Tumgik
Photo
Tumblr media
Ito ang paborito kong linya sa “Kalyeserye” kung saan sikat na sikat ngayon ang “AlDub”
Lola Nidora: TAMAD
-asawa ni?
kayo na bahalang sumagot hahaha :)
© BinibiningTagalog 2015
2 notes · View notes
Text
PILIPINAS NGAYON
MGA BAGAY SA ATING BANSA NA MAPAPA-PUTANGINA KA SA LOKABELLS!!!
PAMAHALAAN: PUTANGINA KORAPSYON: PUTANGINA POLUSYON: PUTANGINA POPULASYON: PUTANGINA EDUKASYON: PUTANGINA ESTADO: PUTANGINA DISKRIMINASYON: PUTANGINA KRIMEN: PUTANGINA TRAFFIC: PUTANGINA UTANG: PUTANGINA KAPITBAHAY: PUTANGINA (MO) GILAS PH VS. CHINA MONGGI’S: PUTANGINA LABAN NI PACMAN: PUTANGINA HENERAL LUNA: PUTANGINA CUSTOMS AT BALIKBAYAN BOXES: PUTANGINA (NINYO)
Nakarelate po ba kayo? Ireblog na yan!
P.S. PUTANGINA WALA PAKONG TULOG EH (pasensya na sa putangina thingy)
ⓒBinibiningTagalog 2015
1 note · View note
Text
LOVE- BAS O LOVE- OB ???
Hindi batayan ang panlabas na anyo ng isang tao upang magkaroon ng perpektong lovelife.
Oo, aminin natin… kapag nakakakita tayo ng maganda at pogi pakiramdam natin gusto na natin sila. At oo, walumpung porsyento ng tao sa mundo na ang unang mapapansin sa kapwa-tao nila ay ang itsura. Hindi masamang humanga sa kagandahan ng ating kapwa ngunit mali ang mahalin mo ang isang tao dahil sa “sexy/macho” siya, maganda/pogi at makinis. Hindi pagibig yun, libog lang yan. Charot!
Pero sa panahon ngayon, mata ang tumitibok eh. Ang mga tao sa mundo ngayon (lalo na sa henerasyon ko) eh parang wala nalang sa kanila ang salitang “LOVE” ang sabi nga sa bibliya “GOD CREATED LOVE” ibig lamang sabihin nito na ang Pag Ibig ay sagrado… May tamang panahon para sa “LOVE” na yan *Lola Nidora* at lalo na hindi ito PINAGLALARUAN. Ano to Play-Doh na Clay??? HUWAW EH NO? HUWAW! *Babalu’s Voice*
May nagsabi sakin nito noong nakaraang buwan, nakachat ko siya sa “Omegle” itawag nalang natin siya sa pangalang “MARK” galing University of the East. tinanong ko siya kung mas tumitingin ang mga adan na katulad niya sa itsura ng mga babae kaysa sa paguugali nito. Ganito ang kanyang pahayag:
“Well, yes kapag strangers sa itsura talaga tumitingin. Pero, kapag nasa social circle mo siya, may chance. Kapag hindi, no chance.
Iba kasi yung drive ng karamihan ng lalake. Yung sexual attractiveness muna tinitignan.
I know it’s unfair , pero ganun talaga. Yung exception nga lang talaga is kapag nasa social circle mo siya. Kasi makikilala ka niya ng husto..
Karamihan ng taong nagkarelationship sa ka social circle nila is, hindi sa mukha tinitignan, yung pinagsamahan and personality.”
Oo, katulad ng mga pahayag ko sa itaas ay natural sa tao ang mapatingin sa pisikal ng anyo ng kapwa nila. Kung mapapansin niyo
Ang pinagbasehan naman ni Mark ay ang “Social Circle” o pagsasama niyong dalawa noong hindi pa kayo magkarelasyon. Hal. Bestfriends, Barkada, atbp.
Eto ang masasabi kong magandang konsepto ng Pag- Ibig (para sa akin) dahil alam niyo na kung ano ang ayaw at gusto ng isa’t isa, At kumportable at masaya kapag magkasama kayo. kumbaga mas kilala niyo ang bawat isa. May napagkakasunduan kayong mga bagay…mayroon din hindi.
Iilan lang ang may ganitong Pag-Ibig. Hindi naman kasi lahat ng magkakaibigan nagkakaroon ng parehong nararamdaman sa isa’t isa. At doon nauso ang salitang FRIENDZONE.
Napakarami kong gustong ipahayag tungkol sa “LOVE” o Pag- Ibig ngunit wala akong sapat na kaalaman at karanasan dahil ako ay “NBSB” at ang PAGIBIG ay nasa Diyos, Pamilya at sa mga Kaibigan ko.
At naniniwala ako na ang Pag Ibig ay nasa kalooban. Alam kong mababaw kapag binasa natin ngunit lumalalim ito kung mahal tayo ng isang tao dahil tanggap nila kung ano man ang meron sa atin at mas tumatagal ang “Worth to Wait” na Pag-Ibig.
Maraming pong Salamat sa pagbabasa!
P.S. hindi po ako propesyonal na manunulat
ⓒBinibiningTagalog 2015
1 note · View note
Text
Batang 90's like me VS. Kids Today
Nung bata ako… Tuwing nadadapa ako, syempre mapapaiyak ako dahil sa sugat na aking natamo sa pagkakadapa ko.
Ngayon, napapaiyak na ang mga batang babae dahil finrenzoned sila ng mga crush nila.
Nung bata ako… Pinagaagawan namin ng ate ko yung mga laruan at kendi hanggang sa magsabunutan kami lols
Ngayon, ang mga batang babae… make up na ang pinagaagawan o kaya batang lalaki (I find it cute but nah they’re too young pa for those stuffs)
Nung bata ako… Naglalaro ako ng mga palarong pinoy katulad ng piko, taguan atbp. At “APOY”. Yung literal na APOY…ilang beses nakong muntik makasunog ng bahay dahil dun.
Ngayon, ibang “APOY” pinaglalaruan ng mga bata ngayon. At mas nakakalungkot pa dun, nakikita pa nila mismo iyon sa mga magulang nila. (Hindi lahat ngunit sadyang may mga magulang na walang pakialam sa mundo tuwing nagsisiping dahil nagiinit sila sa mga ginagawa nila)
Nung bata ako… Lalo na nung mga elementary days ko,tamad kong magaral dahil mas gusto ko pang maglaro at kumain (pero sumipag nakong magaral ngayon haha)
Ngayon, tinatamad magaral ang mga bata dahil makikipagkita sila sa mga syota nila o kaya'y magaadik, magsusugal at magbibisyo.
Nung bata ako… Mga grades ko ang iniiyakan ko, maski isang punto lang ibinaba nyan. Ang babaw diba? (Hanggang HS nga iniyakan ko eh, sigurado pati College hahaha) Ngunit malaking bagay yun para sa akin lalo na kung ginawa ko naman best ko at yung teacher na nagbibigay ng grades eh may pagkafavoritism.
Ngayon, natapong starbucks coffee na ang iniiyakan ng mga bata, minsan boyfriend/girlfriend.
Nung bata ako… Laruan lang sapat na.
Ngayon, Gadgets na kulang pa!
P.S. hindi ako nanggegeneralize.
-BinibiningTagalog
2 notes · View notes
Text
Tagalog Blog para sa Ekonomiya ng Bansa!
Aking nilikha itong "blog" na ito upang maibahagi ko sa inyo ang mga likha ko, at upang ako'y makasagap din ng WIFI, Charot! Ng mga dalubhasa sa paggawa ng mga tula atbp. Dahil nais kong magpaturo sa kanila. Marami pong salamat sa mga tutulong sa akin... yun lamang po! -BinibiningTagalog
0 notes
Text
"WALANG POREBER"
Ako'y umaasa parin Na sa isang araw Magbabalik ka rin Ngunit ika'y nawala
Na tila'y isang bula Hindi ko aakalain Na hindi ko kakayanin Ang pagdurusang hindi matutumbas ng mga luhang
Idinulot mo sa akin Kaya dito ko na lamang ibubuhos Ang sa isipan ika'y mapapasakin Iyong pagtataksil, aking Mahal
Labis na nasasaktan Katawan hindi maigalaw Gustong wakasan Sariling buhay
Ngunit ika nga sabi nila May bukas pa Kay rami pang iba diyan Hindi ako magpapakabaloy sayo
Dahil mayroong mas karapat dapat Sa puso kong buo Ngunit sawi Kaya maghihintay ako sa tamang panahon
Hindi sa pagbabalik mo Kung hindi sa pagdating Ng taong magmamahal sa akin Nang tunay at kusa.
Masyado akong naging tanga Kaya kaagad akong nabighani Sa iyo…. puwes magsama kayo Ng kabit mo dahil PUTANGINA NIYO!
2 notes · View notes