Tumgik
Note
Hahahahaha Salamat ha. Ang daming gumugulo sa isip ko dumagdag pa 'tong tanong mo Haha. Napasaya mo naman ako kahit papano.
I just wanna ask you about this "Walang problema. Ang problema ko mahal kita " . Wala ba talagang problema ?
Meron. Swerte mo naman kung walang problema. Ano ka, gold? Joke.
12 notes · View notes
Text
I want to feel okay, kahit para sa sarili ko na lang.
I want to feel okay.
Not happy not sad but okay. I want to feel at peace with everything and everyone. I want to lie down in my mother's lap and weep, I want to feel her hand over my head, I want her to tell me it's going to be alright I'll be okay, I'm okay. I want to not feel the way I feel, I want to feel lively, I want to live life. There's so much to what I want to feel okay is. I want him to be there with me, I want us to talk, I want to hold his hand and hug him while both of us tell each other we'll be okay. I want to be with him because everyone else feels not right, I want to feel just okay. Because I haven't felt so in years.
A. @melodiesandwords
58 notes · View notes
Text
Akala ko nasa proseso na ako ng paglimot sayo at sa mga alaala mo. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit sa tuwing nakikita kitang masaya, nakikita ko pa rin ang luha dyan sa iyong mga mata. Bakit sa tuwing makakasalubong kita, ramdam ko pa rin ang sakit na iyong nadarama. Bakit sa tuwing naririnig ko ang tinig mo nararamdaman ko ang pagkukunware mo, ang pagkukunwareng okay lang sayo ang lahat ng ito.
Pasensya na kung nasaktan kita, ayoko na masaktan ka pa ng sobra sobra kaya hanggang ngayon pinipilit ko pa ring iwasan at kalimutan ka pero hindi ko na kinakaya pilit ka pa ring nagpapakita sa panaginip ko, pilit ko pa ring tinitingnan ang mga mensahe mong nagpapalambot nitong puso ko at palihim pa rin kitang tinititigan mula dito sa malayo. Oo, hindi ko inamin sayo na mahal din kita pero alam ko na naramdaman mo na minahal kita ng higit pa sa kaibigan. wag kang mag alala minahal kita at hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Salamat pa rin sa mga alaala masaya man 'to o masakit basta galing sayo maiintindihan ko.
1 note · View note
Note
Dahil hindi lahat ng pakiramdam totoo. Minsan kelangan mo munang isipin kung okay ba talaga na ganyan na lang kayo. Ang hirap sundin ng puso lalo na kung laging utak ang nasusunod sa mga desisyon mo.
Bakit may mga taong ipaparamdam sayo na okay kayong dalawa, yung tipong kahit hindi kayo magsabihan ng tunay na nararamdaman. alam nyong may something. Araw araw kayo mag kausap. Tapos isang araw..... nawala. Kaya ang sarap magwala :)
Baka na-excite lang sa 'yo. Para sa kanya, isa kang istasyon pero hindi destinasyon.
14 notes · View notes
Text
12am thought ?
Actually, it's my daily thought to feel better, to do the best that i can, to choose my own battle, and to be happy coz no one will do that for me:) everyone is suffering in their own problems and struggles everyday.
Maaaring okay ka pero sila hindi. Ang dami pa nating kayang gawin, wag nating hayaang balutin tayo ng lungkot at problema.
So, choose to be happy😉
Deserve nating maging masaya araw araw😇
1 note · View note
Text
Tumblr media
To those people suffering from heartbreak, I hope this message helps you to keep goin :)
1 note · View note
Text
Mga araw na binabalot ka ng kalungkutan, sa tabi mo ako'y laging nandyan.
Mga araw na walang magkita ng halaga mo, ako lang ang nagparamdam sayo nyan.
Sinamahan kitang hanapin ang sarili mo, ngunit ako naman yung nawala sa sarili ko.
Dinala kita sa sayang tinatamasa mo ngayon, ngunit nasaan na ako ?
Oo nga pala. eto na ako, binabalewala mo.
Sa susunod na kailanganin mo ako, limitado na ang halagang ibibigay ko sayo.
Sa sarili ko'y magtitira na ako.
Mahalaga ka kung minsan sa iba dahil nakikinabang sila.
24 notes · View notes
Text
Ito ang pyesang sa kalagitnaan ng pagtulog ko, bigla na lang tutulo itong mga luha ko.
Marahil tama ka, mahina ako at takot sa bagay na malabong mangyare pa. Masyado nga siguro akong pinangungunahan ng kaba at takot, lalo na sa mga ganitong araw na utak lang gumagana at hindi itong pusong nasasaktan sa mga nangyayare sa ating dalawa.
Siguro tama ka, duwag ako.
Duwag ako, dahil hindi ko sinubukang sumugal sa maling pagmamahal. Hindi madali sa akin na sundin itong laman ng isipan ko, at lalong hindi madali para sa akin na balewalain ng ganun na lang itong nilalaman ng puso ko. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa mga mensaheng iyong iniwan, mensaheng kahit kailan hindi ko malilimutan dahil ikaw ang unang lalaking nagsabi sa akin na — "Sana nga hindi na lang kita nakilala" . Pasensya na, nakilala mo pa yung simpleng ako na hindi kayang sundin ang nilalaman ng damdamin. Pasensya na, nakilala mo pa yung nagpabago ng pananaw mo sa buhay. Pasensya na, kung ako lang ang nasa tabi mo no'ng panahong walang andyan para makinig sayo.
Pasensya na. Kung natakot akong iwan ka sa ere – kaya ko nasabing hindi tayo pwede.
1 note · View note
Note
Thank you :)
nasa iisang workplace lang kami, araw araw nagkikita at araw araw nagkakasalubong ang landas namin, kaya ang hirap para sa 'kin na hindi tanungin yung sarili ko kung ano ba talagang problema. Ako ba o may nagawa ba ako ? Yung pagiging madaldal ko nawawala pagnakikita ko sya tapos umiiwas pa din sakin. And the worst thing is " Ako lang yung iniiwasan nya, ako lang ang hindi nya kinakausap ". Nakakapagod syang intindihin pero alam ko may reason kung bakit sya ganun.
Btw, thankyouuu again. Atleast dito may pumapansin sa 'kin :)
Paano ba iapproach yung taong umiiwas ng hindi mo alam ang dahilan ? Napapagod na kase yung utak ko pati 'tong puso ko . :(
You have to take it easy. Let that person breath for them to consider the situation on their own. Kase if you constantly try to talk to them even they keep ignoring you, magiging annoying kalang sa kanila.
Let them be. You cant control their choices. Libangin mo muna yung sarili mo instead of just being worried about their choice. You are worth more than you know.
Yep, di na sagot yung question na "Paano" but sana makatulong yan.
7 notes · View notes
Text
Magugulatin ako, kaso kanina puro gulat na lang ang nangyayare sa 'kin.
Sabi ni kuyang guard sa 'kin : ingat ka, baka magkasakit ka nyan sa puso.
Me : iniingatan ko naman po ang sarili ko, ako lang po talaga yung hindi iningatan. :(
Shemss. Unti unti kong nasasabi yung mga sakit na nararamdaman ko sa pag hugot hugot kong 'to.
1 note · View note
Text
📍Let's cheers for more written poem📝
Tumblr media
1 note · View note
Text
Hindi na
Sya pa din ba ?
Sana ako naman diba ?
Hinihintay pa rin kita,
Kahit alam kong bumalik ka na
Sa kanya.
1 note · View note
Text
Tumblr media
Mahalin mo sana ng buo ang sarili mo upang hindi mo sa iba hanapin ang mga bagay na ipinagkakait mo sa iyong sarili.
Madaming tao ang gustong magmahal sayo ngunit sarado pa rin ang puso mo dahil sa taong naging dahilan ng pagkawasak mo. Madaling makahanap ng kapalit, ang mahirap hanapin ay yung taong hindi ka ipagpapalit.
2 notes · View notes
Text
Madami akong kwentong tungkol sayo, ang dami mo kasing ibinibigay na rason para maging laman ng araw araw kong kwento
1 note · View note
Text
Ang sakit no ? Lalo na kung sa iba mo malalaman yung totoo. Then, magagalit ka kasi feeling mo sinasaksak ka nila habang nakatalikod ka knowing na hindi mo lang talaga matanggap sa sarili mo na lahat ng sinasabi nila sayo. Sadyang masakit kasi hindi ka tumatanggap ng opinyon ng iba.
Truth can really hurt.
1 note · View note
Text
Tumblr media
Sa bandang huli, marerealize mo na wala ka na palang ipinaglalaban. Dahil unti-unti na syang bumibitaw sa mga pangakong sya mismo, hindi nya kayang patunayan sayo na hanggang dulo ay may kayo.
1 note · View note
Text
Tumblr media
1 note · View note