Tumgik
sznmanguiposts-blog · 5 years
Text
REVIEW ON PHILIPPINE CONTEMPORARY AESTHETICS by Alice Guillermo
It is not enough to patronize, collect and encourage fashions in indigenous art if one does not take part in the movement to obtain a better quality of life to them, with equal opportunities in education and livelihood, with guarantees of respect for their cultures and assurances for their personal security and survival and welfare of their communities. 
 Hindi tayo magkakaroon ng higit na paggalang sa ating bayan, maging sa ating mga sarili maliban kung mapagtanto natin na tayo ay nagkamali at mabait na inamin ito nang walang pangangatwiran at di mabilang na kadahilanan. Iyon ay dahil tayo mismo ay nagpapakabanyaga sa ating sariling bayan. 
 Isang linya ang hindi mawala sa aking isipan noong panahong nagkaroon ng paguulit aral mula sa sanaysay na ginawa ni Alice Guillermo na pinamagatang “Philippine Contemporary Aesthetics”. 
 Ang sabi ng kaklase ko, ang pagmamahal sa sining ay makikita maging sa "pag aapreciate ng sarili mong tae". 
 Pwes isa kang taeng hindi naappreciate kung may mababaw kang pagkakakilanlan sa mga tinuring nating Indigenous people. Maging ang diwa ng karagatan ay hindi nakikita sa ibabaw kundi sa malalim nitong parte kung saan walang butete na puro bwelo wala namang laman. 
Kung iyong lubos na sisisirin hindi mo ito masisiyasat sa kanilang dark chocolate na mga balat, na kasing kulay ng hazelnut ang mabulbol nitong mga buhok. Hindi rin swak sa pambulalo nitong pangangatawan at malaflatscreen na mga ilong. Mapapamura ka rin ng pakshet dahil hindi rin sa maiitim nilang mga utong.  
Ang pagpapakabanal ay hindi natatapos sa kung paano natin patatagin, kolektahin at hikayatin ang mga obra ng katutubong sining kundi sa paanong paraan natin hahawakan nang mahigpit ang kanilang kadakilaan laban sa patuloy na dumadaloy na bulok na sistema ng ating lipunan. Pinipili kasi nating iturok sa ating mga sarili ang mala alien na pinaghalong dugong hindi sa bansa natin nanggaling kaysa sa purong dugo na umaagos sa mga likha ng bawat indigenous people na may kinalaman at nagpapakita ng kanilang buhay bilang mga katutubo. Na sila ring nagtatanggol at nakikipagbasag sining nang walang pinagtatakpang galimgim . Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang kanilang mga likhang sining ay may kakayahang punan ang mga malalaking puwang sa tanong ng bayan at magtaguyod ng mga lugar na walang kolonyal na panuntunan o istruktura. Hubad silang humaharap sa salamin upang ililok, isayaw, hihimigin at ipipinta ang ating “national identity” na patuloy pa ring estranghero at binabalatan sa ating sariling bansa. 
 Bakit nga ba kulang tayo sa pagpapahalaga sa sining? 
 Bago ka umiling dahil walang sapat na pera para tustusan ang pag aaral mo sa sining at bago ka humindi na wala namang kinabukasan kang mapapala, bakit di mo tingnan ang kalagayan ng ating bansa? 
Nandoon kasi tayo sa konsepto ng mataas na pasahod kapag naging doctor, abogado at enhinyero tayo. E kung ganoon lang naman bakit di mo man lang sinama sa pangarap mo na ” paglaki ko, magiging puta ako”. 
 Pwes kung katawan ang iniisip mo, maging kapuri puri ka sapagkat ang pagpuputa ay hindi lamang sa paghuhubad mo ng katawan nakikita kundi sa pamamagitan ng lantaran mong ihaharap sa madla ang presensya ng pagiging puta ng sining. 
 Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa konsepto na dapat magpaka Maria Claria at maging Crisostomo Ibarra sa iyong nobela sapagkat isa kang Mona Lisa na mananatiling hiwaga sa sarili mong pinta. Hayaan mong maglakbay ang iyong gawa kaysa maging masalimuot na alaala ng bansa. 
 Pero hindi lang naman indigenous people at ang kanilang mga obra ang gusto kong ipunto rito. Ang sarap lang kasing makipagbasag ulo lalo na kapag walang laman yung bungo ng kabanggaan mo. Napaka “intelllectual” kasi natin pumuna at bumatikos ng mga pagkakamali ng mga artist ng bansa. Kesyo bakit mas advance pa mag isip yung dugo e hindi pa naman sinapak si Victor Magtanggol. Anak ng butete, bumuntong hininga na nga lang ako nang magyelo yon kahit tanghaling tapat e. Hindi rin naman ako intellectual pero sapat na siguro ang maintindihan at mabahagian ng diskusyon tungkol sa artist na nabigyang panayam sa kung bakit ganito kabulok ang gawa ng artist sa bansa. 
 Unang una sa lahat, dapat tayong sumaludo sa mga alagad ng sining sa bansa. Hindi natin masisisi ang kanilang mga likha kundi ang sirko ng medya sa bansa. Kaya lang naman undervalued yung mga artist natin dito sa Pinas ay dahil hindi nila natatamasa ang sapat na halaga na dapat ay magpaunlad sa kanila. Kaya naman nating makipasabayan sa iba. Iyon lang. Puro kasi tayo pakikipagsabayan kahit wala tayong sapat na kakayahan. Puro kasi tayo bwelo, kaya tuloy nagiging mangmang tayo sa sarili nating sining. Mas pabor kasi tayo sa “quantity over quality”. Hindi kasi puso at passion iyong umiiral sa mga artist natin ngayon kundi pressure at praktikal na pag iisip. Hindi tayo loyal. Hindi tayo tapat sa kinagisnan. Puro kasi tayo pagtalikod sa katotohanan na kaya tayo hindi makaahon ay dahil patuloy tayong nagiging pabigat sa lipunan. Walang humihila kasi kung sino iyong may alam ay sila pa itong lumulusong at pailalim tayo kung tadyakan.
 Sa atin kasi pagdating sa sining ay hindi considerable yung “okay na yan”. Ika nga nila, kailangan may constant improvement, constant criticism, at constant meticulous. Ang sining kasi ay may kaakibat na dahilan. Ito mismo yung magiging instrumento para ipamulat sa ating mga tao na ang pakikibaka at pagtatangol sa bayan ay hindi lamang sa pakikipagtalastasan at literal na madugong pakikipaglaban. Ang sining ay sining kapag maayos itong naipaparating sa kaisipan ng tumitingin. Kaya lang naman natin hindi maappreciate ang sarili nating mga likha ay dahil wala tayong pag aalab na pandama at makabayan sa ating nakikita. Wala tayong pagpapahalaga sa ating bayan dahil wala tayong tamang pagpapahalaga sa kapwa. Wala tayong pagkakakilanlan dahil hindi tayo marunong kumilala. Wala tayong pagmamahal sa bansa, dahil wala tayong pagkalugod sa ating mga gawa.
5 notes · View notes
sznmanguiposts-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
2K notes · View notes
sznmanguiposts-blog · 5 years
Photo
😂
Tumblr media
me irl
3K notes · View notes
sznmanguiposts-blog · 5 years
Text
“I rebuilt myself from the ashes after you burned me alive with your cold, cold words.”
— Kristen Costello
2K notes · View notes
sznmanguiposts-blog · 5 years
Text
“The more I think it over, the more I feel that there is nothing more truly artistic than to love people.”
— Vincent Van Gogh
4K notes · View notes