Tumgik
11humssclass · 3 years
Text
AKADEMIKONG TULONG NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL
“Tamang paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng sarili.”
Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang araw – araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social medIa ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon. Ang social media, bilang bahagi ng makabagong teknolohiya ay may malaking epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng mga bata.Ito ay maaaring magpalakas o magpahina sa positibong pananaw ng mga mag-aaral. Sila ay lantad sa iba’t ibang bahagi ng media na pa­tuloy na lumalawak dahil sa pag-unlad ng makabagong teknolohiya ngunit ano nga ba ang akademikong tulong nito sa mga mag-aaral?
Napaka laking tulong ng internet at social media sa pag aaral ng mga mag-aaral dahil mas mabilis na nakakakuha ng impormayon na kinakailangan sa pagaaral.
Narito ang ilang halimbawa ng mga sites o social media na kadalasang pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga mag-aaral.
Una ay ang GOOGLE:
          Ang GOOGLE ay malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan nito, madaling gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang anumang nababasura na oras.  Nagbibigay ito ng mga resulta kaugnay sa hinahanap na impormasyon at ang mga resultang ibibigay nito ay masasabing nasa kategoryang iskolastiko. Napaka laking tulong nito sa edukasyon at sa mga mag-aaral dahil sa mga impormasyon na nilalaman nito na napaka laking tulong. Bilang isang estudyante, dito din ako madalas kumukuha ng mga impormasyon na aking kailangan kapag may mga takdang aralin at  mga proyekto ako na gagawin. Napaka laking tulong nito sa mga mag-aaral dahil mabilis na nagagawa ang mga takdang aralin dahil isang pindot lang sa ‘search’ ay may lalabas na kagad na mga impormasyon na lubos na nakakatulong para sa mga mag-aaral.
Pangalawa ay ang YOUTUBE :

        Sa YOUTUBE ay kung saan maaari kang mapakanood ng iba’t-ibang video na may iba’t-ibang paksa. Napakalaki ng tulong nito dahil maaaring makapanood ng mga “videos” at maaari ding mapadali ang pag intindi dito  dahil napanonood na ito at hindi narin tatamarin na magbasa. Malaking tulong rin ito dahil pag may hindi naintindihan ay isang search lang at maaari nang lumabas ang video na gustong mapanood. Napakalaki ng naitutulong ng mga social media na ito sa mga mag-aaral dahil hindi lang sila nagbibigay aliw subalit nagbibigay din sila ng mga impormasyon  na masasabing nasa kategoryang iskolastiko.
Ang ikatlo naman at ang pinakahuli ay ang  FACEBOOK :

 Ang FACEBOOK ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo sa  pag-aari ng Facebook, Inc. Isa rin sa malaking tulong ang facebook dahil sa sobrang dami ng mga gumagamit nito, sobrang dami ring impormasyon na nakukuha  dito tulad ng mga artikulo na tungkol sa pag aaral o mga blog post na makatutulong sa pag-aaral. Mas napapadali rin nito ang komunikasyon ng mga guro kaya kapag may mga katanungan ay pwede kagad itanong at hindi na kailangan maghintay ng kinabukasan. Minsan ay nagbibigay rin ito ng aliw sa mga mag-aaral kapang na-iistress sa pag-aaral at kung kailangan munang mag- pahinga. Isa sa mabuting epekto ng mga nabanggit nito ay ang easy access o madaling paraan upang makapaglaganap o makapag bahagi ng  impormasyon, mga balita na interesadong malaman ng lahat, kagaya ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa gobyerno o mga artikulo. Sa kabilang dako naman ay mas lalong nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan.

 
Sa kabuuan, ang Social media ay may  higit na mabuting naidudulot sa mga mag-aaral.  Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral, napagtitibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal,  nagtatagpo ulit ang mga dating mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t- isa at higit sa lahat, naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw sa buhay. Laging tatandaan na dapat magkaroon ng time management  upang magkaroon ng pocus sa pag-aaral. Mayroong oras sa paglilibang at mayroon ding oras para sa trabaho at edukasyon. Dapat na bigyan ng prayoriti ang mga mahahalagang bagay sa buhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan at hindi sayang ang paghihirap ng ating mga magulang.
-LIMBAN, CEIRYN JOY C.
11 HUMSS B- WISDOM
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
Kahalagahan at epekto ng internet sa makabagong edukasyon
Sa panahon ngayon di na uso ang mga sulat na ipapadala sa ibang lugar, ang uso ngayon ay ang tinatawag na internet.Ang internet ay isang sistema na ngayon ay ginagamit na ng buong mundo.Sa panahon ng 1969 nagsimula pa ito bilang ARPANET na binuo ng United States Department of Defense Advanced Research Projects Agency.Dumating ang taon na 1990 nagtagumpay na sila at nabuo na ang internet.Napakahalaga na ng Internet ngayon lalong-lalo na sa mga kabataan dahil napakarami na ng mga social media apps ngayon at mga websites.Kung ikukumpara natin ang kabataan ngayon sa kabataan noon mas masayahin parin siguro yung mga kabataan noon,dahil noon napakaraming bata na naglalaro sa labas,nakikipaghalobilo sa iba at makikita mo rin kung gaano sila kasaya noon.Ang mga kabataan ngayon masayahin rin sila pero ang kasama nila ay ang kanilang mga sarili lamang at ng dahil ito sa internet.Lagi nalang silang nasa bahay nagseselpon at naglalaro ng iba't-ibang online games.Napakahalaga nito dahil sa tinatawag ngayon na new normal.Ang new normal nagsimula ito noong nagkaroon na ng pandemya at ang tawag nito ay CORONA VIRUS DISEASE o mas kilala sa tawag na COVID-19.Napakarami ng cases nito noong buwan ng March at dahil didto may mga bagong batas na ipinatupad upang bumaba ang cases ng COVID-19.Ilang buwang nakalipas unti-unting bumaba ang cases napag-isipan ng DepEd na ipagpatuloy ang pag-aaral pero sa ibang paraan.Ang paraan na ito ay kinakailangan ang internet lalong lalo na sa mga mag-aaral na pinili ang online class.Ang online class na ito ay gamit ang mga makabagong teknolohiya kagaya ng smart phones at kompyuter,at ang ang pinaka importante ang internet dahil kung wala ang internet di sila magkikita dito o wala silang matutunan sa klase.Napakalaking epekto ito sa mga mag-aaral dahil hindi sila nasanay sa ganitong paraan,nasanay sila na pumunta sa paaralan doon mag aral.Ngayon nag-aaral sila sa bahay nalang at kung wala ang internet di sila makakapag-aral. Maganda din ito dahil dito ligtas na makapag-aral ang mga estudyante at ibang mga opisyales sa paaralan.Kung hindi dahil sa internet at tulong ng iba hindi kami makakapag-aral ngayon.Sa bagong edukasyon di pa nasanay ang mga estudyante sila ay nag-aadjust pa.Dahil din sa makabagong edukasyon ang mga estudyante ay hindi gaano makatutok sa pag-aaral dahil may posibilidad na magbukas siya ng ibang apps sa smart phones o magbukas siya ng ibang websites sa kompyuter at maglaro nalang din sa kompyuter.Sa ganitong kaso siguro dapat tignan ng maigi ng kanilang mga magulang ang kanilang anak.May iba din na hindi makatulog ng maaga dahil pagkatapos sa klase diretso silang pupunta sa ibang websites o apps at manonood nalang ng mga gusto nilang panoorin kagaya ng anime at netflix.May panininiwala parin ako sa aking sarili na darating ang araw o buwan na babalik din ang lahat sa dati.Yung panahon na sa paaralan kami nag-aaral,magkikita kami ng aking mga kaklase at sa paaralan kami kakain kasama ang mga kaibigan.Sana nga totoo yung sinabi ni President Rodrigo Roa Duterte na sa bagong taong 2021 babalik na ang klase na face to face.
-Lapaz,Phoebe Kate
11HUMSS B WISDOM
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
Internet at Social Media: Mahalagang Tulong sa Modernong Mag-aaral
Sa modernong mundo na ating ginagalawan, hindi maikakaila ang malaking pagkakaiba nito kung ikukumpara noon. Dulot ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya, marami ang nabago katulad ng ating paraan ng pamumuhay, mga imprastraktura sa ating kapaligiran, at ang mga pag-unlad sa larangan ng edukasyon. Ang teknolohiyang ito ang tuluyang nakapagpabago sa uri ng edukasyong mayroon tayo sa ating bansa.
 Kung ikukumpara ang uri ng edukasyon mayroon tayo noon at ngayon, masasabi kong mas angat ang uri ng edukasyon mayroon tayo sa kasalukuyan. Kung noon ay kailangan pa ng mga estudyanteng pumunta sa mga silid-aklatan o gumamit ng iba’t-ibang paraan para magsaliksik at gumugugol ng maraming oras para dito, ngayon ay mas maraming mapagkukunan ng mga impormasyon at mas nagiging madali ang pag-aaral sa tulong ng teknolohiya.
Tumblr media
Ang pagkakaroon ng access sa internet o social media sites ay isa sa mga pinakamahalagang bagay para sa isang estudyanteng tulad ko. Naging malaking parte ng aking pag-aaral ang paggamit ko ng internet at social media sites. Sa tulong ng mga ito ay mas napapadali ang pagkuha ko ng mga makabagong impormasyon at kaalaman na maaari kong magamit sa aking pag-aaral.
Tumblr media
 Ang hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay lubos na nakaapekto sa atin. Isa sa mga labis na naapektuhan nito ay ang larangan ng edukasyon. Dahil sa pandemyang ito ay naantala ang pagbubukas ng klase at napilitan ang mga nakatataas sa ating gobyerno na gumamit ng alternatibong paraan upang maitaguyod ang edukasyon naming mga mag-aaral, at doon na nga nabuo ang dalawang makabagong paraan ng pag-aaral-ang modular class at online learning.
Dahil sa kasalukuyang pandemya, mas nagkaroon ng kahalagahan ang internet at social media. Malaki ang tulong ng internet at mga social media platforms sa mga estudyante ngayon, lalong-lalo na sa mga estudyanteng pumili ng online class na kagaya ko. Sa tulong ng internet ay malaya akong nakakabisita ng mga sites na makatutulong sa aking pag-aaral. Nagsilbing guro ko na rin ang Google, ito kasi ang naging takbuhan ko sa tuwing may mga leksyon akong hindi maintindihan o hindi kaya ay may mga pagsasaliksik na dapat gawin. Ang iba’t-ibang social media platforms naman ay naging malaking tulong din sa akin. Isa na rito ang YouTube, ito ang ginagamit ko kapag nais kong manood ng mga educational videos lalong-lalo na sa asignaturang Matematika. Hindi naman mawawala ang Facebook, ang social media platform na pinakaginagamit ng mga tao. Sa sitwasyon kasi natin ngayon, kung saan ipinagbabawal ang paglabas ng bahay, pinakaangkop na gamitin ang Facebook upang kumonekta sa mga taong malayo sa atin. Facebook ang nagbigay oportunidad sa akin upang kumonekta sa aking mga kaklase at mga guro. Dahil din dito ay nakilala ko sila kahit papaano.
Sa kabuuan, ang epekto ng internet o social media sa larangan ng pag-aaral ay napakalaki. Nagbigay ito ng daan upang mapadali ang gawain ng parehong mga mag-aaral at guro. Sa tulong nito, nagkaroon ng kaginhawaan ang online classes na kasalukuyang ipinapatupad. Higit sa lahat, naging sandigan ito ng mga mag-aaral na katulad ko.
- Sacare, Jessa Mae G.
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
Paano nakakatulong ang Social Media sa Edukasyon?
Ang Social Media ay isang produkto ng makabagong teknolohiya ito ay nagkakaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Sa nagdaang panahon nadadaragdagan ang kahalagahan nito sa pamumuhay ng tao, sa trabaho, at sa edukasyon. Ang Social Media ay nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral. Ang Social Media ay sakop ng internet dahil kung walang internet hindi tayo makakagamit ng social media. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa social media dahil sa hatid na kasiyahan o malilibang ka dito. Sa pagtatrabaho nakakatulong rin ito para sa pagkokomunikasyon ng katrabaho. Ito ang pagtuunan natin ng pansin, Ang social media ay isang dahilan upang mas maging mahusay ang pag -aaral ng mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung ang isang mag-aaral ay hindi nakaintindi ng maayos sa leksyon o lumiban ito sa klase maaari siyang gumamit ng social media upang magtanong sa kanyang mga kaklase o guro kung saan ang kanyang hindi naintindihan. Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman at hindi kana kailangang pumunta sa malaking silid-aklatan at maghanap ng reprensya. Sa pag-aaral ang Facebook, Google, at Youtube ay higit na nakakatulong sa mga mag -aaral.
Ang Facebook ay isang tulay sa pagkokomunikasyon ng mga tao, nakakatulong ito sa pag-aaral dahil sa pamamagitan nito ay may koneksyon ka sa iyong kamag -aral upang maipabatid mo ang bawat importanteng gawain at sadya mo na naglalaman ng mahalagang impormasyon. Hindi lang libangan ang Facebook dahil nakakatulong din ito sa pag-aaral. Ang kasunod naman dito ay ang Google, ito ang pinakamahalagang parte ng social media dahil dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa iyong assignments, reports, research, projects at iba pa at napapalawak pa ang iyong pag iintindi dito dahil maraming lumalabas na sagot at may matutunan ka pang bago kaya Napakaimportante ng google para sa pag-aaral at mag -aaral.
Ang panghuli ay ang Youtube, ito ay nakakatulong dahil sa pamamagitan nito ay makakaintindi ka ng maayos dahil may video na nagpapakita ng halimbawa kung paano ito gawin at paano din ito nakuha dahil halimbawa ay mayroon kayong proyekto na magluluto kayo pero hindi mo maintindihan ang mga gagawin na nakalagay sa libro kaya maari mong gamitin ang youtube para makita kung paano ito lotuin dahil may mga steps na at mas mapapadali ang iyong trabaho. Kaya malaki rin ang tulong ng youtube para sa mag-aaral.
Ang Social Media ay isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao. Ito ay nagsisilbing gabay sa mga tao lalong-lano na sa mga mag-aaral, dahil sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayong makabagong henerasyon.
Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga mag-aaral.Dahil sa mga iba't ibang sites tulad ng Facebook,Google at Youtube ay natutulungan ang mag-aaral para mas mapalawak ang kanilang kaalaman at sa paggamit ng social media sa edukasyon ay naghahatid sa mag-aaral ng abilidad para mapalawak ang kaalaman, at maging konektado sa mga groupong pang edukasyon at iba pang pang edukasyong kaalaman para mas mapadali ang pag -aaral.
-VERACES, MARIANNE M.
2 notes · View notes
11humssclass · 3 years
Text
Ang tulong ng internet at social media sa mga mag aaral
Ano nga ba ang internet at social media?
Tumblr media
Magsisimula muna tayo sa internet ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang makapagkonekta ang  mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa ibat-ibang klase ng telekommunikasyon.Sakop ng internet ang social media dahil kapag walang internet hindi tayo makakagamit ng social media.
Tumblr media
Ang social media ay mga website at application na ginagamit ng malalaking grupo ng mga tao upang mabahagi ang impormasyon at upang bumuo ng mga social at propesyonal na contact. Ang social media ay hindi maikakaila na produkto nga makabagong teknolohiya, ang social media ay nagkaroon nga epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas o magpahuna sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral 
Mahigit 38 milyong pilipino ang gumagamit ng internet at karamihan sa mga ito ay kabataan nasa edad 30 pababa.
Tumblr media
Sa panahon ngayon hindi natin maiiwasan na gumamit ng internet at social media dahil tayo ay namumuhay sa modernong panahon kung saan laganap ang ang mga makabagong teknolohiya at di rin natin maikakaila ang laki ng naiambag nito sa ating lahat lalo na sa mga mag aaral. Mahala ang internet sa mga mag-aaral dahil ito ay laging maasahan at marami itong maitutulong at napapadali nito ang mga gawain ng mga mag aaral. Sa tulong nito ay napapadali nito ang pagkuha ng mga impormasyon na kailangan ng mga mag aaral sa kanilang asignatura at mga pananaliksik. Ang internet ay isang paraan para sa isang mas mahusay na bukas dahil maari kang maghanap para sa isang mas mahusay na mga pamamaraan at alituntunin para sa iyo na magkaroon ng isang mas mahusay na hinaharap. Nadadagdan rin ng internet ang ating kaalaman tungkol sa bagay at salita na hindi natin alam at naiintindihan.
Isa ang facebook na nakakatulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon kayo ng komunikasyon  upang maipabahatid ang bawat importanteng gawain o sadya sa isang tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang pinakamahalagang parte ng social media bakit ito tinatawag na pinaka importante dahil dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba pa. Ang Youtube naman ay nakakatulong at nagpapakita ng mga vedio na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Ang social media Social media ay isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao. Nagsisilbi  itnong gabay sa mmga tao lalong lalo na sa mga mag-aaral. Sa social media napataas ng edukasyon magpahanggang ngayon.
MAraming pakinabang ang internet ngunit dapat natin itong gamitin ng maayos dahil ang labis labis na paggamit ng internet ay mag negatibong epekto na nag reresulta sa pagkakataon ng addiction sa internet.
- RETUERTO , STEPHANY P. 
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
AKADEMIKONG TULONG NG SOCIAL MEDIA
Tumblr media
“Hahanapin ko na lang ang sagot sa Internet.”
   Ito ang kadalasang linya ng mga kabataan ngayon.
Sa pagdaan ng madaming panahon, tila nakikita  ang iba’t-ibang pagbabago pagdating sa paraan ng pag-aaral. Naaalala ko pa nuong bata ako, libro lamang ang aking kaharap sa paggawa ng mga takdang aralin. Naaalala ko din ang mga panahon na uso pa ang sulat na pinapadala upang maging daan sa komunikasyon.
Tumblr media
“Paggamit ng Internet sa loob ng paaralan bilang instrumento sa pagkatuto “
   Sa modernong panahon sa kasalukuyan, na dulot ng pagbabago, tila maunlad na ang paggamit ng Internet at ng Social Media. Tila napakadaming tao ang mas naaaliw sa paggamit ng Internet kaysa libro dahil sa mabilis na pagkuha ng impormasyon dito na lalong pabor sa mga tamad na gustong may maisagot agad sa kanilang kailangan. Maging sa paghahanap ng magandang paaralan, kurso at hanggang sa tatahaking trabaho, isang mabisang gamit din ito ng maraming estudyante. Dati, mahirap kang makakuha ng impormasyon ngunit ngayon, mas napapadali sa tulong ng Internet.
Tumblr media
Kung akala nang marami na Internet lamang ang kilala ngayon pagdating sa mga pananaliksik, nagkakamali kayo. Pumasok ang Social Media sa buhay ng bawat isa na mas nagpadali ng buhay ng mga estudyante upang makapagpalitan ng impormasyon. Sa tulong ng Social Media, mas nadagdagan ang aliw sa pag-aaral at pagkakaalam ng iba’t-ibang bagay upang mas lumawak ang kaalaman ng bawat estudyante. Kagaya na lamang sa Facebook na makakakita na iba’t-ibang artikulo o mga balita na nagiging impormasyon sa mga mag-aaral lalo na kapag walang pasok o may kailangang sagutan at gawin. Isa ding tulong ang Youtube na mas nagpapadali sa pag intindi ng isang bagay dahil napanonood na  ito at hindi narin tatamarin na magbasa.  Malaking tulong rin ito kapag may hindi naintindihan at may hindi naitanong sa mga guro. Isang search mo lang at maaari nang lumabas ang video na gustong mapanood. Sa Social Media nagkakaroon ng komunikasyon ang isang guro at mag-aaral na tumutulong sa bawat isa upang makapagpalitan ng impormasyon. Hindi katulad ng gawain nuon na nagpapadala ng sulat, mas madali na kumpara ngayon. Hindi lamang ito ang tulong na dulot ng Social Media ngunit marami pa ang pagbabago dito. Pagbabago na hindi natin inakala at sa pagtagal, naging tulong na din sa atin.
  Ang Internet at Social Media ay naging pinto sa pagbabago. Ito ay nagsilbing daan upang mas umayos ang mga bagay na ating nakasanayan at mas lumawak ang sakop ng ating kaalaman. Ang pagbabagong ito ay naging tulong lalo na sa mga estudyante na mahilig sa mga gadgets. Lalo nating gamitin ang Internet at Social Media tungo sa magandang kinabukasan at huwag nating hayaan na maging hadlang ito sa ating tagumpay. Ito ay daan sa komunikasyon at karunungan. 
Tumblr media
 Ang GOOGLE ay malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan nito, madaling gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang anumang nababasura na oras.  Nagbibigay ito ng mga resulta kaugnay sa hinahanap na impormasyon at ang mga resultang ibibigay nito ay masasabing nasa kategoryang iskolastiko. Napaka laking tulong nito sa edukasyon at sa mga mag-aaral dahil sa mga impormasyon na nilalaman nito na napaka laking tulong. Bilang isang estudyante, dito din ako madalas kumukuha ng mga impormasyon na aking kailangan kapag may mga takdang aralin at  mga proyekto ako na gagawin. Napaka laking tulong nito sa mga mag-aaral dahil mabilis na nagagawa ang mga takdang aralin dahil isang pindot lang sa ‘search’ ay may lalabas na kagad na mga impormasyon na lubos na nakakatulong para sa mga mag-aaral.
-SAM CHRISTIAN TUÑACAO
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
PAGGAMIT NG INTERNET SA KONSEPTO NG MAKABAGONG EDUKASYON
Tumblr media
Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang makakonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon. Ang social media ay mga website o application na ginagamit ng malalaking grupo ng mga tao upang magbahagi ng impormasyon at upang bumuo ng mga social at propesyonal na mga contact.
Tumblr media
Sisimulan ko ang blog na ito sa pagtatanong kung Kaya mo bang mamuhay ng walang internet? o di kaya walang teknolohiya tulad na lamang ng computer, cellphone, laptop, tablet, atbp.? sa palagay ko hindi dahil sa panahon ngayon lahat ng tao ay nakadepende na lamang sa teknolohiya at internet. Hindi maitatanggi na malaki at malawak na ang naitulong sa atin ng mga makabagong teknolohiya lalong-lalo na sa ating pag-aaral. Simula paggising natin sa umaga hanggang sa pagtulog, ito ay nakakasama natin kaya naman hindi natin maikakaila na malaki ang parte nito sa buhay ng tao. Mapabata man, o matanda, walang piniling edad ang gumagamit nito. Bilang isang estudyante tayo ay may malaking pakinabang sa internet sa iba’t ibang larangan ng ating pagkatuto.
Isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga sa edukasyon ang internet ay dahil sa kayamanan ng impormasyon na nilalaman nito. Ang Internet ay nagbibigay sa atin ng isang mas mabilis na komunikasyon sa anumang parte ng mundo. Ito ay isang madaling paraan ng komunikasyon at transaksyon sa anumang personal na bagay. Ito ay isang malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan ng internet, maaari mong madaling gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang masayang na oras. Sa pamamagitan ng Google ay napapadali ang ating paghahanap ng mga kaalaman na ating ginagamit sa paggawa ng mga proyekto. Sa tulong nito ay madaling natatapos ng mga estudyante ang kanilang mga Gawain at natutulungan rin tayo nito na maintindihan ang mga paksang tinalakay ng guro na di natin naiintindihan sa klase. Maaaring rin gamitin ang Google upang makahanap ng mga artikulo na may kaugnayan sa edukasyon. Maaaring ma-access ng mga guro ang web para sa mas mahusay na pag-unawa sa anumang paksa at sa gayon maaari nilang gawing mas malakas ang konsepto ng mga estudyante at ito ay makakatulong rin upang makahanap ang mga larawan, infographics at mga diagram na may kaugnayan sa anumang paksa at kaya ay maaaring magbigay ng mas mahusay na pag-unawa sa paksa.
Tumblr media
Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto ang Internet sa mga kabataan. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga kabataan ang Internet lalo na sa kanilang mga research papers, mga project at mga takdang aralin. Halos lahat na ng kailangan ng mga tao ay masasabi nating nasa Internet na, isang click lamang ay tiyak na makikita mo agad ang sagot sa iyong tanong. Pero dahil sa pagiging kampante na nasa Internet na ang lahat nang dapat kailanganin, tatamarin na ang mga kabataan na aralin ang kanilang mga leksyon. Hindi lahat ng mga impormasyon na nasa Internet o mga nahahanap na source sa Internet ay reliable o mapagkakatiwalaan. May mga websites na akala mo tama yung binibigay na impormasyon iyon pala ay hindi maikokonsiderang isang katotohanan dahil wala naman itong basehan. At ang iba naman na mga websites ay ginagamit upang makapanloko ng ibang tao upang perahan sila dahil sa sobrang hirap ng buhay na nararanasan ngayon.
Tumblr media Tumblr media
Kaya kung ako ang tatanungin kung kaya ko ba na mabuhay ng walang internet o teknolohiya, ang sagot ko ay hindi. Sapagkat ito ay aking nakasanayan na at tunay na nakakatulong ito sa aking pag-aaral lalong lalo na sa panahon ng pandemyang ating kinakaharap ngayon. Oo, Maraming pakinabang ang internet ngunit dapat natin itong gamitin ng maayos dahil ang labis labis na paggamit ng internet ay mag negatibong epekto na nagreresulta sa pagkakaroon ng addiction sa internet, palagi mo dapat tatandaan ang tamang pag gamit ng internet at huwag na huwag itong aabusuhin. Gamitin ang internet sa tamang pamamaraan tulad ng pag aaral. At higit sa lahat, disiplina at responsibilidad ang kinakailangan.
- GENERALAO, RICA J.
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
SOCIAL MEDIA : ISANG CLICK LAMANG , MARAMI NANG MATUTUTUNAN
2020. Ang taong ito ay iba sa mga nagdaang taon na ating namulatan . May kinakaharap tayong virus na grabe ang epekto sa lahat at isa nang halimbawa ay ang epekto nito sa edukasyon . Ang mga mag-aaral ay hindi na pinapapasok sa paaralan kung kaya’t sa bahay nalang sila nag-aaral . Ang iba’y sa pamamagitan ng “modules” natututo at ang iba nama’y sa internet o ang tinatawag ngayong “online class”. Marami silang pagkakaiba ngunit nangingibabaw ang kanilang pagkakatulad na sila ay parehong gumagamit ng internet at “social media” para matugunan ang kanilang pangangailangang pang-edukasyon .  
Tumblr media
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Malaking tulong ito sa edukasyon ng mga mag-aaral dahil nagagamit ito para maka-access sila ng iba’t-ibang sites na nakakatulong upang matuto sila sa klase.
Tumblr media
Ilan lamang ito sa mga social media websites na gamit na gamit ng mga mag-aaral ngayon para matuto . Halimbawa ay ang Facebook , isa ito sa nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng komunikasyon ang mga mag-aaral upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa kanilang kapwa na naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Youtube na nakatutulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay,  at Google na siyang pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba pa.  
Isa rin sa tulong ng social media sa mag-aaral ay pag ang mag-aaral ay lumiban sa klase ,maaari  na niya itong ipaalam sa kaniyang guro sa isang click lamang at maari rin siyang magtanong sa kaniyang mga kaklase ukol sa mga pinag-aralan nila sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe gamit ang “messenger” , isa sa mga popyular na website at iba pa.
Tumblr media
Ma “online class” man o “modular” na paraan ng pagkatuto , pareho itong gumagamit ng internet at social media . Ang mga mag-aaral na sa “modules” natututo ay kumukuha pa rin ng impormasyon sa internet at kadalasan , pag may mga pisikal na aktibiti sila , maari na nila itong I-video at I post sa Facebook o iba pang website na ibinigay ng kanilang mga guro. Ang mga mag-aaral naman na nag o-online class , gamit na gamit nila ito . May mga website silang ginagamit para makaattend ng leksyon ng kanilang mga guro , malaman at mag sumiti ng mga  assignments at pagsusulit  , makahalubilo ang kanilang mga kaklase , at iba pa .
Tumblr media
Isa ang social media sa mga instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao. Malaking tulong ito sa mga mag-aaral sa paraang nagsisilbi itong gabay sa kanila at di maipagkakailang napataas nito ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.
Sa tulong ng iba’t-ibang sites , napagtibay nito ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakakahanap ng mga bago , at nakakapagkomunikasyon sa iba pang mahal sa buhay malayo man ito o hindi. Malaking tulong ito sa lahat lalong lalo na sa mga mag-aaral . Pero dapat parin nating tandaan na ang paggamit nito ay dapat may limitasyon dahil kahit papaano’y pag nasobrahan nito , masama ang magiging epekto nito sa atin.
-Ciara May Lovelle Gil
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
Ang kahalagahan ng internet sa modernong edukasyon
Ano nga ba ang internet?
Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko
Ang Internet ay ang pinaka kapaki-pakinabang na digital na teknolohiya na hindi lamang tumutulong sa atin sa ating pang-araw-araw na buhay, kundi pati na rin sa ating propesyonal na buhay. Karaniwan itong ginagamit para sa mga layuning pang-edukasyon upang mangolekta ng impormasyon at magsaliksik o magdagdag sa kamalayan ng iba't ibang mga paksa. Sa edukasyon, ang Internet ay gumaganap ng isang kritikal na papel. Walang tanong na pipiliin ng lahat ang Google para sa kanilang mga katanungan, isyu o pag-aalinlangan sa modernong panahon na ito. Ang pangunahing kagustuhan ng mga indibidwal ay ang mga sikat na search engine tulad ng Google, Yahoo, atbp.
Tumblr media
Internet sa online class
Ang online na edukasyon ay isang uri ng edukasyon kung saan ginagamit ng mga mag-aaral ang kanilang computer sa bahay sa pamamagitan ng internet. Para sa maraming mga mag-aaral na hindi tradisyunal, bukod sa kanila lahat ng mga nais na magpatuloy sa pagtatrabaho ng buong oras o pagpapalaki ng mga pamilya, ang mga online graduation at kurso ay naging tanyag sa nakaraang dekada. Kadalasan ang mga programa sa pagtatapos sa online at kurso, na ang ilan ay isinasagawa gamit ang mga digital na teknolohiya, ay ibinibigay sa pamamagitan ng online portal ng pag-aaral ng host university.
Tumblr media
PAKINABANG NG INTERNET SA NEW NORMAL EDUCATION
Hindi tulad ng kapag ikaw ay nasa isang aktwal na setting ng silid-aralan, medyo limitado ka sa kung ano ang nais mong gawin na binigyan ng mga patakaran at wastong ‘postura’ na mga mag-aaral na patuloy na pinapaalala. Ngayon na nasa bahay ka na, may kalayaan na mag-inat ng iyong mga binti, sa pagdulas, kahit humiga kung nais mo rin (siguraduhing maaari kang tumuon sa aralin at hindi makatulog!) Ang bahagi ng pagiging komportable sa iyong mapagpakumbabang tahanan ay nagbibigay sa iyo ng karapatang mag-aral kahit saan mo gusto-maging sa iyong sariling silid o sa mesa ng kusina habang hinihimas ang ilang meryenda. Hangga’t pumupunta ito sa loob ng mga hangganan ng isang ‘magalang na kapaligiran’, kung gayon dapat kang maging maayos. Sa kadahilanan sa pandemya ay nag-iba na ang lahat ng uri ng pamumuhay sa ating bansa. Lalo na ang edukasyon sa Pilipinas. Dito pumasok ang kahalagan ng internet sa pag-aaral ng mga kabataan sa Pilipinas. Lahat ng gustong matutunan ng mga mag-aaral ay maaari na nating matagpuan sa Internet. Sa paglabay ng panahon ay lalo pang lumalaki ang sinasakop ng Internet. Pwede na tayong makipagkita sa ating mga kakilala, guro, kaklase, kaibigan, at pamilya gamit ang virtual meeting. Mayroon din na mga bidyu na matatagpuan sa youtube na makakatulong sa mga estudyante kung baka sakaling mayroon silang hindi maintindihan sa klase ngayun. May Diksyunarya para makatulong sa mga salitang hindi mo batid o alam. Sa kasalukuyan ay hindi pa maaari ang pagtuturo sa klase ng face to face dahil mayroon pang virus na nakapaligid at hindi ito ligtas sa ating kalusugan.
Tumblr media
- Jesse Ybanez Jr.
11 HUMSS B WISDOM
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
ANG GAMIT NG INTERNET SA EDUKASYON.
Ang Internet ay importante sa mga tao lalo na ngayon na halos lahat na ay gumagamit na ng internet. Ito ay ginagamit sa buong mundo upang makipag ugnayan ang mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. Ito ay napaka importante sa mga tao dahil dito pwede kang makapagkonekta sa iyong pamilya, kaibigan, at guro. 
Ang internet ay malaking bahagi sa ating kabuhayan ngayon at mas naging importante ito sa atin ngayon dahil sa sitwasyon na ating hinaharap. Sa kabila nito ito ang naging mapagkukunan lalo na sa online classes. Ito ay nagtutulong sa atin na makikipag komunikasyon sa mga tao na malayo sa atin.  
Sa mga estudyante ito ay mahalaga lalo na ngayon sa pandemya hindi pa pwedeng pumunta ng paaralan ang mga estudyante upang pumasok kaya gumagamit ng internet upang dito na ang makikipag ugnayan ang mga estudyante sa kanilang goro sa pamamagitan ng paggamit ng mga app na pwedeng gamitin sa pag aaral. Dahil dito ang mga estudyante ay pwedeng makapag hanap ng impormasyon na pwede nilang gamiting gabay para sa kanilang mga Gawain sa school o sa mga research. Nakapagpalawak rin sa isipan sa mga estudyanteng nagamit ang internet sa pamamagitan ng panunuod ng Youtube, paggamit sa mga search tulad ng Google. Pagdating naman sa balita, ang social news ay mabilis na makasagap ng bagong balita mula sa ating bansa. Nakakasagap rin ng ibang balita mula sa ibang bansa kung anon a ang nangyayari sa mundo. Kung sa dati, ang komunikasyon ay sa pamamagitan ng pag sulat lamang, ngayon ay pwede na sa mabilisang pag-uusap sa pamamagitan ng chat, e-mail, at iba pa.
Sa aming mga estudyante naman ang ilang ginagamit naming upang makipag ugnayan sa aming guro kagayana ng pagpasa naming sa aming mga Gawain at pag meet ay ang Messenger, e-mail, google classroom, google meet, at iba pa. Kumpara noon ay pumunta pa tayo sa mga pampublikong aklatan para lang makakuha ng mga impormasyon. Ngayon, dahil sa makabagong teknolohiya na ang internet ay napadali ang pagsaliksik ng mga impormasyon ng mga mag aaral. Sa paglipas ng panahon, may mga bagay na naiimbento para sa pag-unlad ng ating kaalaman para maging mas handa sa ating hinaharap sa ating buhay. Ang paggamit ng internet ay isang mahusay na komunikasyon kahit saang lugar sa mundo. Ito ay mahusay rin na gamitin upang mapadali sa mga takdang aralin na kailangang magresearch at mabigyang dagdag impormasyon ang mga bagay bagay. Isa narin ang dahilan kung bakit tayo nagamit nito ay dahil pinapadali nito ang buhay nating mag-aaral. Para sakin, mabuti ang social media kasi nakakatulong ito sa mga estudyanteng katulad ko na makipag ugnayan sa ibang tao. Isa na ang Facebook, ito ay ginagamit para makapanuod ng mga videos na nakakatawa o mga bright side at iba pa. Sa youtube naman ay pwede gawing educational dahil dito ang mga mag-aaral ay may matutotonan sa panonoud lamang ng mga videos. Nakatulong rin ang makabagong teknolohiya sa pag unlad natin at sa pagiging malikhain natin ay napabuti at napadali ang takbo ng buhay ng mga tao at sa mga kinabukasan natin.
- PENDON, JOLLYMAE G.
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
Ang tulong sa pag aaral gamit ang Internet.
Pag gamit ng internet sa pag aaral
Malaki ang pinag bago ng mundo noong na imbento ang Internet, ang mga tao as mas nakokonekta na sa isat isa at patuloy itong nagbago hanggang ginagamit na ito kahit saan maging sa kamunikasyon, paghahanap ng trabaho at iba pa. Isa na dito ang malaking tulong nito sa pag aaral.
Mga tao na mag kakaroong ng Benepisyo nito
Lahat ng mga tao ay makakaroon ng benepisyo sa pagmamit ng internet maging sa paghahanap ng impormasyon o pakikipagsalamuha asa kapwa tao basta mapagalaman mulang itong gamitin maging magsasaka Kaman o maging isang mangigisda marami kang matutunan at Impormasyong makukuha sa paggamit nito.
Kaya sa pag aaral Malaki itong tulong, marami kang makukuhang impormasyon at malawak din nag mapag kukunan mo dahil hindi limitado sa isang bansa ang impormasyong makukuha mo. Nakakatulong din ito sa mga guro sa pagpakikisalamuha nila sa kanilang mga estudyante at iba pa.
 Mga magandang na I dudulot nito
Dahil sa ibat ibang mga Features na hatid ng Internet maraming tulong ang maibibgay ito sa mga magaaral sa research, impormasyon, at iba pa. Nakakatulong din Ito sa mga panahong tulad ngayon kung saan mayroong pandemic, dahil sa internet nakakapag aaral kami kahit hindi kami makakapunta paaralan. Samantalang maipapatuloy ng mga guro ang kanilang pagnanasa at pamamahal sa pagtuturo. Mas mabiliis nang makuha yung mga bagong impormasyon dahil sa internet at dahi din dito mas nakokonanekta na lahat ng mga estudyante kahit malayo silla.
 Mga hindi magandang mga na dudulot sa Internet
Dahil madali lang gamintin ang internet marammi ring mga tao na nagbibigay ng mga maling impormasyon, kaya hindi lahat ng impormasyon na nasa internet ay mapagkakatiwalaan. Mayroon di tawag na cyberbullying kung saan ang ibang tao ay pinagsasamatalahan yung mga impormasyon mo na nasa internet laban sayo, pwedeng gusto nila ng pera o gusto lang talaga nilang makasakit ng kapwa tao. Marami ring mga online games ang internet na nakakaadik sa ibang mag-aaral hangang hindi na pinag-papatuloy yung  pag aaral nila. O mga hindi mga magandang  impluwensiya ng mga tao sa internet na sinusunod ng ibang mga estudyante.
 Anong mayayari sa hinaharap
Dahil sa patuloy na paglago ng internet para sa akin mas marami pa itong magandang maidudulot sa para sa edukasyon at masmarami din and mga estudyante na matutulungan nito dahil madali na itong gamitin in sa hinaharap. At para sakin mas marami nang mga bata makakapag aaral at makapagtapos nito. Mababawasan narin ang mga masamang mga naidudulot ng Internet, pero sapag lago ng internet para sa akin mayroon ding mga bagong mga pagsubok na haharapin sa pag-aaral gamit ang internet. Pero itoy malalampasan din sapatuloy napag lalago ng internet.
 Konklusyon tungkol sa tulong ng paggamit ng internet sa pag aaral.
Dahil sa Internet marami itong naitutulong sa mga estudyante ngayon, hindi din naman ito perpekto sapagkat marami ding mga masamang pwedeng mangyari dahil sa internet, kaya bilang isang estudyante kailangan nating mag ingat sa paggamit ng internet. Pero mas malaki ang maitutlong nito para sa kinabukasan ng mga estudyante, makakatulong din ito sa mga teachers sa kanilang pagtuturo. Kaya para sakin malaking tulong ang paggamit ng internet sapag aaral.
- Carlos Emmanuel Alburo
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
Akademikong dulot ng Internet tungo sa Makabagong Sistema ng Edukasyon sa Kasalukuyan
Tumblr media
Sa panahon na ating kinakaharap ngayon ay malaki ang papel na ginagampanan ng internet sa bawat isa sa atin sapagkat ito ay nagsisilbing paraan sa atin ngayon upang maging possible ang edukasyon sa  panahon na ating tinatahak  ngayon na kung saan hindi pa tayo pwede makalabas at makapunta sa paaralan dulot ng pandemyang ating kinakaharap.
Ano nga ba ang kahalagahan ng internet sa pag-aaral ng bawat isa sa atin?
Ang internet ay nakatutulong sa ating pag-aaral. Sapagkat ito ay naglalayong  tulungan tayo na matuto at magkaroon ng mas malawak pa na kaalaman tungkol sa ating mga aralin na hindi natin gaanong naiintindihan. Nakatutulong ito sa ating mga kapwa mag-aaral upang masagot ang mga tanong natin sa iba’t ibang aralin, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya nating unawain ang mga tinatalakay nang ating guro.
Isa sa mga tunguhin nito ay ang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan niyo, ay maaari natin gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang gaanong nasasayang na oras. Sa pamamagitan nito ay makakabuo tayo ng ideya sa kung ano man ang nais nating tunguhin dahil sa gayon maraming impormasyon na maaaring maibigay sa atin.nagiging bukas ang kaisipan ng mga mag-aaral sa ating mundo ngayon na nakatutulong na mas mapalawak ang kanilang pag-iisip at pag-unawa sa mga bagay-bagay. Ito ang magbibigay daan upang makamit ng bawat isa ang kanilang mga pangarap at hangarin sa buhay. Ito din ay makatutulong na mas mapaunlad ang kanilang mga sarili sa kanilang mga haharapin at sa kanilang kinabukasan.
Tumblr media
Lahat tayong mga mag -aaral ay kadalasan nang gumagamit ng internet dahil nga hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya nating unawain ang mga paksa o aralin nga tinatalakay kaya naman karamihan sa atin ay, kadalasan nating patutunguhan ay Google o hindi kaya’y Youtube. Sa pamamagitan ng mga ito ay malaya tayong isaliksik ang mga bagay na gusto nating matutunan o kaya namn ay manuod ng mga instructional videos upang mas lubos pa nating maunawan ang mga leksyon na kung saan tayo’y nahihirapan.
 Bukod dito, may iba’t ibang mga  websites din na nakatutulong sa mga mag-aaral. Ito rin ay nagsisilbing komunikasyon ng mga estudyante sa kapwa din estudyante at pati na rin sa guro. Maaring makipagpalitan ng mga ideya o mensahe sa pamamagitan ng internet o email. Sa pamamagitan din ng mga ito, ang mga mag-aaral ay hindi nahuhuli sa mga bagong kaalaman dahil mas mabilis silang makakalap ng mga panibagong impormasyon sa tulong narin ng internet.
Tumblr media
Pero  sa paraan na ito na gumagamit nalang tayo ng internet, isang click  mulang ay lalabas na agad ang mga sagot nga kina kailangan mo.  Nang dahil narin dito lumalabas ang ating pagkatamad nang mag basa dahil umaasa na lamang tayo sa internet. Pero dahil na nga  sa makabagong panahon na ating kinakaharap at sa nagyayari sa ating mundo, ito ang pinaka mabisa upang maipagpatuloy natin ang ating pag-aaral sa pamamagitan ng Online Class. 
Tumblr media Tumblr media
Kung ating ihahalintulad ang edukasyon natin ngayon kumpara sa edukasyon noon ay masasabi talaga nating mas madali nalang ang pamamaraan ng edukasyon ngayon sa tulong ng internet ngunit gamitin sana natin ito sa mas mainam na pamamaraan at huwag sana nating kakalimutan na kaylangan parin na tayo sa ating sarili mismo ay  magsikap upang matuto.
- Maglinte, Claire M.
1 note · View note
11humssclass · 3 years
Text
SOCIAL MEDIA at INTERNET: TUNGO NGA BA SA MAUNLAD NA KINABUKASAN?
SOCIAL MEDIA at INTERNET ang naging kaagapay ng mga kabataan sa henerasyon ngayon. Ito ang tumutulong sa kanila upang mapa-unlad ang sistema ng kanilang pag-aaral at mas lalong magaganahan silang matuto. Kung noon, pahirapan ang paghahanap ng mga terminolohiya at kaalaman, ngayon naman ay mas mahusay at mas mabilis na ang paghahanap nito. May kasabihan nga tayong "One Click Away" na ang kahulugan ay mas madali nalang lahat. Dahil dito, hindi na kusang pumupunta ang mga kabataan sa mga silid-aklatan sapagkat maaari na nilang mahanap sa Google o sa kahit ano mang Website ang kanilang mga takdang-aralin o mga 'Research'.
Tumblr media
Sa larangan ng edukasyon, malaking gampanin ang nagawa ng Social Media at Internet. Mas pinapabilis at pinapahusay nito ang mga gawain ng bawat mag-aaral. Mas nagkakaroon ng panahon ang mga mag-aaral na matutunan ang tinatawag nating 'Self-Study'. Sa bawat taon na lumilipas, mas naging 'High-Tech' na ang mga paaralan o mga institusyon. Dahil dito, ang mga mag-aaral ay mas kampante nalang dahil alam na nila ang mga paraan sa Internet. Naging mas matiwasay na rin dahil sa Social Media at Internet ang interaksyon ng bawat mag-aaral sa kanilang kapwa. Mas nailalahad nila ang kanilang mga saloobin sa mga platapormang maaaring mailagay sa Social Media. Ito ang naging paraan nila upang marinig ang kanilang mga boses doon sa mga naka upo sa taas. Mas naging aktibo rin ang mga kabataan sa pakikilahok ng mga aktibidad sa Social Media na mas nakakapagpahubog sa kanilang kaniya-kaniyang talento. Isa sa mga halimbawa ng mga aktibidad na ito ay ang papalapit na 'virtual intramurals' ng aming unibersidad na ang Social Media at Internet ang naging alternatibong paraan upang masaksihan ito ng lahat.
Tumblr media
Sa pagkakaroon ng Social Media at Internet, naging mas mulat na ang mga kabataan sa mga nangyayari sa mundo. Marahil lumaki silang mulat na sa mga makabagong teknolohiya. Ngunit may nakapag-sasabi na ang kadalasan na mga mag-aaral o mga kabataan ay nawawala sa konsentrasyon laling-lalo na kapag maisasali nila ang mga 'Extracurricular Activities' na hindi naman kasali sa protocol ng paaralan. Sigurado akong alam na ninyi kung ano ito, sapagkat halos tayong lahat ay nahuhumaling rito. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang mga 'Online Games' at iba pang mga Social Media Platforms na mas natutuonan ng pansin ng mga estudyante sa bawat bukas ng kanilang mga gadgets. Mas nagiging dehado ang mga kabataan kapag inuuna nila ang kanilang pansariling interes kesa sa pagtuonan ng pansin ang kanilang mga gawain.
Tumblr media
Dahil sa pandemyang kumakalat ngayon, hindi na tayo nakakapasok sa ating mga paaralan bagkus ay ang Internet at Social Media na lamang ang alternatibong paraan upang makapagpatuloy sa pag-aaral. Hindi ba nakakapagod? Na sa bawat dadaan, pahirap ng pahirap na ang ating sitwasyon. Ganito na lamang ba ang nais nating mangyari? Madalas kong makikita sa Social Media ang mga hinanaing ng mga kapwa ko mag-aaral at oo, nararamdamn ko ang labis na hirap na nararanasan nila dahil isa rin ako sa nag-hahangad ng maunlad na kinabukasan. Hindi naman kasi lahat ang nabiyayaan ng magandang buhay. Hindi naman kasi lahat ang may gadgets na maaaring gamitin sa araw-araw. Kadalasan, hindi rin lahat ang may mga koneksiyon na kasing tatag ng isang buong 'Cell Tower'. Kaya tinatanong ko, paano uunlad ang ating kinabukasan lalo na ang ating bansa na kung sa panahon ngayon ay patuloy pa rin tayong hinihila pababa? Oo nga at nakakatulong ito sa lahat, lalong-lali na sa kabataan. Ngunit sa panahong kagaya nito, naitatanong ba ninyo kung maayos pa ba ang kalagayan ng mga guro at ng mga kabataan? Napapagod man ay lumalaban pa rin, para sa hinahangad na maunlad na kinabukasan.
-Cordero, Karyl May
11 HUMSS B-WISDOM
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
ANG KAHALAGAHAN NG INTERNET SA PAG-AARAL
Sa panahon natin ngayon lumawak na ang ka alaman natin sa mga teknolohiya, kadahilanan nito ang pagkaraming mga nabuo na mga bagay. Dahil sa inbensiyon na nabuo ng mga taga inbentor ay naging madali at mabilis ang pang araw-araw natin na pamumuhay. Isa sa mga bagay na naimbento ay ang Internet na kung saan mahalaga ito sa mga tao, dahil nabibigyan ng madali na solusyon ang mga bagay-bagay. Ang pag-aaral ay isa sa mga bagay na nabigyan ng malaking tulong ng Internet, ngunit hindi lamang mga mag-aaral ang nangangailangan ng Internet pati na rin ang mga taong nag tatrabaho sa mga opisina.
Ang Internet o social media ay isang sistema kung saan ginagamit ng buong mundo upang makipag komunikasyon sa mga taong hindi natin kayang kausapin harap-harapan. Isang malaking tulong ng pag-aaral ang paggamit ng Internet dahil maaari mong gawin ng madali ang mga asignatura na ibinigay sa iyong mga guro. Madali mong masaliksik ang mga impormasyong kinakailangan mo ng maikling oras. Dahil sa Internet may posibilidad na mas lumawak pa ang iyong mga saloobin dahil sa mga impormasyong walang tigil na lumalabas sa Internet. Kadahilan nito kaya ang kanya kanyang paaralan ay mag sari sarili ng mga kompyuter.
Ang Internet o social media ay nagsisilbing tulay ng mag mag-aaral na nahihiya na kumausap o magtanong sa kanilang mga guro. Hindi naman natin kasama ang ating mga guro sa lahat ng oras kaya sa tulong ng mga social media application ay madali natin silang natatanungan sa mga tanong na nahihirapan tayo o sa mga tanong na hindi natin na sagot. Sa madaling salita sa isang simpleng "click" maaari natin matakbuhan ang ating mga guro. Naging madali din ito sa mga guro kung saan nasasabihan nila ang kanilang mga mag-aaral kung ano man ang mga bagay na kanilang nakalimutan o mga announcement. Malaki ang ambag ng Internet sa atin lalo na sa ating henerasyon ngayon na halos lahat ng mga gawain ay matutunan na sa Internet.
Maraming naidudulot na magandang at hindi magandang epekto ang Internet sa mga mag-aaral ngayon. Nagdudulot ito ng mgandang kapakinabang sa mga mag-aaral, ang Internet lalo na, sa mga research paper, mga proyekto at mga takdang-aralin. Halos lahat na ng kailangan ng mga mag-aaral ay nasa Internet o masasagot ng isang madaling "click" lamang. Pero dahil sa pagiging kampante ng mga estudyante na nasa Internet na lahat ng kanilang kinakailangan, tatamarin silang magpunta sa mga silid-aklatan o magbukas ng kanilang mga libro. Ang Internet o social media ay naglalaan din ng mga larong pang edukasyon, sabi nga nila na mas masaya ang pag-aaral kung ikaw ay nagsasaya. At sa tulong ng Internet mas naganahan mag-aral ang mga estudayante kaysa noong wala pang Internet dahil sa mga eduactional games.
Kung ating ikukumpara ang pag-aaral noon at ngayon, mas naging madali at mabilis ang edukasyon ngayon dahil ito sa Internet o social media. Kaya kailangan nating magpasalamat sa nag inbento ng ating Internet dahil pinadali niya ang ating buhay. Kaya naman masasabi ko na malaki ang naging tulong ng Internet sa ating pamumuhay at sa ating pag-aaral.
–Rivera, Lea Marie
3 notes · View notes
11humssclass · 3 years
Text
EPEKTO NG MAHINANG ENTERNET SA PANAHON NG PANDEMYA.
Sa panahon ngayon malaki ang ginagampanang papel ng internet dahil sa pandemya dahil halos lahat nga mga tao na nag ta trabaho ay nasabahay nalang lalo na sa atin na mga kabataan na gustong mag aral at makapag aral ay kinakailangan natin ng malakasang internet.
Halos lahat ng mga nag aaral ngayon ay ang palagi nalang rason ng pagkabagsak nila sa klase ay ang kahinaan ng internet at walang signal. maypang bayad sa internet pero mabagal ang signal kaya halos lahat ng mag aaral ay hndi na nakaka habol sa mga takdang aralin palagi nalang late kasi walang signal malaki ang epekto nito sa mga tao lalo na sa mga nag aaral ngayon ng online class.
kong kailan natin kailangan ang mabilisan na enternet don pa ito nag sibagalan maraming ng tao ang iniinda ang kabagalan nito stress na sa pamilya stress pa sa skwela. yong iba stress na sa problema tas dadagdag pa ang internet sa panahon ngayon kailangan natin ng mabilisang connecton.
pero di natin pweding sabihin na kasalanan nila ito kasi kahit sila mismo na nag ta trabaho ng matino ay naapektuhan dahil dilang tayo ang may problema dito may mga anak din silang pinapaaral na naapektuhan din saabagal na galaw ng signal at pabagal pa.
Carstene Daniel A Vosotros
1 note · View note
11humssclass · 3 years
Text
Tulong at epekto ng Internet & social media sa mag-aaral
Ang Internet ay nagtutulot ng dagliang access sa maraming sanggunian na magpapalakas at magpapayaman sa ating buhay. Maraming Web site na nagpapasigla ng espiritu ang nagbibigay ng direksyon at inspirasyon. Ang sumusunod na mga ideya ay makakatulong sa inyo na manatiling nakaugnay sa katotohanan nang hindi lubusang lumalayo sa mabubuting bagay na iniaalok ng Internet.
Ang Internet sa buhay ngayon ay isang pangunahing kailangan na dapat ay natupad sa pamamagitan ng isang indibidwal. Ito ay isang mahusay na paraan ng komunikasyon at transaksyon sa anumang negosyo o anumang personal na bagay. Ito ay isang malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sapamamagitan ng internet, maaari mong madaling gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang anumang mga basura ng oras. Sa henerasyon ngayon hindi maitatanggi ang kahalagahan ng internet sa ating pamumuhay lalo na sa mga estudyante. Malaking ang ginaganapan nito sa buhay ng mga magaaral, halos lahat na ng impormasyon ay makikita natin dito. Marami ng mga makabagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa pamumuhayng mga tao. Isa na dito ang Internet, at sa paglipas ng panahon, nauso na din ang mga social networking sites.
Malaki na rin ang naging tulong nito sa pag-aaral ng mga estudyante. Dito nagpapalitan ng mga mensahe na may kinalaman sa pag-aaral ang mga estudyante. Nagiging daan ito para makahabol sa mga aralin ang mga mag-aaral. Nakakakuha din sila ng mga bagong impormasyon dito na nakakatulong sakanilang pag-aaral. Pero, hindi lahat ng nagiging epekto nito ay positibo. Minsan, nagiging sagabal ito sa pag-aaral at nagiging sanhi ng pagbaba ng grado ng mga estudyante. Nahuhumaling ang ilan sa paglalaro ng mga online games at ang iba naman ay napupuyat sa mga websites na nagiging sanhi ng pagliban at pagkahuli nila sa klase. Minsan ay nagiging sanhi rin ito ng “cyberbullying”, kung saan ang mga kabataan ay inaabuso sa pamamagitan ng social media.
Marahil malaki ang epekto ng Internet at social media sa buhay ng mag-aaral dahil araw-araw nilang ginagamit ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Kumukuha sila ng impormasyon at natututo sila sa tulong ng Internet. Nasasanay silang makipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral maging sa mga guro nila sa tulong ng social media.Halos maraming paaralan na sa ating bansa ang gumagamit nito upang maging mas mabisa ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga estudyante sa angkop na akademikong pamantayan, upang mas lalong gumanda ang kalidad ng edukasyon, at lalong- lalo na para sa mas maayos na pag aaral ng mga estudyante.Hindi mapagkakaila ang kahalagahan ng internet sa ating buhay lalo na sa mga mag-aaral. Malaking ang ginaganapan nito sa ating buhay, halos lahat na ata ng bagay ay mahahanap natin dito. Maraming mga bagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa pamumuhay ng mga tao.
Nagiging daan ito para makahabol sa mga aralin ang mga mag-aaral. Nakakakuha din sila ng mga bagong impormasyon dito na nakakatulong sa kanilang pag-aaral.Masasabi kong mahalaga ito sa ating lahat sapagkat malaki na ang naging kontribusyon nito para sa mga mamamayan.
Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.
- Insik, Rishelle Mae
0 notes
11humssclass · 3 years
Text
Kabuluhan ng Internet sa Makabagong Sistema ng Edukasyon
Tumblr media
Ang edukasyon ang nagsisilbing pamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kaya naman sinasabing ang kabataan ang pag asa ng bayan. Ngunit paano kung pansamantalang maihinto ang kanilang pag-aaral dulot ng banta ng pandemiya?
Itinuturing na pinkamatagumpay na likha ng tao ang teknolohiya. Hindi maitatanggi ang naging ambag nito sa buhay ng karamihan sa atin. Teknolohiya ang nagsilbing takbuhan ng lahat lalo na sa madaling pakikipagkomunikasyon. Dahil sa taas ng demand nito, wari nagpapaligsahan sa pagpapaunlad ang naglalakihang kompanya. Kaya naman mas nasubukan ang kakayahang taglay nito sa panahon ng pandemiyang kumakalat sa buong mundo. Karagdagan sa naging dulot ng pandemiya ay ang pahirapan sa pakikipagsalamuha sa ating kapwa. Kaya naman naging pahirapan din ang pagbubukas ng mga institusyong pang edukasyon. At bilang solusyon ng ating pamahalaan, sinimulan ng ahensya ng edukasyon ang pagbubukas nito sapamamagitan ng paggamit ng Internet at Social Media.
Tumblr media
Internet at Social Media ang nagbibigay sa atin ng daan upang matugunan ang mga mamamayang hindi makapag-aral at trabaho sa gitna ng pandemiya na ating kinakaharap. Halos lahat ng mamamayan ay may sariling cellphone, tablet laptop, at computer upang gamitin para sa pag-aaral at trabaho. Internet ang nagsisilbing paraan upang ang ating mga pagsubok ngayon ay masolusyonan at nang sa gayon ay maipagpapatuloy natin ang ating pag-aaral. Ang online schooling ang nagsisilbing paaralan sa estado ng panahong kinakaharap natin ngayon. Sa tulong din ng teknolohiya ay mas napapabilis din natin ang ating mga gawain. Naggagamit natin ang teknolohiya sa pag-aaral sapamamagitan ng pagsasagawa ng virtual meeting gamit ang iba’t ibang social media platforms gaya ng Zoom at google meet kung saan ilang segundo lamang ang kinakailangan upang makadalo sa pagpupulong. Mas napapadali na rin ang pagpapasa ng mga dokumento at proyekto na naisasagawa sa isang pindotan lamang.
Tumblr media
Sa makabagong sistema ng edukasyong, mas madalas ang pagharap o paggamit natin sa mga computer at iba pang mga gadgets. Datapwat, sa kabila ng mga positibong naimbag ng makabagong teknolohiya, ay ang negatibong naidudulot nito sa kalusugan sa bawat mamamayang gumagamit nito. Dulot ng pagtaas sa bilang ng nagkakasakit mula sa mapaminsalang virus ay mas hinihigpitan ng ating local na pamahalaan ang pagpapatupad ng social distancing at ang paghikayat sa pananatili sa kanilang mga tahanan lalong- lalo na sa mga kabataan, nakakatanda, at mga indibidwal na may mahinang pangangatawan. Dahil dito, naglilimitahan ang masiglang pakikipagkapwa at pag daos ng mga pangkalusugang aktibidad at at iba pang kasiyahan o pagdiriwang. Kaya naman marami sa mga kabataan ang nakakaranas ng depresyon, pagtaas sa kaso ng mga nagiging obese, at mga nagkakasakit dulot ng mahinang pangangatawan.
Tumblr media
Sa panahon ng pandemiya, sinubok ang kakayahan at tatag ng karamihan sa atin. Marami ang nawalan ng kabuhayan at minamahal sa buhay dulot ng mabilis na pagkalat ng COVID-19, hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa iba pang mga bansa sa mundo. Hindi naging madali ang naging laban sa patuloy na pagpuksa at pagtigil sa nakakabahalang banta ng virus na ito lalo na sa buhay ng bawat kabataang mag-aaral. Subalit, hindi pa rin nawawala sa ating ang esenya ng bayanihan at pagtulong sa kapwa pati na rin ang malakas na pananampalataya ng mga Pilipino sa ating Poong Maykapal. Sa kabila ng paghihirap na ito, tiyak na malalampasan natin ang hamon ng buhay at ang pag-asang makakabangon sa kabila ng lahat.
-Jeedan Rhey Mortiz
0 notes