Tumgik
#prserene
chereserene · 8 months
Text
tw: stalking
Gagi, kaya sobrang nakakatakot talaga ibang tumblr ppl esp. guys eh hindi na nila alam yung boundaries ng admiring from afar sa stalking.
I also do encounter tumblr anons and weird ppl talaga na nagfafollow using dummy account sa ig. Buti na lang as an observer person and NBI skills ng babae kapag may nagfollow sakin sa ig na dummy account, auto block agad and di ako nagaccept ng following (bc my ig involves not just me but my family, friends and my students).
Constantly na rin ako nagpapalit ng un kasi nakakatanggap pa ako ng dms and following na ang creepy at the same time.
Pero tangina niyo pa rin dapat alam niyo boundaries ng personal and social media. Kapag private yung account wag niyo na ipilit, ilang gawa ng accounts para lang maaccept.
Pati yung mga dms na natatanggap ko sa tg. Kapag binigyan kayo ng consent to message within ig or tg dun lang kayo magmessage kaya ang creepy talaga kapag bigla biglang may nagmimessage eh then sasabihin nakita ko kasi tg mo sa post mo. I don't entertain guys na talaga na biglang sumusulpot na lang sa kahit saang dms. Kaya ang hirap magbigay ng real name dito eh.
Magkakaiba tayo ng personality outside tumblr or any social media. I maybe professional outside tumblr and tumblr is my safe space. Make tumblr safe space for ALL.
May hangganan rin pagiging mabait ko. I'm also being kind as a friend and tumblr user pero wag lang aabot sa mambabastos na kayo paulit ulit. MAKE IT CLEAR THAT A NO IS A NO.
And i don't casually talk sa mga anon users dito. Fuck off.
PLEASE. Stop what you are doing. Kaya nahihirapan rin ako to post some of my thoughts bc of these kind of ppl eh.
Ingat palagi!!
26 notes · View notes
chereserene · 4 months
Text
Random Realization
Long post ahead: don't read
Sabi nila it is your fault kapag nakahanap ka ng hindi mabuting ama para sa magiging anak mo.
Dati iniisip ko na normal lang naman ang broken family basta iiexplain mo lang sa bata na maybe things didn't work out for the both of us.
Pero ngayon, I'm starting to realize kapag nagkikwento yung mga students ko na broken family sila, madalas nagaaway yung parents nila, or nagloko.
Iba pa rin pala talaga kapag buo yung pamilya. Iba yung epekto sa anak. Yung nakikita nila na buo yung pamilya ng mga classmates nila, pumupunta sa mga importanteng araw sa buhay nila pero sa kanila wala.
Hindi ko rin masisisi yung mga babae na kahit nagloko na yung asawa nila tinatanggap pa nila dahil gusto nila buo yung pamilyang kakagisnan ng anak nila.
Iba talaga kapag ang pov mo ng magulang. Ang dali kasi magsalita na hiwalayan mo na pero iba pala talaga kapag magulang ka na.
(Well ibang issue naman to if physical violence, I mean mga emotional o issues na hindi na naresolve or conflict na mas pinili niyo na lang na baka wala na talaga).
Kaya habang tumatagal kung ako napapaisip ako na sana hindi mangyari yun sa magiging anak ko. Ayoko na pumili ng tao na hindi kayang panindigan yung binuo naming dalawa, na hindi naman niya ako mahal kaya hindi na rin niya mamahalin kung ano yung nabuo. Na palagi kami magaaway kasi hindi naman namin kilala ng mabuti yung isa't isa o sa mga bagay na ayaw namin at di namin kayang ayusin that could lead us to separate.
Masakit. Nakakalungkot.
Sana makapili tayo palagi ng taong kahit nakakapagod na tayo pareho o sawa na, hindi na masaya. Sana pillin pa rin natin yung isa't isa.
10 notes · View notes
chereserene · 6 months
Text
Tumblr media
I stumbled upon this post earlier grabe man jud ang powerful, rold. Before I enter college gusto ko talaga maging teacher but somehow I took the long way kasi hindi ako pumasa sa gusto ko na school. Then, I took up Psychology para magkaroon parin ng chance maging teacher.
Then, I passed the board exam for psych. My first job was in finance department. That 2 years made me feel something. I'm not happy, always get tired and my heart feels so empty. Then I decided na magresign. For one year, nagaral ulit ako then I received an opportunity. I was afraid at first, dinadoubt ko talaga sarili ko. But, sobrang thankful ako sa mga taong sumusuporta and sa mga co-teachers ko na nagtitiwala at ginaguide ka talaga.
Minsan daw napaguusapan ako nga mga ex co-workers ko na hindi daw sila makapaniwala na teacher na ako. Kasi dati sinasabi ko lang sa kanila na gusto ko talaga magturo.
Sobrang layo ko na rold pero kahit malayo, matagal at paunti unti. Thank you pa rin kasi masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako na nakakatulong ako sa mga bata. Masaya ako na at one point sa buhay nila I can make a good impact and inspire them to be who they are and what they want to be.
Pero I know baka bitawan ko rin yung pagtuturo or humanap ng job na mas mataas yung sahod kasi may isa pa kaming kapatid na pagaaralin but I hope I still be able to be in this field.
One thing I pray for is mapunta sa mga bagay o trabaho na kahit nakakapagod pero mahal ko yung ginagawa ko.
9 notes · View notes
chereserene · 10 months
Text
After a Month
Sa wakas, nasabi ko na rin kay mama that we're no longer talking. Ang dami kasi niyang tanong tungkol sa kanya kanina. Kung siya daw ba yung kinita ko kanina, kumusta na raw ba siya, ano raw ba sabi niya. I badly need to stop her na kakatanong so,
I lied.
Sabi ko we decided to not talk anymore dahil sa reason na ganito ganyan in short we didn't work out, mutual naman yung desisyon kaya we let it go.
Ayoko sabihin na. Iniwan yung anak mo mama kaya please wag mo na siya tanungin kahit kailan.
Ayoko rin na maging masama yung tingin sa kanya ni Mama because Mom knows he is a good guy. He is, as far as I know. At some point, minahal ko siya and for me, he will still a good guy in my eyes.
17 notes · View notes
chereserene · 7 months
Text
Compilations of ganap
Pupunta yung manliligaw ng kapatid ko sa bahay sa saturday, imimeet niya si Mama and the rest of the fam bago siya or sila sumampa sa barko. Feel ko mas mauunahan pa ako magkain a relationship o magkajowa ng kapatid ko. Habang buhay na ata ako magchichase ng gusto sa buhay. Tangina hanggang ngayon hindi pa rin kinikilig buong pagkatao ko, minsan naman parang wala lang.
Eto pa Teachers day kasi next week. Tapos pagteacher ka dancer at choreographer ka pa hahaha nakakatuwa. Gusto ko sana magpost ng mga photos with my babies kaso privacy na masyado.
Grabe pagod this week ang daming ganap kasi magquarter exam na kailangan magaral ng paspasan. Gusto ko na lang magpahinga sa dami ng iniisip. Paano sisimulan.
Masaya ako pero nakakapagod talaga. Minsan gusto ko na lang maging baby mo huhu or iprincess treatment or di kaya mahalin rold + good sex na rin po.
9 notes · View notes
chereserene · 3 months
Text
Ilang days na ako dumadaan every uwian sa may tindahan para bumili ng ice cream yung aice fav. ko kasi talaga yun. As may stress-reliever everytime na naglalakad ako pauwi para mabawasan yung mga iniisip ko.
Ewan ko ba nastress kasi talaga ako this past few weeks. And ice cream makes me happy.
Ang bilis ko rin makalimot ng mga simple things like kunwari namisplace ko yung isang gamit ko na di ko na maalala saan ko nailagay.
Di naman mainis pero parang ang clouded talaga ng isip ko and idk how will I put this through words basta ayun pero lahat connected sa work naman, medyo nastress ako kasi parang di ko naiimpart sa mga students ko and di ko naaral ng maayos yung lesson kasi nga grabe yung pisikal na pagod.
Pagod ka na mentally at physically (well mas prefer ko to kesa pagod emotionally).
Life at 25 talaga can be so stressful. Figuring what life is while managing your time in every aspect.
Hirap alagaan ng sarili.
4 notes · View notes
chereserene · 5 months
Text
It hurts me yet I still believe them
It really hurts me when I ask someone and hindi sila nagbigay ng other details kahit hindi involved yung name. I just wanna know.
Grabe talaga yung lungkot na nararamdaman ko feeling ko I was betrayed at the same time ramdam ko na dissapointed ako sa sarili ko kasi dapat isang beses lang pero wala eh ang tanga ko talaga.
I just found out a "coincidence" when a random guy told me something and recently lang I just discover na totoo pala just bc of the photos. Wala kasing sinabi sa akin.
And naalala ko yung sinabi sa akin nung isang guy and ngayon saka ko lang napagdugtong dugtong.
At first nagdadoubt na ako but here I come my stupid self na ang daling mapaniwala.
So, totoo pala and ngayon ko lang narealize. That's so fucking sad!! Sobrang dissapointed ko sa sarili ko kasi how I wish he told me na lang sana na mismong galing sa kanya.
Naiiyak ako pag mga ganitong pagkakataon, malungkot lang ako pero di ako galit. I'm so mad at myself na sana kinonfirm ko na lang lahat muna kesa hayaan.
Putangina ko talaga. :(
I'm so fucking stupid.
5 notes · View notes
chereserene · 1 year
Text
I want to keep ours private but I prefer that everyone knows that we are dating type of relationship
18 notes · View notes
chereserene · 4 months
Text
Conversation Earlier
: ito ba yung seaman? (looking at me)
me: ah hindi po
: ah ikaw yung nagtuturo
me: yes po (with feeling na proud of myself kasi feel ko i did achieve what I want then suddenly)
: edi maliit sweldo mo?
me na nagfade yung smile
Grabe di ko alam kung ill be happy kasi palaging sweldo yung palaging unang tanong kapag nasa teaching profession ka. Hindi ka man lang kumustahin, itanong kong masaya ka. Marami na nagtatanong sa akin kung mataas ba yung sahod. Like almost everyone na alam na teacher ako sahod agad tinatanong.
And yes, aaminin ko HINDI MALAKI SAHOD NAMIN.
Nakakasad lang kasi I'm genuinely happy talaga habang tumatagal mas naappreciate ko yung mga bagay na I took the risk to do and to grow outside my comfort zone.
Tomorrow, i'm turning 25 and life is too unpredictable for me. It is a long way to go pa and i don't mind saan ako dadalhin ng mga desisyon ko sa buhay and where (him) will lead me on things I deserve. Go with the flow lang ako as long as I'm happy.
Hopefully ppl will stop having this kind of mindset
4 notes · View notes
chereserene · 3 months
Text
Life update/rants (Jan-Feb 2024)
Banned pa rin tumblr ko kahit ilang days na ako nagpacheck kay tumblr jusko
Malapit na sila lumipat ng bahay (thank u talaga), malapit na rin ako lumipat ng room
May scheduled alis na pala yung kapatid ko this feb sa sobrang tulog at antok ko di na kami nagkakausap ayun paalis na pala siya ang bilis di pa kami gaano nakakapagbonding
Nagstart na magtake ng eexam yung bunso namin syempre supportive ate pa rin ako ang kasama
Ang daming ganap sa school lately pagod pa rin palagi at nagkakaissue issue na kami
Nakausap ko na naman ulit yung mga parents regarding sa mga students ko, iba rin talaga transition ng development ng bata, ang dami kong realizations sa part na ito
Ang hirap maging magulang talaga minsan iniisip ko wag na muna maganak or kung magaanak ba ako
Katatapos lang ng founding anniversary + may HSball pa kami this feb
Resort yung nabook kaya may swimming kaming mga teachers after
Every friday laging may intrams mas nakakapagod sa pagod pa to grabe
Magcacamping din kami ngayon Feb kasama mga college besties sabi ko sa kanya gusto ko sana magback out kaso nakapagsabi na ako, sabi niya go ko na daw for experience ayun narealize ko na oo minsan nga lang rin
Ang sakit ng tuhod ko bigla bigla na lang parang bumabagsak yung muscles ko sabi ko sa kapatid ko kasi nagpamassage ako edi kapag namatay, mamatay talaga live your life to the fullest na lang
Msaya ako pag kasama siya kaso minsan apakasungit dinaig pa pagiging masungit ko ganon ata kapag teacher ka haha mahaba pasensya pero ramdam ko sa kanya na ang payapa lang at masaya ako kahit nag-aasaran lang kami madalas.
Sana rin matuto yung mga bata na itigil na yung alam nila na pagkakamali nila kasi ginagawa ko rin naman yung best ko na maibigay sa kanila yung feeling na may team adviser na sumusuporta sa kanila, may nagchicheer, may nag reremind sa mga laro nila, at hindi sila pinipressure na manalo basta maging masaya lang. Pero kung babastusin and feeling na ako yung masama sa harap nila at mabuti yung iba. Sana lumipat na lang kayo ng team kasi ibibigay ko talaga kayo.
3 notes · View notes
chereserene · 8 months
Text
Si tanga may oras pa para magstalk. Ewan ko ha, promise okay na talaga ako. Nakamove on na ako both guys. Pero as time passed by I always ask myself na bakit sila masaya. Masaya sa career, masaya sa lovelayf, masaya sa taong pinili at masaya sa ibang bagay.
Pero ako, ako na naiwan nila na wala man lang maayos na dahilan, ghinost, nasaktan etc. ayun nagstruggle pa rin to be happy.
Okay naman ako sa anong meron ako it is just that bakit sila sobra sobra yung genuine happiness na natatanggap rold, anak niyo rin naman po ako, di ko po ba deserve na sumaya at once haha chz.
Akala ko may balik kapag nakasakit ka ng iba pero bakit sila lang yung masaya rold :(
7 notes · View notes
chereserene · 25 days
Text
Stupid but not so stupid realizations
Idk if this would really make sense in a way but I want to share it.
This past few days, adulting is so sad, tired, and it starts me to realize some shits in life just bc of these reasons:
Seeing the pov of some parents regarding life bc of my students
Counseling students bc of generational traumas, financial problems and rold, idk how to help them
Attending some adult check ups bc life starts detoriating for all of us
Will never go back at being that clueless child na walang ideya sa mundo
When u starts to grow up fucking responsibilities makes u tired it is, what it is.
Fuck this society bc of money. Tangina sobrang mahal mabuhay.
And that makes me conclude one thing:
Kapag oras mo na, oras mo na talaga. O pag tinawag ka na ni Lord, bounce na tayo mundo.
Got makes me tired lang to think that this cycle will go on and on as we live. And at the same time sa magiging anak natin.
Tangina lang nakakapagod mabuhay sa mundo na may purpose ka nga (find the purpose thing) kung bakit ka nandito but it doesn't make sense how the society works (kasi sobrang unfair)
Sana nilagay na lang tayo ng Diyos sa state na kaya natin ifulfill yung mga needs natin at needs ng mga mahal natin sa buhay para hindi na tayo nahihirapan at marealize how life can be so tiring.
Or baka sa past life natin masama at mayaman tayong tao kaya ngayon nahihirapan tayo.
Oh fuck. Kapagod na sa puro positivity ng buhay na minsan mapapaisip ka na lang na rold, pwede rin po ba magpahinga sandali sa mundo tapos bubuhayin na lang kapag kailangan na ako. Fast forward dun sa stable na ako sa lahat ng bagay. Skip na natin tong pahirap at lungkot ng buhay.
3 notes · View notes
chereserene · 8 months
Text
I'm not jealous but when I try to think about it she got her favorite
Re: long post ahead don't read
This past weeks, alam ni mama na hindi na kami gaano nagkikita. Tulog na kasi ako pag dating niya at hindi na talaga ako sumasabay kumain. And it makes me sad na she knows pero wala siyang ginagawa to ask me kung kumusta ba ako.
Napapansin ko na sa kanya na everytime na nagkikwento ako, magkikwento siya about sa kapatid ko. Nakwento ko na before na mas gusto nila yung 2nd kasi she is more kind-hearted than me. Ako kasi yung tipo ng masungit sa bahay, kapag ayaw ko, hindi ako sumasagot. I don't usually smile or hindi talaga ako namamansin. Sabi ko nga I can make someone feel uncomfortable just by sitting beside u in silence. Ganon madalas yung treatment ko sa kanila. Not knowing na it is just common for me and di ko alam kung paano ko mababago yun but I'm not mad. Ganon lang ata talaga yung aura ko na I don't smile usually or sobrang cheerful.
One time, a week ata nagstart yung pasok namin nagkikwento na ako about some of my students pero minsan nasisingit bigla ni mama yung kapatid ko.
Yesterday, hindi niya ako tinatanong kung kumusta ako and she doesn't know that I'm not feeling well. Wala ngang may alam sa bahay na may sakit ako haha. Nung saturday, umaga na ako natulog and nung bumaba ako before siya umalis ng umaga. Di man lang niya ako tinanong kung kumusta ba ako, ang bungad niya sa akin kwento niya about sa kapatid ko.
One time naman, nagaayos siya and pinapakita niya sakin yung list of position sa barko na ginawa niya bago makasampa yung kapatid ko para siyang pathway kung ano yung next na gagawin. Samantalang, nung time ko ni hindi naman siya nagtanong or naging involved during my college years. Hindi nga niya alam kung anong susunod after ko grumaduate ng psychology.
Last time, first sweldo ko. I wanted to buy them something na kasya naman sa budget pero sinasabi niya sa akin na magpapabili na lang daw siya sa kapatid ko kapag nakauwi na siya.
Until now, di ko maramdaman na involved siya sa buhay ko habang lumalaki. Yes, binibigay niya lahat ng kailangan ko and she is a provider pero yung presence emotionally hindi ko maramdaman.
Alam ko naman na mahirap maging magulang pero sana kahit papaano maramdaman rin ng bawat anak niyo na nandyan kayo kapag napapagod na sila sa mundo.
It makes me sad na i know she doesn't have favorite but it feels like she already has.
Habang tumatagal at paulit ulit na nangyayari, nagsstart nang lumayo yung loob ko sa kanya. And nagsstart na rin na huwag na ako magkwento kasi she never ask me how I am.
Hindi ko alam kung kasalanan ko ba kung bakit ayaw nila sa akin o bilang anak sobrang deprive ko sa validation pagdating sa mga ganon bagay haha.
Ang weird lang na everytime na nagtatalk ako sa guidance about family kasi sila yung unang foundation mo sa life and sa kanila yung unang pagmamahal. Naiiyak na lang ako bigla kasi ganito yung nararamdaman ko and I need to divert it immediately or else iiyak ako habang nagsasalita.
Minsan hindi ko na alam kung saan pa ako uuwi.
5 notes · View notes
chereserene · 10 months
Text
Random Thoughts
Pansin ko lang kung gaano ko katagal minahal yung isang tao ganon katagal rin ako makamove on.
Yung isa almost 2 years. Halos 2 years rin ako nakamove on to the point na may new relationship na siya. Ako literally healing.
Yung isa 1 year naman pero during that phase may ghosting na eh kaya on the process ka na lang. Dapat kasi hindi na bumalik yun eh.
Recently, almost 5 months rin kami Feb-June, galing nga eh sinalubong yung June 1st di na nagusap.
Baka next year pa ata ako totally makakamove on. Hays poor me. At itatanong ulit kung saan ba ako nagkamali rold. chz
8 notes · View notes
chereserene · 10 months
Text
Random Scenario
5am things long post ahead don't read
Naalala ko lang nung one time na nagsleep over ako sa apartment niya and kinabukasan may pasok siya. Ginising niya ako with morning sex. Totoo nga yung morning wood ng mga guys. So, sino ba tayo para tumanggi. We also had morning breakfast together. Then, we went back to sleep. Nakatulog pa ako pero siya hindi na. Hindi ko na rin gaano naramdaman na nagaayos and nagbibihis na siya para pumasok. I just woke up with a kiss and nagbabye na siya para umalis. Oh fuck that feeling again.
Nakailang sleep over na rin ako sa apartment niya which I miss coming around once a week. Like nung one time na sobrang lakas ng ulan kaya hindi na ako nakauwi medyo nagaway pa kami that time kasi lamig na lamig na ako and bukas pa rin yung aircon. But, still I got more time to spend with him.
Like hindi ko alam kung namimiss ko ba yung tao but alam ko mas namimiss ko lang yung feeling na someone is taking good care of you, may nagwoworry palaging nagsasabi ng ily, ingat, good morning ang ganda mo, goodnight and those updates. Lalo na yung kwentuhan na di ka nagsasawa kasi sa kanya mo kinikwento lahat, yung kumustahin ka asking how your day was, yung random kulitan, hugs and random kisses even the sex because you know how much you love the person and you're doing it with the person you really like.
Kaya sa sex, I'm doing it raw with the person I like kasi alam ko na hindi ko pagsisihan kasi mahal ko yung tao.
But things are not supposed to be on our way. Di nga natin makukuha lahat. Bakit kasi kapag gusto ko na yung tao tska naman sila hindi na sigurado sa akin. Kaya nahihirapan ako magentertain ng kahit na sino ngayon kasi baka kapag mahal ko na yung tao marealize nila na sorry trial lang pala.
Feel ko wala namang mali sa akin. Aware naman ako sa kung anong mali sa akin (na sa tingin ko I need to improve) and I'm also trying to be more more better person pa rin naman.
8 notes · View notes
chereserene · 8 months
Text
Random Thoughts
re: long post ahead don't read i just wanna vent out how my I am emotionally.
May comfort food ako palagi after a long tiring day. May bilihan kasi ng siomai, toge at gulaman malapit sa school. Every other day nabili ako kapag kailangan ko bawasan yung mga iniisip ko or di kaya magself reflect habang naglalakad pauwi kasi walking distance lang naman yung school. Masarap kasi yung toge ni nanay to the point na minsan kahit wala ng suka and 5 pesos lang siya worth the price para sa isang katulad ko na mastress at malulungkot na naman paguwi. This past months I barely eat with them (family). Tho, weekends na lang kami halos nagkakaabutan at nagkakausap ni Mama.
Hindi ko alam umiiwas talaga ako sumabay ng kain (sa ibang fam relatives). I already said na andito sila sa, bahay months na and I really don't know why stress ako just by being around them. Hindi ko mahanap yung comfortability sa home. And it makes me so fucking tired.
At the same time, umuwi na yung kapatid ko. But i feel that we're distant. Feel ko hindi ko nagampananan yung responsibility ko as her ate nung wala siya. Because she told me na gusto niya raw kausap nung time na nasa barko siya and she needs comfort to the point na alam ko hindi ko nabigay at that specific moment na kailangan niya. At the same time, naiinis ako kasi masyado siyang mabait just like mom and she already had the capacity to decide on her own na and for me feel niya malaki na siya.
I also get jealous how my mom treated her than she treats me. Pakiramdam ko mom is being unfair on some days. And for me, she sees me as someone she can lean on and hindi isang anak that I also need to be taken care off like a small child hahaha. Ang hirap rin maging first born child na walang nagchicheck sayo if okay ka pa ba at certain point kasi they saw you as a responsible child and bigger one. It makes me sad knowing na emotionally nahihirapan ako and ako pa palaging nagsasabi na I'm open to talk about this feelings pero ako palagi yung nagtatago sa kung anong nararamdaman ako. It keeps heavy and heavier as the days goes by kasi pakiramdam ko I'm not doing my part as an ate and bilang anak.
Then, I realized damn I really don't know paano nangyari na I spend most of my time being distant with those ppl around me kasi sobrang nadidrain talaga ako every time na kakausapin ako for their personal reasons. Madalas hindi ako nagrereply and tangina hindi ko alam kung bakit, maybe I always got too emotional to the point na papasok yun sa akin hanggang magkaroon ng effect that ill be emotionally and mentally drained.
Kasi tangina even sa school, if may mga students ako na pinapatawag sa guidance office to talk about their certain behaviors, ayun hanggang paguwi naalala ko pa rin sila at yung kwento ng buhay nila na maski ako iiyak na ata kapag pinapakinggan ko.
Also, hindi ko rin alam paano ako dumating sa point na bigla akong nagtransition into someone na nagiging independent, matipid and learning things to do in an easy way. Nawalan ako ng pake sa nararamdaman ng ibang tao if hindi sila beneficial for me.
Kapag ramdam ko na this person is taking advantage of me. I also do the same with them. Kapag pakiramdam ko na low energy yung binibigay sa akin and im giving what I have to this person. Bigla akong nawawalan ng gana makipagusap and i don't find the person beneficial for my growth, nawawalan na ako ng gana in all aspect (the same as my relatives na wala ng magandang sinabi kundi i doubt yung kakayanan mo).
Like tangina, hindi ko alam why. Maybe I got used for being such a giver at dalang dala na ako na kapag may nagtitake advantage of my kindness, what I give and etc.
Nagbago siguro ako when me and him parted ways. Baka nagself reflect lang ako na I was left behind for a reason na ang bilis mangyari and di ko alam na totoo na pala yung nasa isip ko na iiwanan rin ako pero still i tried falling in love.
Kaya siguro iwas na rin ako na makipagusap kasi I'm afraid na baka maiwan ako for certain reasons na ill blame myself na may kulang sa akin or mali sa akin kaya ako iniiwan.
Don't get me wrong, if you think that I'm taking advantage of you, I know we both are.
Hahah ang daming thoughts na kailangan ko pagsamahin para gumaan yung feeling kapag naisusulat mo. It bothers me this past weeks and months.
Sana maging okay na. Sana gumaan na rin yung feeling and ill get back to my usual self. I really wanna spend time talking with mom and sabay kaming kakain lahat (mom and sisters) and talk about how our day was lalo na sa school and work. I wanna vent out and explain my side why I came to this point.
Saan nga ba tayo uuwi kapag nahihirapan na tayo?.
5 notes · View notes