Tumgik
thejackyyyyblog · 3 years
Text
Ang anking ganda ng Busay Cebu City
MGA MAGAGANDANG LUGAR NA HINDI MO DAPAT PALALAMPASIN SA BUSAY , CEBU CITY , CITY Sa ilang buwan nating hindi nakapag pasyal at nakagala ay hindi naba kayo naiinip? Gusto niyo ba ng preskong hangin at magagandang tanawin? Hali na at pumunta sa busay cebu kung saan nandito ang mga pasyalan na siguradong inyong balik balikan. Ang busay ay isa sa mga lugar na kung saan dinadagsa at dinadayo talaga ng ma raming tao dahil sa angking ganda nito at kung saan ang mga pasyalan nila ay talagang kamangha-mangha. At kung ikaw ay gusto ng kakaibang sakayan ay ang busay ang magandang lugar para sa iyo kaya ano pa ang hinihintay mo? Tara na. 
 Mga ilang pasyalan sa busay!
 Mountain View Nature’s Park
 Ang Mountain View ay isang pasyalan na kung saan makikita mo ang magagandang tanawin at may mga kakaibang sasakyan tulad ng “zip line” at marami pang iba at may mga kwarto din sila para pina rerentahan . At maliban sa mga tanawin ay may “infinity pool” sila na talagang nakapag agaw atensyon ng mga tao at isa ring ito sa mga pasyalan na dinadagsa at binabalikan ng mga madla. Higit pa diyan ay umaalok din sila ng mga inunumin at hindi na kayo mamomoproblema sa pagkain dahil may mga iilan na nagtitinda don. Kaya arat na! 
Tumblr media Tumblr media
Sitio Garahe Busay , Cebu City 6004 Philippines.
 Tops of Cebu 
Ito ay ang perpektong lugar kung saan gusto mong makita ang kabuuang Cebu at ang lugar na kung saan ay maganda rin para sa magkasintahan dahil ang lugar na ito ay patag at may mga upuan para comportabli ang iyong pag tanaw mo sa kabuuang Cebu at may mga maliliit din na mga kubo doon na nagtitinda ng mga pagkaon at inunumin. At magdala kayo ng dyaket kasi ang lamig don. 
Tumblr media Tumblr media
Cebu tops Rd, Cebu City , Cebu 
 Temple of Leah 
 May kwento sa likod ng pasyalan na ito na kung saan ang kwento sa pag ibig ni teodorico soriano adarna para sa kanyang napayapang asawa na si leah albino-adarna . Itong museyo na ito ay pinatayo ni teodorico na nagsisimbolo sa pagmamahal niya sa kanyang asawa nasumasakabilang buhay. Ang makikita niyo dito ang mga ibat ibang rebulto ang mga makakatindig balahibong mga tanawin . Makakapasok kana sa 80 pesos lang . Kaya ano pang hinintay mo? Punta na!
Tumblr media Tumblr media
 Highland Busay Cebu City 
 Sirao Garden - Little Amsterdam 
 Ang mga magaganda at malalaking bulaklak ay dito mo matatagpuan. Ang sirao ay may paligoan din sila na kung saan para sa mga bata lamang. Dito ay mga ibat iba rebulto din sila na tiyak magugustohan natin lalot-lalo na sa mga bata . At ang lugar na ito ang saktong sakto sa mga gustong gusto ng magagandang lugar kung saan gusto niyo kuhanan ng magagandang larawan. Makakapasok kana dito sa halagang 100 pesos. Abot abot sa bulsa. 
Tumblr media Tumblr media
Brgy. Sirao , Cebu City 
 Hali na at tuklasin ang mga magagandang lugar . Maging responsabling mamasyal at sumunod sa mga paalala. Wag ng patumpik- tumpik pa punta. Para sa karagdagang impormasyon maari kayong pumunta sa mga kani- kanilang social media na ilalagay ko sa ibaba! 
https://www.facebook.com/MountainViewNaturesPark
https://www.facebook.com/topofcebu/
https://www.facebook.com/TempleOfLeah
https://www.facebook.com/siraogardencebu
2 notes · View notes