Tumgik
sheyn261606 · 4 years
Text
Matalinong
Manggagawa Kalasag Ng
Bansa ! 🇵🇭
Jolina Calivara Subong |February 18,2020 | Employee Tips | 👜 |     
Matalinong Mangagawa! Kalasag ng Bansa
Bilang isang Manggagawa, kinakailangan na alam mo ang iyong mga karapatan upang maging maayos ang iyong pag hahanapbuhay.
Paminsan ay nagkakaroon ng mga hindi kanais nais na pangyayari sa pinagtatrabuhan kaya maiging alam nating lahat ang ating mga karapatan.
Narito ang ilan sa mga karapatan ng kailangan na malaman ng mga Manggagawa sa kahit anong Industriya:
1.Kaukulang Bayad sa Pagtatrabaho. Karapatan ng isang manggagawa ang tamang bayad para sa oras ng trabaho. Sakaling mag-over-time ang isang manggagawa, dapat bigyan siya ng karapat-dapat na pasahod. Kabilang din dito ang pag tamang pasahod sa mga nag ta trabaho sa gabi mula alas diyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga.
2.Lingguhang Pahinga. Dalawampu’t apat na oras ang kailangang pahinga pagkatapos ng anim na araw na paggawa, at kailangan din ng konsultasyon sa mga manggagawa ukol sa kanilang araw ng pasok at pahinga.
3.Patas na Oportunidad. Anuman ang iyong kasarian, relihiyon at lahi mahalagang nakakamit mo din ang parehong oportunidad katulad ng ibang manggagawa.
4.Seguridad ng panunungkulan. Hindi maaaring patalsikin ang isang empleyado ng walang mabuting dahilan at kailangan dumaan muna ito sa tamang proseso.
5.Karapatan ng mga Kababaihan. Hiwalay ng palikuran o banyo, bihisan o lugar ng pahingahan para sa mga manggagawang babae. Kasama rin dito ang karapatan ng nagbubuntis na magkaroon ng panahon upang makapanganak.
6.Ligtas na Lugar na Trabaho. Ang bawat trabahador ay may karapatan na magkapag-trabaho ng walang panganib sa kanilang buhay o kalusugan. Ito ay dapat siguruhin ng mga employer o amo.
7.Tamang Edad ng Paghahanapbuhay. Ang legal na edad ng paghahanapbuhay ay labing walong taong gulang. Ngunit pinapayagan din naman ang ilan na may edad na hindi bababa sa labinlimang taong gulang kung may patnubay ng magulang at hindi mapanganib ang kanilang gawain.
8.Karapatan bumuo o makapag organisa ng isang lehitimong union. May karapatan na makipag-talastasan o makipag-usap tungkol sa kaniyang trabaho, mga hinaing at mga ninanais matupad sa kanilang trabaho, lugar ng paggawa at iba pang kaugnay nito.
Ang anumang karapatan ng mayroon ka bilang manggagawa ay dapat na alamin at pag-aralan. Binuo ang mga karapatang ito upang ikaw ay pangalagaan upang mas maging produktibo, malusog at mainam ang iyong maging serbisyo sa iyong pinapasukan, at upang kumita ka para sa iyong sarili.
Mahalaga ang ginagampanan ng bawat indibidwal na manggagawa sa sektor ng paglilingkod maging sa bansa. Ikaw ang mistulang susi sa pakikibaka at pagpupunyagi ng bansa pagdating sa Ekonomiya. Maging matalinong manggagawa upang magpunyagi sa iyong kinabibilangang propesyon o Trabaho .
Para sa iba pang artikulo tulad nito, maaring pumunta sa ating Career Advice at Employee Tips section ng ating blog.
Tumblr media
Article Reference : @philjobnet
64 notes · View notes
sheyn261606 · 4 years
Text
Bago ko simulan ang mga ito nais ko po na iparating sa inyo na isa lamang po akong estudyante (grade 7) kaya kung may mg mali man akong masabi dito, paki tama nalang po maraming salamat.
Nakatira ako sa Occidental Mindoro, at pinagmamalaki ko ito. Marami sa inyo ang mga hindi nakakaalam sa lugar na ito dahil bihira lamang itong mapakinggan. Kaya ngayon ay ipapakilala ko sa inyo ang Occidental Mindoro.
Hindi ito basta lugar lamang, marami kaming ipinagmamalaki na mga tanawin, kultura at tradisyon. Heto, ipapakita ko sa inyo ang ilan sa mga magagandang tanawin na kaakit-akit sa ating mga mata.
Tumblr media
Ito ang larawan ng White sand beach na matatagpuan sa San Jose, Occidental Mindoro. Karamihan sa mga turista ay dinadayo ang lugar na ito sapagkat maganda ang tanawin dito at bukod pa don ay dinadayo din rito ang sarap ng simoy ng hangin. Marami din ang nagsasabi na dito daw nila nararamdaman ang peace of mind
Ayon sa aking nabasa...
Occidental Mindoro is the second province in Mindoro Island blessed with dozens of fascinating tourist spots. These tourist spots includes dive sites, coves and white sand beaches. It is also the home of the second-largest contiguous coral system in the world and it has even gained the reputation of being called as the Marine Wonderland of the Philippines.
Most of the tourist spots in Occidental Mindoro can be found on the municipalities of Sablayan, San Jose and Mamburao which one can also find good accommodations. There are around 400,000 people living in the province and they speak of Mangyan, Tagalog and English Languages.
If you are planning to visit all of the beautiful tourist spots in Mindoro Island, consider these best tourist spots in Occidental Mindoro.
Apo Reef is one of the best tourist spots in Occidental Mindoro. Recognized as the second-largest contiguous reef system in the world next to Great Barrier Reef in Australia, it is being considered as the number one dive site in the Philippines. It is a 34-kilometer reef system divided into north and south lagoon systems by a narrow channel. Jellyfish, turtles, white-tip and black-tip reef sharks, manta rays and vast variety of corals and marine lifeforms one can witness when diving in Apo Reef.
 Apo Reef is located in Sablayan, Occidental Mindoro. Contact the Tourism Office of Sablayan to arrange your visit. Stay at Apo Reef Club Resort, it is the recommend and the most popular resort near Apo Reef.
Tumblr media
Itong sunod na larawan naman ay ang Apo Reef na matatagpuan naman sa Sablayan, Occidental Mindoro. Napakaganda ng tanawin na ito dahil bukod sa maganda ang kapaligiran ay marami ding aktibidad (activities) na pwede mong gawin dito. At isa ang Zip Line sa mga activities na pwedenv pwede niyo gawin dito. Ito rin ang tinaguriang Longest Zip line in Southeast Asia kaya makasisiguro ka na mag-eenjoy ka dito.
Ayon sa aking nabasa...
Apo Reef is a coral reef system in the Philippines situated on the western waters of Occidental Mindoro province in the Mindoro Strait. Encompassing 34 square kilometres (13 sq mi), it is considered the world's second-largest contiguous coral reef system, and is the largest in the country.[1] The reef and its surrounding waters are protected areas in the country administered as the Apo Reef Natural Park (ARNP). It is one of the best known and most popular dive sites in the country. It is listed in the tentative list for UNESCO World Heritage Sites.[2]
Ang susunod na litarato na inyong makikita ay ang "Arawatan Festival" na sa Occidental Mindoro lamang ginaganap.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang arawatan festival ay ang Festival na ginaganap sa Occidental Mindoro. Madaming kompetesyon at mga palabas dito na ginaganap tuwingika-15 ng Nobyembere. Ang bawat distrito ay dumadalo dito upang maidaos ang pagganap ng Arawatan Festival.
(Ayon sa aking nabasa)
“ARAWATAN” is a native term among the Mangyan that connotes “unity”, “cooperation” and “helping each other”. This is an annual historic event in Occidental Mindoro where the people of this province of various religious congregations, beliefs, and political differences, varying ethnically & indigenous people, customs and traits are strongly “unified.” Each year, the people of Occidental Mindoro, the students, professionals, businessmen, government officials, together with the rural folks and indigenous people participate in the activities. The usual celebration highlights exhibition of this province natural attractions, agricultural, coastal and marine products, street dancing, fairs, sports, competition, parade of beauties and recognition to achievers or outstanding performers of the province. It is celebrated every 11th day of November in celebration of the Province of Occidental Mindoro’s founding anniversary.
At ang mga susunod na litrato naman ay ang matatagpuan sa aming hometown o sa aming bayan na sinilangan at ang mga ito ay matatagpuan lamang sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Kaming mga Abreños ay may ariling tradisyon bukod sa pangkalahatan o ang sa buong Occidental Mindoro.
Tumblr media
Ito ang tinatawag na Krus na Parang at tuwing mahal na araw ay inaakyat ng mga tao ang bundok na ito upang mamanata at magpasalamat sa lahat. Kung hindi man sila umaakyat ay naghihila sila ng krus at sumasama sa prusisyon.
Mula sa mga tao na nakaranas na pumunta dito....
The Lenten season is one of the holidays strictly observed by Catholics as portrayed in several traditions and practices done in different regions in the country. Some people reflect, visit churches to pray, and do acts of penance. Others take a different route and join the various festivals that are held year-round.
Since I can remember, I have attended masses and joined the processions along with other devotees. It is my way of setting foot outside of my comfort zone - the territory marked by my Lolo as not allowed. When I was younger, I was told that bad spirits gain strength during Holy Week, primarily due to Christ's death, thus safety should always be observed. Growing up, I’d feel bad whenever I set off for a trip during this season. However, this year, I did something new and I’m sure that my Lolo would be pleased too.
I went to a pilgrimage site called Krus na Parang. Situated in Lumangbayan (mountain) Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Krus na Parang resembles the Stations of the Cross. There are 14 traditional stations all the way up the mountain and people hike for an average of 3 hours to pray, to reflect and to thank God for the blessings.
Tumblr media
Heto naman ang Agbalala falls. Ito ang ay isa sa mga tourist spot o ang mga dinadayo ng mga turista. Dahil sa lamig at napaka-fresh ng tubig dito dahil ang tubig dito ay galing pa sa bundok.
Ayon sa aking nababasa....
Agbalala Falls plunges 115 feet, its waters coming from a twin waterfall set deep in the rainforest. The waterfall drops to a pool with a depth of about 15 feet. To get there, tourists may choose between two trails. One option is to walk along the pebbled Casay beach, while the other is through an easy 15-minute trek by the mountainside. Both trails meet at the entry point of the falls where tourists are asked for donations. From there, the waterfall is a mere 3-minute walk. The boulders toward the end are slippery, so remember to be extra cautious.
Tumblr media
Heto naman ang Fiesta sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro at ginaganap ito tuwing ika-24 na Oktubre. Maraming mga aktibidad dito. Kung minsan ay nagpapa-liga, nagkakaroon ng mga artista upang mapasaya ang mga tao. Ngunit hindi nawawala ang pageant o ang paghahanap sa "Miss Town Fiesta". Na kung saan ay nagpapaligsahan ang mga naggagandahan na mga binibini.
Ilan lamang sa mga ito ang mga ipinagmamalaki, at tradisyon sa Occidental Mindoro. Maraming mga magagandang at kaakit-akit na tanawin, at mga nakaka-intrigang mga tradisyon sa aming lugar.
Sana ay may natutunan kayo at may bagong natuklasan na tungkol sa aming lugar. Maraming tanawin at tradisyon na hindi gaanong kilala ngunit hindi mo inaakala na ganun kaganda, kasaya ang mga ito. At marami pa ang mga tradisyon ang mga naandito ngunit ilan lamang ito sa mga tanawin dito sa aming lugar
Disclaimer: Ang mga litrato na aking ginamit ay kinuha ko lamang sa internet o sa google.
#mindoreño
#tatakpilipino
#abreño
@#Mindoreñoako
3 notes · View notes