Tumgik
Ang dapat i-expect sa Senior High (Naratibo)
Ni Winter Uriel Salas
Madalas na sinasabi sa akin ng mga magulang ko na "the years in high school are the best years of your life". Noong nakarating na ako sa high school, nawala yung pagka-paniwala ko sa kasabihan nila. Di ko naisip na mas bababa pa ang mga marka ko pagkatapos ng Junior High.
Tapos dumating ang Senior High. Chemistry, Pre-Cal, Philosophy, Algebra, etc. Sa sobrang hirap ng mga ito, nawalan ako ng Acad Excellence award streak. Nagtaka talaga ako kung bakit yung high school ang best years kung mas madali pa yung elementary.
Tapos naisip ko. Kung hindi bibilangin ang acads, naging mas masaya nga ang HS. Ang kalokohan ng mga klase, ang pagkaroon ng tropa, ang mga special events at activities; walang sinabi ang Elem sa HS sa aspetong iyon. At mas lalo lang sumaya ito habang lumalaki kami. Kaya tama pala ang mga magulang ko. Hindi kabuuan ng pag-aaral ang acads. Malaking porsyento rin nito ang paglaki, pagkakaroon ng kaibigan at ang pag-enjoy nito. Kaya tama nga na ang HS ay ang best years of my life.
So sa mga kinakabahan pa diyan tungkol sa Senior High, okay lang yan. Natural lang na ma-niyerbos. Pero alalahanin niyo na di lahat ay umiikot sa mga marka niyo sa report card. Kailangan niyo rin i-enjoy ang buhay niyo bilang estudyante. Mas lalo na dito sa huling mga taon ng kabataan niyo. Magpakasaya lang kayo.
0 notes
Ang Environment ng Senior High (Deskriptibo)
Ni Bastien Austria
Ang SHS DBTI ay isang masigla at dinamikong kapaligiran sa pag-aaral. Ang paaralan ay matatagpuan sa isang mataong urban na lugar, na napapalibutan ng matataas na gusali at mataong kalye. Ang paaralan mismo ay isang moderno, maraming palapag na gusali na may malalaking bintana at makinis na panlabas. Sa loob, ang mga silid-aralan ay maluwag at maliwanag, puno ng mga estudyanteng sabik na matuto. Nag-aalok ang paaralan ng malawak na hanay ng mga programang pang-akademiko, mula sa tradisyonal na mga paksa tulad ng matematika at agham hanggang sa makabagong teknolohiya at mga kurso sa engineering. Ang faculty ay nakatuon at may kaalaman, palaging nagtutulak sa mga mag-aaral na maabot ang kanilang buong potensyal. Sa pangkalahatan, ang SHS DBTI ay isang masigla at kapana-panabik na lugar upang matuto at umunlad.
0 notes
Buhay sa Senior High (Impormatibo)
Ni Sean Porras
Ang SHS DBTI Makati ay para sa mga estudyante na gusto mag hanap ng magagandang trabaho at makamit ito habang napapanalitian ang maging maka-diyos. Maganda ang DBTI SHS dahil sa napakadaming extra-curricular na pwede pag piliian dito katulad ng basketball and iba pang sports o sayaw o kung ayaw mo man ng mga magalaw na aktibidad, meron din ang DBTI SHS ng mga clubs na pwede salihan na magpapalawak ng iyong kaalaman. Ang isa pang maganda sa DBTI SHS ay ang Christian values na tinuturo nito sa mga bata hanggang lumaki sila at maging seniors. Subalit lahat ng mga iyon, hindi lang puro aral ang at laro ang meron dito sa DBTI SHS. Meron din itong mga patok na mga events na inilalahad para sa mga estudyante at minsan pwede ring magdala ng mga outsiders, katulad ng mga concert na ginanap ng DBTI SHS na nag perform sila Ben&Ben at iba pang mga artist. Sa mga events naman na para sa mga estudyante lamang, ilan dito ay ang SHS week kung saan ay maglalaban-laban lahat ng baytang ng Gr. 11 at 12 at Foundation Day kung saan madaming mga nagbebenta ng masasarap na pagkain at mga booths na kung saan pwede ka maglaro para manalo ng premyo. Lahat ito ay pinapamunuan ni Sir Ernesto M. Tauyan Jr. Siya ang iyong hahanapin pag meron kang mga concern sa mga bagay bagay at kung ano pa man. Pero syempre, hindi nya magagawa ang lahat ng yan kung wala ang tulong ng mga magagaling na guro ng DBTI SHS at ang student council na tumutulong sa mga events at sa pag didisiplina sa mga estudyante ng DBTI SHS.
1 note · View note