Tumgik
Text
The Flor Contemplacion Story (1995)
Direktor: Joel Lamangan
Screenplay: Ricardo Lee, Boni Ilagan
Ang pelikula ay tungkol sa isang domestic helper sa Singapore na napagbintangang pumatay sa isang kapwa domestic helper at batang inaaalagaan ng huli.
Si Flor Contemplacion ay isang domestic helper sa Singapore. Isang mabuting ina sa kanyang mga anak. Hindi ko mapigilang maihambing si Josie ng Anak kay Flor Contemplacion kahit si Josie ay isang fictional character lang. Parehas kasi sila ng hangarin kung bakit gustung-gusto ng mga Pinoy mangibang bansa. Magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan ang mga anak at pamilya, ayaw nilang matulad sa kanila ang mga anak. Siguro dahil iyon naman talaga ang karaniwang dahilan ng mga ina o magulang na nangingibang bansa. Ang makakuha ng sapat na pera pangtustos sa pang-araw-araw at sa iba pang panggastos ng pamilya. Isa rin sa katwiran nila ay ang kawalan ng sapat na trabaho at kakarampot na kita lalo na't kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral. Kahit ngayon, iyan din ang daing ng maraming OFW.
Sa pelikula, makikitang pinahirapan ng mga Singaporean police at pilit na pinapaamin si Flor sa salang hindi niya naman ginawa. Makikita rin sa pelikula ang lantarang pagtira sa gobyerno o ang administrasyong Ramos at sa mabagal ng pagpoproseso sa kaso ni Flor.
Hindi lang ang paghihirap ni Flor sa Singapore ang naipakita sa pelikula, sinubaybayan din nito ang personal na buhay ni Flor. Isa na rito ang pagkakaroon ng kabit o mistress ng kanyang asawang si Efren.
Pero bago ako ginawa ang critic na ito, nagbasa muna ako ng mga articles about sa kaso ni Flor Contemplacion. Sa isa sa mga nabasa ko, si Flor ay sumailalim sa due process at inamin niya na hindi siya pinagmalupitan o tinorture ng mga Singaporean police para umaamin siya na siya ang pumatay kay Maga at Nicholas. Umamin din siya kasama ang isang Labor officer galing Philippine Embassy na siya nga ang pumatay sa dalawa. Binigyan din si Flor ng free legal counsel at binibisita siya regularly ng mga officials galing Philippine embassy sa Singapore.
Itong lahat ng ito ay taliwas sa napanood ko sa pelikula. Ang accuracy ay importante lalung-lalo na sa mga pelikulang ipinapalabas tulad ng The Flor Contemplacion Story o mga real stories na inadapt bilang film. 
Magaling ang pagkakabuo ng mga karakter, setting, editing, cinematography, at tsaka yung feel ng pelikula. Realistic na realistic ang dating. Ang kulay ng pelikula ay madilim, siguro dahil sumisimbolo ito sa kung ano ang dinanas ni Flor sa kulungan sa Singapore.
Mahusay ang editing pati na ang mga karakter. Hindi nakakalito ang pagkakaedit sa pelikula. Sa cinematography naman, maganda din ang cinematography, nakadagdag din ito sa emosyon na nais ipadama ng pelikula.
Tulad ng Anak, Pinoy na Pinoy ang atake ng pelikula. Ang pagra-rally, ang mentality ng mga Pinoy sa pangingibang bansa na akala nila'y may magandang maidudulot, ang pagdadamayan atbp.
Political din ang focus ng pelikula. Ipinakita ng pelikula ang pagbabalewala sa kaso ni Flor Contemplacion which the other side of the story. May nabasa din akong article about sa case ni Flor at sinabi doon na ilang beses sumulat si dating Pang. Ramos sa dati ring presidente ng Singapore ngunit hindi ito napapagbigyan. Wala naman akong karapatang magsalita kasi di ko naman nasaksihan yung mga nangyari noon at hindi pa rin ako ipinapanganak noong mga panahong yun, pero sa napanood ko at mga nabasa ko, masasabi kong nagkulang pa rin ang gobyerno sa pagtutok at pagtulong kay Flor.
Ang kabuuan ng pelikula ay maayos. Naihatid naman nito ang mensaheng gusto nitong iparating at iyon naman ang mahalaga. Lalo na't base ang pelikula sa kwento ng totoong buhay, dapat naging maingat sa pagkakabuo ng kwento. But, regardless of that, nagustuhan ko naman ang pelikula. Naiyak din naman ako pero hindi katulad ng iniyak ko ng mapanood ko yung Anak. :P
All in all talaga, ayos na ayos sa okay!  
0 notes
Text
Anak (2000)
Ang pelikulang Anak ay nasa direksyon ni Rory Quintos at screenplay ni Ricardo Lee. Ipinalabas ito noong taong 2000. Ito ay tungkol kay Josie, isang domestic helper sa Hong Kong, at ang kanyang pagsusumikap na makuhang muli ang loob ng mga anak na naiwan ng anim na taon mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang pamilya.
Sa totoo lang, ilang beses ko ng napanood ang pelikula, hindi ko lang natatapos. Ngayon ko lang talaga na-encounter nang buong-buo ang pelikula. Isa sa mga napansin ko ay Pinoy na Pinoy ang atake ng pelikula. Talagang naipakita nito ang pagtangkilik ng Pilipino sa pangingibang bansa para makahanap ng trabaho at mapapagkakitaan upang mas mabigyan ang pamilyang naiwan sa Pilipinas ng magandang buhay kahit na sila’y naghihirap at nagtitiis.
Ipinakita din sa pelikula ang tunay na maaaring mangyari sa pamilya ng isang OFW. Nandyan ang pangingilag ng mga anak na naiwan, nag-rerebeldeng anak, pagwawaldas ng perang ipinapadala, pagkakaroon ng love affair sa ibang bansa at kadalasan sa mga magulang, hindi na lubos na kilala ang mga anak.
Kung tutuusin, common na ang ganyang mga pelikula ngunit kaiba sa ibang pelikula, nangibabaw ang dialogue at mga karakter sa pelikula na siyang nagdagdag sa matinding emosyon ng pelikula.
Main Characters:
Josie – Si Josie ay isang huwarang ina. Palaging gusto kung ano ang makakabuti at makakapagpasaya sa kanyang pamilya. Kaya niyang isakripisyo ang lahat pati na ang sariling kaligayahan para lang mapasaya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya at hindi makaranas ng hirap tulad ng dinanas niya sa ibang bansa. Hindi naisip na sumuko na lang dahil nanaig sa kanya ang pagiging mabuting ina para sa kanyang mga anak.
Magaling ang pagganap ni Vilma Santos sa role ni Josie. Naipakita niyang talaga ang feel nang pagiging isang ina. Maganda ang ipinakitang body language ni Vilma sa pelikula. Napaka-realistic ng kanyang pagganap sa katauhan ni Josie.
Carla – Ang rebeldeng anak ni Josie. Nalulong sa alak at droga. Nabuntis, nagpalaglag at nakunan. Pinabayaan ang sarili. Tila ba galit siya sa mundo at sa mga nakapaligid sa kanya. Nabubuhay sa sama ng loob dahil inakala niyang iniwan ng kanyang ina ang pamilya niya para lang sa pera.
Maganda rin ang naipakita ni Clauding Barreto sa pelikula. Tulad ni Vilma, realistic din ang kanyang pagganap kay Carla. Ang kanyang mga ekspresyon at emosyong ipinakita sa pelikula ay nagsasabi ng matinding galit sa inang nang-iwan. Damang-dama mo ang bawat linyang kanyang binibitawan.
Editing and Cinematography:
Maayos ang editing ng pelikula. Ang mga dialogue ay mahusay ang pagkakagawa, makabagbag damdamin na tatagos naman talaga sa puso ng bawat manonood ng pelikula (To be honest, iyak ako ng iyak lalo na noong papunta na sa pahuling eksena sa pelikula).
Maganda din ang naipakitang cinematography ng pelikula. Ngunit, hindi ito masyadong nabigyang pansin. Siguro dahil magiging OA na kapag cinematography ang binigyang focus ng pelikula at hindi ang mensahe na nais ipaabot ng pelikula.
Ang feel ng pelikula ay nagiging intense habang umuusad ang istorya nito. Ang kulay ng pelikula ay hindi madilim at hindi naman sobrang liwanag.
Lalong nagpadagdag ang music sa emosyon ng pelikula. Ang kantang Anak ni Freddie Aguilar ay tunay namang tagos sa puso at punumpuno ng emosyon. Damang-dama ko ang bawat dialogue na binibitawan ng bawat karakter habang tumutugtog ang kanta.
Ipinalabas ang pelikula noong taong 2000, at sa taong ito, ang trends ng mga Pilipinong nangingibang bansa ay mataas.
Mga Simbolismo:
Hong Kong bilang impyerno – Nabanggit ni Josie sa pelikula na itinuturing niyang ‘impyerno’ ang Hong Kong. Sinisimbolo ng Hong Kong ang paghihirap at pagtitiis ni Josie maitaguyod lang ang kanyang pamilya at mabigyan ng magandang buhay.
Ang kantang “Bato sa Buhangin” ni Cinderella – sinisimbolo ng kanta ang pagmamahal ni Josie sa kanyang pamilya.
Ang pagkakadapa ni Carla sa isang tambakan ng basura – maihahalintulad si Carla bilang isang basura. Patapon kumbaga. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, taos puso at walang pag-aalinlangan ang pagtanggap ni Josie sa kanya. Sa tingin ko naman, lahat ng ina o magulang sa ganoong sitwasyon ng anak ay yayakapin niya pa rin ito kahit na ito’y marumi na maialis lamang ito sa maling landas na tinatahak nito.
Isa ang Anak sa mga pelikulang tumatak sa akin. Sobrang naka-relate ako sa pelikula kahit na hindi naman ako nakaranas na maiwan ng magulang para mangibang bansa. Ganoon kalakas ang impact sa akin ng pelikula. Kung tatanungin din ang iba, ganito rin ang sasabihin nila.
(Di ako makapag-post sa blogspot account ko. Nago-auto translate kasi eh -_-)
0 notes
Text
The 'Other' World
"In books I have traveled, not only to other worlds, but in my own." - Anna Quindlen, Novelist
Reading is essential to every human. One cannot communicate without even knowing how to read, and write also. It does help you form a better you. It lets you explore every inch of the world you never knew existed. Maybe that's the reason why God created books, it definitely beats boredom. It takes you to an extraordinary realm where you can make an impossible existence, liveable.
Books are not just made up of words, but it is filled with places to visit and lots of people to meet. It boosts your imagination to the nth power and inner passion for creativity.
"Don't judge the book by it's cover", literally speaking, believe them when they say it. There's more beyond the covers of a book. The author/writer grants you the honor to give the book a life and it will take you to a wonderful journey you have probably never been. 
According to Anne Fadiman, an author, editor and a teacher, if you're a book lover, you sleep with your book; write in it; read aloud from it; and fill its pages with muffin or bread crumbs. If you have done all of that or at least one of it, well I now welcome you to the club.
This blog will share my insights about the books that I've read and the films I've watched. Books and films have a lot to tell us, and I'm a super fan of books and films, so I hope my blog can help you with something.
The picture above is from the book I'm currently reading. It is entitled "L.A Candy" by Lauren Conrad. When I finish it, I'll make a review about the novel. This is an interesting story and the plot is amazing. Lauren Conrad deserves a clap clap. Watch out for my reviews! And welcome to my 'world'. Ciao!
P.S. This is just the beginning...
0 notes