Tumgik
geonecle · 2 years
Text
The NORM That’s ABNORMALY NORM - paghihimay sa paksang Gender Roles sa Pilipinas
Tumblr media
Babae ka kaya dapat …
Palangiti ka
Mahinhin ang iyong mga kilos 
Marunong kang lumugar
Huwag masaydong pala-salita
Hindi ka nagsusuot ng revealing na damit 
Hindi ka naggagala sa gabi 
Dumistansya ka sa mga kalalakihan
Mahusay ka sa mga gawaing bahay
Tumblr media
Hindi na bago sa akin ang masabihan ng iilang mga konotasyon na nasa taas, sapagkat iilan lang iyan sa mga stereotypes para sa mga kababaihan na laganap pa rin sa kasalukuyang panahon. 
Marami riyan, ay naabutan pa ng mga lola ng ating lola at kanilang mga ninuno. Bakit nga ba hindi ito mawala-wala sa ating lipunan? Konektado ba ito sa ating kasaysayan? O baka naman ang kaisipang ito ay pinalagap ng mga relihiyon sa ating bansa?
Lalaki ka kaya dapat …
Magaling ka sa mga pisikal na isports 
Tigasin ka, bawal umiyak
Hindi ka gumagamit ng make-up, pambabae lang iyon 
Mga lalaki rin ang kaibigan mo 
Tinatago mo ang mga emosyon mo
Maging assertive ka sa lahat ng aspeto 
Hindi ka malambot
Tumblr media
Maging ang mga kalalakihan ay may sari-sarili ring stereotypes na ibinibigay ng society sa kanila. 
Mula sa aking pananaw, mahirap din ang kanilang pinagdadaanan dahil madalas dito sa bansa, tinatansya ng isang tao ang kalalakihan ng isang lalaki sa pamamagitan ng simpleng mga kilos nito. At itinuturing na kabawasan sa kanilang pagkalalaki ang mga bagay na hindi naman mali dahil lang sa naiiba ito mula sa nakagawian ng ibang mga kalalakihan.
Ang bawat kasarian ay may kaniya-kaniyang stereotype, maaaring naipasa ito mula sa pamilya at mga taong nasa paligid ng isang indibidwal, o kaya naman ay mula sa mga media outlets na sinusubaybayan natin. Bunga niyan, maging ang ating mga tungkulin bilang mga mamamayan (gender roles) ay nababahiran ng mga prejudice dahil sa mga gender stereotype. Tulad na lamang ng ipinapakita ng bidyong ito: 
youtube
Sa blog na ito hihimayin natin ang paksang gender roles mula sa technical definitions nito patungo sa mga aspeto ng buhay na nagpapakita ng malawakang pagkakaiba pagdating sa tungkulin at responsibilidad ng lalaki sa mga babae. 
Tumblr media
Sa nakaraang aralin, inalam natin na pinapanganak ang bawat tao na may katawan ng babae o ng lalaki, ang pagkakaiba sa genitals ng bawat tao ang nagtatakda sa kasarian o sex ng isang indibidwal. Iba pa riyan ang usapin ng pagtatakda ng tungkulin ng isang gender sa ating lipunan o yung tinatawag na gender roles. 
Ang gender roles ay isang anyo ng pagtatakda ng komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki. Karaniwang kaganapan na sa bansa ang pag-asa ng mga komunidad sa bawat tao nito na mag-isip, makidama, at kumilos sa takdang paraan o standards na ibinibigay ayon sa kanilang gender. 
Sa maraming lugar, babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kinakasama. Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang pamilya, at magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan.
Paano nga ba tayo umabot sa ganitong punto? At bakit halos makaluma pa rin ang mga gender roles na karaniwang naitatanim sa isip ng mga tao?
Upang masagot ang mga tanong na ito, nagsaliksik ako ukol sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas noon mga nakaraang siglo.
Tumblr media
Mula riyan natuklasan ko sa mga datos pangkasaysayan tulad ng Boxer Codex ay nagpapakita na ang kakabaihan sa Pilipinas noong unang panahon ng mga ay pagmamay-ari ng mga lalaki, maging sila man ay maharlika o timawa. Patunay niyan ang pagkakaroon ng mga "binukot" at pagbibigay ng tinatawag na "dote" o bigay-kaya.
Tumblr media
Halimbawa ng dote na ibinibigay ng lalaki sa pamilya ng babae noong pre-colonial era ng Pilipinas.
Tumblr media
Hitsura ng isang binukot ayon sa adaptasyon ng GMA.
Ang binukot ay isang kultural na kasanayan sa Panay, kung saan ang mga babae ay itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa at hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa sila-sila'y magdalaga. 
Dagdag pa riyan, bago pa man dumating ang mga Espanyol, ang mga lalaki sa pre-colonial na Pilipinas ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa. Subalit maaaring patayin ng lalaking asawa ang kanyang babaeng asawa sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
Tumblr media
Biswal na representasyon ng laganap na sistemang polygamy noong pre-colonial era ng Pilipinas. 
Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang itinatamasa ng mga kalalakihan noon kaysa sa kakabaihan. Bagama't kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang favor sa mga lalaki noon. Bakit?
Sapagkat kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawang babae, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama. Ngunit kung ang babae naman ang may nais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
Mula sa mga pag-araal ni Lourdes V. Lapuz, binanggit niya sa librong A Study of Psychopathology in Filipino Marriages in Crisis ang mga katagang, "Filipinas are brought up to fear men and some never escape the feelings of inferiority that upbringing creates."
Tumblr media
Orihinal na nailimbag noong taong 1977
Tumblr media
Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia sa akdang Position of Women in the Philippines, na limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa na nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang mga kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan. 
Subalit sa panahon ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan. Gaya nina:
Gabriela Silang
Tumblr media
Nang mamatay ang kanyang asawa, nag-alsa siya upang labanan ang mga Espanyol.
Gayundin sa panahon ng rebolusyon, kung saan may mga katipunerang tulad nina: Marina Dizon na tumulong sa mga adhikain ng mga katipunero na kalabanin ang pamunuan ng mga Espanyol. 
Tumblr media
Marina Dizon, isa sa mga unang babaeng katipunera.
Tumblr media
Ang pagdating mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkapantay-pantay sa Pilipinas. Bunga ng pagsisimula ng mga pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman. Maraming kakababaihan ang nakapag-aral.
Tumblr media
Nabuksan ang isipan ng mga kababaihan na hindi lamang dapat sa bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng mga kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 
Kung saan 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay karapatan sa mga pagboto ng kababaihan. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng pakikilahok ng mga kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
Tumblr media
Nang dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng World War II. Ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng mga kalalakihang Pilipino sa paglaban sa mga Hapones. 
Ang mga Pilipina na nagpapatuloy ng kanilang mga career na sanhi ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa mga pangunahinh tradisyunal na gampanin ng babae sa tipikal na Filipino household. May trabaho man o wala, ang mga babae sa tahanan ay inaasahang gumawa ng mga gawaing bahay. 
Tumblr media
Sa kasalukuyan, ang mga Filipina ay hindi na inaasahang manatili na lamang sa kanilang tahanan o umasa sa kalalakihan upang mabuhay. Mula sa mga nakaraang panahon, hindi kinikilala ang mga babae bilang breadwinner ng pamilya sa halip, sila ang inaatasan na mag-alaga ng kanilang mga anak at asawa, at gumawa ng gawaing bahay. 
Tumblr media
Ngayon, madami na ang mga babaeng nagtatrabaho upang buhayin at tumulong sa hanap-buhay ng isang tahanan. Ang mga kalalakihan naman ay hindi na rin inaasahan na magtrabaho lamang, upang makapaghatid ng pera sa kanyang pamilya.
Marami na ngayon ang itinuturing na stay at home dads o house-husbands. Iisa lamang ito sa mga maliliit na pagbabago sa tinaguriang mga gender roles sa ating bansa ngunit malaking hakbang na ito para sa pagtataguyod ng iilang mga mamamayan sa gender equality. 
Tumblr media Tumblr media
Sa aking pananaw, ang pangunahing salik na nagpapakita sa mga tao ng ideya kung anu-ano ang mga gender roles natin sa komunidad ay media. Mapa-kahit anong uri pa man iyan ng media: tv shows, pelikula, sining at marami pang iba. 
Kung hihimayin natin ang mga karakter na babae pagdating sa MAJORITY ng mga hollywood movies, madalas na sila’y mga side characters lamang sa bida, lalong-lalo na sa mga action movies. 
Hindi natin maipagkakaila na maraming makalumang pelikula (lokal o internasyonal) ang mayroong mga karakter na babae na wala talagang ambag sa takbo kuwento maliban na lamang sa maging damsel in distress at love interest ng bida.
Tumblr media
Isang halimbawa ko diyan ay ang mga makalumang disney princess movies noon, gaya ng Snow White, Cinderella, at The Little Mermaid.
Kahit na sila ay mga classic at iconic na babaeng karakter, hindi natin maipagkakaila na sa mga movies na ito naipapakita lang sa glamorized na paraan ang pagiging damsel in distress ng mga kakababaihan, na para bang kailangan isalba palagi ng mga prinsipe ang mga babaeng ito mula sa mga villains at magtatapos sa kasalan ang bawat kwento.
Mabuti na lamang at sa modernong panahon nagkaroon na tayo ng mga palabas na women empowering. Yung tipong babae naman ang bida at ipinapakita nilang kaya nilang pantayan ang mga kalalakihan sa kanilang linya ng trabaho, kahit minamaliit lang sila. 
Tumblr media
Halimbawa nito ang Legally Blonde, Pitch Perfect, Hidden Figures at marami pang iba. 
Sa pamamagitan pagpapalaganap ng women empowerment mula sa ganitong uri ng sining mas binibigyang inspirasyon nito ang maraming kababaihan na magdalawang isip sa mga maka-tradisyunal na gender roles na ibinibigay sa atin ng society.
Tumblr media
(LET: LIPUNAN - EDUKASYON - TRABAHO) Ang pangalawa sa aking listahan ng mga salik na lantaran magpakita ng pagkakaiba sa mga gender roles ng lalaki at babae ay ang Lipunan. Kalakip na rin dito ang Edukasyon at Trabaho. 
Sa sobrang maka-tradisyunal at maka-relihiyon ng lipunang Pilipino, minsan naidadala na natin ang mindset na submissive dapat ang gampanin ng mga kababihan kumpara sa mga tungkulin ng lalaki sa ating lipunan. Mahahalata agad ang pagkakaiba ng mga gender roles pagdating sa politika ng Pilipinas.
Kung titingnan mong mabuti, sa listahan ng mga naging pangulo ng Pilipinas, mabibilang mo lamang sa kamay ang mga naging babaeng pangulo. Isa pang lantaran na pagpapakita nito sa ating lipunan ay ang bilang ng mga babaeng kumukuha ng mga kursong matataas gaya ng abogasya at medisina. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kahit sabihin nating tanggap ang mga babae sa larangang iyon, parating may kailangan pa rin silang patunayan upang mapatunayan nila na kaya nilang makasabay.
Ito ang kanta ni Taylor Swift na nagpapahayag ng nasabi kong opinyon:
youtube
Kaya pa nating gawan ng paraan na mabago ang mga naitatak na mga gender roles sa ating lipunan. Itanim natin sa isip ng mga nakababatang henerasyon na hindi limitado ang mga career path choices nila dahil sa kanilang kasarian. Ang mga lalaki ay tanggap sa larangan ng humanities at arts sa paraang tanggap rin ang mga kababaihan sa larangan ng siyensya at matematika.
Tumblr media
Sa aking perspektibo sa pamilya nagsisimula ang pag-aassign ng gender roles sa atin bilang mga indibidwal. Kapansin-pansin na sa isang tipikal na pamilyang Pilipino, sa murang edad pa lang sinasanay na ang mga babae na tumulong sa mga gawain bahay.
Kapag ikaw ay babaeng miyembro ng pamilya, may halong pressure mula sa ibang miyembro ang pag-aaral mo ng mga gawaing bahay. Kesyo, “babae ka kaya dapat alam mo to, paano ganyan, marunong ka sa ganoon”. Samantalang ang mga lalaki naman ay madalas na kasama ng tatay ng pamilya para turuan mag-ayos ng mga mabibigat na gawain sa bahay.
Tumblr media Tumblr media
Sa simpleng mga standard na ito na ibinibigay at nakukuha natin mula sa mga nakatatanda sa ating pamilya. Nadadala natin ito tungo sa ating pagtanda at maaaring maipasa natin ito sa mga magiging pamilya natin sa hinaharap.
Tumblr media
Naapektuhan ako ng mga gender stereotypes una sa aking pakikipag-communicate ng mga thoughts ko sa isang bagay. 
Minsan may mga bagay akong nais sabihan ng aking mga komento at opinyon, ngunit madalas akong magdalawang-isip bago magsalita, sapagkat alam ko naman na halos balewala lang ang opinyon ko kumpara sa mga mas nakatatanda at mga lalaking miyembro sa aming pamilya pagdating sa politika.
Pangalawa riyan, hindi ko ramdam aang suporta ng aking iilang kamag-anak sa kursong nais kong kuhanin. Dahil nasa isip pa rin nila na ang pag-iinhinyero ay isang panlalaking trabaho, nararapat lamang daw na pumili ako ng trabahong hindi masyadong kukuha sa oras ko dahil someday kakailanganin ko raw ng dagdag na oras para sa sa aking magiging pamilya.
At panghuli, ramdam ko pa rin ang stigma na dapat ang mga lalaki ay dapat na siga, malakas ang dating, at tigasin. Marami akong mga kaibigan na nasasabihan na dapat silang maging mas manly ang galaw para hindi maisip ng mga nakatatanda na bakla sila. 
Sa aking mga mata, nakakalungkot tingnan na kailangan nilang itago o i-adjust ang totoong personality nila para mag-fit sa standards na ibinibigay sa kanila ng society. (*sigh*)
Tumblr media
Sa kabuuan ang gender roles ay mahalaga upang magkaroon ng sapat na distinctions ng mga tungkulin ng bawat kasarian sa ating lipunan. Ngunit nawawalan ito ng saysay kapag naglalagay tayo ng mga rehistriksyon dahil lamang sa ating mga makalumang paniniwala at dogma sa kung ano ang dapat sa hindi nararapat. 
Kung hindi na maibubura ng mga nakatatanda mula sa mga naunang henerasyon ang ganitong metalidad. Gawin na natin ito habang tayo’y mga bata pa. Upang pagdating ng panahaon, kapag tayo na ang mga nakatatanda sa lipunan, maibigay natin sa ssusnod na henerasyon ang isang healhy na mindset ukol sa mga gender roles. 
Let’s Show Them We are Better. 
Tumblr media
INTRODUCTION
https://www.hmagpak.com/10-Jan-2022/seven-signs-you-ve-succumbed-to-toxic-masculinity
https://www.hnworth.com/article/spotlight/features/why-toxic-femininity-needs-to-be-called-out/
https://stand.ie/toxic-gender-stereotypes-socialisation/
PART 1: LET’S DEFINE GENDER ROLES
https://www.thevisualtraveler.net/2018/05/boxer-codex-this-is-what-16th-century.html
https://filipiknow.net/life-in-pre-colonial-philippines/
https://www.mybalitz.com/blog/2021/11/21/gabriela-silang-ilocana-heroine/
0 notes
geonecle · 2 years
Text
Like “THAT” Boring Old Teleserye - isang blog tungkol sa Political Dynasties sa Pilipinas
Tumblr media
Kamakailan lamang sa linggong ito, nakapanood ulit ako ng teleserye sa tv namin. Ang napanood ko noon ay Mano Po Legacy: The Family Fortune, masasabi kong tulad lang din ito ng tipikal na teleseryeng Pilipino. May mayamang pamilya, at umiikot ang istorya sa pag-aagawan ng mana na iniwan ng kanilang yumaong patriarch. 
Sa aking pananaw, kahit nag-aagawan sila para sa kapangyarihan maituturin pa rin sila bilang isang dinastiya, to be exact isang bussiness dynasty. Dahil maging ang kanilang anak ay napipilitan na gawin ang mas makakabubuti para maipagpatuloy ang kanilang negosyo, tulad ng pakiki-isa sa isang arranged marriage. 
Hindi nalalayo rito ang estado ng karamihan sa mga pulitiko dito sa Pilipinas. Sobrang laganap ng political dynasty dito sa Pilipinas, na maging ang apo sa tuhod ng mga naunang presidente ng Pilipinas ay nagbibigay pa rin ng kanilang serbisyong pampubliko hanggang sa kasalukuyan.  
Tumblr media
Ito ang Ardiente Family, mula sa teleseryeng Wildflower. Isa ito sa mga teleserye na nagmulat sa mata ko sa mundo ng dirty politics at political dynasties. It’s a must watch. 
Kung sasaliksikin natin nang mabuti ang mga political dynasty sa kasalukuyang panahon. Hindi mapagkakaila na maging sa mga LGU o local government units ng bansa ay malaki rin ang impluwensya ng mga dinastiya. Ayon sa tala ng Rappler noong 2019, aabot na sa 29% ng mga lokal na posisyon ay inookupahan ngayon ng mga miyembro ng mga fat political dynasties. 
Paano nga ba tayo umabot sa ganitong posisyon?
Tumblr media
Balikan natin ang kasaysayan ng Pilipinas, bago pa man tayo sakupin ng mga Espanyol mayroon ng mga sibilisasyon na nabuo sa iba’t-ibang panig ng bansa noong taong 900 hanggang 1521. Tulad ng kaharian ng Tundun (Tondo), Namayan,  Pangasinan, Cebu at mga sultanates sa Butuan, Maguindanao, Lanao, Sulu, at Ma-i. 
Tumblr media
Pinamumunuan sila ng mga datu at mga sultan na madalas ay nagmumula rin sa isang pamilya. 
Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, nagkaroon pa rin ng posisyon sa Espanyol Cortes ang marami sa mga lahi ng mga nakaraang datu na nagpasakop noon sa mga Espanyol. 
Tumblr media
Tinatawag sila noon bilang mga Illustrados, na binubuo ng mga mahaharlikang pamilya noong balangay (barangay period) na may koneksyon sa mga namumunong Espanyol. 
Nagpalit lang ng pangalan ang mga Illustrados noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Mula sa “Illustrados” na nakaupo sa mabababang posisyon, sa panahon ng mga Amerikano sila ay tinawag na mga Elite.
Tumblr media
Nagkaroon sila ng mas mataas na posisyon sa ating gobyerno at mas malaking kapangyarihan, ngunit nasa ilalim pa rin sila ng American Governement. 
Sa panahon ding ito, ipinakilala sa mga Pilipino ang ideya ng demokrasya. Kung kaya’t para magkaroon ng posisyon ang mga elites sa gobyerno, lumaganap ang patronage politics, kung saan umaangat ang posisyon ng isang tao base sa kanyang pagiging tanyag. 
Fast forward sa kasalukuyang panahon, ang tawag sa kanila ay mga Oligarchs. 
Tumblr media
Sila ay binubuo ng mga pamilyang kabilang sa politikang lokal, mga pamilyang nakaupo at nagbibigay serbisyo sa nasyonal na lebel, at mga mayayamang pamilya na sumusuporta sa mga politiko na kumakandidato. 
Mula sa talakayan na naganap noong Enero, ayon sa tala ng UP Diliman noong 2013, aabot sa 250 na pamilya ang nabibilang sa malawakang isyu ng political dynasty sa Pilipinas. 56% dito ay binubuo ng mga old political elites, at 44% naman ay lumitaw pagkatapos ng 1986 na EDSA Revolution. 
Dagdag pa rito, ipinahayag ni Ateneo School of Government Dean Ronald Mendoza na ang mga political dynasties na may mga miyembrong sabay-sabay na tumatakbo ay lumago ng humigit-kumulang 1% sa bawat panahon ng halalan mula noong 1988. Kaya hindi na nakagugulat kung bakit umabot sa puntong 94% ng ating  pamahalaan ay pinapatakbo ng mga political dynasties. 
Sa aking pananaw, ang nakikita kong ugat ng pagiging laganap ng political families sa Pilipinas ay:
Tumblr media
Una, dahil madalas mga oligarchs lang rin ang may kakayahan at sapat na political machineries (impluwensya at pera) para tumakbo, sa mga matataas na posisyong politikal.
Pangalawa, pagdating naman sa mga LGUs mas malaki pa rin ang impluwensya o popularity ng kandidato na parte ng political dynasty kumpara sa regulr na mamamayan. Kaya karamihan sa mga botante ay pipiliin ang mas kilala o pamilyar ang ngalan. 
Pangatlo, bilang isang miyembro ng political family, kailangan nilang ituloy ang legacy ng ng inyong angkan. Bukod pa riyan ang personal na paghahangad ng kapangyarihan, impluwensya, pera o mga teritoryong masasakupan ng kapangyarihan. Ang mga iyan ay perks lamang ng mga dinastiya.
At pang-apat, nagpapatuloy ang isyung ito dahil may iilang mga politiko na may sariling intensyon, interest, at mga pinoprotektahan. Kung kaya’t malakas ang nais nila na dapat mayroon silang kapamilya na may hawak na kapangyarihan.
Sa lahat ng bagay, maging sa political dynasties, mayroon positibo at negatibong epekto ito patungo sa mga mamamayan at sa bansa.  Ngayon titimbangin natin positibo at negatibong epekto nito gamit ang pros at cons.
Tumblr media
PROS #1 - PRO-SERVICE
Nagpapatuloy ang implementasyon at pagsasakatuparan ng mga panukat at proyekto na ipinapatupad ng kanilang naunang kamag-anak sa puwesto.
Tumblr media
Maasahan ng mga mamamayan na mayroong consistency ang mamumuno sa kanila dahil silaý nanggaling sa parehas na mag-anak. Kung kaya’t mas pumapatok and political families sa mga probinsya o kaya’y maliliit na lugar.
CONS #1 - MAGKAKAROON NG LEGACY ANG KORUPSYON
Tumblr media
Magpapatuloy ang katiwalian sa gobyerno kung ang political family na sinusuportahan ng tao ay may bahid ng korupsyon. Hangga’t pare-parehas ang apelyido ng mga inululuklok natin sa gobyerno, magpapatuloy lang ang pag-ikot ng iba’t-ibang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan at impluwensya na nakakabit sa kanilang responsibildad na magbigay serbisyo sa publiko. 
PROS #2 - ECONOMIC CONTROL SA MGA PRIME MOVERS NG INDUSTRIYA
Kung ikaw ay isang miyembro ng political family, at kahahalal mo lang sa posisyon na malaki halimbawa ay mayor, governor, o congressman. Malaki ang posibilidad na humihingi ka ng gabay sa mga nakatatanda mong kamag-anak sa kung anong kumpanya at sino-sinong mga tao ang dapat mong pagkatiwalaan.
Tumblr media
Bilang isang pamilya na matagal nang nanunungkulan, may maibibigay silang pangalan ng kumpanya at mga tao na masisisguradong magagawa ang trabaho at mga proyekto na nais mong gawin sa inyong bayan.
 Dahil sila ay kilala na nang personal ng inyong pamilya o kaya’y tested and proven na ang kanilang trabaho sa mahabang panahon ng serbisyo sa inyong pamilya. 
CONS #2 -  NAGKAKAROON NG MONOPOLYO SA MGA INDUSTRIYA
Dahil mayroong mga kumpanya at taong pinagkakatiwalaan ang mga political families, nawawalan ng pagkakataon ang marami sa mga manufacturers at workers na nais magbigay ng kanilang serbisyo sa pamahalaan. 
Kapag lumalala ito, hindi malabo na magkaroon ng monopolyo ang isang kumpanya sa mga industriya na kinakailangan upang makapagpatakbo ng isa lalawigan o lungsod. At kung sakaling mangyari ito, ibig sabihin nawala na ang fair na kompetisyon sa pagitan ng mga kumpanya at nagkaroon na nang ganap na hindrance sa economic freedom ng isang lugar. 
Tumblr media
PROS #3 - PAG-AKIT NG MGA DINASTIYA SA MGA FOREIGN INVESTORS AT APPEAL SA MASA 
Dahil sa consistency na hatid ng isang dinastiya sa isang pook, kaakit-akit ito para sa mga mata ng foreign investors. Sapagkat iisang angkan lamang ang nararapat nilang mahikayat upang makipagkalakan sa isang pook.
Panigurado itong makapagbibigay ng daan-daang trabaho at oportunidad sa mga mamamayan ng lugar kasabay nito ang pagtaas ng economic value ng lalawigan. 
Tumblr media
Sa pamamagitan nito nailalagay na ng mga political families ang kanilang mga sarili sa isang win-win na sitwasyon. 
CONS #3 - MALAKING IMPLUWENSYA PARA BURAHIN ANG MGA ANOMALYA
Ang pagkakaroon ng kapangyarihan at impluwensya ay tulad ng pagkakaroon ng isang tabak. Maaari mo itong gamitin para prumotekta ng mga taong kaawa-awa at pwede mo rin itong ipang paslang sa iyong mga kaaway. 
Tumblr media
Sa kasalukuyang panahon, mga balita lamang ang nagsisilbing mata at tainga ng mga mamamayan, kung may sapat na kapangyarihan ang isang administrasyon para patahimikin ito’t pagtakpan ang kanilang mga kasalanan, mawawalan na ng pag-asang umunlad ang buhay ng mga mas nakababa sa ating bansa, dahil ang lahat ay walang alam sa mga kapalpakan na nagawa ng ating gobyerno. 
Sa aking obserbasyon, ang kabuuang epekto ng political dynasties sa ating bansa ay ang pagkabagal ng pag-unlad natin sa aspetong ekonomikal, bakit? 
Nangyayari ito dahil napakalaganap na ng mga “fat” dynasties sa ating bansa, at kahit hindi man ito nasasabi alam natin na may impunity ang mga political political families kaya mahirap din silang masibak sa kanilang posisyon. Kasi makapangyarihan na sila, magkakamag-anak silang may posisyon, kaya mayroon na din silang kontrol sa mga government resources.
Tumblr media
lyong mga pang-ayuda, pang-tulong sa tao, sila-sila rin may hawak niyan. Tapos typically hawak din nila iyong ekonomiya noong lugar, sobrang laganap nito sa mga probinsya. 
So kapag ganito ang sitwasyon, masasabi na nating isa na ang impunity sa mga sandamakmak na pribilehiyo ng isang opisyal na mula sa “fat” political families.
Mayroon tayong demokrasya para hindi maabuso ang mga posisyon, so kaylangan mayroong sense of checks and balances sa mga namumuno. 
Para kapag mayroong nagtutulak ng polisiyang hindi makabubuti para sa nakararami, may isa pang politiko na maaaring magsuheto sa kanila na hindi tama iyon. Kaya ang pangalawang malawakang epekto ng political dynasties ay ang paghina ng checks and balances sa ating gobyerno.
Tumblr media
Bunga nito, nagmimistulang family bussiness na lang ang pamamalakad sa gobyerno ng mga politko na mula sa political families, kaya mas lalong talamak ang korupsyon.
Sapagkat napupunta lang sa mga kickback o cronies ng dynasties ang kita dahil sa kanilang koneksyon at partnership sa tuwing may eleksyon at kapag sila’y nasa posisyon na. Sa paulit-ulit na pangyayaring ito sa ating bansa, hindi na mahirap mapansin na napapag-iwanan na tayo sa pag-unlad ng mga karatig nating SouthEast Asian Countries. 
Tumblr media
Sa totoo lang, wala akong nakikitang potensyal na mawala totally ang political dynasty sa Pinas. Dahil gaya ng pinahayag ko noon, hindi kaya magfunction ng pamahalaan ng Pinas kung nawawala ang 94% ng kabuuhan nito na miyembro ng political families. 
Tumblr media
Unang rason ko kung bakit hindi ko nakikitang nawawala ito ay dahil tinatangkilik rin ng mga tao ang marami sa mga politikong dynasty babies. Kapag ikinabit sa kanila ang apelyido ng isang sikat na politiko noon, malaki posibilidad na sila’y iboto ng mga Pilipino na kulang ang kaalaman sa pagboto.
Maraming ganito sa ating bansa sa kasalukyan, hindi na nga nagpapakita sa interview ang kandidato, todo suporta pa rin ang mga tao kahit puro red flags ang nasabing kandidato. 
Tumblr media
Pangalawa, bilang isang regular na mamamayan na nais kumandidato, mahirap kumalaban ng mga politikong kinagisnan na ang buhay sa politika. Talagang kung ang pagbabasehan ay karanasan at pagkakalantad sa politics ang standard ng mga botante, siguradong mawawalan ng pagkakataon ang isang regular na tao para kalabanin ang isang political family member.
Tumblr media
Pangatlo, hindi na ako umaasa pang may gagawin na aksyon ang kamara at senado sa isyung ito, sapagkat ang miyembro ng kanilang sektor ay puros mga politiko rin na nagmula sa isang family dynasty. 
Tumblr media
Bakit naman nila gagamitin ang kanilang kapangyarihan para sa ikapapahamak nila at ng standing ng kanilang pamilya sa gobyerno. 
At pang-apat na rason sa kung bakit hindi ko natatanaw na mawawala ang political dynasty sa pinas, ay dahil sa pagiging inconsistent ng batas:
Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Tumblr media
Kahit pa nakasaad dyan na mayroong prohibition para hindi magkaroon ng political families, nasasaad pa rin na binibigyan ang nito and lahat ng mga Pilipino ng pagkakataon na kumandidato. Ibig sabihin lahat ay may pantay-pantay na oportunidad mahirap ka man o mayaman.
Kaya’t ang resulta nito, naabuso ng mga tumatakbong kanndidato na mula sa dynasty and parirala na nakasaad. Nais daw nila tumakbo, dahil mayroon silang passion para mamuno o kaya’y itinadhana sila para magdala ng pag-unlad at alisin and korupsyon sa kanilang lugar.
Tumblr media
Sa sobrang gasgas ng mga linyang iyan, nararapat lamang na bilang isang mambobotong Pilipino ay sana’y maging vigilant tayo sa ating mga sinusuportahan. 
Tanungin natin ang ating sarili: May nagawa na ba sila para patunayan na karapatdapat sila para sa posisyong kanilang hinahangad? O sila ba ay isa sa mga politikong may kaso ng graft at korapsyon noon?
Ang problema kasi sa karamihan ng mga Pilipino, gusto nila ng pagbabago ngunit tinatangkilik pa rin nila ang mga taong hindi kayang patunayan na nararapat sila sa posisyon na mamuno sa mga Pilipino. 
Bukod pa riyan, ang kaso naman sa mga kabataan ay nagrereklamo rin ngunit hindi naman sila responsable botante, paano ka makaka-ambag sa pagbabago ng Pilipinas kung ikaw mismo ay walang lakas ng loob para pumila at bumoto sa nalalapit na eleksyon.
Narito ang isang kanta na may mensahe para bigyan ng lakas ng loob ang mga botante na bumoto nang maayos at malinis:
youtube
Tumblr media
Sa mga nagbabasa nito, gawin nating layunin na sa susunod na eleksyon ay papayatin ang matatabang political dynasty. Tanungin natin ang ating mga sarili bago bumoto kung, nakikitaan ba natin ng talino, potensyal, galing, husay, at katangian ng iisang mabuting pinuno ang ating mga iboboto.
Tandaan natin na ang isyung ito ay isa sa mga sakit ng ating Inang Bayan na halos katulad ng isang cholesterol, slowly but surely malulugmok and ating bansa kapag hindi tayo gumawa ng mga paraan upang mapigilan ang mas paglaganap nito sa susunod na mga termino.  
“We have to start somewhere, somehow, but we really have to start now! As in now, before it is too late.” - mula kay Ted Failon.
Blang Pilipino karapan natin na maghangad ng mas magandang uri ng pamumuno sa ating bansa. Kung ang mga teleserye nga na may paulit-ulit na plots ay hindi na natin tinatangkilik, sana ganoon rin ang standards natin sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bansa sa susunod na mga taon. 
Gising Pinas!
0 notes
geonecle · 2 years
Text
99% Homogeneous - blog na inspirado ng paksang 100% Filipino
Tumblr media
Sa larangan ng siyensya, ang salitang “homogeneous” ay tumutukoy sa mga bagay na tinatawag nating mixture. Isang uri ng paghahalo na hindi na maaari pang paghiwalayin tulad na ng isang powdered juice at tubig.
Diyan ko inihahalintulad ang epekto ng globalisasyon sa aking sarili bilang indibidwal, kapamilya, kaibigan, at isang mamamayan sa bansang Pilipinas.
Tumblr media
Sapagkat habang tinatalakay ang iba’t-ibang uri ng globalisasyon tulad ng sosyo-kultural, political, at ekonomikal na globalisasyon. Mas nabuksan ang aking mata, sa kung gaano kalawak ang impluwensya nito sa aking personalidad, kaugalian, at paraan ng pamumuhay bilang isang anak, mag-aaral, at kaibigan.
Noong mga nakaraang araw, kung saan pinag-iisipan ko ang maaaring maging pamagat at tema ng blog na ito, naisip ko ang tanong na: “May 100%” pa ba na Pilipino sa aking personalidad, paniniwala, hilig, at paraan ng pamumuhay?” 
Inaamin kong, napakarami sa bumubuo ng aking pagkatao ay HINDI orihinal o yung tinatawag na 100% Filipino. Kaya’t dala ng ganitong ideya, naisip ko ang konsepto ng 99% Homogeneous. 
Kung saan sa sobrang normalized ng impluwensya ng mga banyaga sa aking mga hilig (kahit na Filipino made) malabo nang maipaghiwalay ang existence ng impluwensya ng ibang bansa sa pinagmulan at komposisyon ng nasabing bagay, ideya, o paniniwala na aking kasalukuyang tinatangkilik. 
Tumblr media
Sa blog na ito, pag-uusapan natin ang mga paksang: 
1. Ano ang globalisasyon? (In my own words) 2. Pros and Cons nito bilang isang mamamayang Pilipino. 2.5. Anu-ano ang aking opinyon at ideya ukol sa konsepto ng globalisasyon sa kasalukuyang panahon. 3. Paano naapektuhan ng globalisasyon ang aking personal na mga desisyon? 3.5. Insights kung may bahagi pa ba sa aking buhay ang 100% Filipino. 4. Ano-anong parte sa aking buhay ang labis na impluwensyado ng mga ideya mula sa ibang bansa? 5. Ano ang aking imahinasyon o ideya ng kasalukuyang Pilipinas, kung wala itong bakas ng impluwensya ng resulta ng globalisasyon?
Huwag na nating patagalin ang mga pangunahing mensahe at introduksyon, simulan na natin ang masidhing paghihimay sa globalisasyon at ang koneksyon ng aking pagkatao rito.
Tumblr media
Bukod sa kilalang keyphrase na “Integrasyon ng mga Nasyon” at “Internasyonal na Integrasyon”, ang globalisasyon ay may mas malalim at natatago pang depinisyon sa likod ng karaniwang konsepto nito na na nagkakaisa ang mga bansa.
Kung iisipin natin, hindi masisimulan ang globalisasyon kung walang layunin ang mga naunang Katoliko na ipalaganap ang relihiyon sa iba’t-ibang parte ng mundo. 
Kaya ang unang personal na depinisyon ko para sa globalisasyon ay paghahangad ng isang bansa na makarating ang kanilang paniniwala, at konsepto ng tama at mali sa ibang bansa.
Tumblr media
Dalawang Alien - Isang magandang grapikal na pagpapakita kung paano nagsisimula ang pag-iimpluwensya. Silang dalawa ay alien sa mata ng isa’t-isa, dahil magkaiba sila ng pinagmulan at kinalikihan. Malaki ang posibilidad na magkalayo rin ang kanilang paniniwala, kaya ninanais ng isa na impluwensyahan ito. 
Matapos na makarating ang isang ideya sa karatig na nayon ng bansang pinagmulan nito, kapag tatanggapin ito ng mamamayan mula sa ibang bansa at gawing standard, diyan na papasok ang konsepto ng interconnectivity. 
Ito’y tumutukoy sa pagiging isa ng kanilang bansa sa isang aspeto (hal. Relihiyon at paniniwala) na isang magandang pundasyon ng pagkakaisa.
Tumblr media
The System of Unity in Interconnectivity 
Kapag naging matagumpay ang pagkakaisa, maaari nang simulan ang pakikipag-sosyo ng dalawa o marami pang bansa sa aspeto ng politika, kalakalan, at ekonomiya. 
Binibigyang buhay nito ang pangalawang konsepto ng globalisasyon na: Interdependence. Dito na pumapasok ang pagkakaroon ng pagpapalitan at kanya-kanyang responsibilidad ng bawat bansa upang maging matagumpay at maipagpatuloy ang takbo ng  sistema na nagbibigay benepisyo sa mga bansang nakiisa dito. 
Tumblr media
Interdependence Built by Mutual Gains and Responsibilities 
Sa kabuuan, ang globalisasyon ay isang siklo na binubuo ng impluwensya, pagkakasundo, at pagtitibay ng mga bansa sa mga suliranin, paniniwala, kaalaman atbp. na nais nilang ipaalam at panatilihin sa ibang lahi upang maging normalized na ito sa bawat lugar na maabot ng kanilang kapangyarihan.  
Ngunit ito ay isang double-edged na espada, may positibo at negatibo itong epekto sa mga bansang apektado ng malawakang globalisasyon tulad ng Pilipinas. Kaya pag-uusapan na natin ang ... 
Tumblr media
PROs #1 
Bilang isang mamamayang Pilipino, inaamin ko na talagang masaya komunsumo at maransan ang gumamit ng iba’t-ibang produkto na ginagamit rin ng mga tao sa ibang bansa. Tulad ng napapadalas na pagbili namin ng mga korean noodles at japanese foods nitong panahon ng lockdown. 
Tumblr media
Japanese Takoyaki
Tumblr media
Korean Tteobokki
Tumblr media
Japanese Pink Salmon and Sushi
Maging ang mga magulang ko ay nasarapan sa ganitong uri ng pagkain. Magmula nang natutunan namin paano lutuin ang mga pagkain tulad ng sushi, tteokbokki, at takoyaki. Madalas namin itong gawin kumpara sa pagluto ng nakasanayang lutong bahay na mga ulam.
CONs #1
Ang kapinsalaan naman nito ay masyado naming tinangkilik ang ganitong uri ng mga pagkain. Dumarating na ito sa puntong naiimpluwensyahan ng aking pamilya ang ibang mga kamag-anak at mga family friends na subukan ang produktong mula sa ibang bansa.
Habang patagal ng patagal unti-unti na ring nabubura ang bakas ng lokal na istilo ng pagsasama-sama sa aming mag-anak.
Isang halimbawa nito ang mga handa sa isang pagtitipon ng magkapamilya, kung noon marami pang mga kakanin na nilalagay sa hapag bilang panghimagas, ngayon simpleng milktea o flavored gelatin na lang ang inihahanda. Sapagkat mas mabilis itong gawin at mabili kumapara sa mga lokal na kakanin.
Dito na pumapasok ang konsepto ng ... 
Tumblr media
PROs #2
Dala ng laganap na pag-iral ng internet at mga online streaming services sa Pilipinas, hindi maiiwasan ang pagdating ng makabago at mas modernong uri ng pananaw sa isang paksa. 
Ilagay natin ito sa aspeto ng mental health. Noon ang mga kaso ng pagpapakamatay ay iniuugnay lamang sa mga demonyo at hindi matibay na pananampalataya sa Diyos. 
Tumblr media
Ngunit ngayon, kahit papaano unti-unti nang iniaangkop ng mga Filipino boomers ang ideya ng depression, anxiety, at iba pang mental illnesses na maaaring magdulot ng pahamak sa isang miyembro ng pamilya. 
CONs #2
Sanhi ng  makabagong pananaw sa mga kontemporaryong paksa, dito na pumapasok ang konsepto ng malaking generational gap sa mindset, beliefs, at  norms ng bawat henerasyon. 
Tumblr media
Lahat ng tao sa bawat henerasyon ay may karapatan na magkaroon ng individual choice, kaya madalas sa isang pamilya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan sapagkat may kaniya-kaniya na silang perspektibo ng "tama" mula sa kanilang henerasyon. 
Makikita ito ng labis-labis kapag ang usapan ay same sex union/marriage sa Pilipinas. Para sa iilang boomers na hindi pa rin tanggap ang ideya nito, nagiging taboo ang paksang ito kung sakaling nasimulan sa isang kaswal na pag-uusap. 
youtube
Samantala, kapag pagbabasehan natin ang bidyo sa itaas, makikita natin na bukas ang henerasyon ng mga millennials para talakayin ito. At hindi nila ginagawang malaking batayan sa pagdedesisyon ang salik na relihiyon. 
Tumblr media
Kada-henerasyon, habang palalim ng palalim ang existence ng globalisasyon sa ating paligid, palagi nitong kasabay ang pagbabago sa paligid na ating ginagalawan. 
Maaari natin itong makita sa simpleng pagbabago sa mga bagay na madalas nating gamitin tulad ng pagkain at pananamit ng isang tao. 
Dagdag pa riyan, natatanaw rin ito sa pagbabago ng mindset ng mga tao sa bawat henerasyon.
Subalit kung ipagpapatuloy natin ang ganitong sistema maaaring dumating ang panahon na tayo naman ang mawalan ng identity, dahil masyado na nating na-normalize ang ideya mula sa ibang bansa sa ating mga buhay. 
Tumblr media
Ang personal na pananaw ko sa globalisasyon ay pinamumunuan ng positibo kontra sa negatibo, sapagkat bilang isang konsyumer ng mga materyal na bagay at panibagong mga ideya, malaki ang pakinabang ng globalisasyon para sa akin. 
Nararapat lang na maglagay pa rin tayo ng "space at limits" kung hanggang saan natin gustong ihalo ang mga impluwensya mula sa globalisasyon tungo sa ating kinagisnang kultura.
Tumblr media
Isa sa pangunahing prime movers ng globalisasyon sa ika-21 siglo ay ang internet. Bago pa man nagkaroon ng lockdown, hindi na bago sakin ang konsepto ng social media at virtual worlds sa loob ng internet-based na mga apps, tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Youtube, Tiktok, atbp.
Ang internet bilang prime mover ng globalisasyon ay pinakamakapangyarihan sa kasalukuyang panahon, kung saan halos buong social life ng isang tinedyer na tulad ko ay nakasalalay sa paggamit sa social media.
Tumblr media
Paano nga ba Naiimpluwensyahan ng Internet ang mga Desisyon ko?
Una, nagsisimula lang ito sa simpleng kuryosidad, at habang nagsasaliksik ng mga karagdagang impormasyon ukol sa isang bagay mas na-eenganyo akong subukan ito.
Tumblr media
Pangalawa, sa pagkakataon na nasubukan ko ito, at tunay nga na maganda ang maidudulot nito sa aking sarili o kaya mahusay ang naging resulta ng paggamit o pagsunod sa isang bagay na mula sa kaalaman ng taga-ibang bansa, may parte na sa aking pagkatao ang nakakonekta sa kanilang pamamaraan ng pamumuhay. 
Dahil napatunayan kong mas epektibo ang paraan na ginagamit sa ibang bansa kumpara sa sistema na ginagamit sa bansa. Dito na papasok ang futher application ng kaalaman sa aking buhay. 
Tumblr media
Panghuli, ginagawa ko ito ng palagian, hanggang sa masanay ako at naisama na ito sa aking mga habits. Minsan, naipapasa ko pa ang kaalaman na nakuha ko mula sa internet papunta sa aking mga kaibigan. Dahil may mga pagkakataon na kailangan nila itong malaman upang mapabilis ang proseso ng kanilang trabaho. 
Tumblr media
Ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon at kaalaman ay maihahalintulad sa karma, minsan ikaw ang magbibigay sa iba at madalas sila ang nagbibigay sa iyo. Ngunit tatanggapin mo iyon dahil makatutulong ito para sa iyong self development sa iba’t-ibang aspeto ng buhay. 
Ano-anong parte sa aking buhay ang labis na impluwensyado ng mga ideya mula sa ibang bansa?
Tumblr media
Ang beauty standards sa Pilipinas ay maputi, payat, mestiza-faced at matangkad. Makikita ito sa mga artista na lumalabas sa tv, sobrang bihira na makakita ako ng morena na artista sa mga teleserye na aking napapanood mapa-GMA, ABS-CBN, o TV5 man ang channel.
youtube
Bukod pa riyan, may isa pang beauty standard na tinatangkilik rin ng mga tao ngayon, at ito ang short-haired chinita with glasses. Ito naman ay bunga ng beauty standards mula sa Korean at Japanese media na nakarating sa bansa.  
Subalit ung iisipin, ang anyo ng tunay na Pilipina ay morena, pandak, at malayo sa mestizang anyo ang features sa kaniyang katawan. Tulad ng kulot na buhok, malalaking mga mata, at pango na ilong.
Tumblr media
Nakalulungkot lamang isipin na kung ano pa ang orihinal na hitsura ng ating lahi, iyon pa ang madalas na nabibigyan ng label na hindi kaaya-ay o pangit. Kaya napakalaki ng respeto ko sa mga taong pinaayos ang kanilang hitsura sa espesyalista, bakit? 
Dahil kahit papaano alam ko yung pakiramdam na kahit anong pag-aayos pa ang gawin mo sa iyong sarili hinding-hindi mo maaabot yung lebel ng ganda upang masabi ng marami na isa kang marikit na dilag.
Hindi naging mabilis ang proseso sa pagtanggap kung sino ka mas lalo na kung nararamdaman mo na ikaw ang pinakapangit sa paligid dahil wala sayo ni-isa sa mga pamantayan. Kaya sinubukan nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maramdaman ang kanilang kahalagahan bilang tao, lalo na't sa kasalukuyan may tinatawag tayong pretty privileges. 
Tumblr media
Hindi sana magiging superficial ang beauty standard ng Pilipinas , kung noong unang panahon minahal na natin ang sariling kulay at hindi ito kinumpara sa ganda ng mga mananakop sa ating bansa. 
Subalit wala na tayong magagawa roon, hindi na natin mababago ang nakaraan pero maaari nating iparamdam sa iba na sila’y kamahal-mahal dahil ang bawat isa ay ginawa para maging kamahal-mahal sa ibang tao. Makatutulong ito para mas tumaas ang kanilang pagmamahal sa sarili at magbigay ng dagdag sa self-esteem at confidence upang harapin nila ang mga araw na nakangiti. 
Tumblr media
Dala ng malawakang impluwensya ng mass media sa pagdidikta kung ano ang uso at hindi. Madalas kong iniuugnay ang aking mga damit sa mga tv series at movies na napapanood ko.  Dahil nararamdaman ko ang kasiguraduhan na katanggap-tanggap ang aking damit para sa mata ng mga kapwa kong Gen Z.
Tumblr media
Ngunit habang patagal nang patagal at pabago-bago ang clothes trend bawat linggo/buwan/taon, sa ngayon madalas kong pinaglalaanan ng ipon ang mga staple clothes na maaari kong masuot at mai-mix-and-match kasabay ilang mga blouse upang makabuo ng magandang OOTD na konektado pa rin sa clothing style ng mga internasyonal na clothing standard sa mundo. 
Para sa akin ang epekto ng globalisasyon sa pananamit ay nakikita ko bilang isang oportunidad upang maging masining at wais sa mga damit na aking sinusuot.  Dahil ang paraan ng pananamit ay isang lantaran na pagpapakita kung ano ang iyong personalidad sa harap ng ibang tao, with no words involved. At tinutulungan nito na palakasin ang cofidence ng isang tao sa maikling panahon. 
Tumblr media
Dala ng matinding exposure sa internet at mass media, nakabisado ko na ang wikang Ingles mula sa mga facebook captions hanggang sa mga subtitles ng KDrama at Anime shows.
Tumblr media
Kung titingnan mula sa positibong anggulo, masasabi kong tunay na lumawak ang aking bokabularyo sa wikang Ingles. Mas naging malalim ang mga salitang nagagamit ko dahil may ideya na ako sa kung ano-ano ang gamit nito. 
Ngunit ang negatibong epekto nito ay nawawalan ako ng dagdag na kaalaman sa mga salitang Filipino, sapagkat hindi uso sa mga local na pelikula ang gumamit ng mga malalalim na salita. 
Tumblr media
Madalas pa-balbal pa ang mga nagagamit rito upang ihatid ang tindi ng mga damdamin sa isang linya. Dagdag pa riyan, sa mga modernong pelikulang Filipino nauuso na rin ang palalagay ng mga linyang may halong tagalog at simpleng Ingles.
Tumblr media
Dahil sa kasalukuyang panahon, normal na sa mga Filipino ang magbitaw ng mga kataga na may halong isa hanggang tatlong salitang banyaga. Kaya upang maging ka-relate-relate ang isang kaganapan sa palabas, naglalagay ang mga scriptwriters ng Ingles.
Tumblr media
Oo naman, sa aking pananaw ang pagiging tunay na Pilipino ay makikita sa maliliit na bagay na madalas nating kinaliligtaan sa mahabang panahon. Halina’t tuklasin natin ito sa  ika-apat na parte ng 99% Homogeneous.
Tumblr media
Unang-una rito ang kilalang strong-family ties ng isang Pilipinong mag-anak. Namamasdan ito sa mga family reunions, kasal, binyag, debut, noche buena, fiesta maging sa mga burol kung saan ang mga third, fourth, at fifth na cousins sa isang mag-anak ay magkakilala pa rin. 
Isa din sa mga manipestasyon nito ay ang mga pamilya kung saan inaalagaan at kinukupkop nila ang kanilang mga lolo at lola.
Sa Pilipinas, hindi uso ang mga home for the aged, maliban na lamang sa iilang mga pampublikong institusyon na kumukupkop at nag-aalaga ng mga nakakatanda na wala nang mapuntahan na pamilya. Dito inaalagaan sila ng mga volunteers hanggang sa sila’y sunduin na ni kamatayan. 
Tumblr media
Taken at: Bahay ni Maria, Calamba City, Laguna Province  
Tumblr media
Pangalawa, ang paniniwala sa mga superstitious beliefs. Magmula noon hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako at ang aking pamilya sa mga kasabihan ng matatanda.
Isa nang halimbawa nito ay ang hindi paggugupit ng kuko kapag sumapit na ang ika-anim ng gabi, dahil may mangyayari daw na masama sa iyong magulang kapag ginawa mo iyon.
Tumblr media
Sumunod din kami sa mga superstition beliefs noong lumipat kami ng bahay. Sabi ng lola ko sa mother’s side dapat daw lumipat kami sa petsa na may 8 na numero. Kaya sinikap noong nakaraang taon na makalipat nang Nov 28, dahil ito raw ay magbibigay ng mahabang buhay at kaligayahan habang nakatira kami sa panibagong bahay.
Tumblr media
Dagdag pa riyan, ayon sa paniniwala nila mama mula sa Bukidnon, ipinagbabawal nila sa mga dalaga nag kumanta habang nagsasaing. Dahil pinaniniwalaan nila na makakapangasawa ng balo ang sinumang gumagawa noon.
Tumblr media Tumblr media
Isa rin dito ang well-known Filipino Time, na mindset sa sa mga pagtitipon. Kung saan hindi mawawalan ng rason para i-delay ng ilang minuto o oras ang isang gawain dahil marami pa ang wala at mahuhuling makarating sa meeting place.
Ayon kay Fr. Miguel Bernad, na sumulat ng sanaysay tungkol sa Filipino Time sa kanyang aklat na “Budhi: A Journal of Ideas and Culture”, ang pariralang Filipino Time ay likha ng mga Amerikano noong dekada 1900 dahil nairita sila sa kawalan ng pagiging maagap ng mga Pilipino.
Tumblr media
Sa totoo lang palagian kong nagagamit ang “Filipino Time” bilang pangunahing dahilan kapag ako ay nahuhuli sa isang pagtitipon, dahil you can easily get away with it. Sunod-sunod na henerasyon itong nakasanayan at sa tingin ko mahirap na itong alisin sa sistema ng mga Filipino. 
Tumblr media
Panguhuli ay ang malaking respeto natin sa mga nakakatanda. Sa Pilipinas, unang itinuturo ng isang magulang sa kanyang batang anak ay ang pagmamano sa mga nakakatanda. Kahit wala pa sa tatlong gulang ang bata sinasanay na nila itong humingi ng mano o ‘bless’ sa mga taong nakapalibot sa kanya. 
Sa panahon naman na natuto nang magsalita ang bata, doon na idinaragdag ng mga magulang na kailangan nilang magsabi ng po, opo, at ho kapag nakikisalamuha sa nakakatanda. Ang mataas na respeto sa nakatatanda ay isa sa mga values ng Filipino na hindi dapat mabura habang tayo’y exposed sa globalisasyon.  
Tumblr media
Dito na rin maipapasok ang pagiging magiliw sa mga panauhin o hospitable ng mga Pilipino. Dala ng malaking respeto para sa isa’t-isa, kapag may bumibisita sa kakilala sa aming bahay, talagang inilalabas namin ang mga magagandang plato, baso, at mga utensils na itinatago ni mama. 
Tumblr media
Sinisigurado din namin na sapat ang pagkain at libangan para sa kanila, at nagkakaroon kami ng major house clean up bago at pagkatapos nilang bumisita. Dahil isa iyon sa values na ipinasa ng aking lola, sa aking ina, papunta sa akin. At pagdating ng araw nais ko rin itong ipasa aking magiging mga anak.   
Tumblr media
Unang-una, hindi magiging Pilipinas ang pangalan ng ating bansa. Dahil ang pangalang Pilipinas (Filipino: Pilipinas, Spanish: Filipinas) ay nagmula sa pangalan ng haring Espanyol na si Philip II, noong ika-16 na siglo, nang madiskubre nila ang isla ng Pilipinas at naging Katoliko ang mga mamamayan na naninirahan dito.
Nakikita ko ang bansang Pilipinas na nahuhuli pagdating sa siyensya, teknolohiya at kaalaman sa mundo. Ngunit sa kabilang kamay, napakayaman naman ng ating magiging kultura kung walang impluwensya ng globalisasyon ang Pinas. Dahil bago pa man nagkaroon ng Kristiyanismo sa ating bansa, mayroon na tayong sinasambang Diyos tulad ni Bathala ang ang kanyang sariling bersyon ng mitolohiya sa Pilipinas. 
youtube
Dagdag pa riyan, sa aking pananaw ang magiging pamumuno sa Pilipinas ay tulad ng sa UK kung saan mayroong Royal Family. Sa rason na bago pa man makarating ang mga Espanyol sa Luzon, ang Kingdom of Tondo ay isa sa pinakamaunlad na sibilisasyon sa bansa, kung saan nakapaggawa sila ng mahusay na kalakalan sa pagitan ng Ming Dynasty sa Tsina.
Kung sakaling hindi dumating ang mga Espanyol para sakupin ang Luzon, magiging matagumpay sana ang kapit-bisig na pamumuno nina Rajah Sulayman and Rajah Matanda, kung saan bumuo sila ng Kingdom of Manila, na pumapalibot sa Pasig River.
Tumblr media
Ang bagay na sigurado ako ay, hindi magkakaroon ng matinding kaisipang kolonyal ang mga Pilipino kung hindi tayo nasakop ng iba’t-ibang mga bansa. Sapagkat masyado na tayong na-expose sa paraan ng kanilang pamumuhay, kaya hindi na sapat sa atin ang pagtangkilik sa mga produktong lokal. Kasabay pa niyan ang mañana habit na isang negatibong ugali ng mga Filipino at mga South American na nagmula sa mga Espanyol, na tumutukoy sa pagpapaliban ng mga dapat na gawin, upang asikasuhin ang mga bagay na hindi mahalaga.
Tumblr media
Kung pagsusumahin, sa kasalukuyang panahon maraming salik na mahalaga sa buhay ng isang tao ang pangunahing prime movers ng globalisasyon, tulad ng internet at mass media. Ang globalisasyon ay isang mabuting bagay na nagaganap at umuusbong sa buong mundo, dahil pinakakaisa nito ang ating mga kultura, paniniwala, at kaalaman. 
Subalit, lahat ng sobra ay nakakasama kaya nararapat nating lagyan ng limitasyon ang ating mga sarili, kung hanggang saan lang ang yayakapin na impluwensya mula sa ibang bansa. Dahil sa kasalukuyan, unti-unti nang nawawalan ng cultural identity ang ating bansa. At hindi iyon dapat maranasan ng isang lahi, dahil sa mundo na puno ng pagkakaisa dapat may bagay pa rin na unique sa atin, yung tipong mga kapwa Pilipino lang ang makakaintindi.
Inaamin ko na malaking bahagi ng aking buhay ay umiikot sa mga kaalaman na nakuha ko sa internet, tulad ng paraan ng pananamit, beauty standards, at pananalita. Ngunit hindi ibig na sabihin nito na sirado na ang aking isip sa mga pagbabago ng nasabing aspeto kung saan magiging pabor ito sa lokal na standards. 
At hinihiling ko na sana dumating rin ang panahon kung saan magkaroon ng mga bagong kaalaman ukol sa kasaysayan bago pa tayo sakupin ng iba’t-ibang bansa. Dahil napakakulay ng ating sariling mitolohiya at kailangan lamang nito ng proper exposure at introduction sa media para  tangkilikin ito mga makabagong henerasyon. 
Tatapusin ko ang aking blog na may paniniwalang: Hangga’t may koneksyon tayo mula sa traits at paniniwala ng mga sinaunang Pilipino mula sa pre-colonial period, hindi mawawala sa atin ang pakiramdam na ikaw ay isang Pilipino. Huwag natin itong kakalimutan saang lupalop man ng mundo ang iyong mapuntahan.
0 notes
geonecle · 2 years
Photo
Tumblr media
ABANGAN: 99% Homogeneous - blog na inspirado ng paksang 100% Filipino. Isang akada na tatalakay sa globalisasyon at sa ating pagkakakilanlan bilang isang Filipino. 
2 notes · View notes
geonecle · 3 years
Text
What’s Like Playing Those Brutal Dominoes - inspirado ng Rappler documentary na ‘Tatlong Araw’
Kahirapan … kahirapan … mga taong kalaro ni Kamatayan.
Tumblr media
Bago pa man nagkaroon ng pandemya sa Pilipinas, hindi na bago ang konsepto ng mga iskwater at mga namamalimos sa kalsada ng pera para makabili ng makakain. Noong maliit pa ako, madalas na gamiting panakot ito ng mga magulang ko. Sabi nila kapag hindi ako nag-aral at nagsumikap sa buhay, makakatulad ako sa kanila na walang makain, ligtas na tirahan at maayos na saplot. 
Sa loob ng isang araw, ang nais lang nila ay makakain ng isang beses at magkaroon muli ng makakain sa susunod na araw para sa kanilang mga anak. Ang ganitong pamumuhay ay normal sa pamilyang Buenaflor na bida sa Rappler blog na “Tatlong Araw”:
youtube
Nang simulan namin talakayin sa klase ang unmeployment, talagang ipinagdidiinan ko noon na ang indibidwal talaga ang may kakulangan kaya nalulugmok siya at ang kanyang pamilya sa kahirapan. Sapagkat lumaki ako sa mindset na, “yung mga mahihirap sila yung mga hindi na nagsumikap sa pa-aaral”.
Ngunit hindi lang pala iyon ang rason ...
Tumblr media
Para sa aking ikatlong blog, layunin kong ilagay ang aking sarili at ang mga magbabasa sa sapatos ng ating mga mas nakahihirap na kababayan. Kaya simulan na natin ang paghihimay sa usapan ng kahirapan at unmeployment bilang isang siklo at domino na nakaapekto sa susunod na henerasyon. 
Tumblr media
Ang pamilyang Buenaflor ay iisa lamang sa mga pamilyang Pilipino na nabibilang sa poverty line.
Ayon sa artikulo ni Ralf Rivas sa Rappler noong ika-4 ng Pebrero sa kasalukuyang taon, inilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mananatili at tataas pa ang rate ng kahirapan sa Pilipinas hanggang sa pagbaba ni Pang. Duterte sa kanyang posisyon.  
Tinatantya nilang aabot sa 7% hanggang 9% ang itataas ng unemployment rate sa kasalukyang taon, dahil sa nakikitang pagdagsa ng job applications mula sa unang batch ng mga fresh college graduates na dumaan sa Kto12 Program. 
Sa susunod na parte ng blog, mas palalawakin natin ang ating kaalaman sa mga isyung panlipunan pa ang nakaapekto, nakaapekto at makaaapekto sa kanilang pamilya mula sa henerasyon ng kanilang magulang hanggang sa henerasyon ng mga anak at apo nina G. at Gng. Buenaflor. 
Tumblr media
Base sa pagsasalaysay ni Gng. Geraldine Buenaflor (ina), nang pumunta ang kaniyang pamilya sa Maynila noong siya’y walong taon pa lamang, hindi na niya tinuloy ang pag-aaral at maaga siyang bumuo ng pamilya kasama si Basilio Buenaflor.
Mula sa background na ibinigay ni Geraldine, masasabi na nating hindi naging maayos ang kanilang buhay sa paglipat nila sa Manila. At sa murang edad nasanay na siya na umangkop at magtiis sa hirap ng buhay. Malaki ang posibilidad na nadala niya ang pananaw sa buhay na sapat para bumuo at bumuhay ng pamilya ang kanilang kasalukuyang estado na may hindi regular na trabaho at nakatira sa barong-barong. Ganito madalas ang nagiging siklo ng generational poverty sa Pilipinas.
Ang generational poverty ay talamak hanggang sa kasalukuyang panahon na libre na ang edukasyon at may ibinibigay na unemployment benefits bilang tulong ang gobyerno. Madalas itong makita sa mga probinsya at pook ng mga dukha sa bawat siyudad.
Magiging malaking suliranin ito dahil sa kasalukuyan, kasi ang panganay na anak ni Basilio at Geraldine na si Gemalyn ay mayroon nang isang anak, ngunit walang asawa at wala rin siyang paraan upang maglaan ng pera para sa kaniyang anak at sarili. 
Kung ilalagay natin ito sa metapora ng larong relay, matapos ipasa ng mga magulang ni Geraldine ang baton ng kahirapan sa kanilang mag-asawa.
Tumblr media
Hindi man nila nais, ay naipasa na rin sa mga anak nila ang  baton ng kahirapan. Sapagkat sa mindset pa lamang ni Gemalyn hindi na makikita ang pagasa na may balak pa siyang iangat angkaniyang anatas ng buhay, umaasa na lamang siya na darating ang panahon na makakapangasawa siya ng taong tanggap siya at ang kaniyang pamilya.
Unemployment, ito ang may pinakamalaking salik sa mga sanhi ng generational poverty. Tayo na’t tuklasin ang pangalawang domino ng suliranin sa paghihirap ng pamilyang Pilipino.
Tumblr media
Nabanggit ni Gemalyn sa documentary na isa sa mga rason kung bakit sila’y naghihirap ang kawalan ng trabaho ng kanilang padre de pamilya. Bunga ng matandang edad ni G. Basilio, hindi na siya natanggap sa labor force na nais niyang pasukanupang makapaghatid ng pagkain sa hapag ng kanilang pamilya.
Sa aking pananaw, ang bussiness sector ang nakikita kong may malaking dulot sa pagtaas ng unmeployment rate sa bansa. Sapagkat ang mga pangunahing sanhi ng kawalan ng trabaho tulad ng job cuts, job disatisfaction, at diskriminasyon ay maituturo pabalik sa mga kumpanya.
Tumblr media
JOB CUTS
Naging talamak ito ngayong panahon ng pandemya dahil sa pagkakaroon ng mga lay-offs sa mga opisina at pagawaan sapagkat hindi maaring isakripisyo ng isang kompanya ang profits nito at mas lalo na ang mismong produkto o serbisyong hinahatid nila. 
Pangalawang sanhi naman ng mga job cuts ay ang patuloy na paglago ng teknolohiya at paglaganap ng modernisasyon sa Pilipinas. Madalas sa industriya ng mga pagawaan, hindi maiwasan na magkaroon ng pagpapalit sa mas bagong makinarya na maraming kapasidad na trabaho. 
Tumblr media
Kaya’t sa isang pitik, maaaring mawalan ng hanapbuhay ang mga tao sa isang factory, dala ng mga mass firings.
JOB DISSATISFACTION
Ayon sa  2017 Job Happiness Index ng Jobstreet.com, ang antas ng kasiyahan sa trabaho ng Pilipinas ay bumaba sa 4.97 puntos ngayong taon mula sa 5.25 noong 2016. Kay mula sa nangungunang bansa sa ASEAN na may malugod na labor force, bumaba ang bansa sa pangatlong puwesto.
Kung may isang bagay na magkatulad ang isang romantikong relasyon at ang trabaho, ito ay passion. Isang araw, kapag hindi na maramdaman ng tao ang passion dahil sa matinding work environment na pumapalibot sa kanila. Hindi na maiiwasan pang ma-burn out ang isang tao at bumaba ang performance sa trabaho.
Tumblr media
Narito ang limang pangunahing rason kung bakit nagkakaroon ng job dissatisfaction ang mga manggagawang Pilipino:
01. MGA EFFORT NA HINDI NABIBIGYAN NG NARARAPAT NA PARANGAL
Tumblr media
Ayon sa panansliksik ng filwebasia.com marming Filipino na naghahanap buhay ang hindi nakararamdam ng employee appreciation sapagkat masyadong fast-paced and work setting nila.
02. OFFICE POLITICS
Tumblr media
Maraming mangagagwa ang nawawalan ng motibasyon na magtrababho kapag sukdulan ang pagkakaroon ng favoritism sa opisina  o pagawaan. Sapagkat nararamdaman nila na palaging pabor ang kanilang boss sa ideya ng isang empleyado lamang. At sa ganitong sitwasyon, hindi nila nararamadaman na naririnig ang kanilang boses sa kanilang trabaho. 
03. MAS MAGANDANG OPORTUNIDAD SA IBANG KUMPANYA
Tumblr media
Gusto ng empleyado ng maraming benepisyo mula sa kompanyang kanilang pinapasukan, kapag hindi nila nakikita na nagsusumikap ang namamahala sa kumpanya na maglaan ng pondo para sa iba’t -ibang allowances ng isang manggagawa. 
Unti -unting nawawala ang motibasyon ang mga trabahador na  magbigay ng magandang serbisyo, sa halip naghahanap na lamang sila ng ibang mapapasukan na may mas magandang employee perks and benefits.
04. PEER PRESSURE 
Tumblr media
Ang mga oportunidad, suweldo, at mga benepisyo ay wala kung nagtatrabaho ka sa isang magulon, nakasasakal, at nakalalason na kapaligiran. Madaling sabihin, "Huwag mong isipin ang pinagsasabi nila. Kailangan mo lang magpatuloy at magsikap ng mag-isa." 
Gayunpaman, lahat ng tao ay may limitadong sipi ng pasensya, at kapag ito’y naubos na, tiyak na malaki ang magiging epeko nito sa mental health ng empleyado o kaya sa pananaw niya sa buhay.
05. KAKULANGAN NG KAGAMITAN SA TRABAHO AT MGA RESORSES
Tumblr media
Isipin ang isang mangingisda nang wala ang kanyang lambat sa pangingisda. Hindi alintana kung gaano niya kagusto ang pangingisda, hindi niya magagawa ang trabaho kung hindi niya nakuha ang mga kagamitan na kailangan niya.
Parahas na kaisipan ang dapat ilagay sa sapatos ng mga kompanyang may maliliit na resorses at mumurahing kagamitan para sa mga trabahador,  ngunit may malaking ekspektasyon sa output na kailangan maipasa ng mga trabahador. Isa ito sa mga bagay na bumubura sa motibasyon ng mga empleyado, ang makitang hindi sila suportado ng namumuno sa kompanya.
DISKRIMINASYON
Hanggang ngayon, maraming employers pa rin sa Pilipinas ang bumabase sa edad, pisikal na anyo, at kasarian ng mga applicants maging sa mga manggagawa kapag pumipili ng trabahador na dapat mabigyan ng mas mataas na posisyon sa kumpanya.
Tumblr media
Isa na sa mga biktima nito si G. Basilio Buenaflor, kaya mas lalong nalugmok ang kaniyang pamilya sa kahirapan dahil sa hindi na siya tinatanggap sa trabaho dahil sa age discrimination.
Ipinasa ang batas na Republic Act No. 10911 or the “Anti-age Discrimination In Employment Act” noong July 21, 2016, upang mabigyan ng patas na oportunidad ang mga nakatatanda kumpara sa mga fresh grads at mas nakababatang populasyon ng applicants. 
Ngunit hindi pa rin ito nasusunod ng maraming employers sa bansa dahil hindi maayos at mahigpit ang sistema ng pagpapatupad nito. Kaya wala ring napala ang karamihan sa mga umaasa sa batas na ito tulad ni Basilio Buenaflor. 
Bukod sa diskriminasyon, mas malaki pa rin ang kalamangan ng taong may natapos na antas sa edukasyon, kumpara sa wala. Kaya’t para sa ikatlong domino, tatalakayin na natin ang “Kawalan ng Edukasyon”, na kasalukuyang nararanasan ng mga supling ng pamilya Buenaflor.
Tumblr media
Sina Gemalyn at Ginalyn ay kapwa hindi nakapagtapos ng elementarya. Ayon sa pahayag ni Gemalyn siya'y tinamad na tapusin ang elementarya, dahil wala din namang pera ang kanyang mga magulang para maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo.
Sa mindset pa lamang ni Gemalyn, makikita na malaking-malaki ang impluwensya ng kanilang pamumuhay sa mga desisyon niya sa buhay. May punto talaga siya sa parte na wala silang pera. Pero sa aking pananaw, marami akong nakasasalamuhang tao na nagmula rin sa puwesto ni Gemalyn, at kahit papaano nakayanan nilang naiahon nila ang kanilang mga sarili, tulad ng aking ina na noon ay umalis sa kanilang tahanan upang mamasukan bilang kasambahay kapalit ang pag-aaral.
Kaya napa-isip ako, dahil sa ngayon libre na ang matrikula sa mga pampublikong paaralan, at mayroon na ring mga programa tulad ng ALS o ang Alternative Learning System na handog ng DepEd. Hindi pa ba sapat ang mga oportunidad na inilalaan ng gobyerno sa kanila? 
Tumblr media
Kulang man o sobra ang binibigay na tulong ng gobyerno sa mga taong tulad nila, nais ko pa rin bigyang halaga na nasa tao pa rin ang will o sipag para magtapos ng pag-aaral. Kung may pangarap ang tao na iahon ang kanyang buhay, makakahahanap at matatagpuan mo ang mga oportunidad na para sa iyo. 
Hindi pa huli ang lahat para kay Ginalyn at mas lalo kay Gemalyn sapagkat hindi tamang gawing rason ang pagiging Batang Ina sa hindi pagtuloy sa pag-aaral at pananatili sa puder ng mga magulang bilang isang dependent.
Tumblr media
Isa pa ito sa nakikita kong problema kay Gemalyn. Dahil paano niya nagawang magpabuntis lalo na't hirap na hirap siya at ang kanyang pamilya sa buhay.
Nakakaawa ang kalagayan ng anak ni Gemalyn sapagkat hindi man gusto ng kanyang anak, mararanasan pa rin nito ang hirap ng buhay na hindi dapat maranasan ng isang bata kung sakaling pinagplanuhan nang mabuti ang pagkabuhay niya.
Dapat tayong maalarma dito dahil ayon sa tala ng Commission on Population and Development (Popcom), aabot na sa 133,625 na pamilyang Pilipino ang binubuo ng mga minordeng edad na bata.
Ibig sabihin nito sa kasalukuyang taon lagpas 130,000 na teenager ang nabuntis at bubukod na kanilang mga magulang, sa panahon ng pandemya.
Tumblr media
Wala akong ideya kung sa papaanong paraan nila bubuhayin ang kanilang sarili. Ngunit nasisigurado ko na magiging masalimuot ang buhay ng mga batang kanilang ipinangangak kapag hindi nila sinikap na magkaroon ng Maayos na Family Planning Method.
Tumblr media
Mula sa pahayag ni Geraldine, mayroon daw siyang pitong anak at ang apat ay pumanaw na. Mula sa aking perspektibo hindi ko inakala na kakayanin nilang magkaroon ng mga anak, dahil hirap na hirap sila sa buhay.
Ngunit, paano, at bakit pa nila nagawang bumuo ng pitong anak. Iniisip pa ba nila kung anong uri ng buhay at pamumuhay ang maibibigay nila sa kanilang anak?
Mayroon nang batas na naglalayong iwasan ang ganitong uri ng kaganapan sa isang pamilya, at ito ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 na mas kilala sa tawag na Reproductive Health Law or RH Law (Republic Act No. 10354).
Tumblr media
Ito ay isang batas sa Pilipinas na nagbibigay ng pangkalahatang access sa mga pamamaraan sa pagpipigil sa pagbubuntis tulad ng  contraception, fertility control, sexual education, at maternal care sa mamamayan ng bansa.
Nararapat lamang na mas mapigtingin at palawakin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng ganitong batas, dahil kailangan na kailangan na talaga ito ng mga kabataang Pilipino at mamamayan sa panahon ngayon. 
Tumblr media
Ang huling domino na itatalakay ko sa mga suliraning panlipunan na nararanasan ng pamilya Buenaflor ay ang health issues. Mula sa paunang obserbasyon sa paraan ng pamumuhay nilang 'Isang Kahig, isang tuka', hindi talaga malabo na magkaroon ng problema sa kalusugan ang miyembro ng kanilang pamilya.
Tulad nang pagiging disabled ni Jomar (bunsong anak) at ang pag-atake ng epilepsy ni Gng. Geraldine. Kasi unang-una wala silang kakayahan na makabili ng pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain na kinakailangan nang tatlong beses sa isang araw.
Bukod pa riyan, dala ng kahirapan at kawalan ng trabaho, wala rin silang maayos na tahanan na makapagbibigay sa kanila ng proteksyon para hindi mabasa ng ulan o kahit na mapanatili ang kalinisan sa kanilang kapaligiran. Sapagkat ang tirahan nila mismo ay matatagpuan sa lugar na napakabaho, dumi, at puno ng polusyon.
Tumblr media
Hindi ito kaaya-ayang lugar para manirahan, bumuo ng pamilya, at magpalaki ng bata. Lalo na sa panahon ngayon na napakabilis ng transmission ng iba't-ibang uro ng COVID variants mula sa isang tao, papunta sa kabila.
Tumblr media
Nahahalintulad ko ang siklo ng kahirapan sa pamilyang Pilipino bilang isang laro ng relay, dahil ang mga bata na lumalaki sa ganitong kapaligiran ay nasanay mamuhay kasama ang mga magulang na may nakapanghihinang mindset ukol sa pagtatapos sa pag-aaral. Natural lang na maipasa ito ng magulang sa anak at sa susunod na henerasyon ganoon ulit ang mangyari.
Tumblr media
Ang mas nakalulungkot na bahagi dito ay hiindi natin sila masisisi sa pagpapasa ng ganitong kaisipan, sapagkat sa isang araw wala silang kakayahan na makakain ng sapat, papaano na lang kapag may estudyante na sa pamilya? 
Sabihin na nating libre ang matrikula sa mga pampublikong paaralan, ngunit hindi lang naman iyon ang gagastusan ng magulang ng isang mag-aaral. Sa loob ng isang taon ng akademiko (school year), kinakailangan ng estudyante ng kagamitan sa paaralan tulad ng gadget, mobile data/wifi connection lalo na’t panahon ng pandemya at malabo pa rin magkaroon ng face to face classes sa madaling panahon.
Tumblr media
Kung bibigyan ako pagkakataon na handugan ng suhestyon ang pamilyang tulad ng mga Buenaflor, sasabihan ko sina Geraldine at Basilio na iwanan na lang sa kamay ng DSWD ang kanilang anak na si Ginalyn at Jomar. 
Dahil doon mas masisigurado pa nilang makakakain ng tama ang kanilang anak at malaki ang posibilidad na maipagpatuloy pa nila ang kanilang pag-aaral.  Sa ganitong paraan nagawa tayong solusyon para pigilan ang pagpapatuloy ng siklo ng generational poverty sa pamilyang Pilipino. 
Kailangan na lamang dito ipakita ng mga bata ang kanilang sikap sa pag-aaral at pagdating ng araw makatatapos rin sila sa pag-aaral at makakahanap ng mas magandang trabaho na makakapaglaan nang mas magandang buhay para sa kani-kanilang pamilya. 
Tumblr media
Sa aking pananaw, ang kawalan ng edukasyon ay tulad ng unang domino na matutumba sa isang domino toppling exhibition. Sa kadahilanang pag hindi nakamit ng isang Pilipino ang antas ng pag-aaral sa college, agad na silang madedehado sa mga job hirings. 
Niyakap man ng Pilipinas ang konsepto ng Kto12 learning curriculum, hindi pa rin sapat ang dami ng mga oportunidad para sa mga senior high graduates na nais nang maghanapbuhay.
Tumblr media
Kung magpapatuloy ang ganitong sistema sa bansa, nasisigurado kong mas marami pa ang mababaon sa kahirapan at tataas talaga ang unemployment rates sa bansa. Lalo na’t may iilang mamamayan talaga na walang-wala, at hindi nila natapos ang pag-aaral sa elementarya. 
Ngunit mayroon namang paraan kung paano sila maaaring makapag-aral at matapos ito sa maikling panahon.
Tumblr media
Ang Alternative Learning System (ALS) na handog ng DepEd ay isang parallel na sistema ng pag-aaral sa Pilipinas na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga nag-aaral na Out-of-School Youth and Adult o kilala sa acronym na OSYA. 
Para magkaroon ng kasanayan sa basic functional na literacy skills, at makamit ang complete basic education na magbibigay ng mas malaking oportunidad para sa kanila. Ang programang ito ay pumapabor sa kalagayan ng tulad ni Gemalyn na natigil ang pag-aaral sa ikalawang baitang.
Ngunit syempre upang makatapos ng matagumpay sa ganitong programa, kailangan din ng estudyante na lakasan ang kanyang loob at magsumikap na baguhin ang mindset sa pag-aaral. Dahil mas nagiging mahirap ang konsepto nito, kapag hindi na gusto ng mag-aaral ang matuto. At maaaring maulit lang muli sa susunod na henerasyon angganitong uri ng pamumuhay na hindi nakapag-aaral ang mga bata.
Tumblr media
Sa aking perspektibo, nakikita ko na kulang ang kaalaman ng mga Pilipino ukol sa konsepto ng unemployment. Dahil kung hindi nilinaw na ito ay tumutukoy sa mga mga taong nais makapagtrabaho na hindi makahanap o matanggap-tanggap sa work force. Iisipin ko pa rin hanggang ngayon na ang mga taong unemployed ay ang mga taong tambay na wala nang plano sa buhay. 
Ang unemployment sa bansa ay maikukumpara ko sa isang jigsaw puzzle, sapagkat maraming factor mula sa ekonomiya, bansa, negosyo, at mga indibidwal ang nakapagbibigay ng positibo at negatibong pagbabago sa kabuuang hitsura sa kalagayan ng unemployment sa bansa.
Tumblr media
Ngunit sa lahat ng sektor, ang sektor ng negosyo, kumpanya, at mga pagawaan ang nakikita kong may malaking pagkukulang. Sapagkat maraming tao na lugmok sa kahirapan ang nais na makakuha ng trabaho. 
Ngunit maraming mga employers sa Pilipinas ang may masyadong mataas na standard para sa isang maliit na posisyon, bunga nito, nauubusan ng oportunidad ang nakabababa nating mamayan. 
At mas lalong bumababa ang mga oportunidad dahil sa pagkakaroon ng mga job cuts bunsod ng pagpagamit ng mas modernong teknolohiya at talamak na diskriminasyon sa pagpili at pagtrato ng manggagawa. Dyan pa lamang, maari nang maapektuhan maging ang mga nakapagtapos ng kolehiyo, kaya't mas lalong apektado nito ang mga hindi nakapagtapos ng primaryang edukasyon. 
Tumblr media
Sa kabuuan, tunay na naipakita sa dokumentaryong "Tatlong Araw" ang iba't-ibang mukha ng paghihirap sa ating bansa.
Ipinahahatid nito na hindi lang indibidwal ang may pagkukulang na nagresulta sa kahirapan na kasalukuyang nararanasan, kundi pati ang sektor ng negosyo at pamahalaan ay isa rin sa nag-ambag ng rason kung bakit talamak ang unemployment sa bansa.
Ang mga taong katulad ng pamilyang Buenaflor ay literal na nakikipaglaro kay kamatayan, sapagkat wala silang magawa kundi magtiis sa gutom araw-araw bunga ng kawalan sa hanapbuhay ng ni-isang miyembro sa pamilya.
Dito na papasok ang brutal na paglalaro ng toppling dominoes, sapagkat hindi lang gutom ang epekto nito sa kanilang mag-anak. Bunsod ng unemployment, nagbago na rin ang pananaw ng mga anak ng pamilyang Buenaflor sa pag-aaral, at mas masaklap pa riyan ang pagiging batang ina ni Gemalyn nang walang paraan para buhayin ang anak at sarili niya.
Iyan ang sanhi ng generational poverty, at maaari itong magpatuloy hanggang sa henerasyon ng anak niya. At patuloy na uulit nang uulit ang pakikipaglaro nila kay kamatayan sa bawat araw ng kanilang buhay.
Tumblr media
POVERTY LINE - https://www.rappler.com/business/more-poor-unemployed-filipinos-even-by-2022
JOB DISSATISFACTION - https://www.filwebasia.com/10-reasons-behind-job-dissatisfaction/
https://www.bworldonline.com/career-devt-cited-main-issue-job-dissatisfaction-jobstreet-com/
AGE DISCRIMINATION - https://www.zglaw.com/blog/2017/01/05/r-a-no-10911-eliminating-age-discrimination-in-employment
ALS - https://www.deped.gov.ph/about-als/#:~:text=The%20Alternative%20Learning%20System%20
TEENAGE PREGANACY - https://businessmirror.com.ph/2021/02/18/133000-families-will-be-led-by-minors-in-2021-popcom/
RH Law  -https://en.wikipedia.org/wiki/Responsible_Parenthood_and_Reproductive_Health_Act_of_2012#:~:text=10354%2C%20is%20a%20Philippine%20law,maternal%20care%20in%20the%20Philippines.&text=The%20Supreme%20Court%20of%20the,2013%20in%20response%20to%20challenges.
0 notes
geonecle · 3 years
Photo
Tumblr media
ABANGAN: What’s Like Playing Those Brutal Dominoes - blog na inspirado ng Rappler documentary na ‘Tatlong Araw’ mula kay Patricia Evangelista. 
0 notes
geonecle · 3 years
Text
Ganti ng Isang Api - mula sa I-Witness Documentary ukol sa ”Climate Justice” ni Howie Severino
Sino nga ba ang totoong mamamatay tao? Sino ang Api, at Sino ang Nang-aapi?
Tumblr media
Sa kasalukuyang panahon, hindi na nakagugulat marinig ang mga linyang: 
-  “Amoy tambutso yung kalsada!” 
-  “Grabe pare, ang init parang sinusunog na ako sa impyerno.”
-  “Andamig basura sa labas.” 
-  ”Binaha nanaman kami dito nung umulan kahapon” 
-  ”Yung puno dyan puputulin na, may pa-road widening project si mayor!”
  Ang nakatatakot diyan, marami sa atin ay hindi na nag-iisip pa ng mga paraan upang pigilan ang pagsalanta muli ng mga man-made na kalamidad sa ating lugar tulad ng mga baha, landslide, deporestasyon, at iba’t-ibang uri ng polusyon. 
   Sa aking pangalawang blog, pag-uusapan natin ang climate justice movement at kung paano gumagawa ng paraan ang mga taong nasa taas upang isalba ang mundo laban sa tumitinding climate change. Ang mga itatalakay ko rito ay inspirado mula sa dokumentaryo ni Howie Severino.  
youtube
   Totoong-totoo na mayroon talagang mga tao na malaki ang dedikasyon sa pagsalba sa ating mundo, at unti-unti nilang binabago ang lifestyle o yung mga appliances na araw-araw nilang ginagamit patungo sa mga kagamitan na environment friendly. Para kahit papaano may maiambag sila sa prebensyon. Halimbawa na lang dyan ang trend na sumikat noon na #SaveTheTurtles at ang paglipana noon ng mga VSCO Girls sa Tiktok.
youtube
   Maging ako ay napabili rin ng iba’t-ibang uri ng metal straws mayroon akong metal straw na pang-juice, milktea, at bent straws. Sa maikling panahon na naging trend iyon, wala pa rin akong nakitang pagbabago, hanggang sa lumaos ito at nagsibalikan na ulit ang marami sa paggamit ng plastic straws.
  Sa aking pananaw, hindi mali na gawing trend ang mga maliliit na paraan upang salbahin ang ating planeta. Ngunit sa parang ito, mukhang sinasamantala lamang ng mga bussiness industries ang mga panibagong kagamitan na “eco-friendly”. Kung pagsusumahin, naglolokohan lang tayo dito at wala tayong naisasalba sa paraang ito, hindi si Inang Kalikasan at mas lalong hindi ang ating mga sarili mula sa banta ng climate change.
Tumblr media
   Kaya naman sa parteng ito, papasok na ang pagpapakilala natin sa terminong climate justice. Pag-uusapan natin kung saan ba nagmula ang salitang ito, ano ang nais ipahatid nito, at anu-ano ang layunin nito sa mahabang panahon.
Tumblr media
   Sa totoo, kamakailan ko lang rin narinig ang terminong climate justice, pero hindi na bago sa akin ang maisama ang salitang ‘climate’ katabi ng mga salitang may kinalaman sa negatibong aspeto ng isang bagay. Dahil noon pa man, bago pa ako ipanganak malaki nang problema ang climate change na kagagawan din ng mga tao. 
   Mula sa datos ng The New York Times, nagsimulang tumaas ang temperatura ng mundo sa taong 1940, kasagsagan ng World War II kung saan naging talamak ang paggamit ng mga firearms at nuclear bombs. Dagdag diyan, ang pag-unlad ng industriyalisasyon sa mid-20th century (1951 – 1980) ay nagpakita ng mas naka-aalarmang datos ng pagtaas ng temperatura ng ating atmospera. 
Tumblr media
   Mula sa datos na iyan, masasabi ko nang hindi talaga sapat ang 3Rs para mapababa ang itinaas na temperatura ng mundo sa nakaraang mga dekada. Awa na lamang ang nararamdaman ko para sa mga batang ipinagbubuntis pa lang ng kanilang mga ina. Ano lang ang maaabutan nila? 
   Paniguradong madidismaya sila, dahil pagdating ng araw sila’ t-sila lang din ang mga magdurusa sa kagagawan natin, ng ating mga magulang, at mga ninuno. Narito ang dagdag na larawang datos, upang mas maintindihan niyo pa kung paano tayo sisingilin ng ating sari-sariling karma: 
Tumblr media
Narito ang karagdagan pang epeko ng climate change, na nararanasan ng mundo ngayon, ayon kay Peter Frumhoff, isang miyembro ng Union of Concerned Scientists in America:
super typhoons 
pagtaas ng sea levels
pagkatunaw ng ice caps sa North at South Pole 
madalas na pagkakaroon El Nino at La Nina 
paghalo ng saltwater sa fresh water sources ng mga tao
Ngayon ay balikan na natin ang usapan tungkol sa climate justice ... 
Tumblr media
   Ang terminong climate justice ay lumitaw noong 1980s mula sa isang ulat tungkol sa malakihang disparities sa environmental degradation at polusyon na nagsisimulang maka-apekto sa minorya at mga pamayanan na may mababang kita sa pamamagitan ng unti-unting pagkasira ng ecosystem, dahil sa mga paubos na species.
   Nagsimulang pag-usapan ang isyung ito nang matuklasan ang suliranin sa tone-toneladang lupang itinambak na may nilalaman na Polychlorinated biphenyls (PCBs), noong 1982 sa Warren County, North Carolina kung nasaan naninirahan matiwasay ang  African American community. 
Tumblr media
   Ayon sa pananaliksik ng mga environmetal toxicologist sa Frontiers, ang kemikal na PBC ay matagal nang ginagamit sa mga pagawaan magmula pa sa taong 1929, at sa patuloy na pag-aaral isa ito sa mga naging pangunahing sanhi ng pagkahina ng immunity at respiratory system ng mga tao, na kalaunan ay napatunayang ugat ng pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng cancer sa mga hayop at tao na exposed rito. 
   Kaya mas magmula noon, umubong na sa iba’t-ibang parte ng mundo ang protesta para sa climate justice. Hanggang sa nagkaroon na ng mga pagtitipon ang bawat bansa, halimbawa na lamang ang Summit sa Paris kung saan naisabatas ang Paris Climate Accords o mas kilala sa tawag na Paris Agreement noong 2015. Upang magkaroon ng pagkilos ang mga pinuno ng bawat nayon kung paano labanan ang climate change at ang epekto nito.  
Tumblr media
   Layunin ng climate justice movement na pag-isahin lahat ng mga kilusan at protesta na may kinalaman sa pagsalba sa kasalukuyang kalagayan ni Inang Kalikasan. 
   Habang patuloy na lumalaki at mas nagiging transnational ang kilusan, bukas ang movement sa iba’t-ibang klaseng paraan upang maipakita ng isang indibidwal, at mga pangkat ang kanilang pagsisikap upang maihatid ang kani-kanilang mensahe sa mundo. 
   Isang halimbawa rito ang ipinamalas na pilgrimage walk ng Sanio Brothers, Yeb Sanio at AG Sanio, naglakad sila ng 59 na araw mula sa Italy hanggang Paris na may habang 1500 km. 
Tumblr media
   Hindi pa doon natatapos ang kanilang protesta, dahil habang sila’y naglalakad nag-iiwan rin sila ng murals upang ipahatid sa mga banyaga ang karanasan ng mga Pilipinong nasalanta ng Bagyong Haiyan sa Tacloban, noong November 3 hanggang 11 sa taong 2013 na bunga ng climate change.
   . Kung pagsusumahin, ang kabuuang bisyon ng climate justice movement ay gumawa ng makulay, masining, at kapansin-pansin na kilusan upang makamit ang kanilang bisyon ng isang mahusay na scientific at panlipunan na tugon mula sa mga pinuno ng kanya-kanyang bansa para labanan ang global warming at pagbabago ng klima. 
Tumblr media
   Mula sa aking pananaw, walang mali sa kanilang ginagawa. Ngunit dahil nasa akin na ang oportunidad na maglathala ukol sa kanilang movement, naisip kong magandang pagkakataon na ito upang ipahayag ko ang aking opinion kung saang aspeto sila maaaring nagkaroon ng iilang pagkukulang. 
1. Publicity
   Mula sa aking perspektibo bilang parte ng Gen-Z, hindi ko madalas makita sa social media ang mga naging hakbang ng climate justice movement sa nakaraang mga taon. Madalas naririnig ko lamang ang tungkol sa kanila sa mga dokumentaryo at balita sa telebisyon. 
   Siguro mas mabuti kung, maging aktibo rin ang mga environmental activists sa social media platforms tulad nang tiktok, insta, at twitter na madalas tambayan ng makabagong henerasyon.
2. Advanced Multimedia Arts Protest 
   Sa kasalukuyang panahon, kung saan halos sa internet at social media na lamang umiikot ang buhay ng nakararami. 
   Nais kong imungkahi na, mas makukuha siguro natin ang atensyon ng mga tao kung idadaan natin ang protesta sa paggawa ng mga pelikula o tv series na may kinalaman sa pagkasira ng mundo bunga sa kagagawan ng mga tao.  
   Yung klase ng pelikula na, hindi naka-estilong pang-dokumentaryo. Bagkus ang estilo niya ay nasa genre na action/ mystery/ thriller. Na maaaring mapanood ng lahat sa platforms na Youtube, Netflix, o Disney+.  
3. Influence
   Nais ko bigyang pansin, na nararapat lang na ipasa ng mga environmental activists ang mindset nila sa nakabababang henerasyon. Siguro imbis na gobyerno ang bigyan nila ng pokus sa mga protesta, mas mabuti kung hatiin nila ang movement force sa dalawa. 
   Ang una grupo ay nakatuon sa layunin nilang manawagan sa gobyerno at mga siyentista. Ang pangalawang parte naman ay sisikapin na ipasa ang paniniwala o pananaw nila sa magiging kinabukasan ng mundo sa mga nakababatang henerasyon ng mga Pilipino.  
Tumblr media
   Sa parteng ito, nagsaliksik ako ng mga bansa na mayroon talagang ginawang “solusyon” na nararapat na maging modelo. Kasaby niyan ang mga bansang may na mahigpit na Environmental and Cleanliness Protocols.
Ang source na ginamit ko para sa talaan ng rankings ng mga bansa ay batay sa inilabas na report ng USNEWS noong Abril 21, 2021. Narito ang tatlong bansa na may malaki at bukod tanging iniamabag sa paagpigil ng tuluyang pagtaas ng temperatura ng mundo: 
Tumblr media
   Ang bansang sweden ay nakapasok sa pangatlong puwesto dahil nakamamanghang Waste Management System at Environmental Awareness sa kanilang bansa. Ayon sa ulat ng France 24 News, ang mga basura sa Sweden ay tila nagiging ginto. Bakit? 
   Sapagkat ang sistema ng recycling ng basura sa kanilang bansa ay nasa ibang lebel na, kumpara sa buong mundo. 
Una, may pitong klase sila ng recycle bins sa kanilang mga basura. At ito ay ang metallic waste, plastic waste, glass waste, cloth waste, appliances and gadgets waste at iba pa. 
Pangalawa, ang pangunahing kinukuha para idaan sa recycling process ay ang mga metal, plastic at glass waste para idaan sa unang proseso ng recycling. Ang mga hindi naman nabanggit ay didiretso na sa pangalawang proseso. 
Ang lahat ng kanilang mga basura ay pinoproseso sa isang Power Generator Plants, kung saan sinusunog ang mga basura para makakuha ng thermal energy na kalaunan ay magbibigay ng elektrisidad sa buong bansa. 
Ang hangin na ibinubuga ng mga Power Generator Plants ay walang halong greenhouse gas kaya ipinagpatuloy nila ang proseso na ito, hanggang sa dumami ang mga planta nito sa Sweden.
    At dahil naka-asa ang kanilang kuryente sa basura, madalas kinakailangan pa nila mag-import ng tone-toneladang basura na galing sa ibang bansa. Upang maipagpatuloy ang proseso ng paggawa ng thermal energy. 
    Kung sakaling mapag-aralan at maisagawa sa Pilipinas ang ganitong proseso, sigurado akong sa darating na 20 na taon masisimot ang basura sa Payatas at malaki ang posibiladad na tayo pa ang humingi ng basura mula sa mga karatig nating bansa. 
Tumblr media
   Ang bansang Norway ay nakilala bilang isa sa may pinakamalinis na hangin sa buong Europe nagyong taon. Isa rin sa ipinagmamalaki ng bansa ang kanilang  Environmental Performance Index (EPI), kung saan nakakuha sila ng 77.7  EPI noong nakaraang taon. Bukod riyan, nakuha din nila ang 100% (perfect score) pagdating sa sanitation ng mga drinking water at waste water. 
   Bukod diyan, 97% ng  kuryente sa Norway ay mula sa renewable energy na solar power, wind power at thermal power, na halos magkapareho lang din sa sistema ng Sweden, na nagsusunog din ng basura sa mga Power Generator Plants. 
Tumblr media
   Talagang hindi marunong magpatalo ang bansang New Zealand. Bukod sa mahusay nilang pagresponde sa pagkalat ng pandemya, sila rin ang nangunguna sa buong mundo sa pinakamagaling magpatupad ng  Environmental and Cleanliness Protocols ngayong taon.
   Noong 2016 lamang, ipinakilala ng parlyamento ng New Zealand ang isang panukalang batas na mangangailangan na ibunyag ng bawat kumpanya ang mga potensyal na panganib na dala ng kanilang industriya sa kapaligiran. At kapag hindi ito pumasa sa kanilang standards, agad nilang ipapasarado iyon, o kaya ay papatigilin nila ang paggawa ng kompanya sa lugar. 
   Dahil naging mahigpit sila sa pagpapatupad nang protocol na iyan, ito rin ang nagpagkuhanan nila ng kanilang tourist branding line na, “Clean and Green New Zealand” at “Heaven on Earth”.  
   Mula sa website ng National Librabry of NZ, sa kasalukuyang taon, ang kontribusyon ng kanilang bansa sa mga greenhouse gasses ay bumagsak sa pagbawas ng paggamit ng mga fossil fuels. Dahil nagsimula na silang gumamit ng ibang mapagkukunan ng elektrisidad tulad ng renewable energy. 
Tumblr media
   Naniniwala akong kahit papaano may pag-asa pa rin tayo na gumawa nang paraan upang maisalba ang kapaligiran. Base sa naipon kong impormasyon, mula sa top 3 na bansang ng may pinakamagandang paraaan sa pagsugpo ng climate change. Narito ang aking naging mga suhestyon na nararapat bigyang pansin ng pamahalaan: 
1. INVEST IN RENEWABLE ENERGY SOURCES
   Sa ngayon, malaking parte ng elektrisidad sa Pilipinas ay nakadepende sa mga imported fuels, kaya hindi na nakagugulat ang ulat ng WWF na isa ang ating bansa sa may pinakamtaas na electricity rates sa buong Asya. Limitado at maliit lang na parte ng mga lalawigan ang nakakukuha ng benepisyo ng pagkakaroon ng renewable energy sources. Narito ang ilan sa mga lalawigan na nakararanas ng nito:
Mga Wind Farms o mas kilala sa tawag na “Wind Mills” na makikita sa Ilocos Norte, Rizal, Guimaras, Aklan, at Mindoro:
Tumblr media
Hydroelectric Power Plants, sa ngayon mayroong 21 na plantang nagbibigay ng elektrisidad sa piling lalawigan ng Pilipinas na malapit sa mga dagat o sa iba pang katawan ng tubig:
Tumblr media
Geothermal Power Plants, sa taong 2021 lima na ang planta nito sa Pilipinas. Bunga riyan, nakilala ang ating bansa sa mga nangungunang tagagawa ng geothermal power sa buong mundo. Ang listahan ng mga lalawigan sa Pilipinas na mayroong geothermal power plants: (Tiwi) Albay,  Makiling-Banahaw (Mak-Ban) Laguna, (Tongonan) Leyte,  (Palinpinon) Southern Negros, at North Cotabato:
Tumblr media
Solar Power Plants, sa kasalukuyan 15 ang bilang ng planta nito sa Pilipinas. Ang pinakamalaking solar plant ay ang Calatagan Solar Power Plant, kung saan may 200,000 Trina Solar TSM-PC14 modules na nagbibigay ng elektrisidad sa buong kanluran na bahagi ng lalawigan ng Batangas. 
Tumblr media
   Sa aking pananaw, napakalaki ng potensyal ng Pilipinas pagdating sa aspeto ng geothermal energy. Dahil tayo ay mayroong geographical advantage mula sa ibang bansa dahil ang Pilipinas ay nasa gitna ng Pacific Ring of Fire, kung saan napapalibutan tayo ng mga bulkan na pangunahing sangkap para sa geothermal power plants. 
   Pangalawa, nais kong imungkahi na bigayang pansin ng Pilipinas ang pagpapatayo ng mga Thermal Power Generator Plants sa lugar tulad ng Payatas. Sapagkat malaki ang potensyal nito na magbigay solusyon sa pag-aalis ng mga landfills at dump sites na may dalang pahamak sa kalusugan ng mga Pilipino.  
2. MAGING MAHIGPIT SA PAGPAPATUPAD NG ENVIRONMENTAL PROTOCOLS
Tumblr media
   Nakuha ko ang mungkahi na ito mula sa bansang New Zealand. Oo, alam kong mayroong Environmental and Cleanliness Protocols na ipinapatupad para sa mga pagawaan sa Pilipinas. Pero hindi ko ramdam na pagiging mahigpit ng mga lokal na pamahalaan sa mga kompanyang ito. 
   “Power is power,” mula kay Cersei Lannister. Dapat ito ang mamuno sa isipan ng ating mga lokal na pamahalaan, hindi ang kaisipan na “Money is power,” sapagkat walang saysay ang pera kapag si Inang Kaliksan na ang naningil sa atin.  
Tumblr media
   Base sa personal na karanasan, isa sa mga naging rason ng desisyon naming lumipat ng tahanan ay dahil sa labis na air polusyon sa Mahogany Village Phase II and III, Brgy. San Isidro ng Lungsod ng Cabuyao sa Laguna (I’m calling out specific places). Ang tirahan na iyan, ay napalilibutan ng HardiFlex at pagawaan ng recycled glass container pati mga lata. 
   Sa dati naming tirahan, hindi na bago ang kulay brownish-gray na ulap buong araw. Dahil sa mga usok na inilalabas ng mga pagawaan sa paligid namin. Noon, may mga naglakas loob na maghain ng petition (naiki-isa ang aming pamilya sa pagbibigay ng signature) upang magreklamo sa HardiFlex ukol sa usok na inilalabas nila. Pero walang nangyari, walang pagbabago kahit pa nagpalit na ng mayor sa Cabuyao.    
   Sana’y gawing modelo ng gobyerno ang mga yapak ng Parliament ng New Zealand. Dahil kung magpapatuloy ang ganitong sistema sa Pilipinas, ako’ y hindi na matataka kung dumating tayo sa punto na magkaroon ng epidemya na may kinalman sa sakit sa baga dito sa bansa.
Tumblr media
   Ang usaping ito ay hahatiin ko sa dalawa, sa unang parte maglalahad ako ng mga simpleng paraan upang mapigilan ang pagbabago ng klima sa karaniwan nating lifestyle. Habang ang pangalawang parte ay magsasaad ng mga pangalan ng mga lokal na environmentalist icons, kasabay ng kanilang mga ambag sa paglaban ng climate justice.   
Tumblr media
Huwag nang humingi ng disposable utensils kapag hindi naman kailangan. 
Gumamit ng reusable bottle/cup para sa mga inumin na on-the-go. 
Magdala ng reusable grocery bag tuwing bibili ng pang-araw-araw na pangailangan. 
Iwasan bumili ng mga damit, para makasabay sa trend. Siguraduhin na staple pieces ang tangkilikin upang hindi magsawa. 
Huwag magtatapon ng lumang damit sa basura, sa halip ibigay niyo na lang ito sa mga nangangailangan. 
Iwasan ang mga produktong may single-use food and drink na laglagyan o packaging.
Kung kaya, mas magandang mamili ng mga agricultural goods direkta mula sa mga magsasaka, upang mabawasan ang re-packaging. 
Suporatahan ang mga plantitas at plantitos sa pagtatanim. 
Maki-isa sa internet trend na #MakeYourOwnFood. 
Maglaan ng compost bin para sa mga organic waste ng inyong bahay. 
Para sa mga kababaihan, sikapin natin tangkilikin ang mga washable pads at menstrual cups para sa ating monthly cycles. 
Huwag itatapon ang mga garapon ng kitchen condiments, gumawa tayo ng paraan upang magamit ito muli (hal. bilang pen organizer o mini pot ng mga cacti).
Iwasan ang paggamit ng hair sprays, kung hindi naman kailangan. 
Tangkilikin gumamit ng panyo o towel kapag magpupunas ng luha, o babahing. Iwasan nating gumamit ng tissue kapag kaya naman ito punasan ng towel. 
Kanselahin ang iyong mga subscription sa magazine at pahayagan, datapwat basahin na lang ito online o sa library. 
Magtipid. 
Tumblr media
Iminumungkahi ko na pakinggan ng iba ang kanta ng Asin na may pamagat na, “Masdan mo ang Kapaligiran”. Ang awitin ay luma na, subalit malaki ang mensaheng hatid nito sa mga tao.   
youtube
Keisha Mayuga, ang Founder of Life Cycles PH at licensed environmental planner. Noong 2020, nanguna siya sa pagsasa-ayos ng mas mahusay na sistema para sa pagpapahiram ng mga bisikleta at isa siya sa mga tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng bike lanes sa Pilipinas. 
Tumblr media
Regina Paz "Gina" La'o Lopez, kilala siya sa kanyang matibay na paninindigan laban sa pagmimina. Sa loob ng sampung buwan niyang panunungkulan bilang DENR secretary noong 2016, pinangunahan niya ang pagsugpo sa pagmimina sa Pilipinas, isang bansang kilala sa paggawa ng nickel ore.
Tumblr media
Bukod sa pagiging DENR secretary, isa rin siyang ifluencer sa pamamagitan ng palabas na G-Diaries. Ito ay isang travel and lifestyle show na nagpapakita ng pamumuhay ng iba’t-ibang klase ng tao sa Pilipinas. Sa palabas na ito, makikita ang dedikasyon ni Gina Lopez na kilalanin ang kultura at maranasan ang pang-araw-araw na buhay ng iba’t-ibang uri ng tao. 
youtube
   Bilang parte ng nakababatang henerasyon, inaanyaya ko kayo na suportahan at kung maaari ay maiki-isa sa mga movement na isinasagawa nila. Ang pagtataguyod ng mga proyekto bilang isang environmentalist ay hindi biro, dahil hindi nila ito ginagawa para sa sarili nila. At mahirap makuha ang atensyon ng gobyernong hindi bukas ang isipan sa pagbibigay solusyon sa kalamidad na dala ng climate change. 
   Nararapat lamang na lakihan natin ang respeto na ipinapakita sa mga climate activists. Dala-dala nila ang boses ng mga batang hindi pa naipapanganak. Maaaring sa ngayon, hindi pa masyadong malala ang bagay na binibigyang pansin nila. Pero pagdating ng panahon, nakasisigurado ako na may punto ang ipinaglalaban nila. 
Tumblr media
   Kapag gumanti ang inapi na Inang Kalikasan, tila gumagawa ito ng domino effect hindi lamang mga tao sa isang lalawigan ang makararamdam nito, ngunit ang buong bansa, at mas malala kung naranasan ito ng buong mundo. Hatiin natin sa tatlo ang pagtatalakay sa paksang ito. 
Tumblr media
   Iba-iba man ang  bansa, lugar, o panahon. Mgamula pa nang 1980s naramdaman na ng iilan ang epekto ng climate change. At kung mapapansin natin, mas lumalala habang patagal nang patagal. Ang mga isasaad kong epekto sa ibaba ay nararanasan na ng maraming indibidwal sa ngayon. 
Ang exposure ng mga tao sa mga waterborne pathogens tulad nang bacteria, viruses, at parasites. Ito ay sanhi ng mga lason na ginawa ng nakakapinsalang algal at cyanobacterial blooms na mula pa rin sa mga kemikal na mula sa gawain ng tao. 
Tumblr media
Ang mas mataas na temperatura ng hangin ay maaaring magsanhi ng pagdami ng mga kaso ng Salmonella at iba pang pagkalason sa pagkain na nauugnay sa bakterya, sapagkat ang mga bakterya ay mas mabilis na lumalaki sa mga maiinit na kapaligiran.
Tumblr media
Ang panganib nang exposure ng mga pagkain sa chemical contaminants ay isa sa mga nakakagambial na epekto ng climate change. Halimbawa rito ang mga seafoods, kung saan tumataas ang Mercury concentrations sa kanilang katawan, dahil sa pagtaas ng temperatura ng tubig. 
Tumblr media
Ang mas mataas na konsentrasyon ng carbon dioxide sa hangin ay maaaring kumilos bilang isang "pataba" para sa ilang mga halaman, ngunit pinapababa nito ang antas ng protina at mahahalagang mineral sa mga pananim tulad ng trigo, bigas, at patatas, na ginagawang mas masustansya ang mga pagkaing ito.
Tumblr media
Ang mga indibidwal na may mental illness ay vunerable sa matinding init; natuklasan ng mga pag-aaral na ang pagkakaroon ng mental illness dati ay doble ang peligro ng kamatayan sa panahon ng mga heat wave.
Tumblr media
   Pilipinas, ito’y isangbansang arkipelago na matatagpuan sa loob ng Ring of Fire at malapit sa equator. Dahil sa climate change, madaming tao, hanapbuhay at lalawigan ang nawasak ng mga epekto nito. Tayo na’t alamin natin ang mga epekto nito. 
Una, ang pagsalanta ng super typhoons. Isang halimabawa nito sa Pilipinas at buong mundo ang Bagyong Yolanda o Supertyphoon Haiyan noong Nov 8, 2013, kung saan di mabilang na estruktura ang nawasak at libo-libong buhay ang kinuha ng bago, lalo na sa lalawigan ng Tacloban, Leyte. 
Tumblr media
Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito. Dala ng madalas na El Nino sa mga agrikultural na lalawigan, maraming magsasaka ang nalulugi at nababaon sa utang. Bunga niyan, walan na silang mapakain sa bawat miyembro ng kanilang pamilya, kaya marami ang nagdurusa sa malnutrisyon.
Tumblr media
Ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na Malaria, Dengue, at Leptospirosis ay nararanasan na natin sa Pilipinas, at malaki ang ambag ng climate change sa pagkalat nito. Sanhi ng pabago-bagong panahon, napapadalas ang pag-ulan na may kasunod na tag-init, sa ganitong paraan dumadami ang bilang ng mga lamok at nagsisilabasan ang daga tuwing may baha, na siyang nagbubunga ng epidemya. 
Tumblr media
   Ang mga papaunlad pa lamang na bansa ay ang pinaka apektado ng pagbabago ng klima, dahil wala silang sapat na kapagyarihan upang harapin ang mga kahihinatnan nitong kalamidad.
Ayon sa World Health Organization, hanggang sa taong 2030, ang pagbabago ng klima ay inaasahang mag-aambag sa humigit-kumulang na 250,000 karagdagang pagkamatay bawat taon, mula sa malnutrisyon, malaria, pagtatae at stress ng init.
Tumblr media
Ang madalas at mapanirang tag-init ay nararamdaman na din sa iba’t-ibang panig ng mundo. Tulad ng mga bansang: China, Afghanistan, Australia, Pilipinas, Somalia, at Pakistan. Para sa mga bansang agrikultural, malaki ang nawawalang asset kapag ito ay nagpatuloy pa at mas lumala. 
Tumblr media
Problema ng bansa tulad ng Maldives ang ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa mga karagatan. Kung sakaling, ito ay patuloy na tumaas hindi malabong lumubog ang maraming archipelago sa mapa ng mundo. Magiging malaking problema ang siksikan ng tao sa isang bansa na maaari pang magbunga ng iba’t-ibang suliranin.
Tumblr media
Sino nga ba ang totoong mamamatay tao?  tayo-tayo ring tao, Sino ang Api, at Sino ang Nang-aapi? Matagal nang api si Inang Kalikasan, Gumanganti na lang siya.
   Industriyalisasyon, ang pinakamalaking sanhi ng climate change. Ang mga kalamidad na gawa nang tao, ang siyang naman epekto ng climate change. 
   Sa kabila nito, ang mga taong naging parte ng climate justice movement, ay may layunin na pag-isahin lahat ng mga kilusan at protesta na may kinalaman sa pagsalba sa kasalukuyang kalagayan ni Inang Kalikasan, upang maiabot ang kanilang boses sa mga nakakataas. 
   Ang Paris Climate Agreement noong 2016 na nilagdaan ng halos 200 na bansa, ay isang magandang paraan upang hindi na lumala ang climate change. Ang hindi ko nagustuhan doon, ay bakit walang parusa para sa mga bansang hindi tumatalima? Kung gayon, ang dating niyan sa sa akin bilang estudyante, ay ginagawa lamang ang agreement pang formalities! 
   Sa kabilang dako, kitang-kita naman sa yearly rankings ng pinaka-enviroment friendly na bansa ang mga lugar kung saan sineseyoso nila ang laban sa climate change. At sila dapat ang gawing modelo, ng ibang mga namumuno at mamamayan lalong-lalo na sa Pilipinas. Dahil kung walang kikilos, sabay-sabay din tayong magdurusa sa ganti ni Inang Kalikasan.   
Tumblr media
Kilalanin ang Climate Justice - https://studybreaks.com/thoughts/10yearchallenge-climate-change/
Mga Bansa at Kanilang Solusyon -  https://www.cntraveler.com/gallery/countries-doing-the-most-to-fight-climate-change
Tao vs Climate Change -  https://borgenproject.org/help-people-in-the-philippines/https://www.theoxygenproject.com/post/top-15-inventions-that-could-save-the-planet-today/
May Bukas Pa Ba? -https://moot.us/lounges/110/boards/25/posts/1675417
Intro image - https://www.pinterest.ph/pin/695454367464899726/
Climate change intro - https://www.nytimes.com/2020/04/23/learning/whats-going-on-in-this-graph-global-temperature-change.html
Climate Justice Origin: https://www.sierraclub.org/environmental-justice/history-environmental-justice
PBC - https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fenvs.2018.00079/full
Climate justice movement - https://iicat.org/climate-justice-movement#:~:text=The%20global%20climate%20justice%20movement,and%20socially%20just%20response%20to
Country Rankings - https://www.usnews.com/news/best-countries/slideshows/the-countries-that-care-most-about-the-environment
Sweden - https://www.youtube.com/watch?v=14r7f9khK70
Norway - https://www.youtube.com/watch?v=edeVfxibbGw
New Zealand - https://www.usnews.com/news/best-countries/slideshows/the-countries-that-care-most-about-the-environment?slide=11
New Zealand - (Additional Information) https://natlib.govt.nz/blog/posts/mother-earth-day-hope-and-opportunity
Renewable energy in PH - https://wwf.org.ph/what-we-do/climate/renewables/renewables-to-power-ph-dev/
Geothermal Energy in PH - https://www.geothermal-energy.org/pdf/IGAstandard/WGC/2005/0143.pdf, https://www.thinkgeoenergy.com/geothermal-in-the-philippines-an-urgent-revamp-of-targets-and-development-needed/
Hydroelectric Energy in PH - https://aboitizpower.com/generation/large-hydro/
Windmills in PH - https://www.traveling-up.com/road-trip-guide-wind-farms-in-the-philippines/
Solar Power Plants in PH - https://www.trinasolar.com/sites/default/files/CalataganPhilippines_Aug2016FINAL.pdf
Mga Paraan Upang Makapagbawas ng Basura - https://www.smallfootprintfamily.com/37-ways-to-reduce-trash, https://www.madeleineolivia.co.uk/blog/30-ways-to-reduce-your-waste, https://www.nature.org/en-us/about-us/where-we-work/united-states/delaware/stories-in-delaware/delaware-eight-ways-to-reduce-waste/
Keisha Mayuga - https://www.greenpeace.org/philippines/story/10302/5-young-filipinos-who-made-waves-in-climate-and-environmental-justice-in-2020/
Gina Lopez - https://www.bbc.com/news/world-asia-49399205
Epekto ng Climate Change sa mga Tao - https://19january2017snapshot.epa.gov/climate-impacts/climate-impacts-human-health_.html
Epekto ng Climate Change sa mga Mundo - https://www.international.gc.ca/world-monde/issues_development-enjeux_developpement/environmental_protection-protection_environnement/climate-climatiques.aspx?lang=eng, https://www.worldwildlife.org/threats/effects-of-climate-change
1 note · View note
geonecle · 3 years
Photo
Tumblr media
ABANGAN: Ang Ganti ng Isang Api - isang blog base sa I-Witness documentary ukol sa Climate Justice ni Howie Severino 
0 notes
geonecle · 3 years
Text
Filipinos Love A Good Entertainer - Inspired by “Once Upon A Tune” by Gary Granada
Nakakita ka na ba ng taong bulag na nanonood ng isang pagkahaba-habang teleserye?
Tumblr media
  Marahil marami sa inyo ang magsabi ng hindi pa, at ito ay kaintindi-intindi. Noong maliit pa ako, madalas akong laman ng mga emergency rooms, masasabi kong ako ay taong-ospital dahil sa aking asthma na sinabayan ng pneumonia. 
   Isang araw, sa waiting room ng mga pasyente may nakita akong manong na nakasuot ng shades na taimtim na nanonood ng tv. Nang siya'y tumayo doon ko lamang natanto na siya ay may kapansanan dahil sa white cane na dala-dala niya.
   Hanggang ngayon, napapatanong pa rin ako kung hanggang saan kaya ang naiintindihan ni manong sa takbo ng teleserye. Nakikilala ba niya ang protagonista, nararamdaman ba niya ang presensya ng antagonista, o kaya naman ay may ideya ba siya sa intensyon ng bawat karakter?
   Subaybayan mo ang takbo ng aking blog, at ipapamalas ko nang lubos ang aking pananaw sa likod ng himig at liriko ng kantang 'Once Upon A Tune', bukod diyan ay papatunayan ko rin kung bakit napakahilig ng mga Pilipino sa mga magagaling na tagapaglibang.
Ang awiting ‘Once Upon a Tune’ ni Gary Granada ay nagpapatungkol sa maduming politika sa Pilipinas.
Tumblr media
   Sa aking 16 na taon ng pamumuhay, sa paksang kontemporaryong issue ko pa lamang narinig ang pangalang Gary Granada. Kaya't patuloy akong napatatanong kung sino siya? At ano ang nag-"push" sa kanya na ilabas sa publiko ang kantang  napakamakatotohanan noon hanggang sa ngayon?
Tumblr media
   Si Gary Granada, isang kilalang kompositor at mang-aawit ng ating bayan, masasabi nating siya ay naging isa sa mga  haligi ng Original Pinoy Music (OPM). Ang kanyang mga awitin ay naging tanyag noong 1980s, marami sa kanyang mga awit ay tungkol sa kwentong-buhay ng isang ordinaryong mamamayan at pulitika sa bansa.
   Kakaiba ang estilo ng mga kanta ni Gary, ang genre ng mga ito ay tinatawag na folk rock. Ang mga awitin sa ilalim ng genre ay hindi masyadong tanyag kug ikukumpara sa mga love songs. Bagkus, ang folk rock na awitin ay nagtataglay ng makabuluhang mensahe ukol sa malungkot na katotohanan na may kinalaman sa ating bayan.  
youtube
   Kung kaya't ganoon na lamang kalaki ang naiambag ng kantang 'Once Upon A Tune' sa usapin ng graft, korupsyon, politikal na dinastiya, under the table political negotiations, at ang pagkapako ng mga politiko sa kanilang mga pangako matapos silang maihalal ng mga mamamayan. 
   Narito ang link sa iba pa niyang mga awitin na itinanghal ng live gaya ng 'Once Upon A Tune': https://music.youtube.com/playlist?list=OLAK5uy_meRauoWnBttwQpHuRRZkEgGQtFYOIQVM8
POLITICIANS ARE ENTERTAINERS, ENTERTAINERS ARE POLITICIANS
1- KORAPSYON
Sampung mga daliri, panay malilikot Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot Madudungis na ngipin ng pulitiko Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Tumblr media
   Nursery rhymes, mga musikang pambata, napaka-inosente ng ritmo sa likod ng mga makasalang liriko nito. Graft? Korapsyon? Noon pa yan, panahon pa lang ng pakikipaghimagsikan ng mga ninuno natin laban sa mga banyagang mananakop, nariyan na ang korapsyon. Paano natin ito mapapatigil? Tumitigil nga ba ito? O baka naman naktatak na iyan sa dugo ng mga politiko?    Tulad ng inilahad ni Lisandro Claudio, isang manunulat sa Rappler, naniniwala rin ako na may kinalaman ang patuloy na sistema ng corruption sa Pilipinas dahil sa ingrained patronage system na laganap sa bansa. Kung sinong mga apelyido ang namamayapgag noon, sila pa rin ang nasa posisyon hanggang ngayon. Sila-sila pa rin ang mga may kapangyarihan, may sapat na impluwensya, at may mga koneksyon.
Tumblr media
   Patungkol riyan ang unang talata sa kanta, at habang pinanonood ko ang live performance audio nito, hindi ko maiwasang mapatawa na lang din. At dahil doon nalala ko nanaman ang isang scene sa palabas na Bag Man, kung saan nagtanong ang propesor sa kanyang mg estudyante kung sino nga ba ang unang papasukin ni San Pedro sa langit.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
   Marahil tama ang punto ng propesor roon, kung saan sinabi niyang nangyayari talaga ang bribery at umabot na sa langit ang sistema ng korapsiyon. At bilang mga Pilipino tanggap na natin iyon, pangkaraniwang isyu na ang mga ito, paulit-ulit, paikot-ikot, suhol, padulas, under the table. 
  Kung ako nga ang tatanungin ramdam kong SOP na ito, magtatagisan lang sila sa palakihan ng pera na 'nawawala' kuno. Tulad nitong mainit na isyu sa DOH:
Tumblr media
   Isa lang yan sa mga dramang paulit-ulit na inilalabas sa telebisyon, ng mga bulag na mamamayang Pilipino.
2 - KAWALAN PRESS FREEDOM
Bakit naman bulag? Aba'y bakit hindi
Tumblr media
   Isa sa mga laganap na isyu sa bansa ang kawalan ng Press Freedom. Ang media lamang ang kumokonekta at nagbibigay alam sa mamamayan kung ano-ano na ang hakbang ng gobyerno para sa bansa at kinabukasan. Kung sakaling kontrolado ng gobyerno, o ng kung sino mang may kapangyarihan ang mga inilalabas na balita,  kawawa naman ang mga Pilipino.    Mga inosenteng manggagawa na ginagampanan ang obligasyon nilang magbayad ng buwis sa tamang oras. Bigay sila nang bigay ng parte ng kanilang kita, sa maling bagay lang mailalaan.    Sa ngayon, hindi na nakagugulat pang mabalitaan ang pagkakakulong ng isang manunulat o journalist, nang dahil sa mga isyung iilang taon na ang nakakaraan. Tulad lamang ng cyber libel case na isinampa kay Rappler CEO, MAria Ressa ukol sa isang walong taong gulang na balita ng Rappler na nagsasabing ang negosyanteng si Wilfredo Keng ay mayroong ugnayan sa ilegal na droga at human trafficking.    Ang nasabing artikulo ay isinulat ng dating mamamahayag ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr, sa kasamaang palad siya rin ay napatunayang nagkasala kasama si Ressa. 
Tumblr media
   Mula sa aking pananaw, ito na ang nagsilbing "model" o kaya babala ng gobyerno sa mga mamamahayag na mahilig maki-alam o mahilig magbigay ng pagtuligsa at kritisismo sa kanilang mga programa, halimbawa riyan ay ang nagaganap na Extra Judicial Killing sa programang Drug Wars ng ating Pangulo.  
3 - POLITICAL DYNASTY
My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis Are all political appointees
Tumblr media
   Hindi na bago iyan sa mundo nang politika lalo na sa ating bansa, mag-asawa, magkapatid, mag-ama, magkapamilya, o kahit kapuso man yan. Madaling-madali malaman kung kaninong balwarte ng isang lalawigan, itanong mo lang kung ano ang apelyido ni governor.
   Ingrained patronage system, ito ang nakikita kong dahilan kung bakit sila't-silang magkakapamilya ang nakakukuha ng posisyon sa opisina. Ramdam ko na marami sa mga mamboboto ang takot pumili ng ibang ngalan sa balota. Maya-maya sila-sila rin ang mga nagsasabi ng linyang, "Asan na ang pagbabago?"
Tumblr media
   Kung iisipin natin yung rason kung bakit walang "pagbabagong" nagaganap, hindi lang ang gobyerno ang may kakulangan doon. Tayo rin bilang mga botante ay may malaking kasalanan, at ito ang hindi pagpili ng mabuting pinuno para sa ating bayan.    Wala pa riyan, ang suliranin ukol sa mga kabataang ayaw magparticipa sa botohan. Isa iyan sa mga rason kung bakit ko natawag na bulag ang mamamayan, hindi natin tinitingnan ang ating mga sarili. Pero ang lakas ng loob natin manuro kung sino ang ugat ng kasalanan.  
4 - PANGAKONG NAPAKO
Kapag ang taongbayan Ay may problema Dalawang tenga, dalawang mata Laging nakasara
Tumblr media
   Consistency, malaking-malaki ang kakulangan ng mga politikong nahahalal sa ganitong aspeto. Ang madalas na nangyayari kasi ay magaganda ang mga plataporma na ipinakikita at ipapangako nila sa taong bayan noong eleksyon. Pero nang sila naman ay nakaupo na muli, di na naramdaman ng taong bayan ang presensya nila.
   Ang mas nakadidismaya pa, ang mga politiko na sinasabing hindi nagagampanan ang mga resposibilidad nila ay ipinapa-'resign' lamang. Bakit hindi sila binibigyan ng mas malaking parusa, tulad na lamang ng pagkakakulong? Upang sa paraang iyon ay mabigyan nila ng ideya ang iba pang mga opisyal (o nangangarap na maging opisyal) ng ideya sa trabahong ipinapasok nila.
youtube
   Sapagkat, sa kasalukuyan naiisip ko na kaya maraming artista o atletang tumatakbo sa mas mataas na posisyon, dahil kaakibat ng posisyon ang kapangayrihan. Kapangyarihan na pwedeng gamitin para sa kanilang sariling pakinabang, kaya ganon na lang kabilis para sa kanila ang magpikit mata at magtengang kawali.    Sabi ko nga, politicians are good entertainers, and the entertainers are also politicians nowadays.
KONGKLUSYON:
Tumblr media
  Sa kabuuan, tayong lahat sa lipunan ay may ginagampanan na responsibilidad. Tayo ang boboto sa mga politkong nakikitaan natin ng potensyal na magpaunlad sa bayan. At ang mga nahalal naman ang magsisilbi sa atin sa abot ng kapangyarihan at impluwensya nila. 
  Hindi sapat na maging bulag na manonood lang tayong mga Pilipino, lalo na sa kapwa kong kabataan. Sapagkat kung magiging ganoon lang din tayo, uulit at uulit lang ang nakaraaan, at maaaring di na dumating ang pagbabago na hinahangad natin. 
   Kaya’t sa parating na halalan, tayo ay sumali at magpartisipa. Dahil ito na ang pagkakataon natin upang ibigay ang pwesto, kapangyarihan, at impluwensya sa taong gagamitin ito ng maayos para sa ikabubuti ng bayan. 
SOURCES :
GARY GRANADA
https://www.facebook.com/UsapangBasketbolPilipinas/photos/triviasiya-po-si-gary-granada-isang-kilalang-kompositor-at-mang-aawit-ng-ating-b/587366328138735/
https://kape-at-utak.blogspot.com/2017/05/sikolohiya-sa-loob-ng-ilang-awitin-ni.html
https://music.youtube.com/playlist?list=OLAK5uy_meRauoWnBttwQpHuRRZkEgGQtFYOIQVM8
KORUPSYON
https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/historicizing-corruption
Netflix - Bag Man S1: E6 (0:43-5:42)DOH Issue:��
https://www.facebook.com/rapplerdotcom/photos/a.317154781638645/4811138365573575/?type=3
https://www.rappler.com/nation/coa-says-poor-use-billions-covid-19-funds-led-missed-opportunities?fbclid=IwAR3y-xxGeSHJU-h23aVhbvpnPHVELNhLE78togxbZmmhCWgSXT-PC69gDmkKAWALAN NG 
PRESS FREEDOM
https://www.bbc.com/news/world-asia-53046052
PANGAKONG NAPAKO
https://www.tiktok.com/@argonca_/video/6995930967806364955?lang=en&is_copy_url=0&is_from_webapp=v1&sender_device=pc&sender_web_id=6892676196833314305
0 notes
geonecle · 3 years
Photo
Tumblr media
TO RELEASE: Filipinos Love A Good Entertainer - a blog based on the song “Once Upon A Tune” by Gary Granada
0 notes