bilis, ang dalawang linggo ay parang dalawang taon sa dami ng nangyari ngunit hindi ko ito napansin; totoo nga ang sabi nila na "hindi mo mapapansin ang paggalaw ng oras kapag masaya ka". Sumama ako kay mama at tiya sa pagpunta sa palengke para bumili ng aming babaunin at bumili na rin kami ng pasalubong tulad ng matatamis na prutas, iba't-ibang uri ng isda at mga key chain. Hindi maitataggi na mura ang mga bilihin dito kaya hindi ko napigilan si mama na bumili ng kung ano-ano kahit na hindi na magkasya sa aming maleta. Pagsampa sa aming sasakyan papuntang Calapan, kabisera ng Oriental Mindoro, niyakap ko nang mahipit ang aking lola tyaka hinalikan sa pisngi at nagpaalam sa aking mga pinsan, tiyo at tiya at sinabi ko na mahal na mahal ko sila. Hindi ko napigilang umiyak habang paalis na ang aming sasakyan. Sabi ko sa aking sarili na ako ay babalik at ang lugar na ito ay laging magkakaroon ng isang espesyal na lugar sa aking puso.
Tumblr media
Ako ay namangha sa aking mga nakita, buti na lamang ay umaga nang kami ay sumampa sa barko dahil aking nasaksihan ang mga isla na nababalutan ng berdeng puno at ang tubig alat na nakakasilaw sa ganda dala ng repleksyon ng araw. Aking nalaman na napakasentimantal kong tao, bawat segundo na aking kasama ang aking mga minamahal, hindi ko mapigilang kunan ng litrato ang mga magagandang tanawin. Aking napagtanto na napakapalad ko na magkaroon ng mapagmahal na pamilya na hindi ka hahayaang maging malungkot. Hindi mawawala sa aking isip ang bawat panahon na kasama ko sila na puno ng tawanan, asaran, pagmamahal at mga payo na aking babaunin habang buhay. Natutuhan kong bigyang halaga ang bawat litrato dahil ito ang nagpapaalala sa akin ng nakaraan kung saan ako ay masaya.
Tumblr media
3 notes · View notes
panapanahonghinahon · 4 months
Text
sa Pilipinas, iphinase-out na ang mga lumang dyipni. ilang taon pa lamang mula nang mangyari ito at may ilang hinahanap-hanap pa rin ang disenyo at mga karanasang nakasanayan. sa bagong disenyo kasi, ang mga upuan ay kawangis ng bus; nakaharap sa tsuper. oo, mas maluwag nga kung minsan at mas malamig pa. ngunit higit itong mas mahal kaysa noon, at hindi pa tapos magbayad ang mga tsuper na lalong nabaon sa utang.
isang beses sabay kaming sumakay ng aking kasintahan sa tinatawag nilang modernized jeepney
nanghingi pa ako ng singko sakaniya sapagkat kapos ang pamasaheng dala; mabuo lamang ang di-makataong kwarenta pesos na minimum fare
pagkaupo, ako’y bahagyang nanlumo sa tradisyunal na dyip, mas mura ang pasahe at nailibre pa sana kita siguro'y katabi kita sa harapan      
  at maihihilig ko pa
                                                  ang ulo ko sa balikat mo.
0 notes
presyus · 7 months
Text
Baguio Bliss
Baguio
Kilala bilang "Tagpuan ng Tag-init ng Pilipinas," ang Baguio ay ang pinakamagandang destinasyon kung nais mong magpahinga mula sa maalinsangan na panahon sa mga lowlands. Sa average na temperatura na umaabot mula 15-23°C, bihira nang magkaroon ng temperatura na higit sa 26°C, kahit sa pinakamainit na bahagi ng taon. Dahil sa klimang ito, ang Baguio ay tanyag din sa magagandang halaman na karaniwang hindi mabubuhay sa ibang lugar sa bansa. Kilala rin ito bilang "City of Pines", kaya't magugulat ka sa mga magagandang bulaklak at makapal na vegetasyon habang pumapasok ka sa lugar.
(Kaalaman muna sa philippines.travel)
Nito lamang taon na ito kami nagpunta ng Baguio (June 10-14, 2023) upang kami ay maglibot bilang aming bonding ng magkakapamilya dahil umuwi ang aking Nanay at aming Lola galing ibang bansa upang magbakasyon. Napagpasiyan namin na sa Baguio kami pumunta dahil sa klima rito at mas lalong dahil sa mga magagandang pwedeng puntahan dito.
Burnham Park
Pagkarating namin sa Baguio agad kaming dumeretso sa Burnham Park.
Tumblr media Tumblr media
Napakaganda ng mga ilaw na palamuti sa parke at mayroon ding mga bike na maaring arkilahin ng ilang minuto at pwedeng makapagikot-ikot sa Burnham Park.
Tumblr media Tumblr media
Nilibot namin ito sa kabila ng pagod sa napakahabang byahe dahil sa napakagandang klima at mga tanawin dito.
Transient
Matapos ang maikling paglilibot namin sa Burnham Park ay napagpasiyahan naming pamilya na magpahinga na muna sa transient na aming nakuha upang magkaroon kami ng lakas para maglibot sa mga susunod pa naming pupuntahan.
Tumblr media
Matatanaw ang napakagandang tanawin mula sa aming transient, napaganda at tila nakakakuha ng pagod ang tanawin na ito. Nakakagaan ng loob at napakasayang pagmasdan ng mga ilaw na ito na nagmumula sa mga bahay.
Tumblr media
Sa paglalim ng araw ay ang pagkalam din ng aming mga sikmura, sa haba ng byahe at ganda ng kapaligiran sa Baguio ay ngayon lamang namin naramdaman ang pagod at gutom. Nagtulong tulong kaming pamilya upang magluto ng aming makakain sa hapunan at kami ay nagsalo-salo rito.
Tumblr media Tumblr media
Matapos ang hapunan kami ay natulog na muna at naisipan na bukas na lamang kami maglibot upang kami ay mapaaga at mas maraming mapuntahan.
Mines View
Kinabukasan, Mines View ang aming naibigang unang puntahan.
Tumblr media
Sa pagpasok dito ay makikita ang mga bulaklak na ibinibenta, napakakukulay at napakagaganda ng mga ito.
Tumblr media
Sa patuloy na paglalakad matutumpok mo rito ang sobrang gandang tanawin, nakakawala ng pagod, stress, problema, kung titignan mo ito ng pangmatagalan tila ba ay ayaw mo nang umalis dito dahil sa ganda ng nakikita mo.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Maari rin dito ang magsuot ng kanilang kultura sa kasuotan. Maipapakita natin sa kanila na tayo ay hanga at suporta sa kanilang tinatangkilik na pananamit.
Tumblr media
Mayroon din silang aso rito na napakalaki ngunit maamo, ang lahi nito ay St. Bernard. Napakalaki nito at nakakatakot ngunit kung ito ay iyong lalapitan ay napakaamo, maari ditong magpakuha ng letrato kasama ang aso.
Tumblr media
Sa aming pagiikot nakita namin dito ang napakaraming bilihan ng mga pampasalubong. Talagang napakarami mong pwedeng pagpilian para sa iyong mga ipapamigay sa mga taong mahahalaga sa iyo. Mura at swak sa budget ang mga panpasalubong dito ngunit sa kabila ng murang pampasalubong ay ang napakasarap na mga lasa nito. Sa lasang mapapabalik ka at makakahikayat ka ng iba na magpunta sila sa Baguio!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Lourdes Grotto
Pagkatapos naming mamili at mamasyal sa Mines View ay sunod naman naming pinuntahan ang Lourdes Grotto. Bilang tanda ng aming pasasalamat sa mahal na Maria. Pasasalamat na maayos ang aming byahe at araw-araw na pamumuhay at higit sa lahat pasasalamat sa mga biyaya at gabay na aming natatanggap.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Matapos ang aming mahabang paglalakad sa Lourdes Grotto ay nagpasiyang bumalik muna sa transient at magpahinga.
Night Market
Kinagabihan sinabi sa amin ng nagbabantay sa amin sa transient ay subukan daw naming pumunta sa Night Market at marami raw mascot at ilaw na palamuti sa puno. Nagpasiya kami na pumunta at nang makita namin ang ganda ng Baguio sa ilalim ng buwan.
Tumblr media
Hindi kami nagtagal sa Night Market dahil lumalalim na ang gabi at hindi naman kami lokal sa Baguio.
Botanical Garden
Sa ikatlong araw namin sa Baguio ay nagpunta naman kami sa Botanical Garden, hindi kami gaano nakapaglibot sa loob gawa ng panahon na paulan ulan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Wright Park
Matapos ang malakas na ulan sunod naming pinuntahan ang Wright Park. Napakaganda at makaluma kung tignan ang ibang straktura ng parke.
Tumblr media Tumblr media
Matapos sa mabilisang pagiikot sa Wright Park huli naman naming pinuntahan ang Buagio Cathedral.
Baguio Cathedral
Napakagandang simbahan ang bumungad samin, makikita ang napakaling simbahan na ito at makabuluhang pintura ng simbahan. Sa itsura ay tila ba nakakagaan at nakakamangha sa laki at sobrang ganda ng bawat detalye ng simabahan. Huli namin itong pinuntahan sa kadahilanang nais naming magpasalamat sa Ama sa mga biyaya na binibigay sa amin. Napakaraming magagandang nangyayari sa amin at ginagabayan kami saan man kami magpunta. Isa pang pinagpasalamat namin na nakapunta kami ng Baguio ng matiwasay at lalo na naming pinagpapasalamat ang napagandang mga gawa ng Panginoon tulad na lamang ng napagandang kalikasan na aming nasaksihan sa Baguio.
Tumblr media
Aking mga realisasyon sa aking sarili:
Sa paglalakbay na ito, nakita ko kung gaano kaganda ang kapaligiran. Nasaksihan ko ang aking sarili sa pagkamangha sa mga bagay na aking nakikita. Maganda, wala nang ibang salita pa ang makapagpapakilala sa Baguio kundi ang napakaganda nito. Nasaksihan ko rin sa paglalakbay na ito ang kahalagahan ng pamilya sa buhay, ang kahalagahan ng pakikisama at pagmamahal sa bawat isa. May mga araw na hindi kami nagkakasunduan, ngunit dito ko nakita sa Baguio na kahit ano pa man ang hindi mapagkasunduan, mananatili ang pamilya sa puso. Para sa aking sarili, sa paglalakbay na ito, mas nakilala ko ang aking sarili, kung paano ako sa ganitong sitwasyon at kung sino ako ngayon. Mahirap sa panahon ngayon ang magkaroon ng problema at dumating sa puntong dahil sa mga problemang ito, hindi mo na makilala ang sarili mo, makakalimutan mo kung paano maging masaya, at makakalimutan mo ang kahalagahan ng buhay. Ngunit sa Baguio, bumalik ang lahat ng ito sa akin. Nang makita ko ang kalagayan ng iba sa Baguio, hindi lahat ay nakakaangat, at hindi lamang ako ang nahihirapan, ngunit mas marami pang iba. Dito sa Baguio, pinatatag ako, binigyan ako ng lakas ng loob para sa aking sarili. Sa paglalakbay na ito, nakilala ko muli ang aking sarili, nabawasan ang aking mga problema, muli akong nagkaroon ng kaligayahan, at higit sa lahat, nakita kong muli ang kahalagahan ng buhay. Kahit ano pang pagsubok ang dumating, alam kong malalagpasan ko ito kung mananatili akong matatag sa aking loob.
1 note · View note
jaedeesblog · 2 years
Text
Sama-Sama ng isang Pamilya
Magandang araw, Ako si Jaedee Manlapaz at aking ikukwento ang memoryang hinding hindi maalis sa aking memorya. Ang aming paglalakbay sa Tagaytay Picnic Grove kasama ang aking mga paboritong pinsan at aming pamilya, ito ay lubos na mahalagang memorya para sa akin dahil ayon ang unang beses na nakapunta ako sa lugar na iyon, nuon pa man ay pangarap ko na makapunta at natupad pa iyon kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Nagpunta lamang ako sa Bulacan upang magbakasyon ngunit nabanggit ko sa kanila na nais kong makapunta sa Tagaytay at kinabuksan ay nagulat na lamang ako na pupunta na kami sa pinapangarap kong lugar lubos lubos ang tuwa ko nung araw na yun at tandang tanda ko pa ang petsa at ito ay noong Enero 20, 2022.
Tumblr media Tumblr media
Mga sikat na pasyalan sa Tagaytay
1. Picnic Grove – Sikat na picnic spot sa Tagaytay. Ito ay lubos na nakakarelax sapagkat puwede kang kumain habang nakatingin sa magandang tanawin at hindi lang maganda ang tanawin, malamig din ang simoy ng hangin.
Tumblr media Tumblr media
2. Sky Ranch – Amusement park na perfect sa pamilya at magkakaibigan. Ito ang aking nagustuhan sapagkat ang daming pwedeng gawin dito at nakaka-enganyo talaga at ramdam na ramdam mo ang iyong pagiging bata sandali.
3. Puzzle Mansion - Sa pangalan pa lang, alam mo na ang makikita sa Puzzle Mansion. Sa museong ito makikita ang largest collections of finished puzzles in the world na nakasungkit ng Guiness World Record noong 2012. Mayroon ding mga 2D at 3D puzzle sets na iba’t iba ang laki, hugis, at materyal. May entrance fee na nagkakahalagang isang daan, sulit na sulit na.
4. Sonya’s Garden - Kung ang iyong hanap ay romantikong lugar ito ang dapat mong pasyalan dahil maganda ang paligid ito ay puno ng mga magagandang bulalak at luntian.
5. Dreamland Arts & Crafts Cafe - Ang lugar na ito ay lubhang nakakamangha, bukod sa maganda na ito ay mura pa at saktong sakto para sa iyong sosyal medya na Instagram.
Paano nga ba pumunta sa Tagaytay?
Tumblr media
Matatagpuan ang Lungsod ng Tagaytay limampu't limang kilometro sa timog ng Metro Manila—isa sa mga dahilan kung bakit napakaraming turista ang gumagawa ng Tagaytay daytrip mula sa Maynila. Madali itong mapupuntahan ng mga naka-air condition na pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng mga bus at van mula sa mga terminal ng lungsod sa paligid ng Metro Manila. Ang pagmamaneho sa Tagaytay City sa pamamagitan ng pag pribadong sasakyan ay mas madali.
Mga masasarap at murang kainan sa Tagaytay
Tumblr media
1. Green Ats Restaurant - Bukod sa masarap ang bulalo, maganda rin ang kapaligiran nito
Tumblr media
2. LZM Restaurant - Kung nais mo ang lutong-bahay na bulalo, ito ang restaurant sa Tagaytay na dapat mong masubukan.
Tumblr media
3. Diner's Bulalo - Isa rin itong sikat sapagkat mula rito ay kita ang tanawin ng Taal.
Tumblr media
4. Ridge Park Kainan sa Kubo - Ito ang pinaka masayang puntahan at kainan sapagkat mura na at maganda pa ang tanawin. Malamig ang simoy ng hangin at mababait ang mga tauhan
Tumblr media
Aking mga Realisasyon
Napagtanto ko rin ang pamumuhay ng tao sa lugar na iyon, ibang iba ito sa pamumuhay sa amin. Napagtanto ko na mas mahal ang bilihin sa Tagaytay, ang iba ay lubos na sa mahal kaya hindi kami gaanong nakabili. Ang mga tao sa Tagaytay ay lubhang abala. Sa paglalakbay naming iyon ay napagtanto ko sa aking sarili na sobra ang aking saya kapag kasama ko ang aking pamilya, oo masaya kapag kasama ang mga kaibigan pero iba talaga ang kasiyahan pag pamilya mo ang iyong kasama maglakbay. Sa paglalakbay namin na iyon ay nakapag isip-isip ako at nakapagpahinga na rin sa mundong nakakapagod.
1 note · View note
paksht · 3 years
Text
032221
hanggang kailan mapupunan ang mga kulang?
‘Yan ang palaging tumatakbo sa aking isip, sa tuwing ang mga mata mo’y nabaling o kahit man ang mamanghang buong ngiti, pati kislap sa ‘yong mata ay di maiwaglit.
Alin ba ang iyong mga kinahuhumalingan na hindi ko kayang ibigay?
Ang lahat naman ay naibigay na, ang pagdampi ng unang halik at silamhayo ng pag-iisa ay isinuko. Kahit na puno takot pangamba at pag aalinlangan. Sinuway ko ang kabilin-bilihan nang aking ina sa kulturang tayo muna ay kailangang mag isang dibdib sa harap ng altar bago natin gawin ang bagay na dapat. Ginawa ko naring baguhin ang tingin at sa paligid dahil yun ang sabi mong tama, at hindi ako doon magkamali.
At lumipas muli ang panahon, katulad ng mga ekstrang herong araw na binabanggit sa mga maiikling kwento at nobela.
Mahal, Unti unti akong nakaramdam ng inggit, nang selos. Bakit sila ganito, ako hindi. Sila ba ang mga babaeng nararapat sayo kesa saking isang mahinang binibini na lagi mong binabanggit.
Mahal, unti unti akong nanliit para sa sarili ko, unti-unting nawala ang katiting na pag-asang binuo ko ng mahabang panahon.
Sobrang hina ko ngang tao.
At magmula noon, laging may kaakibat na sino, ano bakit at paano mo nakakayanang hayaan akong manghina para sa sarili ko. Bakit mo nakakayang bitawan ang mga salitang alam mong sobra kong ibababa. Mahal, akala ko aalagaan mo ako, sa paraang pag aakala kong alam mo kung ano ang nararamdaman ko.
Sa paraang akala ko alam mo nang hindi kaya ng sakit ko.
Kailan ako makakarinig sayo ng mga salitang bubuhay sa natutulog kong diwa, mga salita sa pagitan ng ating hindi pagkakaunawaan. Mahal kailan ko mararamdaman ang yakap mo na walang pambabaoy muna bago ako hagkan. Walang mura, walang pambababa sa sarili kong kakayahan.
Kailan ko mararamdaman ang haplos ng halik mong magpaparamdam sakin ng totoo mong pag aalaga at pagiintindi sa sakit kong nakakapagod intindihin.
Patawad, maging ako ay napapagod.
Subalit ang lahat naman ay ginagawa’t sinusubukan para ikaw ay mapahanga.
Hindi man ako kasing ganda ng iba, kasing hubog ng katawan, walang mali sa kulay ng balat.
Ako naman ang binibining maghahatid sayo ng lahat lahat, ng sakripisyo, pagmamahal, pag aaruga at pagiintindi na ‘hindi nila kayang ibigay.
Sa kabila ng mga kulang, sa kabila ng pagsusumamo sa mga dapat mapunan.
Mahal, ako ay nakikiusap. Ako’y patuloy mo sanang hawakan.
— pasilong
18 notes · View notes
keeroangelo · 4 years
Text
Reaksiyon sa Kanta
Tumblr media
Ang aking pong reaksiyon sa kanta ni Gray Granada na Once Upon a Tune ay sobra po akong naaliw sa paggawa niya nito. Kahit ‘di ko hilig ang makinig sa mga Philippine folk songs labis ko pa ring nagustuhan ‘to. Maraming mensahe ang ipinapahayag ng kanta na ito na tungkol sa mga kontemporaryong isyu na kumakalat sa ating bansa.
Matapos kong intindihin ang mga lyrics naunawaan ko naman ang nais na ibahagi ng kanta na ito sa atin. Kahit na nakakaaliw ang tono ng kanta ang tema naman nito ay sensitibo na tungkol sa realidad ng ating mga politiko.
Narito ang lyrics:
Dahil gobyerno ang nagpasimula Imbes mapabuti lalong lumala Minsa'y iniisip ko, ano kaya Mas mabuting may gobyerno o wala Halalan ay kay mahal Kung nais mong mahalal Isama sa application Alyas Vilma, Nora at Sharon Bahay kubo nang tumakbo Ay naging palasyo nang nakaupo Inom at sugal, sigarilyo't babae Libreng personal na grocery Bahay tubo, Malakanyang Ang negosyo roon ay sarisari Experts, consultants, advisers at media Sa palibotlibot ay maraming tanga Sampung mga daliri, panay malilikot Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot Madudungis na ngipin ng pulitiko Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko Kandidatong bobo, lumipad sa langit Di ko na nakita buhat nang ma-elect Sayang ang boto kong mura lang ang benta Nag-enjoy pa sana doon sa artista My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis Are all political appointees Doon po sa amin, libreng pagamutan Alay ni Congressman sa may kapansanan Nabingi ang bulag, nabulag ang pipi Napipi ang pilay, napilay ang bingi Waldas na hands, gastos left and right Public servant na very bright Cheat them softly, one two three Na-wantutri ang botante Dollar, dollar how I squander From one country to another Travel here, travel there With my relatives and my dear Kapag ang taongbayan Ay may problema Dalawang tenga, dalawang mata Laging nakasara Walang kahiraphirap Kamay at paa Dilang maliit nagsasabing Ganda ng rekord niya Dahil ngo ang nagpasimula Ang mga reports nagkawalawala Pagkatapos ng isang buong taon Paplanuhin ang naplano na noon Magmiting ay di biro Maghapong nakaupo Pupusta ako ng sampu Mas marami ang bangku Kung kailan nagmimiting Ay saka kumakain Kung kailan kumakain Ay saka nagmimiting Napadpad kung saan Di dapat pag-usapan Napagkasunduan Na magmiting na naman One hour, two hours nang nang-iindyan Four hours, five hours nang nang-iindyan Seven hours, eight hours nang nang-iindyan Natrapik na naman (kasi may rally, pare...) Nagrally sa Mendiola Sanlibo ang magpunta Nag magtalumpati na Sasampu ang natira Nagrally, nagrally Ang iba't ibang bloke Ang isyu ng rally Sino ang mas marami Paano linawin, paano susuriin Paano lagumin, paano susulatin Hirap himayin, kayhirap tumbukin Pero magaling gumawa ng acronym Gawa ng gawa ng proposal Sanay na sanay sa refusal Damidaming gusto, damidaming konsepto Di pa nabuo ay mayron nang bago There was a farmers' joint program Apir ang dalawang grupo Go-Ngo, go-Ngo, go-Ngo Nag disappear ang pondo
Sinusuggest ko ang kantang ito sa inyo dahil hindi ito basta bastang folk song lamang. Maganda ang mensaheng ipinararating neto at maaaliw ka pa sa tono ng kantang ‘to.
3 notes · View notes
titserdi · 4 years
Text
Saludo Ako Sa’yo, Titser!
Inhinyero, doktor, nars, abogado, arkitekto – ilan lang yan sa mga propesyong nais makamit ng mga kabataan. Pero malimit nating marinig na isagot ng mga bata kapag tinatanong natin sa kanila kung anong pangarap nilang maging pagtanda nila na gusto nilang maging isang guro.
Ang aking pangarap noong bata pa ako ay maging isang inhinyero, gaya ng nais ng ibang mga batang lalaki. Ngunit, nagbago ang lahat noong ako’y nasa aking ikaapat na taon sa elementarya.
Gusto kong maging isang guro.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagbago ang aking pangarap. Basta wala na akong ibang inisip na kurso na aking kukuhanin kapag ako’y nag-kolehiyo kundi ang kursong nababagay sa isang guro.
Sa taong ding ito nagsimula ang paglalaro ko ng titser-titseran, kung saan ako’y nagkukunwari na isang guro na nagtuturo sa mga “di-nakikitang” mag-aaral. Hahahah! Ang nakakatawa pa rito, mayroon akong class record kung saan nakasulat ang mga pangalan ng aking mga kamag-aral!
Mukhang baliw pero sadyang totoo. Kahit tanungin niyo pa ang mga kamag-anak ko. Hindi ko alam kung ito’y sadyang normal sa isang kagaya ko na nais maging guro balang araw o kung talaga bang ako’y baliw na. Sabi nga sa akin ni Nanay, “Aba! Baka sa kagaganyan mo, hindi mo mamalayan may sumasagot na sa’yo.”
Isipin mo nang ako’y isang baliw. Ngunit para sa akin, hindi ito kahibangan. Oo. Hindi normal sa isang tao, lalo na sa isang kagaya ko ang magsalita (na parang isang guro) nang wala namang ibang tao kundi ang sarili lang. Pero, dito ako masaya.
Sinasabi na ang pagiging guro ay ang pinaka-marangal ngunit ito rin ang pinaka-mahirap na propersyon sa buong mundo. Totoo nga naman. Mahirap ang maging isang guro. Nakita ko ito sa aking mga naging guro.
Hindi biro ang maging isang guro. Napakarami mong dapat isakripisyo alang-ala sa iyong propesyon.
Hindi niyo ba naiisip ang dahilan kung bakit napakaraming guro ang tumatandang dalaga/binata? Para sa akin, dahil mas pinili nilang huwag nang mag-asawa para maibigay nila ang buong buhay nila sa pagtuturo.
Mayroon namang mga guro, lalo na sa mga pampublikong paaralan, na tinitiis ang gutom para lang magamit sa pagbili ng mga karagdagang gamit na gagamitin ng kanyang mga tinuturuan.
Halos hating-gabi na rin kung matulog ang mga guro. Alam niyo ba kung bakit? Dahil sa pagre-record ng mga iskor ninyo at dahil sa paggawa ng mga kailangan niya sa pagtuturo kinabukasan para lang mas maintindihan ninyo ang mga ituturo niya. Pero, sa kabila ng gabi-gabi nilang pagpupuyat, gumigising pa rin sila para lang pumasok sa paaralan nang hindi ninyo alintana ang antok sa kanilang mga mata.
Lahat ng bagay gagawin ng mga guro para lang sa ikabubuti ng mga batang kanilang tinuturuan. Handa silang ibigay ang buong oras nila para lang maintindihan ninyo lahat ng kanilang tinuturo at para makapasa kayo sa mga eksamen.
Akala ng mga mag-aaral, kapag sila ay bumagsak sa kanilang asignatura ay nagagalit sa kanila ang kanilang mga guro. Mali kayo ng iniisip. Sila ay nalulungkot at tinatanong sa sarili kung saan sila nagkulang.
Pero sa kabila ng lahat ng hirap na napagdaraanan ng mga guro, binabale-wala pa rin ito ng iba.
May ibang mga magulang na hindi man lang napapahalagahan ang mga ginagawa ng mga guro sa kanilang mga anak na kung pagsalitaan na lang nila ng mabibigat na salita eh ganun-ganun na lamang. Hindi niyo man lang inisip kung gaano kahirap humawak ng di-bababa sa tatlumpung estudyante araw-araw.
Pasalamat na lamang po tayo na hindi sinasaktan ng mga guro ang inyong mga anak. Oo, aminado naman tayo na mayroon pa ring mga guro ang hindi naku-kontrol ang kanilang mga sarili at nasasaktan nila ang inyong mga anak, pero sana naman po huwag natin agad husgahan ang mga gurong ito. Tao din sila tulad natin. Nasasaktan. Napapagod. Alam niyo, kung sila lang ang masusunod, matagal na nilang piningot ang tenga ng inyong mga anak sa twing sila'y nagagalit sa mga ito. Ngunit, hindi nila ito magawa dahil mahal nila ang inyong mga anak at saklaw sila ng Code of Ethics of Professional Teachers na tinatawag. Kung may hinanaing kayo sa kanila, kausapin niyo sila ng maayos hindi yung mumurahin niyo sila sa harap ng inyong mga anak.
Ang tanging nais lang naman ng mga guro ay bigyan sila ng respeto tulad ng respetong ipinapakita nila sa mga magulang ng kanilang mga pangalawang anak.
Walang taong magtatagal sa pagiging guro. Kahit siguro kayo, hindi ninyo kakayanin ang trabaho ng isang guro. Kung alam niyo lang ang lahat ng pinagdaanan nila para lang maging isang matagumpay na guro. Nag-aral sila ng halos apat na taon sa kolehiyo hindi para makatanggap ng masasakit na pananalita, mga mura at iba pang uri ng mga kasamaan, kundi para maging instrumento ng Diyos sa pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan na siyang pinaniniwalaan natin na pag-asa ng ating bayan.
Kung walang guro, huwag na tayong umasang uunlad pa ang ating bayan. Sila ang siyang nagpapakahirap at ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga ibang propesyunal na siyang katuwang natin sa pagpapa-unlad ng ating bansa.
Tunay ngang maituturing na hero o bayani ang mga guro. Wala man silang supernatural powers ngunit mayroon silang Diyos na siyang kanilang pinanghahawakan at handang tumulong.
Sana bigyan natin ng halaga ang lahat ng mga guro natin kahit pa minsa'y napapagalitan nila tayo. Nagagawa lang naman nila iyon dahil gusto nilang magbago tayo at matuto tayo upang maging matagumpay sa kung ano man ang landas na ating tatahakin.
At sa mga guro naman, huwag tayong huminto sa pagbibigay inspirasyon sa mga kabataan. Kayo ang katuwang ng mga magulang sa paghuhubog sa kanilang mga anak. Kung wala kayo, hindi magkakaroon ng pag-unlad ang sambayanan.
Isang maligayang pagdiriwang ng buwan ng mga guro!
Saludo ako sa'yo, titser!
(circa 2013)
1 note · View note
eatthesystem · 4 years
Text
Tumblr media
Madalas sabihin ng mga matatanda na minsan lang tayo daraan sa pagiging bata.
Ang lahat ng mga panahong iyon kahit na may mga pagkakataong hindi masaya ay masayang balik-balikan. Nakaukit ang mga matatamis na alaala at ito'y mahirap burahin.
Ngayong may edad ka na at may sariling responsibilidad na dapat gampanan, minsan ay sumasagi sa iyong isipan na dati, ang problema mo lang sa buhay ay ang paglalaro sa labas ng bahay kasama ang iyong mga kaibigan. Ngayong alam mo na ang tama at mali, minsan ay naiisip mong sana ay nanatili ka nalang inosente.
Tumblr media
Ako ay nasa Ikapitong Baitang ng aking pag-aaral at ayon sa aking naging karanasan sa eskwelahan, masasabi kong napakasaya ang buhay ng isang estudyante. Sa anim na taong aking pinagdaanan sa elementarya dagdagan mo pa ng isang taon sa hayskul na aking matatapos sa loob ng ilang linggo na lamang, madami akong masasabi at maari ko ng maikumpara sa dalawang aking naging buhay sa paaralan; ang napakasayang elementarya at ang nakakapukaw na ikapitong baitang.
Noong ako ay elementarya pa lamang tuwang-tuwa ako ng ako ay nakatanggap ng aking kaunaunahang baong pera. Nasiyahan ako sapagkat nararamdaman ko ang pakiramdam ng pagiging isang responsableng tao dahil pinagkatiwalaan ako ng aking mga magulang sa isang napaka-importanteng bagay tulad na lamang ng pera. Noong tumuntong ako sa ikapitong baitang, mayroon pa rin akong “baon” araw-araw, tumaas man siya ng kaunti, hindi pa rin natanggal sa akin ang pagkatuwa at pakiramdam na sobrang pinagkakatiwalaan ako ng aking mga magulang. Ngunit may pagkakataon din sa aking buhay-estudyante na pakiramdam ko hindi ako pinagkakatiwalaan ng aking mga magulang. Tulad na lamang ang ginagawa nilang paghatid-sundo sa akin papunta at pagbalik ng eskwelahan. Nang nasa elementarya pa lamang ako gusting gusto koi yon sapagkat nararamdaman ko ang kanilang pagmamahal sa akin. Ngunit ng magikapitong baitang na ako ganoon pa rin ang kanilang ginagawa. Naiintindihan ko na gusto nila akong protektahan ngunit sana rin mainindihan din nila na hindi na ako isang mumunting bata na pwepwede nilang bantayan buong araw. At ang pinakahuling pagkakapareho ng aking dalawang buhay sa paaralan ay ang pagkadamidaming kaibigan na iyong makakasalamuha sa araw-araw na pagpasok sa paaralan. Pagkalampas ko sa pintuan ng silid-aralan para kang pumasok sa isang pagsasalo sa sobrang dami ng mga taong nakangiti sa direksyon mo at babati sa iyo ng “magandang umaga”. Pag ako ay nakakarinig ng ganito sa umaga, tumataba ang aking puso dahil nararamdaman ko ang pagmamahal ng aking mga kaibigan sa akin. Ramdam ko na napakasuwerte ko na magkaroon ng ganitong mga matatalik na mga kaibigan sa paaralan.
Napakadaming pagkakapareho ng dalawang pahina ng aking storyang eskwelahan ngunit marami din itong pagkakaiba. Tulad na lamang ng pagbibigay ng takdang aralin sa hayskul at elementarya.Sa hayskul gabundok ang dapat aralin araw-araw samantalang sa elementarya sineswerte kami kung magkaroon kami ng isang takdang aralin. Masasabi ko na mahilig ako sa mga takdang aralin sapagkat sila ang nagbibigay sa akin ng gagawin sa bahay upang di ako mayamot sa sobrang inip, kaya noong ako’y nasa elementarya madalas naiinip ako sa bahay dahil wala naming binibigay na takdang aralin para sa araw na iyon. Ngunit ngayong nasa first year hayskul na ako, pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay, diretso na ako sa silid-aklatan at uumpisahan ko ng tapusin ang mala-higanteng patungpatong na mga takdang aralin sa aking mesa. Hindi naman ako nagrereklamo dahil ditto bagkus gusto ko nga ng may binabasa o may ginagawa lamang sa bahay sa bawat araw, pero paminsan minsan nakakapagod din at minsan gusto ko na lamang iwan iyong mga takdang aralin ng hindi natatapos ngunit ayokong gawin dahil importante sa akin ang grado. Tuwang-tuwa rin ako noong naging hayskul ako, binigyan ako ng aking mga magulang ng cellphone. Noong elementarya pa lamang ako lagi kong sinasabi sa aking sarili na gusto kong magkaroon ng cellphone balang araw, dahil sa aking pagkainggit sa aking mga kaklase dati na nagkaroon ng cellphone sa murang edad. Hindi ako nagsisisi na hindi ako binigyan ng aking mga magulang ng cellphone sa mga panahong iyon sapagkat naniniwala ako na magiging isang hadlang sa aking pag-aaral ito. At totoo nga! Noong inabot sa akin ng aking mga magulang ang aking kauna-unahang cellphone tuwang tuwa ako na dumating sa pakiramdam ko nasa buwan ako. Alam kong karapat-dapat at tamang oras na ang ginawa ng aking mga magulang ang pagbigay sa akin ng cellphone dahil alam nila na kayang-kaya ko ng ayusin ang aking oras para sa pag-aaral at katuwaan. Nakakatakot at nakakatindig balahibo ang ilang mga guro ko sa grado pito. At ito ang isa sa mga naging pagkakaiba ng elementarya at hayskul. Sa elementarya lahat ng guro ay nakangiti sa iyo at malumanay na ipapaliwanag sa iyo ang mga hindi mo naiintindihang mga konsepto at patakaran sa isang pagsusulit. Uulitin nila ulit ang mga hindi mo naintindihang mga punto sa pinagaralan, at madali silang makaintindi sa iyong mga pagkakamali. Ngunit ngayon sa hayskul ang mga guro, madalang ngumiti sa direksyon mo. Madalang din silang maging maintindihin kapag mag pagkakamali kang ginawa. Kapag may mali ka, pagagalitan ko o ipapaulit sa iyo ang ginawa. Hindi ko naman sinasabing lahat ng aking mga guro sa ikapitong baitang ay ganito ngunit minsan may ganito talaga. At base sa aking naging obserbasyon, mas natututo ako sa mga striktong guro kaysa sa mga mababait dahil kapag strikto ang isang guro, mas mag-eeffort ang mga estudyante para sa kanyang klase.
Tumblr media
Isa sa pinakamatinding suliranin na nararansan ng mga magulang sa panahong ito ay ang magkaroon ng anak na napapariwa o naliligaw ng landas. Isa ito sa mga pinaka pangunahing problema ng ating lipunan sapagkat sa panahon natin ngayon maraming kabataan ang nasasangkot sa iligal na droga, pagsusugal, at pagnanakaw, ang iba sa kanila ay nakikita sa lasangan kung saan ang mga kabataan ay nasasaksihan na nanglilimos sa kalsada, halos araw-araw sila ang laman ng lansangan, kadalasan pa nga ang sila ay nabibiktima ng mga malalagim na krimen, sa mura nilang edad ay nasasangkot na sila sa mga ganitong uri ng suliranin, na dapat sana ay sila ay nasa paaralan para humagap ng kaalaman. Sa kasalukuyan, tanging mga batang edad labing-lima pataas lang ang puwedeng ikulong at papanagutin kapag nagkasala. Sa kagandahan naman nito, sila ay hindi ikinukulong sa ordinaryong piitan kundi katulad ng sa Boystown. Samantala, ang mga kabataan na may edad na higit na mababa sa labing-lima ay agad absuwelto sa anumang krimen dahil ipinalalagay ng batas na ang batang nakagawa ng krimen maging ito man ay pagpatay ay inosente dahil sila ay wala pa sa tamang pag-iisip,upang makagawa ng samu’t saring krimen. Bilang isang mag aaral ako ay pumapabor sa isinusulong na batas na nagbababa sa edad ng mga kabataan na dapat managot kapag lumabag sa batas. Napapanahon ito dahil sa kasalukuyan ay ginagamit ng ilan ang pagiging bata, upang makaiwas sa pananagutan sa krimen. Halimbawa na lamang dito ay ang paggamit ng mga sindikato sa mga bata bilang taga-dala sila ng mga bagay na labag sa batas tulad ng mga droga at armas na sangkot sa krimen. Lalo na dapat sa panahon ngayon lumalaganap na ang iba’t ibang krimen kailangan gabayan at tutukan mabuti ng magulang ang kanilang mga anak para makaiwas sa mga bagay na ikakapamahak ng kanilang mga minamahal na anak, Samantalang ang kahirapan ay kakabit na ng karahasan sa lipunan, hindi ito dapat maging rason upang hindi makapamuhay nang matuwid, Ang tanging makakatulong sa mga kabataan ay ang pag gabay ng kanilang mga anak, para maiwasan ang ganitong suliranin ay maging malapit sa magulang, at laging making sa kanilang payo at saway ng sa gayon ay maging maluwalhati at masagana ang iyong pamumuhay bilang kabataan,tandaan lahat ng kabataan na nawawala ng landas ay maaring magbago, sa tulong na lang ng kanyang mga mga mahal sa buhay at kanyang mga magulang.
1 note · View note
humanidades121 · 5 years
Photo
Tumblr media
Moondrop No.17 | Jason Gupay and Erika Gumidam
Ang Escritura | Isang Istorya
“Nagsisimula na akong matuto na ang buhay ko ay isang kwentong isinasalaysay sa akin at hindi isang kwentong ako mismo ang nagsasalaysay. Ganunpaman kailangan kong magpangggap na ako pa rin ang nagkukwento. Bakit? Dahil kailangan.” Pangungusap na bigla ko na lamang naisulat sa isang kapirasong papel na nasa ibabaw ng aking mesa.
 Ako si Alvin, isang simpleng mamayan ng bansang papaunlad pa lamang, sabi nila. Ngunit di ko lubos maisip kung bakit nila sinasabing ang bayang ito’y papaunlad gayong tila wala namang nararamdamang pag-usad kaming mga kapus-palad. Kahirapan, mababang sweldo, kawalang katarungan, di patas na pagtingin sa mahirap at mayaman kung saan lagi nalang agrabyado ang mga walang laban, mga tiwaling tao sa pamahalaan, eleksyong  tila paligsahan ng mga mabubulaklak na salita at mga pangakong kapanipaniwala  ang labanan, di matapos-tapos na awayan at iringan ng mga taong mataas kuno ang katungkulan at pinag-aralan ngunit ang utak at puso naman ay nasa talampakan. Marami pang suliranin ang lupaing ito ngunit di ko na iisa-isahin pa dahil baka kulang pa ang mahabang listahan ni Santa.
Nagtatrabaho ako sa isang kompanya ng pagawaan ng poster, magazine at dyaryo. Kung saan ang sumunod lang sa agos ang puhunan sa pagtatrabaho. Halos maghahating gabi na naman ng makauwi ako sa aking maliit, at lumang apartment na aking tinitirahan. Kung saan sobrang init kapag tag-araw at tumutulo naman ang bubungan kapag umuulan. Isang libo at limang daan ang upa ko rito, na mahal ng maituturing para sa aking isang dukha lamang. Ngunit ano pa nga ba ang aking magagawa, mura na daw ito kung ituring ng landlord, at di pwedeng maging maarte sapagkat  ito lang rin  ang kaya ng aking bulsang halos mabutas na sa kadudukot ng mabibigat na barya ngunit maliit lang ang halaga.
Sa pagod ay agad na lamang akong napahiga sa aking matigas na kama at napabuntong hininga. Sobrang ginaw ng paligid at sa puntong ito ay wala ng maramdaman ang aking mga kamay, at tila namamanhid ang aking buong katawan. Rinig ko ang malalakas na mga patak ng ulan sa labas. Ako’y nag-iisa na naman sa apat na sulok ng kahong pader na ito. Ipinikit ko ang aking mga mata, at sa aking pagpikit ay naramdaman ko ang lamig ng  tubig na lumabas mula sa pagitan ng talukap ng aking dalawang mata at patuloy na dumadaloy pababa sa aking pisngi, kasabay nito ang  mga patak na nagmumula sa aking butas na bubungan.  Di ko alam kung ano ang aking nararamdaman ngayon, tila pagkamuhi ata ito sa aking sarili. Pakiramdam ko’y nasa gitna ako ng karagatan at walang sinuman ang sumasaklolo sa kabila ng aking malalakas na sigaw habang nalulunod sa kawalan.
Biglang tumunog ng malakas ang aking orasan, hudyat na kailangan ko ng bumangon at simulan ang bagong umaga. Kailangang gumising ng maaga sapagkat bawal mahuli sa trabaho. Sinangag ko ang bahaw na natira sa aking kaldero, bawal magsayang sapagkat ang bawat butil ng bigas ay may halaga. Katumbas nito ang hirap, pagod at pawis ng mga kawawang magsasaka na sinasamantala naman ng mga mga walang awang kapitalista. Sadyang di mawawala ang mga negosyanteng handang gipitin ang mga sektor na sa tingin nila’y mahihina. Bumili ako ng tuyo at kamatis sa malapit na tindahan, sapat ng pangpawi sa kumakalam kong tiyan.
Nagkokomyut lang ako sa pagpasok sa aking trabaho, sumasakay ng jeep at pedicab. Ang buhay nga naman ng isang komyuter na gaya ko, talamak ang takbuhan, tulakan, habulan, sabitan, singitan at siksikan. Araw-araw na pakikipagsapalaran sa daanan at pakikipagpaliksahan sa mga sasakyan. Nariyan ang mga barumbadong driver, mga pasaherong maiinit ang ulo at higit sa lahat ang banta ng trapik na di malutas-lutas. Ang bumper to bumper at mabagal na trapiko ay simbolo na nga ng mabagal na pagbabago sa bansang ito. Ngunit ano nga bang magagawa ng isang tulad ko.
Pagdating ko sa aking pinagtatrabahuhan ay bumungad kaagad ang nakabusangot na mukha ng aming manager, ano pa nga bang bago dun? Lagi naman talaga siyang nakasimangot. Ang panget niyang ugali ang siyang nagpapapanget ng umaga namin sa opisina. Halos lahat ay abala sa kaniya-kaniya nilang gawain kung kayat pati ang pagngiti at pagbati sa kapwa’y nalimutan na.  Limang taon na akong nagtatrabaho sa kompanyang ito bilang writer ngunit maliit lang ang sinusweldo ko sapagkat di ako regular sa trabaho, hindi kasi ako nakapagtapos ng kolehiyo. Dalawang taon lang sa kolehiyo ang kinaya ko sa kursong pagsulat, hindi dahil bulakbol ako sa pag-aaral kundi dahil di kayang tustusan ng aking inay ang pag-aaral ko. Lalo pa’t siya’y biyuda na, ako pa ang panganay sa aming limang magkakapatid, sa kasamaang palad pa’y maaga silang nagsipag-asawa at nag-aaral naman ang bunso kong kapatid. Sinubukan ko ring mag-aral habang naghahanap-buhay ngunit di ko rin kinaya dahil kalahati ng kinikita ko’y pinapadala ko sa nanay kong may sakit sa probinsya, kung minsan nga’y nagkukulang pa kung kaya’t di maiwasang mangutang sa iba. Ganito kasaklap ang buhay ng isang hikahos na Pilipinong tulad ko. Ngunit tila ba hindi ito nakikita ng mga taong nasa tuktok ng tatsulok na sistema ng lipunang ito.
“Alvin! tapusin mo lahat ng ito ngayong araw,” sigaw ni manager, sabay bagsak ng gabundok na paper works sa mesa ko. Wala na lamang akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at sundin ang kanyang utos. Yun naman talaga ang papel ko dito, ang maging sunudsunuran sa anumang sabihin ng mas nakatataas sa akin. Sabagay sa sistematikong industriya na ito, kahit na masipag, matiyaga, magaling at may abilidad ka kung wala kang diplomang maipapakita, pag-angat rin ay wala. “Maayos ba ang lahat dito sa mahal kong negosyo?” tanong ni Boss Abos sa sekretarya niyang daig pa ang linta sa galing sa pagsipsip sa kanya. Parang laging busog si Boss dahil sa kanyang malaking tiyan at ni hindi manlang magawang tumayo mula sa kanyang malambot na kinauupuan. Sabay kuha sa kanyang paboritong radyo at saka pinatugtog.
Pagbukas nito, agad na bumungad sa kanya ang awit na may lirikong  “Tao po, nariyan po ba kayo sa malaking bahay at malawak na bakuran, mataas ang pader tila napaliligiran ng mga mamahaling mga sasakyan, mga bantay na laging bulong nang bulong, malakas man ang ulan ay walang butas ang bubong, mga plato’t kutsara nila’y di kilala ang tutong… Tao po na nakaupo, subukan niyo namang tumayo at baka matanaw, at baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko. Bato, bato sa langit ang matamaa’y wag magalit. Bato, bato, bato sa langit ang matamaan ay ‘wag masyadong halata. Huwag kang masyadong halata.” “Tang-ina! Napakapangit naman ng kantang ito!” sabay lipat ng istasyon ng radyo.
Kung tutuusin napagandang pakingggan ng musikong iyon lalo na kung para sa kanya. Likhang awit ng isa sa mga paborito kong mang-aawit at composer na kung tawagin ay Gloc-9. Isa siya sa hinahangaan kong Pilipinong rapper na nabubuhay ngayon na kilala ko, sapagkat ang kanyang mga awit ay sumasalamin sa katotohanan sa lipunan at gumigising sa ating mga diwa. Ngunit sa mga taong tulad ni Boss Abos, ang mga awit na ito ang isa sa dahilan kung bakit sumasakit ang ulo niya at marami ang sumusuway sa kanya.
Kung iisipin marami ng likhang sining, mga awit at sulatin ang nalikha upang mabago ang bulok na sistema na mayroon tayo. Ngunit marami pa rin talaga ang nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa kanila. Silang mga walang inintindi kundi ang sariling kapakinabangan lamang nila o kaya’y tutulong raw ng walang kapalit ngunit ang totoo’y may interes. Ilang oras na ang lumipas pero halos kalahati palang ang natatapos ko. Madilim na ang langit ng matapos ko ang napakaraming gawain na ibinigay sa akin. “Kung tapos na kayo sa inyong mga ginagawa ay maaari na kayong magsi-uwi.” ani ng sekretarya ni Boss. Agad kong inayos ang aking mesa at lumabas ng opisina.
Sa aking pag-uwi ay tumungo muna ako sa palengke upang bumili ng kailangan sa bahay. Mapapansin ang ilang nagbebenta at mamimili na nagtatawaran sa presyo ng produkto. Samantalang ang iba naman ay pinipili ang pinakamurang ulam na maaari nilang mabili, magkalaman lamang ang kumakalam nilang sikmura ngayong gabi. Sadyang mahal na nga ang mga bilihin ngayon, ang laki na ng itinaas ng presyo sa kasalukuyan kumpara noon. Kaya di na nakapagtatakang marami pa rin ang naghihirap na mga Pilipino hanggang ngayon. Isa pa sa pinaka napansin ko ay ang mga maliliit at naglalakihang poster na nakasabit at nakadikit kung saan-saan ng mga politikong tatakbo ngayong eleksyon. Malapit na nga pala ang botohan, kung kaya ganoon na lamang mangampanya ang mga tatakbo sa halalan, wala namang bago, ganun pa rin ang kanilang  kalakaran.
Pagdating ko sa aking bahay, binuksan ko ang luma ko ng telebisyon upang manuod ng balita. Totoo ngang nakawawalang-ganang manuod ng balita kung puro di magandang pangyayari sa ating bansa at kapaligiran ang madalas na nababalita. Nariyan ang mga di malutas-lutas na krimen, droga, nakawan, at katiwalian sa pamahalaan na paulit-ulit na lamang. Ganun pa man mahalaga pa rin na magkaroon tayo ng muwang at kaalaman sa mga nangyayari sa ating bayan.
Isang normal na araw na naman ang mayroon ako. Papasok na naman ako sa trabaho. Pagadating ko doon ay tila nagtsi-tsismisan na naman ang mga katrabaho ko. Bigla akong nilapitan ng katrabaho at kaibigan kong si Myrna, “Binabati kita Alvin! Napakagaling mo talagang magsulat ng mga artikulo sa dyaryo.” “Ha? Bakit anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. “Napansin kasi ng isang non-profit organization ang mga sulatin mo sa pahayagan natin at namangha sila sa mga ito kung kaya’t nais ka nilang bigyan ng parangal bilang pagkilala sa kahusayan mo.” Di ako makapaniwala sa kanyang sinabi at tila hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Napakasaya nga namang malaman ang bagay na iyon. “Mamaya daw ay pupunta sila dito upang interbyuhin ka at ibigay sayo ang plake ng pagkilala,” dagdag pa niya.
Pagkaupo ko ay tila naririnig ko pa rin ang ibang nag-uusap, “Di ako makapaniwalang siya pa ang napiling parangalan! Masyado siyang mapapel! Ni wala nga siyang posisyon dito sa kompanya at hindi niya pa natapos ang kurso niya.” “Sshhh… tumigil ka nga baka marinig ka pa niya, eh ano namang masama dun, ginagawa niya naman ng maayos ang trabaho niya, bat di mo nalang siya gayahin, gawin mo rin kaya ng maayos ang trabaho mo.” Di ko na lamang pinansin ang narinig ko, tanggap ko naman ang katotohanang may mga tao talagang tulad nila na nagpapatunay ng “crab mentality” na mayroon tayong mga mga Pilipino. Sa halip na maging masaya sila para sa nakamit ng kapwa nila, ay hinihila pa nila ito pababa. Inggit ang nananalaytay sa dugo nila kung kaya’t nakakaramdam sila ng lungkot kapag may magandang nangyayari sa kapwa nila, at sumasaya naman kapag nakikita nilang bumabagsak ang kapwa nila. Di kayang maging masaya para sa iba kundi para sa sarili lamang nila.
“Alvin nandyan na sila! Maghanda ka na.” ani ni Myrna. Agad kong inayos ang aking sarili at  humarap sa kanila. “Magandang umaga po sa inyo.” ang sabi ko. Itinutok nila sa akin ang isang kamera. “Lubos ka naming binabati Ginoong Alvin Makintal! Kami ay mula sa  organisasyong PLUMA, at narito kami upang ihandog sa iyo ang plake at salapi bilang parangal at pakilala sa iyong natatanging kahusayan at dedikasyon sa pagsulat ng mga artikulo sa inyong pahayagan.” Narinig ko ang palakpakan ng iba kong kasamahan at tila nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking puso. “Maraming salamat po sa inyo,” bigkas ko habang nakikipagkamay sa kanila. “Ano naman pong mensahe ang maiiwan mo para sa mga taong nais ring maging manunulat tulad mo?” tanong pa ng isa sa kanila. “Ahm… Ang masasabi ko lang po ay “ano man ang mangyari ay ipagpatuloy natin ang pasyon natin sa buhay, hindi lamang para sa ikabubuti ng ating sarili kundi para rin sa ating kapwa at bansa. Ahm yun lang po at maraming salamat po ulit.” sagot ko. “Wow napakagandang pakinggan, muli mula sa aming mga taga-Pluma ang taos pusong pagbati sa iyo, sana’y ipagpatuloy mo ang pagiging isang mabuting huwaran sa iyong kapwa.” Saka kami nagkuhaan ng mga litrato.
Isa na siguro ito sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko sa loob ng dalawampu’t walong taong pamamalagi ko dito sa lupa. Para akong isang kusot-kusot at blankong papel na nagkaroon ng silbi at pakinabang. Ngunit napansin kong hindi manlang ako binati ni Boss Abos, ng kanyang sekretarya at kahit manlang ni Manager. Ngumingiti lamang sila sa akin at tila pilit pa. Kung tutuusin hindi ko na dapat iyon ipagtaka. Di ko na dapat yun isipin sapagkat espesyal ang araw  na ito para sa akin. Pagkatapos ng trabaho, dumeretso ako sa padalahan ng pera upang ipadala kay inay ang kalahati ng perang natanggap ko mula sa Pluma para pambili ng kanyang gamot at pantustos sa pag-aaral ni bunso. Halos kakaunti lang rin ang matitira sa akin sa salaping aking natanggap sapagkat ibabayad ko pa ang iba dito sa aking utang.
Lumipas ang mga sumunod na araw at bumalik na naman sa dating gawi ang buhay ko. Nagbubulong-bulungan na naman ang mga katrabaho kong walang magawa. “Ana, ano na naman bang meron ngayong araw at di sila mapakali?” ang tanong ko sa kanya. “Pupunta daw kasi dito si Konggresman Lino Alapaap, kakausapin daw si Boss para sa isang proyekto dahil sa susunod na linggo na ang halalan diba,” sagot niya. “Ah ganun ba, ano na naman kaya yun? Hays ang mga politiko talaga,” dagdag ko. Kilala kasi si Konggresman Lino bilang isang mabait  pero arogante, matapang, ganid at maraming natatagong bahong politiko. Kapag siya’y nasa harap ng kamera, para siyang isang napakabuti at mapanindigang tao, nagkukunwaring may pakialam sa mamamayan ng kanyang nasasakupan. Nanalo lang naman siya sa eleksyon dahil sa dayaan at pagbili niya ng boto. At kahit ganyan ang ugali niya ay nakapagtatakang may mga supporters pa rin siya. “Pera, pera lang yan,” yan na ata ang motto niya sa buhay.
Dumating na si Konggresman Alapaap kasama ang kanyang mga gwardiya, at agad silang dumeretso sa opisina ni Boss Abos. Tila seryoso ang pinag-uusapan nila sa loob. Maya-maya pa’y biglang lumabas ang sekretarya nito at lumapit sa akin. “Alvin, pinatatawag ka ni Bosss sa kanyang opisina.” Nagulat ako at nagtaka sa kanyang sinabi, at halos napatingin sa akin ang mga katrabaho ko. “Bakit raw?” tanong ko. “Wag ka nang magtanong at sumunod ka na lang!” sambit niya. Kung kaya’t sumunod nalang ako at pumunta sa opisina ni Boss. Pagpasok ko’y bigla niyang sinabing “Maupo ka.” Nakapangingilabot ang kanyang mga ngiti na para bang may mali. “Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Narito si Konggresman upang kausapin ka at magbigay sa iyo ng isang alok at oportunidad,” dagdag niya. Sa halip na makaramdam ng tuwa ay kinabahan ako sa kanyang sinabi dahil di ko alam kung ito ba’y mabuti o masama, at isa pa si Konggresman Lino Alapaap ang kaharap ko ngayon.
“Narinig ko ang balita tungkol sa parangal na natanggap mo mula sa Pluma at ako’y napahanga mo. Bilib ako sa isang manunulat na tulad mo. Binabati kita sa iyong nakamit!” Di ako kumibo sa kanyang sinabi. “Di ka manlang ba magpapasalamat sa sinabi ko?” tanong niya sa akin. “Mawalang galang na po konggresman pero maaari po bang deretsohin niyo na ako. Marami pa po kasi akong trabahong kailangang gawin. At isa pa alam ko naman pong hindi lang kayo pumunta dito para batiin ako kundi may pakay kayo sa akin, tama po ba?” imik ko sa kanya. “HAHAHA, magaling ka, gusto ko ang ugali mong yan. Matalim kung magsalita at deretso sa punto.”
Pero bata magdahan-dahan ka at baka di mo kilala kung sino ang nasa harapan mo ngayon.” “Kilala po kita Konggresman.” “Ayun naman pala, pero di bale pagbibigyan kita ngayon. Alam mo namang sa susunod na linggo na ang botohan, kung kaya’t kailangan kong makakuha ng maraming boto at manalo. Ang nais ko’y magsulat ka ng artikulo tungkol sa akin. Gusto kong purihin mo ako at pabanguhin mo ang pangalan ko sa artikulong isusulat mo para marami ang maniwala at iboto ako ngayong eleksyon. Huwag kang mag-alala dahil babayaran kita ng napakalaking halaga,” alok  niya sa akin.
“Mukhang isa ka po sa mga politikong desperadong manalo ngayong eleksyon. Pero ipagpaumanhin mo po sapagkat di po ako kagaya ng iba na nabibili ang dignidad. Hinding hindi ako magsisinungaling sa maraming tao para lang sa isang politikong tulad mo na walang ginawa kundi ang paikutin ang ulo ng mamamayan.” “Abay napakalakas ng loob mong sabihin sa akin yan. At ikaw ano bang papel mo sa lipunang ito?! Isa ka lang namang pipitsuging manunulat.” “Patawad ho kagalang-galang na konggresman ngunit sinasabi ko lang ang totoo, at sabihin niyo na ang lahat ng gusto niyong sabihin sa akin pero hinding-hindi ko isusugal ang prinsipyo ko. Nagsusulat ako para sa bayang ito at hindi para sa isang pulpol na politikong gaya mo.”
“Sinasabi mo bang tinatanggihan mo ako? Putang-ina, ang kapal naman ng mukha mo. Dapat nga’y magpasalamat ka pa sa akin dahil inaalok kita ng malaking pera at ang simple lang naman ng pinapagawa ko sa’yo. Yang dignidad na sinasabi mo. Aanuhin mo yan kung naghihirap ka naman?! Sa panahon ngayon, sa pera na umiikot ang buhay ng tao!”  “Kung ganun ‘wag na ‘wag  mo po akong igagaya sa mga taong nasisilaw sa salapi, dahil di ako tulad nila! Oo, mahirap lang ako pero wala kayong karapatang maliitin ang pagkatao ko. Buti nga po’t iginagalang pa kita kahit di ka kagalang-galang na tao. Dignidad at prinsipyo nalang ang meron ako na maipagmamalaki ko bilang tao, at hindi ko hahayaang madungisan pa ito. Binuhay at pinalaki ako ng maayos ng nanay ko, at tinuruan niya akong magpahalaga sa bagay na mayroon ako.”
“Balita ko may sakit ang nanay mo at pinapaaral mo ang bunso mong kapatid. Alam kong mas kailangan mo ng pera ngayon, magmamatigas ka pa ba?” “Kahit na ano pa pong sabihin mo hinding-hindi na po magbabago ang isip ko, di bale nalang ho kung galing lang rin sa nakaw, kasamaan at kasinungalingan.” Palabas na ako ng pinto ng sabihin ni Boss na, “Kung gayon lang rin Alvin, tanggal ka na sa trabaho at ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo dito!” Wala akong nagawa kundi ang iligpit ang mga gamit ko at maglakad papalabas ng kompanya. “Yan kasi ang yabang mo! Yan ang napapala ng mga taong tulad mo. Hahaha, kung ako ang nasa kalagayan mo tinanggap ko na ang alok ni Konggresman.” Parinig ng sekretarya ni Boss sa akin. “Pwede bang itikom mo na yang bibig mo, hindi ako kagaya mo na isang linta!” “Anong sabi mo?! Umalis ka na nga!”
Habang binabay-bay ko ang daan pauwi, tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Walang pagdadalawang-isip akong tinanggal sa trabahong matagal ko nang pinag-alayan ng dugo at pawis ko. Kung kailan mas kailangan ko ng trabaho ngayon, saka pa ako nawalan. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong napahiga sa aking higaan ng biglang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag si Clarisa, ang bunso kong kapatid. “Hello, Oh Clarisa bakit napatawag ka? Gabi na ah.” “Kuya umuwi ka muna dito sa Laguna sabi ni ina’y, gusto ka daw muna niyang makita bago siya kunin ng Panginoon.” “Huh! Anong nangyari kay inay?” “Isinugod namin siya sa hospital kaninang hapon dahil inatake nanaman siya ng sakit niya. Kritikal na daw ang lagay niya kuya, sabi ng doktor.” “Sige, sige, babyahe agad ako papunta diyan, mga bukas ng tanghali nandyan na ako.” “Sige kuya mag-iingat ka.” “Salamat, bantayan at alagaan mo si inay ah.” “Opo kuya.” Sa mga panahong ito, wala na akong malalapitan pa kundi ang Diyos, at ipaubaya na lang sa kanya ang lahat sa pamamagitan ng panalangin.
Kung kukunin niya na ang aking ina, sana’y bigyan niya pa ako ng pagkakataong makita at makausap si inay kahit sa huling sandali ng kanyang buhay at masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.  Inimpake ko ang aking mga gamit at kinuha ang kaunti kong ipon na nakalagay sa maliit na kahon. Pagkadating ko sa probinsya, agad akong pumunta sa hospital kung saan naka-confine ang aming inay. Sinalubong ako ni Clarisa kasama ang iba ko pang kapatid. “Salamat at nakarating ka dito ng maayos kuya, kanina ka pa hinihintay ni inay.” sambit ng aking bunsong kapatid. Nilapitan ko si inay na tila hirap ng magsalita. Ngumiti siya ng makita ako at hinawakan ang aking mukha. Hinalikan ko naman ang kanyang noo.
“Alvin, ang panganay kong anak, buti naman at naabutan mo pa ako. Alam mo bang sobra na kitang namimis.” “Ako rin po, labis rin kitang namimis inay. Mahal na mahal po kita at lubos po akong nagpapasalamat dahil ikaw ang aking naging ina. Hinding-hindi ka po mawawala sa aming puso’t isipan inay. Ngunit sana’y bigyan mo pa po kami ng pagkakataong makasama ka pa.” “Matanda na ako Alvin, matagal na rin ang inilagi ko sa mundong ito. Kaya siguro panahon na upang ako’y magpaalam sa inyo. Ang hiling ko lang ay wag ninyong papabayaan ang isa’t isa bilang magkakapatid at lagi ninyong aalalahanin ang mga aral na iiwan ko sa inyo, dahil yan lang ang  maipamamana ko sa inyo. Sana’y maluwag ninyong tanggapin ang aking pagkawala.” Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay di ko namalayang tumulo na aking mga luha.
“Alvin, bago mahuli ang lahat, may isang bagay akong ipagtatapat sa iyo. Dapat ay matagal ko ng sinabi sa iyo, ngunit ayaw ko namang iwan ka ng di mo nalalaman ang katotohanan tungkol sa iyong pagkatao.” “Ano po ‘yon inay?” “Ito ay tungkol sa pagkatao ng iyong tunay na ama.” Nabigla ako sa sinabi ni nanay. “Ho? Ano pong ibig mong sabihin nay?” “Iba ang iyong ama. Ikaw ay bunga ng isang pagkakamali. Nangatulong ako noon sa isang mayamang pamilya sa Maynila, at nahulog ang loob ko sa lalaking anak ng aking amo. Siya’y matipuno at malambing ngunit masama ang ugali ng kanyang pamilya lalo ng kanyang amang isang politiko. Nagkaroon kami ng lihim na relasyon hanggang sa may nangyari sa aming dalawa at nagbunga ang aming pagmamahalan. Nalaman ito ng kanyang pamilya at pinagbantaang papatayin ako at ang aking dinadala. Ni hindi manlang ako nagawang ipaglaban ng iyong ama.”
 “Naduwag siya at mas pinili ang pangalan niya. Kung kaya’t hinayaan niya akong makatakas at sinabing magpakalayo-layo na lamang. Ipinagbubuntis kita ng bumalik ako dito sa Laguna at saka ko nakilala si Manuel ang tumayong ama sa iyo at ng mga kapatid mo. Ngunit tila mailap ang tadhana sapagkat maaga rin siyang kinuha ng panginoon. Pinagsisisihan kong una akong nagmahal sa isang maling lalaki, ngunit hinding-hindi ko pinagsisisihang nagkaroon ako ng isang napakabuti at mapagmahal na anak na tulad mo. Maswerte ako’t naging anak kita Alvin, biyaya ka ng Panginoon sa akin.” “Kung ganun sino po ang aking tunay na ama?” “Ang pangalan ng iyong ama ay Lino Alapaap,” at saka nalagutan ng hininga ang aming ina. Bumuhos ang luha naming magakakapatid at ako nama’y di makapaniwala sa aking nalaman na ang isa sa mga taong kinamumuhian ko’y siya palang tunay kong ama.
Makalipas ang isang linggo matapos ilibing si inay ay gulong-gulo ang damdamin ko at patuloy pa rin akong nagluluksa sa kanyang pagkawala, kahit na sinabi niyang maluwag namin itong tanggapin ay mahirap pa ring isipin na wala na ang taong nagpalaki at nag-aruga sa akin. Para bang gusto kong bumalik sa pagkabata, sa mga panahong kasama ko pa siya at pinupunasan niya ang aking pawis sa paglalaro. Panahong pinapagalitan niya ako kapag may nagawa akong mali, at pinupuri naman kapag may nagawang tama. Mga sandaling tinuturuan niya pa akong mag-abakada at magbilang, kung kailan simple lang ang kasiyahan ng isang musmos na tulad ko noon. Napagtanto kong mas komplikado pala ang buhay kapag malaki ka na at kailangan mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Lumipas pa ang ilang linggo at namalagi muna ako dito sa probinsya kasama ang aking mga kapatid kung saan sariwa ang hangin at payapa ang paligid. Ibang-iba sa buhay sa maingay na Maynila. Halos ginugol ko ang oras at araw ko sa pagsusulat ng isang aklat na nais kong ilimbag na pinamagatan kong “Huling Sambit”. Tila panulat ang naging kaibigan ko at papel ang naging panyo ko sa mga panahong ito na siya namang pumunas sa aking mga luha.
Matapos ang ilang buwan, nagpasya akong bumalik sa Maynila upang ipalimbag ang librong nais kong mailatahala at mabasa ng maraming Pilipino sapagkat sumasalamin ito sa realidad sa buhay ng isang payak na pamilyang Pilipino at sa lipunang ginagalawan nito. Patungkol ito sa  magkakaibang kapalaran ng tao sa iba’t ibang aspeto, kung paano lumaban sa buhay at pinalaki nang marangal ng isang mapagmahal na ina ang kanyang anak ng may tamang pangangatwiran, prinsipiyo at dignidad. Pagdating ko sa terminal ng bus sa Maynila ay nakita ko ang isang malaking tarpaulin na nakasabit at mababasa ang, “Binabati ka namin Konggresman Lino Alapaap sa iyong muling pagkapanalo!” Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngunit sinabi ko nalang sa aking sarili na wala na akong pakialam sa kanya at hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya. Kahit kailan ay di ko siya kikilalanin bilang aking ama at wala akong balak na ipagtapat sa kanya ang totoo. Masaya ako sa buhay na wala siya. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit sinusuportahan at hinahayaan pang manalo ng mamayan ang isang politkong gaya niya? Nawawala na ba ang kanilang talino sa pagboto o napaoo lang sila sa mga panliligaw, panunuyo at pambobola ng mga ito? Nakakabahala ito sapagkat nakasalalay rin sa kamay ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.
Pagkalipas ng ilang araw ay nalimbag na ang aking likhang libro at naipamahagi na rin ito sa maraming tindahan ng mga aklat. Natutuwa ako at marami ang bumibili ng aking libro at agad itong nagiging sold-out sa mga pamilihan kaya naman mas dumami pa ang pagpapalimbag ng mga kopya nito. Marami rin ang nagbibigay sa akin ng mensahe at nagsusulat sa akin na nagpapahiwatig ng kanilang pagsuporta at paghanga sa nilalaman ng aking aklat. Marami ding mambabasa at kritiko ang naging maganda ang rebyu at feedback sa aking isinulat na babasahin. Dahil dito ay nakalikom ako ng malaking pera para sa aming magkakapatid, at kinuha ako bilang tagasuri at manunulat ng isang malaking publication company. Umayos at gumanda ang buhay namin sa awa ng Panginoon. Ngayon ay may sarili na kaming lupa at nakapagpatayo na din kami ng malaking bahay na matagal na naming pinapangarap.
Isang gabi, nang papauwi na ako galing sa aking trabaho. Papasok palang ako ng aking kotse ng biglang may tatlong lalaki ang lumapit sa akin na agad na binusalan ang aking bibig at ako’y nawalan ng malay. Isinakay nila ako sa isang sasakyan at dinala sa liblib na lugar. Nang ako ay magkamalay, iminulat ko ang aking mata ngunit wala akong makita, piniringan nila ang aking mga mata, nakatali ng mahigpit ang aking mga kamay at paa. Naramdaman kong may tatlong lalaki ang nakapaligid sa akin at pinagtatawanan nila ako. “Sino kayo? Anong pakay ninyo sa akin? Pakawalan niyo ako parang awa niyo na may pamilya pa ako. Wala kayong mapapala sa akin. Alam niyo bang maaari kayong makulong dahil sa pag-kidnapped sa akin.”
Wala silang naging tugon sa mga sinabi ko kundi ang nakapanririndi nilang tawanan. “Sa susunod kasi kikilalanin mo muna kung sinong binabangga mo at baka balikan ka. Sige bugbugin na yan!” Pinagsisipa nila ako at walang habas na pinagsusuntok ng walang kalaban-laban habang nakalumpasay sa sahig, hanggang sa mapuno ng galos ang aking buong katawan at sumuka ng dugo. Wala na akong inaalala sa mga oras na ito kundi ang mukha ni inay at ng aking mga kapatid. Pagkatapos ay iniupo nila ako. “Ngayon nais kang makausap ng aming amo, umayos ka!”
“Kamusta na Alvin, matagal din tayong di nagkita bata.” Pamilyar sa akin ang malamig niyang boses. Tinanggal nila ang aking piring at nasilayan ng aking dalawang mata si Konggresman Lino na nakatayo sa harap ko.  “Sabi ko na nga ba, di ako nagkakamali, ikaw nga! Anong balak mo sa akin ha?! Pakawalan mo ako dito. Wala kang puso, isa kang demonyo!” “Hahaha! Hinay hinay ka lang sa pagsasalita Alvin. Wala ka paring ipinagbago, ganun pa rin ang ugali mo.” “Walang hiya ka! Palayain mo ako dito!” “At bakit naman kita susundin?! Diba’t may atraso ka pa sa akin, at kailangan mo pang pagbayaran ‘yon. Akala mo ba nalimutan ko na ang ginawa mong paglapastangan at pagpapahiya sa akin. Hindi ko nakakalimutan ang pangalan at mukha ng mga taong may kasalanan sa akin at isa ka na dun Alvin! Tunay ngang maliit ang mundo at pinagtagpo pa rin tayo ng tadhana, at balita ko pa’y matagumpay ka na daw ngayon, syempre hindi ako papayag ng hindi kita nasisingil.”
“Huwag kang mag-alala di naman kita ipapapatay kung hihingi ka lang naman ng tawad sa akin at aamining pinagsisisihan mo ang pagtanggi sa akin. Siguro naman ay nanghihinayang ka na sa di mo pagsunod sa akin noon.” “Wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko hanggang kamatayan man, kahit na buhay ko pa ang maging kapalit! Itaga mo yan sa bato!” “Sayang ka bata, matapang ka pero isa kang malaking tanga!” “Kung ang kahulugan lang rin ng salitang tanga ay ang pagiging mapanindigan, mas pipiliin ko nalang maging tanga!” “Tama na ang satsat! Sige tapusin na yan!” bigkas niya.  Naglalakad na siya papalayo sa akin ng bigla siyang nahinto sa mga salitang isinigaw ko, “Ako si Alvin Makintal panganay na anak ng aking butihing ina na si Carmen Makintal, at kinamumuhian kita dahil nananalaytay ang dugo ng isang kasuklam-suklam na nilalang na tulad mo sa pagkatao ko!”
Wakas.
1 note · View note
hakoneadik · 2 years
Photo
Tumblr media
#hoydabshots (1/3) Kumusta ako? Okay lang. Hehehe. Kung maikukumpara ko yung aking pakiramdam nung hawak ko yung camera ko nung 2021 sa ngayong 2022, masasabi ko na mas masaya talaga ang buhay nung mura pa ang film. Hindi pa mahal yung mga films. Hindi din mahirap kumuha ng mga stocks kasi maya-maya, may mabibili ka na mula sa suki mong tindahan. Ngayong taon, parang maninibago ka eh, yung mga paborito mong films, nagtataasan ng presyo, tas pahirapan na sa stocks, ganun. Di naman siguro maninibago ang mga karanasan at ang kasiyahan nung pagpitik ng camera, di yung nawawala kahit nung digital pa gamit ko. Pero yun nga, parang may kaunting pighati akong nararamdaman dahil nga nagtaasan ng presyo ang mga films. (to be continued tomorrow) Shot with the Nikon F5 + AF-S Nikkor 70-200mm f/2.8 G VR II, using the Fuji Superia X-Tra 400 Film. Developed by @jigs.swing. :) #Film #filmphotography #photography #Nikon #F5 #NikonF5 #NikonPhotography #FilmResurgence #FilmPhotographyPH #filmisnotdead #analogphotography #filmphotographycommunity #Fuji #fujisuperiaxtra400 #Baler #Aurora #TeamNikonPH #NikonPH #Travel #TravelPH #Boats #Cove https://instagr.am/p/CZUpI4jhV-L/
0 notes
jaimyjimenez · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Macau Hotel
Ang Macau Hotel ay isa sa mga lugar na kung saan may masasayang ala-ala na ako’y nai-uwi sa Pilipinas. Ito ay isa sa mga napasyalan kong hotel at isa din sa aking tinirhan na hotel nung kami ay nag-gagala sa mga hotel na pwede naming matirhan ng panandalian. Makikita dito kung gaano kasosyal ang kanilang hotel at kung gaano ka-mahal ang kanyang mga gamit na naka-display. Marami kang pwedeng pag-picture-an na puwesto dito dahil ito ay isa sa mga hotel sa Macau na sobra kang masisiyahan dahil sa kanyang ganda. Marami din sa mga Pilipino ang tumitira o naglalakbay sa iba’t ibang hotel dito sa Macau dahil ito ay ang kanilang isa sa mga the best na iyong makikita. Ang mga hotel dito ay may kanya kanyang lawak ng kanilang mga lugar. Sobrang payapa ng lugar na ito dahil kahit pa na ito ay maraming tao pero sila ay nasa kani kanilang mga sariling mga kwarto. Dito ninyo masasabi na sobrang linis ng mga hotel o ng mismong Macau dahil kahit isang kalat ay bawal dito.
Hong Kong Disneyland
Ang Hong Kong Disneyland ay isang theme park na matatagpuan sa reclaimed land sa Penny's Bay, Lantau Island. Ang Hong Kong Disneyland ay pasyalan ng karamihan na dumadalo sa China at ang mga iba pang lugar, karamihan sa mga pinapasyal nila dito ay ang mga bata. Ngunit karamihan sa mga pumupunta dyan ay mga pamilya na kahit walang bata, na-eenjoy naman ang puwesto na ito kahit karamihan sa mga dumadalo ay ang mga matatanda lamang. Karamihan sa oras naming sa bansang ito ay ginamit namin upang ikutin at maglakad-lakad sa iba’t ibang dako sa Hong Kong – pagpunta sa mga mainam na parke, sa mga hardin, pamilihan, at lalong lalo na sa mga magagandang lugar na matatanaw mo ang kagandahan ng bansa. Ang Hong Kong Disyneland ay parang Enchanted Kingdom lamang sa Pilipinas, marami kang pwedeng pasukan na rides at marami kang pweding ma-experience na mga palaro rito. Nasubukan din namin ang iba’t ibang kainan dito sa Hong Kong na kung saan halos karamihan dito ay naghahain ng pagkaing pang intsik tulad na lang ng, Chinese dim sum at dumplings na sikat na sikat dito. Hindi rin mawawala sa Hong Kong ang mga street food na kung saan ay marami kang mapagpipilian na pagkain, at bukod sa marami, ay mura at sulit pa.
Manaoag Church
Ang Shrine ng Our Lady of the Rosary of Manaoag ay isang paboritong pilgrimage site sa Pangasinan.Ito ay pormal nang itinaas bilang minor basilica sa isang matimtimang seremonya. Ang sinauna pang ivory image ng Our Lady of Manaoag o “Apo Baket,” na nakadambana sa mataas na altar ng simbahang Spanish-Romaneque, ang disenyo nito ay pinaniniwalaang milagrosa. Ang Manaoag Church ay isa sa mga pasyalan ng mga tao rito sa Pilipinas. Kami ng aking pamilya ay nagpupunta rito isang beses sa isang taon, dahil kami ay naniniwala na ang birhen na ito ay maraming natutupad na wish ng mga tao. Sa tuwing ang aming pamilya ay may bagong saksakayan, kami ay dumadayo rito para lang mag pa bless at sasamahan na din namin bumili ng mga bracelet o kwintas. Ang masasabi ko lang ay madadama mo dito ang ganda at kapangyarihan na ikaw mismo ang makaka-intindi. Nakita ko dito ang Rosary Garden na napakatahimik at napakaganda. Ang una kong nabatidsa lugar na ito ay ang “Lady Statue” na makikita sa pinakaharap ng Rosary Garden. At ang susunod narebulto ay ang lugar kung saan ako ay nagtirik ng kandila at humiling. Ang Rosary Garden at ManaoagChurch ay napakagandang pasyalan. Marami dito na pwedeng pasyalan ng mga tao, at marami din ang mga pumipila para lang maka kuskos ng kanyang basbas sa kanya kanyang panyo ng mga bumibisita rito.
Venice Grand Canal Mall, McKinley Hill
Ang Venice Grand Canal ay isang lifestyle mall development sa ilalim ng Megaworld Lifestyle Malls na matatagpuan sa loob ng 50-ektaryang McKinley Hill township ng Megaworld Corporation sa Fort Bonifacio Taguig City. Tunay nga na maganda ang mga tanawin sa bansang Pilipinas. Kailangan lamang natin itong tuklasin at buksan ang ating puso ukol sa magagandang bagay. Kami ay galing sa Tagaytay, at dineretcho kame ng driver na aming rinentahan sa Mckinley Hill, laking gulat nalang namin na ang lugar na ito ay ang ganda sa personal at hindi nasira ang aming tuwa. Sa aming paglalakbay ay madami kaming nakasalamuha na magagandang pigura at nagtataasang mga bahay na animoy nasa ibang bansa ka nakatira. Madameng mga magagarang kainan na animoy sa pelikula mo lamang makikita. Makikita mo kung gaano kasaya ang mga sumasakay sa boat at kung gaano kalinis ang tubig sa paligid neto. Ito ay pasyalan ng karamihan na turista na nagpupunta sa atin bansa, hindi ka magsisising pumunta dito kasi para kang nasa ibang bansa na ang linis ng kapaligaran.
#LAKBAY-SANAYSAY #SMAGUAGUA #MARIAN
1 note · View note
jaken938 · 3 years
Photo
Tumblr media
ISLAS DE GIGANTES
Ni: Eron Lomio
Hunyo 2018 noong pumunta ako kasama ng aking buong pamilya sa Islas de Gigantes na mas kilala bilang Gigantes Islands. Ito ay grupo ng mga isla na matatagpuan sa baybayin ng bayan ng Carles sa Iloilo, Philippines. Hindi lamang ito kilala sa mga nakakabighaning pormasyon ng mga bato, berdeng lagoon at pinong puting buhangin. Ito rin ay kilala dahil sa iba’t ibang uri ng mga yamang dagat kung kaya’t pangingisda ang pangunahing kabuhayan dito. Karaniwang naghahanap ang mga turista ng iba’t ibang sariwang lamang dagat, at ang aking personal na paborito ay ang sariwang scallop.
Mahigit kumulang limang oras ang biyahe mula sa lungsod ng Iloilo patungo sa pyer ng Bancal. Mula sa daungan maaaring mag arkila ng bangka patungo sa Gigantes island, aabutin ng isa hanggang dalawang oras ang paglalayag/pagbabangka. Habang naglalayag sa gitna ng malinis na asul na dagat, makikita sa ilalim ang makukulay na isda na tila sumusunod sa bangka, malalakas na simoy nang hangin na walang bahid ng polusyon at mga rock formations na nabuo ng malalakas na alon sa paglipas ng panahon. Ano nga ba ang magandang gawin pag dating sa Gigantes Island? Una, Maaari kayong mag island hopping para mabisita ang iba’t ibang beaches/ isla at mga natatagong yaman nito. Pangalawa, magpahinga o mag-snorkeling kasama ng mga isda sa white sand beach. Pangatlo, bisitahin ang lumang lighthouse at pagmasdan ang tanawin mula sa ibabaw. Pang-apat, kumain ng mura at sariwang lamang dagat na galing mismo sa baybayin ng isla. Panghuli, pagmasdan ang paglubog at pagsikat ng araw habang nakaupo sa puting buhangin kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Ilan lamang ito sa mga aktibidad na maaari ninyong pag-libangan.
Marami ako natutunan at napagtanto sa pananatili ko sa Islas De Gigantes. Kaya naman naisip kong gumawa ng: Tatlong bagay na sana ay nalaman ko bago ako pumunta sa isla; Una, walang ATM machine sa isla kaya magdala ng maraming pera/cash. Ang pinaka-malapit na ATM machine ay matatagpuan sa lungsod. Pangalawa, kaligtasan ay prayoridad. Magdala ng first aid kit upang pigilan ang impeksyon sa sugat dahil malayo ang mga ospital. Panghuli, Panatilihin ang kalinisan ng lugar at respetuhin ang kultura ng mga taga Isla De Gigantes. Masasabi kong sulit ang pananatili namin sa Gigantes island. Sulit ang mga karanasan, masasayang karanasan, kasama ang aking pamilya. Inirerekumenda ko sa inyo ang pagbisita dito. Dahil ako siguradong babalikan ko ang lugar na ito.
0 notes
lakbaygunitablog · 3 years
Text
“Ang Maringal na Dalampasigan sa Sabang, Baler”
Tumblr media
ni  Elijah Sky V. Jacoba
Ang aming pamilya ay nagpunta sa Sabang beach, Baler noong Marso 30, 2013 kasabay ng Sabado de Gloria ng Mahal na Araw ng taong iyon.  Kami ay nagbiyahe galing sa probinsiya ng aking ama sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.  Masaya kami dahil kasama namin pati mga kapatid ng aking ama at kanilang pamilya. 
Ang Baler ay isa sa pinaka sikat sa probinsya ng Aurora at ang Sabang beach ay dinadayo ng mga turista dahil dito nagsimula ang surfing sa Pilipinas.  Kasalukuyang tag-araw at rurok na panahon noon kaya puno ang mga resorts.  Mabuti na lang at nakakuha kami ng maliit na dampa o cottage sa harapan ng Sabang beach.
Napakaganda ng tanawin sa dalampasigan, sariwa ang hangin at maririning mo ang hampas ng malakas na alon.  Ako ay nag-liwaliw sa baybayin at masayang pinanood ang aking ama, mga kapatid at kamag-anak habang nag aaral silang mag surfing.  Hindi ako sumubok mag surfing kasi masyado pa akong bata noon at baka mapanganib sabi ng aking ina.  Gayunpaman, ako ay nag enjoy at nakapag pahinga habang nakaupo sa buhangin at tinatanaw ang pasipiko na karagatan at hinintay ang takipsilim. 
Maaga akong gumising kinabukasan para abangan ang pagsikat ng araw na talaga namang napakaganda, mapayapa at nakakamangha.  Kami ay kumain sa mga karinderya sa likod lamang ng mga resorts.  Malinis at mahangin ang kanilang puwesto at ako ay nagulat kasi masasarap ang kanilang pagkain at mura ang presyo.
Sa pangkalahatan, isa ang Sabang beach sa maipagmamalaki natin sa Pilipinas dahil sa angking ganda nito at hindi pa ito gaanong komersyalisado. Buong pasasalamat ko at ako ay nakapunta sa iba’t ibang lugar noon bago nagka pandemya.
0 notes
maverick-guy · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Kanina, first time kong magpagupit sa Index Salon malapit sa amin. Walking distance lang, mga 2-3 minutes, naroon ka na. Sabi kasi sa akin ng kaklase ko, maganda raw magpagupit doon tapos mura pa. Edi sige, sinubukan ko naman. 
Nung nasa salon na ako, ang daming nakapila. Ang sosyal nga ng ginagamit nilang materials sa mga customers nila eh. Haha. Edi na-wow ako nun. Buti at may umalis na isang lalaki na nakapila, kaya medyo nausod yung pila. Nakatulog din ako roon nang saglit tapos ginising ako ng isa sa mga staff nila. Buti at hindi rin naman ako naghintay nang matagal, kasi nagugutom na ako nun.
Me: “Ate, fade po ah.”  Staff: “Ang kapal naman ng buhok mo.” Me: “Oo nga po, eh. Namana ko ata ito sa lola ko. May balak nga akong i-rebond ‘tong buhok ko. Magkano po ba pa-rebond niyo rito?” Staff: “P1,500. Pero kung gusto mo lang i-try na walang bayad, punta ka sa bahay ko minsan. Kasi dito mahal eh. Try mo lang, wala namang mawawala sa buhok mo eh.”
*okay, medyo na-creep out ako roon nung sinabi niyang pumunta ako sa bahay niya*.
Bakla pa naman yun, crossdresser. Natakot na ako sa mga baklang crossdresser kasi nung Junior High School ako, lagi na lang may sumisitsit sa akin na mga bakla. One time rin, may nagsabi sa akin na isubo niya raw yung ari ko. Nakakatakot, shit. Hahaha.
Staff: “Try mo na be, dali na. Bigay mo number mo sa akin.” Me: “Ay nako, wala po akong cellphone eh.” Staff: “Alam mo, gwapo ka. Panira lang ‘tong buhok mo. Gusto mong alagaan ko ‘tong buhok mo?” Me: *smiles* Staff: “Sige na, pumayag ka na. Wala namang mawawala eh.” Me: “Sige, susubukan ko po next time. Kaso, wala po akong pera eh. Mahirap mag-ipon.” Staff: “Sabi ko naman sa’yo, try muna natin sa bahay ‘di ba? Para pag-uwi mo, ma-surprise mommy mo. Babagay sa’yo ‘yan.”
Ewan ko lang mga pre. Mukha namang wala siyang masamang intensyon pero binibigyan ko lang ata ng malisya eh. Siguro natakot na rin ako sa nangyari sa akin dati. Pero bahala na, hinayaan ko pa rin siyang i-convince ako.
*nung natapos na yung pagpapagupit sa akin*
Staff: “Balik ka rito mga next week tapos irerebond na kita. Oha, para bagong taon, bagong buhok.” Me: “ *smiled* Sige po, thank you po.”
Pagkauwi ko...
Mom: Ayun na yun? Nagpagupit ka na niyan? Me: Opo, ito na yun. Maganda naman doon magpagupit eh. Mom: Parang wala namang nabawasan sa buhok mo. Nasasayang nanaman pera ko. Me: Dito sa gilid pati pinagupit ko ng kaunti yung itaas ng buhok ko. Mom: Magpagupit ka nga ulit! Me: Mommy, ito naman yung lagi kong pinapagupit eh.
So ayun, mga ka-DDS. Ayan na po yung naging resulta ng aking buhok. Hahaha. Shinare ko lang ‘tong nangyari sa akin ngayong araw. :)
16 notes · View notes
insouciantex · 6 years
Text
dorang gala
So ok I’m gonna make kwento ng trip namin today at yung naging katangahan ko. HAHAHAHA.
So ayon, we left Lipa ng mga almost 4:30 para maaga makasimba sa Quiapo and para di rin masikip. Take note guys, commute kami. HAHAHAHA. No masyadong kwento kasi sumimba lang talaga kami.
Tapos yon after, nag-Divisoria kami kasi nagdeliver ng pants and such. Tapos kumain kami sa Jollibee and sorry hahaha hindi na ako mahihiya, sumakit talaga tiyan ko kanina HEHE ayon sorry Jollibee, nabahidan ko pero wag kayo mag-alala, nag-spray naman ako ng pabango kong syempre mabango naman HAHAHAHA. Nakakahiya nga kasi pormang porma tapos sumakit ang tyan??!!! HAHAHAHAHA Tapos yon edi nagpunta na kami dun sa Chinese na boss ng Nanay ko and tumambay for amost 2 or 4 hours yata? Tapos nagpapalit kami ng tseke sa BDO tapos ayon syempre dorang gala ako so we need to go sa Lucky China Town Center kasi guys maraing gwapo don, wala lang magtitingin-tingin lang HAHAHAHAHa. So ayon papunta na kami tapos biglang naalala ni mother na bibili daw siya ng pang-hawak niya sa kasal, edi ayon bumalik kami don sa parang may mga kurtinahan don sa other side of the road as in opposite siya ng way papuntang Lucky China Town. Tapos ayon edi nagtingin tingin siya ng mga saya don, langya nakakapagod + sobrang init as in legit. Ayon, I forgot, naiwan pa nga pala namin yung payong sa bus(napagalitan ako eh siya naman ang may dala, hustisya pls) Tapos yon, nung pabalik na kami, btw di nakabili kasi choosy si mother, biglang tumigil at nagtingin ng tela aba!!! nung paglingon ko WALA NA NANAY KO!!!! ETO NA HIGHLIGHT NG ARAW KO!!!! TANGINA talaga nung di ko nakita, kinabahan agad ako as in sobra. Buti na lang nasa tamang pag-iisip ako and di pinangunahan ng kaba. Eh I thought of na dapat di ko ipakitang takot ako kasi the more na makaka-attract ako ng attention so ayon nagpauli-uli ako don sa gitna nung mga store ng kurtina HAHAHAHa nakakahiya legit feeling ko kung babalik ako within this week, tanda pa nila ako HAHAHAHa tapos edi yon kabang kaba na ako pero syempre maintain the composure, nadalihan ako nung isang guy dun na “Anong hanap baby?” I was like “PUTANGINA KUYA!! NANAY KO NAWAWALA!!!” Pero syempre inisip ko lang yon. Langya medyo napatawa talaga ako kay kuya kasi napansin niya na din yata na pauli-uli ako. Tapos ayon buti tinext na ako and tinawagan na ako ng nanay ko.GUYS!! Proven, mahal ako HAHAHAHa kinabahan eh nung nawala ako. Ayaw pa ngang umamin na nag-alala hmp Tapos ayon natuloy na kami sa Lucky China Town and being a mumuso avid fan, hinanap ko agad if meron hihi MERON!!! Pero kumain muna kami kasi baka nakapunta nga kaming Mumuso, nahimatay naman ako I guess wala din?? HAHAHAHa. Tapos ayon edi kumain na kami and since puro Chinese cuisines don at di naman ako fan ng mga ganong food, nag-Mcdo kami HAHAHHA langya hanggang sa manila dala ko pa rin Mcdo. TAPOS OMG AYON NA! ANOTHER HIGHLIGHT!!! Nakapag-shopping ako ng boys charot hahahaha may nakita akong pogi mga singkwenty charot. Gwapo nung taga-LPU na nakita ko. K?! Katapat pa namin ng table nung kumain kami hihi honlondeee. After namin kumain, nakakita ako ng Miniso store and bigla kong naalala ‘yung We Bare Bears huhuhu ang adorable nila pero kulang ng isa yung nakita ko pero mura na siya, for a fan talaga, I’lll sacrifice money para sa ganong kaka-cute na bears hihi. And here we go na sa Mumuso yieee, nabili ko na yung hinahanap kong wooden brush na kagaya nung kay Rei Germar. AAAAt hanggang ngayon wala akong ginawa kundi magsuklay na ng magsuklay HAHAHAHAHA. Nung pauwi kami, nakakita ako ng magandang babae and when I say maganda, AS IN SOBRANG GANDA. Kakaiyak huhu. Tapos uso din pala don nag-iinarte? Aba si ate girl, kung makalakad, kembot kung kembot hahaha nagkatinginan pa nga kami nung gay na nagtitinda dunn sa isang store then sabay kaming napatawa. Bad hehe. ANother highlight of this day, nung pauwi na kami, hindi na binitawan ng nanay ko ang aking kamaykasi baka mawala na naman daw ako hihi. Kinilig po ako hehe weak kasi heart ko enebe. Tapos ayon na yun wala ang saya ko ngayong araw tho medyo nakakapagod lang talaga.
And btw, kaya ko ng pumuntang Manila all by myself HAHAHAHa sabi ko nga sa nanay ko. Magugulat na lang sila one day kapag ako talaga sobrang bored na ako, pupunta talaga akong Manila. Ang sagot sa akin ay subukan ko naman daw at baka daw ako’y di na makabalik. Okay. Nag-alala po siya sa akin. A moment of silence pls.
1 note · View note