Tumgik
#ang saya ng ganto yung wedding
falseq0d · 3 years
Text
11.10.2020 // 2:16 AM
hi baby. baka curious ka lang about what happened to me the past few days that we didn’t talk that much because you’re still in the recovery process. so i’ll give you an update hehe
hmmm, so far wala namang bago sa mga nangyari sa akin nakaraang araw. remember when i said na gagawa ako rrl? here’s the story. my rrl got rejected. and medyo nainis ako that time kasi ang tagal ko ring nagbasa ng related literatures. pero mali rin naman kasi gawa ko. i included the methodology sa rrl eh diba it’s not supposed to be there. pero medyo okay na rin kasi at least hindi na ako mahihirapan sa methodology na part kasi nakahanap na ako ng various resources about that, and i read all about it na. i included it kasi sabi ng leader namin kasama raw. basta medyo nagka conflict pa about this kasi sabi nung research adviser namin na hindi na raw need. tapos sabi naman nung research prof namin, kailangan daw iinclude yung methods sa rrl but give an insight about the method that will be used. and then ayun bb naresolve naman kasi nagusap yung res. adviser and prof ko, friends kasi sila. 
edi after nung first revision ng rrl, kinakabahan kaming lahat sa magiging comment nung res. adviser namin bb. kasi yung first pass namin, sabi nya ulitin daw lahat kasi hindi raw maayos. magulo raw yung flow ganyan kasi walang headings and sub-headings. BUT GUESS WHAT BABY! nung pinasa na namin yung revised rrl namin sa res. adviser namin, he liked it! he even said that ang ganda raw ng gawa tapos kitang kita raw yung kagalingan namin sa writing. kaya ayun baby sobrang saya ko kagabi about that. may part kasi sakin na medyo ineexpect na hindi ulit tatanggapin ni sir? di kasi namin alam yung standard niya eh. di namin mabasa. pero mataas standards niya kasi ang goal niya nga is ma-publish yung paper. 
hmm ano pa ba. ah okay. si casper, dinala ko sa vet nung isang araw. nung november 7 to be exact bb. kasi yun yung schedule ng deworming niya. akala ko naman bb through injection ‘yun, hindi pala. pinainom lang sakanya yung gamot. tapos bb may health card na si casper! may vaccine schedule siya sa 14 (for parvovirus) and sa 21 (for ecto and endoparasite). 1.9kgs nga pala siya bb. parang mabigat na rin bb kasi after ko siya buhatin sa right arm ko nang matagal, medyo nangangalay konti arms ko after that eh. tapos binilhan ko rin siya nung dehydrogenase powder. para raw hindi ma-dehydrate si casper after nung deworming. mataas daw kasi tendency na madehydrate or manlata ang dog after deworming. tapos bb medyo naiinis ako konti kasi ang dami niya mag wiwi! is it normal bb? ganto rin ba sila wowo? hahahaha. minsan maiinis ka kasi kung kailan after mo mag-mop, kikita mo may bagong pupu and wiwi na naman. minsan nga feel ko kayang makapuno ni casper ng 500mL na bote sa dami ng iniihi niya eh. tas bb ang magandang side lang dito, araw araw namamop bahay namin HAHAHA. dati kasi twice a week lang. ngayon araw araw na talaga. dalawang technique ginagawa namin bb. yung first mop, with zonrox. yung second mop, yung pampabango ng tiles. 
tapos so far, these past few days nakapagtake na ako ng 4 or 5 quizzes? i’m not so sure pero right now while i’m typing this, i’m in the mood to study. okay naman quizzes ko pero hindi ako satisfied sa scores. gotta bounce back hehe. tas bb alam mo ba kasi may finafollow ako na med student sa tiktok. eh naka 200k subs na siya. ang regalo nya sa followers nya, gdrive link. sa gdrive link na yun compiled mga med books na gamit nya and trans (WHICH I LOVE).
kagabi naman bb, nanood ako ng 2 chick flick na movies. baka kwento ko sa panibagong blod pero di ko pa sure. pero ano, john tucker must die tsaka mamma mia pinanood ko hehehe.
tapos bb may napanood ako sa tiktok na kapag pala kunwari nag cheat day ka ngayon, dapat wala kang gawin anything about it. like kailangan i-control mo lang talaga na yung araw lang na yun yung cheat day ka. tapos kinabukasan, kumain ka the way how you normally eat. hindi ka raw dapat magperform ng extreme exercise ganun kasi water weight lang daw yun. tas bb magwoworkout na ulit ako (weh HAHAHA) kasi feeling ko nagiging buff na naman ako. ilang months na rin kasi ako nahinto sa workout diba. 
and bb! natouch ako sa mga friends ko. kasi nga diba may ginagawa ako para pandagdag sa pambayad sa hospital bills mo, sabi nila isusupport daw nila. kaya sana talaga maraming mag-donate huhu.
anddddd ayun baby diba i told you na baka magrestart ako ng body clock? well actually kanina im so close. gising ako until 6:30 am eh. kaso bb nung kumain ako bigla akong inantok amputa panira ng plano HAHAHA
tapos baby wala na nga pala dito si ate nikki sa bulacan. bumalik na siya ulit sa makati kasi she’s busy preparing for her wedding. ang hectic pala ‘pag ikakasal bb ‘no. kaya siya bumalik sa bahay nila bb kasi every week pala makikipagmeet siya with their wedding coordinator. eh sobrang hassle nun bb kasi if dito siya sa bulacan manggagaling, pupunta siya manila tapos antipolo. imagine yung gastos nun. eh last time kinwento nya sakin nagastos nya nung nagpunta sya antipolo (dun kasi nakatira awoj nya) naka 1k daw siya. balikan. eh mahirap na kasi may pandemic pa diba bb. 
tapos bb may chika pa ako sayo about kay lola. chika ko na ba dito? sige chika ko na rin para isang bagsakan. sabi ni ate nikki si lola raw nagpahirap ng 45k cash on hand sa kapitbahay namin? kasi magpapagawa raw ng garahe tas may other need pa. eh wala bb nagulat lang kaming lahat kasi cash on hand ‘yun eh. tapos sinabi yun ni ate nikki kay tita thelo, nainis daw si tita thelo. kasi gets naman nya na need tumulong ganto ganyan pero yung ganun sobrang kalaki raw na pera parang hindi tama. parang masyado raw galante si lola ganun. eh yung mga perang binibigay kay lola pinaghirapan yun ng mga anak nya na i-earn tas ganun ganun lang. kaya hindi mo raw malaman kung nagyayabang lang si lola or what eh. tapos sabi ni mommy, may time raw nun na sinabi ni lola kay ate nikki na wag na wag daw magtatangka mga anak nya na tanungin kung san nya dinadala mga pera na binibigay sakanya amp. ayun lang naman ang chika minute bb. 
and speaking of lola, naiyak ako dun sa advertisement ng disney for christmas. panoorin mo sa twitter bb, pero baka malungkot ka. wag na hahahaha tama na iyak bb. pero basta kaya ako naiyak bb kasi ang main feature nung ad na yun yung Filipino christmas. tapos may mag lola dun. kaya after nun i immediately called lola on the phone eh, told her that we’ll accompany her sa pagkain starting tomorrow. tapos alam mo ba bb nung isang araw kita ko yung sadness sa eyes niya when i told her na di ako makakasabay sakanya kumain kasi may ginagawa akong research paper. kaya minsan bb di ko alam kung maiinis ba ako kay lola or what eh. kasi nakakaawa din na mag-isa siya ganun bb. pero sabi naman ni mommy na baka si tita marnie (mom ni ate nikki) yung pumalit. pero ang mangyayari, kunwari uuwi sila tita thelo, syempre kasabay sya dun. tas magsstay sya dito until umuwi ulit sila tita thelo. tas sasama sya ulit pag aalis na sila tita thelo ganon. parang cycle. di rin naman kasi pwede na mag-stay dito ng as in continuous si tita kasi mag-aaway sila ni tito. 
hmmm i think ayan lang ang update ko sa’yo bb. sorry sobrang haba :( baka ma-information overload ka or mahirapan ka sa pagbasa. pero if feel mo na masyado na mahaba, balikan mo na lang para di ka mahirapan i-digest yung info. 
pagaling ka baby! ginagawa ko lahat para makatulong ako sayo kahit papano pero sorry kasi natatagalan :( 
0 notes
yawningpolarbear · 5 years
Text
101219 pt. 2
I think my dad tried to make bawi before the day ended. I was on my bed getting ready to rest. I was on my phone lang before I take a bath then go to sleep tas sabi ng brother ko na we will go out daw to eat. Sobrang busog ko pa from the wedding food tas kakain pa sa labas. So I was like ‘ok fine, kakain lang naman’. I didn’t even bother to change my pambahay clothes. Nagshorts lang ako. Obvious naman sa pics na sobrang gusgusin ng t-shirt ko haha! I would like to think that the dinner was my dad’s way of making up for what happened earlier that day. I mean gets na walang masamang nangyari but it was still awkward. Maybe for me. So yeah, we went to this cafe called ‘Gil and Mar’ and it’s artsy. Pwede ka magpicture and so I did. My brother took pics of me. I just hated it that I didn’t even bother to change clothes ‘cos look at me, ang meh 😒
So after we ate, my dad asked me to sing ‘cos apparently they have karaoke/open mic and you get to sing onstage for free. I was like ‘no way’. First of all, nahihiya ako sa mga tao. Baka masira ang gabi nila pag narinig nila boses ko. Second, hindi maganda boses ko at panget suot ko tapos aakyat ako sa stage? Hahaha nalang. And lastly, I get to get dramatic when I sing. Kumakanta lang ako sa banyo at karaoke. I’m definitely sure even without alcohol pwede ako magwala dun once na mahawakan ko na yung mic hahahaha. I love singing kahit ganto boses ko lol but my dad asked thrice. And him being my dad that I love so much despite everything. I agreed and told him that I would sing one song lang. So ayun, I looked at the songbook and chose the first song that I know (12:51 by krissy and ericka). Sobrang drama lang, ren??
I got onstage and started to sing. May papikit pikit pa akong nalalaman, akala mo talaga hahaha so I sang the first few lines and saw everyone looking at me. Syempre hiyang hiya ako haha so I just closed my eyes and dinama ko nalang yung kanta kasi ayoko silang makita. Kakahiya kaya. Then I saw my brother taking pics of me lol and on my right, I saw my dad taking a video of me singing. Ang funny lang na kahit hindi naman ako magaling kumanta or what, my dad is still proud of me na willing pa sya i show off yung boses ko in public juice ko po hahaha 🤦‍♀️ it made me smile, of course. That whatever I was going through at that moment, my family were there for me watching me sing my heart out for the boy who broke my heart. (may pagganun, ren? Lol) but seriously tho, nakakataba ng puso kumanta sa harap ng maraming tao at mapahayag yung damdamin mo thru a song even if the one you’re singing to is not there to hear you.
I’m already okay with the thought that some people still appreciate me no matter what. In the bridge part, there was a line “Cause it’s 12:51 and I thought my feelings were gone, And I’m lying on my bed, I’m not thinking of you again”. I wasn’t able to sing/say the ‘I’m not’ part but damn, some of the audience sang it for me. Wala kaya yun dun sa lyrics dun sa monitor. Like wtf guys bat ganyan kayo? Oo na nga po, I’m not thinking na talaga hahaha. So I listened to the original and oo nga may ‘I’m not’ nga huhuhu. I found it funny lang talaga na parang gusto ako batukan ni Lord na ‘hoy anak, wag mo na yan isipin. Ayan kinanta na nila for you kasi tanga ka’. Hahahaha ang saya lang. After we ate, we went grocery shopping then uwi bahay na rin. All in all, it was a long day but it made me happy. Anuman nangyari. Happy for my cousin who tied the knot with the love of her life and for my family who loves and accepts me for the mess that I am. I hope I can be fully happy soon. And I will. I’m claiming it.
Matthew 19:26 🙏
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
cessandee · 5 years
Text
OKUURRRRRR! So eto ang kwento ng buhay ko for a week HAHAHAHHA.
Nagsimula to sa sobrang kiliiig kasi sobrang iba na mga chat ni HC pero this time medj lumalayo na ko kasi di ko rin alam parang ayaw ko na masyado kami maattach. Tas yun nga nagimbal ang mundo ko nung sept 6 friday sakto 11:57pm nagtanong sya ano ba kaming dalawa!! kung magtropa ba o ano?? fucking shet grabe nanlaki mata ko, bumilis tibok ng puso ko at tumigil ng slight ang mundo ko kasi dumating na yung iniiwasan ko mangyare huhu Na unti unti nagiging seryosohan na. 🥺 Di naman sa ayoko pero aminado talaga ako sobrang iba nararamdaman ko sa kanya kahit dati pa huhu kaya ayun shocks talaga tapos tulog pa lahat ng tropa ko buti si tata nandyan shet tawag agad eh. hahaha need ko kasi malinawan kasi baka umamin din ako sa kanya na crushie ko sya uwuu mahirap na. Naisip ko pag umamin ako magtutuloy tuloy na yun mahirap kasi maliit lang working environment namin. Tapos kung magsasabi naman ako na tropa lang parang mali kasi medj di ganun ang tingin ko sa pagchchat namin HAHAHHA syempre may halong landi talaga huhu pero later on nangibabaw desisyon ko na tropa lang after all mahirap magpadala sa bugso ng damdamin. Pero ang di ko inaasahan ay yung chat nya na kung may pagasa daw ba sya if ever??? Like pota naman dapat pala nung pinapatulog na ko neto natulog na ako!! Hahahahaha. Syempre tbh playsafe tayo dito sinabi ko lahat naman meron pagasa tas ang kulit nya sa chat so pinipilit ko na lasing na sya ganun. Then bigla nagtanong naman kung pede ba sya manligaw?? Ahhh taena buhay na buhay yung diwa ko nun grabe 2am ng madaling araw na ata yun hahahaha. Tas napansin ko kasi ang weird parang di sya kausap ko tas nahuli ko umamin pinsan nya pala pota hahah medj nabadtrip ako kasi kala ko all this time sya yun. Tas yun nagexplain sya di nya alam naging convo namin kasi dinelete ng pinsan nya tas ganern. Ang lupit ko pala kasi nagagawa ko na harapin mga ganyang bagay yung tipong sineseen ko agad and nakakapagreply talaga ako with my own words hahahaha. Im so brave and im so proud of myself ❣️ Hehehe tas yun medj nagsosorry sya sa ginawa ng pinsan nya tas nag msg ako sa kanya the next day tinanong ko kung ano side nya para malinaw. Ahuhu sabi nya nafafall na daw talaga sya 🥺 Im fragile uwu 🥺 Tas sinabi ko naman side ko inexplain ko sa kanya lahat lahat ng bagay. Actually pinagiisipan ko nga kung magtatapat ako na crushie ko sya kaso nangibabaw sakin yung sya nga di diretso nagtapat ng feelings nya sakin so why bother? Baka maging feeler pa ko nun eh hahaha. Tas yun sabi ko walang magbabago nagagree naman sya. Tapos nung monday sobrang tense ko na shet yung anxiety ko lahat lahat na ang taas!! Di ko alam pano sya pakikitunguhan hahahaha. Tas ang naging eksena galing ako bangko pagpasok ko nandun na sila shet ang cold nya HAHAHA di sya natingin sakin omg kala ko ba walang magbabago yun natakbo sa isip ko. Ako cool lang pero sya halata na hindi huhu tapos naiinis ako kasi pinapansin nya si gracia ako parang hangin lang kainis edi wapakels nalang ako bahala kayo dyan ganun pero deep inside sad. Hanggang tues wed sobrang konting interactions lang at related pa sa work yun. Pinapansin ko sya minsan para malaman nya na okay lang sakin pero wala talaga sya e. Sobrang papampam ko nga hahahaha badtrip talaga ang bigat ng environment tas ang wala ko rin sa sarili nun grabe hahahah ganto pala yun feels ng mga lumalablayf na may problema 😂 napayaya pa ako ng shot sa mga tropa ko hahaha. Hirap pala makatulog no pag iniisip mo san ka nagkamali or kung ikaw ba yung mali. Para akong alive and happy sa labas pero deep inside shet talaga ayoko na gusto ko na umiyak huhuhu. Tapos nasasanay na ko na di nya talaga ako pinapansin pero kanina, after a week pinansin nya na ko hahaha kahit dahil 3 days kami di magkikita hmpp. Sige na nga okay lang kasi nahihiya daw sya. Shet lang ang hirap pala magtago at magpanggap no. Ngayon ko lang narealize hayyy. Ang saya ko nung unti unti na nya ko pinapansin. Tas kanina sabi ko wala ng sabon hirap maghugas ng plato nagoffer sya na bumili 🥺🥺 putek naman may care pa sya sakin huhu my heart tas unti unti nya na din —
ako pinapansin huhu kaya sobrang happy vibes ako todaaaay tas yun nga paguwi ko chinat nya na ako hahahhaahahha. Ewan ko san mapupunta to pero ang alam ko lang is masaya ako kausap din sya. Di ko alam kung masasabi ko sa kanya na happy crush ko sya pero sana one day masabi ko 😊 nafefeel ko man na di kami para sa isat isa talaga ang mahala is ienjoy ko tong journey ko kasi sya alam ko may nakalaan sa kanya para sa forver nya at di ako yun HAHAHA WAW.
Dami ko realizations talaga at mas nakilala ko pa sarili ko ngayon. And mas madami ako natutunan pagdating sa love na nakakabaliw pala talaga ito grabe di ko ineexpect na mababaliw ako ng slight 😂 Super affected grabe kala mo jowa hayszzz haahaha. Ayun happy happy lang tayo 😊 Pero iiwasan ko na maging marupok at magattach ng sobra sa kanya after all HC ko parin sya 🥺
Sana etong phase ng life ko maalala ko sa pagtanda ko at sana maging masayang memory to sakin kasi ngayon masasabi kong masaya ako 😊
Sept 12, 2019 🔥💓
0 notes
whenjanhellewrites · 6 years
Text
Draft email
I just want to talk to you.
Not talk in person, kasi alam ko naman na hindi mangyayari.
I’m sorry kung nagparamdam pako; no intention na guluhin ka pa. Wag ka nalang magreply ha. Or kung nabwisit ka, lalong wag mo nako replyan ng nakakahurt na salita; alam ko na mali na mag-email pako. Delete mo nalang agad. Wag mo na basahin.
Yung ganto lang, ewan ko, namimiss ko lang siguro.
Namimiss mo rin naman siguro yung non-stop na pagsasalita ko. Yung mga kwento ko.
Don’t even think na pinipilit na naman kitang bumalik sakin. I’ve move-on. Totoo. Seryoso. Wala na sakin yun, kinalimutan ko na. As in, kung iisipin ko nga yung mga pinaggagawa ko that time natatawa na lang ako eh.
Namimiss lang kita.. after all these time.. kahit anong pilit ko, kahit ayaw ko na talaga, ikaw pa rin yung naiisip ko. Araw-araw. Napapanaginipan pa nga kita.
May one time nga, napanaginipan kita na magkasama na tayo tas sabi ko “magkahiwalay na tayo ah, baka panaginip ko lang yun” sa ganong extent. Haha.
Napapaisip lang ako na bakit kailangang maging complicated. Pero siguro nga, hindi ko naman maipipilit na mahalin mo nalang ulet ako para tapos na.. wala naman akong magagawa kung talagang waley na eh.
Naniniwala ako na love ang makakapagpabalik sayo.. kung wala na, wala na talaga. At alam ko na kung totoo yung “love” kahit gaano katagal, gano kahirap, hindi magababago. Sabi nga, absence makes the heart grow fonder.
And naniniwala ako na sa love, walang takot, walang pride, walang hiya or pagaalinlangan. Kung mahal mo talaga ang isang tao, kaya mong ipaglaban.
Masaya naman na ako pero iba yung saya nung kasama pa kita.. ang kulet kaya natin. Apat na taong ganon kaya siguro ang hirap kalimutan. Kaya nga nung naghiwalay tayo parang mas masakit na puro masaya ang naalala ko.
Napapaisip rin ako na sana, kung di pala para sayo yung tao hindi nalang talaga sana kayo nag-click. Alam mo yun? Sana kung di pala talaga tayo sa isa’t isa, sana hindi nalang naging masaya.
I honestly thought you were the one. Iba talaga eh.. kaso baka ako lang ‘yon haha.. Kung will naman talaga ni Lord, I’m sure sating dalawa nya irereveal ‘yon, I’m sure kung talagang tayo, hindi lang ako pati ikaw nararamdaman mo yon.
Hindi ko pa rin magets pero iniisip ko nalang na napressure ka. To tell you honestly, ako rin naman natakot. Hindi ko lang maamin sayo na hindi pa ako handa noon. Siguro ayaw ko lang din na saktan yung feelings mo. Gustong-gusto ko nang maikasal tayo non; pero iba pala talaga yung “gusto ko” sa “ready na ako”..
1st monthsary palang natin, pinangarap ko nang maikasal sayo. Hahaha. Siguro ganon lang talaga ako ka-sure non na gusto kitang makasama panghabang buhay. Kainis, antagal kong inintay ‘yon, antagal kitang kinulit then biglang wala pala. haha
Nung naghiwalay tayo nadepressed talaga ko. Pakiramdam ko ang sama sama kong tao.. galit na galit ako sa sarili ko, bumaba tingin ko sa sarili ko. Lahat ng insecurities ko lumabas. I felt that I would never be good enough for anyone. Pero naisip ko na wala din namang makakatulong sakin kundi ako rin.. nung hindi ko na kaya don talaga ako nagsurrender kay God. Don ko sya mas nakilala.. yung bigat sa puso nawala talaga. Ang sarap lang sa feeling na alam kong kapag wala nang nagmamahal sakin, I still have God who loves me for me.. yung hindi ako iiwan.
Tuwing nagpapray ako, naiisip ko na ang sarap sana kung kasama kitang nagprapray with me. Na sana nawitness mo rin yung mga ginawa ng Panginoon sa buhay ko.. and I know you'll be touched. You'll see Him as He is na talagang He's more than how we knew He is.
Alam kong soulmate kita.. kasi never ako nakameet ng taong parang kilala ko na buong buhay ko.
Alam kong gusto mong maibigay sakin ang lahat.. siguro nga mejo wrong timing. Pero sana naintindihan mo non na hindi ko kailangan ang kahit na ano; ikaw lang sapat na.
Nung pinagaayos ko na yung mga bigay mo sakin, nabasa ko pa yung letter mo dati.. na happy ka na dumating ako sa buhay mo, na dati loner ka pero nung nagging tayo naging masayahin ka na. Sana masayahin ka pa rin kahit wala na ako.. wag ka na bumalik sa pagiging loner.
I don’t know if I apologized sincerely pero nagsosorry ako sa mga nasabi ko sayo. Mapagmataas ako, and selfish. Kapag nagagalit ako, sariling pakiramdam ko lang ang iniisip ko.
Huwag na huwag mong iisipin na mahina yung utak mo o kahit ano. I’m really sorry if I made you feel that way. Hanggang ngayon, ang sama pa rin sa pakiramdam ko na nasabi ko ‘yon sa isang tao, especially sayo. You are better than you think. Idol nga kita eh, kasi kung anong kahinaan ko ikaw ang pumupuno. Sayo ako natuto maging matatag, na maging matapang. Bilib ako sa confidence mo; sa lakas ng loob mo.
Wala nga ako masabi sa ibang tao kundi mabubuting bagay about you.. kahit hanggang ngayon. Hindi ko masabi na naghiwalay tayo kasi “ganto ka” kasi hindi naman talaga. Hindi ganon ang pagkakakilala ko sayo. Siguro nga sumuko ka lang; or napuno sakin. I wouldn’t know.
Nalulungkot lang ako dahil ewan ko, pakiramdam ko ang layo-layo mo na sakin. Alam ko weird, pero sana maging magkaibigan tayo. Nalulungkot lang ako kasi, pakiramdam ko, galit ka parin sakin.. Sana lang alam mo na hindi naman talaga ako masamang tao. Ang sad lang na nawalan ako ng bestfriend, ng travel buddy, ng kalokohan… ang dami kong namimiss. (pati luto ni mommy mo.. si wigsy huhu…). Alam mo nga nung naghiwalay tayo, palagi ka paring inaatay ni Funa sa may pintuan namin every Saturday. Mejo tumatanda na si Funa, matamlayin na sya.. nalulungkot ako kasi alam kong gusto ka pa rin nyang makita.
Sabi ko nga, in time, mawawala din ‘to… siguro kapag may dumating na ulet sa buhay ko. Pero for now, ikaw pa rin talaga eh.. sorry.. may mga nagpapaamdam naman pero gusto ko talaga yung may “fly away” tooth.. hahaha.. at yung aalagaan ako kapag may pigsy ako hahahaha. Pero totoo, okay naman ako na single, kung dumating edi darating. J
Nakakatuwa na mas natututo ako sa relationships nung wala na ko sa relationship. Kailangan ko rin talaga para maging ready na ako sa susunod, kasi sisiguraduhin ko na yung susunod, sya na talaga. I’m praying. Alam ko naririnig ni Lord lahat ng prayers ko..
Napag-isip isip ko na mabuti pala talaga naghiwalay tayo noon.. kasi kung nagpatuloy tayo sa wedding na hindi tayo natututo, mas nakakatakot. We needed this time to learn... to mature.. to appreciate more. Andami kong natutunan sa nangyari. Andami kong narealize. Kailangan talaga siguro na matuto tayo the hard way.
Mapride talaga tayong dalawa. Ayaw nating magpatalo sa isa't isa.. Love is being selfless. It is understanding the other person rather than your own issues. Sana natuto tayong makinig sa needs ng isa't isa. Kahit palagi tayong magkatext, magkafacetime, magkasama... lack of communication din yung naging problema satin. Sana sa bawat away natin nagusap tayo at sinulosyunan natin. Sana nagsakripisyo tayo para sa pangangailangan ng isa't isa. Sana natuto tayong magpakumbaba.
At sobrang importante talaga na si God ang unang mahal natin. AMinado ako na naging idol kita, na parang mas mahal pa kita kay God which is sobrang mali. Sayo lang umikot ang buong mundo ko.. kaya siguro naging possesive ako.. selosa.. etc. Mas matatag talaga ang relationship kung God centered. Kung parehas nyong inuuna ang Panginoon above all else.. kasi by loving God first you'll learn how to love your partner better.
Sana ikaw rin maraming natutunan.. and totoo na I wish you all the happiness you deserve. You can't really change a person, you just need to accept them and love is about acceptance.
Okay na okay na sana tayo.. as in.. perfect fit. Sana we realized everything sooner..
Minsan kasi ginagawa lang complicated ng mga tao yung buhay nila... kaya naman eh.. natatakot lang.. and ayokong pagsisihan tayo buong buhay ko.. ayokong pagsisihan na hindi ko sinabi 'to lahat sayo.. ayokong pagsisihan na wala akong ginawa.. ayokong pagsisihan na hindi ko inilaban... ayokong pagsisihan na natakot ako.
Anyway, Sasabihin ko lang sana na nacancel ko na yung sa wedding. Okay na. Tho hindi technically nacancel kasi bawal daw icancel.. wala ako nabawi sa money, okay lang, di naman mahalaga yon.
Yun lang. Basta kung may mareceive ka pang mga ganto sakin, Ignore mo nalang, mejo hirap lang ako magpigil sa sarili or block mo nalang din ako dito sa gmail, di ko naman malalaman.
...
P.S. Ipinagdarasal ko nalang na kung hindi man ikaw talaga, tulungan nalang ako ni God na makalimutan ka.. I surrendered to God na. I know if He's working on me, He's working on you too.. so we can be better.. so we can love better. I pray that He heals the both of us..
Andami pa nating di nagagawa, andaming lugar na sana pinuntahan natin.. sobrang dami pa..
Yun lang.
Please don't reply.
0 notes
Text
uy joke lang yun kanina na im still interested 😂😂 to be honest, mejo matagal tagal ko na ring napagtanto, since first week ng term to be exact, na baka nga hindi talaga tayo para sa isa't isa for a few reasons. 
First, di ka magiging masaya saken. By that i mean, i feel, im too boring for you. You will not have a good time with me. 
Second, i don't feel comfortable with you. By this i mean, diba kung talagang mahal mo ang isang tao, diba dapat komportable kang ikwento sa kanya lahat at di ka matakot majudge. Yung komportable ka lang sabihin kahit ano, kahit walang kwentang bagay. Tbh, di ko to mafeel sayo. Everytime na kausap kita i feel pressured. To be more specific, i feel very inferior to you. I feel na wala akong alam (which is true sometimes). At isa pa, hindi tayo parehas ng humor, kaya tuwing kausap kita, yung usual na ineexpect kong nakakatawang ginagawa ko kapag kasama ko sina joyce or grace or mike or abel or jemuel, etc nagiging NR pagdating sayo. And for some reason, lalo lang bumababa tingin ko sa sarili ko dahil don. Yung feeling na gustong gusto mo tong taong to pero di mo sya magawang mapatawa. Umabot pa nga ako sa point na itry baguhin yung sense of humor ko to match yours. Kaya ako joke nang joke nung mga kakornihan ko na di ko naman ginagawa sa ibang friends ko. And tbh di ako komportable gawin yon. Feeling ko napakaplastic ko kapag kausap ka kasi di ko mapakita yung tunay na ako.
Third, merong tropang may gusto rin sayo - alam mo na kung sino. At according sa huli naming lalake sa lalake na pag uusap, mahal ka rin nya. Speaking of, naalala mo nung nagsorry ako na naging awkward ako tapos nung tinanong mo ako kung bakit ako nagkaganon, di ko masabi sabi yung rason. Well, at least nasabi ko subtly “kapag kasi alam kong may gusto ang tropa (sa isang babae) ayokong nagiging epal (ako)”. Yeah right HAHAHA. Nag-oopen up nalang naman na din ako dito, sabihin ko na rin yung totoong rason. Nagseselos ako kay Jon okay? First week palang, nung sa kanya ka sumabay tapos pinayungan ka nya. Well, okay sigi i guess fault ko yon kasi wala akong payong pero yung ganap bago non. Yung nagpapahuli ka sa likod para makasabay mo sya. Nappraning ako okay? SELOSO AKO! Maliliit na bagay nagseselos ako. Gusto ko ako lang lalaki para sayo. Tapos sumunod na linggo, kumain tayo sa Charraptor tapos pinli mong tumabi sa kanya. Parati kayong magkasama. Pag kukuha ng ice cream, sya kasama mo. Sya dumadakot ng ice cream para sayo. Nagtatawanan kayo, sa harap ko.... Sobrang pamukha na mas gusto mo sya. Oo sobrang nagseselos na ako non pero hindi talaga yun ung boiling point. Share ko kung kailan :) Naalala mo nung nag aayos tayo sa north circle. Tayong dalawa yung nag aayos nung black na tela tapos si Jon dun lang sa gilid, nag pphone lang. Tapos bigla kang nagsmall talk tas pinakita mong pinapaikot mo yung thumbtacks. Napaisip ako, “Wow nag initiate ng small talk kay Jon. Bakit never ko namang na-experience to. Ang mas malala sa harap ko pa ginawa. Sobrang inis ko nun kung alam mo lang. Tapos lalo pa akong naiirita na kapag nakatayo lang tayo, sumisilip ka sa labas kunware pero alam ko hinahanap mo sya. Sobrang sakit kung alam mo lang. Never ko naramdaman yan. Yun na yung boiling point e, ewan ko lang kung napansin mo pero triny kong gayahin kung gagawin mo rin sakin yon. Nung kayong dalawa na nag aayos tas ako natulog kunware pero sa totoo lang nagtitimpi na ko dahil sa inis. Pero feeling ko wala ka ring pake. Punong puno na ng sakit yung puso ko non Bons kung alam mo lang. Tapos dumating pa birthday nya, alam mo bang ayaw na ayaw kong sumama at magpakita sa inyo. Iniisip ko nalang birthday gift ko nalang sa kanya. Tapos puta may special present pa ako, napasama pa ko sa Yabu tapos kayong dalawa nasa harap ko potangina men sobrang pamukha. Then starts the Paladins saga. Nung nalaman kong parehas kayong naglalaro, alam kong it’s the beginning of the end. Kasi ganon tayo dati e. Tapos ngayon sobrang close niyo na. I know sa kanya ka na nagkkwento ng mga maliliit na bagay. Alam ko nagsesend ka rin sa kanya ng pictures mo nung nasa Laguna kayo, and some acts na ginagawa mo sa “kaclose mo”. In other words, I know na yung mga bagay na sakin mo ginagawa, na nagpaasa sa akin, sa kanya mo na rin ginagawa. Yun na yung simula na nagiging awkward ako :) Tapos sinundan pa nung shinare mo yung shit from wittybunny tapos sya yung nasa comments. Yun ang nagconfirm na wala na talaga. Napalitan na ako. Then the awkwardness started. Alam mo kung bakit? TUWING NAKIKITA KO KAYO PARA AKONG BINABARIL SA DIBDIB SA SOBRANG SAKIT. Actually kahit di ko kayo makita e, kasi parati kang nasa isip ko, dati puro ikaw lang. Ngayon pag naiisip kita kasama na rin sya. Na kayo ang magkausap, ako yung napalitang gago na hindi naman never naman naing special sayo. Yan yung mga dinibdib ko potangina. Yung tingin ko sa sarili ko men pota. Parang wala akong halaga. Sobra akong nalungkot. FIRST TIME KONG NAIYAK DAHIL SA PAG IBIG POTA. Alam mo ba, nung narinig ko yung chorus ng Born For You, for some reason bigla akong naiyak kingina. TBH, nung una, ang rasok ko kung bakit ako nag aktong ganon is gusto kong mamiss mo ako. Gusto kong malaman kung, yung ginagawa mong paghanap kay Jon kapag tayo ang magkasama e gagawin mo rin sa akin kapag kayo ni Jon ang magkasama. Pero wala e. Hanggang umabot na ako ng rock bottom. Yung wala na akong pag asa. Sobrang lungkot ko. Kaya nga ako nagpapasalamat sa Twice e kasi kahit papano na-comfort nila ako. Pero despite ng pagiging awkward ko, I still had feelings for you. Remember nag happy mother’s day pa ako kay tita. Pero nung mga sumunod na araw napapansin ko, pati ikaw nagiging awkward na rin saken. Parang di mo na ako kayang makita or kahit makachat man lang. Which bothered me so much. Naisip ko parang napakasama ko, sinira ko yung friendship natin. At this point, sinisimula ko nang tanggapin na wala talaga akong halaga para sayo, pero sa iba feeling ko naman meron pa. Narealize ko rin during that rockbottom stage na sobrang saya ko kasama ng mga kaibigan ko. Kapag kausap ko sina Grace, Jemuel, Joyce, Josh, etc sobrang saya ko. Sobrang komportable ko sa kanila. Bakit di ko magawa yun kapag kasama ka. Gang sa narealize tong mga sinasabi ko ngayon. 
Pero syempre, ayoko maging bitter diba. Kaya kita kinausap nung Wed. Ang gusto ko lang talaga is magkaayos tayo. Wala na talaga akong hangad na maging tayo, gusto ko lang magkaayos tayo para at least man lang di nasayang friendship natin. Pero ewan ko ba, antanga ko rin e, makachat lang kita automatic bumabalik kagad yung feelings ko para sayo pota. Pero now I know better kaya di na ako masyadong magpapadala sa feelings ko.
Andddd last point na to hahaha. Gulo mong kausap. Haha. Pinoint out mo saken kanina yung sa Capricorn part ng thought catalog na “ and will not continue to be interested in a relationship if they know it’s not going anywhere.” tapos ganto daw ako. E puta ano pa bang gagawin ko. Magpapakatanga lang ako -_- ikaw nga nung kayo ni Jas napilitan ka ring itigil diba kasi nagkaron sya ng iba. Besh intinding intindi mo ako, parehas tayo ng pinagdaanan. Ikaw nga lang ang nang-iwan ngayon tandaan mo yan :) ok bye
Sana mabasa mo to :)
0 notes