Tumgik
#KahubdanBilangKamunduhan
tagalngfridaynight · 3 years
Text
Tuwing may mapapatsismis na celebrity na 'di umano ay may nude photos, nagiging socially active at friendly ang netizens, lalo na kapag Pinoy. Kung maitutumbas mo ang nudes sa isang espesyal na bagay, para s'yang isang invitation card sa isang public event na may pa-raffle na apat na milyon. May challenge nga lang na bawal uminom ng tubig sa loob ng apat na buwan. In short, para sa mga uhaw.
Pero kapag may umaamin na mayroon silang nude art, nag-iiba ang timpla ng kamunduhan ng tao. Biglaan itong magiging malikhain, maangas, matapang, one of a kind, at kung ano-ano pang salitang p'wedeng may relasyon sa sining.
May naging kaibigan ako na gumagawa ng mga nude art— nakasilip na ako sa isang reference n'ya at ang mismong kinalabasan nito pagkatapos n'yang iguhit. Magaling ang kamay ng taong 'yon kaya ang nagiging finish product ay parang photocopy lang ng reference: kuhang-kuha ang hulma ng mga suso, ng t'yan, ng dibdib, at ultimo mga guhit sa natural na katawan ng tao.
Sa madaling salita, makatotohanan. May mga katawan na maninipis at mayroong makakapal. Hindi pantay ang tunay na suso, hindi pink ang utong, at hindi libag ang stretch marks. Binabali ng nude art ang maling pananaw ng maraming tao tungkol sa katawan ng mga babae (at lalaki minsan); nagiging kuwestyon sa umiiral na katotohanan kung bakit sining ang tingin ng maraming tao sa hubad na dibuho, pero hindi sa hubad na retrato.
Ang potograpiya ay sining sa paraang tulad ng kung paano naging sining ang tradisyunal na biswal-sining. Ang nudity naman ay matagal nang bahagi ng sining. Pero dahil may kamangha-manghang duality si Juan, ang nude photo ay karaniwang isang iskandalo lamang at ang itinuturing lang na sining ay ang nude art.
Ginugulo ako ng tanong na kung paano matutukoy ang nude na kabilang sa sining sa isa lamang purong iskandalo. Itinanong ko rin 'yan sa tinutukoy kong dibuhista. Ang posisyon n'ya ukol rito ay parang ganito:
"Ang potograpiya ay sining. Ang hubad na larawan (nude photo) ay sining. Ang hubad na dibuho (nude art) ay sining. Ang kahubdan ay isa pa ring sining.
Pero maituturing lang na sining ang nude photo depende sa rason umano ng paghuhubad. Kung ang hubad na babae ay nakatakdang maging simuno ng potograpiya, pelikula, dibuho, iskulto, tula, o pinta: ito ay sining. Kung nakatakdang maging simuno ng iba pang bagay na makamundo't walang kahulugan: kamanyakan."
Hindi umano, art is subjective, at ang pagpapakahulugan sa sining ay nakadepende sa umiintindi nito. Karaniwan, sinasang-ayunan ang pahayag na art makes you feel something.
Pain is an art. Ecstasy is an art.
Kung ganito ang pinagbabasehang kahulugan, isa pa sa mga babagabag sa tao, tulad ng kung paano ako binabagabag nito, ay ang kaangkupan ng pornograpiya sa sining at libog sa emosyon.
Nagagawa ng pornograpiya na basain kung ano mang maaaring mabasa at patigasin ang anumang maaaring tumigas sa katawan ng tao. Nagiging mitsa sa mala-kuryenteng daloy ng kamunduhan sa katawan. Kung gayon, masasabing may nararamdaman ang tao sa tuwing nanonood ng porn, dahil naturalesa ng katawan ang tumugon sa nakikita't napapanood ng mga mata. Pasok sa depinisyon ng sining kung ang pagbabasehan lang ay ang opinyon ng mayoryang art makes you feel something.
Sa kabilang banda, hindi ito ang uri ng sining na tinutukoy ng karamihan. Madalas na selective at biased ang pananaw ng tao tungkol sa sining, at sa pagdaan pa ng mga panahon ay nagiging offensive ang pornagrapiya dahil na rin sa masasama nitong dulot sa isip ng tao. Nagiging sanhi ito ng sexual assault at maling kaalaman ukol sa katawan. Malakas maka-impluwensya ng unsafe sex, improper hygiene, rape at incest. Hindi kabilang sa art ang mga ganitong kakupalan. Kung gayon, hindi na sining ang pornograpiya sa puntong ito.
Masasabi marahil na ang pornograpiya ay parehong sining at 'di-sining.
Angkop ang sining para sa mga negatibong emosyon pero hindi angkop na dahilan para sa kawalan ng dignidad, moralidad, at respeto. Hindi kabilang sa pagiging malikhain ang pagiging manyak, at ang tawag ng laman ay inilulugar. Kung may lugar man ito sa sining, nawa'y para lamang talaga sa kapakanan ng sining. Walang labis, walang kulang.
Sa kabuuan, isa lang naman ang pinakapupunto nito: mas mainam kung sa susunod na magkaroon ng scandal o nude na kumalat ang isang celebrity o influencer ay wala nang magpista— dahil nga nudity is an art. Huwag na ring alamin ang konteksto ng materyal para gawing panlibak sa kapwa dahil pare-pareho namang may suso at bayag ang mga babae at lalaki. Kung nagtatalik man, isipin na lang parte 'yon ng pagiging tao.
Higit sa lahat, mamatay na sana lahat ng kupal na nanghahamak sa mga nahubaran.
Tumblr media
3 notes · View notes