Tumgik
torpengpagong · 10 years
Text
OJT
hayss. kala ko talaga nung una, di na ako magkakaOJT, medyo matumal kc ung tawag ehh,, tapos sira pa ung phone ko. thankful ako sa mga tumulong sakin makarecover sa pagkalugmok sa first choice company ko. pero okay na rin, mukhang mas okay nmn dito sa OJT field na pinasok ko keysa sa first choice kong company. nung una, sabi ko, seryoso na ba ako dito lalo na nung ipapadala na ako sa field. sabi ko, mabaho dun, hindi aircon tapos maalikabok kc nga building ung pagtratrabahuhan. pagdating ko sa building, medyo nagkaproblema pa, kc bawal daw sa EEI at sa MEGAWORLD ung OJT applicant, bale sa company lang namin un kaya di pa ako nakakuha ng Project I.D kagad. buti na lang madedescarte ung mga boss ko dun at nagawan ng paraan, medyo hussle nga lang kc 6am-5pm ung pasok tapos medyo malayo pa ung lakaran mula sa babaan ng jeep. grabe ang hihigpit pa ng gaurd kc bawal ilang beses ako sinita kc nga muka daw ang minor at bawal daw studyante dun, buti na lang medyo tinuruan ako magsinungaling sabay pakita ng college I.D at sabing "kuya mag 4th year na po ako sa pasukan, huminto lang po ako para magtrabaho kc walang pera para ngaun po, sa construction muna ako kc ganto rin nmn pinag-aaralan namin dati sa school" tapos aun, first day ko, syempre safety orientation. inorient ako ng safety engr. kung ano ano ba ung mga dapat suot ko sa loob ng building, kung paano ung kilos para di ka tamaan ng lumilipad na bakal at yero. tapos aun then natapos kagad after 4 hrs sabay sabi nyang "uwi ka na, ok na un nka 10hrs ka na"(pero tinatamad lang sya magturo) kaya uwi na ako, may pirma na kagad A.R ko. :D second day ko bigayan lng nung gamit at I.D kaya maaga ang uwi. :D ung third day amazing na.. :D pumasok ako sa tunnel na pataas na walang ilaw o kung anu pa man, butas lang talaga sabay pinagamit sakin ung malaking vacuum para linisin, nakakapagod lalo na nung ibaba na ung vacuum from 53 floor to 6th floor na may bigat na 22.5 buhangin (di ko lam kung ilang kilo). tapos after nun, pahinga sabay linis ng car rail at car mismo. bago ako umuwi, inexplain sakin ung circuit diagram nung machine at kung pano un gumagana kc kinabukasan kami gumawa nun.. tapos naglagay ng ilaw dun sa tunnel, medyo nakakatakot kc antaas ng voltahe na ginagamit nila, ung transformer mas malaki pa sakin at ung ung circuits, muntikan dumami ung resistor. hahaha. kanina, medyo nakakatakot kc after namin linisin ung rail ng isa pang tunnel, bale may 7 tunnel dun, e sinimulan na ung installation, tapos nasa 6th floor kami, edi hussle kung tatakbo pa pababa ng basement 3 para lang ibigay ung mga gamit, kaya ang gawa, di laglag na lang,, tapos aun, pinalaglagsakin ung Philip screw, e di pa pala na chichipping ung pader so hindi pa straight. aun, tumama ung screw sa gilid at bumanda, muntikan tumama sa mukha ung matulis na part, buti na lang ung hawakan lang kundi nakapatay na ako, e pag mga tatay na e minsan wala ng pake sa mga safety safety na un so wala silang safety gear kaya medyo nakatakot magkamali. kanina din. pinaandar ko ung car mababa, delikado grabe, kc di ko alam kung hanggang saan kc nga di ko nakikita ung ilalin kaya naasa ako sa sigaw sigaw, e maingay kc nga andaming makina so aun, down,up and standby lang ung pinapansin ko, tapos pag nababa, doble sa ingat kc di mo alam kung may tao ba dun sa ilalim na pwedeng maipit at mamatay, nakakatakot grabe.  pero di pa un ung intense, ung nsa 53 floor na, tapos tatalon pababa sa 6thfloor pero syempre nka harness, nakakatakot grabe, ung magtatanggal ka na ng scap folding.. o.O sabi ko kanina, bahala na si lord sakin, tapos ilang beses pa ako nauntog sa pako, buti na lang matibay ung sumbrelo na suot ko, naipit pa nga ung ulo ko sa car,, medyo masakit pero keri lang. this week, andami kong natutunan, gamit ng mga pinag-aaralan namin sa school, mga bagay na di sinasabi sa school na malaki ang epekto sa araw araw na buhay ng tao. dun ko rin narealize ung hirap ng mga taong di nakapagtapos at nagtratrabaho sa construction area, di naman nila gustong maging ganun sila pero kailangan dahil aun ung pinagkakakitaan nila. dun kc bawal ung maarte dahil kahit anung gawin mo madudumihan at madudumihan ka talaga. kinakailangan ko na bumili ng bagong pantalon kc puro pintura at alikabok na ung pantalon ko, tapos puro butas na rin dahil sa pako na naka usli. pero overall masaya sila kasama, kc dun mo mapagtatanto na mas maraming alam ung mga taong di nakakapagtapos sa mga may pinag-aralan kung usapang technical ang basehan .:D working at high rise building at BGC 8 forbes a 53 floor tower
1 note · View note
torpengpagong · 10 years
Text
FRIENDS
hi friend, alam ko wala sa inyong nagtutumblr. kaya di nyo mababasa to. gusto ko lang sabihin na mahal ko kayo, masaya ako at nakilala ko kayo, si ROBINA ORIEL, ELISHA JOY BATALLA, JOHN MICHAEL MARIANO, KAREEN OCLARIT, ROSE ANNE SONGCAYAWON, MARLON MOSCARE, JASMIN RADOVAN, MARJORIE DOLLENTE
siyam tayong nagsimula bilang magkakaibigan, nagsimula noong panahong wala akong kausap, wala akong kasama, lagi ako mag-isa. gusto ko magpasalamat dahil nung mga panahong yon e di nyo ko iniwan. nung panahong kailangan ko ng makakasama e nandun kayo.
salamat sa pagopen sakin sa mga salita ni lord. salamat kasi pinamukha nyo sakin mga pagkakamali ko at never kayo naging plastik sakin. lagi nyo ko inaasar, pinagtritripan pero never ko naramdaman na di ako belong sa inyo.
siyam tayong nagsimula sa zonta, naaalala ko pa nun, magkakasama tayo, tapos kayo ung nandun sa nagsabi sakin na ok lang yan, di mo mapleaplease ang lahat. onti-onti tayo nabawasan hanggang ngaun na tatlo n lng natitira sa ECE at nabawasan pa.
gusto ko lang sabihin na salamat dahil nakilala ko kayo, salamat e kc nasasabihan ko kayo ng problema at lahat ng kababuyan sa katawan. salamat e kc lagi kayo nakikinig sakin. sa ngayon, lahat tayo may tinahak na na ibat ibang landas.
si kareen, masaya na sa pagiging teacher, si jasmin may mga bago nang kaibigan sa CAVSU, si anne,jm at elay, nagsama sama na sa marketing, si madjew lumablyp, kami ni marlon nananatiling matatag sa ECE..
lahat tayo may kanya kanya ng landas na tinahak, may mga bago nang kaibgan, sa ngayon si bina bumagsak sa quali at matatanggal na sa ECE.
gusto ko lang ibalik sa kanya ung lagi nyang sinasabi pag may problema ako, may reason si GOD, sya ang nag open sakin sa mundo ni GOD, at naniniwala ako na may plano si GOD sa buhay nya kung saan mageexcel sya ng husto. makukuha nya ang higit pa sa gusto nyang makuha..
konting kembot na lang at hoping makagraduate kami at makapasa sa board para party party na!!!
minsan di ko na kayo nakakausap dahil sa sobrang busy, minsan nakakalimutan ko na kayo lamipitan dahil may mas importanteng gagawin, pero salamat kc never kayo nakalimot sakin. pag may problema, tatawanan nyo lang ako at magiging tawanan na ang lahat kaya ngayon gusto ko lang sabihin, ang isa sa matalik nating kaibigan ay may problema, o ano? lam na this. :D <3 <3
0 notes
torpengpagong · 10 years
Photo
Tumblr media
hi new people. :D di ko kayo makakalimutan. hihihi. grabe ansaya lang ng experience :D
0 notes
torpengpagong · 10 years
Photo
Tumblr media
Because baby picture is too mainstream
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
Someone
ah.. sa paghahanap ko sa social media ko, narealize ko, kaya cguro nasabi nung taong un sakin na may nagpapatama at naiinis sakin dahil dito? bat di ko kagad nagets? baka nung nag post ung pres. namin ng ganto "This is to formally call all elected and appointed AECES Officers for a Class A meeting on Saturday 10, 3pm SHARP... BLDG A. PLs bring white board marker each and be prepare for your report:" tapos nag comment ako ng "pati CSC activities dadalhin kow. xD" ~baka gusto nya sya na gumawa? d nya nmn sinabi.. gusto nya pala ng trabaho.... tapos nagulat ako dun, pati pala sila ganun, hayss, kala ko pa nmn iba sila? o.O o "sya lang dapat kc isang name lang nmn un", wag na magtitiwala. alam na? XD sayang naman, sobra sobra pa nmn malasakit ko sa kanila tapos ganun. antaas pa nmn ng respeto ko kaso biglang nasira. -_-
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
Twitter
hmm, andami kc ng post ko sa twitter na puro lahat sa kalandian ehh, try ko na rin ipost, baka kc tinamaan din sya eh, para lang malinaw. hehe dahil wala akong post nung may 3-4 bale may 5 na sa twitter. "Good morning :)" ~baka ayaw nya ng good morning, gusto nya ata bad "napapagod na ako." ~baka ayaw nya ng napapagod, lalo na kung muntanga ka lang papansin sa mahal mo, tapos dapat di ka mapapagod kc baka ganun sya. "nakaka-inggit ung M.E.. :'(" ~ahh, baka dahil dito, kc nga naman inggit ako sa interview ng M.E. baka nagalit sya kc dapat bawala mainggit ung ECE sa M.E. ahh "yehey... na-add ko na sila :D" ~gusto nya rin ata add ung mga taga ibang school. "wala pala akong picture kasama sila :/" ~o baka nainis sya kc wala kaming remembrance kasama ung ibang school. "oo nga narealize ko, sa sobrang pag-iingat ko sa itlog, wala akong picture kasama sila :'( huhu" ~o baka nagugutom na sya at gusto nya ng itlog "matutulog muna ako.. :D" ~o baka dahil ayaw nya ng natutulog? "YEZZZZZZ :D" ~baka naman pati eto kaso pa sa kanila? "o dba andami pang nangyayari.. malay nyo mag external pa ako kesa president. chos <3 <3 pero mas masaya maging BOD forever <3 <3" ~o baka naman dito, bka naiinis sya kc mag prepresident din ako next year? hala bitter lang? o.O kala ko ba friendly compition? hala sabi ko na eh, "WAG MAGTITIWALA" "haha ang ganda ganda :D"
~baka ang gusto nya ang pogi pogi "#LTS #IECEP #ALLBOYS #PROMWEAR :D" ~feeling ko eto un ehh, naiinggit sya kc nakasama ako. "#5WordsForYou mata tenga ilong labi ngiti <3 <3" ~o baka kala nya inaagaw ko crush nya? shetttttt.. magkaiba tayo ng gusto, duncha worry "gusto ko sabihin sa kanya "hi ate...." ~baka gusto nya rin makita si ate bea? o.O "pero si nicki minaj talaga un ehh hahaha >:)......." ~o baka si nicki minaj, baka kaibigan nya si kyle kaya ganun?? o.O "#APPEL hahaha, stupid ko sa spelling #rigth HAHAHAHA" ~o baka galit sya sa bobo sa spelling? "gaganda ng dalawa kong crush ....." ~o baka gusto nya sya lang maganda "ewan ko ba....." ~o baka masama tumawa "di ko ma-add ung mga first year, hirap mag search sa FB...." ~o baka inis sya kc may contacts ako ng first year? "shet... nainlab nnmn ako. JOKE XD" ~o baka masama mainlab sa taong cute? "nkakainis ung mga epal, lakas makapang insulto e wala nmng nagagawa. pff. -_- hahaha, dba dba?? :D #tawalang" ~hala baka kala nya sya to? sabagay, baka nakaMETHAMORPHOSIS sya nun nung nagdodota ako at isa sya sa kalaban ko?? o.O "nasstress ako.. wala akong lablyp hahaha xD :3 penge nga xD" ~o baka gusto nya sya na lang lablyp ko. o.O yuk hehehe "eto na ung hinihintay ko, new form of friends, new people, pero feeling ko kulang pa sa bonding hehe xD" ~o baka bawal na magkaroon ng bagong kaibigan? "maski ako di ko mahuhulaan un. HAHAHA" ~o baka gusto nya sumali sa laro na hulaan kung cno ung baby na nasa picture? "bernie, pigilan mo sarili mo!! wag kang tumambay sa wall nya.!!!" ~o baka galit sya sa stalker tulad ko? o baka gusto nyang sya lang ung iniistalk? "di ka un. wag kang stupid." ~o baka eto? akala nya siguro na sya ung crush ko na nag post ng ganun tapos inimagine kong ako un kaya ganto? "hahaha, andami kong naaalala sa pag babackread ko. xD" ~o baka bawal na mag back read? "ok ok,, aikasuhin ko na ung strat plan ng ECE at council. :D" ~o baka gusto nya sya na gumawa neto? "auko magsalita tungkol sa OJT ko hanggat di ako natatapos xD" ~o eto.. bka bawal magsisi na nagkaroon ka ng kapatid na medyo lasinggero na nakakalimot sa mga sinasabi pag lasing? "nagpapahaba ako ng bigote at balbas....." ~o baka aaway nya sa bigotilyo? "antanda ko na.. -_-, dati...."
~o baka naramdaman nya na ring natanda na sya? "#trivia101 di ako natutulog ng di naglalagay.... ~o baka ayaw nya sa lotion? "explenation no more. :D" ~baka ayaw nyang nambubusted sa taong ayaw mo? cguro sa kanya take lang ng take? o.O "hayss, ansakit haha, itawa na lang ituu.. :)) </3" ~baka bawal matalo?? hayss "start na pala ako dun sa araw na un... mukhang di ako makakapunta. hayss. xD" ~baka bawal pa ako mag start sa OJT kaya ganun sya? "parang andali ko mapagod. -_-, natanda na talaga akow. hahaha" ~baka bawal na mapagd pag nag-aalaga ka ng makulit na bata buong araw? "im not good in making the discussion long :) GOODNIGHT" ~o baka eto? kc nga dba matalino sya? baka beriberigood sya sa lahat? "bale goodnight na talaga.. :)" ~masama ata magpaalam "kanta kanta, sayaw sayaw, ikendeng mo ikendeng mo. HIHI" ~bawala sumayaw pag masaya! "konting kembot na lang, matatapos din toooo. :D" ~bawal irewrite ung strat plan ehh "why cant it be the two of us? o.O" ~baka kala nya sya ung mahal ko? o.O "#InloveAkosaTaong never ako pinansin. xD" ~eto ata talaga un ehh, dapat pala sinabi ko "inlove ako sa taong lagi ako pinapansin, tignan mo papansin sya. hahaa "ako(nagtataka iba ung nsa upper chat...)" ~o baka gusto nya sya ung nasa important person sakin. -_- "pag naaalala ko ung patis..." ~o baka gusto nya itry ung pinainom samin? "matutupad ko na din pangarap ko.." ~baka gusto nya rin mag doctor? "peymus ang lolo mo! HAHAHA" ~o baka gusto nya rin maging peymus tulad ng lolo ko? sabagay, post sya ng post wala nmng liker. kwawa naman. "lakas ko magsabi ng "tiwala lang" pero ako ne....."
~o baka dahil dito? kc gusto nya ata sa kanya lang nagtitiwala? "still thinking for a 30-day challenge" ~o baka galit sya sa may 30 day challenge? "buntis pa ata sya.. o.O" ~baka bawal mabuntis si nicole? baka gusto nya rin mabuntis?
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
POSTS?
habang nag-iisip, inisip ko kung anu ba dapat nyang ikagalit ng ganun na baka tinamaan sya sa mga post ko?? tinuring ko syang kaibigan/ sila actually pero mukhang magbabago na un. :D hmm.. since after LTS may 3 saka lang sya nagkaganun, balikan natin ung mga post ko at dahil sana mabasa nya to ng matauhan sya, pero di na ulit ako magtitiwala at ituturing na kaibigan? never na siguro. hmm.. sa facebook may 1 "nakakapagod pero ang SAYA"  ~para lang talaga un sa LTS. baka na hurt sya dun? o.O o baka gusto nya sumama, dapat sinabi nya. "BLUE team is hart hart :DD" ~hala baka kala nya inaagaw ko ung color blue sa kanya? "ako pinaka cheap.. hindi prepared. >:) next year maghahanda talaga ako... hohoho" ~baka gusto nya rin maging cheap? o gusto nya magpapicture sa mga kasama ko? o.O "thing to remeber...." ~baka crush nya rin ung crush ko kaya nagselos sya? o.O "ang pagmamahal ko parang laro lang..." ~baka nasaktan sya kc ayaw nya makarinig ng pagmamahal? "di ako mag popost ng kung anu anu, sasabihin ko un sayo sa personal ng madama mo. >:) next time mag-isip." ~o baka gusto nya sya na rin ung crush ko tapos papatamaan ko sya sa mga post ko na puro kalandian at baka gusto nya rin sabihin ko sa kanya na "I LOVE YOU" "it is not what you are tells what you do.  #hiddenAGENDA" ~o baka gusto nya rin mag mukhang daga? si ratatuwi.. ung hidden agenda, wala lang yan, para yan sa ka chat ko, gusto mo name drop pa? dun sa kunwari gusto ako maging kaibigan tapos gusto lang pala ako landiin, o baka gusto mong ikaw ung landiin?? "minsan, sa pag pilit mong ma please ang lahat, nakakalimutan.." ~o baka gusto nya rin marinig ung seminar ni kuya lem samin? "gigising na lagi ako ng maaga para makapag jogging/exercise.. live healty #30dayChallenge" ~o baka nainggit sya sa 30 day challenge ko? o.O as of now, aun pa lang nmn psot ko kc kakasabi lang sakin na pinapatamaan "DAW" ako.
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
Accounting Theory
accounting theory? sabi dun "DONT ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED" pero may mga bagay na di mo maiwasan mag assume lalo na kung feeling mo ikaw mismo ung tinutukoy sa bagay na un. sabi sakin ng mga tunay kong kaibigan na nakwentohan ko, "wag mo pansinin, kung feeling mong ikaw un, hayaan mo na lang, wala silang alam kaya nila nasasabi un" mula nung naging maka diyos ako(weh?), pinilit ko na hanggat maaari e di na talaga ako magsisinungaling, sa sarili, sa kapwa at sa lahat ng bagay. sabi ko na ehh, wag dapat ako magtitiwala kung kani-kanino lang, kahit sabihin pa nilang kaibigan ko sila, WAG! mas okay pa na manahimik nalang. last month, start na ng summer class, bale sa mga walang retake subject, meron kaming OJT, matagal pa lang, e nagsabi na ako sa kapatid ko na kailangan ko na ng company na pag oojtihan, tapos aun, inofer nya sakin ung company nila, tutal naman e kilala ako nung presidente dahil nakausap ko na sya last company outing tapos aun, habang nag kwekwento sya, e savi nya sakin ganun nga, 350 sahod, tapos training lang tapos di daw ganung nakakapagod kc nga kakagaling ko lang sa operasyon.  pero syempre, auko nmn magbakasakali lang dun, so nag apply pa ako sa iba, umabot ako sa ortigas, bale nagpasa na ako dun sa kilala kong engr. dun, si ENGR. JASPER PONE, tapos aun nga, nung tumawag sakin ung HR for interview, nawala ung phone ko, di ko lam kung saan ko nalagay tapos nalaman ko nakuha pala nung ka pep ko. nanghiram pa nga ako ng phone ng kaibigan?(sharmaine) ko nun ehh para lang imiss call if ever sa table lng sa pep room ko nalagay. tapos aun, nalaman ko lang na nasa ka pep ko un nung monday na kc nga chinat nya ako sa FB. BTW, nalaman ko na tumawag ung company na un sakin after pa ng semana santa, kundi pa sya nag chat sakin sa FB, d ko pa malalaman. tapos aun, na nga, start na "DAW" sa OJT, exited, pagdating ko sa workplace, ang nangyari e nakaupo lang talaga ako, di ko nga alam kung ojt ba un o nanunuod ako ng sine kc nga ung kuya ko ung may hawak sa boss ko, so ang labas e instant julalay ako. so sa bandang huli, huminto din ako kc muntanga lang talaga, and 2 days lang ako pumasok dun tapos backout kagad. after nun days passed, antagal ko natengga, andaming tumulong sakin para makahanap ng bago, pinuntahan ko ulit ung company sa ortigas then ang sabi nga e tatawg na lang daw ulit pag may vacancies na. pero syempre di ako nakampante, hanap ulit sa balfour, sa axeia, sa unilab at marami pang iba,. then habang naghihintay ng tawag, syempre ako eto dahil tengga, tumulong sa review ng quali, inasikaso ung meetings sa CSC at marami pang iba tungkol sa school ko at bukod dun lumandi syempre :3 within that happenings, may mga nagtanong kung may ojt na nga daw, at marami pang iba. syempre ang sagot ko e kung ano ung alam ko. cguro naman sa mga pumunta sa bahay ko na mga classmates ko, narinig nyo nmn kuya ko, so ung mga sinasabi ko e galing din sa kanya so wala akong kasalanan dun, di nya rin nmn kasalanan un kc ganun talaga sya minsan pag lasing. this past days, di ko alam kung anung nagawa ko at parang ako ung pinapatamaan sa mga post na nababasa ko, bukod parang parang galit pa sakin e ginagawa ko lang nmn ung trabaho ko at e wala nmn akong ginagawang masama. ginagawa ko lang nmn ung trabaho ko at minsan pa nga ung trabaho ng iba ehh. wala nmn akong pinopost na kung ano pa mang makakasakit ng iba at kung anu pa mang pagmamayabang sa sarili. di ko sure kung magtitiwala ako sa nagsabi sakin pero mahirap na kc. kung susundin ko payo ng ibat ibang tao sakin: ("hayaan mo lang sya, sa pasukan mo gantihan, bobo naman yan e", "edi pamukha mo sa kanya kung anung kaya mo ng manahimik yang baklang yan", "wag ka nang gumanti, sa ginagawa nya sya lang napapahamak at sya lang nagmumukhang tanga. Alam naman ng mas nakakarami na ginagawa mo lahat ng makakaya mo para sa lahat" at marami pang iba.) mas lalo ko lang mapapamukha sa diyos na nalayo ulit ako sa kanya, cguro ang mas maganda pagdasal ko na lang sya, tutal di pa nmn ako sure na ako talaga un ehh, iniisip ko lang dahil sa nagsabi sakin, isa na lang iisipin ko. "gagawin ko kung ano ung tingin kong tama, wag ako magpapa-apekto, at higit sa lahat, wag na ako magtitiwala ng basta basta"
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
Leadership Training Seminar
on the first, sabi ko ano ba to, bat ba ako sumama dito? mas maraming bagay na dapat gawin, tapos pag dating ko sa LRT station pilit ako natingin sa paligid, baka kc may makasabay ako. tapos aun nga, nakasabay ung taga ADAMSON. o dba? instant new friend kagad..  tapos pag dating dun sa bus, hala nakakahiya, magkakakilala sila tapos ako walang kakilala, sa isip ko nun, malayo ung pupuntahan namin, nakakahiya kung susuka ako kaya pilit ko inentertain sarili ko, tapos aun new friend kagad. ang saya, first topic namin tungkol sa CSC, e kc council din sya sa TUP manila kaya medyo happy happy kami.. katabi ko sya sa bus kaya tawa lang kami ng tawa tapso di ko namalayan, nandun na pala kami, meron pa ngang umihi sa bote ng gatorade kc bawal bumaba, nakakahiya un haha, gwapo pa nmn kaya bawas pogi points. xD HAHA, pero ok lang, kung ako din e ganun din gagawin ko. tapos pagdating dun sa resort, aun, hiniwalay hiwalay na kami by room, hiwalay ung boys sa girls. late ako pumasok kaya kala ko wala akong kama, dikit dikit kami sa kama buti na lang lumipat ung katabi ni kuya maynard papunta dun samin tapos ako ung pumalit sa pwesto nya, grabe ansaya dun sa kwarto namin, ang ingay ingay tapos bonding kung bonding,. narealize ko, pareparehas pala kami, mga first timer kaya aun medyo masaya. :) on the first day, seminar kagad. at aun ung first seminar na di nakakaantok kc puro excercises, grabi ang saya sobra, tapos kinagabihan, ayan, maskarade ball na kagad! hala, di ako prepared, buti na lang may nagpahiram ng maskara. :) salamat kay kuya russel. :DD.. tapos aun na, grabe lahat sila prepared, ako mukhang napadaan lang. then ansaya lalo na ung ms.manila paper, ako pa ung napili sa team namin, TEAM blue nga pala ako.. tapos aun, ung team namin ung nanalo sa pinakamagandang outfit. hehehe. ang ganda nun pero di ko nadala. xD nakakahiya nga sa crush kong taga ADU na ka team ko, si ate dessa, ang ganda nya nung gabing un. :3 xD tapos aun, second day na.. whaaaaaaaa. takbuhan na, grabe lugi kami kc apat lang kami, umuwi kc ung isa naming ka team, pero okay lang, masaya kc ehh :)) lalo na nung pagtalon ko, anlalim pala nung pool, muntikan ako malunod lunod, buti nalang nakakalangoy ako kahit pano. xD :) tapos kinagabihan futuristic attire na, kala ko ako pinaka di prepared, tapos wapak, andami palang putchu putchu lang. haha, nakakatuwa lang. :) tapos sayawan na, hehe, di kami nakapagsayaw ng todo kc nakalimutan namin ung steps, grabe, tawa lang ako ng tawa kc ang galing mag patawa ng exec at lahat ng seniors. :D tapos aun, third day, team building na, ang saya ung parang lubid lubid, pero ung pool di ko na naenjoy kc ang sakit na ng likod ko. haha, tapos aun, ung itlog namin kompleto parin hahaha, sa sobrang saya di ko makalimutan mga mukha ng crushes kong sobrang dami. :* xD I swear, sasama talaga ako sa TB xD
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
Seriously not Serious
may mga bagay na di ko alam if ill continue or not. di kc ako sure sa kakahantungan, auko talaga nasugal ng isang bagay pero siguro sa buhay di maiiwasan un. Most of the times, may mga bagay akong ginagawa na alam kong mali, totoo kc na masarap ang bawal, minsan nga sobrang sarap pa. savi ko makokontento na ako sa isang tao pero di maiwasan humanap ng iba lalo na kung ang tingin mo ay may kulang. di ako un, di ako naghahanap ng iba kc wala naman talaga. di ko alam kung matutuwa ba ako na may nagkakagusto sakin o hindi. ang alam ko kc wag kang pumasok sa isang relasyon kung di mo naman mahal pero minsan kc nakakaawa na. auko naman ulit pilitin ang sarili kong mahalin ang isang tao na in the end alam kong mas masasaktan sya. natatakot ako na baka mangyari sakkin ung ginagawa ko sa iba... ung pinapaasa, ung pinaglalaruaan, ung kakausapin at maaalala lang ako pag bored sya kaso di ko naman mapigilan ung sarili ko na hindi sya kausapin. savi ko noon sa sarili ko nung unang kita ko sa taong un "may something dito", pinilit ko lumayo, pinilit ko ilayo sya sakin pero in the end ako itong mukhang tangang lapit ng lapit na sa isang sabi nya lang e handa ko ibigay ang lahat.  natatakot ako na dumating sa point na di ko makontrol ang sarili ko tulad ng mga taong malalapit sakin na di nakontrol ung sarili nila nung kasama ako. natatakot ako na in the end e mas lalo lang syang maging malayo sakin, until now e nahihiya parin ako sa kanya, ung tipong wala pa dun sa point na sobrang open at hindi ako mapahiya pag kasama ko sya. cguro kc alam ko na hindi pa rin nya ako ganun katanggap. xD DRAMA MOMENTS XD >:)
1 note · View note
torpengpagong · 10 years
Text
PEELER SHOTS
bat kaya may mga babaeng hilig maghanap ng "MATALINO/ MAALALAHANIN/ MAPAGMAHAL/ MABAIT/ MAGALANG/ MAYRESPETO/ MAY SENSE of HUMOR/ MASAYAHIN at higit sa lahat MAKADIYOS". tapos sasabihin pa wala na daw mga ganun..
eto lang masasabi ko, CHOOSY lang kayo!! maraming ganyan sa mundo! sadya lang talagang tingin nyo sa sarili nyo e sobrang GANDA! tapos lakas pa mag post ng "TURN ON". e para namang andaming nagkakandarapa sa inyo. hayss..
1 note · View note
torpengpagong · 10 years
Text
FOOL
may mahal ako, pero alam mo ba kung bakit di ko sinasabi sa kanya?? kc alam kong madaldal sya, anytime any moment na magconfess ako sa kanya, may makaka-alam na kagad.
pinilit kong ibaling ung pagtingin ko sa iba, pero pare-parehas sila.. akala ko iba ka sa kanila, alam ko madaldal din naman ako pero once na magkwekwento ako e never ako nagdrop ng name especially kung close ung taong un sa ikwekwento ko lalo na kung sobrang selan ng mga bagay bagay.. salamat nalang at nakilala kita. buti na to, habang di pa kita mahal.. sorry, alam kong mahal na mahal mo ako pero di parin kc mawala sa isip ko ung taong mahal ko. 
1 note · View note
torpengpagong · 10 years
Text
AECES or Council
ang hirap magesisyon, gusto ko tumaas ng posisyon sa council kaso auko iwan ang org ko sa kamay lng ng konsino sino?? gusto kong magkaroon ng next officer na di lang discount sa board ang habol, ung mga officer na di lang pangalan sa resume ang gusto, auko sana tumakbo sa org namin kaso wala akong makitang nagbibigay concern para sa org. President- ang presidente ang utak at mas nagiisip ng mga gagawin sa org at bilang presidente, maraming bagay na dapat kinokonsidera. una, di dapat self centered, dapat ang president e marunong tumingin, makiramdam at makinig sa nakakarami, ung tipong di dahil gusto mo e dapat masunod. ikalawa, bukod sa experience dapat mahal ang org, ung tipong di nakakalimot sa trabaho kahit kapalit pa e academic status. ung may matinding time management na kayang pagsabayin ung pag-aaral at pagiging officer. VP Internal- dapat masipag magasikaso sa loob ng school, ung close sa faculty at admins at dapat di mahiyain makipag coordinate sa ibat ibang orgs kung saka-sakaling kailangan ng tulong ng mga ito. VP External- dapat masipag magasikaso sa activity na nangangailangan ng tulong sa labas ng school, di dapat mahiyain makipagusap sa mga taong di nya nmn ganun kakilala at magaling manghikayat at makipag communicate. Secretary- ang importante e masipag gumawa ng paper works, at matyaga at marunong makipag coordinate sa iba pang officer para makagawa ng maganda A.R Treasurer- mapagkakatiwalaan, willing matuto kung pano gumawa ng F.S.
____ sila ang execom, pinaka importanteng posisyon kaya dapat maging mapili sa kanila____ Technical : sounds, videos atbp. di mahirap kumuha dito dahil ECE kami e maraming may-alam sa mga technologies. P.R.O- load and Fb, dissmination of information, basta madalas Online at may load. oks na un Audit- walang kinikilingan! Bussiness- sila kadalasan nagiging head ng foods, ang takbuhero kung may kailangang gamit ang org. sila nag-aasikaso sa mga bibilhin atbp. Acads- bukod sa matalino, dapat concern sa grades ng mga member, nakikipag-ugnayan sa mga profs. ng member kung may problema man sa member mismo. Sports- bukod sa sporty, dapat concern sa players regarding sa needs. Cultural- sya ang utak sa arts, dapat artistic! sila ang posisyon na feeling ko e kailangan namin, may logistics kami kaso baka di na kailanganin kc mawawala narin naman ang FASTECH samin kaya parang medyo wala na ring silbi. sakin lang, ok lang naman na hindi na ako tumakbo sa org, basta makita ko na ung mga tatakbo e concern talaga sa org, hindi puro kaartihan ang gusto, hindi pangalan at higit sa lahat hindi discount sa board.
2 notes · View notes
torpengpagong · 10 years
Text
HAPPY BIRTHDAY!!
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
Hunger Games
ang title ay wlang kinalaman sa nilalaman. ewan, bakit may mga taong hilig manumbat ng mga bagay na binibigay o ginawa nila sa iba? cguro ganun lang talaga pag ang taong un e di mo nmn magulang. una sa lahat, d naman nila responsibilidad na bigyan ka ng pera o paaralin ka, mahirap isipin na may mga pangako na di natutupad, may mga salitang sinasabi lang dahil kailangan. March 14, 2014 nung araw na to, umalis ang nanay ko at pamangkin ko at umuwi ng probinsya, nagiwan sya ng 1k para sa baon ko sa buong linggo, pero di naging sapat iyon dahil sa sunod sunod na gastusin sa overnight, projects at pagkain sa almusal,tanghalian at hapunan.
ngaun ko lang narealized na ang hirap pala talaga magbudget ng pera lalo na kung sobrang dami mong gastusin. last week, nagdagdag ang kuya ko ng pera sakin. binigyan nya ako ng 500 para sa mga projects at pagkain namin nung nag-overnight kami. ngaun, karamihan sa pera na binigay sakin e napautang ko at ubos na. kahapon nung nagovernight kami at kinailangan ko pa manghiram ng 150 sa tita ko para lang makapasok. ngaun 20 nlng natira skin, walang kain, walang tulog at wala naring pamasahe pagpasok sa skwela. auko nmn na humingi ng pera sa kuya ko dahil sa twing hihingi ako ng pera sa kanya e sinusumbat nya lahat ng binibigay nya sakin kaya medyo masakit.
di ko alam kung saan ako kukuha ng pera ngaun, kailangan ko pa ng pang x-ray para sa OJT. mahirap pala magtipid lalo na kung wala ka nmng pinagkakakitaan at mas mahirap makisama sa taong ayaw mo talaga pakisamahan.
sa monday may pasok pa ulit kami, at di ko alam kung saan ako makakakuha ng pera pamasahe,. sa mga oras na to, wala pa akong kain mula umaga, wala narin akong pera pero ok lang, dapat matuto ako magutuman ng sa ganun matuto akong magtipid.
1 note · View note
torpengpagong · 10 years
Text
Who Cares
bakit may mga taong bigla nlng nagiisip ng kung ano ano?? d ko alam kung anung iisipin?? di man lang nila sinabi kung ano ba ung nangyayari o kung anu pa ung iniisip nila? this day, natapos na ang lahat, masaya na malungkot, masarap na masakit, sa ngaun di ko alam kung anung iisipin, di ko alam kung anung gagawin, d ko kc maisip na ganun ung mangyayari, wala nmng may gustong bumagsak pero bakit ang labas e ako/sya/kami ang may kasalanan ng pagkabagsak ng iilan,. masakit isipin na ung mga ginagalang mo at nirerespeto mo ang babastos mismo at magiisip sa iyo ng masama, para sayo ginawa mo lang naman ang tama,. masakit sabihin sa harap mo na "ayaw kita maging classmate". sa isip ko, bakit ginusto ba namin kayo maging classmate?  saakin lang, since nung naging classmate namin sila e natuto na umasa ang karamihan, napansin ko e di man lang nag-aaral ang iba, umasa nalang sila na may magpapakopya sa kanila. di nmn sa pagmamalinis, oo nangongopya din nman ako, nandadaya at alam ko sa sarili ko na d ako papasa kung wala iyon, pero masakit isipin na nag-aaral ang iba, nagpupuyat, nagpapagod para lang magpakopya, para lang mataaasan ng ibang d man lang nagpuyat dahil sa pagbubukas ng mga solution manual na matuturing. last night, nalaman namin ung mga bumagsak sa mga quizzes on different subjects, marami samin na third year ang bumagsak sa subject na tinatawag naming CIRCUITS 2. ewan ko pero feeling ko dahil dun e umaasa ang mga kasabay naming ibang year na papasa na talaga sila kaya di na sila nagparecheck ng mga quizzes nila. di ko alam kung anu ung iniisip nila pero di nmn cguro masama pumasa ung mga bottom 10 sa quizzes kc dikit dikit lang nmn ung scores, konting pagdagdag lang sa grades ng quizzes e malaking bagay na kagad. d ko alam kung anu ung iniisip nila pero sa tingin ko e iniisip nila dinaya namin ung grades ng mga classmates namin para sila ung bumagsak sa subject,.
di ko maintindihan kung bakit kailangan ba talaga bumagsak, cno ba ang naisip nun? cno ba ang nagimbento nun? cno ba ang nagpasimula at naboo ung salitang "FAILED". ang prof namin sa subject na tinukoy ko e di pumapayag na walang babagsak, cguro tingin nya maghihilahan kami pababa, pero para sakin aun ang isang bagay na di gagawin ng mga classmates ko.
cnu ba naman ang gustong bumagsak? cno ba naman ang gustong umulit ng mga subjects sa ikalawang pagkakataon,. wala nmn cguro pero di talaga maiwasan un sa school at sa kursong pinasok ko.
masakit sabihin pero para sakin, lumaban kami ng patas, walang dayaang nangyari, para sakin tama lang na kung cno ang laging pumapasok, nagpapakihirap gumawa ng seatwork at kung cno ang nagpapakihirap mag-aral e sila dapat ang pumasa. d namin hawak ang isip ng prof namin pero di ko alam at pumanig samin ang tadhana at isa sa naging basehan ng prof namin e ang seatwork at recitation na kung tutuusin, ang makakakuha lang e ang mga taong laging pumapasok. sa block namin, e iilan lang talaga ang nakakarecite, iilan lang ang tinatawag ng paulit ulit. kaya oo nga medyo unfair para sa mga taong di talaga nagrerecite, pero d naman naging gahaman ang section namin para sa mga nagrerecite, binibigyan namin sila ng pagkakataon pero pag sinabihan namin cla e ayaw naman nila, pag tinatawag sila ng prof e tinuturo naman nila ang iba para magrecite kaya di ko alam kung may karapatan pa sila magalit. naiintindihan ko sila, syempre cno ba nmng bagsak ang matutuwa at bumagsak sila? dba wala nmn?? kaya cguro ganun ang pag-iisip nila? d ko alam auko magconclude, gusto ko malaman side nila kaya ganun cla kc d ko talaga maintindihan. NOTE: sa lahat ng makakakita neto, eto ay iniisip ko lang, ang BLOG na ito ay personal at matuturing ko na DIARY. I dont entertain any comments.
0 notes
torpengpagong · 10 years
Text
I Dont Know
I Dont Know why i really enjoy reading blogs of a person who is inlove especially if there is a background LOVE song,  I really enjoy to hear, read a story of a BROKEN HEART, NEW LOVE, RECOVERY FOR BEING BROKEN, FINDING NEW ONES
1 note · View note