Tumgik
sulatnida · 3 years
Text
Kaibigan
Noon, naramdaman ko ang sakit ng pag-ibig na pahantong na sa katapusan. Ang makita ng dalawa mong mga mata ang pagbitaw ng taong mahal mo. Ang madinig ng iyong mga tenga ang mga katagang ayaw ko na. Ang pagtanggap sa katotohanan na hindi na siya interesado sayo tulad ng dati. Ang pagtanggap sa katotohanan na hindi mo na siya napapatawa't napapasaya tulad ng dati.
Pero ngayon, nalaman ko na masakit din pala ang pag-ibig na hindi pa nagsisimula. Ang makita ng dalawa mong mga mata na sa ibang tao siya masaya. Ang madinig ng iyong mga tenga ang boses niyang kay ganda na ibang pangalan ang sinasambit. Ang pagtanggap sa katotohanan na kahit napapatawa't napapasaya mo siya ay wala paring kayo at kailanman ay hindi siya magiging sayo.
11 notes · View notes
sulatnida · 4 years
Text
Lapis
Isang araw sa aking specialization class na drafting noong ako ay nasa ika-siyam na grado, may sinabi ang aking guro na tumatak sa aking isipan. Kanyang sinabi na ang lahat ng gawa ng mga arkitekto, lahat ng blueprint ng mga estraktura, at lahat ng kanyang mga disenyo, ay nagsimula sa isang guhit lamang sa papel. Ito ay unti-unting nabubuo sa pagdagdag ng pangalawang guhit, pangatlo, pang-apat, at hanggang matapos ang disenyo.
Ang buhay nating lahat ay maihahantulad natin sa paggawa ng isang blueprint. Lahat ng desisyon na ating ginagawa, at daang tinatahak ay nagmamarka sa ating pagkatao tulad ng pagmarka ng isang lapis sa papel.
At sa bawat t-square at ruler na magiging gabay sa mga desisyon na ating ginuhit sa papel ng ating buhay, ay katumbas ng mga magulang, kaibigan, kaklase, guro, at lahat ng ating mga makikilala. 
Sa panibagong araw, muli nanaman tayong guguhit ng iba't-ibang linya na magmamarka at magiging pundasyon ng ating pagkatao. Iba-iba man ang estraktura na ating nais maitayo, iba-iba man ang papel na ating guguhitan at gagampanan, iba-iba man ang lapis na ginamit sa pagguhit, isa pa rin ang mithiin nating lahat. Ang magkaroon ng mas maliwanag na buhay at makabawi’t at maging pundasyon naman ng ating mga minamahal.
Kaya mga kapwa lapis, lagi nating tandaan kung ano nga ba ang papel natin sa buhay. At maging maingat sapagkat sa pagiging lapis ng ating mga sariling buhay ay walang pambura na kayang tanggalin lahat ng ating pagkakamali. 
11 notes · View notes
sulatnida · 4 years
Text
Tsinelas
Ang saya isipin na kapag may nagmamahal sayo at may handang sumama at tumanggap sayo kahit ano pa man ang pinagdaanan mo. Ang saya isipin na kapag mayroong tunay na nagmamahal sayo na sasamahan ka sa iyong paglalakbay na may walang sawang suporta at gabay na kasama. Ang saya isipin na may taong tanggap ka kahit sino ka man at ano pa ang iyong nakaraan. Ngunit mas masaya siguro kung nararamdaman din natin ito at hindi lang natin iniisip. Kailan natin makikilala ang ang para sa atin sa lakbay natin sa buhay? Ilang hakbang pa ba ang dapat gawin? Anong daan ba ang dapat tahakin?
3 notes · View notes
sulatnida · 4 years
Text
Pag-aari
Handa na akong ligawan ka. Handa na akong sabihin na gusto kita. Handa na ako ipadinig sayo ang mga paborito kong kanta, ipatikim sayo ang luto ko kahit na hatdog at itlog lamang ang kaya ko, ipakita sayo ang pagbuo ko ng ‘rubik’s cube’. Nais ko sana ipagdamot ka para akin ka lang. Nais ko sana yakapin ka at banggitin ang mga salitang ‘gusto kita’ at ‘aalagaan kita’ ngunit may iba na palang gumagawa nito dahil pag-aari ka na ng iba.
5 notes · View notes
sulatnida · 4 years
Text
Adobo
Ang lahat ng mga makilala at magiging kasintahan mo’y may iba’t ibang tamis na dala at bigay sa buhay mo. Nakakatuwang isipin na ang pag-ibig ay parang pagkain na kailangan din nating mga tao. Sa oras na nagmamahal at minamahal ka ay para bang busog na ang iyong pagkatao at wala ka ng hihilingin pang iba. Kaya siguro maraming nagsasawa dahil ang nais lamang nila ay mainit at kapag lumamig na ito ay maghahanap na sila ng bago imbes na gumawa ng paraan. Ngunit ang mga tao na kilala na ang sarili nila at alam na ang kanilang mga gusto ay paulit-ulit na lamang na bumabalik sa kanilang mga gusto. At may mga tao rin na akala nila ay masaya na sila sa kung nasaan sila ngayon ngunit iba pala na sangkap ang dala kanilang kasintahan para sa hanap nilang putahe.
Ang pag tikim sa sarap na dala ng bawat hawak kamay, hatid at sundo, lambing at tampo, yakap at halik ay tila ba parang sangkap sa masarap na ulam na sasalubong sa iyo pagtapos ng isang nakakapagod na araw sa eskuwela o trabaho. Sa pagtapos ng isang mahabang araw ay mayroon kang pagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa iyong araw. May makikinig sa iyong mga pinagdadaanan at ganon ka rin sa kanya. Ngunit sa bawat tamis na dulot ng pag-ibig ay may pait, asim, anghang o pakla na matitikman ng ating mga panlasa na magiging dahilan ng pagbabago ng ating mga hilig at hanap. Saka lamang natin malalaman na ibang luto pala ang ating hanap. Ibang luto pala ang para sa atin kaya kailangan na natin ito tanggapin.  
At kapag nahanap na natin ang para sa atin, saka lamang natin malalaman na ang tunay na pag-ibig ay parang adobo na kahit may asim ay kilig padin ang ating mararamdaman at kahit ano pa man ang ugali ng ating kasintahan ay tanggap natin sila kung sino sila at sa kanila lamang tayo babalik.
7 notes · View notes
sulatnida · 4 years
Text
Ikaw
Ang lahat ng tao ay nagmamahal. Ang lahat ng tao ay nasasaktan. Marami tayong mga bagay na hindi alam, maraming mga bagay na hindi nagkakatuluyan, at may mga nagkakatuluyan na hindi naman bagay sa isa’t isa. Ngunit sino ba ako para sabihin na hindi bagay ang dalawang tao para sa isa’t isa? Sa bagay, isa lang din akong taong walang alam pati narin sa mga bagay tungkol sa sarili ko. Ang lahat ng tao ay nagmamahal. Ang lahat ng tao ay nasasaktan. Ngunit marami sa atin ang nasasaktan agad kahit hindi pa nagmamahal. Kasi kung may mga nagmamahal, yung iba nagmumura. Wala namang masama doon, ang masama ay yung nagmamahalan na kayo, nagmahal pa ng iba.
Ang lahat ng tao ay nagmamahal. Ang lahat ng tao ay nasasaktan, at nakakasakit. Ngunit malalaman mo lamang na natanggap mo na ang isang tao kung sa bawat sakit na iyong nararamdaman ay kasunod ng pagpapatawad at pag-intindi. Ito ang mga bagay na nagkakatuluyan. Ito ang mga bagay na hindi nagmamahal ng iba dahil alam nila ang halaga ng isa’t isa.
Tulad ng ibang tao, ako rin ay nagmamahal at hindi ko rin maiwasang masaktan. Ngunit ako, mayroon na akong tinanggap at pipiliin na patawarin sa kung ano man ang mga bagay na darating pa lamang sa hinaharap. Ito ang isang bagay na hindi ko madalas gawin ngunit ito rin ang aking paraan ng pagpapahalaga sa isang tao.
21 notes · View notes
sulatnida · 4 years
Text
Sabi-sabi
Sabi ng karamihan, nasa huli ang pagsisisi. Sabi ng matatanda, pagsisisihan mo lamang ang mga bagay na hindi mo ginawa. Ang dami ko nang pinalampas na pagkakataon. Andami ko nang sinayang na tiyansa. Minsan lang tayo makahanap ng tunay na saya sa isang tao. Minsan lang tayo makahanap ng taong gusto natin pasayahin. Minsan lang tayo makahanap ng taong gusto tayo maging masaya. At minsan lang din mangyari na isang tao lamang ang tinutukoy ng mga ito.
Sabi ng karamihan, nasa huli ang pagsisisi. Ako, ngayon ko lang naintindihan kung bakit isa lang ako. Marami akong pinagsisisihan, pero hindi pa huli ang lahat. Tinanggap ko na lahat ng nakalipas ngunit hindi na ko nagtagal doon. Ngayon, ay ngayon. Sa anong buwan, linggo, araw, o oras ay laging mayroong ‘ngayon’ na magiging puno ng panibagong tiyansa sa mga pinagsisisihan natin sa nakaraang mga ‘ngayon’. Sabi ng mga matatanda, pagsisisihan mo lamang ang mga bagay na hindi mo ginawa. Ako, naiintindihan ko na kung bakit ayaw ko pang tumanda. Ito ay
dahil hindi ko kayang tanggapin na hanggang pagsisisi na lamang ang mga lahat. Minsan lang mangyari na isang tao lamang ang tinutukoy ng mga ito. Babawi ako sa bawat ‘ngayon’ dahil minsan ko lamang makilala ang isang tulad mo.
6 notes · View notes