Tumgik
#pugon
huminahon · 2 months
Text
Sobrang init parang pugon. Maghapon akong hindi nag ac dito sa office room kasi nagloloko. Una biglang namatay tas after nun nag-E1 na. Dumugo pa ilong ko pero keri naman. Wala pa akong tulog kasi hindi ako makatulog.
2AM nakapikit na ako, pinipilit ko na talaga matulog. Nakailang tsob tsa tagilid kuba na ako sa kama pero di pa rin talaga ako makatulog. Bumangon ako saktong 4AM ni-prep ko yung pagkain ng mga alagang manok ni papa. Binabasa kasi namin yun patuka nang 1h. Ayaw kasi ng mga manok na buo lang, natitigasaan ata. Nagstir fry ako ng cabbage. Naligo na rin ako. Diba nakakaantok after maligo. Kaso mulat na mulat pa rin ako kaya kumain na muna ako, 5AM sana magpapakain na ako ng mga manok para kung makatulog ako e may 3-4h pa ako para matulog bago magwork. Kaya lang madilim pa kaya humiga na muna ako sa kwarto. Kahit anong pikit ko talaga, hindi talaga ako makatulog. Nung bumangon na mga kapatid kong may work lalong hindi ako makatulog sa ingay nila kaya 7AM pa lang bumangon na rin ako. Nagpakain na ako ng mga manok at bibe tas nagwork na rin agad.
Ang bisa rin talaga ng panalangin. I survived the day naman kahit papaano. Hinihintay ko na lang lumamig sa kwarto tas matutulog na rin ako.
3 notes · View notes
melovesanneeeee · 1 year
Text
Tumblr media
Sinong kalaban? Ba't ganito kainit? 🥵
Sweat is dripping down my tits gusto ko nang lumabas sa pugon. Amaccana satanas!!!!
7 notes · View notes
koi-no-maqo · 4 months
Text
ĉi skolaĉo povi suĉi mian pugon
0 notes
sarapsapinas · 4 months
Text
"Bibingka Bliss: A Culinary Journey into the Heart of Filipino Delight"
By: Saavedra, Riven Kaye
Welcome to a delightful journey into the world of Bibingka! A beloved Filipino delicacy, holds a special place in the hearts and taste buds of many. This delectable rice cake, often enjoyed during festive seasons and celebrations, has a rich history and a unique preparation that makes it a standout treat.
Bibingka isn't merely a treat for the taste buds; it's a sensory experience that transcends the realm of food. The distinctive aroma wafting through the air as it bakes in a traditional clay oven, locally known as a "pugon," adds to its allure. The crackling sound as the banana leaves embrace the cake during the cooking process becomes a melody that resonates with Filipino homes during festive occasions.
From the crackling banana leaves to the fusion of coconut and rice flour, let Bibingka be more than a treat for your palate – let it be a connection to the vibrant tapestry of Filipino culture.
Tumblr media
0 notes
isaiahbie · 10 months
Text
Pinapadaan sa Apoy
Tumblr media
Transcript ng aking naging mensahe sa lamay na ginanap nitong Lunes:
Unang Pedro chapter 1 verse 6 hanggang 7, “Ito’y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, bagama’t nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito’y talagang tapat. Sa gayon kayo’y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.” Amen.
Marami po tayong aral na mapupulot mula sa talatang ito. Ngunit nais ko lamang pong magpokus sa isang detalye. Ayon kay apostol Pedro, ang karanasan sa pagsubok ng isang Cristyano ay katulad raw po ng pagdaan sa apoy. Ang pagdaan sa apoy, siyempre, ay masakit at nakakapaso. Ngunit ayon kay Pedro, pinapadaan tayo ng Diyos sa apoy upang tayo’y maging dalisay.
Ang totoo po’y hindi kayang tunawin ng apoy ang ginto kung kaya’t ang mga dumi lamang at ibang elemento na nakahalo rito ang natutupok sa apoy. Gayundin naman, kung ang ating pananampalataya ay totoo, hindi ito matutunaw sa apoy, bagkus ay lalabas lamang ang tunay nitong kinang at ganda.
Ibig sabihin, ang pagsubok para sa isang Cristyano ay hindi isang kaparusahan, kundi isang malaking kapakinabangan.
Halimbawa, sa pamamagitan ng mga pagsubok ay nabubulgar ang mga natatagong diyus-diyosan na umaagaw pa rin sa ating atensyon, pananampalataya, o pagsamba. Maaaring kabilang dito ang diyos ng sarili, ang diyos ng pera, ang diyos ng kalayawan, o ang diyos ng kaginhawaan. Anumang bagay na nahihirapan tayong isuko sa Diyos ay isang diyus-diyosan. Nahihirapan tayong bitawan sila dahil sa kanila pa rin tayo nagtitiwala sa halip na kay Cristo.
Siyasatin natin ang ating mga puso. Paglilingkuran mo pa rin ba si Cristo kahit ang kayamanan mo’y mawala sa’yo? Hindi lamang pera ang maaari nating ituring na kayamanan. Pwede ring mahal sa buhay, kasintahan, karera, o reputasyon. Gaano kahigpit ang hawak mo sa mga bagay na ito? Ayon sa Bibliya, kung hindi si Cristo ang iyong tunay na kayamanan, wala kang kapanatagan, dahil ang lahat ng bagay ay pumapanaw, ngunit si Cristo lamang ang hindi maaaring agawin sa’yo, kahit pa ng kamatayan. Si Cristo ba ang iyong tunay na kayamanan?
Sa oras ng pagdurusa tunay na nasusubukan ang ating pananampalataya. Kapag si Cristo na lamang ang natitira nating kayamanan, doon lamang natin nakikita ang kanyang tunay na halaga. Kapag wala na tayong ibang maaaring kapitan, doon lamang natin nauunawaan na si Cristo lamang ang tangi nating kailangan. Ang mga doktrina ng Bibliya ay nagiging totoo sa ating pandama kapag tayo’y dumaraan na sa pugon ng pagdurusa. Kung tunay ang ating pananampalataya, lalabas tayong dalisay at mas matibay. Ngunit kung hindi tunay ang ating pananampalataya, masusunog tayo at matutupok.
Nasusulat sa Isaias chapter 43 ang isang pangako ng Diyos:
“Dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok. . . Huwag kang matakot, sapagkat ako’y kasama mo” (43:2, 5).
Pansinin na hindi sinabing kapag kasama natin ang Diyos ay hindi na tayo dadaan sa apoy. Bagkus ang sabi ay daraan ka pa rin sa apoy, ngunit hindi ka masusunog, sapagkat sasamahan ka ng Diyos sa gitna ng apoy. Lubhang naiiba ang perspektibang ito sa karunungan ng mga sinaunang pilosopo at sa naghaharing kultura ngayon na kung tawagin ng mga sosyologo ay “therapy culture.” Halimbawa, ayon sa payo ng mga Stoico, tibayan mo lamang ang iyong loob; huwag kang magpapatumba; sapagkat walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lamang. Ngunit ayon sa Bibliya, maglakad ka, sa halip na manigas lamang sa iyong kinatatayuan; huwag kang matakot matumba, sapagkat ang Diyos mismo ang siyang aalalay sa iyo.
Mabuti pa nga ang mga Stoico, tinuturuan tayong harapin ang realidad ng pagdurusa. Ngunit ayon naman sa therapy culture, ito’y dapat iwasan, taguan, o takbuhan. Bawal ang mag-isip ng anumang bagay na negatibo; bawal ang malungkot; dapat puro “good vibes” lang. Ang kabiguan ng stratehiyang ito ay nakikita natin sa dami ng mga kabataan ngayon na nagpapatiwakal o nadadaig ng matinding kalungkutan. Nakikita rin natin ang pananaw na ito sa mundo ng relihiyon kapag sinusubukan ng mga tao na i-“rebuke” o sawayin sa ngalan ng Diyos ang mga hamon at pagsubok na kanilang kinakaharap. Ngunit ayon kay apostol Pedro, huwag nating ipagtaka ang mabibigat na pagsubok na ating dinaranas na para bang ito’y hindi pangkaraniwan (1 Pedro 4:12). Bagkus ay magpasakop tayo sa kapangyarihan Diyos (1 Pedro 5:6)—na ang ibig sabihin ay malugod nating tanggapin ang anumang ipagkaloob sa atin ng kamay ng Diyos. Sapagkat nasusulat rin naman, “Ipagkatiwala ninyo sa Diyos ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo” (1 Pedro 5:7).
Tanging sa Bibliya lamang natin matatagpuan ang ganitong uri ng balanse. Kontra Stoicismo, hindi minamaliit ng Bibliya ang realidad ng pagsubok—ito’y katulad ng apoy na lubhang mapanakit at mapanira. Ngunit kontra sa therapeutic approach ng ating panahon—hindi natin ito kailangang takbuhan, sapagkat ang Diyos naman ang may kontrol sa lahat ng bagay, at siya’y nagmamalasakit sa atin. Kaya nga, sa Bibliya, mababasa ang tila mga magkabalintunaang pahayag. Tulad ng sa Unang Tesalonica chapter 4 verse 13—nagdadalamhati tayo ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. O ang sa Ikalawang Corinto chapter 6 verse 10—nalulungkot tayo ngunit palaging maligaya.
Sa Daniel chapter 3, nagpagawa si Haring Nebucadnezar ng isang rebultong ginto na dapat sambahin ng lahat ng tao. Sinumang hindi sumunod sa utos na ito ay agad na ipapatapon sa naglalagablab na pugon. Hindi sumunod ang mga tapat kay Yahweh na sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Kaya’t sila’y ipinagapos ng hari at ipinatapon sa apoy. Ngunit hindi makapaniwala si Haring Nebucadnezar sa nakita ng kanyang dalawang mata. Tatlong tao lamang ang kanyang ipinatapon sa pugon ngunit apat ang kanyang nakita na walang gapos at naglalakad sa gitna ng apoy nang hindi nasusunog. At wika niya, “ang tingin ko sa ikaapat ay parang anak ng mga diyos” (3:25). Ito ang pangako ng Diyos sa Isaias 43: “Dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok. . . Huwag kang matakot, sapagkat ako’y kasama mo.”
Muling pinatunayan ng Diyos ang pangakong ito dalawang libong taon na ang nakalipas. Ang Diyos ay nagkatawang tao at nakapiling natin, inako ang ating mga kasalanan, at tinanggap ang naglalagablab na poot ng Diyos nang siya’y ipako sa krus. Sa oras ng pagsubok, ang ginawang ito ng ating Panginoong Jesus ay isang matibay na sandigan. Ibig sabihin nito, ang pangako ng Diyos na sasamahan tayo at hindi pababayaan ay hindi isang sentimental na paniniwala o pampalubag-loob lamang. Bagkus ito’y isang historical na katotohanan; isang factual na pangyayari sa ating kasaysayan. Maaari natin itong panghawakan sa mga oras na tila hindi natin madama ang pag-ibig ng Diyos. Sapagkat ang ating pakiramdamdam ay subjective at pabago-bago, ngunit ang nangyari sa kasaysayan ay objective at hindi nagbabago.
Kapag nahihirapan tayong maniwala sa mga pangako ng Diyos, balikan lamang natin ang Mabuting Balita ni Jesu-Cristo at muling ituro ito sa ating sarili: Namatay si Jesus para sa akin. Bakit ko pagdududahan ang kanyang pag-ibig? Sinagip ako ni Jesus mula sa pinakamalaki kong kapahamakan—ang poot ng Diyos. At kung sinagip niya ako sa malaki, bakit naman niya ako pababayaan sa maliit? Mga kapatid, sinalo na ng Panginoong Jesus ang pinakamatindi nating apoy. Dahil dito, hindi na tayo kayang saktan pa ng lahat ng ibang apoy! Utusan mo ang iyong kaluluwang may agam-agam (Awit 103:1-4): Purihin ang Diyos! Purihin ang Diyos! Sapagkat napakabuti niya sa atin!
Agosto 14, 2023
0 notes
Text
Aside from the serious notes and meaning in Nocebo. I'm also fascinated with the idea of an international/intercontinental passing of folk powers.
1 note · View note
superkelvino · 1 year
Photo
Tumblr media
at Pugon corner smoke yard https://www.instagram.com/p/CnejL-DBX94gnREOgL4qBU9RbvtukziBwMdebQ0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
unbiasedph · 1 year
Text
ANONG NANGYARI SA KA TUNYING'S?
ANONG NANGYARI SA KA TUNYING’S?
Parang sirang plaka, paulit-ulit kong naiisip ang hirap ng mga Panadero ng Ka Tunying’s…. kung paanong kumapal ang kalyo sa mga kamay, kung minsan ay kumakayod mula madaling araw at may pagkakataong inaabot ng hatinggabi, na habang nakasalang sa pugon ang tinapay ay mistulang nakasalang din sila sa init. Kaya hindi ko maiwasang sumiklab sa galit pag naaalala ang isang kasama sa management na…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
chasejaseph · 2 years
Text
Kape Natividad - Tanay, Rizal (Food Guide)
Kape Natividad – Tanay, Rizal (Food Guide)
ESPRESSO AT KAPE NATIVIDAD Today, having coffee is not limited to malls and cities anymore. A lot of cafes have opened outside the metro with different vibes and amazing views. One of them is Kape Natividad in Tanay, Rizal. Kape Natividad is known as the original espresso-based coffee shop and pugon-baked pizza in Tanay. It is located along the Marilaque Highway which is a good stopover for…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
ashworthchappell · 2 years
Text
絕緣食品載體、保溫食品容器、絕緣飲料分配器
這些優質製造單元確保提供熱烘烘的主菜或冷冷的甜點。 防篡改 Cambro Hot Box - 用於懲教行業的防篡改。 設計使鉸鏈銷無法移除並且可以鎖定門。 堅固的一體式無縫雙壁聚乙烯結構易於... 如果您對我們的自助餐檯和其他餐飲用品有任何疑問,或者希望通過電話訂購您的餐廳用品,請聯繫客戶服務。 無論您是為 500 人的正式活動或 30 人的非正式活動提供餐飲,我們都有您需要的餐飲用品。 還可以找到一次性餐飲用品,如塑料盤子和一次性服務碗。 厚厚的聚氨酯泡沫絕緣材料有助於保持安全的食品溫度,使這些涼爽的 Cambros 非常適合食品運輸。 一體式無縫聚乙烯結構、密封的可拆卸墊圈和寬尼龍閂鎖。 這些頂部裝載食品載體將 Cambro 的耐用性與多功能性和風格相結合。 厚厚的聚氨酯泡沫絕緣材料有助於在不使用電或罐頭加熱的情況下保持安全的食物溫度數小時。 新一代隔熱食品運輸車 UPC300 讓餐飲服務變得更好。 這些隔熱食品載體或在食品服務行業廣為人知的 Cambro Hot Box 是運輸和供應冷熱食品的最佳解決方案。 餐飲專業提示 當您想到甜點時,很容易忽略飲食限制。 但相信我們,您的客人會喜歡包容性的菜單選項。 在尋找有趣和獨特的餐飲創意時,定制是關鍵。 人們喜歡有機會考慮澆頭並製作自己的美味作品。 創意方面也是客人的內置對話啟動器。 你很快就會讓人們在討論他們將要吃什麼時混合在一起。 獲得在線評論者的五星級評價,這種用香蕉辣椒、牛肉湯和大蒜慢煮的肉會產生多汁和美味的肉。 蘿蔔青菜、磨碎的帕爾馬干酪和蜂蜜的明亮混合將這種必不可少的綠葉蔬菜變成美味的開胃菜,即使是孩子們也會喜歡。 蔬菜、橄欖油和大蒜的順滑混合使這款奶油香蒜醬在開胃菜餐桌上散發出令人愉悅的味道。 你知道當大塊蟹肉和老灣調味料在食譜中相遇時,它會很好。 加入奶油奶酪、兩種奶酪、少許檸檬和洋薊,你就可以在假期裡盡情享受。 雞尾酒肉丸在南方派對開胃菜的經典中佔有特殊的地位,部分原因是它們是對碎牛肉完美和簡單的研究。 雖然我們喜歡我們媽媽用辣椒醬和葡萄果凍做的那些,但這個食譜是我們仍然為公司提供的食譜。 這種奶油蘸醬配方採用了 BLT 三明治的最佳品質,並將其轉變為簡單而美味的開胃菜。 如果客人到達後不久就可以享用晚餐,但您仍然想在他們進門時提供一小口,那麼這些盛裝的鹽漬鹽將節省一天的時間。 或者製作單獨的蔬菜和蘸杯,讓它更有趣。 一些受歡迎的蘸醬包括莎莎醬、披薩蘸醬、菠菜和朝鮮薊蘸醬、甜辣椒泡菜蘸醬、鱷梨醬、鷹嘴豆泥和培根蘸醬。 感謝您為使之成為如此特別、無憂無慮的夜晚所做的一切。 22個自助餐介紹的想法 為避免每次活動都重新發明輪子,您可以選擇提供一定數量的菜餚供客戶挑選。 您可能還想在菜單中建立“等級”,每個等級都有不同的人均費用。 這使您的客戶可以靈活地選擇他們的菜餚,同時仍能滿足他們的預算。 如果您打算在餐飲服務中出售酒類,您可能需要獲得酒類許可證才能保持合規。 還是您將其設想為您全職工作的補充業務,或有趣的賺錢愛好? 如果這是您的設想,您可能只計劃每月舉辦一次小型高端晚宴,專注於個性化服務和頂級食材。 懸掛在天花板上的多高度餅乾“勺子”可以被與會者挑選,這樣他們就可以將它與他們最喜歡的布丁配對。 您可以嘗試不同的口味,甚至要求參加者裝飾勺子,作為參與性活動的一部分。 如果您沒有太多的地面空間或正在尋找合併自助餐桌的方法,而沒有餐桌,請盡情享受這款鞦韆發明。 創建在屏幕上彈出的提醒,以幫助您記住重要的任務和約會。 而且,與 Outlook 一樣,您只需單擊鼠標即可解除或暫停提醒。 通過請求演示了解 Caterease 如何為您服務。 知道如何處理不守規矩的客戶的每一種情況說起來容易做起來難。 您應該接受沒有完全的客戶滿意度這樣的事情。 但是,如果您採取實際行動並繼續改進您的流程,那麼您的未來將擁有良好的客戶體驗。 此選項在每個級別都有甜點,但您可以通過在不同層級提供鹹味和甜味小吃來代替大腦食物。 在場地周圍散佈一些位置良好的樹木將不需要盡可能多的侍應生來降低預算,並且與會者可以在他們交往時拿起他們的開胃菜。 對於展覽或貿易展上的樣品,這也是一個有趣的想法。 不僅用於標牌,黑板還可以為建立自己的車站創造一個很棒的食物展示創意。 必須清楚地標記食物,以保持生產線暢通,並滿足任何有過敏和飲食要求的人。 這個令人愉快的餐飲展示理念將一口大小的食物裝在可愛的小桶中。 婚宴用餐方式 在餐飲方面,您的服務風格是計劃其他一切的基石。 在你非常特別的日子裡,你想分享什麼樣的經歷? 缺點 - 家庭式是所有婚宴餐式中最昂貴的。 比自助餐需要更多的工作人員,而且大部分食物被使用和浪費。 雖然強迫客人互動在您的朋友和家人之間可能是一件好事,但必須仔細考慮您的座位安排,因為客人必須與彼此分享。 如果成本和時間是您的活動的主要考慮因素,那麼雞尾酒會可能是您的理想選擇。 最傳統和正式的選擇——電鍍晚餐——可以說是最受歡迎的。 在這種類型的餐飲中,客人坐在他們的餐桌旁,並從菜單上的兩個或三個不同的選項中進行選擇。 這種類型的餐飲涉及詳細的菜單計劃,但為接待提供了其他餐飲選擇所缺乏的正式感和流暢感。 這裡要考慮的最重要的事情是如何讓您的客人盡可能快速有效地通過食品線。 例如,您可能會展示一個生酒吧、一個小吃站、一個意大利麵食站和一個雕刻站。 當然,您還需要包括幾個精選沙漠站來完善選擇。 就像自助餐一樣,您的客人可以在任何站點混合搭配,在享受彼此陪伴的同時創建自己的晚餐菜單。 它非常適合小型活動,尤其是那些更具個性和節日性質的活動。 對於更休閒的服務方式,客人可以在自助餐檯為自己服務。 我們經常看到自助餐伴隨著沙拉展示或甜點站,以幫助打破服務線並允許更多的流動。 家庭式招待會將客人分配到特定的桌子上,服務器將食物帶到桌子上。 每道菜的大部分都放在每張桌子上的盤子上,供客人容納自己並裝滿自己的盤子。 對於自助式服務,餐飲服務商在自助餐桌上擺好食物,客人前往自助餐廳為自己服務。 特殊場合的食物 它們製作起來又快又容易,但味道十足。 你可以在商店裡買到奶酪吸管,但這些奶酪和泡菜吸管更上一層樓。 快速製作——只需半個多小時,它們在聚會上總是很受歡迎。 您對派對食品的要求是我們關心的問題。 我們餐飲服務的目的是為我們的客戶提供食物——從而增加他們的幸福感。 我們的服務涵蓋從準備食物到交付的所有過程。 通過下載 Heads Up 來整合技術! 確保准備不同的談話和休息區,讓人們有空間簡單地坐下來享受彼此。 如果你想要一個包辦婚禮,但你也熱愛大自然,想在樹林深處或國家公園裡結婚,你可能會認為你必須以某種方式妥協。 顯然,森林中的偏遠地區無法使用專業的廚房供餐飲服務商烹製完美的一餐。 如何用韓語點餐 隨著人們,尤其是女性,準備飯菜的時間越來越少,對相對便宜的即食食品的需求也在增加。 為了對比甚至增強煎餅的原汁原味和適口性,呂宋島的人們創造了不同種類的醬汁。 在所有醬汁中,傳統的菲律賓酸橙汁或卡拉曼西汁是提供酸味的典型成分,與菜餚的鹹味和鹹味相反。 一些panciterias和社區也在使用傳統的烹飪設備。 這種傳統設備的一個典型例子是使用pugon和kalang kahoy,它們都用於通過使用木頭或稻殼來烹飪食物。 多種法式菜餚中的肉類使用沒有限制。 他們可以用雞肉、鴨子、鴿子、鵝、小牛肉、鵪鶉、馬,甚至蝸牛和青蛙來製作零食。 毫無疑問,它們是世界上最好的美食之一! 幾十年來,他們的飲食文化與鄰國意大利、德國、比利時、瑞士和西班牙等其他有影響力的人一起發展。 由於令人著迷的展示,它們的複雜性、奢華和美味都顯示在盤子或碗上。 通過這篇評論,意大利街頭食品令人驚嘆。 在研究結束時,研究人員發現呂宋島的 pancit 烹飪傳統是基於區域主義、本土化和意義而發展起來的。 一碗熱氣騰騰的Bun Rieu是越南最好的湯菜之一。 肉湯由蟹湯製成,與軟米粉、西紅柿、炸豆腐、豬肉和凝固的豬血混合。 從描述來看,這聽起來可能不是最開胃的菜。 就美味的越南菜而言,沒有什麼比一碗 Bun Rieu 配上一大勺辣椒和一兩滴新鮮酸橙更好的了。 Cao Lau 是越南中部的傳統美食,一直被評為會安最好的食物之一。 菜品 今年,該活動在莫里斯維爾現代優雅的 Goels 廣場舉行。 它是北卡羅來納州東部最大的私人宴會設施。 它一直被評為前 5 名設施,位於三角區的中心。 距 RDU 機場、許多酒店和商務中心、主要大學和一流的購物場所僅幾分鐘路程。 Goels 廣場非常寬敞,可容納大約 38,000 平方英尺,用途廣泛,足以容納商務、個人或其他社交活動。 您可以選擇包括從軟飲料到咖啡的所有內容。 或者,我們可以與您合作,使用您自己的飲品打造最好的酒吧服務。 當嬰兒即將出生時,重要的是要讓準父母在他們生命的這個新階段感到特別、慶祝和支持。 手工飲品是從烹飪的角度展示讓您的活動目的地與眾不同的完美方式。 大多數室內設計師會告訴你,在有趣的房間設計中,層次感和質感很重要。 這個演示示例受益於良好的房間設計。 盤子上舖有苔蘚,然後使用光滑的表面為手指食物提供一些視覺上的趣味,並採用樸實的配色方案。 另一方面,如果您的食物很亮,您可以選擇將其放在白色的地鐵瓷磚上。 為自我認同的素食者定制一份素食餐廳列表,可以讓他們感覺得到了很好的照顧。 在在線註冊過程中詢問飲食要求時,詢問過敏和特殊偏好。 例如,列出一些例子,因為有些人可能會忘記告訴你他們正在吃生酮飲食。 不要將您的食品和飲料預算視為整個數字,否則您可能會發現自己訂購了那個巨大的魷魚黃油雕塑。 相反,積累預算需要涵蓋的所有內容,並為小吃和早餐等每個領域提供自己的迷你預算。 為您的活動聘請私人餐飲服務商的重要提示 他們用他們的服務和技能傳授的經驗繼續建立一個聲明。 一個活動的成功主要在於私人餐飲服務商設計計劃和實施的方式,為客戶和自己的旅程創造一個利基。 因此,私人餐飲服務商應以標準化和定制的方式滿足客戶的期望,這一點很重要。 這包括提供蛋糕和其他烘焙食品以及調酒和飲料服務。 除了準備食物外,我們還可以提供工作人員為您的客人提供食物。 無論您提供的是盤點餐還是自助式晚餐,都無關緊要。 如果您計劃為您身邊的人用餐,您可能已經知道這些信息。 確保廚房區域為每天/晚上的服務做好充分準備。 激活您的 30 天免費試用以繼續閱讀。 激活您的 30 天免費試用以解鎖無限閱讀。 合同規定,每片蛋糕切割服務收費 1.00 美元,並且總賬單中將收取 18% 的自動服務費。 一個好的餐飲服務商的品質包括靈活性、在壓力下保持冷靜和創造力。 在推出成功的餐廳餐飲服務之前,您需要了解以下內容。 一旦您向我們提供有關活動時間和地點的一些基本信息,您的專屬餐飲經理將根據您的需求幫助您獲得最佳選擇。 您需要做的就是選擇您喜歡的菜單包,我們將處理所有物流。 我們還通過 one hundred pc 漫遊飢餓服務保證來保護每一個餐飲服務。 一輛炸玉米餅卡車的價格在每人 eight 至 20 美元之間,具體取決於您選擇的餐飲套餐。 漢堡和燒烤的起價可能在每人 12-15 美元左右。 讓外燴大廚教你 馬鈴薯燉雞肉
1 note · View note
Text
Pamilyang Pinya: Part 1
Mahal ko sila. Malamang mahal din nila ako. Pero mga toxic amputa.
Simula bata ako, laging sinasabi ng nanay ko na, “Okay lang yan ‘nak, kahit anong gawin mo, proud kami sayo.” But they were expecting na saluhin ko finances ng pamilya. Hindi naman kami ganun kahikasos sa buhay pero lulong sila ng tatay ko sa sugal. Kaya nung isang beses na sabi ng ate ko na nagpaaral sakin sa kolehiyo na tuition fee ko nalang ang sasagutin nya, sabi ng nanay at tatay ko patigilin nalang daw ako sa pag aaral. 
Partida may dalawang scholarship pa ako nun hah, at bunso ako sa limang magkakapatid. Napagtapos na nila yung tatlo samin. Kaso kasi yung nanay ko lulog sa jueteng. 
Sa mga di nakakaalam, parang mini Lotto din yung Jueteng. Ang kinaibahan lang tatlong beses sa isang araw ung bola at depende sa tumataya kung magkano itataya nila. Isa pa, imbes na anim na numer, dalawa lang ang sa jueteng. 
Eh yung nanay ko, may tatlo atang number combination na inaalagaan. kulang kulang singwenta ang taya sa bawat numero. PHP 150 sa isang bola. Kulang kulang PHP 450 sa isang araw. 
Ang nakakatawa ang baon na binibigay nya sakin sa isang araw nung college ako isang daan. I-kompyut natin ang daily gastos ko.
Pamasahe (dalawang sakay papuntang school jeep at bus) PHP 20 + PHP 7 + PHP 7 + PHP 20 = PHP 54 Minsan kelangan lumipat at bumalik ng campus between classes kasi malaki university namen PHP 14 Student meal PHP 25 (oo may ganito kamurang pagkain nung kapanahunan ko, giniling na karne na maraming sabaw at Magic Sarap)
PHP 54 + PHP 25 + PHP 14 = PHP 93
May natitirang 7 pesos sakin everyday kasi pinipilit ko wag mag snacks. Iniipon ko yon kasi narealize ko na napakagastos magpa photocopy sa college taena.
May kasamang dasal yan na sana walang extra gastos sa school sa araw na yon kasi naranasan ko nang umuwi ng kulang na pala pamasahe ko.
See the difference?
Jueteng = PHP 450 per day Baon ng Anak = PHP 100 per day
Jueteng > Anak
Yung tatay ko naman, tahimik lang (pero hindi Mark ang pangalan nya). Char
Mejo mas high tier naman ang addiction ng tatay ko. Sabong. 
Sasabihin nyo, sabong lang pala eh ilang beses lang sa isang linggo yun. (Di ako aware kung ilang beses merong sabong pero alam ko yung tatay ko nagsasabong kapag bagon padala yung ate ko) so kinsenas katapusan yan.
Oh diba, twice a month lang naman eh. Bakit bitter parin ako?
Mamsh, ikaw ba naman after nyan magsabong, kinabukasan, kahit kakapadala palang ng ate ko, wala na daw kami pang ulam at wala din pambili ng LPG. Buti nalang talaga may pugon kaming alternative na paglutuan. 
Buwan buwan din kaming muntik muntikan maputulan ng kuryente dahil di binabayaran agad. Yung naka allot na pambayad dun ng mga ate ko, itinataya muna sa sugal. Malay mo naman kasi manalo diba?
Eh kaso madalas hindi. 
Ang solusyon? Mangungutang. J@#$%SH*t@!!! And that my friend, is a whole-nother story (or rant), pero next time na siguro ulit.
Di ako nakikikumpetensya sa mga kapwa ko nagstruggle din sa college life. Nakakafrustrate lang kasi hindi naman sana kailangan na ganun eh.
Hindi naman sana dapat ganun kung walang sabong at jueteng. K*ng*na.
0 notes
amsanpedro · 3 years
Photo
Tumblr media
A slow-baked lechon belly! Tender meat and crispy skin. . . . #lechon #food #foodporn #foodpics #lechonbelly #bake #pugon #foodstagram #foodgasm #foodie #meat #carnivore #carnivorediet #foodphotography (at Lipa, Batangas) https://www.instagram.com/p/CQxu9UyjOTrmFEIkwVTP0YMNNwdOli7wSfI7jI0/?utm_medium=tumblr
0 notes
seaskitchen-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Time for pizza! Brick Oven Longanisa Pizza . . #seaskitchen #isealove #country #homesteading #restaurant #pagudpud #ilocosnorte #philippines #foodie #brickovenpizza #pugon #homemade #homecooking #slowfood #pizza (at SEA'S Kitchen)
1 note · View note
Video
youtube
This is so paw some so please take a minute and like and repost these cute puggies that are gonna make you smile. Have a great day and please follow us we follow back.
6 notes · View notes
beingjellybeans · 3 years
Text
Tsinoy food feast at Lido Cocina Tsina, New Manila
More often than not, a dish with Chinese origins would make its way into a Filipino’s hapag-kainan. This is hardly surprising as the Pinoys and the Chinese have been trading since even before the Spanish colonization. Through the centuries, various waves of Chinese migration occurred, each bringing their own cultures, especially their culinary traditions, into the…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
nice2meetyouu · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media
January 30, 2022 | Bahay ni Lola at 75th Birthday Celebration
Naaaliw ako sa bahay ng lola at lolo. Nasa Metro Manila pero parang probinsya. Napaka-mahangin, mabilis kang aantukin.
'Di ko na isinama sa pics pero ang lutuan niya e mukhang sinaunang pugon except walang hood. Sabi ko nga, eto ang tunay na "dirty" kitchen. Kailangan lagi ng panggatong pag nagluluto, kaya bukod sa dried branches ng mga puno niya, nandoon din ang mga scratch paper ko na dating nakatambak sa bahay.
Andaming puno at iba't ibang halaman sa bakuran.
Na-senti lang ako bigla. Wala siyang tungkod. Malakas pa at nakakagawa ng daily activities nang sila-sila lang pero recently, madalas magkaroon ng sakit.
Naisip ko lang na pag nawala na siya, ano nang mangyayari sa bakuran na 'yon? Sa bahay nila? Sa mga bagay na kakaiba at doon lang makikita sa kanilang lugar? 'Di naman sobrang unique ng ibang bagay, pero gawa kasi talaga sa recycled materials lahat. 'Yung mga dati naming sink, hagdan, etc. nahanapan niya pa ng kapakinabangan.
Pag wala na siya, wala nang magpapatuloy ng lifestyle nilang napakasimple pero functional. After all, iba ang mindset ng bagong henerasyon.
Pag wala na siya, mababawasan na ang makulit sa mundo. Parang ang lungkot at ang lamig pag darating na ang panahon na 'yon. 'Di naman natin masasabi kung ilang buwan mula ngayon, o ilang taon, baka magbago na ang lahat. Buti na lang, nakapunta ako sa munting salu-salo ngayong araw.
Buti na lang, wala akong pasok.
5 notes · View notes