Tumgik
libretanong · 8 years
Text
Bestfriend: Hindi Dapat. Hindi Maaari.
(Itago nyo na lang po ako sa pangalang Lance)
Ako po si Lance, 22 years old.
I just want to share my story about a VERY GOOD FRIENDSHIP and an unacceptable love (even i dont accept it)
it was 2013 when i met my bestfriend, Matthew 17 lang sya non at 20 naman ako. 1st time as irregular student sa college ng maging kaklase ko si matthew. First assignment namin sa Statistics ng umabsent ang kapartner ko so i asked him kung may kapartner na sya, “Wala pa” sabi nya. After that day, lagi nang sumasama sakin si matthew. Nakikilala ko na si matthew, 17 lang sya pero para na rin syang 20 magisip. At mature ang itsura nya. Sa loob at labas ng school, magkasama kami.1st week namin as magkaibigan ng, habang kumakain kami, nagyaya sya maginuman. Di pa kami ganon kalalim na magkakilala but he didnt my sharing his problems about his personal life, family problems, love problems, ganon na kaagad ka palagay ang loob nya sakin (which is kinagulat ko dahil kahit kilala mo sya o hindi, sa itsura nya ay iisipin mong extrovert sya)
After that night, sobrang naging close na kami ni matthew. Wala na akong hindi alam tungkol sakanya kasi sinasabi nya na agad sakin. 
Napabilang na ako sa isang malaking barkadahan ni matthew at nakikita nilang lahat kung gano kami kaclose ni matthew. 
Maraming bagay ang hindi alam ng barkada ni Matt na alam ko na. Maraming times na pag walang inuman ang barkada e kaming dalawa lang talaga ni Matt ang nagiinuman. Kahit kaming dalawa lang ang nagiinuman e sobrang nairaraos namin ang inuman ng masaya.
Sa sobrang solido namin ay walang pabor sa isat isa ang hindi namin pinagbibigyan. December 2014 ng sumugod kami sa school ng girlfriend nya sa Antipolo. Nakakahiya kasi nakasakay kami sa LRT e may hawak syang stuffed na sobrang laki while ako naman e may hawak na isang bouquet ng bulaklak at cake. Nakakatawa kasi di malaman ng tao kung sino samin ang manliligaw at sino samin ang chaperone. Ayun, sinurprise namin ang girlfriend nya. Pero ang nakakahiya, sa loob ng school kami gumawa ng eksena. Kakuntsaba din pala yung mga security guards sa school. HAHAHAHA
October 2015. 
Sinubok ang pagkakaibigan naming dalawa sa isang outing ng barkadahan namin na sobra kong kinagalit sakanya. That time i felt how sorry he was for what he did, pero sarado ang utak ko non sa galit para patawarin ko sya at binigyan ko sya ng isang suntok na hinding hindi nya malilimutan.
Dumaan ang sembreak, hanggang sa pasukan ay hindi ko sya kinakausap. Pero nagri-reach out sya sakin in any way para mapatawad ko sya. After 1 month ng panunuyo ay pinatawad ko na sya at inassure nyang di nya na gagawin yung ginawa nya sakin noong outing. Inaamin kong nahirapan din ako sa mga araw na iniiwasan ko sya o di ko sya pinapansin, lungkot lang ang nararamdaman ko pag pinapairal ko ang pride ko.
Nagpatuloy ang pagkakaibigan namin ni Matt as if walang nangyari saming away.
December 2015
Nagpunta ako magisa sa probinsya nya sa Rizal, As usual, magiinom lang ang agenda namin sa pagdayo ko sa Rizal all the way from Cavite. Nagroadtrip kami gamit ang motor nya, salitan kami ng pagmamaneho. Inilibot nya ako sa Lugar nila sa Tanay. Marami rin kaming pinuntahan.
Gabi na ng umuwi kami. Syempre di pwedeng walang inuman, lasingan. Bagsak pareho sa higaan. Madaling araw, akoy naalimpungatan. Nakaharap ako kay matt kaya nakita ko ang itsura nya habang natutulog. Tinitigan ko lang sya. Nang bigla akong may kakaibang naramdaman, NA HINDI TAMA!!!!!
January 2016.
Nagkaroon ng problema si Matt sa girlfriend nya, as usual. 1-on-1 inuman na naman. Nakipagbreak sya sa girlfriend nya. At nalaman kong may bago na syang pinopormahan, na nagkataong barkadang babae pa namin…
Nasundan pa kami ng ilang inuman, same topic. Si ex nya at si present… 
Feb 6, 2016, nagkausap ako at ang babaeng pinopormahan nya, giving advise at warning about kay matt. Buo na ang desisyon ni girl na patigilin na si matt. Pero baligtad ang nangyari hindi napatigil. Lalong napabuti.
That night, inuman na naman kami ni matt ng biglang nagtext si girl. officially, sila na. Sinagot na sya…
Di ko alam kung bakit pero may naramdaman akong weird. Lately dinedeny ko sa sarili kong wala akong feelings para kay matt pero mas lumalala ng lumalala ito. Pero nung nalaman kong sila na nung friend ko, nasasaktan ako, sa di malamang kadahilanan. Magkaharap lang kami ni matt. Nakikita nyang nakangiti ako at masaya para sakanya, pero di nya nakikita kung gano ako nadudurog sa loob. Gano ako nasasaktan. 
Ano po bang dapat kong gawin? Alam kong mali po itong nararadaman ko, di ko lang po alam kung pano ko itatama to. Maling umibig sa bestfriend ko. Alam kong mas malaki ang pwedeng mawala pag umamin na din ako sakanya. Di lang ang pagkakaibigan ang pwedeng mawala samin. Baka sya mismo ay mawala sakin. Alam kong di nya ako matatanggap. Natatakot ako. Nasasaktan. Nahihirapan. Tulungan mo po ako. :’(
Di ko na alam ang gagawin ko.
Lance,
Base sa kwento mo, kadalasan ipapayo ko na sabihin mo ang nararamdaman mo sa kanya, pero iba ang sitwasyon niyo, hindi dahil bakla ka kundi dahil hindi siya bakla. Babae ang gender preference niya. Kung may bahid lang siya ng pagka silahis, baka sakali pa mga 25% probability. Kaso wala e. Masasaktan ka lang pag nagpatuloy ka pa sa nararamdaman mo dahil mahirap magtago. Kung iiwas ka, masisira pa din kayo, kung aamin ka, maiilang siya at masisira din kayo.
Subukan mong ibaling sa iba ang atensyon mo. Mahirap, alam ko, pero mas mahirap yung mawala siya bilang matalik mong kabigan. Baka nahulog ka lang dahil lagi kayo magkasama, subukan mo tumingin sa iba, yung taong maibabalik din yung nararamdaman mo. Masyadong mataas ang risk kung siya ang mamahalin mo, unless gusto mong itaya ang pagkakaibigan niyo. Unless may signs na hindi siya straight. Pero sa ngayon, lie low ka muna. And try to analyze kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya. Love o sanctuary para sa bago mong natuklasan sa sarili mo.
If kaya mo na hindi na paigtingin pa yung nararamdaman mo sa kanya, at sure ka na sa sexual orientation mo, kailngan niya din malaman yun tungol sayo. Bilang magkaibigan, makakabuti na wala kayong sikreto sa isa’t isa. Pero as always, hope for the best but prepare for the worst.
Good luck, Lance.
1 note · View note
libretanong · 8 years
Note
Thank you!
Walang anu man :)
1 note · View note
libretanong · 8 years
Text
Please don’t mention my name. :)
Gusto ko lang pong magkaroon ng sagot sa tanong ko. Ang nangyari po kasi sa'kin, yung lalaki kong classmate nung high school eh biglang nag-chat. Yun yung first time na nagkausap kami kasi never po kaming naging friends noong high school kami. Kinamusta niya ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya na magkita kami minsan, may praises pa siya sa'kin, at kinuha niya yung number ko. It’s either pinagtitripan niya lang ako, na-bore lang siya nung time na yun, o mag-aalok siya ng networking. Gusto ko pong alamin yung totoong intensyon niya sa'kin. Nagkatext kami after a week pero short convo lang. Second week na po ngayon pero hindi pa siya nagtetext. Ayoko pong maunang magtext kasi una sa lahat, siya ang nagsimula, hindi ako. Ang tanong ko po, ano po kaya ang totoong intensyon niya sa'kin?  
Need a reply. Thank you! :)
Meet him to find out. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Pero bago ang lahat, don’t overthink. Wag mag isip ng sobra o bigyang kahulugan ang lahat ng bagay, relax and go with the flow. If dalhin ka sa coffee shop, Grande na agad orderin mo plus cake, at least kung networking nakabawi ka sa pamasahe at effort. :)
0 notes
libretanong · 8 years
Text
Akire16
Ito po yung tungkol sa destiny naming dalawa,  Yung ilang beses na po kaming pinagtatagpo na dalawa pero po sa tuwing pinagtagpo po kami lagi nalang akong nakakakita ng may number 7 ano poba ibig sabihin nun sign poba iyon na bigay sakin? Sign po ba yun na sya na talaga yung para sakin? 
Minsan kung saan tayo nag fo-focus, ayun talaga ang mga nakikita natin, kasi panigurado pag magkasama kayo, nagsisimula na din kayo mag hanap ng number 7 sa paligid niyo. Kung gusto mo ng sign, ipag dasal mo kay Lord ang isang specific sign at doon mo ibase.
0 notes
libretanong · 8 years
Text
Magulo
Magandang Gabi po. Hihingi lang naman po ako ng payo kase gusto ko ong malinawan sa bagay bagay. 
Kase po dati tuwing magkatext kame kinikilig na agad ako kahit wala naman kwenta mga pinagsasabe niya pero napansin ko po this past few days nung magkatext kame nwala lahat ng kilig parang nagsawa na ako sakanya. Tapos nung magksama kame wala na yung spark.Nung sonabe niya na pupunta siya sa school ko kase magkaiba kame ng school, wala ng excitement di tulad ng dati na nagtatalon ako sa tuwa kaae makikita ko uket siga pero this time lahat ng yon ang nasagotko lang sakanya is “Ah,Okay. Buti naman." 
Nwlan na po ko ng gana sakanya, nagsawa na po kong intindohin siya. Kase babae po ako bakit ako yung gumagawa ng praan pra magkausap kame pag parehas kameng busy. bakit ako na lang palage naintindi at nageeffort? Hanggat sa may dumating na tao sa buhay ko ngayom amdyan siya palage, lahat ng time na kelangam ko siya lahat ngbibigay non. Yung importance n gusto kong maramdaman siya nagbibigay. Siya yung nagpapasaya saken. Siya plaage kasama ko. Basta lahat siya na lang. 
So, eto po ang tanong ko. Mahal ko pa din po ba siya? O nagsawa na ako? At iba na ang gusto ko. At yun ay yung taong andito ngayon saken? 
Mahal mo siya noon. Hindi na ngayon. At kung talagang mahal mo siya noon, hindi mababaling ang atensyon mo sa iba. Ganun talaga, mayroon din tayong tintawag na crush or infatuation. Hindi lahat love. Walang masama dun, basta sabihin mo agad sa tao kung ano na yung estado niya sa buhay mo para hindi siya umasa.
1 note · View note
libretanong · 8 years
Note
Tanong ko lang po ano po ba magandang gawin yung umamin na maygusto ka sa kanya at magtanong kung pwede manligaw o panatilihin kong sekreto at patuloy kung logawan ng di niya alam at antayin na magets niya ? Thank you po
Make your intentions clear. Naapreciate ng mga babae yun.
0 notes
libretanong · 8 years
Text
Pano ko malalaman kung mahal pa rin ako ng asawa ko
Good mornyt po,pano ko malalaman kung mahal pa rin ako ng live in partner ko?dati kc he always care about my feeling ngaun hndi na.natitiis nya hndi ako tawagan o itxt whole day,naka line naman cp nya,buzy daw sya sa work or lowbat un lagi reason nya,lagi ako nag eefort para lang makamusta ko sya.lagi late umuwi madalas umaga na.pag kinakakausap ko ng maayos lagi galit nina nag ko daw po sya.lagi ubos salary nya hndi ako binibigyan.dba malaki sahod ng executive,sabi nya minimum lang,mula ng mgsama kami hndi nya ako pinagwork gusto sa bahay lng.10 years na kami never nagpropose nag kasal mahal daw magpa annual.kung maari po wag nyong ilathala ang pangalan ko.pls advise po tnx,
Ayoko tumalon sa konklusyon pero parang alam mo na ang sagot.
Mag-usap kayo. 
0 notes
libretanong · 8 years
Note
Mas marami siyang oras sa mga kaibigan niya. Okay lang naman din sakin kasi buti nga kaibigan mga kasama niya eh, hindi ibang babae. Pero kasi, he clearly doesn't have enough time para sakin. Pero sa mga kaibigan niya, lagi siyang may oras. Di ko pa siya makakasama ng kami lang dalawa kung di pa ako magtatanong. Hay. Any advice po please? Kasi pakiramdam ko po mali tong ganitong pakiramdam ko na baka hindi na ako mahalaga sa kanya. Salamat.
Base sa iniwan mong detalye sa inyong dalawa, hindi ko masabi kung ano yung “enough” na oras para sayo. Iba-iba kasi ang persepsyon natin sa tamang oras. 
May mga tao na ayaw ng clingy na kapareha na tipong bawat minuto nasa kanila, mayroon din naman na ayaw nawawala sa paningin nila yung taong mahal nila.
Ang maibibigay kong advice sa iyo ay maging bukas kayong dalawa sa komunikasyon. Sabihin mo sa kanya ang napapansin mo sa paraang hindi pa reklamo o pagalit kundi sa paraang bukas para makahanap ng solusyon. Sabihin mo nang eksakto kung ano ang ineexpect mo mula sa kanya. Mukha ka namang open minded na tao, wari ko ay hindi ka naman sobrang higpit pagdating sa kanya. Ngunit minsan, sa sobrang kaluwagan natin ay may mga taong pilit namang inaalam ang limitasyon nila kung hanggang saan ba tayo papayag.
Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Kung bukas siya para magbago at magadust para sa relasyon niyo, mabuti. Kung hindi niya handang tanggapin ang mga bagay na nakakasakit sayo, at least, alam mo na kung saan ka nakalugar sa buhay niya.
0 notes
libretanong · 8 years
Text
Sobrang daming pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraan kaya hindi ko na nabibisita itong Libre Tanong. Sasagutin ko pa din ang inyong mga katanungan kahit sobrang tagal na sapagkat maaring mayroon ding ibang taong kapareho ang pinagdadaanan.
Heto na.
0 notes
libretanong · 9 years
Note
May tao pong mahal ko for 4 months.. Bago palang po kami nagmeet.. Di po ba sa 4months na yun masyadong mabilis na ma-inlove sa isa't isa? Kasi lagi din po kaming naguusap e..
Paano ba kayo naguusap? Online lang?Kasi sobrang dali "ma-inlove" online. Dalawang linggo lang kung sagana kayo sa usap nakaka inlove na e. Yung everyday sweetness and care nakakakilig na e.I aim niyo na mag kasama in person as much as possible kasi doon niyo talaga makikilala yung isa't isa. Madami ding klase ng emotions, hindi lang love or hate, like or dislike.Maaring crush, infatuation, amazement or delight.Ano ba ang Love?Love is the strongest energy in the universe. Difficult to harness in its purest form. Yung kaya mo siya pakawalan basta maging masaya lang siya. Yung kaya mo siya pagkatiwalaan na makahalubilo ng iba. Yung kaya mo siya unahin bago ang sarili mo. Yung kaya mong ibigay sa kanya kahit walang balik sayo. Hindi ko sinasabing love is stupid at hindi rin ito unrequited love. Kasi once nahanap mo na yung taong mamahalin mo na mahal ka din, hindi ka matatakot mag mukhang tanga kasi mararamdaman mo na gagawin din niya ang mga bagay na yan sayo.So oo, pwede ma-inlove in 4 months, ang tanong, sa paanong paraan mo napatunayan?
0 notes
libretanong · 9 years
Note
hi im eunice! 22may bf po ako 7yrs nkami lagi n akong pumupunta s bhai nla simula nong naging legal kmi ok nman parents nia skin pti mga kapatid nia pero pagdting don s hipag nia asawa ng kuya nia atmy isa n clng anak iba yung aura niya skin?
Karugtong:” hnd ko alam kung nagbabaitan lang ba pag kaharap nia family ng bfkokasi nong first tym ko siyang nameet isnab siya akingus2 ko siyang mkaclose kya lang mahirapbasahin kung anong ugali meron siya!kung bakit sya ganon sknwla nman akongalam n dahilan?bt kya gnon nalang pinapakita nyang ugali sa akin?dpat ba akong mainis sknya?“
Eunice, Normal lang na minsan, merong mga miyembro ng pamilya na hindi tayo magugustuhan. Ika nga nila, “You can’t please everybody” and don’t try to.Iba iba naman tayo ng personalidad, at sigurado ako na hindi naman lahat ng nakilala mo ay nagustuhan mo agad agad di ba? Hintayin mo lang ang oras at kung wala ka namang talagang ginagawang masama, gagaan din ang loob niya sayo. Kung hindi man, wag ka magpaapekto. Hanggang hindi ka naman niya sinisiraan o sinasaktan physically, wala kang dapat ika bahala. Wag mo subukan na iplease lahat ng tao sa paligid mo kasi sarili mo lang ang sisirain mo. Kung ayaw nila sayo, edi ayaw. Kung gusto, edi gusto. Basta gawing mo lang ang best mo para maging isang mabuting tao at maamayan ng walang tinatapakang tao.
1 note · View note
libretanong · 9 years
Note
Sawakas umamin nahoko sa babaeng gusto ko kaso Hindi ko alam na ang next na mangyayari kasi sabi ko gusto ko sya etc.. Pero sa sobrang kaba ko Hindi ko alam pinag sasabi ko hahahah tapos sabi ko sa kanya Hindi na Ako mag eexpect nang kahit ano sa kanya o anything, sabi ko sakin lang gusto ko lang mag open up s kanya ng aking nararamdaman tapos sabi lang Nya... Okay? Tapos iniba ko na usapan namin kasi hiyang hiya naman Ako sa sarili ko nun grabe tas first time ko pa umamin sa harap ng babae 😭😭
Walang nawala sayo. Masarap sa pakiramdam na mailabas mo yung nararamdaman mo, diba? Na nagpakatotoo ka.Love is not selfish ika nga.
Saan ba nasusulat na pag nagmahal ka, dapat mahal ka din? Pwede ka naman magmahal lang ng isang tao kahit hindi ikaw ang nagpapasaya sa kanya, kasi makita mo lang siya na masaya, masaya ka na din. Hindi din naman sa dadating sa puntong martyr ka na. Na kahit masakit na, go ka pa din. Hanggang sa nagbibigay lang siya ng inspirasyon at kasiyahan sa iyo, hanggang dun lang. Dadating yung time na makaka move-on ka din o di kaya marerealize niya din ang worth mo, pero never, never dadating yung time na mag-sisisi ka sa pagpapakatotoo mo sa sarili mo.
0 notes
libretanong · 9 years
Quote
Kung naniniwala kang lahat ng lalake manloloko, dapat hindi ka maoffend pag sinabi din na lahat ng babae easy to get.
0 notes
libretanong · 9 years
Link
0 notes
libretanong · 9 years
Quote
Madali lang pasayahin ang mga babae. Sa totoo lang, tamad lang talga ang ibang lalaki.
1 note · View note
libretanong · 9 years
Quote
Ang kailangan mong maintindihan ay hindi mo kailangan bantayan ang isang tao. Kung gusto niyang lokohin ka, kahit anong gawin mo, makakagawa siya ng paraan. Kung ayaw niya talagang lokohin ka, kahit ikulong mo pa siya sa kwarto na puno ng mga taong may gusto sa kanya, hindi niya magagawang saktan ka.
0 notes
libretanong · 9 years
Text
  May bf po kc aq.. 
  Nagbreak po kmi last year then ngayong april po,binalikan po niya aq kc aq daw po ung mahal nia,, bingyan ko nmn po sya ng chance.. 
 Them 1 tym nagkita po kmi, umamin po sya sakin tuwing kasam saw po nia aq iba daw po ing nasa isip nia, ung x daw po nia.. (Ang sakit po dba)  tanga na po ba tawag dun??
 Nangako po siya na aausin daw po nya lahat.. 
 Anu po bang gagwin ko?? 
Kailangan niya muna ayusin yung utak at puso niya bago niys guluhin yung sayo. Kailngan niya ng time para mag internalize. Hindi yan bar hopping na pag gusto mo ng bago lilipat ka nalang. And hindi din fair para sayo na everytime na magkasama kayo, iniisip mo kung nasayo ba tlga siya o lumilipad ang utak niya sa ex niya. Hindi magandang pundasyon ang binubuo niyo. Start fresh.
1 note · View note