Tumgik
shanengqt-blog · 8 years
Text
Buhay Kolehiyo
Ang makapag-aral sa kolehiyo ay napakalaking karangalan para sa isang tulad ko na binibigyan lang ng suporta galing sa isang kamag-anak o sa isa mang kung tawagin ay “scholarship” sapagkat dahil dito nabibigyan kami ng oportunidad na magpursigi sa buhay at makamit ang mga pangarap na aming pinakami-mithi ng lubusan.
Kaming mga nakakapag-aral sa kolehiyo ay lubos na mapalad sapagkat sa panahon ngayon marami na ang hindi nakakapag-aral sa kadahilanang walang pantustos ang mga magulang dahil sa kahirapan ng buhay. Isa rin sa mga dahilan kung bakit madami ang may kakulangan sa edukasyon ay ang mga batang tamad mag-aral, ‘yung andyan na sa harap nila yung “opportunity” iga-grab na lang nila  pero sinasayang pa. Nakakaawa ang mga taong nagpapakahirap magtrabaho at makapaghanap ng anumang uri ng trabaho mapag-aral lamang sila, pero ano kanilang ginagawa napapabarkada, lumiliban sa oras ng klase maisipan lang pumasok saka dun siya papasok kala mong siya ang may ari ng paaralan na ginagawa ang lahat ng gusto niya, natututo gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot at ano mang uri ng mga bisyo ng isang kabataan. Samantalang may mga taong mas nais na makapag-aral ngunit hindi makapag-aral dahil sa walang-wala talaga tapos sila na meron sinasayang pa.
Ako bilang isang baguhan na mag-aaral sa kolehiyo sa unibersidad ng Cavite na kumukuha ng kurso na BEE o kung tawagin ay Bachelor of Elementary Education Major in Early-Childhood Education ay nagsasabi na hindi biro ang kursong nakuha ko sapagkat napaka daming pagsubok ang haharapin ko bago ako maging isang tunay na guro. Entrance exam pa lang ay nangapa na kagad ako dahil bukod sa hindi ako handa kinulang pa kami sa oras kaya huli na nung kami ay nag-umpisa na nagging dahilan na hindi ko natapos yung exam. Ang kurso talaga na nais kong kuwanin ay Edukasyon padin ngunit sa major ng Math, ang kaso hindi ko naabot yung limit ng scores na dapat kong makuha sa entrance exam kaya napunta ako sa Elementarya. Ganun pa man ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakakuha pa din ako ng magandang kurso.
Sa aking pagpasok sa paaralang Cavite State University - Cavite City Campus o kilala sa tawag na CvSU-CCC ay masasabi kong isa itong bagong pagsubok na aking tatahakin. Pagsubok na muling makasundo at makalagayang loob ang mga bagong kaibigan, kamag-aral, at mga guro. Malagpasan o maipasa ang mga pagsusulit o ano mang maiaatas sa aking gawain. Susubukin din ako na maiwasan ang dapat iwasan at gawin ang mga dapat gawin.
Sa paaralang ito ko naranasan kung paano dumepende sa sarili at hindi sa tulong ng iba, sapagkat kung hindi ka kikilos hindi ka mgsisikap paniguradong mapag-iiwanan ka. Sa mga oras na ito ayaw mo man pero kailangan mo rin minsan magdamot lalo na sa mga pagsusulit, bakit? Para saan ang pagpupuyat mo ng matagal paghihirap na magreview tapos magpapakopya ka lang, hahayaan mo na iba ang makinabang sa paghihirap na ginawa mo. Hindi ko sinasabing napaka buti kong mag-aaral na hindi ko ginagawa ang pangongopya, pero kahit ganun pa man huwag natin hayaan na magpatuloy tayo sa ganitong mga gawain. Matuto tayong magsikap para mayroon din tayong maipagmamalaki ng dahil sa sarili nating sikap at paghihirap. Dito ko rin naranasan ang sobrang napakadaming gawain ang masaklap pa dun sabay-sabay pa, mapapa reklamo ka na lang talaga pero kahit ganun pa man sa huli’t huli ay ginagawa at tinatapos ko pa din dahil pag hindi ko ginawa yun babagsak ako maaapektuhan ang mga marka ko. Kaya kahit anong reklamo at the end natatapos pa din ang nakaka submit pa rin naman ako on time.
Ang paaralang Cavite State University – Cavite City Campus ang nagturo sakin na maging isang mahusay na indibidwal, mailabas ang talento na meron ako. Sa kolehiyong ito marami akong naranasan na dito nagumpisa pero matagal ko ng pinapangarap na sa wakas ay natupad. Yun ay ang makasali sa sports na laro tulad ng volleyball na may madaming nanonood at pinapalakpakan ka. Isa na rin dito ang walang humpay na pagsali ko sa mga akademiks na paligsahan tulad ng “essay writing” na noon pa man ay isa na sa mga panata ko na hanggat hindi ako nakakakuha ng award sa tulad nito ay hindi ako titigil. At ito nga nagkaroon ng ganitong paligsahan, sumali ako sumubok ako, nagbakasakali na  baka ito na ang tamang oras na mapaparangalan ako. Hindi ako nabigo dininig ng Diyos ang dasal ko naparangalan ako ng ikalawang pwesto hindi man una pero laking pasasalamat ko dahil simula elementarya hanggang secondarya na paghihintay ko dito ko pala makakamtan ito sa kolehiyo. Hindi masamang maghintay basta nagsisikap ka paniguradong may makakamtan ka na mas higit pa sa inaasahan mong dadating sayo.
Nalagpasan ko na ang unang semester na madami mang paghihirap at pagsubok na naranasan na lagpasan ko pa din ng maayos at walang bagsak, kaya ngayong finals alam kong makakaya ko din na lagpasan ito at alam kong maipapasa ko rin ito sa tulong ng gabay ng Diyos at sa sarili na din nating gawa sa pagsisikap na mag-aral.
Napaka dami kong natutunan sa pagiging isang kolehiyala, babaunin ko ang lahat ng ito, lahat ng aral, lahat ng saya, lungkot, at magagandang alaala hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo. Magagamit ko ang lahat ng ito sa mga susunod pang taon at sisiguraduhin ko na mas pagbubutihin ko pa lalo nang sagayon ay hindi masayang ang perang pinantutustos ng nagpapa-aral sa akin at maging worth it yung paghihirap nilang magtrabaho makatapos lamang ako at masuklian ko kahit na sa ganito lamang paraan ay makabawi ako.
0 notes
shanengqt-blog · 8 years
Text
Bukas na Liham para sa aking Tita
Tita,
 Muli akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong na iyong ginawa at ibinigay sa akin mapabuti lamang ang aking kinabukasan. Salamat sa pagkupkop, pagpapa-aral at pagmamahal na sa akin ay inyong inialay.
 Humihingi ako ng tawad sa pagiging pasaway at makulit ko. Na sa kabila ng mga ito ay hindi pa rin po kayo nagsasawa na tuluyan akong kupkopin at paaralin at patirahin sa inyong pamamahay.
 Hinihiling ko lang po na sana ay patuloy na humaba ang inyong pasensiya. Ayokong mangako peri gagawin ko na patuloy na magbago para i-tama ang mga mali ko. Sa ngayon po ang pag-aaral ko ng mabuti ang maigaganti ko sa lahat ng tulong ninyo, pero sa oras na ako ay makapagtapos, pinapangako ko na ako naman ang tutulong at mag-aalaga sa inyo.
 Hiling ko sa Diyos na patuloy niyang gabayan at i-blessed pa ang pamilya natin, ilayo sa ano mang kapahamakan at patnubayab sa lahat ng oras. Ngayon na kayo ay nasa ibang bansa nanaman malayo sa akin, ako ay mangungulila nanaman pero sabi nga diba mabilis lang ang oras konting panahon lang makakapiling ko na kayong muli.
 Mag-iingat po kayo diyan. Hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal ko po kayo.
  Nagmamahal ng lubos,
Joyce
0 notes
shanengqt-blog · 8 years
Text
Para Sa Magandang Kinabukasan
S – Shanaine Joyce Cariño aking pangalan
H – hangarin na sana’y magtagumpay sa buhay
A – aalamin at kakayanin na pagsubok ay harapin
N – nang aking kinabukasan maging makulay
A – at ang makamit ito ng tunay at may saysay.
I – iingatan ko ang aking gawa at salita
N – nang sa Diyos ako ay maipagpala.
E – Everything is possible
J – Just believe in yourself
O – Over and over again
Y – You will see the positiveness
C – Can give this to ourselves
E – Enjoy the life
C – Cherish the moment
A – Always be brave
R – respeto para sa ibang tao lalo na sa aking sarili
I – ibibigay, iaalay ng lubos at may galang
N – nang aking pagkatao’ y makilala ng lubusan
O – oo gagawin ko ang lahat ng ito para sa aking magandang kinabukasan.
0 notes