Tumgik
#maitim na pusa
burn-fire · 1 month
Text
Cat and miniature cat
Tumblr media
Kuting
Kuting kuting kuting
Mula washing washing
hindi ko maintindihan
At- I forgot the rest
7 notes · View notes
iamnotaxl · 2 years
Text
That Witch is Gamata
He had no choice but to see her. Bwisit siya kay Gamata sa maraming dahilan. Ayaw na niyang i-enumerate ang lahat ng mga nakaka pesteng ginawa at pinaramadam sa kanya ng mangkukulam. Lalo lang kasing sumasama ang loob niya.
Ilang beses na niyang pinatay sa kanyang isipan si Gamata. Kung sakali man nakamamatay ang thoughts at bad words, hindi lang double dead at triple kill ang naranasan nito sa kanya. Siguradong torture ang inabot ng katawan nito.
Sa sobrang sama ng loob niya pa ulit-ulit na nag playback ang sinabi ng mangkukulam sa isip niya. Very offensive. Ilang beses na siyang napasigaw ng putang ina at mamatay ka na Gamata. Pero hanggang doon lang iyon. Hindi niya pa rin ito kayang saktan physically.
Kahit sinong makakarinig sa lumalabas sa bibig ni Gamata talagang ma o-offend. Pinsan na rin niya ang nagsabi na sa mga wala sa hulog na salitaan nito kaya napilitan silang mag alsabalutan.
Sila na ang nag adjust at umiwas. Hindi kasi babaguhin ni Gamata ang kanyang ugali para pakisamahan ang sinuman. Bullshit man pero ikaw mismo ang mag-iingat sa salitang bibitawan mo dahil si Gamata ay may mapanakit na dila ngunit madaling masaktan or easy kung ma offend lalo na kung sa iyo niya maririnig ang mga offensive words na sinasabi rin niya sa ibang tao.
Giving her the dosage of her own medicine will lead to chaos. Lalabas na ikaw ang walang respeto. Bastos. Masama ang ugali o maitim ang budhi. Pag siya ang kasama mo mahirap i-practice ang kindness. Kung makakasalamuha mo siya nang matagal mawawala ang kabusilakan ng iyong puso at matututo kang maging isang evil.
Ganoon ka tang ina si Gamata.
Biruin mo, huh? Masaya silang nag-uusap ng biglang bumanat ito, "Beggar kasi you. Kaya they pity you."
That was insulting. Pulubi daw siya kaya dapat siyang kaawaan. Paisa nga siya, putang ina mo Gamata!
Kung makapag salita ang kampon ni Lucifer akala mo hindi naka charity case. Mas masahol pa siya kung tutuusin. Pero bilang respeto hindi niya sinagot si Gamata. Respeto niya iyon sa sarili at hindi para sa isang mangkukulam na hindi alam ang salitang iyon.
Wala siyang ibang revenge kundi sagutin ito ng sumpa sa isip. Mamatay na lang si Gamata. Kailan ba mangyayari iyon? Excited na siyang ngumiti sa lamay ng mangkukulam. Ang tagal naman mamatay. Wala naman sa pusa ang kupal.
Masama talaga ang loob niya. Pero gaya nga ng nabanggit sa opening statement, he had no choice but to see her. Bullshit!
Masaya si Gamata ngayon at sure siya doon. Alam niyang sobrang excited ang mangkukulam. Nag e-enjoy sa Safari; she belongs to the zoo.
Siya na lang talaga ang mag a-adjust para hindi magtagpo ang landas nila. Hindi niya paiiralin ang pagiging confrontational bitch.
Sabi nga ni Ayn. Yung taong ito. Walang respeto. Walang mangyayari sa buhay nito. Totoo naman na walang nangyari.
Isang malutong na tang ina na lang talaga para kay Gamata.
#writing #anger #that witch is gamata.
2 notes · View notes
super-lian-cy · 4 years
Text
Aso at Pusa
Nag lalakad ang Aso noon kasama ang kaniyang amo sa isang napaka gandang lugar, Habang tuwang tuwa ang aso sa paligid at pag lalaro sa iba pang hayop roon, ay may nakita syang isang Pusa sa gilid ng dilim, gustong magalit ang aso sa pusa, subalit napansin nya ang lungkot nitong dala. nilapitan ng aso ang pusa ng dahan dahan, nagulat ang pusa at nag si taasan ang mga balahibo sa takot sa aso pero hindi umalis sa pwesto ang aso at ito ay naupo sa tapat tinignan ng aso ng maigi ang pusa, maitim ang balahibo, nanlilisik ang mata at mahahaba ang mga kuko. mga ilang minuto ay tumahan din ang pusa at naupo din ito sa harapan ng aso, naging mag kaibigan ang dalawang hayop, at nag kamabutihan. habang nag lalakad ang aso at pusa ay may nakasalubong silang mga inang tao, nakita nila ang aso at sila ay nahumaling sa buntot nito na animoy nag lalambing sa mga ito, pero ng tumingin ang isang inang tao ay “MAY PUSANG ITIM! MALAS! DAPAT ISAKO YAN AT ITAPON SA MALAYO!” nataranta ang pusa dahil papalapit sakanya ang mga taong may dalang sako at panali, tumakbo ang pusa sa malayo, nagulat din ang aso sa nanyari kaya hinabol nya ang pusa subalit hindi sya nag tagumpay sa sobrang bilis ng pusa. ilang araw ang nakalipas, nag balik ang pusa at hinanap ang aso, ngunit hindi nya ito nahagilap sa kanilang laging tagpuan, isang araw ang nakalipas sa pag hahanap ng pusa ay bumalik sya sa napaka gandang lugar kung saan sila unang nag kita, pero laking gulat at lungkot nya ay may iba na itong kalarong hayop, nakita sya ng aso pero hindi manlang ito lumapit at gawin ulit ang nakagisnan nilang dalawa dahil dala nadin sa nasaktan ng sobra ang aso dahil iniwan siya nito ay hindi nya nalang ito binigyan pansin dahil natatakot itong maulit ulit ang maiwan, nasaktan ang pusa sa asal ng aso dahil ang aso iyon ang nag iisang nakakasama nya at nakakalaro sa lahat ng hayop, lahat ito ay kinaaayawan sya dahil sa panget niyang anyong panglabas, ang aso lang iyon ang nag balak na lumapit sa kanya at naging kaibigan, hindi nya namalayang kayang mahulog ang loob ng isang pusa sa aso.
0 notes
Text
INTINDIHIN PA NATIN LALO
Tumblr media
Ang kuwento ni Coraline ay isang paraan ng pag-iisip kung saan isinasalaysay nito ang realidad ng mga modernong kabataan. Dinadala ang mga manunuod sa agos ng istorya sa pamamagitan ng third person na pananaw - at ito ay ang isang epektibong pamamaraan ng pagsasalaysay ng buhay ng isang bata sapagkat may mga bagay na hindi napapansin at naproproseso ng mga bata.
Dahil tila nabulag na si Coraline sa mala-paraisong mundo sa loob ng maliit na pinto, lalong lumalapit siya sa kapahamakan. Sa gabay ng maitim na pusa ay napupukaw siya sa katotohanan. Sinasabi ng relasyong ito sa pagitan ni Coraline at ng pusang itim na sa buhay, mayroon at mayroong mga hindi inaasahang pagkakataon na may lalapit at tutulong ng buong puso at walang kapalit.
Kung papanuorin nang mabuti ang kuwento, mapapansin na sa dalawang mundo ay dominante ang parehong mga ina - ang totoo at ang “ibang” ina - kumpara sa dalawang ama. Higit pa dito ay ang pagiging kakaiba si Coraline sa mga batang babae na kadalasang nilalarawan sa mga istorya at pelikula. Maaaring tingnan ang kuwento sa ibang anggulo at makikita na tinaayo nito ang bandera ng mga kababaihan lalo na ang mga ina. Sa sitwasyon naman ni Coraline ay ipinapakita na hindi kailangang mag-conform ang mga kababaihan upang sila ay mas malakas at mas papansinin.
Sa kabuuan, ang pangunahing pag-iisip na nakapaloob sa istorya ay ang katotohanan na sa totoong buhay, walang perpekto - walang puro masaya at matatamis lamang - at hindi dapat iniiwan nang ganoon lamang ang mga taong importante para sa panandaliang kasiyahan. Higit pa dito ay dapat buong tapang na nilalabanan ang takot at tukso; hindi dahil bata ay hindi nito makakaya ang anumang pagsubok. “Life is something not to be looked at through rose-colored glasses” ikanga sa Ingles, mapa salamin man ito o butones ay dapat mamulat ang bawat isa sa ganda at maging takot ng katotohanan.
___________________________________ Mga artikulong ginamit para panggabay -The Guardian -Time - Blog: Floating World * Ang mga imahe mula sa Google
0 notes
acnextdoor · 7 years
Quote
Minsan, napapaisip ako kung bakit may mga salita na may pansariling kahulugan na tila ito'y may mas malalim na ideya kaysa sa karaniwang kahulugan nito Pulang rosas Kung bibigyan mo ako ng isang dosenang pulang rosas balang araw, ilalagay ko ito sa isang plorera at itatabi sa aking kwarto upang sa gayon ay maari ko ito mapagmasdan bago ito tumila Itim na pusa Habang ako'y naglalakad papunta sa lansangan ay nakakita ako ng isang maitim na pusa Bigla akong nangamba na sana'y hindi ito magsilbing balakid sa aking paglalakbay pauwi mula sa siyudad Bahaghari Noong isang linggo pa masama ang panahon Sana ay pagkatapos ng lahat ng ito ay lumitaw na ang bahaghari sa mga alapaap Takipsilim Ilang oras nalang ang nalalabi bago lumubog ang araw Nais ko sanang hintayin ang buwan pero napagtanto ko na marami pa akong kailangang asikasuhin Kaya ipagpapaliban ko nalang ito Sa susunod na araw Samu’t saring mga salita na ang bahagi ng bokabularyo Pero minsan, napapaisip pa rin ako kung bakit patuloy pa rin akong nagsusulat at naghahanap ng salitang maari kong mailarawan sayo
Konotasyon
0 notes
Text
HALINA’T PUMASOK SA KAKAIBANG DAIGDIG
Tumblr media
Ngayon ay tayo’y maglakbay sa kuwento ni Coraline at tingnan ang tekstong ito bilang isang paraan ng pag-iisip.
Nagsisimula ang kuwento sa loob ng apartamentong inuupahan ng bagong-lipat na pamilya ni Coraline Jones - siya bilang ang kaisa-isang anak at ang kanyang mga magulang. Sa simula pa lamang ay bakas sa mukha ni Coraline ang pagkabagot at ang pakiramdam ng pagkawalang-bahala ng kanyang mga magulang sa kanya - dahil na rin sa palugit na kanilang hinahabol para sa kanilang magasin.
Sa eksenang ito, makikita ang realidad na ang modernong pamilya na tulad ng mga Jones ay isang pamilyang umaasa hindi lamang sa ama kundi pati na rin sa ina sa pagtataguyod ng mga pangangailangan. Maliban dito ay bakas sa eksena na ang mga importanteng desisyon ay nakasalalay sa ina - nagpapahayag rin na sa pamilya Jones, matriarkal ang basehan ng pamumuno nila. Hindi nito sinasabing matriarkal ang mga pamilya sa panahong ito ngunit sinasabi nito na hindi lamang limitado sa ama ang pamumuno.
Sa kanyang pag-iisa ay nilibot ni Coraline ang buong kalakihan ng apartamento pati na rin ang iba pang nangungupahan dito. Una niyang nakilala si Mr. Bobinsky na siyang isang tagapagsanay ng mga dagang pangsirkulo. Sumunod naman dito ay sina Ms. Spink at si Ms. Forcible na dati ay mga sikat sa larangan ng teatro; wala humpay ang dalawa sa pagsasalaysay sa kanilang pambihirang karanasan sa entablado.
Sa mga sandaling ito ay nakipaghalhalubilo si Coraline sa mga matatanda at nakita niya kung paano umiikot lamang ang mundo ng mga ito sa ligaya ng nakaraan (Ms. Spink at Ms. Forcible) at sa kanilang mga karera (Mr. Bobinsky, at kanina ay kanyang mga magulang). Hiwalay naman ang sitwasyon ng isang bata na si Coraline na siyang nanatili sa kanyang kasalukuyan at mula dito ay naghahanap ng paraan upang sulitin ang bawat sandali.
Maliban sa mga ka-apartamento niya ay nakilala niya si Wybie Lovet na siyang apo ng may-ari ng paupahan at ang maitim na pusa nito na siyang pinandidirian ni Coraline.
Tila isang sikreto ang buong apartamento at paligid nito dahil sa kalakihan at pagiging hiwalay nito sa siyudad at iba pang bahay. Ngunit ang pinakamalaking sikreto para kay Coraline ay ang maliit na pinto. Hindi niya ito mabuksan noong una niyang subok ngunit nang siya ay natutulog, nagising na lamang siya sa tunog ng daga na siyang nagdala sa kanya sa maliit na pinto - at sa pagkakataong ito, nabubuksan na ito.
Sa pagbukas ng maliit na pinto ay siyang pagbukas rin sa isang bagong mundo - isang mundong kakaiba - ngunit para sa isang bata na tulad ni Coraline ay nakakasabik ang pangyayaring ito.
ANONG NANGYARI SA KANILANG MGA MATA?!
Ang mundo sa likod ng maliit na pintuan ay tila kaparehas sa mundong kanyang pinanggalingan ngunit ang mga tao dito - malliban na sa maitim na pusa - ay butones ang kanilang mga mata. Oo, butones! Nakakatakot ngunit ang mga tao sa mundong ito ay mas magaling at mas mabuti kung ikukumpara sa mga tao ng tunay na mundo.
Ang “ibang” ina ay batikan sa pagluto habang ang “ibang” ama naman ay napakahusay sa pagtugtog ng piano. Higit pa dito ay nagtatanim sila! Maliban sa “ibang” magulang ay pati ang “ibang” kapitbahay at “ibang” Wybie ay mahusay sa kanilang mga gawain. Damang-dama ni Coraline ang pagmamahal na pinapakita sa kanya.
Pinaparamdan ng mga tao mula sa “ibang” mundo na si Coraline ang nasa sentro ng kanilang mundo - na lahat ng pagmamahal ay para sa kanya lamang. Dahil dito ay sa tingin ni Coraline ay nasa paraiso siya - tinakasan na niya ang kalungkutan at pagkabagot ng kanyang buhay. Sila na nga ang mga taong nais niyang makasama, tutal, palagi nila siyang pinapasaya sa bawat bisita niya sa kakaibang mundo ng mga “iba.” Dito, nararamdaman niya na siya ay importante, mahalaga, at masaya.
Palipat-lipat ng mundo si Coraline at sa halos kabuuan ng kanyang paglalakbay ay kasama niya ang maitim na pusa ni Wybie. Panay ang payo nito na hindi isang dream come true ang mga pangyayari.
Tama nga naman ang pusang itim na ito. Habang tumatagal ay nabubunyag ang tunay na pakay ng “ibang” ina, na ngayon ay si Bendam, kay Coraline at ito ay kunin ang kanyang buhay upang mapunan ang sa kanya. Upang makawala sa patibong ni Bendam at upang masalba ang mga batang nabiktima na nito ay dumaan sa iba’t ibang serye ng hamon si Coraline.
Sa huli ay nanaig ang munting batang si Coraline laban sa kasamaan.
0 notes