Tumgik
tresbosconianos · 3 years
Link
Huwag kakalimutang mag like comment share at subscribe!!
0 notes
tresbosconianos · 3 years
Text
Lakbay sa Panibagong Ruta
Jacob Cristian M. Burog (Tekstong Naratibo)
Tumblr media
       Noong kalagitnaan ng aming bakasyon pagtapos ng S.Y 2019 – 2021 ay naatasan kaming mga estudyante na pumili sa apat na kurso o strand ng akademiko para sa panibagong departmento ng Senior High School sa Don Bosco Makati. Ako’y labis na nahirapan sa pagpili ng aking strand kaya’t pinag-isipan ko ito sa loob ng maraming buwan. Humingi pa ako ng tulong sa aking kaibigan na nakaranas na ng mga iba’t ibang strand. “Sir Celso, maaari mo po ba akong gabayan upang makapili ng nararapat na strand ng akademiko sa akin?” itinanong ko ang aming guidance counselor para humingi ng tulong at makapag gawa na ako ng aking desisyon. Iniisip ko noon na maapektuhan ang pagpili ko ng strand ang akademiko at magiging mahirap sa pagdating ng pagpili ng kurso sa kolehiyo sa iba’t ibang unibersidad. 
       Napunta ako sa konklusyon na piliin na lamang ang STEM o Science, Technology, Engineering at Mathematics dahil una, ayon sa nakupkop kong mga impormasyon sa mga graduate na kakilala ko ay sa STEM daw ang pinaka “complex” at pinaka marami matututunan at makukuhang kaalaman dahil sa dami ng asignaturang mai-aalok nito sa mga estudyante, pangalawa naman ay naisip ko na dito din ang pinili ng aking mga tropa kaya’t mas lalo akong naganahang piliin ito, at ang panghuli naman ay mas makakatulong daw ang STEM sa mga entrance exam patungong kolehiyo. “Coby, ayaw mo ba mag enroll sa iba? Sigurado ka na ba sa desisyon mo” tinanong sa akin ng aking ama. “Daddy, tinanong ko halos lahat ng aking kakilala at sinabi nila sa akin na maganda daw ang sistema sa SHS ng Don Bosco Makati at ang curriculum nito at mas magiging “memorable” ang buhay namin sa Senior High School dahil sa iba’t ibang natatanging aktibidad, okasyon at marami pang iba. Mababait ang mga estudyante sa Don Bosco Makati at makikita mong mabuti ang mga ugali at talagang minamana ang “do your ordinary duties extraordinarily well” at ayon sa aking nakita’t naranasan ay tinatanggap nila ang kahit sino mang estudyante maputi man o kayumanggi, maliit man o matangkad, matalino man o hindi, lahat ay kinukupkop at walang naiiwan. Magagaling ang mga guro at makikitang sanay ang mga guro sa departamento ng Senior High School, mahuhusay sila at may kani kanilang istilo ng pagtuturo. Napansin ko rin at sinabihan ko din ang mga kaibigan ko “Mabunga din sila eh noh pre? Sila ay talagang masipag at gusto ang kanilang ginagawa tuwing may mga “events” na nagaganap noh pre?” sinabi ko sa mga kaibigan ko. Napansin ko rin na talagang naka pokus ang bawat strand sa sariling layunin para sa kagustuhan ng mga estudyante, sa STEM ay literal na lalawak ang iyong kaalaman patungkol sa Chemistry, Biology, Physics, Stat and prob, Pre-calculus at iba pa ngunit sa ABM naman ay lalawak ang kaalaman mo patungkol sa business management, accountancy at marami pang iba. Nandiyan din ang HUMMS at A&D-VMA, kaya’t ano pa hinihintay niyo dito na kayo sa DB. 
       Masasabi ko rin na maganda ang sistema na inaalok sa mga estudyante ng Don Bosco SHS dahil lahat ng graduate nito ay matagumpay na sa kanilang mga pangarap at nag graduate sila ng nakangiti at nagluluha dahil sa mga memoryang kanilang iiwanan. “Walang duda to men, hindi ako nagkamali sa hindi paglipat sa SHS, panalo pa rin db no men?” sinabi ko sa aking tropa. “Oo nga men, hanggang ngayon pa nga’y lumalawak pa rin ang aking kaalaman patungkol sa iba’t ibang mga paksa sa iba’t ibang mga asignatura” sabi ng tropa ko. Bago ang lahat, noong kami pa ay nasa departmento ng JHS ay nakikita namin kung gaano ka produktibo ang aming mga kuya sa SHS ng Don Bosco Makati. Makikita namin palagi tuwing may okasyon, partikular ang Foundation Day ay handang handa silang pasiyahin ang mga nakababata at magbigay ng iba’t ibang aliwan para sa mga estudyante ng Don Bosco Makati. Maayos at disiplinado ang mga estudyante ng SHS department at makikita mo talagang maayos ang pagtatrato ng mga guro at professor sa mga estudyante. “Tol, lilipat ka na ba ng school next year?” sabi ni John. “Hindi men, ieenjoy ko na ito at isasagad na hanggang mag graduate, anong strand ba balak mong kunin?” sinabi ko sa aking kaibigan. “Mag STEM ako men, ikaw ba?” itinanong sa akin ni John. “ARAT MAG STEM, kita kits ulit tayo okay naman daw sa SHS ng DB! Good game lods!” ang huling sinabi ko sa aking tropa. Sana ito ay nakatulong upang makapili ka ng strand na iyong tatahakin at sana  ako ay naging inspirasyon sa iyo upang pumasok sa Don Bosco Makati, halina’t samahan ako sa isang paglalakbay dito sa DBTI, ako’y nakakasigurado na ika’y walang pagsisisihan.
-Diyalogo, Ellipsis, In Medias Res, Deus Ex Machina
0 notes
tresbosconianos · 3 years
Text
Ang Tugon ng Isang Bosconian
Jason Wendell J. Agilada (Tekstong Deskriptibo)
Tumblr media
       Isa ka ba sa mga estudiyanteng katulad ko na nangangarap na mapunta sa butihing eskuwelahan? Pwes matutunghayan mo ang aking likhang tekstong deskriptibo na natutunan ko mismo sa DBTI-SHS. Marahil maraming estudiyante ang walang motibasyon mag-aral bagkus maraming dahilan para ipagpatuloy ang nakasarinlan na tradisyon patungo sa tagumpay sa buhay at isa rito ay kuwalidad na edukasyon. Ako’y nakakasigurado na makakamtan natin ang edukasyong ito sa Don Bosco sapagkat batay sa aking karanasan ay nakita ko ang paraan ng pag-adapt nila sa pandemiyang nangyari at talagang nakakatuwang isipin na kahit ano pa ang mangyari ay gagawa at gagawa ng paraan ang DBTI-SHS upang tulungan ang mga estudyante na hindi lamang bigyan ng kuwalidad na edukasyon bagkus ay mabigyan din kami ng pagkakataon na maging tagasunod ni San Juan Bosco.
       Paano nga ba napukaw ang aking puso’t damdamin sa DBTI-SHS. Dito ay naturuan ako ng tamang-asal, pagmamahal sa Diyos, at disiplina. Kahit halos mag-iisang taon pa lamang ako dito ay nakita ko na ang potensyal ng pagiging isang Bosconian. Huwag din kakalimutan na sila rin ay naghahandog ng iba’t ibang strands para sa Senior High School at ito ay apat. Una, ang STEM o tinatawag din bilang “Science-Technology-Engineering and Mathematics”. Pangalawa, HUMSS o Humanities and Scoial Sciences. Mayroon ding ABM (Accountancy, Business and Management). Pang huli, ang A&D-VMA o Arts & Design-Visual Media Arts. Kung sa tingin mo ay puro akademiko lamang ang nangyayari sa eskuwelehan na ito, nagkakamali ka. Sila ay hindi nakakalimot na pasayahin ang mga estudyante na mabigyan kasiyahan at malaman kung ano ba talaga ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang estudyante. Kagaya na lamang nito ang pag pokus nila sa isports na basketbol kung saan ay pagpasok pa lamang sa eskuwelahan na ito ay maraming  “basketball court” kaagad ang bubungad sa iyo. Makikita rin dito ang mga normal na pangyayari sa ibang esekuwelahan kagaya ng buwan ng wika, paglahok sa iba’t ibang sining ng gawain, at iba pa.
       Ngayon ay nakita mo na ang impluwensiya ng DBTI-SHS sa aking buhay bilang estudyante. Kaya naman ay talagang hinihikayat ko kayo para mag-aral dito sapagkat wala kang pagsisisihan at handa ako tumulong kung kayo ay may problema bilang kapwa estudyante. Binigyan ako ng kakayahan ni San Juan Bosco upang tumulong sa mga nangangailangan, hinding hindi ko kakalimutan ang kaniyang mga mahahalagang salita na maaaring mapagpabago rin sainyo at hindi lang sa akin. Nawa’y nabasa ninyo mabuti ang tekstong ito at naintindihan kung bakit ba maganda pumasok sa Don Bosco. Marahil ang ilan sainyo ay hindi pa rin kumbinsido bagkus ang hiling ko lamang ay huwag natin kakalimutang pahalagahan kung ano ba talaga ang deskripsiyon ng isang buhay estudiyante. At dahil sa mga sinabi kong ito ay gusto ko lamang mag-iwan ng isang islogan, “Huwag matakot, halina’t pumasok, piliing maging mabuti, at maging isang tunay na Bosconian”
0 notes
tresbosconianos · 3 years
Text
DBTI: Tahanan ng Bawat                                     Magsisikap
Aaron Joshua B. Bagain (Tekstong Impormatibo)
Tumblr media
                   “Makisama  ang mga kabataan sa bagong normal.”
           May mga kabataan ngayon na nais mag-aral ng mabuti upang masagot nila ang pangarap nila sa buhay, na makapagtapos sila ng pag-aaral at makatanggap ng trabaho. Dito sa Don Bosco Technical Institute-Senior High School Department, ay may isang balahibo na hindi nakatuon sa edukasyon, ngunit sa palakasan, tumutulong din sila upang maipakita ang kanilang kadalubhasaan at matulungan silang mapahusay ang kanilang talento. Palagi nilang ginanyak ang kanilang mga tauhan at mag-aaral upang matuto, lumago sa bawat yugto ng kanilang buhay. May mga pag-pipilian na hibla upang magsimula ang yugto ng bawat mag-aaral,
            STEM o Science- Technology-Engineering-Mathematics,  sa hibla na ito ay nababagay sa mga estudyanteng na nais mag Civil engineer, mag Information Technology, Nurse, Doctor at iba pa na nakakabagay sa STEM. Dito sa STEM ang mga asignatura ay nakapokus sa Agham, Teknolohiya, Inhinyero at Sipnayan. Kung ang mga asignatura na pinapakita dito ay nararapat para sa pangarap mo, Ang STEM ay para sayo sa DBTI- SHS.
           May Hibla na tinatawag na HUMMS o Humanities and Social Sciences. Ang hibla na ito ay nakapokus sa mga tao at sa mga nangyayari ngayon, dito mo matututunan at napapahalaga ang kaalaman sa kultura, at dito mo matututunan ng mas malalim laban sa iba’t ibang aspeto ng lipunan. Meron din politika, mga batas, at para sa nais maging isa sa gobyerno ng Pilipinas. Ano pa hinihintay niyo mag HUMMS na kayo sa DBTI-SHS
           ABM o Accountancy, Business and Management, nakasentro ito sa paligid ng makatuwirang mga pagtataguyod ng mga gawain sa korporasyon, pangangasiwa ng pera, negosyo ang mga ehekutibo, tulad ng bawat solong kadahilanan na umiikot sa mga larangan ng pokus.
           At sa panghuling hibla ay ang A&D-VMA o Arts & Design-Visual Media Arts para sa mga kukuha ng hibla na ito, ang mga kukuha ng A&D-VMA  ay gumagawa ng mga visual portrayal na naghatid, hinahamon at ipahayag ang kanilang mga saloobin at iba pa, bilang dalawang aliw at madla. Itinayo nila ang kanilang kasunduan at inilapat ang pag-aayos, pangunahing pag-iisip at mga kakayahan sa pag-iisip sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mundo sa pamamagitan ng mga ekspresyon ng media. Kung gusto mo ipakita ang inyong talento sa Arts mag A&D-VMA ka na sa DBTI-SHS, sa DBTI-SHS lahat ay nakikiisa para umangat tayong lahat.
1 note · View note