Tumgik
Text
After 1 year of not blogging. Wow nakakamiss. :(
3 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Photo
Soccer player: Ito yung mga tao na kung maka-sipa ng upuan mo eh feeling Phil Younghusband. Magtatanong na nga lang, kailangan pang manipa? Ikaw kaya sipain ko! Edi sana di ka na lang nag exam! Sana sumali ka na lang sa Azkals! Tutal ginawa mo namang bola ang upuan ko, eksaherada ‘to.
Reklamador: Nakakainis yung mga ganito. Sila na nga lang yung magtatanong at mangongopya, sila pa yung galit. Tas pag sinabi mong wait lang kasi di ka pa tapos, sasabihan ka pang madamot o kaya maiinis. Eh ano pa at nag exam ako kung di mo din naman pala ako papatapusin! Tas pag mahaba pa sagot mo magagalit. Oh edi sige! Sa’yo na yung papel! Ikaw na magsagot! Talino mo eh.
Kapit bisig: Okay din pag ganito. Hati kayo sa mga sagot, palitan kumbaga. Minsan pa nga ikaw sasagot ng test I tas siya sa test II. Pag di mo alam bibigyan ka niya tas pag di niya alam bibigyan mo siya. Saya ng ganito pero pag nahuli, PATAY KA BHUY.
The source: Tatabi sa matalino tas kukuwa ng sagot, sabay papasa sa katabi, tas papasa nung katabi mo sa katabi niya. Hahaha! Madalas paunahan pang tumabi sa nag-aral. Malas mo na lang kung bobo yang nakatabi mo. HAHAHA.
Kodigo kid: Mga batang pa-simple!! Akala mo nag-aral pero yun pala hindi. Haha! Kodigo sa ilalim ng medyas, sa id, sa may panyo, sa cellphone, calculator o di kaya pagbabae tas may mahabang necktie, dun nilalagay. Hahaha! O kaya pag desperada na, sa kamay na lang, dibale ng pasmado naman noh? Mabilis mabura. HAHAHAHA. Pag di pasmado, laway na lang gamitin mo. Hahahahahaha.
Sadako: Mga babae na may mahahabang buhok o di kaya gamit yung bangs. Sa sobrang gusto makakakuha ng sagot pati buhok ginamit na. Hala teh, push mo yeeeeeen.
Unlimited: Ito pa yung isa sa mga nakakainis puta. Ang iingay pag humihingi ng sagot! Di kayang bumulong? Di kayang bumulong? Sarap lagyan ng stapler yung bunganga eh. Pag tayo nahuli pepektusan talaga kita! Pag nanghihingi ng sagot akala mo may ina-announce sa klase. Leche ‘to pweh.
Okay: Ito naman yung mga tao na kahit anong sagot ang ibigay mo, ‘okay’ lang sa kanila. Kahit di ka pa sigurado, okay pa din basta may sagot. Good luck! Bagsak tayo pareho. WAHAHA.
Magnanakaw: Ito yung mga nadaig pa ang magnanakaw kung makakuha ng papel mo. Habang di nakatingin ang teacher, aba sige, huhugutin ang papel mo kahit nagsusulat ka pa! Bastos lang? Pwede namang magsabi punyeta ka hindi yung kukunin mo na lang basta basta. Sayang handwriting ko ganda pa naman tas hinugot mo lang? Bastos!! HAHAHA.
Team petiks: Matutulog, dadaldal, tutunganga tas pag pasahan na ng papel, dun lang sila magsasagot, dun lang sila magtanong tas yung pagtatanungan nila ng sagot, sila pa yung ma-peperwsiyo kasi ba naman, ayaw munang ipa-pasa yung papel kasi kokopya pa. Eh kapal din naman ng mukha. Eh kung sana nagsagot ka muna kaysa ngumanga ka lang buong magdamag diba!
Chismoso/chismosa: Mga kukuha ng sagot pag may narinig silang nagbanggit. Kailangan pa bang i-explain? Syempre di na, katamad eh. HAHAHA.
The miracle maker: Kokopyahan ka na nga lang lahat lahat, nataasan ka pa! ASAN ANG HUSTISYA?!?!?! Ikaw nag-aral buong magdamag, ikaw na nga yung nagpakopya tas mas mataas pa siya? Ibang klase din haaaay.
Tumblr media
463 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Text
Guys sorry kung inactive. Nagiging busy na ako eh. Huhu. Pero babawi ako. 😘😘😘
1 note · View note
hersecretsanddesires · 10 years
Text
AY PAG DI BINASA YUNG LIBRO NG TFIOS, BAWAL MANUOD? KUNG MAKAPAG-SALITA KAYO AKALA NIYO KAYO LANG PWEDE MANUOD! MGA PISTI KAYO! YAYABANG NIYO ULOL NIYO. HAMPAS KO YUNG LIBRO SA MUKHA NIYO EH PISTI TALAGA KAYO.
79 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Note
Dami kong tawa sa blog mo! Hahaha. Ang sayaaaaa tumambay. Hiiiiiiiiiiiii!! :)
Thank you! Buti naman nag enjoy ka. :) He he. Helloooo! x
4 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Quote
Ang hirap kasi sa mga lalaki, ang bibilis magbago pag nakuha ka na. Yung tipong masyadong nagiging kampante kasi alam niya na kayo na. Sa una sweet, malambing, akala mo di makabasag ng plato pero pag naging kayo na, kung i-trato ka ay parang di girlfriend. Kung dati di ka natitiis, di ka niya kayang pagtaasan ng boses, lagi ka niyang hinahabol pag nag wawalkout ka, tetext o tatawagan ka pag di ka sumasagot, di ka niya kayang awayin pero nung tumagal na, lahat yan nagbago. Ang mga dati na di niya kayang gawin, nagagawa niya na ngayon. Bakit? Dahil ba nakuha mo na siya kaya ganyan? Dapat nga mas nag eeffort pa kayo. Alagaan niyo yan para di mawala sa piling niyo kasi kahit pag baliktarin niyo ang mundo, babae pa din yan. Minamahal at ni-rerespeto kaya wala kayong karapatan iparamdam na di siya mahalaga.
(via hersecretsanddesires)
43 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Note
huuuu haluuuu ate. ang galing niyo po magblog srsly. katats naman po na finollow niyo ako ahihi. :))))
Wala yun. Haha. Thank you. :)
0 notes
hersecretsanddesires · 10 years
Photo
Hindi mo naranasang gawing ruler and ID mo. Yung tipong inannounce na, sinulat na sa diary, pinost na sa fb group, chinat na sa lahat na magdala ng ruler, ay di ka pa din nagdala. Wala eh, may ID ka naman eh. Bravo!!
Hindi mo naramdaman ang tuwa nung may nakita kang kaklase o ka-block mo na na-late sa eskwela. Sino ba naman ang di matutuwa pag may kasabay kang ma-late? Aba ibang klase na yun. Masaya kaya pag may kasabay kang pinapagalitan. Hahaha! Aminin. ;)
Di mo pa naranasang magsinungaling sa magulang mo. Yung sasabihin mo na gagawa lang ng project o di kaya paper works pero ang totoo, lakwacha lang ang gagawin mo o di kaya, makikipag-inuman kasama ang tropa. Agree? Agree! At may mga oras pa na sasabihin mong may bayad sa ganito ganyan pero wala naman talaga tas minsan, ang bayad na 50 pesos, naging 100. Bumbay ang peg nako.
Hindi mo naranasang makaamoy ng ka-schoolmate/ka-klase/ka-block na may putok. Yung alingasaw na alingasaw na ang amoy, eh siya di pa din niya naamoy ang sarili niya. Nanununtok sa baho yung amoy!! Tambay na tambay sa ilong lang ya, di mo alam kung mamamatay ka na sa baho.
Hindi mo naranasang ma-special mention habang nakikipag-daldalan. Hala sige! Daldal dito, daldal diyan pero pag tinawag NGA NGA. May mga tao pang sobrang siga, bungangera, daldalita pero pag tinawag na walang masagot. HAHA. Madalas ipapabasa na lang nga ang nasa libro o board, ang sagot pa ‘Ms anong page?’ ‘San banda na?’ at ang matindi, sa sobrang walang kaalam-alam sa klase, ang sagot ay ‘Ms, di ko alam’ Ay aba!! Nakatungtong ka sa level na yun ng di marunong magbasa? Ibalik ng pre-school!!
Hindi mo naranasang tumae sa cr ng campus niyo. Madalas sasaktuhan pa pag walang tao, o di kaya pag di recess or lunch para safe. Dadayo pa ng ibang building maglabas ng sama ng loob tas sisiguradin muna na may bidet o tabo, sabon o tissue bago tumae. HAHA. Mahirap na noh, mamaya walang panghugas ng pwet. Yacky.
Hindi mo naransang manghiram o magpahiram. Ng papel, ballpen, lapis, eraser, liquid, stapler, puncher at kahit ang mga pangsarili na gamit tulad ng panyo, suklay, pabango at syempre di makakalimutan sa lahat ang POWDER. Tas mamaya may kakalabit sa’yo, akala mo kung ano sasabihin o tatanungin sabay ‘Uy, maputi ba? Baka may buo ha?’ At ang mas matindi pa, ang hiram, ay naging hingi! Balik balik din pag may time oyyy. Mahirap ang buhay, walang pambili! HAHA. Joke.
Hindi mo naranasang magsulat sa likod ng notebook o libro. Imbis na makinig ay sinusulat ang pangalan ni crush kung san san, with matching hearts pa yan syempre o di kaya may kilig pa na emoticon. Doodle diyan, doodle doon. Palakpakan! Nadaig mo na si Picasso.
Hindi mo naranasang magkaroon kaklase o ka-block na mahilig makipag-kumpitensya. Pag mas mataas ang grade niya, papakita niya ang papel niya. Pagyayabang pa niya. Tanong kung kani-kanino kung ano ang score niya mapagkalat lang na mataas ang nakuha niya. Tama ba? At pag mas mataas ang gradong nakuha mo, ahh lang ang sagot o di kaya’y maiinis pa sa’yo. HAHA. Ay may saltik lang?
At ang huli pero siguradong nagawa ng karamihan, ay ang pangdadaya sa exam. Tatabi sa matalino para kopyahan, malas mo lang kung ayaw pa niyang magpa-kopya o kaya, pag alphabetically ang arrangement ng upuan. Eh malas mo, pati katabi mo walang alam. HAHA. May iba pa nga ayaw magpa-kopya pero sila lakas magpa-kopya tas madalas pa magagalit tayo kasi ang damot sa sagot tas pagtapos ng exam, imbis na pag-usapan kung kamusta o gaano kahirap yung exam, pag-uusapan yung ayaw magpa-kopya, sasabihin na madamot, sama ng ugali. HAHAHA. Mga tao nga naman oh. Haha!
Tumblr media
375 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Text
Ughhh. This.
Kung pwede ko lang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko, kanina ko pa ginawa.
Nakakapagod na kasi eh. Pakiramdam ko ang hina hina ko na pati sarili ko kinaaawaan ko. Gusto ko ng itigil pero di ko kaya kasi sa bawat pagpigil ko ng mga luha ko sa pagbagsak, mas lalo akong nahihirapan at nasasaktan.
11 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Photo
Tumblr media
ATM. Good morning!!
15 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Photo
Lahat naman tayo nakaranas mag commute noh? Depende na lang kung pinanganak kang sobrang RK! Aminin natin, mahirap mag commute lalo na kung:
Yung katabi mo ang baho! Di mo alam kung san galing, pero kung makaalingasaw yung amoy akala mo sampung araw ng di naligo. Yung totoo? Ano pinangsasabon mo? Dove o basura?
May ayaw mag-abot ng bayad. Aminin natin, sarap ngudngudin ng mga taong ganito noh? Haha! Aba ayaw mag-abot ng bayad, ano ka hoy? Chiks ka ba? Kahit anong pakiusap mo ayaw abutin yung bayad, ang hinhin mo na magsalita at lahat lahat ayaw pa din. Aba aba, ganun ba kahirap mag-abot? Ikakahirap mo ba? O baka may putok ka kaya ayaw mo itaas yang kili-kili mo. HAHA.
Pagod mo, benepisyo niya. Alam niyo okay lang naman mag-abot ng bayad eh, pero yung tipong dalawa na nga lang tayo sa jeep, mag kusa ka namang mag-abot sa sarili mo hoooy. Ako nagkanda-hirap lumapit tas magpapa-abot ka pa sa akin ulit? Sikap sikap din pag may time.
Piso na lang, ay di pa binalik. Ilang beses mo ng sinabi na yung sukli mo wala pa, ay si manong ayaw pa ibigay. Yung tipong ang lapit lapit mo na sa destinasyon mo. Badtrip diba? Importante kaya yung piso lalo na pag nag cocommute, mamaya kulangin pa. HAHAHA. Moral of the  story? Magbayad ng sakto!! O kaya pag mag taxi ka, fixed price gusto ni manong eh ano pang silbi ng metro mo? Jusko sayang lang, bigay mo sa akin at ako ang mag taxi! Hahaha!
May mga pasahero na bastos. Yung tipong kahit ang ayos ayos na ng suot mo eh kung makatingin sa’yo akala mo nakahubad ka. Kung makatingin akala mo gusto ka ng i-kama. Daming bastos sa mundo! Sarap pagtatanggalan ng mata. Buti sana kung gwapo. De joke!! Haha.
Sobrang sugapa ng driver. Sampung minuto ng nakalipas, walang sumasakay, hala sige! Antay pa din si kuya. Kahit bawal mag-antay sa lugar na yun, push pa din. Geeee nga nga tayo lahat.
Mukha na kayong sardinas sa jeep. Yung sobrang sikip na, yung tipong wala na talaga mauupuan, eh nagtatawag pa din ng pasahero. Yung sinabing sampuan nag mukha ng bentehan yung jeep. Ge kuya! Sampu pa, kulang pa ng sampu! Lahat na ng tao dito mo isakay para naman makagawa tayo ng world record, ‘largest human sardines’ (ano daw? hahaha) Walong piso binayad ko hoy!! Nag mukha na lang tatlong piso jusko, buto na lang ng pwet ko ang nakaupo.
Kaskasero yung driver. Ang bilis magpatakbo ni kuya! Akala mo nakikipag-racing. hinahabol ka ba ng pulis? May atraso ka ba? Hinay hinay lang akala mo race car tas pag nag preno ka, yung mga nasa likod na nakaupo, sa harap na napunta.
Bingi si manong. Yung iba kasi ang lakas ng radyo. Nasan ka ba? Nasa club? Nakakainis kaya yung pag nag para ka sa destinasyon mo eh sobrang layo ng lagpas. Kuya, ayoko mag exercise please, ibaba mo naman ako sa pupuntahan ko talaga. Imbis na less hassle, paglalakarin mo pa ako ng malayo. Your broke my heart kuya, sakit. <//3 Ano ba kasalanan ko para palakarin mo ako malayo? Hahahaha!
Tumblr media
158 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Photo
Gloc 9: Ito yung mga guro na mabilis magturo. Kung magsalita akala mo nakikipag-kompitensya sa pabilisan magsalita. Edi sana di ka na lang nag turo! Naging rapper ka na lang sana! Tsk. Wala akong maintindihan puro jubschsbhcvjsbcvdsbvsv dskj. Haha.
The bow: Ito yung mga boring magturo. Lahat ng gagawin niya nakaka-antok. Yung tipong magsalita lang siya, tulog na halos lahat kasi parang naghehele siya ng bata sa boses niya. Halos lahat nakayuko, nga-nga. Madalas tulo pa laway ng iba. Aba ‘te pati sa school. Baboy lang? Baboy lang?
Juan tamad: Mga gurong sobrang tamad!! Lahat na lang pinagawa sa estudyante! Mag board work, magsulat sa board, reporting, group activity. Palaging nakaupo! Ano? Naka-glue pwet mo sa upuan at di ka makapag-turo? Edi sana kami na lang ang naging teacher di ka din naman pala magtuturo. Hahaha! Kami na lang jusko, nag enroll pa kami, sayang bayad!
Terror na, guard pa: Nakakatakot. Isang tingin lang tahimik ka na. Lahat ng gagawin mo titignan nadaig pa ang cctv ng school niyo at pag ikaw ay nahuli, PATAY KANG BATA KA.
Jimmy Neutron: Mga gurong matatalino. Kahit di minsan related sa topic, i-didiscuss pa din. Magaling sila pero yung totoo? Dinadaig mo ba si Einstein? Hinay hinay lang, di kaya ng brain ko. Chaarrrr.
Malibog: BASTA BASTOS YUN NA YUN. MAHILIG SA SUSO AT PUKE. MAHIYA KA NGA GURO KA PA NAMAN. YACKY.
Mala-mmk: Bago magsimula ang klase, mag dadrama muna. Kwento ng kwento hanggang maubos ang oras. Sasawayin lahat. Lahat ng kamalian na nagawa ng klase niyo susumbatin. Edi sana sumulat ka na lang kay ma’am Charo!! Pisti ‘to.
Pet lover: May favoritsm sa klase. Puro siya at siya na lang ang binabanggit. Eh pano pa kami? Audience lang? Edi sana kayo na lang ang nag lesson! Kayo lang naman ang nagkakaintindihan! Isa ka pang pisti.
Comedian: Yung teacher na mahilig magpatawa. Halos lahat ng jokes niya benta kaya halos lahat excited pag siya na ang magtuturo kasi di nakaka-antok at mas nakakaganang makinig.
Ne se’ye ne eng lehet: Magaling magturo, mabait, nakakatawa, maaalalahanin. Lahat na nasa kanya!! Kung pwede lang lahat ng guro ganito, hayahay ang buhay.
Brb: Yung mga aalis sabay magbibigay ng gagawin tas bago umalis mananakot pa. HAHAHA. Tas babalik lang 5 mins. before the time. Masaya kasi walang magsasaway pero madalas nakaka-gago kasi yung pinapagawa sa inyo, di niya pa natuturo. HAHA.
All in: Mga grabe magpa-homework, quiz, seatwork, board work, project at lahat lahat na. Nakakainis minsan yung ganito, kahit mga walang saysay na ang pinapagawa, go pa din.
Palamura: Shit, gago, putang ina, fuck, asshole (etc). Mapapagkamalan mong basura ang bibig niya sa puro mababahong salita ang lumalabas sa kanya. 
Chicks/gwapings: Ito yung makita mo lang eh ganadong ganado ka ng pumasok. Sa sobrang gwapo/ganda eh parang gusto mo ng magkasala. HAHA. Mapapa-yummy ka at imbis na mata, tenga at utak ang paganahin, mata lang ang pinapagana mo kakatitig. Hoy baka mag mukha yang kandila at matunaw!!
Wrong turn: Ito yung teacher na di ka tatawagin pag alam mo yung sagot, pero pag di mo alam tatawagin ka! Ay anong kalokohan yan? Nananadya? Nananadya? Pigilan niyo ako masasapak ko yan. Hahaha!
Madam Auring: Walang ginagawa. Puro tambay lang ang alam, nadaig pa ang estudyante! Ang mga estudyante niya ay bagsak doon, bagsak dito. Di papasok o madalas mag cucut tas boom!! 95, 89, 90 /  dos o uno ang grado. Wow ano yan? Magic lang? Sali ka sa Pilipinas Got Talent! Sure win ka doon!
Caretaker: Ito yung teacher na sobrang bait! Lahat papaalala sa’yo. Kung ano ang mga kulang mo, mga kailangan mong gawin para pumasa. Ipapasa ka makita ka lang mag effort at sobrang matulungin pa sa’yo. Kaiyak sa sobrang bait!! HAHA.
Go lang ng go: Mga guro na dada lang ng dada. Walang pake kung di ka makinig o di kaya di ka gumawa ng mga kailangang gawin. Bahala ka sa buhay mo period. Pero pag dating sa bigayan ng grades, magahanda ka na ng tissue at tiyak luluha sa grado mo. (oa) HAHAHA.
Tumblr media
431 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Note
kuya rhod, mag boyfriend ako. 2 yrs and 6months na kami. tapos ako nagpunta ako last april sa hometown ng daddy ko for 1month. ang hina hina ng signal don. kaya naisipan ko na sabihin ko na text nalang kami pag may maayos na signal. so ayon pumayag sya. tapos hanggang minsan lang kami magkatext. pag uwi ko dito sa bahay talaga nmin, tinamad na ako sakanya. tinatamad ako magtext ganon. di ko na maintindihan sarili ko. pero ang alam ko mahal ko pa yun. anong gagawin ko kuya :c gulong gulo ako e
Kuya Rhod? Wrong blog po ata? Di po ako lalaki. :( (Pero pwede din haha joke) Siya ba tinutukoy mo paparhodspeaks​? Nasagot niya na po yung tanong mo. :)
11 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Note
Haha. May idea ka kung panu mag disable like button sa facebook timeline? Minsan kasi di maiwasan ang auto liker eh which pisses me off.
Ayyy sorry, di ko alam kung pano. :(
0 notes
hersecretsanddesires · 10 years
Note
Ang sweet nung dinner date. Urgh. Ok sorry napadaan lang :)
Hihi. Thank you! Good evening pala. :)
1 note · View note
hersecretsanddesires · 10 years
Text
Dinner date!! 5-26-14
Jghhhh! Dinner date kanina. He he. Sa Tokyo Tokyo kami kumain. Gusto niya sa Savory or sa may grill chuchu na yun, eh naisip ko mahal, mapalaki nanaman gastos niya kaya sa Tokyo Tokyo na, unli rice pa. =)) Naka-dalawa ako, siya ata naka-lima o apat? Di ko lang sure. Pero sobrang saya, tawa kami ng tawa. HAHA. Pinagtatawanan niya tigyawat ko sa noo. Grrrrr. Hahaha! Tas bumanat siya 'haha ka ng haha, hahalikan na kita diyan!' Gago talaga. =))) Kilig naman ako syempreee. :'''> Basta sobrang saya. Puro kwento, tawanan. Para kaming magbarkada tas kakagatin ko braso niya, pipisilin niya ilong ko. HAHA.At ito pa, pasintabi sa mga kumakain!! Pinahiran niya ako ng kulangot. HAHAHAHAHAHAHAHAHAA. Ang bastos talaga!!!! Sobra! HAHAHHAHAHAHAAHAHAHA. Pero masaya ako at nakasama ko siya, kasi kahit hassle ang sched niya, nakakagawa pa din siya ng time para makasama ako. :)
18 notes · View notes
hersecretsanddesires · 10 years
Text
When you see the person you hate.
Tumblr media
32 notes · View notes