Tumgik
#Magkano ang iyong Dangal
cedrick-lhyton · 1 year
Text
2 REMARKABLE WRITERS IN DIFFERENT PERIOD
The Post Edsa Revolution
Nicomedes Márquez Joaquin
Tumblr media
Credit Picture
What has Nick Joaquin contributed to Philippine literature? Joaquin was regarded by many as one of the most eminent Filipino writers of the English language. He focused most of his writing on the Spanish colonial era, the rich Filipino heritage, and the complexities of the human mind. In 1976, he received the national artist for literature title.The Philippine National Artist for Literature designation and rank were given to Joaquin. Along with José Rizal and Claro M. Recto, he has been hailed as one of the most influential Filipino authors.This story's author, Nick Joaquin, had a unique writing style; he began his narrative with a flashback. Overall, it is still a wonderful and great story. The moral of the narrative was to think about what marriage really means. To have a successful marriage, a wife and husband must communicate with one another.
Nick Joaquin was a very timid and mysterious writer. Even his reclusive nature and preference for anonymity could not conceal the genius behind his pseudonym, Quijano de Manila, when he was asked to fill out a biographical form for the English-language journal Philippine Review in 1943, he simply wrote "25 years old, salesman."
Because of his extreme seclusion, Joaquin refused to reveal his exact birthday up until the day he passed himself, claiming he did not want people to come over to celebrate. His birthdate is given as either May 4 or September 17, 1917, depending on the source. We can infer that he was actually born on May 4 because he was named after Saint Nicomedes, whose feast day is on that day.
Nicomedes Marquez Joaquin, sometimes known as Nick Joaquin, is a towering literary personality with an unrivaled body of work. His short stories, including May Day Eve and The Summer Solstice, are now required reading in high schools in the Philippines. These are short stories he wrote and published soon after the Second World War, an experience that left him visibly unsettled and longing to go to another country.
Source: https://www.esquiremag.ph/long-reads/nick-joaquin-life-a00293-20190507-lfrm
Gilda Olvidado
Tumblr media
Credit Photo
Gilda was born on August 9, 1957, in Cebu City. She is the child of Guarda Olvidado and Gregorio Tan. Her primary schooling was completed in Maranding, Lanao del Norte. She spent two years studying journalism at Manuel L. Quezon University and one year studying chemistry at Adamson University, but she did not complete college.
Gilda had a great deal of admiration for Carlo J. Caparas while she was in her teens, and he encouraged her to consider a career in comic book writing.
Works for TV and film Cha Lee's Angels, a comedy that she first published as a serial, was based on a well-liked 1970s American television program. However, when she wrote Kapag Puso ang Komiks, her second komiks novel, she found that she was more comfortable writing romance-drama.
A dramatic love story called Nasakdal was ordered by Atlas Publications.
Because of the success of her earlier works, she was in high demand and wrote romance novels for Valentine Romances, Twin Hearts, and Gemini Pocketbooks as well as Dahlia, a radio serial that was famously broadcast over DWWW. She made the decision to launch her own line of novels in 1993. Gilda publishes erotica for the Abante tabloid, particularly in the Brilgint section, in addition to her more well-known pieces.
She was the author of popular komiks novels including Sinasamba Kita (1982) and Dapat Ka Bang Mahalin? (1984), Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Kung Mahawi man ang Ulap (1984), Ina? Pinulot Ka Lang (1986), Huwag Mo Kaming Isumpa (1985), and
Huwag Mong Itanong Kung Bakit (1988), Magkano ang Iyong Dangal (1988), Saan Nagtatago ang Pag Ibig (1987), Saa Lupa (1987), Babangon Ako at Dudurgin Kita (1989), and Huwag Mong Itanong Kung Bakit (1988).
She created the screenplays for the 1990 movies Maya, Bakit Kay Tagal ng Sandali, and Tayo na sa Dilim. Her poems were adapted for some Filipino telenovelas, including Babangon Ako't Dudurgin Kita (2008), Dapat Ka Bang Mahalin (2009), Kung Mahawi Man ang Ulap (2007), and Sinsamba Kita (2007). She also contributed to the writing of a few afternoon melodramas, including Kaputol ng Isang Awit (2008) and My Only Love (2007–2008). She also wrote Ina and Kasusuklaman Ba Kita? 2009, as well as Temptation of Wife (2012–2013).
Source: https://en.wikipilipinas.org/view/Gilda_Olvidado
0 notes
maaaarlon19 · 5 years
Text
Tumblr media
Dangal
Magkano mo ba ibebenta ang iyong dangal?
Pero ano nga ba ang dangal? Isa ba itong gamit na pwedeng bilihin? Isa ba itong bagay na pwedeng itapon? Gamit na pwedeng sunugin? Pwedeng basain? Pwedeng punit-punitin?
Sa ngayon, ang pera ay isa sa mga bagay na nagpapaikot sa mundo natin; mas malaking pera ang mayroon ka, mas kilala, mas makapangyarihan, mas angat ka kaysa sa iba. Kapag naman ikaw ay wala o kakaunti ang salapi; ang tingin ng marami sayo ay mahirap, kayang utus-utusan, at dukha. Pero para saan nga ba ang pera? Ano nga ba ang silbi ng pera sa ating buhay? Mabibili ba ng pera ang iyong dangal?
Ang “Dangal” ay isa sa mga maiikling kwento sa isang libro ni G. Norman Wilwayco. Ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa pamagat nito mismo, ang dangal.
Dangal. Reputasyon. Bakit nga ba may mga taong gusto kang ibaba?
Maraming mga tema ang nais ipunto ng kwentong ito. Isa sa mga ito ay ang pagiging dominante ng mga lalaki. Sa kwento, si Chris, isang lalaki na ang nais lamang ay makamit ang kanyang gusto; ang mapahiya si Marissa, na isang babae. Lalaki ang mga naging pangunahing karakter sa kwento, at lalaki rin ang dahilan ng pagkababa ng dignidad ng isang babae na si Marissa.
Isa pa sa mga ipinapakita sa kwentong ito ay ang pagiging dominante ng pera. Sa kwento, labis na naghari ang pera. Ipinakita rito kung paano labis na nakakahumaling ang pera. May mga bahagi ng kwento na puro pera ang kapalit. Isa rito ay ang pagpapadala ni Chris ng mga regalo sa kanyang mga propesor, siguro ito ay parang suhol niya para sa mga ito. Isa pa ay ang pagkakahumaling ni Chris sa sugal dahil alam niyang siya ay may maraming pera. Isa pa ay ang pagdodonate niya ng pera sa kanilang paaralan para sa pagpapa-renovate ng kanilang library para makatakas sa reklamong inihain ni Marissa sa kanilang school administration. Ang huli ay iyong kay Marissa, pera lang palang ang katumbas ng dangal; isang milyon at isang daang libong piso lang pala. Hindi ko sinasabi na may mali si Marissa, pero sino nga ba naming hindi masisilaw sa ganun kalaking halaga. Mabibili mo na lahat ng iyong luho sa buhay, makakatulong ka na sa iyong mga magulang, at marami pa. Sa huling bahagi ng kwento ay nagawa ni Chris ang nais niyang gawin, ang nais nyang malaman ng lahat, na kayang niyang bilihin ang dangal ni Marissa.
Ipinakita rin dito kung gaano kalaki ang responsibilidad ng pagiging mayaman. Ang pagiging mayaman ay para ring pagkakaroon ng kapangyarihan. Dahil nga sa panahon ngayon, pera ang nagpapaikot sa mundo at pera rin ang dahilan ng kaguluhan sa ating lipunan. Mga taong mayayaman, mga taong may kapangyarihan, ngunit kaunti or walang naitutulong sa lipunan. May mga kapangyarihan ngunit walang ginagawa para maiangat ang iba sa kahirapan. May mga kapangyarihan ngunit patuloy pa rin ang pagwarak ng kinabukasan.
Ipinakita rin dito ang iba’t ibang problema ng mga tao. Nabanggit sa kwentong ito ang problema sa pamilya, kahirapan, prostitusyon, pagsusuhol, at ang pagmamataas sa kapwa.
Gayunpaman, may mga tao talaga na gagawin ang lahat kahit na makasakit na ng ibang tao. Wala silang paki-alam sa kung ano ang mararamdaman ng iba; ang gusto lang nila ay mabigyang kasiyahan ang kanilang kagustuhan.
Walang libo o milyon ang sasapat sa halaga ng dangal ng isang tao dahil ang itinataya mo ay ang iyong mismong reputasyon.
1 note · View note
halupositivity-blog · 5 years
Text
Dangal  ni: Norman Wilwayco
Lahat ng tao ay may dangal. At itong dangal na ito ay minsang nagiging sukatan ng iyong pagkatao. Sa totoo lang, maraming paraan ang pwedeng gawin kung gusto mo talagang tanggalin ang dangal ng isang tao. Kahit nga hindi ka na mag-isip ng mahirap na paraan eh, kahit sa isang simpleng chismis lang. Karamihan sa mga Pilipino walang trabaho, walang ginagawa kaya’t ang nagiging negosyo nila ay pagchichismis sa kanilang mga kapit-bahay na animo’y mayroon silang makukuhang pera doon. Eh ano ba namang pake ng ibang tao, dun sila nabubuhay at ikinabubuhay nila.
Alam naman nating lahat na ang pera ang nagsisilbing gasolina para umandar ang ating mga buhay lalo na sa panahon ngayon mahirap ang maghanap ng pera lalo na kung ikaw ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral at mas masahol na ang walang pinag-aralan. Habang umuunlad ang bansa (umuunlad nga ba?) mas tumataas din ang kwalipikasyon ng mga kumpanya pagdating sa pagpili ng kanilang mga empleyado.
Lahat pwedeng magawa kapag ikaw ay may pera, lahat pwede mong mabili kapag ikaw ay may pera, at halos lahat ay nadadaan sa pera.
Ayon nga sa aking nabasa na isinulat ni Norman Wilwayco “dangal” , lahat naman ng tao’y nasisilaw sa pera. Kapag bumigay sa pera ang isang taong may “reputasyon”, tiyak, sira ang lahat ng ipinundar niyang kagandahan sa pangalan niya. Minsan sa pag-iisip ng mga tao, mahalaga na mabango ang iyong pangalan na tila ba kulang na lang ay sambahin ka dahil sa kalinisan ng iyong pangalan. Pero minsan huwag natin ipagkaila na ang maamong pastol ay nagiging isang puta pag pinakain ng pera. Katulad nga sa kwento na idinaan ni Chris ang lahat sa pera. Mga estudyante, kaibigan, magulang, propesor  at pati isang babae ay binayaran niya ng pera. Pera lang siya ng pera na hindi niya alam nilalamon na pala siya ng sinasamba niyang pera. Dumako tayo kay Marissa, siya ay konserbatibo at maayos na babae. Maraming nanligaw na sa kanya, maraming nagpaparamdam ngunit ni isa ay wala siyang sinagot. Marahil nga siguro ay pinapahalagahan niya ang kanyang reputasyon bilang isang babae. Sa laki ng pera na inaalok sa kanya ni Chris, siguro nga ay nasilaw na siya doon. Biruin mo ba naman na bibigyan ka ng 1.1M kapalit lang ng isang gabi, sino ba naman ‘yung hindi papayag diyan? Katulad lang din si Marissa sa mga marurupok na babae dyan. Pero ‘yung ipamukha sayo na isa ka lang bayaran na babae, iyon yata ang hindi tama at hindi katanggap-tanggap.
Sa pagtatapos ng sulatin ko na ito, dito ko nalaman kung gaano kahalaga ang dangal ng isang tao at kung magkano ang inaabot ng dangal ng isang tao. Huwag tayo masisilaw sa kinang ng pera at huwag din tayong mang-aapi kung mayroon tayong pera. Alam naman natin na tao lang tayo, mabilis matukso. Marahil nga napapanahon ang mga eksenang katulad sa kwento pero alam naman natin ang ugat nito- kahirapan. At laging tatandaan na ang pera ay naibabalik pa at pwedeng makita kung saan, pero ang reputasyon huwag natin itong iwawala.
0 notes
obetblogs · 5 years
Text
“Taong gipit, Sa patalim kumakapit”
Kung tatanungin kita kung magkano ka, ano kaya ang iyong sagot? Kaya mo ba na ipagpalit ang iyong sarili para sa pera? Kaya mo ba isantabi o ipawalang bahala ang iyong dangal? Kapag ba nawala ang dangal wala na rin halaga ang iyong buhay?
Sa ganito umikot ang kuwento ni Chris at Marissa. Sino nga bi si Chris? Si Chris ay isang “working-student”, mahirap ang pamumuhay at simpleng tao lang, ngunit nagbago ang buhay ng namatay ang kanyang tiyahin ay pinamanahan siya ng napakalaking pera. Dito nagsimula magbago ang buhay niya. Si Marissa ay isa sa mga magagandang babae, maputi ang balat at matalino. Sa madaling sabi, si Marissa ay isa sa mga gustuhing babae sa loob ng kanilang paaralan.
Simula pa lamang, kahit na si Chris ay mahirap pa ay gusto na nito si Marissa. Kaya noong nagkaroon siya ng pera binalikan niya si Marissa. Ipinakalat niya sa buong kampus na bibilhin niya si Marissa para makipagsiping sa kanya. Noong nalaman ito ni Marissa, nagalit siya at sinabing hindi lahat ng tao ay mabibili niya. Subalit, si Chris ay desidido na mapasakanya sa kanya si Marissa. Nagpatuloy ang pagtaas ng pera na kanyang ibibigay upang makuha lang si marissa hanggat sa umabot ito sa isang milyon at isang daang libong piso (P1, 100,000). Nang nalaman ito ni Marissa, tila ang kanyang matibay na paninindigan ay untiang lumambot at bumigay.
Nawala ang pinagkaingatan niyang dangal sa isang iglap dahil sa pera. Ninakaw ito sa pamamaraan ng isang dura at mga linyang “Tang ina mo! Puta ka! Nakakadiri ka!”. Para ba na nawalan ng halaga ang pagkatao ni Marissa, na sa sobrang kahihiyan ay ang pagtakbo na lang ang nagawa at di na muling bumalik sa paaralan.
Sa kuwentong ito, isa lang ang nakita ko na pinaguugatan nito, ang KAHIRAPAN. Kahirapan na nagtutulak sa tao na gawin ang lahat makatakas lang dito kahit na ito ay ang ikawawala ng kanilang dangal o kanhit na ito ay ikapapahamak nila. Si Marissa ay may normal na pamumuhay lang at kasama niya na lang ang kanyang ama na hindi mapromote sa trabaho kahit 20 taon na ito dito. Ano nga bang kaginhawaan dala ng isang milyon at isang daang piso para baguhin ang kanilang buhay. Ganito karamihan ang binabagsakan ng mga taong mahihirap, Ika nga ang taong gipit sa patalim kumakapit. Maraming paraan ang mahihirap para makakuha ng pera, nagsusumikap sa mga trabahong mahihirap para lang may pangtustos araw-araw ngunit may iba na gumagawa na lamang ng masama para mas mabilis makakuha ng pera. Kaya tayo maraming bilang krimen dito sa Pilipinas dahil sa kahirapan: pagnanakaw, usapang droga, mga sindikato, cybersex, prostitusyon o pagbebenta ng katawan atbp. Sa isyung ito, kailangan na may gawin ang gobyerno, kailangan nating bigyan ng mga bagong oportunidad ang mga ito upang ang mga masamang gawain ay mawala sa kanilang isipan at magsikap na itaguyod ang buhay.
Sa kabilang dako, sa peministang interpretasyon ang kuwento ay napakapatriyarkal. Ginamit ang isang babae upang ilarawan ang isang negatibo o maselang isyu. Ipinakita na sa kahit anong ganda ng mga ginawa ni Marissa, kung gaano siya kaganda at katalino Nawala ang dangal niya dahil tinanggap niya ang malaking pera na galing kay Chris. Si Chris, hindi naman nawalan ng dangal sa kuwento, pero hindi ba walang dangal din ang paggamit niya sa kanyang pera upang magawa lahat ng gusto niya na ultimo ang administrasyon sa kampus ay kaya niyang suhulan. Kung iisipin, pano kaya kung si Chris ang nagpabayad, nakakahiya kaya itong tignan?
Ipinakita dito kung gaano makapangyarihan ang PERA. Kayang paikutin ng pera ang lahat. Pinapaikot ng pera ang mundo, pinapaikot ng pera ang tao. Sino nga ba dito ang di kailangan ng PERA?  Ngunit, hindi dapat ito ang mangyari. Tayo ay mga tao, may isip at may kakayahang magdesisyon. Nakadepende sayo ang lahat kung paano ang atake mo sa ganitong isyu. Alam mo kung ano ang tama sa hindi. Alam mo rin ang limitasyon mo kung ayos pa ba o sobra na.
Sa isyung ito, may mga tao pa din na pinanghahawakan ang kanilang dangal. Hindi rin naman lahat ng sinasabing “walang-dangal” na tao ay ginustong mawala ito. Isinantabi nila ito kapalit ng kaginhawaan. Sa huli, ang “dangal” ay binuo lamang din ng tao, ito ay ginawang sukatan ng respeto mo sa iyong sarili at kung paano ka rerespetuhin o tingnan bilang isang tao ng iba.  Nasasaiyo na kung papaano mo pakaiingatan ang iyong DANGAL.
 Dangal, ni Norman Wilwayco.
0 notes
imomfcoms · 5 years
Text
Magkano ang halaga mo?
Pagsusuri sa Dangal na akda ni Norman Wilwayco
 Kung sino pa ang mahirap, average people o tinawag na 'walang mukha' ng tagapagsalaysay ay siya pang marunong magpahalaga sa pagkatao. Nakagagalak sa kalooban kung alam mong pinaghihirapan mo ang salapi na ginagasta mo, at bunga ito ng pagsisikap. Sa buhay wala namang madali, lahat ay nagdadaan sa mabibigat na proseso upang makamit ang tamis ng buhay at sa ganoong paraan mo rin makakamit ang papuri at respeto sa iba.
Sa kwento na ito binigyan ng empasis na ang pera ay makapangyarihan. Sino ba naman ang mag-aakala na si Marissa, isang dalagang matalino, maganda at laging nagi-excel sa akademiks kaya naman siya ay sikat sa kampus nila, ay bibigay at handang pakawalan ang puri at dangal sa halagang isang milyon at isang daang libo. Samantalang itong ating tagapagsalaysay ay buong puso nang ibinibigay sa kanya ni Chris ang isang milyon nang walang hinihinging kapalit o kahit na anong tutumbas sa milyones ay hindi pa rin niya tinanggap ito. Maliwanag pa sa umaga na ang pera ay kayang manipulahin ang ano at sino man base nga sa pagsasalaysay ng may-akda. Na kung mapera ka at may kakayahan kang magbigay ng anumang donasyon sa paaralan ay bonus point ang katumbas sa eksam, sikat ka at siguradong pasado ka sa asignatura. Bakit ganoon? Hindi ko malaman kung baliktad nga ba ang mundo, baliktad ba mag-isip ang tao o maaaring mali ang lahat nang na-aabsorb na konsepto sa lipunan?
Hindi ko maisip ng lubusan na kung sino pa ang mataas ang lebel sa lipunan, yung mga intelektwal, mga tinuturing na propesyonal na kung titingnan ay singtaas ng Burj Khalifa ang pagpapahalaga sa sarili ay sila pa pala ang kayang-kayang dumihan ng pera. Biruin mo, si Chris ay isang estudyante lamang ngunit sa isang milyon na suhol sa direktor upang mapaayos ang library ay napatahimik nya ang kanyang bunganga sa halip na suspensiyon o terminasyon ang aabutin ng kanyang pang-iinsulto sa katauhan ni Marissa.
Kapag ikaw ay isang mambabasa at unang subok mo pa lamang na basahin ang akda na ito ay mapapatigil ka sa mga unang linya at saknong dahil napakahusay magpakilala ng awtor sa kanyang pinupunto. Iyon bang tipong mahihimok ka talagang magpatuloy sa pagbabasa hanggang sa dulo dahil gusto mong malaman kung ano pa yung iba niyang paraan na hindi alam ng maramihan. Siya rin iyong klase ng manunulat na bukas sa lahat, may mga nabanggit na mga salita doon na masasama, o sa madaling salita ay mura na hindi na niya kailangang salain pa. Sa paggamit ng ganitong mga salita minsan ay nagdadagdag ng emosyon sa mga mambabasang kagaya ko dahil mararamdaman mong sumisidhi na ang mga pangyayari sa bawat kaganapan, nararamdaman mo na yung tensyon na ipinapahayag ng karakter. Halimbawa na lamang noong sulatan at lagdaan ni Chris ang tseke na nagkakahalaga  ng isang milyon at isang daang libo, iniabot ito kay Marissa kasabay ng malulutong na mura bilang pagpapamukha na ganoon lamang ang halaga ng dangal nitong babae.
Ang mga ganitong konsepto ng mga kwento ay talamak na sa paligid, na kapag sa usaping pera ay marami ang nahuhumaling, marami ang nabubulag. Hindi na mahirap paniwalaan ang ganitong mga kalakaran sa buhay, na minsan pera ang puhunan sa pamumuhay ngunit hindi ibig sabihin ay buhay na na natin ang pera at naging mundo na natin ito. Ngunit madalas,  sa sobrang pang-aabuso sa pera ginagamit na itong kapangyarihan sa paggawa ng kasamaan. Iba-iba tayo ng kalagayan sa buhay, may mga gumigising nang maaga para magtrabaho upang sa ganoon ay malampasan nila ang panibagong araw nang hindi nagugutom at kasabay nito ay naging produktibo pa rin sila sa ibang aspeto. Sa kaibahan naman ay may gumigising araw-araw upang pagplanuhan kung saang bagay na naman nila wawaldasin ang kanilang yaman, sila yung mga taong delikado dahil hindi lang serbisyo at produkto ang kaya nilang bayaran kundi kabilang ang katauhan at integridad ng iba.
Mula sa simula, ipinakilala ng ating tagapagsalay kung paano sila nagkakilala ng kanyang kaibigang si Chris, napakaganda ng agos ng kwento sa parte ng buhay ni Chris sapagkat nalaman natin ang kanyang kinalakihan, kung ano’ng kanyang buhay noon at bakit nya ginawa ang pagpapahiya kay Marissa. Subalit nakulangan ako sa pagkukuwento sa panig ni Marissa, gusto kong malaman ang rason kung bakit sya nagpatinag sa ganoong halaga sa kabila ng pinaghirapan niyang magandang pangalan at inipon niya upang maipundar ang matayog niyang dangal. Bakit babae pa ang kailangang mawalan ng dangal at sa ganitong paraan pa kung saan lalaki ang superyor. Maraming buhay ang nababago ng pera, maaaring positibong pagbabago at pwede ring negatibo ito. Sa panahon ngayon ay mapanganib na dahil ang ikaw, ako at sila ay may katumbas nang halaga ng salapi depende na lamang kung kailan mo gustong magpapalit. Ikaw, magkano ang halaga mo?
0 notes
ekarobis-blog · 5 years
Text
“Isang Milyon at Isang-daan Libong piso”
DANGAL
Akdang isinulat ni G. Norman Wilwayco.
“Isang Milyong at Isang-daan Libong Piso”
Minsan bang naitanong mo sa iyong sarili kung may halaga ba ang iyong pagkatao? Magkano ka kaya?
Ang lipunan ay napalilibutan ng iba't-ibang isyung naguugnay sa pera at tao. Sa mata ng pangkaraniwang indibidwal, ang halaga ng bagay na ito ay katumbas ng kanyang ikabubuhay. Simple lang, pera bilang pambili ng pagkain. Sa katunayan, ito ang nagbigay ng pagpapakahulugan sa salitang mayaman at mahirap, kaunlaran at kahirapan.
Ang dangal ng isang tao ay masusuri sa respetong mayroon siya sa kanyang sarili. Hindi madaling maging isang babae. Kadalasang hinuhusgahan ang ating katauhan sa pagtingin ng karamihan sa ating kasuotan. Konserbatibo kung mahaba ang tela at malandi naman kung kinulang. Ang maikling kwento na ito ay tumalakay sa karakter ni Marissa, isang babaeng iginagalang ng nakakarami na hindi inaasahang pumayag na maisiping ni Chris, ang suwerteng binatang napamanahan ng dolyares kapalit ng Isang milyon at isang daang libong piso.
Tila ba'y isang ganti ang ginawa ng lalaking ito kay Marissa. "Hindi mo mabibili lahat ng tao" ika niya. Respetado ang babaeng ito dahil sa personalidad na mayroon siya. Labis itong hinangaan ni Chris ngunit wala ni isa ang pumasa sa puso ng dalaga. Sa kalagitnaan ng kwentong ito, bilib ako sa paninindigan ni Marissa dahil siya'y hindi nasilaw ng ganun kadali sa laki ng salaping inialok. Kakaiba ang babaeng ito, oo, ngunit hindi rin biro ang halagang nakapagpabago ng isip nito.
Isang sigaw at pag-dura ang nagnakaw ng kanyang dangal. Ang kanyang reputasyon ang naging kapalit ng tsekeng mula kay Chris. Malayo mula sa hinihinging isang gabi ang sakanya'y binawi. Tuluyang nawala ang kanyang respeto sa sarili.
Kalimitang ginagamit ang babae bilang ilustrasyon ng ganitong mga kwento. Kababaihan ang salamin ng prostitusyon. Laruan sa pamilihan kung itrato ang aming mga laman. Pagbebenta ng laman ang sumisira sa dangal ng ilan.
Ang nais iparating ng akdang ito ay hindi mailalarawan sa isang salita lamang. Kahirapan, antas sa lipunan at realidad ng buhay ang pangunahin sa mga ito. Inilathala ang tunay na kwento ng isang average student kung saan ang mga pangyayari sa akda ay sumisimbolo sa tipikal na Pilipinong hindi nabibigyan ng pantay na oportunidad at pagkakataon dahil nga'y salat ang bulsa at kung paano binago ng biyaya ang personalidad ng isang normal na tao. Tunay nga na makapangyarihan ang pera, ayan ang punto ng istorya.
Orihinal ang istilo, porma, nilalaman at konsepto ng teksto. Ang mga kapwa ko iskolar ng bayan ay walang dudang makikita ang kanyang sarili sa mga parteng nabanggit. At dahil dito, nagnais pa ako bilang isang mambabasa na mabigyan pa ng mas madaming pagkakataon na maibahagi at makalikha ang mga manunulat ng mga ideyang sasalamin sa sakit ng totoong estado ng mahihirap. Nang maipakitang kailanma'y hindi magiging pantay ang tayo ng mga tao sa buhay. Walang ibang tutulong sa pag-angat ng ating mga sarili kung hindi ang ating mga diskarte at paraan. Mga paraang magiging hakbang upang makamit ang lasap ng tagumpay sa buhay upang maiwasan at kailanma'y hindi maisipang kumapit sa talim at maging kriminal na papatay sa ating mga sarili.
Walang halaga ang katauhan ng isang tao. Hindi ka pwedeng bilhin. Hindi milyong piso ang sisira sayo. Hindi pera ang magpapaikot sa tao dahil tayo ang lumikha sa ideyang ito. Tayo ang dapat na humawak at tunay na gumamit ng layon nito, hindi ang pirasong papel ng mga numero. Kailanma’y tatandaan mong walang papantay sayo, maging ano man, magkano man o sino man.
0 notes