Tumgik
#batas ng gubat
jcdjtula · 3 months
Text
Blog Tungkol sa Koleksyon ng mga Pagsusuri ng mga Tula ni Jose Corazon de Jesus
Pagsusuri ng mga Tula ni Jose Corazon de Jesus
Jose Corazon de Jesus, o mas kilala bilang Huseng Batute, ay isa sa mga haligi ng Panitikang Filipino. Kilala siya sa kanyang makabagong estilo ng pagsulat at pagtanggap sa mga paksang panlipunan at pulitikal. Sa pamamagitan ng kanyang mga tula, naglalahad siya ng mga saloobin at damdamin ng masa, hinihikayat ang pagbabago at pag-aalsa, at nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutol sa pang-aapi at kawalang-katarungan.
5 Tula ni Jose Corazon De Jesus na Hindi Itinuro o Tinalakay sa Kurso
"Sa Dakong Silangan" - Ang tula ay naglalaman ng pananaw ni Huseng Batute sa mga pangyayari sa Silangan. Layon nitong ipakita ang realidad ng buhay at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino sa mga pabrika at plantasyon.
Paksa: Ang kahirapan at pakikibaka ng mga manggagawa.
Mensahe: Ang pagtutol sa pang-aapi at pagpapakilala sa mga karapatan ng mga manggagawa.
"Ang Gubat" - Isang tula na naglalarawan sa kalagayan ng kalikasan at kung paano ito apektado ng mga gawaing pangkalakalan at pagpapalitang pang-ekonomiya.
Paksa: Kalikasan at pagbabago sa kapaligiran.
Mensahe: Ang panawagang pangangalagaan at protektahan ang kalikasan laban sa pang-aabuso at pagsasamantala.
"Ang Muling Pagsilang" - Isang tula na tumatalakay sa tema ng pag-asa at pagbabago sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay.
Paksa: Pag-asa at pagbabago.
Mensahe: Ang pananampalataya sa kakayahan ng tao na makabangon sa kabila ng mga pagsubok.
"Mga Batang Mababa ang Lipad" - Tumatalakay sa realidad ng mga bata na nakararanas ng kahirapan at kawalang-katarungan.
Paksa: Kahirapan at kawalang-katarungan na nararanasan ng mga batang Pilipino.
Mensahe: Ang panawagang bigyan ng pagkakataon at suporta ang mga batang nangangailangan.
"Sa Lahat ng Ibon" - Isang tula na nagpapahayag ng pagnanais na makamtan ang kalayaan at katarungan sa gitna ng lipunang pinamumunuan ng mga mapang-api.
Paksa: Kalayaan at katarungan.
Mensahe: Ang panawagang ipaglaban ang kalayaan at katarungan para sa lahat ng mamamayan.
Sintesis ng mga Tula ni Jose Corazon De Jesus
Ang mga tula ni Jose Corazon de Jesus ay patuloy na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutol sa pang-aapi at kawalang-katarungan, at sa pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga mahihirap. Sa pamamagitan ng kanyang mga likha, ipinapahayag niya ang mga damdamin at saloobin ng masa, nagpapalaganap ng kamalayan, at nagbibigay-inspirasyon sa pagbabago at pag-asa. Ang kanyang mga tula ay patuloy na nagbibigay-liwanag at gabay sa mga Pilipino sa kanilang pakikibaka para sa mas maunlad at makatarungang lipunan.
1 note · View note
meeka-chann · 8 months
Text
Novel #12
Our Suicide Pact
By serialsleeper on Wattpad (⭐⭐⭐⭐)
Favorite lines from the novel:
• “Ang pagiging gwapo ay wala sa panlabas na anyo Kundi nasa paglabas ko ng pinto.”
• “Halos wala ng katao-tao dito sa school pero di ako takot, kasama ko 'tong si Red kaya't sigurado akong pati multo magtatago sa kanya. Mukha palang pamatay na.”
• “Nyeta, umabante kayo please! Yung mga alaga ko sa tiyan nangingisay na!”
• “Anak ng asul na tupa baka mamatay ako sa sobrang bagot! Asan ba yung mga adik? Asan si mukhang pwet? Asan si mukhang aso? Asan si Patay? Asan si Manyakis?”
• “Thanks, girls. May pakinabang din pala ang pagkachismosa niyo.”
• “REDENTOR NA MUKHANG BENTILADOR!”
• “REDENTOR NA MUKHANG LABRADOR! BOOM!”
• “No one can escape our pact daw.... WHAT THE PACT?”
• “Sa iba loko 'yang si Red pero pagdating sa akin batas militar na yan.”
• “Hindi lahat ng ahas nasa gubat, yung iba nasa classroom mo lang.”
• “Whatdashit.”
• “Layuan mo ako! Allergic ako sa'yo!”
• “Kung hindi mo siya inahas, edi sana ako yung nabuntis ngayon. Kung hindi mo siya inahas sana hindi ko na-realize na hindi ko naman talaga siya mahal. Kaya Jane, thank you.”
• “Maling akala, tamang hinala.”
• “Walang ano-anoy agad na humiga si Peter sa sahig at nangisay na mistulang isang kwitis na sinilaban.”
• “Don't hug someone! He or she will stab you in the back. Literally!”
• “Paging Ms. Alexis Colleen Conception, Death is looking for you. Please come out and claim your Unlimited stab wounds.”
• “Nothing can break us because we are already broken.”
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The photos used are not mine. Credits go to the rightful owners.
1 note · View note
tomdeocampooo · 9 months
Text
Sinubukan ko nang sauluhin noong bata pa ako ang mga halamang panggamot sa aklat na Healing Wonders of Herbs ni Herminia de Guzman-Ladion. Pinakatumatak sa akin ang puno ng kanya pistula (Cassia fistula) dahil may iilan na tumutubo sa gubat malapit sa amin. Tuwing Flores de Mayo, inaakyat namin ito ng pinsan ko para kumuha ng mga mala-orkid na bulaklak at ialay kay Virgin Mary. Mas napalapit pa ako sa mga halaman gawa ng mga tradisyunal na gamot gaya ng sambong at oregano tuwing may sakit at mayana naman para sa mga sugat.
Manghang-mangha man ako sa ganda at iba’t-ibang pakinabang ng mga halaman, ni minsan hindi dumapo sa musmos kong isip na sa pagtapak ko ng kolehiyo ay papangarapin kong maging isang botanist.
Kaya pinapasalamatan ko ang tanim na mais at si Ma’am Reg.
Abril noong 2020, katatapos ko lang ng aking final paper sa Botany 111 na tungkol sa mga phytochemicals na makukuha sa mais at ang kanilang mga health benefits. Nakatanggap ako ng “very good” mula kay Ma’am Reg – isang malaking bagay para sa una kong nasulat na papel sa kolehiyo.
Isa ang mga feedback na iyon sa mga nag-engganyo sa akin na mag-post sa stories at timeline sa Facebook ng mga trivia tungkol sa mga halaman na nasundan ng mga opinyon sa mga napapanood kong mga video. Isa dito ay ibinahagi sa akin ni Ma’am Reg na tungkol sa magandang kwento ng evolution kung paano nagkaroon ng soft kernels ang mais. Lumago ang aking interes dahil namalas dito ang pagtatagpo ng iba pang mga field ng biology at maging archeology sa pag-aaral ng halaman.
Pero simple pa no’n ang pagkakaunawa ko ng botany. Maganda. Kalmado. Hindi ka mahahaggard!
Sa mga sumunod na taon, nagkaroon ako ng pagkakataon na kumuha ng mga electives na Economic Botany, Mangroves and Beach Forest Species, at Marine Plants. Dahil sa mga natutunan ko mula sa mga babasahin at sa mga ipinaglalaban at inaadbokasiya ng mga eksperto at ibang mga kakilala – mapa-lansangan man o social media – napagtanto ko na kulang na kulang pa pala ang aking nalalaman.
Hindi pala maamo ang botany. Ito rin pala ay kuwento ng karahasan, pang-aabuso, kahirapan, at pagtalikod sa agham. Ito ay kuwento ni Leonard Co at iba pang mga plant taxonomist katulad ni Gabriel Trujillo na namatay habang nasa field. Ito ay kuwento ng mga isyu na hinaharap ng mga magsasaka at ng sektor agrikultura. Ito ay kuwento ng nakakaalarma na patuloy na pagbaba ng dami ng mga plant biologists sa buong mundo. Ito ay kuwento ng lipunan na naghihirap at tinalikuran ng gobyerno – ng mga tao na unti-unting pinapatay ng bulok na sistema kasabay ng mga lauan, apitong, at bakawan na patuloy na pinuputol sa mga kagubatan.
Natutunan ko na kalakip ng pag-aaral ng mga kahalamanan ang pagkilala ng mga kuwento na ito na nangyayari araw-araw at pagtugon dito sa kahit anong paraan.
Malungkot pala ang botany. Hindi pala ito laging singganda ng kanya pistula na inaalay ko tuwing Flores de Mayo. Ito ay puno ng sakit at sugat na hindi nagagamot ng sambong o mayana. Gayunpaman, ito ay isang paglalakbay na ngayon ay gusto kong pagdaanan. Gusto ko pang payabungin ang aking natutunan. Gusto kong makapagturo. Gusto kong dumami pa ang mga botanist sa mundo. Mas lalong gusto kong dumating ang panahon na hindi na tinatalikuran ang sangkahalamanan.
Salamat kay de Guzman-Ladion, Leonard Co, at iba pang mga botanist at guro na inspirasyon sa henerasyon ng mga nangangarap pa lamang katulad ko.
Salamat kay Ma’am Reg na nagturo sa akin ng research, botany, at maraming aral na babaunin ko sa pag-abot ng aking pangarap.
Salamat kay Ma’am Ram, Ma’am Diana, Ma'am Machel, Sir Rex, Ma’am Frans, at Sir Eric sa tiwala at pagpaparamdam sa akin na magaling din pala ako, mapapersonal man, mensahe sa Messenger, o feedback sa mga output.
Salamat kay Ma’am Juarez na nagpabago ng isip ko sa kukunin na kurso, na dati ay Applied Mathematics, dahil sa kanyang mahusay na pagtuturo ng human anatomy.
Salamat kay Sir Homer na pinasali ako sa quiz bee ng UP Fisheries Guild noong 2017 na kahit swerte ko lang naipanalo ay naging dahilan ng pagpili ko ng STEM.
Sa ngayon, hindi ko pa alam kung magiging ganap nga na botanist ako sa hinaharap. Malay natin, babalikan ko pala ang dati ko ring pangarap na maging neurosurgeon o engineer. Baka rin bumida ako sa pelikula kasama si Meryl Streep o Dolly de Leon. Saan mang komportableng espasyo ng mundo ang kalalagyan ko sa mga taon na darating, palagi kong bibitbitin ang kagustuhang isulong ang isang larangang puno ng ganda, sakit, at pag-asa.
Tom Lin S. Deocampo Jr.
BS in Biology
University of the Philippines Visayas
Magna Cum Laude
Top 2, Class of 2023 - Biology
DOST-SEI Merit Scholar
President (2022-2023), UPV Biological Society
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Salamat sa magagandang litrato, Aivee :))
0 notes
cola-celestiana-vox · 10 months
Text
CVAP Week 2 Blog
So, Hi! Narito na tayo sa ating week 2 ng CVAP at aaminin kong nag-e-enjoy ako sa mga nangyayari. May mga friends na ako, o, ewan ko kung friends ba talaga or feeling close lang ako *laughs*. Nakakatuwa rin kasi may mga bagong speakers at may mga bagong lessons naa talaga namang pumukaw ng interes ko, actually hindi, talagang interesado na talaga ako.
Noong umaga, may speaker kami, si Sir Bryan Dave Perez. Itinuro niya iyong iba't ibang uri ng microphone na puwedeng gamitin sa voice recording if ever maisip naming gawing profession ito. Itinuro niya rin iyong mga puwedeng gamitin as monitor sa recording, saka iyong mga pang-edit ng audio.
Noong hapon naman, ito ang isa rin sa mga gusto ko. Iyong Speaker namin, itinuro niya iyong tungkol sa voice character. Actually, natawa nga ako kasi pinag-sample niya pa ako ng boses matandang nanginginig kasi naliligaw sa gubat , e. Sabi ko nga noon sa sarili ko, sapat na bang character voice iyong ginagawa kong boses bata? Well, nasanay na kasi akong gawin iyon, dahil kapag nakikipaglaro ako sa pamangkin ko, o kaya sa mga bata sa kapitbahay, iyan ang gamit kong boses.
So iyon! Abangan na lang natin kung ano pa ang mangyaayari sa week 3, at siyempre, magsusulat na naman ako tapos magre-record nang lutang at zoom mic pa ang gamit.
0 notes
b0chi · 1 year
Text
Nakakakilabot ang indio-genius exhibit. Naghahalo ang bago at luma. Nakakamulat: may digmang kultura pala. "Mas magaling pala sila satin," sabi ng kasama ko. Bakit may pa-ganto?
Kung bibigyan kwento, namatay si Magellan sa Pilipinas. Kaya hindi talaga siya naka-ikot sa mundo. Ang tunay na naka ikot sa mundo ay si Enrique — isang fictional character sa pelikula. Kasi nanggaling siya ng Pilipinas. Naging slave, pinagpasahan, naging pag-aari ni Magellan, sumama sa expedition, nakabalik sa Pilipinas.
Hindi marunong magsulat si Enrique. Ni baybayin, hindi. Syempre gusto niyang i-kwento ang danas nya. Namamatay ang tao, tatahimik ang boses niya. Kaya may libro, para doon i-kwento ang mga dapat ipasa sa susunod na henerasyon. Hindi lang letra ang lenggwahe ng pangungusap, nariyan ang sining. Ang alam ni Enrique ay wood sculpting. Doon siya mag k-kwento. Pero nauubos ang kahoy, kaya gagamit siya ng kahit ano — bumbilya, bote, basag na tiles, alambre, bakal-bakal — para makumpleto ang kwento niya.
Kahit walang naratibo, may sinasabi ang exhibition. Wag kang choosy. I-kwento mo ang kwento niyo ayon sa pamantayan sa sarili. Hindi pamantayan ng literary flair ni Shakespeare, o visual techniques ng mga Europeo. Naghahalo ang bago at luma. Nakaka-inspire gumawa dahil buhay ang kultura nila base sa creative output nila. At ang mga subject ay halong ethnic, classical, contemporary. Imaginative parang bata, walang bounderies, mapagpalaya.
Nakakamulat: may digmang kultuta pala. Umatras pataas ng bundok, palalim sa gubat ang mga tao sa Cordillera. Ang pag-atras ay hindi kaduwagan, pwedeng tanawin to na ayaw magpa-impluwensya, ayaw magpasakop. Pero di naman sila purista. Hindi sila nalilibugan sa ideya ng authenticity. Parang bamboo, sumasayaw sa agos ng panahon. Pero hindi napuputol, natutumba. Maaring madagdagan ang materyales nila, o lumawak ang subject nila, aayon lang ang kultura nila sa panahon. Sa film showing sa loob, may sumasayaw ng katutubo, full ethnic attire. Sabi ng kasama ko, "haha naka sneakers". Balanse ang pagpapanatili ng identidad at pag-adapt sa bago.
May digma, may labanan, sinong kalaban? Edi si Mickey Vader. Edi yung nananakop na kultura. Edi yung nagsasabing sila ang mas tamang kultura. At sila ng dapat sundin. Sabi nga sa Animal Farm, "we are all equal. but some are more equal than others." Ang kalaban ay ganoong kagaguhan. At hindi masusupil ng mananakop na kagaguhan, ang puristang kagaguhan. Ang sandata ay eto, identidad. The natural strength of bamboo, it adapts. Ang bala, kwento natin. Na kinu-kwento natin. Hindi kwento natin na kinu-kwento ng Disney. Representation my ass.
Ang takeaway, pucha ang astig. Nakakakilabot. Pwede pala to. Talagang may capacity pala talaga tayo ng genius. Isa tong exhibit sa maraming patunay.
Tumblr media
0 notes
zhyyang · 2 years
Text
Ang Umibig sa Inang Kalikasan
Katangi-tanging ganda ng Kalikasan.
Bilang bakasyon ng aking Lola dito sa Pilipinas ay nagyaya siya na kami ay pumunta sa Pagsanjan Falls, Laguna bago siya bumalik muli sa ibang bansa. Isa ito sa mga memoryang aking pinapahalagahan at pinakamamahal sa lahat. Sa aking paglalakbay, ating tuklasin ang katangi-tanging ganda ng Laguna.
Tumblr media
Sa lugar na aming pinuntahan ay dito makikita ang angking ganda ng kalilasan at ang tanawin sa ibang parte ng Pilipinas. Taon 2008 noong kami ay nagpunta sa Laguna upang puntahan ang Pagsanjan Falls, sa panahon na ito ay tatlong taong gulang pa lamang ako ngunit sapat parin ang aking ala-ala upang maibahagi aang aking paglalakbay.
Ano Nga Ba Ang Mayroon Sa Laguna?
Ang pangalan na Laguna ay nagmula sa Laguna De Bay isang anyong tubig na bumubuo sa lalawigan. Ang lalawigan ng Laguna ay matatagpuan sa rehiyong CALABARZON sa Luzon sa  Pilipinas. Ang Santa Cuz ang kapitolyo ng Laguna at isa ang Pagsanjan o  Pagsanjan Falls sa atraksyon nila rito.
Tumblr media
Anong Transportasyon Ang Kakailangan Upang Makapunta Rito?
Isa sa mga maaring gamitin na transportasyon papunta sa Laguna ay ang sariling pribatong sasakyan o kotse. Dahil ito ay mahaba-habang niyahe kaya mas mainam na maging komportable papunta sa naturing na destinasyon. Kung walang sasakyan na magagamit ay maaari naman na umarkila ng kotse o van. At kung hindi pasok sa budget ang umarkila ng pribadong sasakyan ay maaari rin naman na gumamit pampublikong transportasyon tulad ng bus ngunit maaring magdoble ang oras na intutuon sa biyahe, at hindi sigurado ang iyong sasakyan pauwi.
Gamit ang nabangit na mga nabangit ay siguradong makakarating  ka sa Laguna. Kung magmumula sa Dinalupihan hanggang sa Laguna ay magtatagal ay biyahe ng limang oras at mula Laguna hanggang Pagsanjan naman ay aabutin ito ng kulang isang oras.
Kultura at Pagkain sa Laguna
San Pedro Sampaguita Festival
Ang San Pedro ay isang sa mga lugar sa Laguna na likas sa Sampaguita at ito rin ang naturingan na inustriya ng Sampaguita. Ang pistang ito ay patungkol sa pambansang bulaklak g ating bansa. Sa araw ng Pebrero 21 ipinagdiriwang ang kapistahan nito at nagtatagal ang selebrasyon na ito ng isang lingo kung saan maraming aktibidad at programang nakahanda para sa pista.
Tumblr media
Mga Pagkain na kilala o sikat sa Laguna
Buko Pie
Tumblr media
Espasol
Puto Binan
Okoy
Kesong Puti
Tumblr media
Mga Atraksyon Na Maaaring Mga Aktibidad Sa Pagsanjan Falls Sa Laguna
Ang Pagsanjan Falls ay makikita sa Pagsanjan, Laguna. Isa ito sa mga kauna-unahang tanawin na maaaring puntahan ng turista.
Dahil nga isa ito sa atraksyon, nasubukan naming na sumakay sa bangka upang makitang ang ba’t-ibang klase ng puno, rock formation at ang yamang gubat dito.
Napuntahal rin naming ang devil’s cave, ito ay may kadiliman at may pagkapanghi ngunit nabawi rin dahil sa kakaibang rock formation sa loob ng kweba. Hindi naming nagawang umakyat noon sa bundok dahil sa hindi maaaring umakyat ang bata sa bundok kahit na may gabay ng magulang. Nakakapanghinayang dahil hindi ko nagawang makita ang ganda ng Pagsanjan Falls sa ibang perspektibo.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Realisasyon
Ang Umibig sa Inang Kalikasan ay isa sa mga mahahalagangpag pagkatanto ko sa aking buhay. Nakakagalak na sa edad na tatlong taong gulang ay nabigyag ako ng magkakataon na makita ang ganda ng ating kalikasan. Ang aking mahalagang natutunan sa lakbayin na ito ay ang buhay ay parang isang talon o agos ng tubig. Patulong lamang hindi nagiging sagabal ang mga batong nakaharang upang ito ay magpatuloy kagaya sa buhay magkaroon man ako ng probleman, hindi ko dapat ito hayaan na maging hadlang ito para ako ay magpatuloy sa gagamitin ko ito upang mas mapagtibay ko ang aking sarili at mas lumakas ang aking tindig. Simisimbolo ito ng kadalisayan, katahimikan, at may malinaw intension sa buhay, mabibigay ito ng kapayapaan upang makapag-isip at pagnilayin ang mga pangyayri. Ang agos ng tubig ay minsang mabilis o minsan mabagal ngunit nag importante ay patuloy itong umuusad, tulad na lamang sa buhay, hindi importante kung gaano kalaki o kaliit ang progreso na iyong nagagawa ang importante ay may pag-unlad na nangyayari.
1 note · View note
falconimillar · 2 years
Text
'Usok sa Gubat', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
‘Usok sa Gubat’, dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’
Pitong taon na ang nakalilipas nang unang marating ni Kara David ang isla ng Sibuyan. Sa paglipas ng panahon, nagbago na kaya ang sitwasyon ng mga bata doon? Abangan ‘yan sa kanyang pinakabagong dokumentaryo ngayong Sabado, 10:30 PM sa GMA Network. from GMA News Online / Public Affairs https://ift.tt/BTXxLur
View On WordPress
0 notes
sunb0rn · 2 years
Note
may dalawang sundalo na naligaw sa gubat. may nakita silang bata na may dalang pugad. tinanong ng dalawang sundalo kung anong pangalan ng bata... Dalawang sundalo: anong pangalan mo? Bata: kung ano ang pandinig nyo, kung ano ang hawak ko at kung ilan kayo yun ang pangalan ko…… TANONG: anong pangalan ng bata ?
hala bobo ko dito pugad tapos dalawa/two (na sundalo) so ano pangalan ng bata?? 😭😭
5 notes · View notes
tundrainafrica · 3 years
Text
Title: Ang Huling El Bimbo
Summary:  
Hange Zoe. Isang bulong lamang na sumakay sa daloy ng hangin. Isang mahinang bulong na sa panaginip lamang nagiging musika at sa pagkakagising ko, nagiging ihip muli, na lumilipad patungong langit.
Levihan Filoweek Day 1: Kabataan
Note: 
Mga kaibigan, wala talaga akong plano magpost para sa Levihanfilo week pero nadepress lang ako dahil sa huling el bimbo. Bagay na bagay yung sa song na iyon sa Levihan huhu.
Link to cross-postings: AO3
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
Langit lupa impyerno...
Saksak puso...
Tulo ang dugo...
Kabisado ng lahat ng mga bata ang laro na iyon
Kabisadong-kabisado ko lang iyon dahil sa huling beses na nakilaro ako, tumulo talaga ang dugo ko. Tinulak niya ako patungo impyerno. Sa takot na baka naman mahuli ako ng taya o siguro sa gulat, hindi ko na namalayan ang pagkahulog ko hangga’t panay gasgas na ang tuhod ko.
Maaga akong umuwi noon. Umuwi ko sa hapdi ng alcohol, sa sermon ng nanay ko at sa pagdalaw mo sa akin na di ko inasahan. Pero humingi ka man rin ng paumanhin. Pinangako mo sa akin na hindi mo ako itutulak ulit.
Maiba Taya
Sa susunod na linggo, nang gumaling na ang mga sugat ko, naglaro ulit tayo, at katulad dati, takot ulit ako maging tayo. Mukhang takot ka rin.
Marahil hindi mo isinadya iyon ngunit tinulak mo ulit ako patungong sa lupa. Bumukas ulit ang mga sugat ko at humingi ka ulit ng paumanhin. Pinangako mo sa akin na hindi mo ako itutulak ulit.
Sinermunan ulit ako ng nanay ko. Pinatigil niya ako na maglaro sa labas kasama ninyo. Palihim na lumabas pa rin ako, para lang makasama ko kayo, para makasama ko pa rin kita.
Dahil sa huli, natuklasan ko, lahat ng mga nilaro natin, isang malaking sayaw at nadala ka lang sa musika, sa awit. Lahat ng mga kalaro natin ay may pare-parehong ninanais na patutunguhan. At sa agawan, sa pakikipagtalo, tayo’y nakikipag-ugnay, at nakakaindak sa isang awit na tayo mismo ang sumulat.
Nanay tatay gusto kong tinapay.
Ilang taon ang lumipas nang biglang sinabi na mama na busy ka.
Bata pa rin tayo. Guro pa rin ang may kapangyarihan sabihin kung kailan tayo puwedeng magsiuwian. Ngunit sabi na mama na may pangarap kang mag-aral sa Maynila kaya kahit kapit-bahay tayo, kahit patuloy pa rin naglalaro ang mga kapwa nating bata sa eskinita, ikaw naman kumukulong sa kwarto, hindi na lumalabas.
Minsan iniisip ko kung baka naman nakokonsensyahan ka lang dahil sa ilang beses mo akong tinulak. Pero sabi ni mama magdamag kang nag-aaral.
Gusto mong aralin ang mga halaman, ang mga hayop. Bagkus, sa manatili rito malapit sa mga ninanais mong intindihin nang mas malalim, lumayas ka pa, patungong Maynila.
HIndi pa ako nakapunta doon ngunit sabi ng nanay ko na kahit wala kang mahahanap doon na maski isang gubat o palayan, doon ka makakahanap ng paraan na ipatupad ang pangarap mo.
Nakonsensiya ka siguro, kaya noong nasawa ako sa pagkakahintay, noong dumaloy na ako sa iyo, pinabigyan mo ako. Ngunit sa halip na itinulak ako, ako ang humila sa iyo palabas ng bahay. Ngunit, nanatili lang tayo doon sa hirap.
“Sandali lang ah. Kailangan ko mag-aral.”
Isang laro lang. Hindi nga umabot ng kalahating oras.
“Nanay tatay gusto kong tinapay….”
Nang nasabi ko ang huling linya, nakapikit na ang mga mata ko. Kahit sa panahon na iyon, hindi ka na bata, kahit hindi na tayo sumasayaw, alam ko pa rin na sa panaginip ko, patuloy pa rin tayong nabubugso sa agos, sa isang awit na tayo lang ang nakakarinig.
Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Matagal ko nang inasahan ang huling pagkikita natin. Kaya, naganap ito nang tahimik at madaling limutin. Lumipat ang pamilya ninyo sa Manila, para sa pag-aaral mo.
Narinig ko lang mula sa malalayong bulong, na ika’y nasa ibang bansa na. Nag-aaral. Nagsasaliksik. Ako naman nanatili dito, nagugunita lang naman na kung siguro may pera lang tayo noon, may computer tayo noon ay baka naman may paraan para hindi na tayo kailangan kalimutin ang isa’t isa.
Ngunit, sa ngayon, nakikita ko lang kita pag sinusuwerte ako at nagpakita ka sa gabi. Ilang buwan o ilang taon ang lumipas nang natuklasan ko, na hindi naman kailangan sa panaginip lamang. Sa tuwing nagkukunwari ako na bata tayo ulit ay nakikita kita.
Nanay tatay gusto kong tinapay.
Sa hating-gabi, sa nakatakdang lunch break, habang nag-iipon ako, tinapay lang ang kaya kong bilhin. Habang kinakain ko iyong tinapay, nilalamon ako ng dilim, nilalamon ako ng huling beses na naglaro tayo nang magkasama.
Maiba Taya
Noong nagsimula ako magtrabaho, nagbago ang kahulugan ng ‘taya.’ Nagiging ‘pagtataya.’ Nakakatakot pa rin. Ngunit iba talaga ang takot na mahawakan sa takot na magkamali, mawalan ng trabaho at ang takot magutom.
Napansin ko noon, naglalaro pa rin ako, gusto ko pa rin ng taya. Naiiba pa rin ang mga taya. At sa gabi’y tuwing nagdadasal, minan ipinapatupad ng diyos ang hinihiling ko.
Na magkasama tayo ulit na naglalaro sa eskinita.
Langit, Lupa, Impyerno.
Kahit dati ko pa iyan kabisado, matanda na ako noong naintindihan ko ang awit na iyon. Noong naranasan ko na ang pagkawala mo.
Nakita ko lang sa balita: Nasagasaan ng kotse ang isang dakilang siyentista.Sa mga susunod lang na balita ko lang natuklasan na ikaw iyon.
Impyerno
Nasaan ka ba ngayon? Nahulog ka ba sa impyerno dahil ilang beses mo akong tinulak, itinaboy noong bata pa tayo?
Lupa
Nanatili ka lang bang isang bangkay na nakabaon sa lupa?
Langit
O naging isa ka bang paroparo, isang ibon, o isang eroplano? Parang iyan lang naman ang nais kong paniniwalaan.
Kahit kailanman, hindi ko maniniwala na hahayaan mo lang na mababaon ka, matahamik na mananatili sa ilalam ng lupa.
Mabuti nalang ay dati pa, sumuko na ako. Mabuti lang na dati pa, tinanggap ko na na sa mga panaginip ko lang kita makikita muli. Hindi ko hinanap ang tulak, ang haplos, ang nginig, ang maranasang sabik sa bulong mo.
Kung hindi lang sa mga panaginip na madalas ay matagal ko na kitang nalimutan.
Sa mga panaginip ay sumasayaw pa rin tayo, kumakanta habang bumubulong.
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo
Hange Zoe. Isang bulong lamang na sumakay sa daloy ng hangin. Sa isang mahinang bulong, sa panaginip lamang nagiging musika at sa pagkakagising ko, nagiging ihip muli na lumilipad patungo langit.
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
35 notes · View notes
whooolaanmo · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
yung Lunes ko ay sa Gubat
Nag kayayaan mag Gubat sidetrip na lang yung pasyalan yung lupa ng angkan namin sa Lansonesan at Rambutanan ang tanim, so ayon habang papunta nakakuha pa ako ng Star Apple o Caimito hahaha 😄 kain kain habang patungo nga sa Malaking Tubig ilog na may maliit na talon,.. so nung nakarating na kami di nakapag swimming kasi malumot pa kaya medyo ma brown greeny yung bato bato sa ilog,.. so tawid palayan kami punta na kabilang dako sa Bukal naman sa Naugong kasi laging malinaw ang tubig don malamig pa, languyan namin pamula bata pa kami free yan sa lahat ng gusto mag swimming 😊👌🏻 so ayon enjoy naman ang umaga hirap lang din sa mahaba haba talaga na lakaran akyat baba na daan pero ganda naman talaga ng view sa baba at taas panalo 💚👌🏻
Uuwi ng basa ang damit wala naman lugar na pagpapalitan so towel ang laman nung ecobag ko na red at mga kutkutin at tubig gatorade.
#ilog #talon #bukal #gubat #palayan #kalikasan #SKL
March 22, 2021
10 notes · View notes
anitosoul · 2 months
Video
youtube
BATAS NG GUBAT (LAW OF THE JUNGLE) LIVE
BATAS NG GUBAT (LAW OF THE JUNGLE) is a sonic and visual collage tracing the spirit of revolution centered through the history of the Philippines and the interconnectedness of the struggles of marginalized peoples' around the world. This recording was from the live performance of the project for Circuit Breakers hosted by Breaking Capacity, L3FTFIELD, and planetqueer at Trans-Pecos in Ridgewood, NY on February 2nd, 2024.
Tracklist and References
1. IBAGSAK
Edgar Jopson, Ferdinand Marcos & the Battle of Mendiola (First Quarter Storm) - January 30th 1970 | https://youtu.be/jWtWlsi5kdk - Anti-US rally in Manila, Philippines - 1970 | https://youtu.be/WByyDkySnmE
Anti-Marcos protests outside the Philippine Congress - January 25th 1971 | https://youtu.be/aauButUBjSg
Ibagsak Ang Imperyalismong Kano (Down with U.S. Imperialism) - https://youtu.be/c_MYJuZ4Zbc
2. CHILDREN OF DARKNESS
Muslim Gauze - Yasser Arafat's Radio | https://youtu.be/-QuzcApPAPE
The Palestinian (Al-Falastini) 1977, dir. Roy Battersby | https://youtu.be/yZqXkoqSjp8
Concerning Violence dir. Göran Olsson narr. Ms. Lauryn Hill | https://www.facebook.com/baeyoungco/videos/673325013345205/
Reem Anber, oud player, Gaza - Let Palestine Sing #1 | https://youtu.be/RLqoRWgiXKQ
kulintang and agong IMG 6751 | https://youtu.be/ZYqACdZebJg
3. HATAW NA
Alec Empire @ Groove Nation's CONSORTIUM 1996 | https://youtu.be/EKZn_X5z4w4
Alien Dame Tu Costa with Budots Dance | https://youtu.be/TCSjaWndczI
Budots feature on VICE Asia featuring DJ Love and Libya Montes | https://www.tiktok.com/@vice.asia/video/7238445862043536642
BUDOTS DANCE CAMUSGIRLS TIWTIW BOMB MIX | https://youtu.be/kgGvaQ0lUcg
4. MAKIBAKA
Fall o the I-Hotel dir. Curtis Choy | https://youtu.be/lzrWwvI8JpI
Dub Poetry ft. Sankofa | https://youtu.be/Wpmy0nCkrhM
Jungle Soundclash - The ‘Grand Final’ - 16th July 1994 | https://youtu.be/XVj2TrkymZs
Iba Ang Pinoy: Dakila | https://youtu.be/Antt2qSgJ8w
Late 1970s San Francisco Mission District, Chicano Street Scenes | https://youtu.be/I0Hqnn8cdRE
Dakila - Make Me a Man | https://youtu.be/zHVxh19eh10
Dakila Language Lessons | https://youtu.be/ag1Lg1eTrdI
5. A RUSTLING OF LEAVES
A Rustling of Leaves: Inside the Philippine Revolution (1988) dir. Nettie Wild | https://youtu.be/qpOxlSFhEmc
The Mermaids of Lake Sebu dir. Benoît Ségur | https://youtu.be/r_lWRvuuZzI
1 note · View note
xiecll · 3 years
Text
Tagaytay, may kagandahang taglay
Tumblr media
Tagaytay
Ang Tagaytay ay isang city na matatagpuan sa Cavite, Philippines. Ang Tagaytay ay isa sa mga popular na tourist destinations dahil marami ditong sikat na pasyalan, resort, kainan, tindahan at matatanaw mo rin dito ang Taal Lake at Taal Volcano.
Ang salitang Tagaytay ay galing sa salitang “taga” na ang ibig sabihin ay cut at ang salitang “itay” naman ang ibig sabihin ay father. Ayon sa legend, ang father and son daw ay nagpunta sa gubat para manghuli ng wild boar pero agad silang napansin ng wild boar kaya sila hinabol nito. Nang malapit ng lapitan ang father, biglang sumigaw ang kanyang anak at ang sabi ay “taga itay!”. Paulit-ulit itong sinigaw ng kanyang anak at nag echo ito sa buong gubat. Dahil dito, maraming nakarinig sa sigaw ng bata, mga residente, hunters and wood gatherers at naging usap usapan na rin ito sa buong lugar. Mula noon, ang lugar na iyon ay tinawag na nilang Tagaytay at ang salitang Tagaytay ay naging bahagi na ng salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay “ridge”.
Ang Tagaytay ay isa sa mga favorite na tourist attractions ng mga Pinoy at gayundin ang mga foreigner dahil sa napakaganda ng klima sa Tagaytay at marami ding tourist establishments ang matatagpuan sa Tagaytay at dito rin matatanaw ang napakagandang view ng Taal Lake at Taal Volcano.
Mga Atraksiyon sa Lungsod ng Tagaytay
Tumblr media
Taal Volcano
Maliit pero mabagsik ang Taal Volcano. Isa rin ito sa mga pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. Madalas itong pinupuntahan ng mga turista na sa Tagaytay. Isa ito sa mga magagandang pasyalan sa Luzon dahil maganda ang tanawin sa lugar. Puwede ka ring sumakay sa kabayo papunta sa crater lake o kaya ay ATV.
Kung sapat na sa’yo ang malayuang view, puwede ka lang mag-book sa mga hotel o kumain sa mga restaurant kung saan kitang-kita ang Taal Volcano.
Tumblr media
Sky ranch
Isang libangan at entertainment park, nag-aalok ang 5-hectare na pag-aari na ito ng mga nakagagalak na pagsakay, mga lugar na kainan, pagsakay sa kabayo, at kamangha-manghang tanawin ng Taal Lake. Ito ay isang lugar kung saan masisiyahan ang mga bata at matatanda. Bukod sa pagiging pampamilya, ang amusement park na ito ay bukas din sa mga kaganapan at pagtitipon. Mayroon itong lugar ng mga kaganapan na 2000sqm na tinatawag na The Venue na nagsisilbi sa mga kaganapan sa korporasyon, mga pagtanggap, at iba pang mga pagtitipong panlipunan.
Tumblr media
Paradizoo
Ang Paradizoo ay isang paglalaro ng salita mula sa mga salitang "paraiso" at "zoo". Ito ay isang 10 ektarya na tema-parke na may mga alaga at exotic na mga hayop, mga hardin ng bulaklak, at iba pa. Kasama rito ang mga llamas, kabayo, mga hayop sa bukid kung saan maaari kang makipag-ugnay at pakainin sila, mga baka, kambing, atbp.
Noong nakaraang Nobyembre, isang kaganapan ay ginanap sa Paradizoo. "Who Let the Dogs Out: A Dog Fashion Show", isang kaganapan para sa mga aso at may-ari ng alaga. Ang 21 mga kalahok ay sumali kasama ang kanilang maayos na mga aso sa iba't ibang kasuotan, kasuutan, at fashion, na may mga tema, kaswal, cosplay, at Halloween. Makakakita ka ng mga alagang hayop sa kanilang kaakit-akit, kung hindi kakila-kilabot, kasuotan at kasuotan kasama ang kanilang mga may-ari habang rampa sila sa entablado.
Mga Masasarap na Pagkain sa Tagaytay
Tumblr media
Puto Bumbong
Takam na takam kami sa puto-bumbong dahil sa bango nito at sa kaaya-ayang kulay. Creamy at sakto ang tamis kaya hinding hindi ka mauumay dito. Syempre, masarap ito partneran ng mainit na chocolate o kaya malamig na softdrinks para sa pang merienda.
Tumblr media
Barbeque at Kebab
Isa ito sa paborito naming pagkain doon dahil hindi ordinaryo ang panlasa nito. Maihahambing namin ito sa barbeque ng Aristocrat ngunit napakaswak neto sa budget. Sa halagang 40 pesos ay maari mo na itong matikman.
Tumblr media
Bibingka
Hindi mo na kailangang hintayin bago ang pasko para makatikim ng masarap na bibingka dahil dito, araw araw ay hahainan ka ng mainit at bagong luto ng bibingka. Malalasahan mo ang espesyal na lasa nitong pinaghalong tamis at alat kasabay makremang lasa ng pinudbod na niyog.
1 note · View note
rielrishi · 3 years
Text
Damhin ang Lamig sa Summer Capital of the Philippines!
Tumblr media
Sa taong 2019 kung saan kami ay nasa ika-sampung baitang sa hayskul, nagkaroon kami ng retreat na ginanap sa bayan ng Baguio. Ang City of Pines kung tawagin na matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon ay isa sa mga sikat na tourist spot sa Pilipinas. Sa buwan ng Enero na sinasabing pinaka-malamig na panahon sa Baguio ang napiling buwan upang ganapin ang aming retreat. Dahil sa temperatura ng nasabing lugar, maraming aktibidad ang maaaring gawin nang hindi pinagpapawisan.
Ang Baguio City ay tinatawag din na Summer Capital of the Philippines dahil sa kakaibang klima nito na hindi madalas nararanasan sa Pilipinas. Dinadagsa ito ng mga Pilipino at turista na nagbabakasyon lalo na sa tag-init. Makikita rin dito ang mga puno ng pino na isa sa mga naging dahilan upang sumikat ang nasabing lugar. Ang mga pista sa Baguio ay isa rin sa mga inaabangan ng mga tao tulad ng Panagbenga Festival o ang pista ng mga bulaklak. Ito ay ginaganap sa buong buwan ng Pebrero upang ipakita ang mayamang kultura ng lugar at ang kasaganahan ng mga bulaklak.
Kahit piling lugar lamang ang aming napuntahan, ang retreat ng aming klase sa Baguio ay isa sa mga hindi malilimutang alaala ng aming buhay bilang hayskul dahil sa mga karanasan na naganap sa lugar na ito. Matatalakay ng blog na ito ang mga sikat na tourist spot sa Baguio na aming napuntahan kabilang na rin ang aming mga karanasan, rekomendasyon, at komento.
Una sa lahat, paano nga ba makakapunta sa Baguio?
Tumblr media
Hindi madali ang pagpunta sa Baguio dahil sa layo ng lugar at sa tarik ng mga dinadaanang kalsada paakyat dito. Para makapunta sa Baguio kung ang pinanggalingan ay sa labas ng Luzon, kailangan munang makapasok sa Maynila o sa Clark Airport. Mula rito, mayroong iba’t ibang paraan at mga alternatibo na puwedeng gamitin upang makapunta sa Baguio.
Isa sa mga alternatibo na maaaring piliin ay ang bus na pinakamadalas at pinakamatipid na paraan upang makapunta sa Baguio galing sa Metro Manila. Iba’t ibang klaseng mga bus katulad ng Victory Liner at Dagupan Bus ang matatagpuan sa Metro Manila. Mahigit 4-6 oras ang tatahakin upang makarating sa Baguio kung gagamitin ito.
Sa kaso nang pagpunta namin sa Baguio, ang retreat o recollection ang aming sadya kaya naman sumakay kami ng bus na nirentahan ng paaralan. Dahil galing kami ng Dinalupihan, Bataan, tumagal ng mahigit tatlong oras ang biyahe namin papunta roon. Dinaanan namin ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) hanggang sa hilaga sa Tarlac City, Tarlac. Mula roon, dumaan kami sa dating McArthur Highway hanggang sa Rosario Junction, La Union at pagkatapos ay dumiretso na kami papuntang Baguio City.
Kung mayroon namang puwedeng gamiting sasakyan, mas makakatipid ito kumpara sa pagkokomyut dahil ang gasolina lamang ang proproblemahin. Hindi pa mahirap ang paglalakbay patungong Baguio City dahil hindi na kinakailangan pang magpapalit-palit ng sinasakyang transportasyon upang makarating dito.
Anu-ano nga ba ang mga sikat na tourist spot na matatagpuan sa Baguio City?
1.    BURNHAM PARK
Tumblr media
Ito ang una naming pinuntahan pagkarating namin ng Baguio City dahil ito ang lugar kung saan kami kakain. Nakarating kami rito ng alas dose ng tanghali upang makapagpahinga at makapaglibot. Pagkababa namin ng sasakyan ay dama na ang lamig ng buong paligid. Maraming tao at mga tindahan ang bumungad sa amin sa parkeng ito. Naghanap kami agad ng puwesto na pagkakainan at napadpad sa mga upuan na napapaligiran ng mga puno. Ang lugar na ito ay napakaganda dahil sagana ito sa mga puno at agaw pansing mga tanawin. May mga unggoy din na pagala-gala sa lugar na ito ngunit kinakailangang maging maingat upang hindi makain ang dalang pagkain at hindi manakit ang mga ito ng tao.
Tumblr media
Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad kami sa palibot nito. Nakakita kami ng lugar kung saan maraming tao ang gumagamit ng bisikleta, karaniwan ay mga magpapamilya at magbabarkada. Hindi namin nasubukang sumakay dito dahil maraming tao ang sumasakop sa daan kung saan magbibisikleta at dahil na rin inaalala namin ang limitadong oras na mayroon kami sa paglilibot dito.
Tumblr media
Sa paglalakad-lakad ay nakakita kami ng lugar kung saan puwedeng sumakay ng bangka. Naglakas-loob kami na subukan ito at bandang huli, naging isa ito sa mga magagandang karanasan na hindi namin kailanman malilimutan. Masaya ang pagsakay dito ngunit may pangamba na baka matumba dahil kaunting galaw lamang ay umuuga na ang bangka. Mayroon kaming nakilalang bata na tiga-sagwan ng bangka na isa rin sa mga nagtatrabaho rito. Marami kaming istorya na narinig tungkol sa buhay niya, mayroong masaya ngunit madalas ay puro kalungkutan at pagsubok. Habang nakasakay ay matatanaw ang magagandang tanawin kagaya ng mga naggagandahang bulaklak at nagtataasang mga puno. Nagbibigay ganda rin sa lugar ang napakalamig na klima rito.
2.    PHILIPPINE MILITARY ACADEMY / PMA
Tumblr media
Ang Philippine Military Academy o PMA ay matatagpuan sa Fort Gregorio del Pilar. Kilala ang akademya dahil dito sinasanay ang mga Pilipinong nais mapasama at maging isang opisyal na militar ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP). Tumatanggap ang eskwelahan ng mga bisita at turista upang maipakita ang ganda at kultura nito. Malawak ito at maraming puwedeng selfie spot. Madami ring puno ang nakapaligid dito at malalaking gusali na madalas ay kulay puti. Dahil sa lawak ng eskwelahan, nakakita rin kami ng mga gubat at bangin na kadalasang may harang. Ramdam na ramdam dito ang lamig ng simoy ng hangin pati na ang katahimikan ng paligid. Sa paglilibot dito, marami kaming nakitang mga istatuwa, mga eroplano, at iba pang mga ginagamit ng militar.
Tumblr media
Matahimik ang eskwelahan noong binisita namin ito. Kakaunti lamang ang mga taong nakakasalubong namin at madalas ay mga estudyante ito ng eskwelahan. Kadalasan sa mga estudyante ay naka-uniporme at palakad-lakad lamang. Sa paglilibot dito, nakakita rin kami ng mga sundalong sinasanay habang sila ay nagmamartsa. Hindi masyadong nagtagal ang aming pagbisita sa nasabing akademya. Ang mga nagawa lamang namin dito ay kumuha ng litrato at mamili ng opisyal na uniporme ng eskwelahan.
Tumblr media
Kahit wala kaming masyadong nagawa rito, ang mga karanasan naman namin ay isa sa mga hindi malilimutan. Nakaramdam kami ng kalayaan sa pagbisita namin sa PMA. Kahit mayroong mahigpit na alituntunin na sinusunod, ang kalayaan na aming naramdaman ay dahil sa pinaghalong lamig at katahimikan. Mapapatitig ka na lamang sa walang hanggan nang hindi namamalayan. Dahil ang aming eskwelahan sa hayskul ay maliit lamang, kakaiba sa aming paningin ang makapunta sa isang malawak na paaralan. Dito namin naramdaman ang tuwa na may halong kaba dahil malapit na kaming magkolehiyo. Sa pagbisita namin sa Philippine Military Academy o PMA, nagbaon kami ng pansariling karunungan at nakapag-uwi kami ng hindi malilimutang mga karanasan.
3.    MINES VIEW PARK
Tumblr media
Isa rin ang Mines View Park sa mga tourist attraction na dinagdagsa ng karamihan tuwing bumibisita sa lungsod ng Baguio. Ang parke na ito ay isa sa mga bilihan ng pasalubong. Marami at iba-iba ang tinda sa Mines View. Mga pagkain, laruan, damit, at halaman ang madalas na makikita dito. Hindi namin masyadong nalibot ang lugar dahil sa dami ng tindahan. Kinailangan naming tignan ang bawat isa dahil kakaiba at magaganda ang mga produkto rito.
Tumblr media
Sa pagpasok pa lang ay mayroon ng mga damit ang nakabungad. Kinailangan naming maging praktikal sa pagbili dahil tiyak na mapaparami ang mabibili namin. Makukulay at magaganda ang kalidad ng halaman na ibinebenta sa parke. Mayroon ding mga kwintas at mga damit panglamig sa iba’t ibang sulok ng Mines View. Karamihan sa mga binili namin ay iyong mga pagkain na nakabote tulad ng peanut brittle, strawberry at ube jam, lengua de gato, at pati na rin mga tinapay. Mayroon ding mga kagamitan na kadalasang gawa sa kahoy tulad ng keychain. Kadalasan sa mga produkto na makikita rito ay likhang kamay na nagpapakita ng talento ng mga mamamayan sa Baguio. Makakabili rin dito ng matitibay na walis tambo, wallet, at mga ginanchilyong kagamitan tulad ng bonnets at bag.
Tumblr media
Masaya at maganda ang mga naging karanasan namin sa Mines View Park. Malawak ang lugar at mababait ang mga tao. Sari-sari rin ang pagpipilian at tiyak na maraming maiuuwi sa pabalik sa Bataan. Dahil binisita namin ito sa unang araw, hindi muna kami bumili ng mga gulay at prutas sa pangamba na baka ito ay mabulok. Hindi kailangang matakot na hindi makabili ng mga sariwang prutas at gulay dahil ang susunod na destinasyon ay pinuntahan namin dahil sa layuning makapag-uwi ng mga pasalubong.
4.    VEGETABLES AND PASALUBONG STALLS
Tumblr media
Bago lumabas sa bayan ng Baguio, hindi maaaring malimutan ang pagbili ng pasalubong. Ang mga kuwadra o bilihan ng mga gulay at pasalubong ay isa sa mga kinakailangang puntahan bago umalis ng Baguio. Sari-sari ang mga produktong makikita sa mga tindahan. Makikita rito ang mga sikat na pagkain na mabibili lamang sa Baguio.
Tumblr media
Dahil sa dami ng tindahan, kinailangan naming mag-ikot-ikot upang makahanap ng mas mababang presyo. Madaming pagpipilian na gulay at pasalubong dito. Kadalasan ay pareho lamang ang tinitinda kaya naman mahalagang malibot ang ibang tindahan upang mapagkumpara ang mga presyo. Ang kadalasang binili ng aming klase ay gulay at presa o strawberry. Mapapamura ka rin dito dahil nagbebenta sila ng isang malaking plastik ng gulay na angkop para sa pagluluto ng chop suey.
Tumblr media
Mabilis ang naging pagbisita namin dito dahil nasa tabi ito ng kalsada. Gayon pa man, hindi kailangang matakot na maubusan ng bibilhin dahil sa dami ng mga tindahan na nakahilera sa isang gilid. Mababait din ang mga tindera at tila ba mga eksperto dahil hindi sila nalilito sa mga sukli at benta kahit madami ang mga bumibili. Sulit ang pera na gagastusin dito dahil ang mga produkto nila ay sariwa at may magandang kalidad.
5.    MANAOAG CHURCH
Tumblr media
Maraming tao ang sinasadyang bumisita o dumaan sa Manaoag Church bago umuwi sa kanilang tahanan. Ito ang huling lugar na aming pinuntahan sa buong paglalakbay dahil madadaanan namin ito bago umuwi sa Bataan. Pagkarating namin dito ay mga tindahan ng mga pulseras na puwedeng ipabasbas sa isang pari sa gilid ng simbahan ang agad nakaagaw ng aming pansin. Masasabing napakasagrado ng lugar na ito dahil pagpasok palang namin sa loob ay makikita agad ang mga tao na taimtim na nagdadasal at nagpapahid ng kani-kanilang panyo sa mga poon sa loob ng simbahan. Kami ay nagdasal lamang saglit at saka ipinabasbas ang mga nabiling pulseras.
Tumblr media
Pagkalabas ng simbahan ay dumako kami sa lugar kung saan makikita ang isang poon ng Our Lady of Manaoag. Sa gilid nito ay ang puwesto kung saan puwedeng magtirik ng kandila at magdasal ng taimtim, ito ang tinatawag nilang Candle Gallery. Bawat kandila ay may sinisimbolo kagaya ng Health, Family at iba pa. Mayroon ding puwesto kung saan puwedeng magdasal sa pamamagitan nang pagpapalutang ng sinindihang kandila sa tubig.
Tumblr media
Pagkatapos ay sinadya naming puntahan ang Rosary Garden kung saan matatagpuan ang iba’t ibang istasyon ng rosaryo. Ito ay bagay sa mga taong naghahanap ng lugar kung saan puwedeng magmuni-muni at magpakalma ng sarili. Pagpasok ay kita ang crucifix o ang krus kung saan pinako si Hesukristo. Bawat parte ng hardin ay naglalarawan ng mga misteryo ng rosaryo. Mapapansin din dito ang malaki at nakahigang rosaryo. Maraming halaman ang nakapalibot dito kaya naman isa ito sa mga lugar na magandang kuhanan ng mga litrato.
Tumblr media
Sa bawat lugar na aming tinunguhan, maraming tanawin at tao ang aming nakita at nakasalamuha. Iba’t ibang realisasyon at aral ang napulot namin na makakatulong sa lalong pagpapaganda ng aming buhay. Nakakatuwang isipin na maraming tanawin o lugar ang puwedeng maipagmalaki ng bawat Pilipino dahil ang bawat isa ay nagtataglay ng kamangha-manghang kuwento na kinapupulutan ng aral ng buhay. Dahil sa paglalakbay namin sa Baguio City, nalaman namin na ang pagtungo dito ay nagbibigay kasiyahan sa bawat isa. Marami pa kaming lugar na hindi pa napupuntahan ngunit ang Baguio City ang isa sa mga lugar na aming babalik-balikan. Kahit na ito ay napakalayo at nakakapagod, hindi namin ito naramdaman dahil sa bumungad na tanawin, mga lugar na maaaring libutan at kainan, at pati na rin ang lamig ng hangin na naging parte ng memorya na aming papahalagahan.
Kung kinakailangan ng lugar na lilibutan at pagbabakasyunan, hindi dapat magdalawang-isip na piliin ang Baguio City dahil sulit ang mga karanasang makukuha rito. Kung ninanais na hanapin, aliwin o bigyang oras ang sarili, ang lugar na ito ang makakatulong upang maisagawa ang mga ito. Bago pumunta at magbakasyon sa ibang bansa, subukan munang libutin at tuklasin ang iba’t ibang lugar sa sariling bansa dahil ang pagpapahalaga sa sariling atin ay magbibigay-tibay sa ating bayang sinilangan.
KREDITS SA MGA MAY-ARI NG LITRATONG GINAMIT SA BLOG NA ITO.
2 notes · View notes
tyrelleswift13 · 4 years
Text
Ang batang si Magdalena ay naka-tira sa ilalim ng pulang bubong na galing sa yero at dingding na gawa sa kawayan. Oo, masikip. Oo, mainit. Tama ka, madilim. Ngunit hindi naman niya ito napapansin. Hindi siya tulad ng ibang mga bata na ang gusto ay ang mga sosyaling bagay. Isa lang naman ang gusto niyang sosyalin sa buhay niya- ang magkaroon ng pamilya. Inulila siya ng kanyang pamilya dahil hindi na nila kayang alagaan ito. Iniwan siya sa mala-gubat na lugar. Buti na lang at may nakakita sa kanya. Ang nakakita ay si Jo, isang dalaga na may kasamang pamilya. Hindi sila mayaman, hindi rin sila mahirap. Katamtaman lang. Ikinuwento niya ito sa kanyang mga magulang at agad nilang nilapitan si Magdalena. Sa oras na iyon, naisip nilang gawan man lang ng matutuluyan ang bata sa tabi ng kanilang bahay. Hindi puwede sa loob si Magdalena kasi puno na rin ng tao ang loob ng bahay. Doon lumaki si Magdalena sa bahay na bubong ay yero at dingding ay kawayan.
2 notes · View notes
harayaatguniguni · 4 years
Text
Tumblr media
“Si Zero sa Mapanganib na Mundo”
Sa panahon kung kailan ang mga tao ay tuluyan nang nawalan ng amor sa kalikasan, may isang gubat sa lalawigan ng Sinap, na pinangingilagan ng lahat. Binansagan nila itong “Gubat ng Panganib”. Tampulan ito ng mga kwentong kababalaghan dahil bukod sa mayroon itong malalago at nagtataasang mga puno na pumipigil sa pagpasok ng liwanag sa loob ng gubat, sinasabing pugad rin ito ng mga hindi maipaliwanag na nilalang.
“Nang minsan akong mapadpad sa loob ng gubat, nakakita ako ng higanteng gagamba! Aba! Balak ba naman akong kainin. Buti nalang at nabalian ko siya ng isang paa,” mayabang na sabi ng isang lalaki sa kaniyang mga kainuman.
“Balita ko’y may engkanto roon na nangunguha ng kaluluwa,” sabi naman ng isang ale sa kaniyang kapitbahay.
“Sabi ng lola ko, nakapagsasalita raw ang mga hayop sa loob ng gubat na ‘yon,” pagbibida ng isang bata sa kaniyang mga kaklase.
Pinagpasa-pasahan na ang iba’t ibang bersyon ng kwento tungkol sa gubat na ito. Maging ang mga taong ni hindi narating ang bukana ng gubat ay naniwala at ipinakalat ang mga sabi-sabi hanggang sa tuluyang binalot ng takot ang mga mamamayan.
Isang araw, gaya ng tipikal na tagpo sa lalawigan ay abala ang bawat mamamayan sa kani-kaniya nilang mga gawain nang biglang may isang binata ang namataang kumakaripas ng takbo sa kalsada. Kapansin-pansin and punit niyang kamiseta, marungis na pantalon, at hawak niyang isang supot ng tinapay. Nakasunod sa kaniya ang dalawang tanod at isang ale na walang humpay sa pagsigaw ng, “Magnanakaw! Magnanakaw!”
Halos mapatid na ang lumang tsinelas ng binata ngunit tuloy parin siya sa pagtakbo. Hindi na niya matanaw ang kaninang mga humahabol sa kaniya ngunit hindi parin siya humihinto. Gusto niyang makasigurado; mahirap na kapag nahuli dahil tiyak na ang parusang matatanggap niya ay higit pa sa halaga ng ninakaw niyang supot ng tinapay. Mayaman ang may-ari ng bakery, at sa lalawigan ng Sinap, may sariling batas ang mayayaman.
Palubog na ang araw nang mapansin niyang nasa harap na niya ang kinatatakutang “Gubat ng Panganib”. Wala siyang mapuntahan ngayong gabi. Kapag sinubukan niyang bumalik ay siguradong pag-iinitan siya. Kumuha muna siya ng tinapay sa supot at kumagat. Umaasang mapatigil nito ang pangangatog ng tuhod na hindi niya alam kung dahil ba sa gutom o kaba.
Tinanaw niya ang loob ng gubat — masyadong madilim. Totoo ngang natatakpan ng mga puno nito ang liwanag ng kalangitan.
“Totoo rin kaya ang mga nilalang sa loob nito?” naghahalo ang takot at pananabik sa puso ng binata. Nais niyang malaman ang sagot.
Maingat siyang pumasok sa loob ng gubat. Masyadong madilim at malamig ang hangin kaya mabilis siyang napapalingon sa bawat marinig na kaluskos. Tuloy ang kaniyang paglalakad hanggang sa makita niya ang mga munting liwanag. Parang sumasayaw na mga bituin.
“Napakaganda,” sambit niya nang hindi namamalayan.
Sinubukan niyang hulihin ang isa ngunit masyado itong mailap. Hinabol niya ang mga munting bituin na tila nakikipaglaro rin sa kaniya.
Hanggang sa hindi na niya namalayan na bangin na pala ang aapakan niya dahilan upang siya’y mahulog. Walang patid ang kaniyang pagsigaw. Ilang sandali pa ay may malasinulid na pilak na bumalot sa kaniyang katawan. Unti-unti siyang iniangat nito hanggang sa muli niyang maiapak ang mga paa sa lupa. Makalipas ang ilang segundong pagtitig sa nilalang ay napagtanto niyang isa itong higanteng gagamba at sa takot ay nawalan siya ng malay.
Maiging ibinalot sa sapot ng gagamba ang binata at dinala ito sa pusod ng gubat kung saan matatagpuan ang pinakamatandang puno sa tabi ng sapa. Nadatnan niya roon ang isang babae na nakikipagkwentuhan sa isang kwago.
“Diyosa Ikapati, nasagip ko ho sa bangin— isang tao,” sabay lahad ng katawan ng lalaki.
“Ano kamo? Isang tao? Nakapagtataka. Napakatagal na mula nang may mapadpad na tao rito,” inusisa ng diwata at ng kwago ang katawan.
“Salamat sa pagsagip sa kaniya. Kami na ang bahala,” dagdag ni Ikapati kasabay ng isang matamis na ngiti.
Pinagtulungan ng Dyosa at kwago na alisin ang nakabalot na sapot sa katawan ng binata. Ilang saglit pa’y nagising na ito.
“Ako si Ikapati, ang dyosa sa gubat na ito,” pakilala ng babae.
“D-dyosa? Bakit napakaputla mo, hindi ka ba isang multo? At tsaka ba-bakit ganyan ang suot mo?” pagtataka ng binata na halos hindi na maipinta ang mukha.
“Ah! Ito ba? Ginagaya ko lamang kung ano ang kasuotan niyong mga tao. Minsan kasi ay binibisita ko ang mundo niyo,” mahinahong sabi ni Ikapati.
Mabilis na bumangon ang binata.
“Sandali, anong pangalan mo?” pahabol niyang tanong.
“Pangalan?” Parang may kumurot sa puso niya. Napakatagal na mula nang may tumawag sa pangalan niya o kahit magtanong man lang kaya kahit siya mismo ay nakalimot na. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
“Zero!” bulalas niya. “Zero ang pangalan ko!” Bakas ang pagkabigla at kasiyahan sa boses ng binata.
“Ikinagagalak kong makilala ka,” sabat ni kwago na ikinagulat ng binata.
“Nakapagsasalita ka nga! Totoo ang mga kwento,” namamanghang sabi ni Zero. “Teka, sasaktan niyo ba ako? Kukunin niyo ba ang kaluluwa ko?” takot naman ang nangibabaw ngayon sa kaniyang puso.
“Hindi lahat ng maririnig mo sa mundo ng tao ay totoo,” natatawang sabi ng kwago. “Hindi rin lahat ng kamangha-mangha ay purong kathang-isip.”
“Hindi totoong nananakit kami. Sa katunayan, mga tao ang unang nanakit sa amin,” malungkot na sabi ni Ikapati. “Sinaktan niyo kami noong unti-unti niyong pinatag ang mga bundok, kinalbo ang ilang gubat, pinatay ang mga ilog at sapa. Sinaktan niyo kami noong tuluyan niyo kaming nilimot — kinatakutan,” dagdag pa niya. “Sa gubat na ito kami nagkaroon ng sariling buhay. Malayo sa tao. Malayo sa pagmamalupit at sa kinatatakutang pagkalaho.”
Hindi na nakapagsalita pa si Zero at sa isang kisapmata’y nakita niya ang kaniyang sarili na nasa labas na ng gubat. Tumimo sa kaniyang isipan ang lahat ng sinabi ng diwata at kwago. Napagtanto niyang hindi pala ang mundo sa loob ng gubat ang mas mapanganib kundi ang nasa labas. Naisip niyang kailangan niyang maging mas matapang hindi lamang para sa sarili niyang buhay kundi para sa buhay ng kalikasan.
Note:
Ito ang piyesang ipinasa ko sa CANVAS nang subukan kong sumali sa Romeo Forbes Children's Story Writing Competition last 2018. First time kong magsulat ng short story at pambata pa haha pero sadyang naengganyo lang ako kasi ang twist ng timpalak ay bubuo ka ng pambatang kuwento na maaaring nakasulat sa Filipino o Ingles at hindi lalagpas sa 1,000 salita base sa napili nilang artwork. 'Yang larawan sa itaas ang artwork na naabutan ko na gawa ni Don Bryan Bunag. Nakakaengganyo rin ang premyo, 45,000php + 3 kopya ng akda mo na ililimbag nila. Nakaeengganyo rin ang layunin, ipamimigay nila ang mga aklat sa mga bata mula sa mahihirap na pamilya na beneficiaries ng kanilang organization.
Dahil sa contest na ito, napagtanto kong mas mahirap pala gumawa ng children's story haha at sobrang dami ko pang kailangan matutunan sa pagsusulat. Isang masayang karanasan. Talagang naglakbay ang aking imahinasyon. Sa huli, nakatutuwa pa ring isipin na isa ako sa 300+ na sumubok.
Tuloy lang sa pagsulat.
1 note · View note
Text
DUMAGUETE
Ang dumaguete ang kabisera ng bayan ng probinsya na Negros Oriental sa Pilipinas. Tulad ng ibang mga lungsod ang dumaguete ay mayroong mahabang kasaysayan at maraming kathang-isip at kwento na tumulong sa pag buo ng kultura at katangian nito. Kilala rin ito bilang “City of gentle people”, pero hindi tiyak kung bakit ito tinawag na dito, ngunit ang mga tao dito ay kilala sa pagiging pala kaibigan kaya ito ay popular na destinasyon ng turista. Ang ‘Dumaguete’ ay nanggaling sa visayang salita na ‘daggit’ na ibig-sabihn ay ‘to snatch’, marahil ito ay dahil sa pagiging biktima sa mga pirata na sumasakop, ninanakawan, at umaalipin sakanila. Ang isang kilalang kwentong bayan dito ay ang kwento ni Catalina.
Catalina ng Dumguete
Tumblr media
Noong unang panahon ay may isang lalaking nagbebenta ng tuba nag ngangalang banog may anak syang ang pangalan ay Catalina. Si Catalina ay mabait at masipag, ngunit minsan lamang syang magsalita at madalas na nakatingin sa dagat.
Isang araw ay mayroong maraming barkong papunta sa kanilang isla. Daan-daang mga moro ang bumababa sa mga barkong ito. Pumatay sila ng maraming tao at kasama na rito si Banog. Ninakawan at sinunog rin nila ang mga bahay at kinuha ang lahat ng babaeng kanilang mahahanap, kasama na rin dito si Catalina. Habang sila ay nakatali sa harapan ng barko ay nakatingin lamang sa langit si Catalina, kinakausap sya ng kanyang mga kasama ngunit hindi sya sumasagot.
Bigla tumalon si Catalina sa tubig ngunit sahalip na lumubog sya sa tubig ay naglakad lamang sya dito papuntang lupa. Sa pagkamangha ng mga moro ay hindi na nila napigilan sa Catalina at ligtas na nakabalik sa lupa.
Ang ibang taong nagtago sa gubat ay tumakbo para salubungin sya ngunit wala syang pinansin sakanila. Linagpasan nya lamang ang nasunog na bayan ng Dumaguete at naglakad papunta tinatawag na “the great Thunder Mountain of Dalugdug”
Sa bundok ng Dalugdug ay sinasabing may nakatirang sigbin. Ang katawan daw nito ay parang uwak at mayroong dalawang binti na parang mga binti ng tipaklong na nagbibigay ditto ng kakayahan na tumalon ng malalayong lugar nang hindi ginagamit ang kanyang pakpak. Maraming magkakasalungat na paglalarawan dito, marahil ito ay dahil ilang tao lamang ang nakakaligtas sa pagkakasalubong rito. Kinakain nito ang kahit sinong lumapit sa kanyang bahay, kaya nang makita nila si Catalina na nagsimulang umakyat ay pinlit nila ito na huwag ituloy. Hindi nya inintindi ang kanilang sinabi at umakyat lang ng umakyat.
Bigla syang tumigil at tinaas ang kanyang kamay. Mayroong nakakatakot na tunog na narinig, nagmamadaling bumaba ang sigbin sa bundok habang sumisigaw. Tumalon ito sa taas ng mga tao at pumunta sa isla ng Cebu para magtago sa mga bundok.
Nang nakita ito ng mga tao makyat agad sila upang hanapin si Catalina. Ngunit hindi nila ito nahanap, kahit nalulungkot sila ay sinimulan na nila pag gawa ng bagong bahay at pagpapaganda uli ng kanilang bayan.
Paglipas ng ilang taon ay may mga barko ulit na papunta sa kanilang isla. Handa nang lumaban ang mga lalaki at ang mga bata at babae naman ay nagtago sa gubat. Natalo nila ang ibang mga moro ngunit mayroon pang maraming dumating kaya sila ay natalo ng mga ito
Mayroong nakakamanghang nangyari. Ang mga ulap ay lumutang sa langit at naging tulay galling sa Thunder Mountain papuntang Dumaguete, naglakad pababa si Catalina sa tulay habang may hawak na beehive o bahay-pukyutan may sinabi syang magic words at nilagay ito sa lupa. May sinabi syang isang salita ng utos, sa sa halip na bubuyog ang lumabas ay mayroong libo-libong maliliit na tao ang lumabasna may hawak na sibat, sinalakay nila ang mga pirate at inatay silang lahat, Kinuha ni Catalina ang bahay-pukytan at bumalik siya sa  ulap na tulay papunta sa Thunder Mountain nang walang sinabing ibang salita.
Tumakbo pabalik ang maliliit na tao sa Thuunder Mountain at sinasabing nabubuhay parin sila hanggang ngayon ng malaya. Hindi na bumalik ang sigbin at sinasabing nsa Cebu parin.
Lugar na dapat puntahan
Dahil tapos na tayo sa nakakapamanghang kwento ng dumaguete pumunta naman tayo sa mga lugar na dapat puntahan kung ikaw ay bibisita rito, Siguradong ang mga tanawin na matatagpuaan dito ay maaaring gamiting pang post sa instagram o facebook kaya talagang magiging sulit ang pag punta nyo dito.
Tumblr media
Apo Island
Kahit Isang oras nito ang layo nito sa lungsod, ang Apo Island ay sulit paring puntahan dahit sa magandang coral reefs at maraming mga isda na matatagpuan dito, kaya ito ay magandang diving destination.
Tumblr media
Handumanan
Kung ayaw mo naman mag uwi ng mga pagkain bilang pasalubong, ang handumanan t’nalak fabric, bilog na banig na may matingkay na mga kulay, at pandan coil placemats na may shell trimmings. Na pwedeng pangdisenyo sa bahay.
Tumblr media
Manjuyod white sand bar
Nakikita lamang ang bar na ito kapag ang tabg ay mababa o Low-tide. Ngunit kahit ito ay nakalubog sa tibig ay ubod parin ito sa kagandahan.
Tumblr media
Balinsasayao Twin Lakes
Ang Balinsasayao Twin Lakes ay may sakop na tatlong lawa ang Lake Kabalin-an, Lake Danao, at Lake Balinsasayaw. Kaya pag pupunta ka dito ay 3 lawa ang iyong makikita
Tumblr media
Red rock Hot springs
Ang Red rock Hot springs ay nasa pulantibig, Valencia, Malapit lang sa Pulang Bato Waterfalls. Kung gusto mong lumangoy dito ay magdala ka ng na hindi pastel o light ang kulay dahil pwedeng mamanchahan ang damit mo nng tubig.
Tumblr media
Pulang Bato falls
Napapalibutan ito ng pulang bato kung saan bumubuhos ang tubig. Ayon sa mga tao dahil daw ito sa slfur na nanggagaling sa Mt.Talines
Pagkain
At ang huli ang mga lugar na pwedeng pagbilhan ng pagkain na siguradong mura at nakakabusog.
Tumblr media
Sans Rival Bistro
Kilala sa masasarap nilang Sans Rival pastries at silvannas, na nakalagay na sa pasalubong ready boxes.
Isa ito sa mga “Sugar Houses” sa Rizal Avenue na pagmamayari ng mga kilalang pamilya, Dito pwede kang kumain ng masasarap na pagkain at matatamis na dessert.
Tumblr media
Lab-As Seafood Restaurant
Ano ang province trip kung hindi ka kakain ng fresh sefood? Ang Lab-As Seafood Restarant magbibigay sayo ng oysters, shrimps, crabs at iba pang mga sea food na gusto mo.
Tumblr media
Neva’s Pizza
‘kuripot’ yan ang pinaka magandang paglalarawan dito, dahil ang mga pizza nila ay pwedeng mabot sa baba ng 99 pesos at meron ding silang regular pizza na 140 lang mura pa rin, Gumagamit sila ng cheddar cheese sa halip na mozzarella. Meron din silang pasta dishes at drinks.
Tumblr media
Palenke sa Dumeguete
Ito ang bersyon ng Negros Oriental ng suman at meron ring silang puto. Ang bodbod ay 12-20 pesos lamang.
Kaya halika na punta na sa Dumaguete, puno ng magagandang tanawin at masasarap na pagkain sa abot-kayang halaga, na hindi makakabtas ng iyong bulsa.
Talasaggunian:
https://dumagueteinfo.com/local-businesses/dining-nightlife/delectable-but-inexpensive-food-and-delicacies/
http://pinoyfolktales.blogspot.com/2009/02/catalina-of-dumaguete.html
https://www.realliving.com.ph/lifestyle/travel/6-places-to-visit-in-dumaguete-a62-20160412
https://folklorethursday.com/legends/philippine-folktales-legends-catalina-dumaguete/
6 notes · View notes