Tumgik
vasquezjemina · 5 years
Text
Bastos ka!
Napapanahon ngayon ang paggamit ng social media bilang isang medium kung saan ginagamit itong paraan upang pagintingin ang kumpiyansa sa sarili. Ngunit di mawawala ang kabastusan ng mga tao, ang kabastusang tinutukoy ko dito ay ang pagtingin ng mga babae sa lalaki at ng mga lalaki sa kababaihan.
Umu-usbong ngayon ang isang agenda laban sa hindi pantay na pagtingin sa dalawang kasarian. Ipinaglalaban nag mga feminismo ang kanilang karapatan bilang isang tao at hindi bilang isang bagay. Hindi naman na bago sa atin ang isyu sa mga kababaihan bilang isang bagay na pamparaos lamang ng kalibugan at paanakan. Bukod pa riyo ay di na rin bago ang opresyon sa kababaihan na sila ay pang-gawaing bahay lamang at sila ay nangangailangan ng bubuhay sa kanila at ito ay tinatawag na kalalakihan. Dito nabuo ang patriarchal society kung saan ipinapakita ng lipunan na mas malakas ang kalalakihan kesa sa kababaihan. Ngunit saan nga ba nagsimula ang patriarchal society?
Sa mga sinaunang panahon ang mga babae ang kinikilang lider ng isang tribo maging sa mga kinikilalang diyos noon . Tulad na lamang ng kinwento ng aming prof na ayon sa “The origin of life” kung saan ang mga lalaki ay napunta lamang tuwing mating season kung saan sila ay nakikipag talik lamang sila sa kahit kaninong babae upang mas dumami ang kanilang grupo. Ngunit sa pagtagal ng panahon ay natuto ang mga kalalakihan at sila ay nagdebelop ng ugaling pamamay-ari, kung saan sila ay naging mas maingat sa pagpili ng babaing kanilang sisipiin sapagkat ito ang magibigay sa kanila ng tagapag mana ng kanilang mga ari-arian at dahil dito ay nabuo ag konsepto ng pagiging birhen at kasal kung saan lalaki ang namamhala dahil sila ang bumubuhay o sila ang may ari-arian. 
Ito ang tiuturong dahilan kung bakit hindi pantay ang pagtingin sa mga kababaihan. Ngunit di lang naman sa kababaihan nangyayari ang ganito, pati na rin sa kalalakihan. Dahil sa sila ang inaasahang bubuhay sa pamilya ay ipinapamukha sa kanila ng lipunan na dapat sila ay may magandang trabaho at sapat na sweldo. Bukod pa riyo ay inaasahan ng lipunan na sila ay matapang at lalaki kumilos o macho kung tawagun, Ito ang sinasabi kong kabastusan nating mga Pilipino, ang kabastusang ito ay ang paraan ng pagtingin nain sa mga taong nakapaligid sa atin. Dapat itigil na ang kabastusang ito sapagkat ay wala naman iting magandang nagagawa sa ating lipunan kundi ay isang ideyalohiyang mundo lamang sapagkat may kanya-kanya tayong paraan ng pamumuhay at karapatan nating resputuhin ang isa’t isa. 
0 notes
vasquezjemina · 5 years
Text
Iyan ang Idol ko!
 Sa panahon ngayon ay dumadami na ang mga kinagigiliwan ng tao na mga palabas sa tv mapa-internasyonal man o lokal kung kaya’t madami na rin silang iniidolo na artista, singer o komedyante. Ngunit  ano nga ba ang pamantayan ng mga tao sa kanilang iniidolo? 
Marami na ring palabas ang sumisikat sa ngayon at patok na patok ang mga kwento tungkol sa pamilya at kahirapan ng mga mamayan ng bansa. Ngunit di ba natin napapansin na ang mga palabas na ito ay  di tunay sa sumasalamin sa realidad ng mundo at ito lamang ay lumalason sa ating isipan. Madami na kong napapanood na palabas kung saan ang kwento a yumayaman ang isang napakahirap na tao kapag siya ay nagpursgido at walang reklamo sa sistema. Ang mga ganitong palabas ay lumalason sa isipan ng mga tao na dapat ay hindi sila magreklamo sa gobyerno kahit katiting lamang ang kanilang sasahurin dahil inaasahan nila na dadating sila sa punto na sila ay yayaman na ika nga sa palabas na ang mga inaalipin ay aasenso. Dahil dito ay patuloy pa ring nagpapa-alipin ang mga Pilipino sa gobyernong walang ginawa kundi magnakaw. 
Bukod pa rito ay ay marami ring palabas at adbertismong nagpapakita ng pamantayan ng isang idolo. Ito ay dapat maputi, payat, at kaaya-aya tignan. Ang mga adbertismong ito ay nagdudulot ng insekyur sa mamayang Pilipino dahil hahangarin nilang maging katuad ng kanilag idolo. Bukod dito ay ito na rin ay naging isang social construct image ng mga babae at lalaki. Sinamantala naman ito ng mga kapitalista at naglabas ng mga produkto tulad ng pampaputi at pampapayat. 
Tayo bilang isang mga manonood ay mahalagang matuto tayong mag-isip ng tama at di naayon sa nakakarami. Matuto tayong magkritika ng mga palabas upang mamulat tayo at wag malason ang ating mga isipan sa mga inaakalang aral na binibigay nito. 
0 notes
vasquezjemina · 5 years
Text
Ano bang alam mo sa akin?
"Kilala mo ba kung sino talaga ako?", "Wag kang umasta na parang alam mo kwento ng buhay ko". Ito ang mga katagang lagi nating naririnig o nababasa kapag napag-uusalan na ang pribadong buhay. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging pribado? Ano ang nga ba ang katangian ng isang pribadong buhay?
Sa panahon ngayon ay lubusang lumalabo na ang linya sa pagitan ng pribado at publikong buhay. At ito ay ang kagagawan ng internet. Ang internet ay isang medium kung saan nagtatala ang mga tao ng mga impormasyong nais nila ipagbigay publiko tulad ng pagkakakilanlan upang sila ay makilala. Ginagawa ito upang magkaroon sila ng komunikasyon sa mga taong kakilala nila kahit na ito ay malayo. Ngunit dahil sa medium na ito ay nakakalimutan na ng mga tao kung ano ba talaga ang tunay na dapat paggamitan nito. Marami sa atin ang halos itala na ang mga pribadong impormasyon tulad na lamang ng kasalukuyang lokasyon, problema o isyung ikinasasangkop sa ngayon.
Sa ganitong pamamaraan ay nakakalimutan na nating mga tao na mayroong pagitan ang pribado at publikong buhay at sa pagkawala ng pagitan na ito ay maaring magdulot ito ng panganib. Ang panganib na sinasabi ko dito ay ang mga inpormasyong inilalagay natin sa internet, tulad na lamang ng mga account sa bangko. Bukod pa rito ayon sa mga aking nababasa ay ang mga camera sa ating mga gadyet ay naa-access ng gobyerno o kung sino man kung kaya’t maari nilang makita ang mga ginagawa mo at maari nilang magamit ang iyong mukha sa kahit na anong paraan dahil sa paggamit ng mga filters kung tawagin. Naging isa na ring taktika ito ng mga kriminal, inaalam nila ang lokasyon ng biktima sa pamamagitan ng pagsunod dito gamit ang socila media kung saan nalaman nila na walang tao sa nahay ng mga ito kaya’t madali nila itong napasok at nanakawan. 
Bilang isang gumagamit ng internet ay mahalagang isipin muna natin kung ito ay angkop pa bang i-post sa social media. Mahalaga ring mag-ingat tayo sa mga impormasyong ibinabahagi natin sapagkat maaring mangyari sa atin ang mga panganib na naitlathala sa taas.
0 notes
vasquezjemina · 5 years
Text
Asan ang mga Pilipino?
Ang bansang isinilangan
Pilipinas kung tawagin
Pilipino ang tawag sa amin
Katangia'y mahalin ang sariling amin
Ngunit asan ang mga pilipino
Tila naglaho; ito kaya'y kagagawan ng mga dayo?
Nawawala na ang mga Pilipino
Ito'y ating hanapin;
Dahil baka aming bansa'y paslangin
Maraming bansa ang nanakop sa Pilipinas kung kaya't halo-halong kultura ang bumubuo sa atin. Ngunit ano nga ba at sino ang mga Pilipino? Tayo ba ay sumasalamin sa pinaghalong kulturang sumakop sa atin? o tayo ba'y nananatiling Pilipinong may sariling atin? Mahirap ibalik ang ating tunay pagkakakilanlan sapagkat ito'y patuloy na malabo sa ating mamayang Pilipino kaya’t patuloy natin kinikilala ang ating sarili batay sa nakagisnan.
Ang mga Pilipino ay mahilig maki-ayon sa mga bagay na napapanahon kaya't mabilis tayong manipula ng ibang kultura. Tulad na laman ng mga bagay na bago sa atin at taliwas sa ating mga nakagisnan o mas maganda sa ating nakagisnan. Hindi ko sinasabing masama humanga sa kultura ng iba, ngunit ang problema ay ang maaring pagkawala ng ating sariling kultura. Dahil sa kahiligan nating ito ay napapatay natin ang sariling kultura sapagkat maraming Pilipino ang isip kolonyal kung saan mas tinatangkilik ang gawa ng ibang bansa at kinukutsa ang sariling atin. Ito ay nakakabahala sapagkat pinapatay nito ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino at ang kultura natin.
Kaya't hinihingkayat kong gumising ang lahat sapagkat ito ay isa sa mga malalaking problemang ikinahaharap ng Pilipinas. Tangkilikin ang sariling atin, ipalaganap ang kulturang Pilipino. 
0 notes
vasquezjemina · 5 years
Text
Sino ang tunay na mayaman?
"Nasaan si Pedro? Namimili na naman ng gamit? Ang yaman talaga ni Pedro, pero balita ko maliit lang ang kinita niya ngayon."
"Pedro ano iyan? Bagong damit? Umaasenso ka na talaga mamahalin iyan ah imported, parehas naman tayo ng sahod bakit ang yaman mo na?"
Mayaman nga ba talaga si Pedro? Sabi ng iilan oo, sapagkat nabibili niya ang mga gamit na mga pangmayaman kung tawagin. Ngunit tunay nga ba siyang mayaman? Ang sabi ng sistema oo, ngunit niloloko lamang tayo ng sistema binubulag tayo ng sistemang kapitalismo upang maitago ang tunay na kalagayan nating mga Pilipino. Tinatago nito ang tatsulok, at patuloy niting binabaon ang mga nasa baba. Ipinapakita nito sa masa na nangangailangan ng pera upang maisagawa ang kanilang mga hangarin. Nilalason rin nila ang ating mga isipan tungkol sa estado ng bansa at nating mga mamamayan. Kung dati ay mga nasa mataas na uri lamang ang nakakabili ng mga produktong tulad ng lotion, make-up at branded na damit, ngayon ay nabibili na rin ito ng mga karaniwang tao. Ito ay dahil sa stratehiya ng kapitalismo, naglabas sila ng mga tingi-tinging produkto na kamukha ng mga produktong ginagamit ng mga matataas na uri na lumalason sa isipan ng mga tao kung saan inaakala nila ay umuunlad ang kanilang pamumuhay.
Ang isyung ito ay maiuugnay din sa edukasyon, ipinapakita ng sistemang ito na nangangailanagan ng malaking halaga upang makakuha ng kalidad na edukasyon. At kahit mahirap ka ay dapat makapag-aral ka sa isang mahal sa prestihiyosong unibersidad upang makakuha ng kalidad na edukasyon na tutulong sa iyo upang makakuha ka ng magandang trabaho. Sa ganitong sistema ay tila napagkakakitaan ang edukasyon, maglalabas ng malaking pera ang mga mamamayan at ang sukli sa kanila ay ang walang kasigaraduhang kinabukasan.
0 notes
vasquezjemina · 5 years
Text
Isa ang Pilipinas sa pinakamadaming bilang ng mahihirap sa buong mundo at bukod pa doon ay marami ring mga Pilipino ang walang regular na trabaho. Ngunit bakit asal mayaman tayong mga Pilipino? Ito ba ay dahil sa ating ugali na "pride"kung tawagin kung saan kaya nating isuko ang lahat maipagsabayan lang sa mga nakakarami?
0 notes
vasquezjemina · 5 years
Text
Traydor na regalo
Maraming taon na ang nakalipas mula nung ipinakilala ng mga Amerikano ang edukasyon sa Pilipinas. Ito ang naging paraan nila upang tuluyan nila tayong masakop at maging maganda ang pagtingin natin sa kanila. Ngunit ang mistulang regalo na ito ay ang siya palang bubura sa ating pagka-Pilipino.
Pinaniwala tayo ng mga Amerikano na may magandang maiidudulot ang edukasyon sa ating buhay sapagkat tayo raw ay magkakaroon ng kaalaman sa mundo at ito ang makasasagot ng mga katanungan sa ating isipan. Sinimulan nila ito sa pamamagitan ng pagturo ng kanilang lenggwahe---ang Ingles. Sa pagpasok ng lenggwaheng ito sa'ting bansa ay unti-unti na rin nating isinasagawa ang kanilang kultura. Simula sa pananamit, pagsasalita at maging sa relihiyon. Binura ng regalong ito ang tunay na pagkatao ng mga Pilipino.
Ngunit paano natin maiaalis ang sumpang regalong ito sa ating nakagisnan kung ito ay mistulang naging parte na ng ating kultura. Ano ang kailangan natin gawin at kung paano natin ito masisimulan kung nakakulong na sa ating isipan na ito ay walang maiidudulot na masama sa ating pamumuhay bagkus ito ay makakatulong nang lubusan.
Mistulang nawala ang pagiging nasyonalismo nating mga Pilipino sa ganitong bagay sapagkat ito nga naman ay makatutulong sa ating tagumpay di lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Kaya’t tayo ay alipin habang-buhay ng mga Amerikano dahil sa kaisipang ito, nakatatak sa ating mga isipin na hindi tayo uunlad kung sa Pilipinas tayo mamamalagi. At ang nagiging bunga nito ay patuloy tayong nagiging alipin ng mga Amerikano at iba pang mga dayuhan dahil ang mga napag-aralan natin sa Pilipinas ay ating isinasagawa di para sa ikau-unlad ng ating bansa kundi ay para sa iba. At nagiging dahilan din ito ng di pag-unlad ng ating bansa. kaya’t mahalagang itatak natin sa ating isipan na unahin ang sariling atin sapagkat ito ang humubog sa ating pagkatao at ito ang ating pagkakakilanlan.
0 notes
vasquezjemina · 5 years
Text
Edukasyon: Karapatan o Pribilehiyo?
Ano nga ba ang edukasyon? Ano nga ba ang konsepto ng edukasyon? Itinuturing itong isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao dahil ito ang pinaniniwalaang huhubog sa ating kinabukasan. Ngunit bakit iilan lang sa atin ang nakakapagtapos ng pag-aaral?
Mahal ang edukasyon sa Pilipinas, ito ang tinuturong dahilan. Upang makamit ang mataas na antas ng edukasyon nangangailangan ito ng malaking halaga. Kailangan ng malaking pera upang makapag-aral sa mga prehistiyosong unibesidad tulad ng Ateneo, La Salle o UST . Pero kung wala kang pera ay saan ka makikita? Dalawa lamang iyan kung hindi sa isang publikong paaralan, ay isa ka sa mga di nakapagtapos na nagtitiis sa mababang sweldo dahil iregular sa trabaho. 
Bukod pa sa kamahalan ng edukasyon ay mayroon pang isang problema, ang mga pribadong institusyon na may hawak ng mga dapat pampublikong sektor. Ito ay kadalasan nangyayari kung saan ang mga pribadong institusyon na ito ay hawak ng isang pampublikong opisyal na kung saan pinapaniwala nila ang masa na ito ay para sa publiko na ang totoo naman ay ito ay para sa kanila. Ito ang mga lumalason sa kaispan ng mga Pilipino kung saan pinapaniwala nila na may pag-unlad na nangyayari sa Pilipinas.
Ihantulad natin ito sa edukasyon, tulad ng mga pampublikong unibersidad gaya ng PUP at UP ay di maalintala na hindi ito nabibigyan ng sapat na pondo. Ang mga unibersidad na ito ay libre at walang kahit anong binabayaran, ngunit tulad na lamang ng PUP, ang unibersidad kung saan ako ay nag-aaral ngayon, ay sobrang salat sa pondo na kung saan ni-tabo sa cr ay wala. Bukod pa rito ay ang pasilidad ng paaralang ito ay hindi nagpapakita ng isang ligtas at komportableng kapaligiran, at bukod pa rito ay walang mga prof na pumapasok dahil wala sa tamang oras ang pagbigay ng sweldo na ayon sa aking naririnig ay nahuhuli ito ng apat na buwan. 
Ang tanging gusto ko lang sabihin ay dapat maging mulat tayo sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, ginagawa na tayong mang-mang ng ating kapwa Pilipino. Ipinapaniwala nila sa atin na may ginhawang mararating ang Pilipinas at ang mga tax na ating binabayaran ay napupunta sa publiko na sa totoo lamang ay sila ang nakakaranas ng ginhawa. Sa aking palagay ito ay labag sa ating karapatan bilang tao at Pilipino. Sapagkat bukod sa tayo ay kanilang ninanakawan ay tinatanggalan din nila tayo ng karapatan na makapag-aral. 
2 notes · View notes