Tumgik
synesthesia22 · 1 year
Text
Malungkot na naman ako.
As usual, wala namang bago eh. Kahapon maghapon din akong malungkot. Sinubsob ko na lang yung sarili ko sa pagtatrabaho since andami ko ding nirurush na reports. Good thing nga at madaming pinapagawa sakin kahit pano may pinagkakabalahan ako at hindi ako masyadong nag-iisip ng kung anu-ano. Pero syempre in between, sumasagi padin sa isip ko si boss. Actually wala akong gana kausap sya kaya cold din yung mga replies ko sa kanya kahapon. Nagtatampo padin ako. Nag-OT na naman ako kagabi. 9pm ako nag out. Magkachat naman kami nung pauwi na ko. Nagtatanong nga sya if galit ako, hindi naman ako galit eh pero tampo oo. Tapos ayun sabi nya miss nya na daw ako. Hayy nako, tumalon na naman sa saya yung puso ko. Napakamarupok ko talaga pagdating sa kanya.
Then. inaya nya ko maglaro ng codm. Magkaduo lang kami. Syempre masaya na naman ako kasi solo ko sya. Mas gusto ko kasi yun. Nakakapagbonding kaming dalawa kahit di kami magkasama. Masaya na nga sana ako eh. Nawawala na yung tampo ko. Kaso..
Kaso..biglang nag-online yung Mikasa. Yung babaeng nakakalaro din nila sa Codm. Madalas nya nga kaparty sa codm yun. Ayun, ininvite nya. Edi tatlo na kami. Ok lang naman sakin. Laro lang naman yun. Binibigyan ko pa nga si Mikasa ng resources. Pero naiirita ako pag nag uusap sila. Tapos sila yung magkasama sa isang area sa map. Samantalang ako nagloloot mag-isa. Naiinis ako pag binibigyan sya ni boss ng resources. Naiinis ako pag sinasama nya sa sasakyan sa codm tapos etong mikasa sa passenger pa naupo yung character nya. Ending, ako yung nasa likod. Aba parang ako pa yung third wheel sa kanila. Naiinis ako pag nag-uusap sila tapos naka on mic, naririnig ko mga convo nila. "miks, dito ka." "Miks, kunin mo to." "Miks, wag ka magfoot step", "Miks, sakay". Samantalang pag sakin, "Shey, ang layo mo naman". Eh kung puntahan mo kaya ako sa location ko. Shutahh eh. Lagi kayong magkasama sa iisang location. Ayun pa, naiinis ako pag tinatawag nya ako sa pangalan ko. Bakit hindi nya ako tawagin sa endearment namin na "Boss".
Tapos 2nd to the last game namin, dalawa na lang kaming natira ni Mikasa. Kaso nauna ako namatay. Edi si Mikasa na lang natira. Aba todo cheer sya dun. Puro na lang, "Nice, Miks!" Tangina wala ka bang pakiramdam? Kasama mo jowa mo maglaro pero ibang babae yung chinicheer mo. Tangina lang eh. Eh kung ako kaya icheer mo para ginaganahan ako. Alam ko naman, na wala lang sa kanya yun. Hindi siguro sya aware sa mararamdaman ko. Pero grabe, ganun ba sya ka-insensitive? Parang nakalimutan nya nang kasama nya ako.
Naglaro kami last game. Wala na ako sa mood, nag off mic na lang ako. At lumayo ako sa kanila. Tinignan ko kung pupuntahan nya ako. Pero hindi. Magkasama na naman sila sa iisang area. Grabe sama ng loob ko. Gusto ko na lang maiyak. Pinuntahan lang nila ako nung lumiit na yung map. Malamang nasa akin yung safe zone, wala naman silang choice kundi puntahan ako. Natapos yung laro na masama na naman yung loob ko sa kanya. Natapos yung gabi, na nagtatampo na naman ako.
Cold na naman yung reply ko sa kanya, tinatanong nya kung galit na naman daw ba ako. Sabi ko hindi. Paano? Paano ko aaminin kung ano talaga yung nararamdaman ko? Eh hindi nya naman ako iniintindi. Mag-aaway lang kami pag sinabi kong hindi ako komportable na kasama yung babae na yun sa mga laro namin. Sasabihin nya na naman maliit na bagay lang.
Ayoko na lang magsalita. Mananahimik na lang ako. Pag nasabi pa ko ng nararamdaman ko, mag-aaway lang kami. Sasanayin ko na lang yung sarili ko na laging masama yung loob. Hanggang sa masanay ako. Hanggang sa mawalan ako ng gana. Hanggang sa gumising na lang ako isang araw na marealize ko nang hindi ko deserve yung ganitong pakiramdam. Sasanayin ko na lang yung sarili ko hanggang sa mawalan na lang ako ng pakealam. Hanggang sa magising ako isang araw, na okey na ko. At kaya ko na, nang wala sya.
5 notes · View notes
synesthesia22 · 1 year
Text
Magiging okey. Tapos magiging hindi. Tapos magiging okey ulet. Tapos magiging hindi na naman.
Gusto ko na lang mawalan ng pake.
0 notes
synesthesia22 · 1 year
Text
Hindi ako makatulog kagabi kasi feeling ko nalulungkot na naman ako ng di ko alam or hindi ko sure ano ba talaga yung dahilan. Wala naman ako masyadong iniisip last night pero ewan ko ba bakit ganon yung pakiramdam ko. Sinabi ko nga kay Boss yun. I thought matutulog na talaga sya, pero nakakakilig lang kasi hindi sya natulog na alam nyang hindi pa ako ok. Nagkwentuhan pa kami and nagkulitan sa chat until I feel better. Kaya ayun nakatulog naman akong okey na yung pakiramdam ko.
Tumblr media
0 notes
synesthesia22 · 1 year
Text
Ok na nga pala kami ni boss. Nagkabati na kami kagabi and as usual, marupok na naman ako 😅 Nagsorry naman sya sakin and bumawi naman sya ngayon. Naglaro nga kami eh. Ewan ko ba madami naman ako nakakalaro, pero iba padin talaga pag sya yung kasama ko maglaro eh. Sobrang peaceful ng pakiramdam ko and nawawala talaga stress ko at nakakalimutan ko mga problema ko. Alam mo yung pag naririnig ko palang boses nya pag naka on mic sya, ang gaan ng pakiramdam ko. Pangpakalma ko na ata yung boses nya. Basta iba sa pakiramdam. Sobrang gaan. Sana lagi lang kaming ganon. Kaso may times kasi na tinatamad sya maglaro eh. Pag sinipag naman, minsan iba yung mga kasama nya maglaro. Hindi nya pa ko inaaya minsan, kaya nagtatampo ako eh. Pero little by little eh nakikitaan ko naman sya ng pagbabago at sinasali na nya ako. Minsan lang eh hindi nya natutupad yung promise nya na maglalaro kami dahil sa mga unexpected events, kaya naiinis ako. Matampuhin pa naman ako haha.
0 notes
synesthesia22 · 1 year
Text
Few years from now, asan na kaya ako? Ano na kaya ako? Natupad ko na kaya yung mga minamanifest ko at goal ko sa buhay? Kami pa kaya ni Bossing that time?
Andami dami na naman pumapasok sa isip ko. At parang gusto ko madaliin lahat. Hindi na ko makapaghintay na dumating yung araw na finally stable na talaga ko, may financial freedom at nakakapagtravel na not only in the Philippines but also in the other countries. Na finally, masaya na ulit ako. Eto yung mga bagay na gusto ko, na lagi ko pinapaliwanag sa ex ko, kay RC kaso ayaw nya eh. Kuntento na sya sa ganitong buhay. Ako ayaw ko. I want more. Siguro nga ambisyosa ako. Pero kung susuriin mo naman mabuti, eh wala naman masama sa mga pangarap ko diba? Gusto ko lang mabigyan ng magandang buhay yung mga anak ko. And mukhang wala naman ako ibang aasahan para matupad yung mga yun kundi sarili ko lang.
I know hindi rin naman kayang ibigay sakin ni boss yun eh. Pero kasi hindi nya naman obligasyon samin yun ng mga bata. Pero you know what I really admire about him? Kasama sa mga pangarap nya yung mga anak ko. Na kapag kinuha na nya ko, na pag totally nagsama na kami, eh kasama din nya kukunin yung mga anak ko. From time to time, inaalala nya yung mga bata, tinatanong nya kung kumain na, ano ginagawa or kung natulog na. Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya.
Hayys sana, sana talaga matupad ko lahat ng goal ko at pag nangyari yun ako na bubuhay sa anak ko. Ako na mag aalaga. Ako na bahala sa kanila. Hindi ko na iaasa sa ibang tao. Pero sa ngayon, kailangan ko muna magtiis at alagaan ang sarili ko kasi may sakit din ako eh. Pero pag ok na ang lahat, pangako ko sa sarili at sa mga anak ko na hinding na talaga kami magkakahiwalay. Lagi ko na silang makakasama.
0 notes
synesthesia22 · 1 year
Text
Nakakainis ang lungkot ko na naman. Wala na naman ako sa mood. Tinotopak na naman ako. Naiinis na naman ako sa sarili ko.
Nakikita ko naman yung mga redflag pero bakit ganon, di ko pinapansin 😑 Bakit nag-sstay padin ako? 🥹 Bakit hoping padin ako na magwowork to, na worth it naman tong ipaglaban 😞
Yung ginagawa ko naman lahat eh para mapasaya ko sya. Pero bakit ako? Wala naman akong ibang gusto kundi mafeel kong appreciated ako. Mafeel ko na kahit malayo kami sa isat-isa, eh may quality time padin kami.
Sabi nya aantayin nya ko makauwi, maglalaro kami ng codm. Pero bakit ganon, hindi naman pala 😞 Edi sana hindi na lang ako sumama kay Ann, magsamgyup 🥹 Bakit pagdating sakin, parang tamad na tamad sya. Lagi na lang eh. Dati naman inaabot kami ng umaga kakalaro 😞
Ewan ko ba, baka nag-ooverthink lang din ako. Pero kasi nawawalan ako ng gana pag laging ganito. Gusto ko na lang makipaghiwalay at iinvest yung energy sa mga bagay na makakapagpasaya talaga sakin. Parang kahit anong effort ko eh, hindi naman nya naappreciate 🥺
Hayss, heto na naman ako eh. Tapos pag sinuyo naman bibigay din 😑 Gusto ko na lang mawalan ng pake at sanayin yung sarili ko na wala sya.
Lahat naman ginagawa ko pero di ko alam kung worth it ba. Di ko alam kung tamang tao ba tong pinaglalaban ko.
May times naman na ramdam kong mahal nya ako eh. Pero ewan ko pagdating sa mga ganitong mga bagay, hindi ko maiwasang questionin yung pagmamahal na yon.
Mahal mo ba talaga ako? O baka feeling mo lang mahal mo ako kasi ako yung laging nanjan para sayo 😑
0 notes
synesthesia22 · 1 year
Text
You're always there for them, but why is nobody there for you when you needed them the most?
Bakit ganon no? Ako naman yung taong sobrang daling lapitan. Pero bakit ganon? Pag ako na yung nangangailangan, parang walang willing tumulong. I mean meron naman, kahit pano may iisang tao naman na hindi nagdalawang isip na tulungan ako. Pero, kung sino pa yung mga inaasahan ko na malalapitan ko, sila pa yung hindi ko malapitan. Pinipilit ko na lang intindihin, na baka nag-sstrugle din sila ngayon. Pero syempre nakakatampo lang. Ok lang, tampo lang to. Lilipas din to. Importante hindi ako magtatanim ng sama ng loob. Pangit yun. Hindi naman ako pababayaan ni Lord eh. Malalampasan ko din to. Kaya ko to.
0 notes
synesthesia22 · 1 year
Text
Hayss, naiiyak na naman ako. Kung kelan andami kong dues sa mga bills ngayon, ngayon pa talaga ako nagstruggle financially. Katanga-tanga ko kasi. Binayaran ko ng buo yung balance ko sa GLoan, assuming na makakapagrenew ako agad. Tapos hindi pala, after 7days pa be. Huhu. Ending, edi wala na kong pera ngayon. Awit.
I always believe naman na God will provide. I know hindi nya naman ako pababayaan. Never nya naman akong pinabayaan eh. Hindi lang ako makafocus sa work ko ngayon, andami dami kong iniisip.
Sa totoo lang, gusto ko na maghanap ng bagong work. Kasi I feel na hindi naman align yung trabaho ko sa sinasahod ko. But our Finance Director, assured me naman na nirereview na nila yung mga salaries ng employees and maybe before the year ends magkaron na ng adjustment and alignment sa sahod namin. Imagine, ako na yung head ng department namin and halos managerial role na yung ginagampanan ko pero yung sahod ko, pang staff padin. Hindi naman sa nagrereklamo, pero kasi napakataas na ng gastusin ngayon. Napakamahal ng mga bilihin, ultimo pamasahe nagtaas na. Halos wala nang natitira eh. Lahat ng sahod napupunta na lang sa bills.
Kailan ko kaya mararanasan sumahod ng 50k and up a month? Jusko Lord, minamanifest ko talaga to. Makahanap lang talaga ako ng mas ok na work. Huhu. One day, babalikan ko to and malay mo naman mangyari na yung mga minamanifest ko. Financial freedom lang. Kahit yun lang Lord.
0 notes
synesthesia22 · 1 year
Text
5days with Him ❤
Sobrang happy ko for the past 5 days. Sino ba namang hindi diba? Nakasama mo ng matagal yung taong mahal mo. Haha oo alam ko, maiksi pa yung 5 days. Pero para saming mga nasa LDR ok na ok na pag nakasama mo yung mahal mo ng ganyan katagal. Akala ko nga nung una, mapopostpone yung pagkikita namin dahil nga may bagyo. Grabe sobrang badtrip ako nun. Kasi sya nadin mismo nagsabi na next time na kami magkita pag ok na ang panahon. Eh yun na lang kasi yung mahaba habang time ko na makakasama ko sya kasi nga long weekends. Aburido talaga ako non. Sa isip ko nun, kung hindi kami tuloy, aalis padin ako. Dun na lang ako sa dorm uuwi, tatambay na lang sa mga coffee shop at magtatrabaho na lang magdamag habang nagpapalipas ng oras at inis sa buhay. Pero buti na lang, eksaktong araw na magkikita kami, eh umokey na ang panahon. Maulan pa konti pero sumisilip na ang araw. Pagkagising ko pa eh nabasa ko agad ang message nya na tawagan ko na lang daw sya if tutuloy ako nung araw na yun kasi puyat sya that time and galing pa sya sa event. Kawawa nga dahil binaha sila dun. Stranded sila kaya madaling araw na sya nakauwi.
October 30, araw ng pagkikita naming dalawa. 6am ako nagising and ayun nga nabasa ko agad yung message nya na tawagan ko sya if tutuloy ako. Tamad na tamad pa nga ko bumangon. Pano kasi nawalan na ko ng gana nung gabi palang. Hindi nga ko nag ayos ng gamit ko kasi hindi na ko umasa na matutuloy kami. Mga 7am naligo na ko and nag ayos ng mga gamit. 8am umalis na ko and nagmessage na lang ako sa kanya na paalis na ko. Maaga naman sya nagising kaya nakapagchat chat nadin kami. Sinundo nya ko sa terminal ng tricycle dun sa kanila. Grabe miss na miss ko talaga sya. Sobrang saya ng puso ko nung makita ko sya. First time ko din makita yung bago nyang tinutuluyan, napaalis na kasi sya dun sa dati at titira na dun yung pinsan nya. Ok naman yung bago nyang place. Hindi pa nga lang fully ayos. Sobrang dami pang kailangang ayusin dun. Pero actually maganda yung bahay and malaki na rin para sa katulad nyang solo lang naman. Parang gusto ko nga magpaluwal ng pera at ako na magpaayos haha. Kaso syempre mas marami akong dapat unahin sa buhay ko. Sabi nya pala, kasama nya daw dun yung kapatid nyang bunso, kaso uuwi nga ko kaya dun muna sa isa nilang bahay nag-sstay yung kapatid nya.
Over all, naging masaya naman yung pag-stay ko dun. Unti-unti nagiging komportable na nga ko kasama sya eh. Dati kasi nahihiya pa ko. Pero ngayon, ok ok na. Ganun din sya sakin, sobrang komportable na nya, hindi na nga nahihiya umutot sa tabi ko at magsabi na natatae na sya hahaha. Pinagbibigyan nya na rin ako gumastos, dati kasi ayaw nya na ako gagastos. Pero ngayon, nauutusan ko na sya kumuha sa wallet ko haha. Sabi ko naman kasi sa kanya normal lang naman sa relasyon yung maghati sa gastusin eh. Kaso nung una ayaw nya at di daw sya sanay na ginagastusan. Pero syempre ayaw ko din naman maging pabigat sa kanya. May pera din naman ako eh so ok lang kahit paminsan eh ako gumastos sa mga pangangailangan namin.
Sobrang saya talaga ng bakasyon ko dun. Nasulit ko talaga ang long weekends. Nanunuod lang kami ng Netflix and nagfofoodtrip. Grabe saya ng puso ko pag nanunuod kami ng movies, pano ba naman nakayakap sya sakin habang nanunuod. Pucha, kinikilig ako hanggang ngayon pag naaalala ko haha. Naghaharutan pa kami, nagkikilitian and randomly nya ako kinikiss and sinasabihan ng I love you. Tangina, ansarap sarap mainlove. Hahaha. Lagi pa nya ako pinagtitimpla ng kape. And the best sa lahat yung magpapagod kami bago matulog haha, alam nyo na. Pagtapos namin, eh matutulog kaming magkayakap. Grabe nakapasarap sa pakiramdam. Nakakalimutan ko talaga mga problema ko pag kasama ko sya.
Nag-inom din pala kami non. Kasama yung dalawa nyang tropa. Ansaya ko nga din at nameet ko na yung mga taong kinukwento nya lang sakin dati. Mababait naman sila lahat. At masaya naman din ako dahil pinakikisamahan nila ako ng maayos. Nameet ko nadin yung mga kapatid nya kaso medyo awkward pa eh. Siguro dahil, ngangayon na lang ulit si Boss nakapagpakilala ng girlfriend. Pero soon naman siguro, makakavibes ko din yung mga kapatid nya. Wala na nga pala syang parents . Nasa heaven na yung mama nya and yung papa nya, bata pa lang sila iniwan na sila. Kaya hindi ko narin mamemeet yung parents nya, pero soon yung mom nya sana madalaw namin sa sementeryo para kahit pano makapagpakilala padin ako.
Sa ngayon, andito ako sa office and naisipan ko nga ikwento yung memories ko na to. Kagabi ako umuwi ng dorm and grabe miss na miss ko na agad sya. Kaso may sakit sya ngayon. Kung kelan nakauwi na ko tsaka pa nagkasakit. Hindi ko tuloy sya maalagaan. Sana maging ok na yung bossing ko. Sa birthday nya na ulit kami magkikita and sana nga makapunta ako nun. Sana wala na ulit maging aberya. First time pa naman namin magcecelebrate ng birthday nya na magkasama.
0 notes
synesthesia22 · 2 years
Text
Parang walang magandang nangyayari ngayon. Nakakainis lang kasi lahat na lang ng plano hindi natutuloy 😌 Tangina. Mas gusto ko na lang nasa trabaho. Kesa ganitong weather. Mas lalo lang ako napapagod at nag iisip ng kung anu-ano.
Tangina, Paeng umalis ka na. Please lang.
0 notes
synesthesia22 · 2 years
Text
Kagabi nagsabi sakin si Boss na may lakad sya ng Nov 18-20 pa-Puerto. Birthday daw ng girlfriend ng kapatid nya kaya sinasama sya and sila ni kuya Ian ang magshu-shoot. Nagets ko naman agad na si Trina yung sinasabi nya na may birthday. Pero sabi ko ayoko na sumama sya. Pinsan kasi ni Trina yung longterm ex grilfriend nya. And I can't help but to worry na baka isama ni Trina yun and syempre magkakaron sila ng chance na makapagbonding together. I know I shoudn't feel threatened kasi matagal naman na silang tapos and may boyfriend nadin naman yung girl. But then nagwoworry padin kasi ako. Pano kung magkita sila diba? Tapos maalala nila yung mga memories nila together nung sila pa. Hays. Am I selfish? Please tell me, valid naman tong nararamdaman ko diba?
Sabi ko sa kanya if tutuloy sya sumama don, magbreak na lang kami kasi ayaw ko mag-overthink ng 3 days. Alam nya naman na napaka overthinker ko eh. Sabi nya nung una sasama padin daw sya. Then sabi ko sya bahala basta pagbalik nya, wala na syang jowa. Kalimutan nya na ko. Medyo nagtalo kami. Then sabi nya nung huli di na daw sya sasama pero syempre may halong pangungunsensya yun. Kesyo minsan lang naman daw sya makagala, etc. etc. Eh basta firm yung decision ko kagabi. Sineen nya na lang yung last message ko sa kanya na "edi sumama ka".
Then kaninang morning nagchat sya sakin. Parang normal lang eh akala mo walang nangyaring pagtatalo kagabi. And nilalambing nya din ako by saying I miss you and I love you.
I'm not really sure kung tutuloy pa sya or hindi. Pero kung tutuloy padin sya. It means lang na wala syang pakealam sa nararamdaman ko. Firm parin ang decision ko na makipagbreak na lang once na sumama sya dun :/
0 notes
synesthesia22 · 2 years
Text
02-22-2022
Officially Yours ❤
1 note · View note