Tumgik
#inasame
jolee · 1 year
Text
Tumblr media
Average polycule behavior
242 notes · View notes
4townn · 6 months
Note
Sinubukan naman ni hidalgo.
Sinubukan n'ya lahat. sinubukan n'yang ayusin 'yung mga hindi pagkakaintindihan, kasi mahal ka niya, eh.
Pero wala. sa dulo, ganoon pa rin naman. nawasak din 'yung relasyon na inasam n'ya na bumunga.
Naubos s'ya. naubos ka din. naubos at napagod sa kaka-ayos at kakapilit na magkaintindihan.
Kayo naman talaga ang para sa isa't-isa, siguro hindi lang talaga tama ang panahon. siguro kailangan niyo pang mag-hintay nang konting panahon pa.
EYYY MERRY CHRISTMAS 😘😘😘😘💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗 I LOVEU/p
tuwing december po ako laging nasasaktan
nawala ka tapos babalik ng ganyan. >:( JSSJSHSH EME
happy happy lng po tau d2,,,
3 notes · View notes
halyaviewx · 11 months
Text
B:LOG 5 [Bakit Masakit Marinig Ang Mga Salitang Hindi Mo Inaasahan Pero Matagal Mo Nang Inaasam Marinig?]
Katulad ng mga salitang 'mahal kita' na masarap marinig sa tamang tao at sa tamang oras, ay madalas ding masakit sa mga panahong hindi mo inaasahan- sa mga oras na kailangan nang lumisan, kung kailan huli na, tsaka mo lang mararamdaman.
Ngunit bakit ngayon pa?
Kung kailan akala ko'y damdamin ay malaya?
Kung kailan tanggap mo na, kung kailan hindi mo na iniisip, bakit bigla mo na lang maririnig sa taong sa buhay mo'y iyo nang winaglit?
Minsan mo nang inasam, minsan mo nang hiniling, pero nung ika'y nawalan na ng pag-asa, bigla naman itong dumating. Akala ko, naghilom na ako, sa tagal ng panahon, ay hindi pa pala.
Akala ko nagsara na ang mahapding ginuhit ng mga masasakit na salita noon, akala ko sa katagala'y hihilom din ang damdamin kong pinilit kong itinabi na sa kailaliman ng karagatan… iyon pala'y… sa sobrang alat ng tubig namanhid lamang ang mga ito at umiglip.
Hindi ko inaasahang ito'y lulutang muli at mararamdaman ang sakit na parang kahapon lamang, na pilit ko nanamang iisipin hanggang sa luha ko'y manuyo na at maging kawangis na ng kulay ng aking mga balat.
Hiniling kong marinig ang mga salitang patawad, pero minsan pala ay higit na mas masakit marinig ang mga kataga, kasi kailangan kong bumuhos ng luha at magmakaawa para lamang makamit ang hindi noon masambit ng mga taong gusto kong maringgan ng mga salita.
Kailangan ko nanaman maalala kung bakit ko iyon hiniling at kung bakit hindi ko na matatanggap ang mga salitang sana'y noon ko pa narinig, dahil sa haba ng panahon na iyon lamang ang aking inisip, natanggap ko ng wala nang pagkakataon pa para sila'y mapagbigyan muli.
3 notes · View notes
chumchurrii-tales · 1 month
Text
grabeng mukbang scene 'to, halatang 15 years inasam ni sunjae kaya ganun nalang ang gigil niya sa pagkiss kay imsol aaaaaahhh ꒰⁠⑅⁠ᵕ⁠༚⁠ᵕ⁠꒱⁠˖⁠♡
0 notes
writerinna · 4 months
Text
Tumblr media
Naging malapit ang loob ko sa ’yo sa sasandaling nakasama kita. Inakala kong ikaw na ang tamang tao. Inasam ko. Ipinakiusap ko. Ipinagsumamo. Dangan nga lang, hindi mo maipipilit ang hindi talaga nakatakdang mapasaiyo.
Mahirap sa loob ko ang makita kang lumisan. Para akong nauupos na kandila sa pangungulila; parang bateryang nawalan ng karga at ayaw nang kumilos pa; parang halamang nalalanta at di na sisibol muli. Hindi mo alam ang ganitong impact ng iyong pag-iral sa aking mundo. At sa ikalawang pagkakataon, pagdaranasan kong muli ngayon.
Malinaw na sa ’kin na hindi ikaw ang inilaan ng Maylikha upang aking makasama, makasangga, maging kapareha sa buhay na ito. Marahil may iba pa. Marahil wala. Siya lang ang may alam.
Wala na ’kong gagawin kundi tanggapin ang malungkot na katotohanan. Indahin itong makirot na pintig ng aking puso. Unawain ang panghihinang nararamdaman ng aking katawan. Katulad nang lagi, makakasanayan ko rin ang lumbay.
Ang tanging hiling ko lang, na sa kabila ng lahat ng ito, nawa'y makaramdam pa rin ako ng ligaya at paghanga sa ibang lalaki katulad ng naramdaman ko nang piliin ka ng puso ko.
0 notes
wordsoul · 5 months
Text
bukang-liwayway
inasam ko ang mga araw na katulad nito. 
mga araw na masaya gumising sa malamig na simoy ng hangin at makakaidlip muli pagkatapos lamang nito. 
mga araw na hahabulin ang alas-diyes ng umaga para maabutan ang breakfast meal ng jollibee o mcdo—can never go wrong talaga. 
mga araw na bigla na lang maiisipang linisin ang bawat sulok ng kwarto na mauuwi sa pagbabalik tanaw sa mga anik-anik na nakikita habang nagliligpit. 
mga araw na hindi nakakatamad gumawa ng mga bagay para sa sarili—gaya ng pagligo at pag-aayos. 
mga araw na ayos lang maghintay nang matagal upang mapuno ng pasahero ang UV Express. at kung sswertehin pa nga, may makakatabi ka pang kakwentuhan na lola o cute na bata! 
mga araw na kumakain ng tanghalian habang naririnig ang laugh track ng noontime show na nanggagaling mula sa tv ni nanay. 
mga araw na masarap mag-siesta at magising na may linya-linya ang braso at mukha. 
mga araw na masarap mag-merienda ng fishball, kikiam, cheesesticks, at binatog na paborito ni tatay. 
mga araw na nakadungaw lang sa labas ng terrace nang walang iniisip. 
mga araw na maaabutan na ang dapit-hapon.  mga araw na ganito. kalmado at sigurado. mabagal pero masaya ang ganito. 
salamat sa mga araw na ito, maraming rason upang asahan ang bukang-liwayway. 
◡̈  ༘ *
1 note · View note
sleepychinitaprincess · 6 months
Text
20231223 life updates 🥰
💔❌
edi kayo na happy. huyyy change crush na baii. umay. i needed to see that daw sabi ni Lord. saket na man pala kahit happy crush lang. sakit sakit. yayay akong feelings. ouchy. corny lagi kay mo oy. sakit kaayo huhu. di na ako happy, sad na ang day ko. sino na lang icrush ko na same vibes ni fred nito. kinsa? kinsa? giahak oyyy pero legit nganong naproblema man sad ko nga wa may natabang si fred sa akong life? like forda kilig ra man siya. like academically? no he didn't help me at all tas why would i be upset over it nga kaya ra man nako mosucceed on my own? like gwapa man ko. madiskarte, sexy, palaban, dali ra makasabot, bright, nindot ug tingog. so why would i need a guy to validate these feelings? i can buy myself the stuff that i want through working hard on saving for it. i can take myself to eat on cafés on my own. like no guy involved. i can handle that.
I am Beautiful.
kfine, ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat is magmukha akong desperate and kawawa. I hate that feeling na ako yung kawawa. like no. I've been through that before, i don't want to go through it again. edi wow sayo fred.
Update (8:10AM):
samok ka fred grabe ka pafall sa akong damgo litse oy. si drei pa man to akong gisungog sungog niya baii nya out of nowhere nagholding hands daw mi kay gikuha niya ang chalk sa akong kamot grabe ka giatay. grabe pa jud kayng ngisi nako sakond damgo, limtan man kaha tung nasearch gabie ba umay. stop na lagi ko baii.
Update (5:35PM):
nice kay sa feeling makatulog ug taas taas na oras. its just the rest na inasam asam ko.
0 notes
senniju · 7 months
Text
Kapag inasam mo ang pagkapanalo, masasaktan ka at iinit ang ulo mo kapag natalo.
Try mong mag-expect na matalo. Swear it, matatawa ka lang nang 'di mo inaasahan.
0 notes
tipsyave · 8 months
Text
kailanman, naging handa ba talaga tayong harapin ang mga bagay na hindi natin inasam, o sadyang kinailangan lang natin na tanggapin ang pagdating ng mga ito?
kadalasan, hindi. kahit ilang buntong hininga pa ang ating pakawalan at ilang pagpapakalma sa sarili ang isagawa, nandiyan parati ang nadarama nating mahigpit na kapit sa ating mga paa na pumipigil at bumubulong na “huwag”. bihira mawala ang pagkakataong nakatindig tayo, ngunit animo’y pinagkaitan ng kakayahang gumalaw. gayon pa man, natatagpuan natin ang sariling umaabante nang may pagtanggap patungo sa walang katiyakan, habang umuurong palayo sa mga bagay na kagambalaan.
sapagkat hindi naman natin kailangan palaging maging handa humarap, sa halip ay mainam na matutunan natin kung paano tumalikod.
0 notes
thelittlepoetworld · 1 year
Text
#71 PANGUNGULILA KAY VINCI
(Requested By: Eden Marcial) (Dedicated To: HORI7ON_VINCI) Simula nang ikaw ay lumipad, Patungo sa bansa kung saan aabutin, Pangarap na matagal ng inasam-asam, At nawalan na nang balita sa iyo, Kami ay iyong iyong iniwang pansamantala. Dumaan pa sa amin ang mga araw, Ginawa na namin ang lahat, Upang hindi mangulila sa iyo, Subalit hindi na namin kinaya, At patuloy pa din kami nangungulila. Kaming taga-hanga mo ay andito lang, Naghihintay may masagap na balita, Dyan sa bansang tinitirahan mo ngayon, At tuloy pa din maghihintay sa iyo, Sa kabila ng aming pangungulila. Copyright 2021 © BALOCSIN
0 notes
upismediacenter · 2 years
Text
LITERARY: Timo Tikbalang
Tumblr media
Sa kaharian ng mga nilalang ay nakatira ang isang munting tikbalang na nagngangalang Timo. Ang kanyang ama, si Tenerio o "Terio" ang pinakamalaking tikbalang sa buong kaharian. Iniidolo siya ng mga nilalang dahil sa katakot-takot niyang itsura. Mapa-kapre, aswang, o kahit ano mang maisip na nilalang ay lubos siyang hinahangaan.
Ngunit sa kabila ng mga pagtingin sa kanya, si Terio ay isang napakahinhin na tikbalang. Hindi siya tulad ng iba dahil nais niyang hayaan lang mamuhay nang payapa ang mga tao imbis na manggulo sa kabilang mundo. Ito ay dahil matindi ang kanyang naging pagkahalina sa mga ito. Para sa kanya, kawili-wili ang pamumuhay nila. Tuwing umuuwi siya galing sa kabilang mundo, palagi siyang nagkukwento kay Timo tungkol sa kanila. At dahil sa mga kwentong ito, mas lalong inasam ni Timo ang araw na siya naman ang tatawid sa pinto papunta sa mundo ng sangkatauhan.
Kalaunan, kumalat ang balita tungkol sa tunay na ugali ng kanyang ama. Isang gabi, sinugod ng mga nilalang ang kanilang tahanan.
“Hindi ka tunay na nilalang, Terio!”
“Ba’t ka nagpapahalina sa makasalanan na sangkatauhan!?”
Noon pa man, matindi na ang galit ng mga nilalang tungo sa sangkatauhan. Kinakalbo nila ang mga gubat para makapagpatayo ng mga gusali. Ang kanilang mga pabrika ang sanhi ng mga nangingitim na dagat. Binubungkal ang mga lupain upang makapagmina ng mga mamahaling bato. Ito ang dahilan kung bakit sumama nang husto ang loob ng mga nilalang kay Terio.
“Mamatay ka na! Pati ‘yang anak mo!”
“Dapat mawala na ang buong angkan mo sa mukha ng mundong ‘to!”
“Kahihiyan kayo sa lahi ng mga nilalang!”
Nabalot ng sigaw at panunungayaw ng mga nilalang ang paligid ng bahay habang patuloy nila itong binabato at sinisira.
“Timo!? Timo!” Sigaw ng kanyang ama. Binuksan nito ang isang aparador sa may likurang bahagi ng kanilang tahanan. “‘Nak, pasok ka dito at huwag ka munang lalabas ha,” bilin ng kanyang ama.
“Saan ka po pupunta, Papa? Natatakot po ako.” Ika ni Timo.
Niyakap siya nang mahigpit ng kanyang ama at naramdaman niya ang luha nito na tumulo sa kanyang balikat.
“Papa? Bakit ka po umiiyak?” tanong ni Timo.
“Ah, wala ‘to ‘nak. Luhang natutuwa ‘to. Tuwang-tuwa lang sa’yo si papa,” tugon ng kanyang ama. “Magpakabait ka lagi ha.” Dagdag nito.
Hinalikan ni Terio ang noo ng kanyang anak at isinara ang pinto ng aparador. Pagkatapos ay lumabas na siya upang harapin ang mga nanugod sa kanila. Naririnig ni Timo na nakikipag-usap ang kanyang ama nang bilang nakarinig siya ng isang malakas na kalabog! Labis-labis ang pag-aalala ni Timo para sa ama.
“Papa?” ika nito.
Lumabas ng aparador si Timo at sumilip mula sa likod ng pintuan papunta sa likurang bahagi ng kanilang bahay. Noon niya nakita ang mga nilalang na nagdiriwang habang nakahandusay ang duguan na katawan ng kanyang ama sa paanan ng mga ito.
“Pap-!” Bago makasigaw si Timo, may tumakip bigla ng kanyang bibig at bigla siyang nawalan ng malay. Nagising na lamang siya sa isang kweba at sa gitna nito may isang aninong nagsisiga.
“Asan ako? Sino ka? Bakit ako nandito?” Tanong niya sa silweta. “Si papa nasaa-” bigla niyang naalala ang nakahandusay na katawan ng kanyang ama. “Si Papa! Kailangan niya ng tulong! Asan na siya!?” Sigaw ni Timo.
Sinubukan niyang bumangon pero bigla siyang nakaramdam ng sakit ng ulo na nagpatumba sa kanya pabalik.
“Medyo naparami ang bigay ko sa’yo na pampatulog. Magpahinga ka muna.” Ika ng silweta.
“Pero si papa…kailangan niya ng tul…ong…” At dahan-dahang nakatulog muli ang batang tikbalang.
Nang magising muli si Timo, nasa kweba pa rin siya. Hindi iyon panaginip. Ibig sabihin, si papa… isip-isip niya. Bigla siyang nakaramdam ng kalam ng sikmura. Sa lugar kung saan may tira-tirang abo mula sa pagsisiga, nakita niyang may isang malaking kaldero. Sa tabi noon may isang mangkok at kutsara, naghihintay na may gumamit sa kanila. Lumapit si Timo sa may kaldero at pagkabukas niya nito, sinalubong siya ng amoy ng nilagang kambing. Dali-dali niyang kinuha ang mangkok at pinuno ito ng nilaga. Matapos kumain, lumabas ng kweba si Timo upang hanapin ang kanyang ama.
“Saan ka pupunta?” Tanong ng isang pamilyar na boses. Hinanap niya kung saan nanggaling ang boses na ito at sa taas ng bungad ng kweba, nakita niya na naman ang anino.
“Sino po ba kayo? Hahanapin ko ang papa ko. Kailangan niya ang tulong ko.” Sagot ni Timo.
“Hindi pwede. Magpahinga ka sa loob. Delikado dito sa labas.” Tugon ng silweta.
“Ayaw. Hahanapin ko siya at hindi mo ako mapipigilan.” Ika ni Timo habang naglalakad palayo.
Pagkatalikod na pagkatalikod niya, biglang nanigas ang kanyang katawan. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nawalan ng kontrol si Timo sa kanyang mga braso't binti. Itinakbo siya ng mga ito papasok sa kweba na tila ba may ibang kumokontrol sa mga ito.
“Ano ‘to!? Anong nangyayari!?” Sigaw ni Timo na takot na takot sa nangyayari. Nang makarating muli siya sa loob ng kweba, bigla siyang tumigil sa pagtakbo–sanhi ng kanyang pagkatumba. Bumaba ang anino mula sa kanyang kinauupuan at lumapit patungo sa batang tikbalang.
“Anong nangyari sakin!? May kinalaman ka ba doon? Huwag mo akong sasaktan! Parang awa! Papa! Tulong!” Sigaw ni Timo nang biglang sumara ang kanyang bibig. “MMM! MMMM! MMM!”
“Sinabi ko, hindi ka pwedeng lumabas! Delikado! Saka manahimik ka, kasi ‘pag nahanap tayo dito, malalagot tayo pareho. Naintindihan mo?” sabi sa kanya ng misteryosong tagapagligtas.
Walang magawa ang batang tikbalang kundi ang sumunod kahit na tumutulo na ang kanyang luha sa takot.
“Huwag kang sisigaw ‘pag binuksan ko ulit bibig mo ha. Kundi, habang buhay ko ‘yang isasara.” Dagdag pa nito.
Muling tatango si Timo at bubuksan muli ng anino ang bibig niya.
“Sino ka po? Bakit mo po ako dinala rito?” Tanong ng tikbalang.
Tinanggal ng anino ang talukbong sa kanyang ulo at sa ilalim nito ay isang magandang babae na sa tingin ni Timo ay may kataadaan na dahil sa namumuti nitong buhok.
“Tawagin mo nalang akong Mikka at isa akong mangkukulam. Dinala kita rito upang itago ka mula sa mga naghahanap sayo.” Paliwanag niya.
“Sino po ang naghahanap sa akin? Ang mga nilalang na nanakit kay papa?”
“Oo, sila.”
“Asan na po ang papa ko? Mabuti naman po ba ang kalagayan niya?”
“Hin- Hindi ko alam kung asan siya.” Ika ni Mikka habang pilit niyang ikinubli ang pagngilid ng kanyang luha.
“Gusto ko po siyang hanapin. Tulungan niyo po ako.”
“Hindi pwede.”
“Bakit po? Kailangan na kailangan niya po ng tulong. Sige na po samahan niyo po akong maghanap sa kanya.”
“Hindi nga pwede.”
Patuloy niyang tinanggihan ang munting tikbalang sapagkat alam niya ang katotohanan, subalit hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ito. Sa pagmamakaawa ni Timo, unti-unting napupuno ng emosyon si Mikka at pahirap nang pahirap ang kanyang pagpupumigil dito hangga’t sa hindi na niya kinaya.
“Bakit nga po? Sige na po Aling Mik-”
“KASI WALA NA SIYA. WALA NA ANG PAPA MO. PATAY NA SIYA. HINDI NA SIYA BABALIK.” Sigaw ni Mikka.
Biglang nabuwal ang tikbalang -- napaluhod sa panghihina nang marinig ang sinapit ng ama. Tanging ingay ng kanyang pagtangis ang bumalot sa buong sa yungib.
“Shh, tahan na. Tahan na, sige na. Maririnig tayo sa lab-”
“WAAAAAAAAAAAAAAH! PAPA! WAAAAAAAAAAAAAAH!” Patuloy na iyak ni Timo.
Ninais ni Mikka na muling isara ang bibig ni Timo, subalit naisip niyang hindi ito nararapat sa sitwasyon. Sa halip, gumawa na lamang siya ng bolang hangin upang doon ipaloob ang umiiyak na tikbalang. Tahimik siyang naghintay at nagbantay hanggang sa tumahan at kumlama si Timo.
“Totoo po bang wala na ang papa ko? Hindi ko na siya makikita?” Ika ni Timo.
Pagtango at pagyakap na lamang ang isinagot ng mangkukulam.
“Kaano-ano mo po ang papa ko?” Tanong nito.
Huminga ng malalim si Mikka at umupo bago sagutin ang munting tikbalang. “2 siglo na ang nakalipas mula noong nagkakilala kami ni Terio doon sa kabilang mundo. Inakala niyang isa akong albularyo at dinala niya sa akin ang isang lalaking walang malay. Tumanggi akong tumulong sapagkat tulad ng karamihan ng mga nilalang, lubos ko ring kinamuhian ang mga tao sa kabilang mundo. Subalit, sa pagpupumilit ng iyong ama, kalaunan ay pumayag na rin akong gamutin ang lalaki.” ika nito. “Habang ginagamot ko siya, panay ang kwento ni Terio tungkol sa kanyang mga karanasan sa mundo ng sangkatauhan. Hilig niya raw ang mag-anyong tao para lang makisalamuha sa kanila at maranasan ang kanilang pamumuhay. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang lubos na kagalakan habang siya ay nagkukwento.” dagdag ni Mikka habang napapangiti sa paggugunita. “Mula noon, ako na ang naging personal na albularyo ng iyong ama kahit na ilang beses kong sinasabi sa kanya na mangkukulam ako sa puso at isipan. At sa bawat taong dinala niya sakin at nakakasalamuha ko, unti-unti ko na ring nakikita ang kagandahan ng sangkatauhan. Mas lumitaw ang kanilang mga emosyon, mortalidad, at pakikipagkapwa. Kundi dahil sa iyong ama, mas marami na siguro akong nasirang buhay dahil sa aking kasuklaman.” Paliwanag ni Mikka.
Matapos ang kwento, muling yumakap ang munting tikbalang sa mangkukulam. Hinimas ni Mikka ang ulo ni Timo at napangiti. “Paniguradong nakangiti ngayon ang iyong papa, tuwang-tuwa sa kanyang anak.” Ika ni Mikka.
Ilang minuto ang lumipas bago magsalita muli ang mangkukulam, “O siya, gabi na pala. Nagugutom ka na ba? Iinitin ko ang nilaga para sa ‘yo.” tanong nito.
Titingin si Timo sa kanya at tatango.
“O sige, hintay ka lang saglit ha at magsisiga pa ako ng apoy.”
Sinimulan ni Mikka ang pag-iinit ng nilaga at napatingin kay Timo na tahimik na gumuguhit ng mga hugis sa dingding ng kweba gamit ang isang malaking piraso ng adobe.
Pasensya ka na Terio ah. Isip ni Mikka habang nagsisiga. Pasensya ka na’t ngayon lang ako nagparamdam. Salamat sa ‘yo. Binago mo ang buhay ko at lumaking isang mabait na bata itong si Timo dahil sa ‘yo. Kaya pahinga ka na dyan ha. Ako na ang bahala sa ating anak.
1 note · View note
justrandommigs · 2 years
Text
Sa dulo ng simula at sa pagitan ng wala
Saan ba ako dapat magsimula? Saan ko nga ba sisimulan?
Sa kung paano kita unti-unting minahal;
o sa kung paano kita biglang dapat pakawalan?
Ewan ko. Nakakalito. Nakakapunit ng puso.
Simple. Maikli. Mahapdi.
Gusto kong simulan sa kung papaano unang tumama ang mga mata sayo.
Sa kung papaanong napako ang mga tingin sa mga malalambing na ngiti mo.
Lumabo ang paligid. Kumabog ang dibdib. Bumagal ang mundo.
Nagmistula akong lumang PC sa mataong shop... nagHANG na ata ako.
Pero hindi inintindi kung anong noo’y naramdaman.
Dahil hindi pwedeng intindihin dahil hindi pwedeng may maramdaman.
Alam ko naman. Oo. Alam na alam. Umpisa palang.
Pero ang puso ay nagmistulang walang preno na sasakyan... di ko napigilan.
Dumaan ang mga araw at nakaipon ng maraming kwentuhan
Unti unti. Dahan dahan at ang dalawang mundo’y nagkapalagayan
At ganon ganon na lang, hindi ko noon namalayan,
Na di ko na pala hawak ang puso ko... kundi nasayo ng mga kamay.
Inaamin ko at palaging aaminin ko na ako ang may kasalanan sa lahat ng ito
Dahil hinayaan kong mahulog ang puso sa taong alam kong pwedeng mahulog rin sa tulad ko
Pero hindi ko masabi kung sinubukan ko nga ba talagang pigilin na magkaganito,
Dahil alam kong pilit mang itanggi ng isip ay lihim kang inaasam nitong aking puso
At bakit ko itatangi na inasam na kita kahit noon pa man?
Kung yun yung totoo eh. Mahal kita. Mahal na mahal.
Ikaw lang ulit ang nakapagtibok ng puso ko ng ganito. Mabilis. Matagal.
Kaya alam kong “You are worth the risk” Dahil mahal kita. Oo. Mahal na mahal.
Ngunit nandito tayo ngayon sa harap ng pinto ng paalam
Isang lugar na ayokong puntahan perto walang ibang daan
Pinilit kong abutin ang iyong kamay ngunit wala ng akong nakapitan
Hindi ko alam kung lumawak nga ba ang ating pagitan... o sadyang palayo kang humakbang
Ayoko ng ipilit kung ano man ang nasa puso at isipan
Siguro nga’y dapat na akong makuntento sa masasayang oras na sa aki’y naibigay
Kung noon ay natutunan kitang mahalin ng unti-unti at dahan-dahan
Ngayon naman ay unti-unti at dahan-dahang kitang dapat malimutan
Ewan. Ewan ko. Magulo. Minsan Nakakalito. Madalas Nakakapunit ng puso.
Mahal kita. Alam ko. Pero kung may pag-asa pa ba yung “Tayo”. Ewan ko.
Masakit. Mahapdi. Oo. Kasi nga Mahal kita. Pero di pwede. Ang Labo.
Ngayon ang kaya ko nalang...
Mahalin ka. Palihim. Patago.
Tapos kapag kaya ko na...
Mawala. Maglaho.
***Mahal kita. Mahal na mahal. Ikaw mismo. Buong buo.***
1 note · View note
Text
gays i figured out whats wrong with me
2 notes · View notes
dayorama · 2 years
Text
Halalan 2022
Nakakaiyak yung result, Naiiyak ako sa mga post ng mga kapwa ko kakampink. Ang mahalaga lumaban tayo, tumindig tayo sa tama. Inasam natin ang mabuting governance na hinihingi natin kaso nadamay tayo sa kabobohan ng ibang botante. I’m still proud at hindi magsisisi na pinaglaban at sinuportahan si VP Leni Robrero. A job well done, kakampinks. Hindi tayo natalo, ang buong Pilipinas ang natalo.
4 notes · View notes
tagalog-dsmp-quotes · 2 years
Note
hello ! some corrections for the recent quote:
pinag-asahan - I think ninais or inasam would be better bc pinag-asahan translates more to hoped on in a positive way? ish
mabibitaw - bibitawan, the ma implies that it's accidental or unintended I think
sumabog - nagpasabog
di ko kitang iniwan - this is just hindi kita iniwan, also I think its inimbitahan?
tinaksil - I think this is pinagtaksilan or it could be nagtaksil ka sa akin
di kitang pinagtinaksilan - this is di kita pinagtaksilan I think
mas may halagang-halaga - I think this is a bit reduntant and confusing? mas mahalagang halaga could mean more important worth but I think just mas may halaga pa or mas mahalaga pa works better
also! for the hbomb and Fundy quote:
in the first line maybe you could add isang? like gagawa ako ng isang bangka just to emphasize that he's counting the boats
magsasakay - I think this is just sasakay
may mahuhulog - maybe add sating dalawa? and I think it's just mahulog, may mahulog sating dalawa, for the one of us part of the quote to mean that he's talking Abt the two of them instead of one of the cats or something
I might be wrong tho bc I'm not very well versed on the deep rules of Tagalog ^^
SORRY FOR LATE REPLY ANON
took all corrections into consideration, but we're keeping "pinagasahan" in regards to our understood interpretation of c!tommy's mental state when he said it
thank you very much, also brace for the next quotes <3
- mod beatrix
4 notes · View notes
miyanagateru · 3 years
Text
this inasame fic wherein guras gills are
sensitive
4 notes · View notes