Tumgik
alingbheybi · 2 years
Text
Tumblr media
君の声を聴かせてよずっと
2 notes · View notes
alingbheybi · 3 years
Text
Sakanaction Lyrics: Me ga Aku Aiiro (目が明く藍色; Eye-Opening Indigo)
English translation and romanization below the cut.
Keep reading
19 notes · View notes
alingbheybi · 3 years
Text
Wait, ako na lang ba andito? Hahaha
0 notes
alingbheybi · 4 years
Photo
Tumblr media
25K notes · View notes
alingbheybi · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Do you think you know your coffee?
Wake up to these coffee facts!
2 notes · View notes
alingbheybi · 4 years
Text
Tumblr media
Me rn
0 notes
alingbheybi · 4 years
Video
07.15.2020 https://www.instagram.com/p/CCqQGFujVkRpP8rCllxMMgn7ljF286LmbX_KQ80/?igshid=5bte7hayjj8m
0 notes
alingbheybi · 7 years
Text
Maeryll
December 9, 2015 - Masaya ang araw ko noon - iniisip ko lang kung anong gagamitin kong lipstick kinabukasan para sa Christmas party ng kumpanya - nang biglang nakatanggap ako ng tawag mula sa aking ina. Sinugod ka raw sa ospital (naaksidente na naman sa motor? May lagnat?). Hindi. Brain dead ka na raw. Biglang bumalik sa akin lahat.
February, 2001 - Alam kong magkamag-anak tayo, nagkikita tayo sa mga reunion at Christmas party, pero hindi talaga tayo nag-uusap. Pero nang mamatay ang lola natin, nagsimula tayong maging malapit. Nagsimula kitang makilala. Simula nang taon na ito, nagkikita-kita tayo[ng tatlo] tuwing bakasyon mula sa eskwela. Nag-tatawanan sa mga pinaka maliliit na bagay. Nagkagusto sa iisang lalake na tauhan sa BINGOhan sa perya (at tinawag ang mga sarili na Albert’s Angels). Nag-concert na ipis lamang ang nakakapanood. Dumadalaw sa mga namayapa sa sementeryo. Naghihiraman ng mga libro, gamit, nagpapalitan ng relo.
Ang dalas nating magkita-kita. Parang buwan-buwan yata. Pero dahil sa abala sa eskwela, sa pagtanda o sa buhay, ang buwan-buwan ay naging kada tatlong buwan na lamang, hanggang sa naging tuwing kalahating taon na lang, hanggang sa taun-taon na lang, hanggang sa plano na lang, hanggang sa hindi na nagkikita, hanggang sa hindi na nag-usap kailanman.
At, oo, life happened.
Hindi ko alam kung dala ng pagtanda, pero biglang nainis ako sa’yo. Nainis ako sa mga paandar mo sa Facebook, sa mga pa-cool mo, sa pa-intelehente mong mga sinusulat. Inis na inis ako sa mahahaba mong post na puro #braggingrights na wala naman akong pakealam. Hindi direkta, pero nag-post ako ng inis na tungkol sa iyo at mula noon, hindi na tayo friends sa FB. Naging maayos ako sa pagkakaalis mo sa akin sa buhay mo. Pero noong tanghali na ‘yon ng ika-sampu ng Disyembre, gusto kitang yakapin at sabihing, bati na tayo.
Nang matauhan ako, sinisigawan ko na pala ang nanay ko sa telepono. Parang s’ya na lang ang gusto kong sisihin sa nangyari sayo kasi wala akong masisi. Brain dead. Nakaka-rekober ba yung ganun? Baka naman gawa-gawa mo lang para dalawin ka sa ospital? Paano kapag dinalaw kita at hindi ka naman brain dead, kakausapin mo ba ako? Siguro.
Maghapon kong inaalo ang sarili ko na siguro ayos ka lang. Nagpadala ako ng message sayo sa FB dahil yun na lang ang natitira kong pag-asa. Pag na-seen zone ako, ayos na ako, at least nakabalik ka. Pero hindi. Walang ganun. Kailangan kitang punatahan.
Nakita kita sa huling pagkakataon na may hininga ka pa. May mga makenaryang naka-kabit sayo. “Pert, sorry sa lahat. Bumalik ka para kay mamu at Lana,” yan na lang ang nasabi ko sayo. Iniisip ko pa na baka espesyal ako na kapag narinig mo ang boses ko, babangon ka at sasabihing ayos ka na. Pero walang nangyari na ganun. Walang himala na ibinigay noong araw na ‘yun - himala na makakabalik ka pa sa amin. Pero kumakapit ako sa iisang maliit na hibla ng pag-asa dahil humihinga ka pa. Hindi pa tapos ang lahat.
Lumipas ang isang buong magdamag. Nilalagnat ka na raw. Papunta sa opisina, sinusubukan ka nilang pabalikin. Pagdating ko sa opisina, wala ka na.
Hindi ko alam kung ilang balde ang iniluha ko noong araw na yun. Ika-sampu na yun ng Disyembre, 2015. Wala ka na. Hindi ko na pwedeng lokohin ang sarili ko. Bigla kong naisip, ikaw ba talaga ang iniiyakan ko? Hindi. Umiiyak ako dahil hindi na tayo nakapag-usap. At hindi na makakapag-usap kahit kailan.
I felt this guilt (I still feel it). Guilt that I wasn’t even brave enough to tell you how sorry I am for everything before you left. I had all the time in this world but I didn’t bother to use it to make it up for the lost years. Who would thought you’d leave this early? If I knew I would’ve been the one to come to you and patch things up. But I never knew. I wouldn’t have known. Ever since you went up to heaven, I never had the chance to talk to you in my dreams and tell you everything I have to say. I don’t know if you have internet access up there, but here goes:
Maybe I hated you for being brave, for having the guts to do whatever you wanted in life.
Maybe I didn’t like your guts. 
Maybe I couldn’t accept the fact that you were doing what you love and I kept on comparing myself to you. 
Maybe I hated you because you can be open to everyone about everything. 
Maybe I hated you because you didn’t bother that I hated you. 
Maybe I hated you because I think you’re more awesome than I am. 
Maybe I hated you because you’re awesome than anybody else. 
Maybe i hated you because I just want to hate you.
And maybe I feel this guilt because I wasn’t able to tell you how beautiful your life was.
You had a crazy, beautiful, colorful life. I wanted to praise you for doing a good job at being just you. I wanted to ask you to talk to me about anything: life, how the stars shine at night, the things that could bring peace to every mankind, and share with you how peaceful it is to be alone in the shore while watching the waves crash. I wanted to talk to someone as intelligent as you.
It has almost been a year since you left. It has been almost a year but I want you to know that a day wouldn’t pass without you on my mind.
Pert, mahal kita. Nakakaramdam man ako ng guilt. Hindi ka man magpakita sa akin [sa panaginip] para magkausap tayo at magkaroon ako kahit konting pag-asa na maayos na tayo, basta malaman mong mahal kita at kung gaano ako nanghihinayang sa mga taon na lumipas at nasayang, magiging maayos ako.
Balang araw, magkikita tayo at magtatawanang muli.
Balang araw.
0 notes
alingbheybi · 8 years
Photo
Tumblr media
Escape from my toyo #sunset #vscocam
1 note · View note
alingbheybi · 8 years
Photo
Tumblr media
Nag-review. Napuyat. Nag-exam. Kumain. The after exam special. #huhubels #gsdiaries (at Seoul Kitchen)
0 notes
alingbheybi · 8 years
Photo
Tumblr media
You are lucky to have a human like me. Huehuehue #catsofinstagram #vscocam
0 notes
alingbheybi · 9 years
Photo
Tumblr media
0 notes
alingbheybi · 9 years
Photo
Tumblr media
0 notes
alingbheybi · 9 years
Photo
Tumblr media
0 notes
alingbheybi · 9 years
Photo
Tumblr media
0 notes
alingbheybi · 9 years
Photo
Tumblr media
#sunset earlier: lezzgo home #Philippines
0 notes
alingbheybi · 9 years
Photo
Tumblr media
Why so cranky? I ain't takin' your toy away. #SiddharthaTheBata
1 note · View note