Tumgik
iamtryingtoblog · 8 years
Text
sorry. adj. the hardest word to pronounce.
2 notes · View notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
steal. vb. i took your first kiss and you could no longer have it back.
0 notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
ubiquitous. adj. the moment i realize that i love you, i notice love is everywhere; that this world is full of beauty and hope. and on the moment you become cold, i also realize that you are everywhere, right from this gay couple cuddling in front of me, and up to this sad song i keep trying to ignore.
1 note · View note
iamtryingtoblog · 8 years
Text
Pag-intindi sa Psychological Disorder bilang Pang-uri
kolum
“Psychological disorders are not adjectives to describe a person.”
Naging isyu nakaraan ang pagtawag ng isang aktres sa ating pangulo ng psychopath. Actually natawa nga ako rito; may halong mangha na rin. Antapang niya a. Pero dala ng mensahi niya ang mga feedback ng nakararami, at ilan rito ay mula sa psych community. Ako naman napaisip, mali ba ang ginawa niya? E bakit naman kapag ang mga aktibista kung makapanira sa presidente e okay lang sa kanila? Ito ang aking perspektibo hindi lang isang psychometrician kung hindi isang manunulat na minamahal ang wika.
Isa sa mga natutunan ko bilang psych student ay ang tamang pag-label sa tao. Una rito ang konsepto ng “Person First” kung saan instead "autistic child", ang tamang pag-term ay "child with autism". Instead of “disabled person”, we termed it as “person with disability” o PWD. Pangalawang konsepto ay kung sino ang may kakayahang na mag-label. Ang psychometrician na katulad ko ay walang kapangyarihan mag-offically diagnose ng tao na may ganito siyang disorder. Nasa psychiatrist o psychologist na ito . Panghuli, mali ang paglarawan sa isang tao na may “disorder” siya dahil sa kanyang ugali at kilos... kaagad. Halimbawa:
“Bipolar ang mga babae. Minsan masayahin, minsan masungit.” (Ngek. Baka ang ibig sabihin natin dito ay moody.)
“Ang OCD ko sa pagtikop ng mga damit.” (Ginamit mo ang “D” sa paglarawan mo sa sarili; tandaan natin na ang D na ito ay nangangahulagang “disorder. So ano, may disorder na tayo?)
“May depression ako; hindi dumating ang boyfriend ko.” (K.)
Pero huwag din nating kalimutan na ang mga psychological disorders ay mga salita rin na nakapaloob sa wika. Wika. Language. At ating tandaan na language is dynamic. It changes.
Halimbawa nito ang salitang Google. Kung dati ay nasasabing pangngalan lang ito (ie, “Google is a search engine”.), ngayon maaari na ring gamitin bilang pandiwa (ie, "I always google my assignment."). What more pa kaya ang mga ilang disorders katulad ng moron at retarded. Dati para lang ito sa mga special kids, pero sa pagdaan ng panahon, ginagamit na rin ng iba para pangkutya ng ordinaryong tao. Kaya nga naman ang salitang depress ay maaari rin gamiting sa normal na tao dahil ito ay nangangahulagang sadden at discourage sa dictionary.
Syempre, kasabay naman nito ang pag-adjust din ng Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (o DSM; dito nakapaloob ang mga kinikilala sakit ng American Psychiatric Association) sa mga pangalan ng mga disorders. Halimbawa, since naging common modifier na ang salitang retarded ng publiko, at dala nito ang stigma para sa mga clients, tinawag na nila ngayon ito bilang Intellectual Disability. Ganito rin ang dahilan kung bakit tawag ng DSM sa depress ay hindi lang depress kung hindi Major Depressive Disorder. (Sa makatuwid, yes, maari mong gamitin ang salitang depress sa pag-describe kahit hindi disorder ang tukoy mo. Just make it clear.)
Ngayon naman, sa pagtawag ng artistang ito sa ating presidente bilang psychopath, may mga punto rin akong nais linawin.
1. Anti-Social Personality Disorder talaga ang gamit ng DSM at hindi Psychopath. Actually, mas gamit pa nga ang psychopath sa mga penikula kaysa sa clinical setting.
2. Ang konteksto ng paggamit ng salitang psychopath. Gaya ng sinabi ko, ang wika ay nagbabago. We don't live in a black-and-white world kung saan kapag sinabihan ka ng crush mo ng "I love you" e ibig sabihin mahal ka talaga niya. Kapag ang battered wife ang nagsabi na psychopath sa kanyang magaling na asawa, matatanggap ba natin ito? More likely yes. Basahin muli ang pahayag ng ng aktres at ang sinasabi niya na mas makabubuti pa na gumamit ang president ng serbisyo ng isang psychiatrist. Siguro, ad hominem sa iba pero malaki ang pinagkaiba nito sa mga pahayag gaya ng, "Wala kang pag-asa sa buhay dahil abno ka."
3. E TAYO RIN NAMANG MGA PSYCH MAJOR NAGLA-LABEL E! Hindi man official pero nagagamit natin ang mga disorders sa biruan, simpleng usapan, at pag-describe ng tao. Mga halimbawa:
"Relax ka lang friend. GAD ka na naman."
"Ang hirap kasi sa 'yo ang Dependent mo sa jowa mo."
“Akala mo gusto ka niya, na ko, Delusion of Erotomania ka lang."
“Naiinis ako sa kaniya, ang Histrionic niya.”
At nang pumutok ang isyu kung saan pinag-compare si Duterte kay Hitler, karamihan sa atin ay nagsabi rin na, "Oo nga, parehas naman silang may Syndrome of Decay.” Oh, e 'di tayo rin nag-label. At saka, jusme, nang nagre-review kami sa board, hindi lang ako o mga kaklase ko ang gumagamit ng mga psychologiocal disorders bilang pang-uri at joke kung hindi pati proctors namin. Mas mapadadali kasi ang pagturo kung maa-apply ito sa tao o sitwasyong pamilyar sa mag-aaral.
4. There is a thin line between giving an opinion versus degrading someone. Dito nagkamali ang aktres. Halimbawa, mayroon tayong dalawang dialogue.
Dialogue One: Sa tingin ko may problem ka na sa ugali at pag-iisip, patingin ka na.
Dialogue Two: You are a person with anti-social personality disorder.
Bagamat, sumunod ang ikalawang dialogue sa “Person First” rule, iba pa rin ang dating nito kumpara sa una. Kung mas nasabi ng aktres sa tamang paraan ang opinyon niya, hindi siguro malaking isyu ito. See, nasa konteksto at pamamaraan ang lahat. Sabi nga nila,
“It’s not what you say but how you say it.”
Maaari nating gamitin ang mga psychological disorders bilang adjectives para sa tao as long as maayos ang pagkagamit nito. Gaya nga sabi ng lola ko, maraming nadadaan sa mabuting usapan.
Huwag tayo mabuhay sa black-and-white na mundo kung saan itinuturing natin ang  psychological disorder bilang degrading na salita KAAGAD. Ang irrational thought lang. Hindi ibig sabihin na ginamit ang disorder bilang pang-uri ay minamaliit na ang mga taong mayroon nito. Tignan din natin ang konteksto sa paggamit nito. Kung ginamit ito sa paninirang puri, let's educate them. Kung ginamit ito sa hypothetical, theoretical, at curious way, then entertain it. Baka nga naman may point sila. Kung hinahabol ka na ng serial killer bilang next victim niya, then call the police and report that a psychopath is chasing you. You can use that word as a modifier to aid your communication. This is the beauty of words. At saka kung iisipin natin, marami ring medical at psycholgocial problems na ginamit natin bilang pang-uri: “bulag sa pag-ibig”, “kanser sa lipunan”, “you gave me a heart attack”, “adik sa ‘yo”, “baliw na baliw sa ‘yo”.
Isa pang halimbawa nito ang kaibigan ko. Isang araw, sumakay siya sa jeep at nang may biglang may dumaan na ambulansiya, bigla na-triggered ang katabi niya at sinakal na lang siya sabay sabi, “Ibalik mo ang America!”. Nang ipinost niya ito sa Facebook, ang ginamit niyang term sa taong sumakal sa kaniya ay baliw. Baliw nga naman kasi taong grasa ito; sadyang napasakay lang sa jeep. Ngayon, tignan natin ano kaya ang mangyayari kung hindi niya ginamit ang salitang baliw nang ipinost niya ito sa Fb. As in, “Sinakal ako ng katabi ko sa jeep.” ‘Di ba ang iisipin natin ay marahas ang taong ito at dapat maparusahan. Pero ang sinabi niya ay, “Sinakal ako ng baliw sa jeep.” Ang mga taong makakabasa nito ay maiisip na hindi talaga kasalanan ng baliw ang ginawa niya.
Ngayon, hindi ibig sabihin nito ay okay lang na mambato ng psychologcal disorders sa iba. Mga psychiatrist at psychplogist pa rin ang mga piling professional para makapagsabi na may disorder talaga ang tao at dumadaan ang kanilang mga diagnoses sa assesment na binubuo kadalasan ng observation, interview, testing, at mga collateral data. O, 'di ba, ang dami. Ang haba kadalasam pa nito para tama talaga ang diagnosis. Samakatuwid, parang physical na sakit ang psychological. Para masabi na may cancer, TB, o HIV ka, kailangan mo dumaan sa masusing assessment. Mahirap na magkamali. Tapos, dahil hindi ka basta-basta pwedeng mambato na may HIV ang isang tao, ganyan din ang mga psychological disorders, napakaseryoso ng mga ilang at kung ituring na kathang isip ay hindi nararapat.
Moral one: palawakin ang bokabularyo. Instead of saying bipolar, sabihin na lang na moody. At take note, isa pong malalang problema ang Bipolar I Disorder. Madalas may halong itong psychosis (out of touch sa reality).
Moral two: huwag OA kaagad kapag ginamit naman ang mga disorders bilang pang-uri. Read between the lines muna. Tignan kung dine-demoralize ba talaga ng nagsabi ang mga taong apektado rito o kaya  kung may point siya sa pagsabi nito.
At saka, compare naman sa pagsabi ng psychopath with a suggestion to seek an expert ng aktres, mas grabe pa rin ang Dutertards (blended dito ang salitang Duterte at retarded--inuulit ko RETARDED, RETARDED!) at iba pang hindi man disorder, ginagamit to degrade others. Halimbawa: Bobo. Baboy. Bakla. Oh, bakit dito hindi tayo makapag-post ng advocacy natin regarding sa labeling?
1 note · View note
iamtryingtoblog · 8 years
Text
insecure. adj. do you really love me?
0 notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
Dream House
sanaysay
Marami na akong naging assignments tungkol sa pagguhit ng aking dream house. Ang lahat ng mga ito ay hindi ko sineryoso. ‘Yung iba pa nga e pinagawa ko sa nanay ko, at in fairness, may amor si Mommy sa paguhit ng kanyang dream house. Wala na talaga akong kaideideya kung ano ang dream house ko. Parang sa kotse rin. Pakitaan mo ko ng kotse at ‘di ko masasabi ang modelo nito. Kiber ko ba. Basta nasasakyan at umaandar, kotse na ‘yan. Period.
Pero nagkaroon din naman ako ng dream house, ���yun nga lang, hindi katulad sa inaasahan ng mga guro ko, at kung ipaglaban ko man, baka batukan lang ako ng nanay ko. Ano nga ba ang mga ito?
Una: bahay ni Spongebob.
Pramis, paboritong-paborito ko si Spongebob noong bata ako. Kaya ko pa rin siyang i-drawing hanggang ngayon. Pati bahay niya, memorize ko ang kadalasang itsura nito kagaya ng kanyang silid tulugan at ang hagdanang nakadikit sa pader. Pero of course, kahit na pinya lang ito, kailangan ko ng maraming salapi at magaling na architect pa para ma-push ko lang ‘to.
Pangalawang dream house noong bata: ang comvee ng The Wild Thornberrys. Ang bongga talaga nito. Bukod sa half-sasakyan, half-bahay ito, kaya pa nito maging bangka. Oh, ‘di ba? Perfect sa kaladkarin na katulad ko na kung mag-out of town e kulang na lang ilagay ang buong bahay sa bag. Tapos kung problema sa taffic ang problema mo, edi i-park mo na lang malapit ang comvee sa opisina. Hahaha. Kaso hindi ito angkop ito sa extended na extended kong pamilya.
Hanggang sa paglaki ko, hindi ko na muli inisip kung ano ang dream house ko. Wala na talaga akong maisip, at saka mas problema ko pa ang mga exam, love life, at ngayon paghanap ng trabaho. Pero ngayon lamang lingo, muli akong napaisip.
Nagkaroon kasi ang NGO namin (I am Making A Difference, volunteer para sa children’s values, sali kayo) ng sleepover meeting. Ibig sabihin: 20% meeting, 10% tulog, 70% pahinga, lamon, at chika. Noong una, ayoko sumama. Ang hirap iwanan mag-isa ang lolo’t lola ko sa bahay. Baka mamaya magulat na lang ako nasa headline ng tabloid na kami (*knock on wood*), pero biglang sinabi ng president namin ang magic phrase.
Ako: Hindi ko feel umalis.
Erica: Tim, may wi-fi roon. Mabilis.
Ako: Oh, nasaan ka na? Kanina pa ako narito.
At iyon nga. Nagpakaladkad ako sa Quezon City, doon sa sikat na subdivision na malapit sa Ateneo (pagbigkas: ar-ne-yo), at aba, in fairness, ang sosyalin ng lugar.
Si Kuya Rod ang may ari ng bahay. Tree hugger siya at hardcore advocate ng healthy lifestyle. Toothpaste nga nila roon e organic din, kadiri lasang purong oregano. Buhay anak mayaman kami roon. Nakahilata sa tapat ng aircon, kain nang kain, at higit sa lahat nakiki-wi-fi. Sabi ko sa sarili ko, this is life. Ito na ang dream house ko. Kaso sa huli binawi ko rin ito. Bakit?
Wala akong makitang tao sa karsada!
Malaki ang subdivision. Naligaw pa nga kami one time kakahanap nito. Pero sa tagal nang paghahanap namin noong oras na ‘yun, tanging mga guard lang ang nakita ko. Hindi ako sanay. Tahimik nga pero para nakaka-Schizoid (uri ng abnormal na personalidad, severe form ng loner). Feeling ko nga kapag may nang-rape sa akin doon, kahit ilang sigaw ko pa e walang lalabas para tumulong.
Na-miss ko ‘yung Tondo-style langsangan ng Caloocan. ‘Yung uri na paglabas mo, maraming sari-sari store na ang bubungad sa ’yo. E dito, kapag naubusan ka ng toyo habang nagluluto parang kailangan mo pa mag-drive. Tapos marami pang bata sa paligid na nagmumura naglalaro. Puno ng buhay. Kahit nga lamay doon puno rin ng buhay sa dami ng sugal bisita. May mga shoot out din minsan ng mga frat dito, pero nawala rin ng dumating si Duterte.
Pero teka, ganitong paligid nga ba ang gusto ko sa aking dream house? Ilan sa mga paulit-ulit na sinasabi sa akin ng mga tita at ninang ko ay mag-ipon ako ng maigi upang makaalis sa magulong lugar na ito. Kung kakayanin ko raw, mag-abroad na rin.
Sa isip ko, kung gagawin ko ngayon ito, baka apartment muna ang ending ko. Parang sila Candice. May bahay sila sa Cavite pero mas pinili pa rin ng pamilya nila na mag-rent sa Pasay forever and ever dahil sa lapit nito sa paaralan, hospital, mall, at trabaho. Ito na lang kaya dream house ko?
Lol, no.
Naalala ko noong bata ako sa Valenzuela kami nakatira. Up-and-down na apartment lang pero sa tingin ko ito ang dream house ni Mama. Paano ba naman, sa Valenzuela siya umuuwi pero sa kalakarang Maynila siya nagtatrabaho. Hindi ka pa nakararating sa opisina mo e pauwi na ang energy level mo. At halos apat na taon din siyang ganoon, kung ‘di lang kami pinalayas ng kasera namin e baka doon na rin kami mamamatay.
Pero wala e. Wala na kaming pera noon. Sa akin, okay lang. Para sa akin, ang tunay na bahay pa rin namin ay ‘yung nasa Caloocan, ‘yung kali lola. Dito ako lumaki at lahat ng kapamiya namin ay nariti na. Pero para kay Mommy, hindi. Kahit noong huling taon niya rito sa lupa, ramdam ko pa rin ang pagka-bitter sa nangyari. Naiintindihan ko siya. May isang kwarto siya roon na naglalaman ng koleksyon niya ng kandila at anghel. Ako naman may kwarto na puno ng laruan. Naroon din ang mga pinag-ipunan niya gaya ng ref (sa Filipino: prijider) at telebisyon. Tapos malapit din yata nakatira ang boypren niya. Lol.
Edi ayun. Balik kami ng nanay ko sa puder nila lolo’t lola. Nagpatuloy ang hirap namin sa pera kaya napilitan siya sa mag-OFW sa Saipan. Isla ito malapit sa Hawaii. Maliit lang, hindi nga kita sa mapa, pero malapit sa puso ni Mommy kasi dito sila nagtanan ng magaling kong tatay ay naglaro ng bahay-bahayan.
Kung may natutunan man akong leksyon sa pangyayaring iyon, ito siguro ang mahirap angkinin ang isang bagay na hindi talaga sa ’yo. (Hugot lang?)
Tapos noong college naman ako, dito naman nauso ang mga condominium. Ito na yata ang dream house ng mga nakararami. Kaso turn off din ako rito. Bukod na sa magastos e ang liit pa kadalasan. Ang haba-haba rin ng bayarin, parang apartment lang na kinasusuklaman ng nanay ko. Ang advantage lang yata nito e strategic na location dahil malapit ka sa mga mall, paaralan, o opisina, pero ‘di ko pa rin type.
So Tim, ano nga ba talaga ang dream house mo?
Ayoko ng malaki at magagarbong mansyon. Sa Solaire pa nga lang nahihiya na ang balat ko. Masyado itong maganda para sa realidad.  Ayoko rin tumira sa mga gitna ng bundok o isla gaya ng gusto ng lola ko. Gusto kasi niya ang tahimik. Naiintindihan ko siya. Magkaroon ka ba naman na sumpungin na asawa at bungangerang anak (hi sa Mommy ko), talagang gugustuhin mo na lang tumira kasama ang kwago. Pero ako hindi, ko feel ang ganito. Siguro bahay bakasyunan, oo, pero laking syudad na talaga ako. Nasa Metro Manila na nakasentro ang karamihan kong pinupuntahan. Sa Valenzuela ako nag-prep. Sa Malabon nag-Grade 1. Sa Maynila ako nag-patuloy ng Elementary at High School. Sa Pasay ako nagkolehiyo. At siguro, sa Makati o QC naman ako magtatrabaho.
So ano ang dream house ko? At ngayon ko lang napagtanto: wala. Wala akong dream house. Wala akong maisip kasi nasa akin na ito. Paano ko nga ba papangarapin pa e kung nasa akin na pala.
Minsang siguro ganito talaga. Hanap tayo nang hanap pero nasa atin nap ala ang inaasam.
Parang sa bag lang ba. Ang dami-rami kong gustong bag dati. Ayoko ng backpack, masyadong ordinary. Gusto ko noon stroller, kaso pagtuntong ko ng Grade 5 hindi na pwede. Tapos gusto ko naman ‘yung backpack na single strap. Ang cool tignan. Pero sa huli ang sakit pala sa balikat. Then nag-messenger bag ako. Bagay sa corporate world. Ganoon din, punyeta sa sakit sa balikat dahil nakasentro lang sa isang balikat ang bigat ng dalahin. Sa huli, ang naging ideal kong bag ay ang ayoko nang una: backpack. Ginawa talaga para sa taong katulad ko na marami kung magdala.
Ganito rin sa taong mahal natin, o pati na rin sa magulang. Aaminin ko, maraming beses ko hiniling na sana iba na lang ang nanay ko. Ang demanding kaya niya. Dapat top one ako lagi. Dapat bahay-iskwela lang pinupuntahan ko. Dapat lagi ko siyang minamasahe. Tapos mana pa sa Lolo ko na kung magalit e gugulpuhin ka. Pero sa huli, tama nga sila: walang perpektong magulang. All parents damage their children, ika nga ni Mitch Albom. At ang nanay ko ang perfect na nanay para sa akin. Kahit na iniwan siya ng magaling kong tatay, nakapagtapos niya pa rin ako ng kolehiyo at ngayon, board passer pa.
O kaya sa sarili natin. Isip tayo ng isip ng dream self natin, pero sa huli, nasa atin na pala ang lahat. Okay naman ang mangarap mag-improve, pero iba ang kalimutan ang sarili at sumabay sa ilusyon ng mundo.
Ngarap tayo nang ngarap na sana mas payat gaya ng mga super model sa US pero anong nangyari? Ayun, Eating Disorder. Sa iba naman, pagpapalaki ng muscle, ‘yung tipong ang abs ay may abs din, tapos ayun, nagmukhang hipon ulap na ang katawan.
Ako rati, gustong-gusto ko ang maputing balat. Ayoko nang kulay ko noon, so try ako nang try ng mga pampaputi. Anyare? Ito, acne breakout. Hahaha. Ngayon ko lang natutunan na dapat mas gustuhin ang healthy skin. Nagkaroon ako ng crush noon (Tim din ang pangalan) na kahit moreno, ang ganda pa rin ng kutis. Glowing skin kahit oily na, daig pa ‘yung ibang mapuputi.
Gaya nga ng sinabi ng sikat na mga psycholigists tulad nila Karen Horney (pagbigkas ay horn-eye ay hindi horny) at ni Carl Rogers (not related to Kenny Rogers), nabubuo ang self hate kung hindi tugma ang ideal self sa real self. Incongruent ba. Post tayo nang post sa Facebook ng ilusyon na ang buhay natin ay parang pang-artista. Ganito rin ang iba. Tatambay tayo sa Instagram ng iba upang tignan ang ideal self nila: nagbakasyon sa Disney Land, mga pagkain mula sa eat-all-you-can, mga abs at malaking boobs, o kaya clingy na kasintahan. Tapos sa huli, gugustuhin natin ang buhay na ito. Nagpapaligsahan tayo sa kanya-kanyang ideal selves at nakalimutan na ang ating real selves.
At saka okay naman ang buhay—ay este bahay namin ngayon. Wala mang aircon o wi-fi, mabibilhan naman din. Wala mang second floor, mahaba naman at alam mo ‘yan, mahilig ako sa mahaba. May tulo man pero at least hindi binabaha. Tapos malapit pa sa palengke, ospital, simbahan, mga government agencies, LRT, mga bus papuntang EDSA, at higit sa lahat, sa mga mas extended family ko; mas madali silang puntahan kapag mamamasko.
Pero higit sa lahat, dapat mas mag-focus tayo hindi lang sa dream house kung hindi sa dream home. Parang ngayon, aanhin ko pa ang dream house na ‘to kung laging may pag-aaway at iwasan na nangyayari sa loob nito.
1 note · View note
iamtryingtoblog · 8 years
Text
oh. excl. i’m hurt.
0 notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
All the broken hearts in the world still beat. Let's not make it harder than it has to be.
An essay by lssmnth
I’ve always been the type of girl who smiles and laughs even after a bad day, a bad experience, a bad joke, or anything not good at all, like just this this week, I found out that I failed five of my seven first major exams. I’m telling you this with all the heartaches, yes, all, failed, in a week.
Oh, hell, I am sad. You won’t notice it, though. Because if we’re face-to-face right now, I’ll probably be smiling and talking about some good stuff.
Why am I smiling?
I’m not a masochist, but well, for one, I want to. Life is too short to create so much wrinkles. Nah, I just don’t really consider sadness a reason not to smile. Or laugh. In fact, I think smiling alone lessened the loads of shit I just received.
Two, I don’t like pity in these sorts of situations. If I cry, there will be those people who will tell me all kinds of comforting sentences just to make me stop, or try to lessen the sadness I’m feeling.
And I don’t want that.
It’s only now that I realized how I don’t like words of encouragements at all. They don’t help. Really, what good could they do?
So what if I feel sad? Let me feel sad. Life is a roller coaster. It’s not always up. And if I’m on the down, those words won’t lift me up if I don’t want to stand up anyway.
Sadness is essential. Happiness would be an empty word found in the nonexistent corners of the world if it didn’t exist. Let me feel torn, broken, and down. At some point, I probably deserved it, or it will turn out to be a start-up for something better, or a lesson.
Honestly, what I get to feel is that I only receive words of lifting because the people around me feel obliged to do so.
Well, thank you, but I don’t exactly need them. What I need is a person who would be there to listen and hear me—or even join me—shout my heart out if I want to. A person who might not give me the perfect quotations and words to lift my spirits up, but will be there and would be willing to join me in my downfall adventures, if that’s what it takes, because life isn’t a straight line, but a series of sine and cosine graphs. Airplanes land and helium-filled balloons fall. There are high tides and low tides. Blame the moon. Blame the earth. Blame gravity, if you’d like. But that’s life. We have to deal with it.
0 notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
geriatric ward
nonfiction
sometimes home feels like working in a geriatric ward, a low budget one and only myself is the full-time attendant in here. not that i clean my grandparent’s sanitary mess, but i try to manage the psychological ones. there is depression over here while there are mistrust and hatred over there. financial problem is everywhere.
my lola (grandmother) who loves to cook now chooses to keep herself in her room. my lolo (grandfather), well, i believe he has a paranoid personality disorder. i know the word personality disorder is heavy to hear but it is heavier to hear that he always gives malicious and betrayal description in all our actions and believes God will soon kill us for betraying him.
and yesterday, he just strangled his wife. thank God i was at home to stop him.
their children visit them, but not in a regular basis. one of them stays with us. she (my aunt) and  her husband and their two kids live in a large room at the end of our long house. they act as if that room and ours is separated by another city. it is a rare thing if i see them twice a day. sometimes i dislike them for giving up on my grandparents—on their parents! i asked some help from her husband during the strangling incident. he was just in his room when it happened, my aunt and the kids were at work and at school, respectively. and what did he do? he just placed lola in her room and get the hell out of the house. maybe he no longer knew what to do with them but i wished he did not leave me as if what just happened was a children’s fight. he said he was so sick of the quarrel. well, he wasn’t the only one.
my aunt claim that they are busy managing their own family and do not want to be involved longer on what conflict we have. they said they already did what they could. bahala ka na, they told me. it is all up to me. i get their point. they have their own family to deal with, they have their own financial problems to solve, but i wish they do not make me feel alone in handling this.
they told me that once their new house is finished, they will take lola and i in there and leave lolo alone in here. and what will happen to him? live unaided in this spacious, lonely house? will that fix our problem? true, i am exasperated with my grandfather’s bullshits. he physically hurts us. he hurt me. he hurt my mother. it is because of him i learned how to fist fight. i can call the police or even an institute to report him but will that bring our old, happy family? will his other children agree to such grievous acts? he still cleans the house and feeds the cats when i am not around. he still prays and goes to church. he still give gifts to his grandchildren whenever he has the money for it.
bahala ka na, they told me. it is all up to me. i am just a boy who has just recently realized that having a good resume will not always mean an instant job and that perfect occupation doesn’t really exist. i am here alone. my mother just died from cancer and her death still lingers in my shadow.
i wish the old habit of eating together is back. that fixes something. but the others decided to cut the communication. others pretended that everything will just past, but it doesn’t. it just keeps on getting worse. i keep on trying to keep this family as one but it seems that i am the only who is doing a full-time effort.
i am not even sure if i am doing any progress at all.
0 notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
Dalawang Klase ng “I love you”
Liham mula kay Can
Tim,
Alam ma sa tingin ko ‘yung panaginip na ‘yun ay reflection ng pag-iisip mo. Feeling mo laging may aagaw sa'yo kay Johann. Feeling mo may ibang taong kukunin siya sa'yo. Feeling mo kayo pa rin. Kaya ka nasasaktan pa. Never kang naka-move on since then. Maybe at some point, feeling mo naka-move on ka na dahil 'di ka na "depressed". Pero alam naman nating lahat na hindi ka tumigil sa kaaasang puwede kayo magkabalikan, 'di ba?
Alam mo 'di naman daw talaga nawala feelings sa'yo ni Johann e. Kaso alam mo bakit nangyari yung nangyari sa inyo? Kasi masyado ka raw naging possessive. Gusto mo sa'yo lang iikot ang mundo niya. Kasi ganun din 'yung ginawa mo noong naging kayo, sa kanya lang umikot ang mundo mo. Since then, lahat ng ginagawa mo naging para sa kanya. Habang siya, pinagpapatuloy niya lang ang normal niyang buhay. Ang kinaibahan lang siguro e nadadagdagan 'yun ng presence mo and the usual na ginagawa ng mga mag-jowa. Kaya naman nang nagsimulang magkalabuan ang lahat, ikaw 'tong durog na durog. #BoomWasak. HAHA. Okay sorry na.
Anyway, 'di ko naman sinasabi na 'di siya affected pero from there, makikita mo sino pinakanag-effort sa relationship, kung sino pinakanag-VALUE ng relationship. Huwag ka sana magagalit sa sasabihin ko pero I think Johann's too young para maging tipo ng tao na naghahanap na ng serious relationship. Kahit pa sabihin natin feeling babae siya (hahaha, LOL), matagal talaga mag-mature ang mga lalaki.
Magka-iba 'yung I love you na sinabi out of kilig sa I love you na sinasabi talaga ng puso. (Haha, anudaw? Did I make sense?) E paano kapag sinabi lang pala 'yung I love you out of kilig? Mahirap 'yun kasi nasabi mo na. Alangan naman na bawiin, 'di ba? Tuloy, mapipilitin 'yung tao na pangatawanan ito. At alam mo kung ano lang ang umaandar kapag ganito? Utak. Kailangan kasi parati mong paalalahanan ang sarili mo na sinabi mo na mahal mo siya kaya dapat lang may gawin ka, 'di ba? Unlike kapag sinabi mo ito dahil iyon talaga nararamdaman mo at sinasabi ng puso mo (yesss naman, haha), everything will follow. Kahit 'di mo pa sabihin ‘yung three words na ito sa tao, it will show sa lahat ng kilos mo, sa lahat ng gagawin mo, sa lahat ng ipapakita mo sa kaniya.
Okay, anong connect nito? Hindi ba't sa I love you naman nagsisimula ang lahat? 'Di ba 'pag sinabi na 'yan ng dalawang tao sa isa't isa, alam na ang kasunod? Kaso anong nagiging problema? Hindi naman pala sila parehas ng dahilan kung bakit nila sinabi ito at pati na rin ang meaning nila nito. Kaya tuloy, magkaiba rin yung expectations nila sa biglang usbong--for the lack of better term--ng relationship.
O 'di ba, madaming ganyan? One day sila na, e parang wala pa naman ganoong nangyayari sa kanila. Gulat ka, mag-jowa na kinabukasan. Suwerte at hands down para doon sa mga nagtagal at going strong pa din. Pero kung 'di naman, magtataka ka pa ba? Paano, wala silang strong foundation. Kaya magkaroon lang ng maliit na conflict o misunderstanding, mabilis na lang na aayaw o susuko 'yung isa. 'Yung isa kasi, ganito kalaki yung expectation, 'yung isa naman ganyan lang. 'Yung isa ang daming dine-demand, 'yung isa,
Chillax.
Alam mo Tim, non-sense 'tong sinasabi ko kung kalandian lang hanap mo. Sana totoo 'yang mga nararamdaman mo at sigurado ka rito. Sana kaya mo pinapahirapan ang sarili mo ng ganyan kasi naniniwala ka talaga na siya na yung binigay ni God sa'yo. Kasi kung 'di naman, aba, ang dami-dami pang iba dyan. (Ano, gusto mo lang ng Loyalty Award?) And last, sana maging totoo ka sa sarili mo.
It's the season to be jolly. Your happiness doesn’t depend on just one person. At huwag na huwag sasagi sa isip mo na galit sa‘yo ang Diyos o pinaparusahan ka ng Langit. Sa‘yo pa talaga nanggaling 'yan, ha, na dating sakristan? Konting hiya naman. Ikaw ang dapat mas nakakakilala sa Kanya, mas unang nakakaintindi sa Kanya out of all people.
Alam ko na madaling magsalita lalo na kapag di naman ikaw ang na sa situwasyon, pero ganon naman talaga ang buhay, di ba? Mas nakakapagbigay tayo ng matinong advice at tulong sa ibang tao kaysa sa sarili natin? Ayon. Sana may napulot ka.
Pero seryoso. Huwag ka na masyadong magpaka-emo diyan. 'Yung mukha mo baka parang mukha na ng intsik na luging-lugi. Magbasa ka na lang para makalimutan mo, magiging productive ka pa. Distract yourself. Tapos bago ka matulog, think happy thoughts para 'di ka nananaginip ng kung anu-ano. Okay? HAHAHAHA.
XXXX
- Candice
0 notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
Usapang Bucketlist
Sanaysay
Last year lang ako nag-start gumawa ng bucketlist. Na-inspire ako sa mga bloggers gaya nila Lois at Can kung saan may na-a-achieve silang kakaiba o kaya naman simple lang pero meaningful kahit na simpleng mag-aaral lang din sila.
So gumawa ako. Gumawa ako at nakalimutang balikan.
Dumaan pa ang isang taon (paloob nito ang mga internships, thesis, major exams sa college, board exam, at heart brokenness) para lang bumalik sa pagbo-blog at masilip muli ang ginawa kong bucketlist.
Mararami na rin pala akong nagawa. Katulad nito ang mapasama sa honor’s list ng paaralan, maka-graduate at makuha ng Bachelor’s degree sa Psychology, at saka makapasa ng board exam at makakuha ng lisensiya rito.
Pero marami pa rin akong hindi nagagawa. Actually feeling ko nga ang iba rito ay hindi ko na magagawa (see “have a selfie with Harry Styles” at “matutuo ng isang musical instrument at sumali sa mga gig”). Ang sabi ko na lang, siguro kapag nagkatrabaho na ako mas magagawa ko ang mga ilan rito.
Totoo naman, ‘di ba? May trabaho means may pera ka, which means mas may kakayahan kang bumli ng iba’t ibang bagay gaya ng musical instrument, which means mas malaki ang tsansang matapos ang bucketlist.
Ang problema, hindi ko alam kung saan ako magta-trabaho. Moreover: hindi ko actually alam kung saan ako mag-a-apply kasi hindi ko alam kung ano ba talaga gusto sa buhay.
Gusto ko mag-master ng Clinical Psychology sa UST. Gusto ko ring mag-master ng Creative Writing. Gusto ko mag-work sa kumpanya. Gusto ko ring maging aktibong manunulat. Gusto ko ring matulog!
For short: I am distracted. I am lost. I have no purpose in life. Sa Existential Psychology, ang tawag namin dito ay Existential Vacuum. Ito ang dahilan kung bakit tayo nakararamdam ng emptiness sa ating sarili.
At dito pumasok muli sa istorya si bucketlist. Nasa The Feast ako by that time nang may sinabi si Bro. Bo tungkol sa paghanap ng purpose at kung paano ito nakatutulong sa wellness at longevity ng buhay ng tao. Pumasok sa isip ko si bucketlist. Sabi ko sa isip ko, hindi lang pala palamuti ito sa blog; gabay din pala ito sa buhay.
Binisita ko ang aking bucketlist at inayon ito sa kung ano talaga ang gusto kong gawin. Tinanggal ko rin ang mga keme gaya ng “pagtalon sa tuktok ng waterfall, mag-somersault sa era, at mag-dive sa babang tubig nito” dahil pa-cool lang naman ang habol ko rito. (Pero sorry, natira pa rin dito ang “have a selfie with Harry Styles”.) Ang sabi ko pa, gusto ko talaga maging manunulat kaya ipu-push ko talaga ang pagsulat ng mga at dadagdagan ko pa ito ng pag-aral ng master sa Creative Writing. Isinaman ko rin dito ang ikutin mabuti ang Saipan (isla, malapit sa Hawaii, sakop ng US) dahil dito ako ginawa ng nanay at tatay ko. Feeling ko narito ang ilang clue para makilala ko kung sino ba talaga ang aking magaling na ama.
Tapos dahil wala pa akong pera, maghahanap muna ako ng trabaho. Mag-a-apply ako sa kumpanya tutal mukhang mabilis ang pera roon. At saka kailangan talaga ng pamilya ko ngayon ang pera, so go lang nang go rito.
Edi masaya na ako. Solve na ang existential vacuum ko for this developmental stage. Kaso napansin ko na bumalik ang isa sa una kong problema: masyado pa rin silang marami para matapos ang bucketlist. Halimbawa nito ang matutong mag-bike at pagbisita sa lahat ng probinsiya.
Kaya ko ba? Naalala ko ang sabi ng kaibigan ko rati. Nangarap siyang pumuntang Batanes ngunit natupad lang ito matapos ang 10 taon! So ano, mga 100 years old pa ako para matapos ang mga ito?
Buti na lang sumagip nanaman sa problema ko si Bro. Bo. (Hi Bro. Bo Sanchez, kung mamabasa mo ito, laking pasasalamat ko sa iyo. Tara, mag-coffee naman tayo one time.) Ito ang sabi niya:
“If you’re not going to design your future, someone else will.”
Nginuya ko ito ng maigi. Oo nga ‘no. Binuksan ko ang aking planner at binasa ang mga to-do lists ko sa bawat lingo ng ngayong taon. 9 over 10 yata rito ay mga to-do para sa mga assignments, project sa school publication, at mga babayarin. Ngek. Hindi ko alam na nagiging alipin ako kahit hindi batid  ng mga deadline na hindi naman laging kumokompleto sa aking purpose. Isa akong plastic bag sa gitna ng EDSA na patuloy hinahanging kung saan-saan.
Kaya naman kinabukasan, binuksan ko ang aking planner at nilagay isa-isa ang mga ilang laman ng aking bucketlist. Bukas ay pag-aaralan ko ng magluto, ­ika ko. At ginawa ko. Nag-volunteer ako kay lola (at saka tinatamad na rin siya magluto) na ako na ang maghahanda para sa hapunan. Kinagabihan din iyon ay nakagawa rin ako ng Adobong Manok (na medyo sunog, sorry naman). Wow, madali lang  naman pala.
Dinagdagan ko pa:
Bukas, Sabado – practice calligraphy. Linggo – publish another blog article. Lunes – mag-apply ng SSS, Pag-Ibig, at PhilHealth account (bakit ko pa iintayin na utusan ako ng kumpanya gumawa). Miyerkules – maghanap ng magtuturo sa akin mag-bike. Miyerkules – i-follow up sa ninang ko ang pangako niyang gitara sa akin; tawagan ang pinsan ko na turuan ako maggitara kapalit ng pagtulong ko sa mga baby thesis niya. Huwebes – kausapin ang NGO head naming at sabihin na lalakarin ko ang “MAD Ilocos”, first step sa paglibot ng bawat probinsiya sa Pilipinas.
Hindi ko na iintayin na magkaroon  pa ng mahabang holiday, na majakpatan ang taya ko sa lotto, o kaya dalhin ng tadhana si Harry Styles sa mismong harap ko para matapos ang bucketlist na ito. Nag-iintay lang ako noon pero anong nangyari sa passive waiting ko? Wala. Nga-nga. Kain bubog. Kung gusto magampanan ang purpose at kaligayahan sa buhay, dapat ko nang itigil ang pag-nga-nga at simulang gumalaw-galaw at gumawa ng paraan para rito.
O siya, hanggang dito na lamang. Mag-a-apply pa ako ng passport, first step sa pagpunta sa Saipan.
0 notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
synaptic cleft. n. we may be clingy but we’re not directly connected at all.
3 notes · View notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
Ang first step bago mag-asawa
sanaysay
 Kilala sa barkada ko noong kolehiyo ako ang admin director ng paaralan namin. Paano ba naman kasi, bukod na sa gwapong mala-Richard Yap ang dating mabait na e marunong din siyang manghula! Hindi ko alam kung legit na palm reader talaga siya pero since nangyayari na twice ang mga sinabi niya sa kaibigan ko, nagpahula na rin ako. Katuwaan lang naman.
Kinuha niya ang palad ko at binuklat na parang libro. Tapos binasa niya ang mga linya nito na parang mapa.
Ito ang sabi niya: “Nako Tim, hindi ka makakapag-asawa.”
Huwat?!
Natawa na lang ako sa sinabi niya. May part sa sarili ko na nagsasabi na huwag paniwalaan ito. Ayan, kasi, nagpahula ka pa. ‘Yung isang half naman sinasabi na may dalawang meaning iyon: either (1) hindi talaga ako makakapag-asawa dahil tatanda akong binata o (2) may magiging partner ako pero since bawal ang same-sex marriage sa bansa, hindi rin sa simbahan ang tuloy. Live in, kung baga (walang tax deduction, kung baga).
Sa mga oras na iyon, mas pinaniwalaan ko ang number one. Siguro dala na rin ng nakaraan kong relasyon. Siguro dahil na rin sa pangit na pagtingin ko sa aking sarili.
Aaminin ko, I did not love myself. Kung tatanungin ako ni Tito Boy kung lights on o lights off ba, ang isasagot ko agad ay off kasi nahihiya ako sa balat ko at baka ma-turn off pa si partner. At saka hindi ako gwapo. Wala akong pandesal sa tiyan. At higit sa lahat, ang taas ng neuroticsm level ko sa Big 5 (mabilis ma-stressed). Sino pa ang magkagugusto sa akin?
Marami na ring pumasok na what ifs sa isip ko. What if pinanganak akong girl? Siguro mabilis ako makakapag-adjust tuwing may magugustuhan akong tao. Hindi ko na kailangan alamin kung open minded ba sa LGBT ang tao sa paligid pati na rin ang crush ko. Ang saya siguro nito, wala ng yuck at ew comments na maririnig. Wala na ring magbabato sa’yo ng Leviticus 20:13. Ugh.
Or what if pilitin ko na lang kaya magpakalalaki? Kaya ko ba? Posible ba? Mas swabe kapag ganoon ang nangyari, lalong-lalo na sa pamilya ko. Pero sapat pa ba ang Tiny Timy ko para masabi na “tunay na lalaki” ako o kailangan ko pa magpunta sa gym, magsoot sobrang ikling shorts (ang tawag ko rito ay betbet shorts, katumbas ng pekpek shorts ba), tapos mag-post ng topless pictures sa IG. 
Or...
Or what if…
After mamatay ni Mommy, after kong i-digest ang makakapal na mga libro for board exam, after kong matutunan na mag-isa na lang ako sa mundo at ang mga tita ko ay hindi kaya ibigay ang pagmamahal na katulad ng kay Mommy, naramdaman kong tumanda ako kahit papano. Hindi pagtanda dala ng oras kung ‘di pagtanda dala ng problemang financial, independency, at pati na rin sa existential. At ilan ito sa mga natutuna ko.
Una ay mula sa mga psychologists from my Theories of Personality books. Ang dami-rami nila. Most of them were from the era kung saan hindi pa sikat ang stats kaya more on philosophical ang pagtuturo nila. At isa ‘to sa mga nagustuhan ko:
“Young adulthood is marked by the psychosocial crisis of intimacy versus isolation. Intimacy is the ability to fuse one’s identity with that of another person without fear of losing it.”  - Feist and Feist on describing the Intimacy vs. Isolation Stage of Erik Erikson
Ang tunay na love (para sa significant other) ay mararanasan lang kapag buo na tayo. I guess we live in a generation kung saan mas maganda ang pagkaroon ng kasintahan. Naging biktima ako nito. Kahit nang high school pa, kaliwa’t kanan na sa mga kaibigan ko ang nagkakaroon ng boyfriend at girlfriend. It is the trend. It is the bandwagon. Akala ko naroon ang tunay na kasiyahan. Oo, masharap naman talaga. Masharap ang feeling na hindi ako nag-iisa at may lugar ako liban sa mga pamilya at kaibigan ko. Masharap ang feeling na para akong prinsesa living in my fairytale. Masharap ang kurba ng katawan ng boyfriend, pati na ang init at lagkit mula rito.
It is the trend. It is the culture. Unconsciously, na-pressured ako sa paghanap. Akala ko doon makikita ang bubuo sa akin, ‘yung missing piece ba. Alam kong part ito ng development ng mga kabataan, ang paghanap ng identity mula sa iba at ang pangunahan ng bugso ng damdamin, pero sana nagkaroon ako ng kontrol.
Sana binigay ko ang puso ko noong kumpleto na ako. Masyado kong isinama si Timothy sa relasyon namin at noong nasira na ito, kasama siya sa pagkawala nito. At tapos nito, pinilit kong hanapin si Timothy at si “missing piece” sa iba naman. Sabi ko, try and try lang. Pero sa huli, para lang akong kumain nang kumain ng candy na walang laman ang gitna.
Ngayon ko lang naintindihan na dapat binoo ko muna si Timothy bago ko siya isinama sa iba. At dapat hindi sobra-sobra ang pag-fused ko. “In a healthy marriage, the partners appreciate the value of separateness.” Hindi dapat laging clingy. Importante ang space para hindi malamon ang identity mo ng identity ni partner.
And then here come’s God. Dito pumasok ang highlight ng love. Isa siguro sa mga naging parte ng buhay ko after mag-sink in sa akin ang burden of freedom (Psych term, see also: malaya ka nga pero wala ka namang magulang at pera) ay ang pagsimba. Naranasan ko ng mag-church hopping, ‘yung paiba-iba ng pinupuntahang simbahan dahil hindi mo feel ang simbahal noon. Siguro part din ito ng paghanap sa bubuo sa akin. Natuwa naman ako na hindi naging mahirap ito.
Lumaki ang network ko na may kinalaman sa mga simbahan, kadalasan pa nga, kung hindi Pokemon at Marcos apologists at War on Drugs pulitika ang laman ng newsfeed ko sa Fb ay mga Christian at Spiritual quotes naman. Ito ang isa mga nagustuhan ko.
“The first step to be a Christian is not to pray, love, nor praise but to be loved... by God” - Bro. Bo
Ganoon lang? Tanong ko sa sarili ko.
Oo, ganoon lang, sumagot naman ito. Ganoon lang kasimple.
Kahit na hindi natin gusto ang balat natin? Sagot ko. Kahit na hindi ko natin na-meet ang “tunay na lalaki” standard? Kahit na neurotic tayo ako at minsan nagdadala ng stress sa ibang tao?
Oo, sagot ng sarili ko. Parang baliw lang ‘no?
When I first realize how God wonderfully sees me, napailing ako sabay iyak ng halos 12 minutes. Weh? ‘Di nga? May tatanggap pa sa akin? Paano naman e sarili ko nga hindi ko kayang mahalin?
But the rest follows. He is the source of love in this world. Kaya kaya nating magmahal kasi minahal Niya muna tayo. Hinayaan ko Siyang mahalin ako. Hinayaan ko Siya bigyan ako ng mga bagay na hindi ko unang kayang tanggapin kasi akala ko hindi ko deserve iyon.
Soon, I passed the board exam. Napa-wow ako sa sarili ko. Pero ang mas nagpamangha sa akin is how I automatically apply the psychological concepts I learned sa review into many things around me.
Tinawag ni girlfriend si boyfriend ng daddy--aba, aba, oedipus complex concept ‘yan. Nagkaroon ng brainstorming ang grupo namin for creative ideas--hep, hep, hep, hindi effective ‘yan. Feeling ko hindi ako magaling kasi hindi ako nag-top sa board exam--STOP, dichotomous thinking ‘yan and it may lead to depression.
Wow, ang galing naman yata ng brain ko. Tapos noong nabasa ko ang mga mensahe ng mga kaibigan ko sa Facebook tungkol sa pagkapasa ko sa board, wow, they appreciate me pala kahit hindi ako nag-top. Tapos ngayong tuwing humaharap na ako sa salamin, wow ulit. Ang nakikita ko ngayon dito ay hindi na lalaking pangit at loser kung hindi isang taong unti-unting nagbabago.
Wow. Katanggap-tanggap pala si Timothy. Wow. Katanggap-tanggap pa pala ako.
What if mahalin ko na lang ang sarili ko?
Nagkamali ako sa pagkumpara ng sarili ko sa iba. Ginamit ko silang measuring stick para malaman kung katanggap-tanggap ako.
Sabi ko sa sarili ko, Bubuuin ko muna si Timothy at mamahalin. Ito muna ang personal project ko.
‘Ge, sagot naman nito.
At sayang naman kung hindi ko ito maipapasa sa magiging anak ko ang mga wows ko, ‘di ba? Bahala na si Batman at ang hula sa akin, basta ang alam ko ngayon, gusto kong magkaasawa at magkaanak.
Gusto ko tatlo ang magiging anak ko. Only child lang kasi ako at alam ko ang hirap kapag namatay ang magulang at walang kapatid na magsusuportahan.
Ang ipapangalan ko sa panganay ko ay Leaderson. Sabi kasi ng iba may epekto raw ang meaning ng pangalan sa magiging personality nila paglaki. Sabi lang naman, walang empirical basis, pero patulan na rin. O kaya kung creativity naman ang usapan, gusto ko ang pangalan na February at Heart Asia.
Tapos marami akong ituturo sa kanila, gaya ng mga Greek mythology at Bible stories. Halimbawa nito at ang mga tragic na kwento katulad ng kung paano namatay si Icarus o kaya kung paano namatay si Samson—‘de biro lang.
Tuturuan ko rin sila ng mga Psychological concepts. Ituturo ko sa kanila ang striving for success: na dapat, kapag mangangarap, hindi dapat ito sa sarili o pamilya lamang kung hindi para sa kapwa, para sa society.  hindi ko sila paparamdamin ng conditions of worth. Hindi ko sila pipilitin kumuha ng college degree dahil lang sa posibleng pera rito. Hindi ko sila sasakalin upang maging cum laude. Hindi ko isasampal sa kanila kung kaano kaangat maging genius at maging topnotcher sa board exam.
Ipaparamdam ko rin sa kanila ang mga hiling ko na sana nangyayari rin sa pamilya ko. Ipaparamdam ko na hindi magiging mainitin ang ulo ko kung wala kaming pera. Ituturo ko rin sa kanila na huwag magkanya-kanya syndrome sa loob ng bahay. Dapat sabay-sabay pa rin kaming kakain. At higit sa lahat, keso maging boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy sila, mamahalin ko pa rin sila.
At syempre, kasama ko rito ang partner ko. Sa magiging asawa ko, hintay muna ha? Yayakapin ko muna ang B-Values ko (eg, justice, goodness, truth) bago tayo magtalik. Dapat ikaw rin mayroon na rin nito kasi ang sabi ng klasikal na psychologist na si Abraham Maslow, B persons experience a mystic feeling when they engage in sex. Hahaha. Masharap siguro ‘yun. At saka sayang naman ang kama sutra talent ko kung ‘di natin gagamitin. 
Siguro maaga pa nga para pagplanuhan ang mga ito. Marami pa akong pagdadaanan. Marami ring gabi kung saan inaataki pa rin ako ng mga self-hate thoughts. Minsan nananalo ako, minsan sila naman (at isa rin itong patunay na mental health does matter). Pero patuloy pa rin ako sa paglaban, lalong-lalo na dahil nasimulan ko na ang first step bago mag-asawa: ang mahalin ang sarili.
2 notes · View notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
infatuation, vb. sometimes we’re just in love in the idea of being in love.
1 note · View note
iamtryingtoblog · 8 years
Text
18
an essay by lssmnth
Back then, I thought turning 18 would change everything. Back then, I thought changes after turning 18 would be so distinct and drastic. But also, back then, when my dad imposed the deal on no-boyfriends-until-18, I thought turning 18 meant freedom.
I was wrong. In many cases, I thought wrong.
Being 18, I'm still that person with the lazy everyday routines and huge procrastination tendencies. I'm still the person with the same 16-year-old habits, listening to pseudo-updated playlists. I'm still the same person, fascinated with magic pencils and dress-up games. I still love fireworks and shasta daisies. I'm still pretty much a mess. And most of all, I'm still bound to rules.
My parents aren't so strict but I never dared try to test their patience. I've always been the good daughter, following all sets of rules. When I break one, I feel all the guilt burning up inside me, and I honestly don't like that feeling. So as much as possible, I avoid breaking them.
Then someone came along, and I kind of learned how to break them without feeling intense guilt. Get this: he didn't teach me how, I just did myself. Maybe it was because of him. Or maybe it was me. Maybe I wanted to get away from myself. But that was only until we got caught.
I started going back to the old me. The good girl. The good daughter. And that's when I realized that being good wasn't that hard. Staying good was harder.
Tonight, I saw an old classmate of mine on Facebook, with her son. I told my parents about it, for they knew who the girl was. Then my dad started on, "Don't be like that, okay?" And I said, "No, of course. I don't want that." Which is true.
Then he went on. "Don't have a boyfriend yet, okay?" And I didn't answer. As much as all of us in this house knows, I'm now free of the no-boyfriends-until-18 deal. I'm 18 now. I'm supposedly allowed to have a boyfriend. The thing is, I honestly don't want to have one yet.
My dad's concern should have prompted me to tell him, "I don't want to have one yet, anyway." But it didn't.
It might have seemed like I avoided the question because 1) I already have a boyfriend; 2) I want to have a boyfriend; or 3) I'm secretly dating someone. None of those are true. But despite the fact that I knew those were the things that could've ran through their minds, I still kept my mouth shut.
I said, "No. I have none." And my mom said, "She said no. That's good, right? That's good." And then my dad said, "She had lied to us once. She could lie again." And that hit me, hard.
It struck me that it's not yet over. My struggle against changing what I did, becoming that little good girl again, and regaining the trust I once failed, it's not yet over. It's what other people exactly say, nothing changes the past for the past cannot be changed.
I don't want to have a boyfriend yet, and I don't think I would stop repaying goodness and respect to my parents for that lie yet. I only kept my mouth shut, because I don't like it that they are pushing me to maintain the deal, even when it's already supposed to be over. What purpose did that deal serve then?
I'm 18. Still the quirky introvert, whose thoughts are still as messy as her everyday hair. Still hates veggies, cinnamon, and roller coasters. Still a random-headed gal. Still bound by rules. Still not encouraged to have a boyfriend.
But deals are deals.
I just hope we do it right.
4 notes · View notes
iamtryingtoblog · 8 years
Text
Buffet Delilande
maikling kuwento
Unli drinks. Unli ulam. Unli pizza. Unli lahat ng pagkaing maiisip mo. Kaya nga napa-mental photograph ako sa lahat ng aking mga nakikita, pambaon ba sa mga susunod na taggutom days sa bahay. These are all too good to be true.
Naisama ako ni Kuya Mac sa libre ni Tita Laine sa Four Seasons, isang bagong eat-all-you-can resto rito sa MOA. Napakaliwanag ng lugar. Napakalaki. Tuminigin ako sa bawat sulok nito at dito ko na-realize na para ‘tong palengke na ginawang resto.
At ang mga tao rito, gosh, mapa-customer man o waiter, ampopogi at ang gaganda. Bawal yata panget rito. Karamihan pa ay mga koreano. Nakaramdam ng insecurity ang balat ko (ang kikinis kaya nila) pero buti na lang e nakapag-BB cream at lipstick ako. Plus 10 points din ‘yun sa artificial self-confidence.
Kakatapos ko lang kumain ng mga iba’t ibang sushi, maki, at sashimi (hindi ko alam ang pinagkaiba nila, actually. Basta kuha lang ako nang kuha sa kanila) nang naisipan naman kumain ng main course. Nagtatalo ang isip ko sa nakikita kong tempura at naaamoy na fried chicken at patatim at fetus (’de joke lang). Tapos sa bandang dulo pa ng resto e may mabangong nagste-steak doon kung saan tatanungin ka ng cook kung rare, medium, o well done ba ang gusto mong luto. Ayon sa zoology class namin, piliin mo ang well done para sure kang wala ng worm ang meat.
Gulong-gulo naman ang isip ko sa mga pagpipilian. Nagwawala ang tiyan ko. Stimulus overload. Anong uunahin ko? Anong tawag doon? Mukhang masarap iyon at iyon at iyon. Teka, teka, baka mabusog agad ako nito.
Tingin-tingin pa ko sa paligid nang may humarang sa view ko ng mga pagkain.
Tinignan ko siya. Napanga-nga ako.
Pucha ampogi niya. Busog na yata ako.
Ang sumunod na pumasok sa isip ko ay ang Train to Busan na napanood ko lang nitong Linggo. Kamukha niya ‘yung mga kababayan niyang K-Pop artists sa TV. He’s so tall and handsome as hell, ika nga ni Taylor Swift. Ang kinis at may-glow ang kanyang kutis. Parang lagig bagong paligo. Tapos ang ganda ng damit at sapatos. May tindig kung tumayo. Mayroon siyang aura kung saan kapag kasama mo siya feeling mo secured ka at tatawa na lang nang tatawa sa mga simpleng bagay.
Napatitig siya sa’kin ng sandali pero umalis para mamili ng makakain. Ako naman, naiisipan patulan ang shabu-shabu (’yung pagkain ah, hindi ‘yung ayaw ni Duterte, jusme) ng resto at kumuha ng mga sahog para sa soup na lulutuin ko.
Anong magandang dish? Sinulyapan ko si Oppa, ‘yung poging koreano, sa tabi at naisip na parang gusto ko ng mga balls. So kuha ako ng meatballs, fishballs, at iba-iba pang balls. Naghahanap sana ako ng pugo kaso wala akong nakita. Dumaan ako sa shelf na puno ng gulay at prutas. May mahahabang saging, carrot, at talong pero naisipan ko na lang kumuha ng noodles. Pinili ko ‘yung kulay green.
Pagbalik ko sa lamesa, tuloy pa rin sa pagkain ng mga kasama ko. Punong-puno ng tawanan at kabusugan ang kwarto namin. Sinong magsasabi na kulang ang pagkain sa Pilipinas? Hindi lang naibabahagi ng tama sa lahat.
Sila Can nagde-dessert na: puto bumbong, bibingka, crepe, pudding, pie. ‘Yung mga nakakatanda kong kasama nag-shabu-shabu rin. Nagdala ang waiter sa amin ng mga isang dosenang tray na puno ng mga maninipis na hiwa ng baboy, baka, at isda. Pili-pili sila ng mga sahog at nilalagay sa mainit na sabaw sa kaserola. (At ang high tec ah! ‘Yung kalan namin, electric at nakakabit na sa hapag kainan. Para siyang manipis na salamin na kontrolado ang pagkalat ng init sa lamesa)
Si Eca naman naisipan magluto ng Sinigang! Nagpatulong siya sa gwapo at batang waiter para sa mga sahog at pagbalik nito, aba, kumpletos rekados na. May fresh na fresh na hipon, malaking sili, mahahabang okra at sitaw, at malagong  pechay. Binuhos ni Eca ang mga ito sa kumukulong ready-made Sinigang soup at voila, marunong na siyang magluto. Puwede ng mag-asawa.
Maya-maya, nauhaw kami. Ubos na ‘yung honey dewed iced tea at cucumber juice. Tumayo ako para pumili naman ng ibang maiinom at nakita muli si Oppa. Nasa lamesa siya, kasama ang mga iba pang kaibigan, at tinatawag ang waiter. May sinasabi siya rito pero ang naririnig ko lang ay ang lub-dub ng puso ko.
Tapos, tapos, napatingin siya sa’kin!
OMG.
I felt a surge of courage na dumaloy sa mga ugat ko. Hype na hyper si Hypothalamus. Tinitigan ko pa siya lalo.
And...
Tumitig din siya lalo.
Tapos tinitigan ko pa rin.
Tapos ganoon pa rin siya!
OMG TALAGA. Mga 69 seconds yata nagtagal ang titigan namin. ‘Yung mga kalampag ng kutsara at tinidor sa paligid ay naging katunog ng Greedy na kanta ni Ariana Grande. May aircon naman pero bigla akong nainitan.
Pero all good things come to an end. Dumating si waiter at ako naman kumuha na ng mga drinks para sa’min ng mga kaibigan ko. Magso-soft drinks na lang sana ako pero nakita ko ‘yung unli milk tea so syempre ‘yun na ‘yung pinatulan ko.
Dalawang punong baso ang nasa kamay ko habang naglalakad ako pabalik. Dahan-dahan akong umiwas sa mga iba pang taong naglalakad kasi lahat sila distracted sa mga pagkain sa paligid. Mahirap na masagi. Tapos napadaan ako sa makitid na parte ng resto. At to level up the challenge, may lalaking nakasalubong akong may dala ring baso.
SI OPPA!
Nag-somersault ang puso ko. Aware na aware ako sa mga nangyayari. Aware ako sa kabog ng dibdib ko. Aware ako sa lalong panginginig ng mga kamay ko. Aware ako sa pag-ngiti niya sa akin. Kilala niya ba ‘ko? Napangiti rin ako at para kaming long-lost-friend na nagkita muli.
Nag-give way ako sa kaniya at nag-side step pa kaliwa, pero ganoon din ginawa niya--nag-give way siya sa direksyon ko at ang ending ay magkaharang pa rin kami sa kapwang daanan.
Side step ako kabilang direksyon.
Ganoon din siya.
So ayun, face-to-face pa rin kami. Feeling ko sasabog na ang dibdib ko. Natapos ko ba ang miktea? Ba’t para akong basa?
Nagkaroon pa kami ng isa pang side step dance bago siya umatras at tumawa. May sinabi siya sa aking na ‘di ko naintindihan sabay hawi ng braso sa dadaanan ko. Natawa rin ako nag-thank you sabay balik sa aming lamesa.
Grabe ang panginginig ng binti ko pag-upo. Nahampas-hampas ko si Can sa kilig pero hininto ko agad dahil may mga kasamahan kaming iba. Mahirap na, baka isipin nila na nabaliw na ‘ko sa kakatapos lang naming board exam.
Pinagpatuloy namin ‘yung pagkain. Si Eca nagbabalat na ng hipon habang ako kinakain na ang mga balls sa ginawa kong hotpot. Ang mga iba naman nakaupo na lang at pa-pica-pica na lang. Marami pa ring pagkain sa lamesa. Pang-isang linggo ng ulam sa bahay kung puwede lang i-take out.
Matapos nun, naisipan namin mag-dessert. Pumunta kami sa chocolate fountain na ang sarap languyan. Kung puwede lang basuhin ito sabay buhos sa bibig ko e ginawa ko na kaso bawal yata. Kumuha kami ng mga ice cream, at graham balls. Mula naman sa mahabang babasagin na ref kumuha ako ng strawberry tart at white forest cake. Nang puno na ang plato ko, umatras na ‘ko at may naaninag na tao sa likod ko. Matatamaan ko siya. Nag-ala gymnast ang sway ng katawan ko sa pag-iwas sa kaniya.
Tapos napansin kong nakaitim ito. Matangkad. Maputi. Gwapo.
SI OPPA ULIT!
Nang napansin niya ako, automatic na nagtawanan kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang tagal na naming magkakilala. Hinawi niya ang kamay niya para indirectly sabihin na ipagpatuloy ko lang ang pagpili ng mga pagkain. Nakita ko ang kurba ng malakas at banat niyang braso. Umiling at ngumiti ako para sabihin na okey na ako. May sinabi siya something in Korean I love you yata at siya naman ang kumuha ng cake. Napaisip ako: unli pandesal at ice candy rin kaya si Oppa?
Biglang may naisip ako para magpapapansin. Sumingit ako sa gilid niya para kunyari kukuha pa ako ng cake. Umusog siya ng konti at tabi na kaming pumipili. Ang nakuha ko ay cheese cake naman. Tinignan ko si Oppa at sabay kagat sa cake. Wow, heaven! Ang sarap, ang tamis, at ang lagkit. May naiwang cream sa daliri ko at sabay dila rito. Mmm, finger lickin’ good.
Pagbalik muli sa lamesa, halos kwentuhan na lang ang ginawa naming magkakaibigan. Nag-picture-picture tapos may patayo-tayo rin para kumuha ng kape, tsaa, at mga bagog pagkain.
Sumilip ako sa paligid. Konti na lang ang mga tao sa resto. Naroon pa si Oppa at mga kasama niya. Can this be love? Crush ko siya. Crush niya  rin kaya ako? Wow, ang ganda ko ah. Teka, ano ba ‘tong naiisip ko? For sure mabait lang ‘yun. Patulan ko ba at i-push sa next level?
Dalawang taon na rin akong walang intimate commitment sa iba. Ayon kay lolo Erikson at Sullivan (mga klasikal at sikat na psychologists), nasa edad na ako para maghanap ng pangmatagalan. Tutal naman, tapos na ang board exam namin, nakapasa na ‘ko, baka ibig sabihin na rin nito ay puwede ng mag-next chapter ang love life ko.
At ano naman ang gagawin ko? Mabait naman si Oppa, magpa-picture kaya ako? Napangiti ako sa ideya. Hingin ko na rin kaya ang Facebook account tutal naman ganito ang uso: magpapa-picture sa mga cute na nakilala sabay post sa Fb. Tapos konting chat para malaman kung compatbile ba talaga.
Maya-maya napansin ko na palabas na sila Oppa ng resto. Lumunok ako. Game? Game. Point of no return na ‘to.
Sinundan ko sila sa labas. Nakatayo lang sila at nag-uusap in Korean. Kahit walang subtitle pansin ko naman na nag-iisip sila kung paano makapupunta sa direksyon nila. Napansin ako ni Oppa. Mapula-pula na ang pisngi nito, siguro dahil sa soju na ininom nila. Ngumiti siya at tinaas ang mga kilay na parang nagtatanong kung bakit.
Kinapa ko ‘yung cellphone ko sa bulsa. Malakas ang pakiramdam ko na papayag siya sa pabor ko.
Hawak na ng daliri ko ang aking telepono nang may pumigil sa isip ko. Bakit ko nga ba gagawin ito? Gusto ko ba talaga siya? Dahan-dahan kong binalik ito sa aking bulsa at ngumiti na lang ng pasasalamat at paalam. Naintindihan ni Oppa ito at ganoon din ang ginawa. Tengene, ang pogi talaga niya. Medyo macho pa. Laglag na ang undies ko.
Tapos nun, naglakad na silang magkakabarkada papalayo. Ngumiti ulit ako, hindi para sa kaniya kung ‘di para naman sa nakakabusog na nangyari ngayong gabi.
At doon ko na-realize ang mga bagay na hindi kailangang habulin:
Recognition mula sa board exam result
Tunay na kaibigan
Pag-ibig
Malayo na sila Oppa at doon ko mas lalong nakita ang paligid. Marami pang-tao kahit gabing-gabi na. May mga batang langsangan na nakatingin sa bintana nito at pinagmamasdan ang mga pagkaing nakikita nila. Sa isang bintana, nakita ko ang mga kasamahan at kaibigan ko.
Tapos nun ay bumalik na ako sa loob. Hinihintay na nila ako.
3 notes · View notes