Tumgik
xofhiyenn · 3 years
Text
Baguio City Experience
Alam nating napakaraming magagandang pook na makikita sa buong Pilipinas, ngunit tila ba hindi maalis alis sa aking isapan ang natatanging ganda ng Baguio City. Maraming lugar na maaring puntahan dito sa Baguio City. 
Tumblr media
Bukod sa mga pasiyalan, matatagpuan din dito ang pinakakilalang produkto ng Baguio, ito ay ang ‘strawberries’. Hindi lamang tipikal na strawberies na napipitas sa mga taniman kung hindi ay ginagawa rin nila itong ‘ice cream’.
Tumblr media
Kilala ang Baguio City bilang “The Summer Capital of the Philippines” dahil sa taglay nitong lamig. Ito ay matatagpuan sa itaas ng bundok. Sinasabing noong dekada 70, ginawang taguan ng mga prile at madre ang Baguio upang makaligtas sa mga sundalong nais pumuksa sa kanila. Dahilan kung bakit napakaraming umusbong na kwentong katatakutan sa lugar ng Baguio City. Sa kabila ng mga ito, hindi parin maitatanggi ang angking ganda nito.
Napakaraming lugar na maaring puntahan sa Baguio City, kabilang na dito ang mga lugar na aming napuntahan:
Tumblr media
Sta. Catalina Spirituality Center
Matatagpuan ang Sta. Catalina Spirituality Center sa 20 Marcos Hi-way, Baguio City 2600. Isa ito sa pinakasikat na retreat house sa Baguio. Ito ay isang venue para sa Espirituwal at pagpapayaman para sa Mga Mag-asawa at Singles para kay Kristo at iba pang mga pangkat na nagtatrabaho para sa Katotohanan, Hustisya at Kapayapaan. Pinamamahalaan ito ng Dominican Sisters ng St. Catherine ng Siena, Philippines sa tulong ng isang disiplinado, mahusay na sanay at kwalipikadong tauhan. Ito ay isang sentro para sa Espirituwal at moral na pag-unlad ng mga kabataan at matatanda.
Tumblr media
Noong unang araw namin sa loob retreat house na ito, maraming pangyayari agad ang nabuo rito. Nagkaroon kami ng misa sa maliit na chapel na matatagpuan sa ilalim ng retreat house. Pagkatapos naman namin magmisa. Umakyat na kami sa mga silid upang maiayos na ang mga gamit namin. Sa aking unang paghakbang sa hagdan patungo sa aming silid, makikita ang mga kabighabighaning larawan ng mga madre na nakapaskil sa dingding ng hagdanan. Konting hakabang pa ay makikita naman ang sunod sunod na hilera ng mga silid. Sa aking pagtapat sa aming silid, aking nakita na ang aming silid ay nakapagitna sa fire exit at restricted area. Noong una masasabi kong nakakatakot.
Tumblr media
Ngunit ng ikalawang araw na ng aming pamamalagi sa retreat house na ito ay bahagyang nawala na ang aking pangamba na baka mayroon nga sa lugar na ito. Bumaba na kami sa hall upang maisagawa na ang aming retreat session. Habang humahaba ang araw mas nagkakaroon kami ng pagkakataon na makapaglibot sa lugar na ito.
Tumblr media
Matatagpuan sa gilid ng retreat house ay ang isang malawak na hardin na kung saan napapaligiran ito ng mga halaman.
Tumblr media
Sa umaga magandang tanawin dito ang kabuuan ng Baguio City. Sa gabi naman, madadama mo ang lamig ng simoy ng Baguio.
Tumblr media
Sa huling gabi ng aming pamamalagi sa retreat house na ito, sinulit na namin ang mga bawat sandali. 
Tumblr media
Masasabi kong napakaraming aral na matututunan sa lugar na ito. Mararanasan mo din na mawala ng kahit saglit lamang ang iyong mga problema.
Tumblr media
The Mansion
Ang The Mansion ay matatagpuan sa  Leonard Wood Road, Baguio 2600. Ito ay ginawa noong 1908 upang magsilbing  official summer residence of U.S. Governors-General. 
Tumblr media
Mayroon itong napakagandang disenyo na gate. 
Tumblr media
Sa tapat ng napakagandang tanawin ng The Mansion, matatagpuan ang samu’t saring bilihin, maari ring magpakuha ng litrato sa mga kabayo o hindi kaya ay makapagsuot ng damit ng mga igorot.
Tumblr media
Matatagpuan din dito ang iba’t ibang likha na sining ng ating sariling kababayan. Sa aking paglalakbay sa tapat ng The Mansion, Nadaanan ko ang mga likhang obra ng isa nating kababayan, kung kaya’t ako ay nagpaalam kung maari ko ba itong kuhaan ng litrato. 
Tumblr media
Sa dulo naman ng mahabang paglalakad ay matatagpuan ang mga iba’t ibang mabibilhan ng mga pasalubong. 
Tumblr media
Philippine Military Academy
PMA (philippine Military AcademyPMA (philippine Military Academy) Ito ang paaralan na nakatayo sa Fort Del Pilar, loakan Baguio city na nagsasanay ng mga Sundalo ng ARMY , NAVY at Air Force sa pilipinas.
Tumblr media
 Ang PMA ay isa din Tourist attraction dahil sa mga nakadisenyong lumang armas at mga sasakyan na ginagamit sa nakaraang gera at iba pa.
Pagpunta ko at ang aking pamilya sa Baguio ay para dito kame magcelebrate ng pasko, Sa PMA kame nanuluyan ng 1 linggo dahil meron kaming kamag anak na isang sundalo at inimbitahan niya kame sa kanyang tirahan para hindi na kame gumastos sa hotel.
Pagkatapos namin maiayos ang aming mga gamit ay nagimula na kaming mag gala at kumuha ng mga litrato sa magagandang gusali at mga display sa PMA. Dahil Doon kame natutulog, Hindi limitado ang oras ng aming pag gagala sa loob ng PMA.
Dahil ang PMA ay isang lugar sa mga sundalo, Kami ay sumunod sa mga Batas sa nito sa loob ng PMA.  Napuntahan Din namin ang ibang lugar sa PMA na hindi madalas napupuntahan ng mga turista.
Tumblr media
Burnham Park
Ang Burnham Park ay ipinangalan kay Daniel Burnham, isang Amerikanong arkitekto na tagaplano ng lungsod para sa Baguio. Dinisenyo niya ang parke at ang orihinal na mga plano para sa lungsod, at nagsimula ang pagtatayo noong 1904. Ang burnham ang mayroong ibat ibang sasakyan na maaring magamit tulad ng bangka at bisekleta at mayroon malawak ng damuhan na maaring ipag picnic.
Tumblr media
Sa burnham park, Sinubukan namen ang ibat ibang sasakyan katulad ng bangka at bisikleta. Nagkaroon ako ng magandang ala ala sa pagsakay namen sa bangka sa gitna ng burnham park. 
Tumblr media
Habang kame ay nakaskay na ay muntik ng mahulog ang sagwan na aming ginagamit at muntik na rin mahulog ang aking pamangkin.
Tumblr media
pagkatapos nito ay nagbisikleta naman kami, Ginamit namin ng aking pinsan ang bisikletang dalawa ang padyakan at nagkarera pa kame ng mga pinsan ko. hindi kame nakagamit ng rollerskate ngunit sinubukan namin ang mga pagkain ng tinitinda sa burnham.
Tumblr media
Nung kinagabihan na ay pumunta kame sa isang restaurant sa pinakataas na baitang ng gusali at kami ay kumain ng hapunan. pagkatapos non ay umuwi na kami para makagala kami ng maaga kinabukasan at hintayin ang pasko.
0 notes