Tumgik
smlmby · 3 years
Quote
SUBIC, ZAMBALES |  Subic Bay
- ✍️ Joshua Ilagan 
Ang Subic ay isang bayan sa loob ng probinsya ng Zambales. Kilala bilang dating US Naval base, ang Subic ay naging sikat at nakakaakit ng maraming mga mahihilig sa pakikipagsapalaran na turista dahil sa sa mga masasayang aktibidad dito. Ang lugar na ito ay popular din sa mga tao dahil ito ay isa sa may maraming atraksyon at maaaring maka langoy sa karagatan na may malinaw na tubig at magagandang tanawin. Isa sa mga dapat na puntahan kapag nasa Subic ay ang Subic bay. Makikita dito ay ang isa sa mga maraming bumibisita na dalampasigan sa Zambales. Maaari ka din sumakay sa mga bangka upang mag island hopping kung saan pwede ka pumunta sa mga maliliit na isla. Ang mga tao dito ay masayahin, kung saan ramdam ng mga tao ang positibong pakiramdam at ito din ang nagsilbing rason kung bakit ito naging isang tourist attraction para sa mga lokal at pati foreigners. Kahit ito ay apat na oras na layo mula sa Metro Manila, sulit ang mga dumayo papunta dito dahil sa mga maraming natatanging pagkain at pamilihan. 
Tumblr media
-  📸 Kuya Frank
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
TAGAYTAY | Paradizoo
- 📸  Camilo Pingcas 
Tagaytay, kilala ang Tagaytay bilang ang “go to” city ng mga kabataan. Mapa kaibigan o pamilya lahat ay pumunta dito para magbakasyon o magpahinga. Noong bata pa ako kinahihiligan ko talagang gumala at lumabas ng Maynila para lang kumain ng Bulalo. Hindi ko alam kung bakit pero ibang-iba yung lasa niya sa Tagaytay kumpara dito sa Makati. Isa din sa nagugustuhan ko kapag pumunta ng Tagaytay ay yung mga zoo. Isa sa sikat na zoo ay ang Paradizoo. Ang Paradizoo ay pinagsamang zoo at theme park. Makakakita ka dito ng iba’t- ibang uri ng hayop, halaman, at bulaklak. Noong pumunta ako dito humawak ako ng isang ahas na kapag tumayo ay mas matangkad pa sakin. Marami din ang maaaring gawin sa Paradizoo mayroong pag-tanim ng mga kabataan ng halaman upang matuto sila na mahalagang alagaan ang mundo, at kapag gustong makaramdam ng takot o kaba mayroong zipline. Sa pagtatapos, kung ano man ang iyong hilig, sa Tagaytay makikita ito doon. 
Tumblr media
1 note · View note
smlmby · 3 years
Quote
PANGASINAN | Lingayen
-  ✍️  Petros Asis
Ang probinsya ng Pangasinan ay isang napakagandang lugar na bisitahin upang magbakasyon o magpahinga, isa dito ang bayan ng Lingayen. Hindi na bago sa akin ang makapunta dito sapagkat ito ang lugar na aking parating pinupuntahan simula ng ako ay bata pa lamang. Kung galing sa Maynila, ang pinakamahusay na paraan upang makarating dito ay sa pamamagitan ng sariling sasakyan na inaabot ang byahe ng 3-5 oras depende sa trapiko. Maraming mga kalapit lugar na pwedeng puntahan tulad ng Lingayen beach, Veterans Memorial Park, Provincial Capitol, at ang napakagandang baywalk. Karagdagang mga lugar na matatagpuan dito sa Lingayen, Pangasinan ay ang Narciso Ramos Sports And Civic Center, at Epiphany Of Our Lord Parish. Lahat ng aking nabanggit ay mga lugar na aking napuntahan pag ako ay nandito  Lingayen, Pangasinan dahil ito ay aking masasabi na pangalawang bahay labas ng Maynila. Ang isa kong pinupuntahan upang makapaglaro ng basketball o magsaya ay ang Narciso Ramos Sports And Civic Center at makapag simba sa Epiphany Of Our Lord Parish. Noong ika 29 ng disyembre 2019, Christmas break, aking naranasan makapunta kasama ng aking mga kaibigan ang makapunta gabi gabi sa Provincial Capitol at Urduja Palace hanggang Veterans Memorial Park. Lahat ng mga istruktura labas man o sa loob ay may mga Christmas decor at bukod dito sa gitna ng lahat ang napakalaking Christmas tree at iba't ibang kulay ng ilaw na sobrang ganda pag gabi. Napakasaya ng karanasang iyon bago ako umuwi ng Maynila at magkaroon uli ng klase. 
Tumblr media
-  📸 wordpress
Ngayong tayo ay nasa loob ng pandemya, ako parin ay nakakapunta dito dahil online naman lahat ng klase. At dahil dito kaunti ang mga aktibidad na pwedeng magawa, kung kaya tuwing umaga ako ay naglalakad o tumatakbo sa baywalk. Ngayon ako ay may pagkakataon na makapag aral na magmaneho ng kotse at mag drive papunta ng baywalk kasama ng aking kuya. Dahil sa aking mga nabanggit na mga lugar nararapat lang na bigyan ko ito ng kaunting description. Ang Lingayen Beach at Baywalk ay nagbibigay ng tranquil at scenic spot para sa pagtitipon ng mga pamilya, kaibigan at Iba pang mga grupo. Ito rin ay Isang perpektong lugar para sa pagkuha ng mga magagandang larawan.  Ang Veterans Memorial Park ay Isang Open-Air Museum na sumisilong sa mga Reliko ng World War II at Memorabilia Kasama ang Macarthur Landing Marker. Ang Narciso Ramos Sports And Civic Center, tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan ay isang lugar para sa lokal, Rehiyon, at Pambansang aktibidad para sa palakasan. Ang Epiphany of Our Lord Parish, na ang dating tawag ay Three Kings Parish, ay isa sa pinakalumang simbahang katoliko Romano sa bansa. Ang ng Palasyo ng Urduja, na ipinangalan sa The Legendary Pangasinan Warrior Princess Urduja ay siya ngayong tirahan ng gobernador ng lalawigan. Ang panlalawigang kapitolyo ay matikas na gusali at mapapansin mo ito sa araw man o gabi dahil sa matingkad na puti at dilaw na pintura pati ang magandang arkitektura. Sa pagtatapos, ang bayan ng Lingayen sa lalawigan ng Pangasinan ay napakagandang puntahan dahil sa lahat ng magagandang tanawin.
3 notes · View notes
smlmby · 3 years
Quote
PAMPANGA | Pradera Verde, Lubao  Sandbox, Porac
-  ✍️ Manolo Martinez
Ang Pampanga ay sikat sa kanilang mga pagkain na hinahanda nila. Binansagan din sila ng Culinary Capital of the Philippines. Isa sa mga magandang puntahan pang pamilya upang magpahinga at magsaya. Ang Nayong Pilipino at Clark Museum ay magandang puntahan kung gusto mo matuto ng kanilang kultura at kasaysayan. Ang mabilis na pagpunta dito ay via North Luzon Expressway o sa madaling salita ay NLEX. Isa ito sa mga paborito kong lugar. Buwan-buwan ay dito kami namamasyal kasama ang aking mga pamilya. Isa sa mga napuntahan ko dito ay ang Pradera Verde dito ka makakakita ng mga tao o pwede karing matuto mag wakeboard.‘Di ko man naranasan ito pero masayang panoorin ang mga tao na gumagawa nito at dito din kami nagpahinga sandali matapos ang biyahe namin. Napuntahan rin namin ang Sandbox dito ko unang naranasan mag wall climbing, Zipline, at Aerial Walk. Sa una ay nakakatakot pero pag naranasan mo ito ay parang gusto mo pang ulitin. Parang nag ehersisyo ka at masasanay ang iyong katawan isang halimbawa ay pagbabalanse ng iyong katawan. Pagkatapos nito ay kakain kami at isa mga sikat na pagkain na inihanda ng Pampanga ay ang sisig. Maganda rin puntahan ito kung mahilig ka sa mga pagkain o makaranas ng panibagong luto. Sulit ang iyong pagpunta dito at hindi masasayang ang oras mo.
Tumblr media
-  📸 alviera.ph
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
LUCBAN, QUEZON PROVINCE
📸 Dean Makasakit
Asahan na ang malamig at preskong simoy ng hangin. ‘Wag kalimutang magdala ng pandobleng damit at kapeng mainit. Ang Lucban, Quezon ay isang magandang pook upang takasan ang ingay ng kabihasnan. Sa pamamagitan ng bus o sariling sasakyan, mula sa Maynila ay makakarating ka na sa iyong destinasyon ng tatlo o apat na oras. Sulit ang bawat tanawin dahil sa mala-banayad nitong kanlungan. Pagdating dito ay magandang bisitahin sa gitna ng bayan ang napakalaking simbahan ng Saint Louis at ang isa sa Philippines’ Pilgrimage Sites, ang Kamay ni Hesus Healing Shrine. Tunay ngang nakakamangha ang istruktura ng mga ito. Sa loob ng simbahan ay tila bumabalik ka sa sinaunang panahon. Nakakaantig ang bawat detalyeng nakaukit sa labas at loob nito. Bukod pa rito, mainam na lagyan ng laman ang nagugutom na tiyan dahil sa byahe. Ang ilan sa ipinagmamalaki ng Lucban ang kanilang pancit habhab at longganisang Lucban na hitik sa sangkap na hindi mo malilimot ang lasa. Sulit rin tunghayan ang kanilang pista na Pahiyas, kung saan ipinagdiriwang nila ang pagpapasalamat kay San Isidro Labrador para sa masaganang ani. Bukod pa rito ay, mabibighani ka rin sa kanilang ilog ng Malinao dahil sa linaw ng tubig at ginhawa sa pagbabad sa lamig nito. Dagdag pa sa kanilang magagandang tanawin, at masasarap na pagkain ay ang nag uumapaw na hospitalidad ng mga tao rito. Ang lugar na ito ay may angking mahika na nakakapagbigay pahinga at gayumang nanaisin mong balik balikan pa.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
CABUCGAYAN, LEYTE |  Tomalistis Falls
- 📸 Carlo Vicedor
Enero 24, 2020.  Biyernes noon, at pumunta kami ng aking mga kaibigan sa Glorietta. Kumain  kami, at pagkatapos ay pumunta sa arcade  upang maglaro. Ako ay naglalaro kasama ang aking mga kaibigan at narinig ko  na nakatanggap ng mensahe ang aking telepono, sinabihan ako ng aking ina na  pumanaw na ang ina ng aking ama. Nagulat ako sa balita, at sa aking pag-uwi,  sinabi sa akin ng aking mga magulang na paalis kami patungo sa probinsiya ng  aking ama. Madalang kaming bumisita sa lalawigan ng aking ama dahil malayo itong  maabot. Ang biglaang pagpanaw ng aking lola ay sumalungat din sa iskedyul ng  aming pamilya, kung saan ang aking mga kamag-anak abroad ay mayroon ding mga  mahahalagang bagay na kailangang daluhin kung saan pinilit na pahabain ang  iskedyul ng libing. Nagpunta pa rin ako sa paaralan ng mga araw na iyon,  ngunit mayroon akong talagang masikip na iskedyul dahil kailangan kong  pumunta ng hatinggabi sa pansamantalang pagpapakita ng libing dito sa  lungsod. Ang lugar ng aking ama ay matatagpuan sa Biliran, Leyte. Inaabot ng  humigit kumulang isang oras gamit ang eroplano patungo sa Daniel Z. Romualdez Airport sa lungsod ng Tacloban, at sa  pamamagitan ng kotse, maabot ito ng halos tatlong oras kung saan madadaanan  ang mga magagandang tanawin. Ang lugar ng aking ama ay matatagpuan malapit sa  paanan ng bundok, kung saan makikita mo ang magagandang tanawin ng Mount Biliran na lumikha ng isla ng  Biliran at may edad na mga 2.6 milyong taon na ang nakakalipas, ang bundok ay  may kaugaliang mawala din sa maulap na panahon. Sa likod ng kanilang bahay ay  makikita mo ang malawak na karagatan, kung saan maririnig mo ang mga alon sa  gabi. Malinaw din ang tubig, at maaring makahuli ng isda sa lugar, kung saan  ang mga tao ay dito kumikita at ginagawang hanapbuhay, hindi banggitin na may  mga pagkakataong makatagpo ka ng ibat ibang hayop sa tubig, kung saan nakita  namin ang malalaking mga sea urchin, eels at makukulay na isda sa tabing dagat.
Tumblr media
Ang aking ama at  ang kanyang mga kapatid ay nagpasyang ipalibing ang aking lola sa kanilang bayan  dahil iyon ang gusto ng aking lola bago siya pumanaw. Pagdating namin sa  bahay ng aking ama, maraming mga tao ang naghihintay, at nakaayos na agad ang  pagbisita sa libing para sa mga tao dahil ito ay nakarating ng maaga upang  makapaghanda agad para sa mga bisita. Karamihan sa mga tao roon ay  nagsasalita ng Waray, ngunit naiintindihan pa rin nila ang Ingles at Tagalog.  Ang mga tao roon ay masaya at matapat, kung saan hindi mo sila makikitang  nakasimangot at madaling lapitan, hindi man sabihing talagang masipag sila na  masasabi kong isang ugali ng aking pamilya na kinukuha kong impluwensiya.  Mayroon din akong ilang mga pinsan doon na hindi pa nakakapunta sa NCR, sila  ay masaya nang dumating ako at ang aking mga pinsan doon at nais nilang  madinig ang aming mga kwento. Ang kultura doon ay natatangi din kung saan ang  mga tao ay talagang relihiyoso at sinusunod nila ang maraming mga dating  kasabihan.
Nagtagal kami ng  limang araw sa lugay ng aking ama. Ang seremonya ng paglilibing ay tumagal ng  halos 3 araw, at ang aking lola ay nagpahinga sa kanyang lugar malapit sa  kung saan inilibing din ang kanyang asawa. Nagyaya din ang aking mga  kamag-anak na sulitin ito roon dahil ito ay “once in a blue moon opportunity.” dahil kumpleto kaming pamilya  sa kanilang bayan, kaya kinabukasan bumisita kami sa iba't ibang lugar sa  bayan; at isa sa mga ito ay ang Tomalistis  falls, kung saan ito ay itinuturing na "Sweetest waterfalls in the  world". Upang makarating doon aabutin ng isang oras na pagmamaneho gamit  ang isang sasakyan, kung saan tatawid ka sa mga tanawin ng bundok na puno ng  mga puno ng niyog at makita ang mga isla na lumulutang sa paligid ng malawak  na karagatan. Doon ay makakarating ka sa isang checkpoint, kung saan  kailangan mong magbayad ng 20 pesos para sa entrance fee at magbayad ng isa pang 500 php - 1200 php bawat  oras para sa bangka na magsisilbi ring isang cottage. Nagkataon na kami lang ang mga bibisita sa lugar,  malinaw din ang tubig at makikita mo ang iba't ibang mga isda sa paligid ng  lugar. At maabot din Tomalistis falls  gamit ang paglakad, kung saan ang tubig ay may kahalintulad sa lasa ng spring water, at ang sakop na lugar ay natatakpan din ng mga higanteng bato.
Tumblr media
Kinabukasan  pagkatapos ng biyahe ay naghahanda kami para sa aming pag-alis. Kumuha kami  ng maraming larawan ng bayan ng aking ama dahil alam namin na mahabang  panahon pa bago kami bumalik kami dito. Nagpaalam ako sa aking mga  kamag-anak, at sinabi sa akin ng aking mga pinsan na balang araw ay lalaki  sila upang makita at lakbayin ang mundo, at ang kanyang mga unang hakbang ay  ang paglalakbay sa lunsod ng Maynila. Ito ay isang karanasan na hindi ko  makakalimutan, at isang biglaang pangyayari din. Inaasahan ko na hindi ito  ang huling pagkakataon na makakabisita kami doon, at sana ang mga tao at ang lugar  doon ay hindi magkakaroon ng marahas na pagbabago sa pagbalik namin.
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
ILOCOS SUR | Vigan City
- 📸 Shawn Lopez
Isa ito sa lugar na talagang maiisip mo balikan dahil napaka ganda ng lugar. Tipong kahit ang sakit man sa pwetan sa haba ng biyahe ninyo pero sulit ito kapag nandoon kana dahil mawawala yung pagod mo sa sobrang ganda mapa umaga o gabi. Yung ibang kainan sa lugar nito magdadalawang isip ka dahil kainan pala talaga ito at aakalain mo na tirahan, iba naman dito ay talagang sulit bawat oorderin mo dahil ang lalaki ng mga lalagyanan na tipong malulula ka nalang sa dami. Grabihan din ang ganda ng ibang lugar doon na parang hindi sapat sayo ang ilang araw lang dahil napaka lamig sa gabi at sobrang tahimik na parang mabibinge ka nalang. Kabaliktaran naman nito na ang sobrang init rin pero ng gaganda ng mga tanawin at lugar na mapapa photoshoot ka sa kahit ano angulo mo ay sulit ang pagkuha mo ng mga litrato. Kaya masasabi ko na mahaba man ang biyahe, sulit naman para sa mga pareh.
Tumblr media
2 notes · View notes
smlmby · 3 years
Quote
CEBU | Magellan’s Cross
- ✍️ Paolo Martem
Bago magka pandemya tuwing panahon ng tag-init kami ng aking tatay ay palagi pumupunta sa Cebu kung saan siya orihinal nanggaling. Pumunta kami sa Cebu na nakasakay sa eroplano at nanatili ako sa Cebu ng mga isang buwan. Habang nasa eroplano na papuntang Cebu na nagtatagal ng isang oras lamang sa buong lipad ako lamang ay nakinig sa mga tugtugin at natulog. Pagdaong sa Cebu pumunta kami muna sa bahay ng mga kapatid ng tatay ko at nag pahinga ng konti at dumiretso na sa Cebu City para makita ang Magellan’s Cross. Ang Magellan’s cross ay ang replica cross na itinayo ng mga spaniards noong nagtagumpay nila na nabinyagan ang Pilipinas. Matatagpuan ito sa tabi ng Basilica del Santo Niño sa Magallanes Street sa Cebu City. Ang orihinal na krus daw ay nakapaloob sa isang kahoy ng krus para maprotektahan ang orihinal na krus sa mga tao na kumukuha ng parte ng krus para gawing souvenir at ang paniniwala nila na ang krus ay may tinataglay ng mga milagrosong kapangyarihan. 
Tumblr media
-  📸 Z. Jacobs
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
CAVITE | Aguinaldo Shrine & Museum
- ✍️ Daimler Panganiban
Ang Cavite ay isa sa mga pinakamatandang siyudad sa dito sa Pilipinas Kilala ito ng marami dahil sa mga kasaysayan na meron ito at mga tourist spots na meron ito. Kilala din ang Cavite dahil Ang lalawigan ng Cavite ay isa sa may pinaka mayaman na tradisyon sa ating bansa. Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang sa bawat lalawigan ng Cavite ang isa't barrio at bayan nito. Ilan din dito ay ang kapistahan ni San Agustin sa Tanza, Sto. Niño sa Ternate, Sta. Maria Magdalena ng Kawit, Sto. Rosario de Caracol ng Salinas, Birhen ng Candelaria sa Silang at ang Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga na tinatawag din na Reina de Cavite at "La Excelsa y La Celestial Guardiana y Protectora de la Provincia de Cavite". Pinaniniwalaan na ang imaheng ito ay mapaghimala kung kaya't tinawag itong " Birheng may libong Milagro". And debosyon sa Virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga Kabitenyo sa kasaysayan ng debosyon kay Maria at sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ayon kay Propesor Genoveva Edroza, ang kapistahan ng San Diego sa Noli Me Tangere ay binase sa kapistahan ng Virgen ng Soledad ng Porta Vaga. Noong ika-17 Nobyembre 1978 iginawad ng Roma ang Koronasyong Kanonikal sa imahe. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing ikalawa at ikatlong linggo ng Nobyembre. Ang imahe ay matatagpuan sa Parokya ng San Roque.
Tumblr media
- 📸  Antonio Oquias
1 note · View note
smlmby · 3 years
Quote
BOHOL | Chocolate hills
-  ✍️ Sebastian Binamira
Isa sa mga alamat na tungkol sa pinaggalingan ng Chocolate Hills ay tungkol sa dalawang higante na lumaban. Ang laban ay tumagal ng ilang araw, ngunit napagod sila sa kanilang pagbabato ng mga bato. Sa kanilang pagod, nagkabati sila ngunit naiwan ang kanilang kalat. Ang kalat na ito ay ang bumuo sa Chocolate Hills. Bilang taong maspumipili na manatali sa loob ng bahay, hindi ako nakapunta sa masyado maraming lugar na nagbigay ng karanasan na hindi ko malilimutan. Noong wala pa ako sa anim na taong gulang at nakatira pa kami sa Bohol, pumunta kami sa Chocolate Hills, o ang mga Tsokolateng Burol. Isa siya sa mga pinakakilalang lugar ng turismo sa Bohol, at ang itsura niya ay nasa pangalan na. Nais rin siya isama sa UNESCO Word Heritage List.  Ngunit, noong pumunta kami doon, wala pa sa panahon ng tagtuyo, kaya’t berde pa ang damo na nasa mga burol. Bata pa lang ako noon, ngunit naalala ko pa ang mga ginawa ko.  Dala ko lang ang aking mga laruan at hindi masyado nagbigay ng pansin sa lugar na pinuntahan namin. Pagkakaalala ko si Bumblebee ang aking kasama. Naaalala ko yung ilang tawag sakin ng nanay ko para makita yung mga burol na, sa totoo, hindi ko talaga gusto makita. Siguro ang nasa isip ko ay “Burol lang naman, ano meron niyan kay Bumblebee?” Ngayon ko lang napapansin ang laking pagkamali nito. Ang lugar na iyon ay isang parte ng aming kultura bilang Boholano at dapat binibigyan ng tamang pagmamahal. Kahit burol lang ang mga ito at dadating ang oras na mawawala ang mga burol na ito sa tamang daan ng panahon, may dahilan kung bakit napakaraming tao ang may gusto pumunta rito para lang makakita ng tsokolateng burol. Ang mga Boholano ay may simpleng pamumuhay at ang Chocolate Hills ay may simpleng ganda.
Tumblr media
- 📸 Baron Travel Day Tours
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
SORSOGON, BICOL |  Paguriran Beach Resort
- ✍️ Norman Roque
Ang Paguriran Beach Resort ay matatagpuan sa bandang dulong bahagi ng Bicol Region. Kilala ang resort na ito sa magandang isla na matatagpuan ilam metro lamang ang layo sa pangpang. Ang tubig dagat na nakapalibot dito ay napaka linaw at nakita mo ang lapag ng dagat kapag iyong tinignan. At tuwing low tide naman o hunas. May isang mahabang sand bar na masisilayan sa gitna ng dagat na nagmumula sa pangpang hanggang sa isla. At mawawala ito kapag nag high tide o taob. Magagandang tanawin din ang makikita dito gaya ng bulkan mayon na kitang kita sa likod lamang ng isla. Ang nag mamay-ari ng resort na ito ay ang aking tiyahin na aming binabalik balikan sapagkat kami ay taga bicol din. Ang layo nito sa Maynila ay 578km at kung susukatin sa oras ang biyahe ay tatagal ito ng 13 hours. Ganito man siya katagal ang biyahe patungo dito. Ay tiyak na ikaw ay makakapag pahinga at maaliw sa kagandahang taglay nito. Hindi ka magsisisi na ikaw ay dadayo sa ganito malayong lugar sapagkat tiyak na ikaw ay babalik balik dito kapag ikaw ay nakarating na. Ito nga pala ay na tampok na din sa Kapuso mo Jessica Soho. 
Tumblr media
- 📸 Rabasero
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
BATANES | Racuh A Payaman (Marlboro Country) & Basco Lighthouse
- 📸 Francisco Dumas
Noong Abril 2017; ang aming bakasyon sa tag-init ay nagsisimula lamang, at napagpasyahan lamang ng aming pamilya na pumunta sa isang lugar na tinatawag na Batanes. Isang malayong isla na matatagpuan sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan, ang pinakatimog sa hilaga at pinakamaliit na lalawigan sa Pilipinas. Ang isla ay maliit at limitado, at gayundin ang mga pagpipilian upang maglakbay doon.Samakatuwid kinuha namin ang pagpipilian ng paglipad doon sa pamamagitan ng Sky Jet Airline. Mahaba at nakapapagod ang pila, ngunit sulit ang lahat sa oras na makarating kami doon.
Ngayon, bakit sulit ito? Kaya, salamat sa distansya at maliit na populasyon nito, napapanatili ng isla ang kagandahan at kultura nito, ginagawa itong isang mahusay na lugar ng turista upang makatakas sa mataong buhay sa lungsod. Hindi lamang iyon, ginagawa ng mga luntiang natural na tanawin ang isang magandang lugar upang kumuha ng litrato. Naglalaman ang isla ng napakaraming magagandang lugar. Tulad ng mga lumiligid na bundok at lighthouse na nakaupo sa harap mismo ng karagatan. Isang kanlungan upang umupo at makapagpahinga at masiyahan sa tanawin.
Tumblr media
Para sa mga lugar na aking napuntahan at nasisiyahan, ang Racuh A Payaman (Marlboro Country) ay isang tanawin na makikita; ito ang magagandang lumiligid na bundok na inilalarawan ko. Ang mga burol ay tulad ng malalaking karpet ng damo na naglalaman ng mga berdeng damo na nakita ko sa bansa. Isang bukas na larangan na hindi mo natural na makikita sa mga lungsod.Mula dito pati na rin, makakakuha ka ng isang bantog na punto ng pagtingin sa beach, dagat, at mga lighthouse. Susunod, ang Basco lighthouse ay isa sa mga lugar na nasiyahan din ako. Ang setting ng lighthouse at ang malawak na karagatan ay ginawa lamang itong lugar ng pag-iisa. Eh maaari itong mailapat sa lahat ng mga lighthouse sa Batanes dahil ang isla ay naglalaman ng maraming lokasyon na may mga lighthouse, ngunit sa akin pa, ito ang pinaka hindi malilimutang saakin.
Tumblr media
Sa pangkalahatan, ito ay isa sa pinaka hindi malilimutang karanasan na naranasan ko; bagaman ang oras na ginugol ay maaaring maliit, ang bawat lugar ay isang bagay na sulit tandaan. Siya nga pala, kung interesado kang pumunta dito, sinabi ng mga mapagkukunan na ang pinakamainam na oras upang pumunta doon ay sa panahon ng tag-ulan, bandang Hunyo. Maaaring may mga bagyo, oo, ngunit ito rin ay kapag ipinagdiriwang ng mga lokal, ang mga Ivatan, ang araw ng Batanes. Isang taunang pagdiriwang kung saan nagsasagawa ang mga lokal ng mga sayaw sa kalye, mga pampaganda, at mga lokal na bazaar. Isang bagay na dapat asahan kung nais mong malampasan ang mga bagyo.
0 notes
smlmby · 3 years
Quote
BAGUIO | La Trinidad, Benguet Strawberry Farm
- 📸 Julia Barraza
Noong Disyembre ng taong 2015, pumunta kami ng aking tito, nanay, ate at kuya ko sa Baguio. Nagdesisyon kami nang bigla dahil noong panahon na iyon, wala kaming masyadong magawa habang kami ay nasa Christmas Break. Sa aking alaala, ang biyahe papuntang Baguio sa pamamagitan ng kotse ay naabot ng apat hanggang anim na oras. Nang nakarating na kami sa lungsod, naghanap muna kami ng murang motel at doon kami tumira hanggang tapos na ang aming lakbay. 
Sa unang araw, dahil biglaan ang desisyon namin na pumunta sa Baguio, hindi namin alam kung anong lugar ang bibisitahin namin. Ngunit, naalala ng aking nanay at tito ko na mayroong sikat na Strawberry Farm sa Benguet dahil sa popular na teleseryeng “Forevermore”. Kaya naman, pumunta kami doon. 
Tumblr media
Nang pumunta na kami sa  Strawberry Farm, naaalala ko kung gaanong maganda at malamig ang lugar na iyon. Naalala ko na bumili kami at ng aking ate ko ng sorbetes na may lasang strawberry, at ang strawberry na iyon ay galing mismo sa bukid. Maliban sa ice cream, bumili ng aking nanay at tito ko ng strawberry jam, at ito rin ay galing sa bukid. Dahil pumunta kami sa Baguio noong Disyembre, hindi kami nakapagkuha ng mga strawberry dahil hindi pa sila nabubunga. Subalit, masaya pa rin kami dahil nakapagbili kami ng mga souvenirs at nakapagkuha rin kami ng mga pictures sa lugar. Pagkatapos nang araw na iyon, umuwi na kami.
Masasabi ko na magandang bisitahin ang Strawberry Farm dahil masasarap talaga ang mga strawberry doon, at mababait din ang mga lokal. Gayunpaman, kung pupunta kayo sa Strawberry Farm, iminumungkahi ko na pumunta kayo doon sa panahon ng bunga, para maranasan niyo magkuha ng mga strawberry. 
1 note · View note