Tumgik
#candelaria quezo
Text
Kabit From Candelaria Quezon
Tumblr media
Ako si Berlin Zena Suarez Ebora. Anak nina Merlyn Suarez Ebora at Roberto Ebora. Taga Candelaria, Quezon ako pero Nurse ako sa Saudi noon. Tumakas ako sa Saudi dahil nakiapid ako sa isang lalaking alam kong may asawa na. Sa aking pakikiapid ako ay nabuntis. Sa takot na makulong ako at malatigo dali dali akong umuwi ng Pilipinas upang makatakas sa aking kasalanan. Buti nalang at tinulungan ako ng kaibigan kong si Rafael Collado para makatakas at makauwi habang nagpapanggap sila sa harapan ng legal na asawa. 
Alam kong mali ang aking nagawa pero nagmahal lang ako. Sa tuwing aattend kami ng party ng mga kaibigan namin palaging may nagyayari sa amin sa bahay ng kaibigan namin. Madalas pa sa sariling kama mismo nila sa bahay may nangyayari sa amin. Sa tuwing nasa trabaho ang asawa niya pumupunta ako sa kanila. O d kaya naman ay kinakatagpo ko si Irvin sa bahay ng kabarkada naming si Raymond at sa bahay ni AV sa loob ng SGH compound tuwing magpapaparty sila duon.
Sa grupo ng barkada namin unang naging magkabit si Raymond at Hera. Palagi kaming hinaharot ng dalawa sa isat isa. Matagal na din akong may gusto kay Irvin. Kaya nga kahit alam kong engaged na sila noon ng mapapangasawa niya wala nalang akong nagawa kundi ang umiyak. 
Lugmok na lugmok na ako sa sitwasyon ko. Nagpakasal sila ulit dito sa Pilipinas ng hindi pa din nalalaman ng asawa niya ang totoo na nangyari sa amin. Palagi ko nung ginagamit ang pinagbubuntis ko para makuha ang atensyon niya. At ng nakapanganak nga ako sinabi kong hihintayin ko siya sa Pilipinas para sa pabinyag. Ginagawa ko ang lahat para makuha ko siya kahit alam kong tali na siya sa asawa niya. Alam kong mali pero nagmamahal lang naman ako. 
Nangyari na nga ang binyag at pinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang sina Ronnel Rivera at Kristin Cruz  Nakakatawa dahil ang mga kaibigan niyang ito ay dumalo at umabay pa nga sa mismong kasal nila pero present sa binyagan ng anak namin. 
Sa amin siya nagbagong taon dahil nagaway sila ng asawa niya. May pinagselosang kaibigan ng asawa niya si Irvin. Ang saya saya ko ng mga panahon na yun dahil nabuo ang pamilya namin. Ako Si Irvin at ang anak naming si Aelia. Tinanggap naman ng pamilya ko ang nangyari sa akin. Tanggap nila si Irvin kahit alam nilang may asawa na ito.
Pero nagbago ang lahat ng bumalik na naman sila ng Saudi ng asawa niya. Hindi nagtagal ay nalaman ng asawa niya ang tungkol sa aming kataksilan. Nagdadalang tao pala nuon ang asawa niya at nakunan ng malaman ito. Hindi na nagpadaramdam si Irvin simula nuon. 
TO MY IRVIN,
Im sorry kung pinasa ko ang family pictures natin ng binyag sa pamilya ni Dona. Desperada na talaga ako kasi parang nakalimutan mo na kami ni Aelia. Bakit parang ako ang nasisisi sa pagkalaglag ng pinagbubuntis niya? Tayong dalawa ang may sala dito. Nawala ang anak niyo dahil hindi naman kayo ang para sa isat isa. Tayo ang para sa isat isa kaya nga nabuo natin si Aelia. At bakit mo sinasabi na isang beses lang may nangyari sa atin at pagkakamali lang yun. Nakalimutan mo na ba sa tuwing lumalabas tayo nila Raymond at Hera. Sa tuwing pumupunta ako kila Raymond para kitain ka. Ang sakit lang na tinatawag kami ng mga tao na akyat bahay gang ni Hera. Kabit man kami Hera, may puso naman kami na nasasaktan dahil wala namang may gusto na maging kabit lang. Ilang beses may nangyari sa atin sa sarili niyong kama. Kaya anong pinalalabas mo na isang beses lang may nangyari sa atin? Na pinikot kita! Kahit ako pa ang pumupunta sa bahay niyo wala namang mangyayari kung hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto.
Inayawan ka na niya hindi ba? Bakit pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sakanya. Nandito kami ng anak mo, alam kong kabit lang ako at malaki ang kasalanan ko sa pakikiapid ko sayo kahit alam kong may asawa ka na. Pero nandito ang mga kaibigan mo. Sinusuportahan nila tayo. Sana bumalik ka na sa amin. Miss na miss na kita. MAHAL NA MAHAL Kita. Hindi ako titigil hanggat hindi kita nakukuha sa asawa MO.
2 notes · View notes