Tumgik
#bukirin
Tumblr media
Gusto ko pumunta kila ali, gusto ko pumunta DRT at matulog sa tuktok ng bundok, gusto ko humilata sa kung saang bukirin, gusto sikatan ng araw sa dalampasigan, gusto ko maligo sa ulan, gusto ko umakyat sa puno, gusto pagmasdan ang langit
2 notes · View notes
Note
hala kuya bakit sa bukirin kayo naglalandian 😍❤️ baka magalit si maring cynthiabat bikhin yang lote diyan🥰😆
Malayo sa matao kasi parehas introvert haha
2 notes · View notes
nkktrl · 1 year
Text
Peste sa Pesante
Nikka
Maituturing na tanikala sa mga uring magsasaka ang mala-pyudal na sistemang patuloy na namumutawi sa lipunan. Sa patatsulok na hugis ng lipunan, ang mga naghaharing uri at imperyalista pa rin ang nangunguna sa pagpapalaganap ng parasitikong sistema na bumabansot sa buhay ng mga pesante.
Sa isang malawak na bukirin, tagaktak ang pawis ni Pedro sa initang tumutunaw sa kaniyang balat, dumadausdos sa mahaba niyang manggas ang maalinsangan na pakiramdam dulot ng maghapong pagbilad sa araw. Nagmistulang kuba naman ang likuran niya sa magdamagang pagtatanim ng palay, kapalit ang umaaray na sadsad presyong bentahan nito. Kasabay ang pagtitiis ni Pedro sa pagkahapo, pangungulo ng tiyan, at panunuyo ng lalamunan — martir kung mailalarawan ang katulad niyang may radikal na pagmamahal sa lupang sakahan. Ito ang mahigit dekada niyang eksena na kasangga sa dapit-hapon niyang buhay.
Habang patuloy sa pagbabanat ng buto, dala pa rin sa bagahe ng isipan ni Pedro ang di magkamayaw na ugong at palahaw ng uri niyang anakpawis sa dinaluhan nilang kilos-protesta noong nakaraang araw. Isang organisadong panawagan para sa mga magsasaka na naglalayong makamtam ang tunay na repormang agraryo. Bagaman ito’y suntok sa buwan para kay Pedro, patuloy pa rin siyang nag-aasam.
“Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!” nangibabaw na sigaw ng marami habang inda-inda ang tirik ng araw.
“Itigil ang pagpatay sa uring magsasaka!” dagdag pa ng mga kasaping nag-aalsa.
Mga kataga na lalong nagpagising sa diwa at paninindigan ni Pedro. Kaakibat ang pangingibabaw at panghihilakbot na damdaming mapabilang siya sa mga marahas na pinapaslang, lumaban man o hindi sa panginoong maylupa, ang kakampi ng berdugo’t pasistang estado. Takipsilim na ng matapos si Pedro, ang kaninang maalinsangan ay napalitan ng malamig na simoy ng hanging humahaplos sa pagal niyang katawan, maituturing na bangkay sa priser ng isang morge.
“Hanggang dito na muna, kinabukasan na lang natin ipagpatuloy” ani ni Nestor. Isang magsasaka na matagal nang katuwang ni Pedro sa bukirin.
“Oo at kay pagod na rin ako” tugon nito.
Nagsilbing liwanag ang bilugang nagmumula sa kalangitan sa pagbaybay nila sa daan, patungo sa komunidad na pinaroroonan ng kani-kaniyang bahay. Nang makarating, dinig ang bulungan ng mga tao hingil sa pagpunta ng mga naka asul na uniporme sa kanilang lugar. Nagbabadya ng hindi kaaya-ayang tugtugin sa mga pesante. Akmang bubuksan na ni Pedro ang pintuan ng tagpi-tagpi niyang bahay, nang may biglang tumapik sa kaniyang balikat, si Padring. Kabungguang-balikat at isa rin na katulad niyang magsasaka ngunit mas bata kung ikukumpara. Bakas sa mukha nito ang halong ngitngit at pagkabalisang nagnanais na kumawala sa kaniyang bibig para ipahayag kay Pedro ang nakalap na balita. Pansin din ang naghahabol nitong paghinga, na pawang tumakbo ng isang kilometro ang layo.
“Tatang…masamang balita…” pautal-utal na ani nang naghahabol hiningang si Padring.
“Babakuran daw ng mga pulis ang palayan…ngayong gabi…utos ng maylupa!” dagdag pa nito.
Marubdob naman na tinanggap ni Pedro ang iminungkahi sa kaniya. Alam niyang hindi ito isang bulaan. Gayonpaman, nag-iwan pa rin ito ng tinik at kapootan sa kaniyang puso. Tanging hanapbuhay niya lang kasi ang pagsasaka, ito na rin ang kinalakihan niya. Ang imbes na gabing nakalaan para sa kaniyang pagpapahinga ay inialay niya pabalik sa lupang sakahan. Umaasa na baka sakaling mapaki-usapan ang mga armadong sangay ng estado.
Sa kaniyang paglalakad, ramdam niya ang labis na panghininayang. Muling tinutusok ng karayom ang puso niyang desididong ipaglaban ang bukirin. Hindi pa man nakakatapak sa lupang sakahan, dinig niya ang umaalingawngaw na ungol ng baril. Dama niya ang ilang libong pesanteng dumanak ang dugo sa balang pumapantay ng paa ng kahit sinong masang api. Ang akala niyang peste na kaya lang pumatay sa kaniyang mga pananim, ay iba pa lang peste na magdadala sa kaniyang kamatayan.
10 notes · View notes
kekemoy · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Celebrated Christmas sa bukirin..
3 notes · View notes
eigerfloyd16 · 2 years
Text
Anim na oras para sa Ben&Ben
Ang Ben&Ben ay isa sa mga pinakasikat na grupo ng musikero sa Pilipinas.  Ang kanilang banda ay mayroong siyam na miyembro at ang kanilang bokalista na sina Paulo Benjamin at Miguel Benjamin. Dahil sa anunsiyong tutugtog ang Ben&Ben dito sa lalawigan ng bataan, hindi nag dalawang isip ang mga tao na pumunta dahil madalang lamang maka rinig ng malaking banda na mag ppresenta sa bataan. Ang kaganapan ay nangyari noong ika-tatlo ng mayo simula alas-tres ng hapon hanggang hating gabi.  Sa lalawigan ng Hermosa, Bataan ginanap ang isa sa pinaka malaking concert dito sa bataan. Ang Hermosa ay nagkaroon ng selebrasyon sa kanilang nalalapit na kapistahan at sa pamumuno ni Jopet Inton natupad ang hiling ng mga mamamayan.
Tumblr media
Kuha mula kay Jelo R. David
Pagpunta palang sa Venue ay dumagsa na ang mga manonood, puno ang mga pampasaherong Bus at tricycle. Kita din sa daan ang mga tao na naglalakad papunta sa lugar. Mainit man ang panahon ngunit hindi ito humahadlang sa determinasyon sa pagpunta ng Ben&Ben. Makikita ang mga magagandang tanawin patungo sa hermosa at makikita mo talaga ang ganda ng probinsya sa Bataan. Magandang tanawin ang naghihintay papunta sa hermosa at mga malalawak na bukirin at malalaking puno.
Tumblr media
Pagkapunta sa lugar ay madaming mga bilihin ang naghihintay sa mga  manonood. Ibat-ibang klase ng mga food vendors ang nakahilera sa gilid ng daan katulad nalang ng mga mais, popcorn, candy vendors, mga nagbebenta ng mga mani, at mga food establishments. May mga nagbebenta din ng mga tubig dahil mainit ang panahon, kailangan ito ng mga manonood upang hindi mauhaw. Isa sa mga tipikal na  nakikita sa Fiesta ay ang mga nagtitinda ng mga sisiw at mga lobo. Madami sa mga madadaanan ay nagbebenta ng mga laruan na makakapaglibang sa mga bata.
Tumblr media
Kuha mula sa Journal Awesome
Hindi lamang ang Ben&Ben ang nagtanghal ng talento kundi pati na din ang mga talentadong mga residente ng Hermosa, Bataan. Pinakita nila ang kanilang pagtugtog sa pamamagitan ng pag awit, mga banda, mga teatrikong pagtatanghal, at iba pa. Isa sa mga sikat na banda dito sa Bataan ay tumugtog, sila ang Gil and the Axe gang, isang lokal na banda. Madami sa mga dumalo ang naengganyo sa kanilang tugtugan at tiyak na kinilig ang iba.
Tumblr media
Sa kasalukuyang pagtugtog ay may mga fireworks na onti-onting sinisindihan at marami sa mga nanonood ay naaliw dito. Napakadami ng mga tao sa dumalo sa concert at nagkasiksikan din ang iba. Isa sa mga importante ay ang tubig kung kaya’t dapat ay madaming dala ang mga manonood upang hindi sila mainitan masyado. Nagkaroon din ng pagtatanghal ang isa sa mga sikat na Wowowin Host na si “Donita Nose”. May mga inimbita din sila na ibang artista upang mahati ang oras bago magtanghal ang Ben&Ben. Marami sa mga nanood ang naaliw kay Donita Nose at sa kasama niyang komidyante ngunit hindi maitatangi ng mga tao na sila ay hindi na makapag hintay sa Banda.
Tumblr media
Matapos ang higit anim na oras na paghihintay sa Ben&Ben ay pumanik na sila sa entablado. Nagsigawan ang lahat ng mga manonood ng sila ay nag simula ng tumugtog, Tumugtog sila ng Walong kanta at bawat isa dito ay nagbigay ng iba’t ibang damdamin ang mga manonood. May mga kanta na nakapag patalon, may mga kanta din na nakapag pahiyaw, at may mga kanta din na nagpalungkot, gayunpaman ay tinapos nila ang mga kanta sa pamamagitan ng fireworks display at sa kanta nilang “Ride Home”.
Tumblr media Tumblr media
Fireworks Display
Ng matapos na ang Banda ay naiwan nalamang ang mga kalat ng mga pagkain at bote ng tubig. Madami din ang naghahanap ng sasakyan pag-uwi dahil wala ng dumadaan na mga Bus at Jeep. Kahit mahal ay pinilit na sumakay ng mga iba dahil alas dose na ng gabi. Ang mga iba ay naglakad ngunit sila ay naka ngiti dahil sa mga pangyayari na hindi din nila malilimutan sa kanilang buhay. Naging sulit lahat ng pagod at tiyaga dahil ang binayaran lang ng mga tao ay pagkain at pamasahe. Naging maayos ang daloy ng concert at lahat ay naging ligtas. May mga teleponong nawala dahil sa siksikan pero nabalik din naman sa mga may-ari. Lahat ay naka-uwi ng ligtas at nagkaroon ng bagong pangyayari na hindi nila malilimutan.
Tumblr media
1 note · View note
makaui · 13 days
Text
Hindi ko labis maintindihan na sa kung bakit kailangan ko pang magtago.
Para ako ba'y makatakas o para lang hindi ako matalo? Buong buhay ko ay kinailangan kong maging panalo sa buhay na hindi o oo lamang ang sagot kung katanggap-tanggap ba ako. Hindi ba kaya ng "Pangit siya, pero oo." o kahit katiting nalang ng aking pagkatao? Ang payong ng parangal na nga lamang ang payong ko mula sa ulan ng batikos na dinamdam ko pero ako pa rin itong "Bobo" sa paningin ng tao.
Marami akong kapintasan maging ang pangmamata sa isang puta, nilagok ko na nga ang aking kumpyansa para lang masagot ang tanong na "bakit, sila?" Ang tanging piraso lang ng pagkilala sa maliit kong tagumpay ay sapat na upang mapuno ang inaasam na pagtanggap na wala noon saming bahay.
Nagbubunyi, nagbubunyi, munit iba ang kanilang tingin, na parang nagtatanim lang ako ng mataas na damo sa malawak na bukirin, at sa inaasahan ko nga ay unti unti na nila itong kakaingin.
Kailangan ko bang manahimik upang magpatanyag? Kailangan ko bang malungkot sa tuwing tatawagin ang pangalan ko sa entablado? Kailangan ko bang iyakan ang mga sandaling pakiramadam ko'y panalo ako, at lukasaan ang panahong makarating ako?
Bakit sa iyong paningin hindi dapat ako maging masaya? Kung ginagawa ko ito hindi para sa iyo at di rin para sa kaniya. Gusto mo bang makilala kung kanino inalay ang musika? Sa batang ako na hindi pinayagang makapagsalita.
0 notes
theprojectani · 2 months
Text
Tumblr media
"Ani ng Alaala: Kwento ng Magsasaka"
by: Christianne Alyssa Elaurza
--------------------------------- 🌾 🌾 🌾 -----------------------------------
Sa bukiring luintian kung saan sumasayaw ang mga gintong butil, matatagpuan ang makukulay na kwento ng aking lolo na naguukol sa kaniyang panahon bilang isang magsasaka. Ang mga kwentong puno ng buhay na tunay na sumasalamin sa sama-samang alaala ng mga magsasaka. Mandalas niyang maalala ang pagkakaisa niya ng kaniyang mga kapatid at pinas, ang mga kalalakihan nagtatayong taga ani ng mga palay, mga kababaihan, tagahanda ng pagkain na pagsasalu-saluhan nila. Para kay lolo, ang pagaani ay panahon ng kagalakan, isang pagdiriwang ng pagsusumikap at pagkakaisa. Iba man sa iniisip ng iba, para sa kaniya ang bukirin ay lugar ng kasiyahan, isang lugar kung saan kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa, lugar kung saan tila ba’y di mo na kailangan alalahanin ang mga matitinding isipin ng taga Maynila. Gayunpaman, hindi perpekto ang buhay ng mga magsasaka. Puno parin ng mga problema. Ang mga bagyo, ang mabangis na mga hayop ng kalikasan, ang magpapatumba sa mga makapangyarihan puno ng niyog, iniiwang sawi ang magsasaka, iniiwang puno ng lungkot at takot, sapagka’t alam nilang ilang panahon pa ang dadaan bago mamunga muli ang mga puno. Kahit ang mga pagbubuhay ng aking lolo ay galing sa sarili niyang mga alaala, ang mga kwentong ito ang sumasalamin sa mas malawak na karanasan ng mga magsasaka; isang buhay na puno ng pagsusumikap at pagtatanggumpay, isang buhay na puno parin ng mga hamon, isang patunay ng kanilang katatagan at walang hanggang pag-asa na siya mismong nagpapabunga sa mga ani nilang sila mismo ang nagtanim.
0 notes
flying-alwina-esnardo · 3 months
Text
Tumblr media
Ulap sa kalangitan, 
Magagandang tanawin,
Malawak na bukirin,
Sining ng kalikasan.
Output No. 4: TANAGA
0 notes
rievibez · 3 months
Text
Sariwang hangin, Sari-saring tanawin: Baguio City
Tumblr media
Ang Baguio City ay isa sa dinadayuhan na siyudad na matatagpuan sa probinsya ng Benguet, Cordillera Administrative Region. "Summer Capital of the Philippines" nagbibigay ito ng malamig na klima, magagandang tanawin, pasyalan, at taniman. Bukod sa lugar na nagbibigay ng akit sa ating paningin ay maroon ding mga pagkain na tiyak na patok sa ating panlasa. Kahit na ilang oras ang paglalakbay patungo rito, hindi dahilan sa aming pamilya ang layo nito, kaaya-aya at sulit naman ang pagod kapag nakatungtong na kami sa aming paboritong lugar. Simula bata pa lamang ako ay madalas na naming dinadayo ang lugar na ito, dahil nagdudulot ito ng kaligayahan sa amin at mababang temperatura na nagbibigay sa aming enerhiya at nagsisilbi na rin ito na aming pahinga. Malaking tulong sa aming pamilya ang pagkakargoon ng SCTEX at TPLEX, ito ang mga daan kung saan ay mapapabilis ang iyong paglalakbay patungo sa Baguio City. Dati ay umaabot ng walo hanggang siyam na oras dahil hanggang Bulacan exit pa lamang ng NLEX ang abot ng expressway at doon na matatagpuan ang Manila Road North na inyong susunod na tatahakin. Ngayon ay mas maikli na lamang ang biyahe sa tulong ng mga daan na nagbibigay ng makiling oras para sa ating biyahe at isa na rito ang TPLEX expressway.
Tumblr media
Bukod sa malamig na klima at magagandang tanawin, mayroong mga lugar pang turista na tiyak na magugustuhan ng mga dayuhan, Una ang Botanical Garden, ito ang isa sa magandang pinatutunguhan ng mga dayuhan sa Baguio City. Mayroong mararaming puno at matitingkad na kulay ng mga bulaklak, kultura na nagpapakita ng iba’t ibang ritwal ng mga tribo ng Cordillera at mga Igorot na iyong makakasalamuha at makakasama sa pagkuha ng litrato kapalit ng maliit na halaga ng pera.
Tumblr media
Ang susunod naman na destinasyon ay ang Burnham Park, ito ay isang parke na mayroong lawa na gawa ng tao at pwede ka sumakay sa bangka na may disenyo at matami pang iba. Isa itong paikot na lugar kung saan marami ka rin makikitang iba’t ibang uri ng tanim ng halaman at mga naggagandahang ilaw sa gabi. Tila mapapahanga ka sa ganda ng iyong tanawin dito na may kasabay na malamig na hangin.
Tumblr media
At ang huli, ay ang Mines View Park. Sa Mines View Park sa Baguio, makikita mo ang magandang tanawin ng mga minahan at bukirin. May mga mababang halaga na suvenir shops na nag-aalok ng mga tradisyunal na produkto. Ang lugar ay puno ng kultura ng mga Igorot, at naging paboritong destinasyon para sa mga turista. Madalas din dito ang mga mahilig sa pagkuha ng litrato dahil sa magandang kabundukan at kalikasan. Masusumpungan mo ang pagbisita sa Mines View na isang kahanga-hangang karanasan.
Marami na akong napuntahan na magagandang lugar sa Pilipinas pero nangingibabaw pa rin ako Baguio City. Ito ay tunay na kakaiba at dito ko nararanasan na magsaya at matuto tungkol sa mga iba’t ibang istorya ng mga buhay ng tao noon. Dito ko rin madalas makasama ang lahat ng pamilya ko na bihira lang makasama dahil sa kanya-kanyang responsibilidad sa buhay. Ito ay kapayapaan at pahinga na lugar.
0 notes
krstnns · 3 months
Text
Paglalakbay sa Sinagtala: Isang Pagsilip sa Kandungan ng Diwa
Tumblr media
Sa sinag ng araw, at sa pag-awit ng hangin, sumalubong sa amin ang kapayapaan at kasiyahan sa aming paglalakbay sa Sinagtala sa Orani, Bataan. Kasama ang aming mga pinakamamahal na kaibigan, nagtungo kami sa lugar na ito hindi lamang upang makalimutan ang aming mga alalahanin, kundi upang pagnilayan ang ganda ng kalikasan at pagtibayin ang aming samahan bilang selebrasyon ng kaarawan ng aming kaibigan.
Tumblr media Tumblr media
Ang aming paglalakbay sa Sinagtala ay isang pagtuklas ng mga bagong karanasan at pagkakaibigan. Sa oras ng paglalakbay patungo sa resort, ang aming mga kwento at tawanan ay nagbigay-buhay sa aming biyahe. Sa pagdating namin, ang kagandahan ng kalikasan ay agad kaming hinangaan. Ang mga bundok at kagubatan na nagbibigay buhay sa paligid ay tila nagsalita ng kapayapaan at katahimikan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Sinagtala ay isang paraiso ng mga aktibidad at kasiyahan. Ang aming grupo ay hindi nag-atubiling sumubok ng iba't ibang mga atraksyon tulad ng zipline, giant swings at hiking trails. Sa bawat hakbang, ang aming mga puso'y nababalot ng kasiyahan at pagkamangha sa ganda ng kalikasan. Ang pagiging magkaibigan ay lumalim habang nagtutulungan at nagbibigayan ng lakas sa bawat hamon na aming hinaharap.
Tumblr media
Sa paglubog ng araw, sa ilalim ng mga bituin at sa liwanag ng buwan, kami'y nagtipon sa likod ng napakagandang tanawin. Ang aming mga puso'y nag-alab sa tawanan, kwento, pagkakaibigan at saya ng selebrasyon. Sa bawat kuwento ng kabataan at mga pangarap, ang aming samahan ay lalong nagpatibay.
Tumblr media Tumblr media
Hindi lamang kami namangha sa ganda ng kalikasan kundi naging napakaliwanag din ng aming mga gabi sa mga magagandang tutulugan na handog ng lugar. Ang mga kubol at mga kubo na nakatayo sa ilalim ng mga bituin ay nagbigay sa amin ng kakaibang karanasan ng pagtulog sa ilalim ng langit, habang ang aming mga kwarto ay puno ng kaginhawahan at kagandahan, isang pahingahang hatid ng ganda ng kalikasan. Sa bawat gabi, kami'y nababalot ng kapayapaan at kasiyahan, naglalaro ang aming mga panaginip sa ilalim ng malamlam na ilaw ng mga bituin.
Tumblr media Tumblr media
At ang nakamamanghang kagandahan ng tanawin sa paglubog ng araw, pati na rin sa paglipas nito sa umaga. Samahan pa ng nag-iinit na kape kasabay ng naglalamigang mga hangin. Ang mga tanawin sa Sinagtala ay isang pangarap na masaksihan, lalo na sa mga oras ng pag-aalab ng silahis ng araw. Sa bawat pagbubukang-liwayway, ang bukirin at mga bundok ay lumalabas sa kanilang kahanga-hangang anyo, nililinaw ng sinag ng umaga ang lahat ng kulay at ganda ng kalikasan sa paligid. Ito ay isang magandang paalala sa amin ng bagong simula, at nagbibigay ng bagong lakas at pag-asa para sa mga bagong karanasan na nag-aabang sa aming paglalakbay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isa sa mga kapana-panabik na pasilidad na aming nadiskubre ay ang kanilang mga pribadong pool na nag-aalok ng kasiyahan at kaginhawaan. Ang mga pribadong pool na ito ay hindi lamang nagbibigay sa amin ng pagkakataon upang magpahinga at mag-relax nang hindi na kailangang lumayo, kundi nagbibigay din ng pananatiling seguridad para sa aming mga kasiyahan. Sa bawat hagod ng tubig, kami'y nag-aabang sa pagdating ng gabi upang muling maranasan ang kahanga-hangang tanawin ng mga bituin habang nasa gitna ng kasiyahan at kapayapaan.
Tumblr media
Ang di-malilimutang karanasan ay ang kanilang masarap at nakakabusog na umagahan na handog ng Sinagtala Cafe. Ang kanilang almusal ay hindi lamang nagbibigay sa amin ng pagkakataon na simulan ang araw nang may lakas at enerhiya, kundi nagbibigay din ng pagkakataon na masiyahan sa masarap na lutong-Pilipino na hatid ng lugar. Ang pagpapasarap sa aming umaga sa pamamagitan ng pagkain ng masarap na almusal ay nagbibigay sa amin ng lakas at sigla para sa aming mga aktibidad sa buong araw, habang nagbibigay rin ito ng panibagong karanasan sa aming paglalakbay sa Sinagtala.
Tumblr media
Sa bawat yugto ng aming paglalakbay sa Sinagtala, ang bawat sandali ay puno ng kasiyahan, pagmamahal sa kalikasan, at bagong karanasan na nagpapayaman sa aming pagkakaibigan. Sa paglubog ng araw at pagtunog ng mga ibon sa umaga, ang Sinagtala ay isang lugar ng kagandahan at kapayapaan na hindi malilimutan.
Sa huli, ang aming paglalakbay sa Sinagtala ay hindi lamang isang biyahe, kundi isang paglalakbay ng puso at isipan. Sa pagtuklas ng mga lihim ng kalikasan at pagpapalakas ng samahan, ang Sinagtala ay naging isang bahagi ng aming mga alaala at pangarap.
Kaya sa susunod na pagkakataon na kami'y maglalakbay, ang aming mga puso ay palaging maglalakbay pabalik sa Sinagtala, sa pangako ng liwanag, kasiyahan, at kagandahan na naghihintay para sa amin doon. Dahil sa Sinagtala, ang bawat paglalakbay ay nagiging isang alamat, isang kuwento ng pag-asa at kasiyahan na hindi matutumbasan ng kahit anong ganda.
Kaya't sa susunod na pagkakataon, samahan n'yo kaming muling tangkilikin ang ganda at kagandahan ng Sinagtala sa Orani, Bataan. Doon, sa piling ng kalikasan, ay masusumpungan ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.
1 note · View note
pilyongtorpe · 6 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
So, here how it goes. Here's I plan and make decisions.
• Gusto ko ng service pampasok sa office kapag nag-move in na ako sa bahay. Kasi mahirap ang transpo sa bukirin. Lol
• 1st choice, I'll buy ng 2nd motor. Yung isang motor sa manila, pang service lang dun.
° Pros - Mabilis makakarating sa office. Can go anywhere
° Cons - Double expense. Dalawa ipaparehistro, gas expense.
• 2nd choiceP, Bumili ng bike. Pero anong bike? Wala akong alam sa bike dahil JapBike lang. So I asked my biker frieeeends.ç
Pros - Tipid, makakaexercise, grabe pawis ko. Might help my mental heath.
Cons - Bagal travel, mangingitim
Jusko. 1st long ride, 20km agad. Hahahaha eh dati 5km lang samin. Haha⁸ha. Matagalan ko kaya tong pinaggagaqawagg
0 notes
Nonsense stuff
Kuha noong nagbisikleta ako nung nakaraang buwan sa bukirin malakas hangin sariwa mabango sa ilong at malamig sa balat nakakalma nakakaantok kasabay pa non ang paghuni ng mga ibon at ang unti unting pag lubog ng araw isang magandang katapusan para sa isang magandang araw
1 note · View note
john-raih-blog · 7 months
Text
TITLE: Bukid
Tumblr media Tumblr media
I remember back then
Whenever I had a burden
I sometimes go to this scenery
A place to see the vast lands
A chilled windy feeling
A place for peaceful reading
The greeny field bukirin
can set my eyes to sleep
Nakakapagod nga lang kasi nasa dulo ng cabanabaan
A vast land filled with cows and trees near kasabsabaan
My lolo who's doing his daily living in his field
And a child who just wander near his bukid
1 note · View note
markkeneth · 7 months
Text
TAN-AWID
Tumblr media Tumblr media
Aking nasilayan magagandang bukirin sa Nambalan hindi dapatmaliitin bagkus pagyamanin.Maari mong pagmasdan ang tanawing ito habang ikaw ay tumatakbo o nageehersisyo.
Tayo naman ay dumako sa aming bayan. Puno ito ng kaingayan dulot ng mga tinderang nakikipag sapalaran. Maraming pwedeng tambayan kapag umuulan mapa toda man o covered court. Dito ay maraming tanawin na maganda kapag madilim.
Ang magandang tanawin na ito ay aking nasisilayan kapag ako ay tumatakbo na iniisip kundi ang damdamin. Ako ay lumiligaya kapag aking nasisilayan ang pagsikat ng araw dito. Niligtas ako ng tanawing ito sa pinaka malungkot na araw ko.
1 note · View note
keithyy · 8 months
Text
Maglakbay Sa Paraisong Hindi Mo Malilimutan
Tumblr media
Sa kagustuhan namin ng aking pamilya na sumubok ng mga bagong karanasan, nilisan ko at ng aking pamilya ang aming tahanan upang magbakasyon sa isang maliit na baryo sa Tarlac. Ang Tarlac ay kilala sa likas na makulay na kalakaran pagdating sa pagkain, kabilang ang mga tradisyonal na putahe at mga panlasa. Kilala ang lalawigan sa kanilang iba't ibang uri ng kakanin. Bayan ng Sinait sa Tarlac ang aming napiling puntahan sapagkat mayroon kaming mga kamag-anak doon na pwede naming matuluyan, sakto rin at araw ng kapistahan sa kanilang baryo noon. Ang baryo na ito ay na puno ng kagalakan, siya, pagkakaibigan, at pagmamahalan sa pagitan mga taong naninirahan dito.
Sa simula ng aming paglalakbay sa lugar na ito, kami ng aking pamilya ay napagpasyahan na mag muni muni saglit sa kapatagan. Sa aming paglilibang, ako'y nabighani sa ganda ng kalikasan dito. Bawat tanawin, parang bidyong inuukit sa aking isipan. Ang mga bukirin na kay ganda sa paningin, at ang kapatagan na animo'y isang canvas na ipininta ng isang magiting na pintor.
Tumblr media
Sa bawat paglalakbay namin sa baryo ng Sinait sa Tarlac, natunghayan ko ang mga kakaibang putahe na ni minsan sa aking buhay ay hindi ko pa natikman. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na subukang gumawa ng kanilang ipinagmamalaking tradisyonal na delikadesa, ito ay ang ibat-ibang putahe ng kakanin/kalamay. Isa sa aking pinaka nagustuhan sa kanilang putahe ay ang "kapit", ito ay isang uri kalamay na kung saan gawa sa gatas ng niyog, asukal, mais, langka, at galapong o harinang kasaba. Sa pagiging mausisa sa uri ng kalamay na iyon, ako ay tinuruan ng aking apo(lola sa tuhod) na gumawa nito at ako'y nasiyahan sa paggawa nito sapagkat habang kami ay naghahalo ang aking apo ay nagbahagi siya sa akin ng ilan sa kanyang mga naging karanasan noong araw. Marami akong mga natutunan mula sakanya lalo na sa paggamit ng kanilang lengwahe(kapampangan).
Tumblr media
Sa pagtatapos ng aming paglalakbay, ang puso ko'y puno ng kasiyahan sa mga bagong karanasan na aking nadanas. Natutunan ko na ang buhay ay parang isang paglalakbay, ito'y puno ng kakaibang lasa at mga surpresa. Sa pagtuklas sa kanilang kultura, pag-alam ng kanilang lenggwahe, pagtikim ng kakaibang lasa, at pagsaksi sa angking kagandahan at sariwang tanawin ng lugar na ito, kami ng aking pamilya ay nakabuo ng maganda at masasayang ala-ala.
Tumblr media
Ang kasabihan na "Ang mundo ay isang aklat, at ang hindi naglalakbay ay parang nagbabasa lamang ng isang pahina" mula kay St. Augustine ay nagsasabi o ipinapahiwatig na ang paglalakbay ay isang paraan upang buksan ang ating kamalayan sa mga bagong karanasan, matutunan ang iba't ibang kultura, makipag-ugnayan sa iba't ibang tao, at higit pang maunawaan ang kagandahan ng buhay. Sa pamamagitan ng paglalakbay, mas napapalawak natin ang ating kaalaman at nauunawaan natin ang iba't ibang aspeto ng buhay na hindi natin mararanasan sa ating sariling komunidad.
1 note · View note
ellesxz · 1 year
Text
magpapatuloy pa ba kung hikahos na sa kagustuhang dugtungan pang gawin ang daang puno ng kasablayan. ikukumpuni pa ba kung paulit-ulit lang naman ang bitak at lubak na madadaanan. paano pa ba pagtitibayin ang kalsadang kinulang sa pondo ng determinasyon at tiyagang ayusin ang gusot na hindi alam kung may patutunguhan. kagimbal-gimbal ding matuklasan na baka sa dulo nitong hindi alam kung hanggang saan ang hangganan ay tanging kagubatan lamang ng panibagong mas mabigat na problema o pagsubok at hindi mabubungaran ng isang bukirin na may hitik na hitik sa hinog na mga gulay at palay na gawa sa dugo, pawis, at determinasyong magtagumpay.
—dili-dili ng isang inhinyero ng kaniyang sariling tagumpay
0 notes