Tumgik
Text
INTRODUKSIYON - Q3
Ito ay isang portfolio ng mga pananaw at repleksyon ko sa mga iba’t ibang leksiyon o aralin sa loob ng walong linggo sa pangatlong quarter ng klase. Ang mga leksiyon na ito ay ang Kahulugan at Katangian ng Pagbasa, Iba’t Ibang Paraan ng Paglalahad, Kohesyong Gramatikal, Mabisang Pagpapahayag, at Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik.  
#Q3
0 notes
Text
Kahulugan at Katangian ng Pagbasa
Tumblr media Tumblr media
Sa module sa unang linggo ng ikatlong quarter, ang natutunan ko ay ang kahulugan ng pagbasa, kung saan ito ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat sa teksto na nangangailangan ng koordinasyon sa iba’t ibang maiugnay sa pinagmulan ng impormasyon. Natutunan ko rin ang kaibahan ng skimming at scanning kung saan ang skimming ay mas komplikado pala kaysa sa scanning. Natutunan ko rin sa linggong ito ang kaibahan ng intensibo at ekstensibo sa mapanuring pagbasa. Pati na rin ang decoding, paggamit ng slight word, paggamit ng visualization, graphic organizer, guided reading at summarizing.
0 notes
Text
Kahulugan at Katangian ng Pagbasa
Tumblr media Tumblr media
Sa pangalawang linggo naman sa ikatlong quarter, natutunan ko dito ang mga elemento ng iskema bilang pagbasa, ang iskema, metakognitbong proseso ng pagbasa at ang tatlong yugto ng pagbabasa. Ang Iskema ay ang kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan at sa iskema, nagagamit dito ang ating dating kaalaman, pag-unawa sa pahayag, at kaalaman sa gramatika at bokabularyo. Natutunan ko rin dito ang interaktibong proseso ng pagbasa at metakognitibong kasanayan sa pagbasa, alin ay ang ugnayan ng mambabasa at sa binasang teksto. Pati na rin ang top-down kung saan ito ay reader-based approach. Samantala, ang bottom-up naman ay text-based approach.
0 notes
Text
Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Tumblr media Tumblr media
Sa linggong ito, natutunan ko ang iba’t ibang uri ng teksto. Mayroong tekstong impormatibo, tekstong deskriptibo, at tekstong persuweysib. Ang tekstong impormatibo ay nagtataglay ng tiyak ng impormasyon patungkol sa bagay, tao, lugar, o pangyayari. Ang tekstong deskriptibo naman ay ang uri ng tekstong naglalarawan. Mayroong dalawang uri ng tekstong deskriptibo, ito ay ang Teknikal at Impresyonistiko. Mayroon namang dalawang anyo ng tekstong deskriptibo at ito ay ang Obhektibo at Suhetibo. Ang tekstong persuweysib naman ay naglalayong baguhin ang iniisip ng isang mambabasa, damdamin, pag-uugali, o desisyon tungkol sa isang partikular na konsepto, paksa, o panukala. Mayroong tatlong paraan ng persuweysib alin ay ang Ethos, Pathos, at Logos.
0 notes
Text
Iba’t Ibang Paraan ng Paglalahad
Tumblr media Tumblr media
Sa nakaraang lingo, natutunan ko ang iba’t ibang uri ng teksto, samantala, sa linggong ito, natutunan ko ang iba’t ibang paraan ng paglalahad. Kabilang dito ang tekstong naratibo, tekstong argumentatibo, at tekstong prosidyural. Ang tekstong naratibo ay ang teksto na nasa anyong nagsasalaysay, at maaari itong maging piksiyon man o di piksiyon. Ang tekstong argumentatibo naman ay ang nanghihikayat sa mga mambabasa na tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatuwiran. Mayroon itong tatlong bahagi alin ang Panimula, Katawan, at Konklusyon. Ang tekstong prosidyural naman ay ang tekstong nagpapakita ng pagkakasunod-sunod. Nahahati ito sa tatlong pangkat: Sekwensyal, alin ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga bagay. Pangalawang pangkat ay ang Kronolohikal, alin ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pahayag. Pangatlong pangkat ay ang Prosidyural, alin ay gumagamit ng pangmatagalang kaalaman tungkol sa mga bagay na kailangang isagawa. 
0 notes
Text
Kohesyong Gramatikal
Tumblr media
Sa linggong ito, natutunan ko ang kohesyong gramatikal, at kasali rito ang leksyon patungkol sa cohesive device, anapora, at katapora. Ang cohesive device ay ang mga salita na nagsisilbing pananda upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng pangnglan sa isang pangungusap. Binubuo ito ng pagkakapares ng pangngalan at ng panghalip na tinutukoy nito. Sa anapora, inuuna ang pagbanggit ng pangngalan. Samantala, sa katapora, inuuna ang pagbanggit ng panghalip.
0 notes
Text
Mabisang Pagpapahayag
Tumblr media Tumblr media
Sa linggong ito, natutunan ko ang mabisang pagpapahayag, kung saan ito ay isang uri ng komunikasyong nagbabahagi ng sariling kaalaman batay sa sariling karanasan, o paniniwala sa isang napiling paksa. Natutunan ko rin sa linggong ito ang mga katangian ng manunulat alin ay ang Kritikal at Analitikal. Kasali na rin sa mga natutunan ko ang mga katangian ng mabisang pagpapahayag: malinaw na layunin, akademikong tono, kongkretong batayan ng impormasyon/datos, at tukoy ng framework. Bukod pa rito, natutunan ko rin ang pagsasaling wika. Mayroong dalawang wikang kasali sa proseso ng pagsasalin at ito ay ang source language, alin ay tumutukoy sa wikang ginamit sa orihinal na anyo ng teskto. Ang isa naman ay ang target language, alin ay tumutukoy sa wikang ginamit sa nakasaling anyo ng teksto. Mayroong dalawang estilo sa pagsasalin at ito ay may diin sa source language at may diin sa target language. Ang mga paraan ng pagsasalin kung ang diin ay nasa source language ay: word-for-word, literal, malaya, at semantiko. Samantala ang ang mga paraan ng pagsasalin kung ang diin naman ay nasa target language ay: komunikatibo, idyomatiko, matapat, at adaptasyon.
0 notes
Text
Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
Tumblr media
Sa linggong ito, natutunan ko ang pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na katanungan ng tao patungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran, ayon kay Neuman. Maraming benepisyo na makukuha ang mga tao sa pamamagitan ng pananaliksik, ngunit sa mga madadaling salita, lumalawak ang karanasan ng tao, nililinang nito ang paglilinang sa pagsasaliksik na nagmumula at itinataboy ng personal na karanasan, at naglilingkod sa lipunan, at nakakatulong sa sambayanang Pilipino, sa pamamagitan ng pananliksik. Mga kalagayan at hamon ng maka-Pilipinong pananaliksik ay: patakarang pangwika sa edukasyon, ingles ang lehitimong wika, internalisasyon ng pananaliksik, at maka-ingles na pananaliksik sa iba’t ibang larang at disiplina. Ang mga gabay naman sa pamimili ng paksa at pagbuo ng suliranin sa pananaliksik ay: una, dapat may sapat na sanggunian na pagbabatayn ang napiling paksa. Pangalawa, paanong lilimitahan opaliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw? Pangatlo, makapag-aambag ba ako ng sarilling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa? Pang-apat at ang panghuli, gagamit ba ng sistemartiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong?
0 notes
Text
INTRODUKSYON - Q2
Ito ay isang portfolio ng mga pananaw at repleksyon ko sa mga iba’t ibang leksiyon o aralin sa loob ng walong linggo sa pangalawang quarter ng klase. Ang mga leksiyon na ito ay ang kakayahang Lingguwistiko, kakayahang sosyolingguwistiko, mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas, at ang introduksyon sa pananaliksik. 
0 notes
Text
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Tumblr media
Sa linggong ito, natutunan ko ang iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas na kung saan malikhain ang pagkakagamit ng wika sa iba’t ibang anyo ng kulturang popular: sitwasyong pangwika sa Telebisyon, sitwasyong pangwika sa radyo at dyaryo, at sitwasyong pangwika sa Social Media. Sa sitwasyong pangwika sa Telebisyon, itinuturi ito na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamayang naaabot nito. Sa sitwasyong pangwika sa radyo at dyaryo naman, itinutukoy ang radyo na isa sa flexible at pinakamurang anyo ng mass communication na nagdadala ng libangan at balita sa milyong tao sa pamamagitan ng pagbo-broadcast ng boses. Sa social media naman, malawak ang naabot at nasakop nito sa kasalukuyang panahon dahil nagkakaunawaan ang mga netizens sa pamamagitan ng social media.
0 notes
Text
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Tumblr media
Sa linggong ito, natutunan ko ang terminong Lingua Franca, kung saan, ang wika ay pinagtibay bilang karaniwang wika sa pagitan ng mga tagapagsalita na ang katutubong wika ay magkakaiba. Makikita rin sa mga titulo sa mga pelikula sa Pilipinas kung saan ang mga titulo nila ay ginagamit ang wikang Ingles ngunit ang ginagamit na wika sa mga artista sa pelikula ay ang wikang Filipino. Halimbawa na dito ay ang One More Chance, Can’t Help Falling in Love, The How’s of Us, at marami pa.
0 notes
Text
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pillipinas
Tumblr media
Sa nakaraang linggo, ang module na itinuro sa amin, mga estudyante ay ang sitwasyong pangwika sa telebisyon, radyo at dyaryo, at social media. Maliban sa kanila,mayroon ding ibang malikhain sa pagkakagamit ng wika sa iba’t ibang anyo ng kulturang popular. Kasali na dito ang Fliptop, Pick-up lines, Hugot lines at ang wikang ginagamit sa text o text messaging. Ang Fliptop ay tumutukoy sa makabagong anyo ng pagra-rap kung saan nagkaroon ng sagutan subalit walang malinaw na paksang pinagtatalunan. Ang pick-up lines naman ay ang mga ginagamit ng mga lalaking nanliligaw upang mapansin, mapakilig, at mapaibig ang nililigawan. Habang ang hugot lines naman ay pumatok din sa masang Pilipino dahil ang hugot lines ay kumakatawan sa karanasan ng lahat pagdating sa pag-ibig. Ang wikang ginagamit naman sa text messaging ay hindi nalalayo sa internet o social media. Sa text, mayroong limit na 160 characters sa loob ng mensahe. Bunga nito, umusbong ang paggamit ng mga maiksing salita.
0 notes
Text
Kakayahang Lingguwistiko
Tumblr media Tumblr media
Sa linggong ito, natutunan ko ang kakayahang komunikatibo kung saan ang pagpapa-unlad ng kasanayang pangwika batay sa ugnayang napapaloob sa isang makabuluhang konteksto ay kasangkot. Nalaman ko rin sa linggong ito ang apat na magkakaibang mga sub-kompetensya na kailangan sa pakikipag-usap: gramatikal, sosyolingguwistika, diskurso, at estratehiko. Natutunan ko rin ang ponolohiya na tumutukoy sa pag-aaral ng makabuluhang tunog. Bumalik din sa linggong ito ang leksyon tungkol sa mga diptonggo, klaster, at mga pares minimal na una kong natutunan sa elementarya. Kasali na rin sa aking mga bagong natutunan ang ponemang suprasegmental, morpolohiya, pagbabagong morpoponemiko, at sintaks.
0 notes
Text
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Tumblr media
Si Dell Hymes ay bumuo sa modelong SPEAKING upang ilarawan ang mga elemento na gumawa ng anumang pananalita. Tinukoy niya ang SPEAKING bilang modelo ng pagsasalita kung saan ang S ay ang Setting o tumutukoy sa tagpuan na pinangyarihan. P naman ay ang Participants na tumutukoy sa mga nag-uusap sa tagpuang tinukoy. Ang E naman sa SPEAKING na modelo ay ang Ends alin ay ang layunin ng pag-uusap. A ay Act Sequence na tumutukoy sa takbo at nilalaman ng pangungusap. K-keys, tumutukoy sa tono ng pag-uusap. I-instrumentalities, tumutukoy sa midyum na ginagamit sa pag-uusap. N-norms, tumutukoy sa mga kaugaliang dapat isaalang-alang ng mga nag-uusap sa tagpuan. Panghuli, ang G-genre, tumutukoy sa estilo ng tekstong ginagamit sa pag-uusap.
0 notes
Text
Kakayahang Pragmatiko
Tumblr media Tumblr media
Ang Kakayahang Pragmatiko ay ang kakayahang gumamit ng wika nang epektibong naangkop sa kontesksto. Natutunan ko sa linggong ito ang malaking ginagampanan ng kakayahang pragmatiko sa pagpapahayag ng ating kasanayan sa pakikipag-usap, paghingi ng impormasyon, eye contact, pagtatanong, pag-angkop ng wikng gamit batay sa sitwasyon, pagpapatawa, paggamit ng sariling paraan sa pagkuha ng atensyon, paghingi o pagbigay ng tulong. Mayroon ding ginagampanan ang kakayahang pragmatiko na hindi berbal alin ay ang ekspresyon ng mukha, kilos, tono ng boses, at distansya sa kausap. Importante na matuto sa kakayahang pragmatiko dahil ito ay nakatuon sa gamit ng wika sa konteksto ng lipunan. Natutunan ko rin ang pag-aaral ng diskurso, speech acts, presupposition, deixis, denotasyon, at konotasyon.
0 notes
Text
Kakayahang Diskorsal
Tumblr media
Ang natutunan ko sa module ng linggong ito ay ang Kakayahang Diskorsal. Mayroong dalawang panguhaning aspekto ang pinagtutuunan ng diskurso at ang dalawang ito ay ang konseptong kohesyon at koherens, kung saan ang kohesyon ay tumutukoy sa pormal na ugnayan at koneksyon na umiiral sa isang konteksto habang ang koherens ay katulad na umiiral sa tao. Natutunan ko rin sa linggong ito ang Discourse analysis at Textual analysis. Ang discourse analysis ay nag-aalala sa kung paano pinagsama-sama ng nagsasalita ang mga pangungusap sa mas malawak na unit ng pananalita. Habang ang textual analysis ay ang pagtingin sa mga teksto sa mga tuntunin ng magkakaibang mga diskuro, genre at estilo na kanilang iginuhit.
0 notes
Text
Introduksyon sa Pananaliksik
Tumblr media
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba’t ibang batis ng kaalaman. Sa module na ito, sa ikawalong linggo, natutunan ko ang iba’t ibang uri ng pananaliksik, pati na rin ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Mayroong pitong uri ng pananaliksik at sila ay ang Fundamental or basic research na tinatawag ding Theoretical Research, Applied research, action research, action research, experimental research, descriptive research, historikal na pananaliksik, at case study. Ang mga dapat na isaalang-alang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang mga sumusunod: Pagpili ng mabuting paksa, pagbuo ng pahayag ng Tesis,  paghahanda ng pansamantalang Bibliyograpiya, paghahanda ng tentatibong balangkas, paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline, pagsulat ng burador o rough draft, pagwawasto at pagrebisa ng burador, at pagsulat ng pinal na sulating pananaliksik.
0 notes