Tumgik
sensei-archie · 3 years
Text
This anime series "Black Clover" save me from loneliness and boredom during quarantine. As I remember it was recommended by one of my closest friends, and I decided to watch it in the first week of July 2020. Since it's an ongoing series which will end on April 02, 2021 with 160 episodes. You can still watch it in some legal streaming sites online, like Animapahe and Crunchyroll. If I were you start watching it, since it seems like this quarantine will not end 🤧.
Tumblr media
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Edukasyon sa Pagpapakatao (Baitang 3)
I. Layunin
1. Nakapakikinig at nahihinuha ang mangyayari ayon sa sinabi o ginawa ng tauhan sa kwento.
2. Nasasabi ang katangian ng tauhan sa kwento
3. Naipapaliwanag ang daloy ng istorya sa kwento
II. PaksangAralin: “Maging Isport”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Natutukoy ang salitang kilos sa mga pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Naibibigay ang unang titik ng bagay sa larawan.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pp.9-10
MTB – MLE Teaching Guide p. ____
J. Kagamitan:
tsart ng kwento, larawan
Likha I pah. 240-245
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Alin-alin ang tamang pagbati sa nanalo?
___a. Ang husay mo talaga!
___b. “Kongrats sa pagkapanalo mo.”
___c. “Ang yabang mo!”
___d. Tatalunin kita sa susunod!
___e. Binabati kita!
2. Pagganyak:
Ano kaya ang mangyayari kung kakain ka ng kakain ng maraming hilaw na mangga?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Hindi na sinabi kung ano ang nangyari matapos kausapin ni Bb. Reyes ang mga mag-aaral ng I-B.
Anu-ano sa palagay mo, ang mangyayari. Pumili ng 2 sa mga sumusunod.
a. Magagalit ang mga magulang ng mga mag-aaral sa I-B.
b. Bumalik ang mga mag-aaral ng I-B sa gym.
c. Binati at kinamayan ng mga mag-aaral ng I-B ang nakalaban nilang I-A.
d. Pinagalitan ng punong-guro ang mga mag-aaral ng I-B.
2. Pagtalakay:
Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang napiling hula tungkol sa nangyari.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano mo nahinuha ang kalalabasan ng pangyayari?
Tandaan
Ang paghinuha ay ang pagbibigay ng sariling palagay o hula tungkol sa maaring mangyari.
2. Pagsasanay:
Ano ang palagay o hula mong mangyayari?
___Binibilang ni Kim ang perang mula sa kanyang alkansiya.
a. Pahihiramin niya ng pera ang kanyang kuya.
b. Ibibili niya ng regalo ang kanyang nanay.
c. Ihuhulog niya ang pera sa isa pa niyang alkansiya.
IV. Pagtataya:
Ano ang palagay o hula mong mangyayari?
1. Nakita ni Billy na lanta ang mga halaman sa kanilang bakuran.
a. Sasabihin niya sa kanyang nanay.
b. Magdarasal siyang umulan sana.
c. Didiligin niya ang mga halaman.
2. Naglilinis ng bahay sina Alma at Janelle. Tapos na si Alma.
May ginagawa pa si Janelle.
a. Tutulong si Alma kay Janelle.
b. Maliligo na agad si Alma.
c. Makikipagbidahan sa telepono si Alma.
3. Masaki tang paa ni Rod kaya paika-ika siyang lumakad.
a. Pagtawanan siya ni Sarah.
b. Tutuksuhin siya ni Ramil.
c. Tutulungan siya ni Gian.
4. Gustong bumili ng ice cream ni Tom.
a. Kukuha siya ng pera sa wallet ng nanay niya.
b. Hihingi siya ng pera sa nanay niya.
c. Hihingi siya ng ice cream sa tindero.
5. Binubuwisit ni Roy ang nakawalang aso ng kanilang kapitbahay.
Bigla itong nakawala sa pagkakatali.
a. Makikipaglaro ang as okay Roy.
b. Kakagatin ng aso si Roy.
c. Tatakbo ang aso palapit kay Roy at kikiya ito.
V. Kasunduan
Isulat ang maaring mangyari.
Kumain si Bea ng matatamis na kendi at tsokolate.
Natulog siyang hindi nagsipilyo ng ngipin.
Ano kaya ang maaaring mangyari?
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Edukasyon sa Pagpapakatao (Baitang 3)
I. Layunin:
1.Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan.
2. Naisasagawa ang pagtulong sa kalinisan ng kapaligiran:
3. At ng sariling katawan
II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran
Aralin 9: Bawal ang Plastik
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Edukasyon sa Pagpapakatao
Teaching Guide ____
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng tula
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Muling ipabigkas sa mga bata nang pangkatan ang tula: “Sa Ating Kapaligiran”
Paano natin mapapangalagaan ang ating kapaligiran?
2. Pagganyak:
Sino ang makabubuo nang wasto sa tugmang ito?
Basura na itinapon mo ay _____din sa iyo?
Gaano katotoo ang kasabihang ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Iparinig/Ipabasa ang kwento:
Bawal ang Plastik
Isang Linggo ng umaga, maagang nagtungo sa palengke ang nanay ni Vivian. Sumama siya sa pamimili sa ina. Pagdating sa pamilihan, nakita nila ang pinuno ng pamilihan mayroon itong ipinababatid na panukala para sa lahat ng mga mamimili.
“Linggo ngayon, bawal ang plastic!” ang paulit-ulit na sinasabi nito gamit ang malakas na mikropono. “Bakit po bawal ang plastic?” tanong ni Vivian sa ina. “Kasi anak, sobra sobra na ang mga kalat sa paligid na mga plastic. Ito rin ang nagiging sanhi ng pagbaha at pagbabara ng mga ilog at sapa.” sagot ng ina.
Kaya naman po pala konting ulan lang eh baha na sa atin. Dapat nga po talagang iwasan na ang paggamit ng plastic.
2. Pagtalakay:
Saan nagtungo ang mag-ina?
Ano ang anunsiyo ng puno ng pamilihan?
Bakit ipinagbabawal ang paggamit ng
plastik?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mapapanatili na malinis at maayos ang ating paligid?
Tandaan:
Dapat pangalagaan ang ating kapaligiran.
Iwasan ang paggamit ng plastik na nagiging sanhi ng pagbaha sa paligid.
Magdala na lamang ng basket kung namimili.
2. Paglalapat
Gumuhit ng isang basket na lalagyan ng iyong pamimili.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng √ kung dahilan kung bakit pinagbabawal ang plastik X ang hindi.
___1. Nagiging sanhi ng pagbaha ang mga plastik.
___2. Mura lang ang plastik kaya mabuting gamitin.
___3. Madaling malusaw ang mga plastik.
___4. Nakasisira ng kapaligiran ang plastik.
___5. Nakasasama sa kalusugan ang plastik.
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3
I. Layunin:
1. Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan.
2. Nasasabi kung ano ang nakabubuti sa ating kapaligiran
3. Nagagawa ang mga bagay na nakakatulong sa kalikasan
II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran
Aralin 7: Pagliligpit ng Kalat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Edukasyon sa Pagpapakatao
Teaching Guide ____
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 40-41
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng tula
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Saan mo dapat itapon ang iyong kalat o basura?
2. Pagganyak:
Magpakita ng isang gawain sa Sining.(Paper Mosaic)
Itanong: Mga bata ano ang masasabi ninyo sa gawaing ito?
Anu-ano ang mga kagamitan na kailangan para sa paggawa ng paper mosaic?
Nais ba ninyong gumawa tayo ng sining na ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Iparinig/Ipabasa ang kwento:
Abala ang mga bata sa paggupit ng mga “art paper” sa kanilang “paper mosaic” sa silid-aralan. Ang iba ay naggugupit at ang iba naman ay nagdidikit sa “coupon bond”.
Biglang tumunog ang bel. Tapos na rin sila sa kanilang gawain. Pinulot nila ang mga kalat at inilagay sa plastic na supot.
Tuwang-tuwa ang kanilang guro dahil wala siyang nakitang kalat sa kanilang upuan.
2. Pagtalakay:
Nasaan ang mga bata?
Ano ang ginagawa nila?
Anu-ano ang kanilang ginamit?
Ano ang binigyan nila ng pansin at ginawa
nang tumunog ang bell?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mapapanatili na malinis at maayos ang ating paligid?
Ano ang dapat gawin sa mga kalat pagkatapos gumawa ng isang gawain sa Sining??
Tandaan:
Iligpit ang mga kalat.
2. Paglalapat
Sagutin nang pasalita.
a. Pagkatapos mong gumawa ng takdang-aralin, iniligpit mo ang iyong mga kagamitan.
Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng nanay pag-uwi niya?
b. Naglalaro kayo ng mga kapatid mo sa salas. Nagkalat ang inyong mga larawan. Dumating si Nanay at Tatay na maraming dalang pinamili. Ano ang gagawin mo?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng √ ang mga ginagawa mo at X ang hindi.
__1. Inililigpit ko ang gamit pagkatapos mag-aral.
__2. Inilalagay ko ang mga kalat sa basurahan pagkatapos ng ginagawa ko.
__3. Ibinabalik ko ang mga laruan sa tamang lalagyan pagkatapos kong maglaro.
___4. Inililigpit ko ang mga pinggan pagkatapos kumain.
___5. Hayaan na lamang katulong na siyang magligpit ng mga kalat.
V. Kasunduan:
Lutasin:
Tapos na si Ben na gumawa ng kanyang mga takdang-aralin. Ipinasok niya sa bag ang kanyang mga kagamitan. Ano kaya ang mararamdaman ni nanay?
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Banghay Aralin
Edukasyon sa Pagpapakatao II
I. Layunin
Sa loob ng 30 minuto na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod nang may 85% kahusayan.
A. Matutukoy ang sariling kakayahan
B. Nababahagi ang kahalagahan ng kakayahan; at
C. Napapahalagahan ang sariling kakayahan
II. Paksang- Aralin
A. Paksa: Pagkilala sa Sarili
B. May Akda: Maria Carla Mabulay-Caragan, Rolan, Victoria Guia-Bigiete
C. Materyales: Kwaderno, lapi, mga larawan ng iba't-ibang kakayahan
D. Pagpapahalaga: Maunawaan ang sariling kalahayan upang ito ay pagtibayin
III. Pamamaraan
A. Panimulaing Gawain
1. Pang araw-araw na gawain
A. Panalangin
B. Pagbati
C. Pagsasaayos ng silid
D. Pagtala ng liban
2. Pagbabalik Aral
Sa ating unang markahan ating balikan ang mga napag-aralan at natutunan sa pamagitan ng pagbabahagi ng ilangmga kaalaman sa klase.
B. Paglinang na Gawain
A. Pagganyak
Ating pag-aralan sa araw na ito ay "Pagkilala sa Sarili". Bago tayo magsimula tayo ay tumayo at igalaw ang ating mga katawan at tayi ay sumayaw, kumanta, o magpakita ng iyong kakayahan na gustong ibahagi.
B. Paglalahad
(Magpapakita mag guro ng mga larawan ng iba't ibang mga kakayahan at tatanungin ang mga mag-aaral kung alin sa mga larawan ang kaya rin nilang gawin.)
C. Pagtatalakay
Ang ating pag-aarala sa araw na ito ay tungkol sa "Pagkilala sa Sarili"
Ano ng inyong mga nararamdaman sa tuwing kayi ay nagppaakita ng talento?
Ito ba ay naman niyo sa inyong magulang?
D. Paglalahat
(Magpapakita ang guro ng mga larawan ng iba't-ibang kakayahanbat tatawag ng limang mag-aaral upang ito ay ipaliwanag)
E. Paglalapat
(Magkukwento sa klase ang ilang mag-aaral tungkol sa kanilang talento)
IV. Pagtataya
Isulat sa patlang amh letra ng katumbas ng mga pangungusap ma sa inyong palagay ay nararapat sa inyong mga personalidad
😄a
😕b
😦c
😐d
😁e
😠f
1. Pagsasayaw ang aking gusto.
2. Mahilig akong kumanta.
3. Nais kung maging mang-aawit
4. Ako ay magaling gumuhit.
5. Gusto ko matuto sumayaw.
V. Takdang Aralin
Sumulat nang talata tungkol sa sariling kakayahan at kung paano mo ito pinahahalagahan. Ibahagi ito sa klase sanauaunoe na talakayan.
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Lesson Plan: Filipino I
I. Mga Layunin
Sa loob ng 60 minuto na pagtuturo, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod ng may 75% kahusayan:
A. Nakapag bibigayng hamilbawang kahalagahan sa pagtupad sa mga alituntunin sa sariling pamilya
B. Naipapaliwanag ang pagpapagalaga sa sariling pamilya at nabibigyang katwiran ang pagtupad sa mga ito.
C. Naasasabi ang mga halimbawa ng ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sagguian:
C. Kagamitan: Larawan ng masayang Pamilya,Visual Aids at FlashCards
D. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pamilya sa buhay ng mag-aaral.
III. Pamamaraan
A. Panimulaing Gawain
A. Panalangin
B. Pagbati
C. Pagsasaayos ng Silid
D. Pagtala ng liban
E. Pagbabalik Aral
B. Paglinang na Gawain
A. Pagganyak
Sa ating bagong aralin, ito ay may kinalaman sa pagpapahalaga sa pamilya. Ngunit bago dumako sa aralin nais kong ilarawan ninyo ang nakapaskil sa pisara.
Tumblr media
B. Presentasyon ng Paksa
Ngayon naman kunin niyo ang inyong libro at pumunta sa pahina 124 at basahin ang Maikling salaysay.
Ang Pamilya Ismid
( Rene O. Villanueva)
Pakisamahan ng maayos ang kapitbahay
Tulungan sila kung may pangangailangan at magkaroon ng masakit sa kanila
Batiin sila at ipagbigay ang kanilang mga paanyaya. Maaring sila ang maging karamay mo sa oras ng pangangailangan at magtanggol sa iyo kung may panganib
Kapag nagpakita ka ng kabutihan sa iyong kapitbahay ay gayundin ang gagawin nila sa iyo.
B. Paglalahad
Ang bawat pamilya ay may kaniya kaniyang mabubutung katangian na pinapahalagahan. Ang pagiging mapagmahal, matulungin, may pagkakaisa at may takot sa diyos ay ilan lamang sa mabubuting katangian ng isang pamilya na dapat ipagmalaki.
Mahalaga ding panatilhin ang mabuting pakikisama sa inyong pamilya at iba pang pamilya upang mapanatiling masaya at tahimik sa inyong lugar.
C. Paglalahat
Ano ang ating pinag-aralan?
Magbigay ng tungkulin ng isang anak sa pamilya
Bakit mahalaga ang ugnayan ng pamilya sa iba pang pamilya?
Ano naman ang tungkulin ng magulang?
D. Aplikasyon
Bumuo ng pangkat nga may limang kasapi, isadula ang katangian ng isang mabuting pamilya na nakatakda sa inyong grupo
Pangkat 1- Pamilyang mapagmaha
Pangkat 2- Pamilyang may takot sa diyos
Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa
Pangkat 4- Pamilyang may pag-kakaisa
Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan
IV. Pagtataya
Natutunan Ko
Ano ang nadarama mo sa isinasaad na sitwasyon? Iguhit sa patlang ang 😀 kung masaya ka at 😟 kung malungkot ka.
_____1. Alagang-Alaga nina Tatay at Nanay ang kapatid mong may sakit.
_____2. Pinagtatawana ng kamag-aral mo ang kaibigan mong may kapansanan
_____3. Nakipagkaibigan sa iyo ang bago ninyong kapitbahay.
_____4. Tinutulungan ka nina Alex at Kuya sa iyong takdang aralin.
_____5. Itinataboy ng inyong kapitbahay ang mga pulubi.
A. Takdang Aralin
Gumupit ng mga imahe na nagpapakita ng mabuting katangian ng isang pamilya at idikit ito sa kwaderno
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Lesson Plan Kindergarten
I. Layunin
• Napapahalagahan ang pagkakaiba ng mga tao.
• Nakakapaglahad ng impormasyon tungkol sa napakinggang aralin.
• Nakikilala at iginagalang ang pagkakaiba-iba iba ng mga tao.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pagpapahalaga sa Pagkakaiba
B. Sanggunian: Frias,M. (2015, June 30) www.slideshare.net › marivicfrias31
Farinas,S.J.(2016, June 13) Pagpapaunlad sa kakayahang
Sosyo-Emosyonal
C. Curriculum Final kindergarten - Kagamitan: Mga Larawan, Zoom Application
III. Pamamaraan
A. Panimulaing Gawain
I. Panalangin
II. Pagbati sa klase
III. Pagtsek ng attendance
IV. Balik Aral
Idikit sa pisara ang “Emoji' na ☺ kung ang pangungusap ay nagpapahiwatig ng masaya at 😔 kung ito ay nagpapahiwatig ng malungkot
1. Niregaluhan ni Rosa si Ana ng isang manika noong kaniyang kaarawan.
2. Masaya si Nikolas na ang kaniyang ina ay bumalik galing sa ibang bansa.
3. Si Richard ay umiiyak dahil ang kaniyang munting aso ay may karamdaman.
B. Paglalahad
I. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng larawan kung saan sasagutin ng mga bata kung ano ang napansin nila dito?
Tumblr media
II. Paglalahad
Ipapanood ng guro ang palabas na pinamagatang “Ang pangit na bibe”
III. Pagtatalakay
Magpapakita ang guro ng ibat-ibang larawan tungkol sa kultura, kulay, kasarian, kaanyuan at wika ng tao. Ipapaliwanag ng guro kung ano ang kahalagahan ng paggalang sa pagkakaiba-iba ng bawat tao.
C. Paglalahat
Magtatanong ang guro kung mahalaga ba ang paggalang sa pagkakaiba ng bawat tao?
D. Paglalapat
Sa isang malinis na papel isusulat ng bata kung ano ang kaibahan at natatanging kakayahan niya na naiiba sa lahat. Kinakailangan ang gabay ng magulang upang masagutan ng bata ang nasabing gawain.
IV. Pagtataya
Tukuyin kung ano ang nasa litrato
Tumblr media
Tumblr media
Tumblr media
Tumblr media
Tumblr media
V. Takdang Aralin
Gumupit ng larawan na nagpapakita ng kultura, kasarian, kulay, katayuan sa buhay at kasuotan ng isang tao.
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Lesson Plan Kindergarten
I. Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunuod:
A. nakikilala ang mga bilang na pito (7).
B. natutukoy ang mga bagay na may bilang na pito (7); at
C. nakakabilang nang hanggang pito (7).
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Bilang pito (7)
B. Sanggunian:
• Cruz, L. (2019, December 15). Mathematics 1. Slide Share. https://www.slideshare.net/mobile/lichellecruz/mathematics-1-semi-detailed-lp
C. Kagamitan: Powerpoint, Laptop, Zoom Application
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
i. Panalangin
ii. Pagbati sa klase
iii. Pagtsek ng atendans
iv. Balik-Aral:
• Mag papakita ng mga larawan na may bilang anim at mag bibiilang ng hanggang bilang anim.
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
• Awitin ang katang “Sampung Malulusog na Bata”
Isa dalawa tatlong mga bata
Apat lima anim na mga bata
Pito walo siyam na mga bata
Sampung malulusog na bata
b. Paglalahad
• (Magpapakita ng mga larawan na may bilang anim at pito na tutukuyin ng mga bata.)
Tumblr media
Tumblr media
Tumblr media
Tumblr media
c. Pagtatalakay
• Papakita ang itsura ng bilang pito. Mag bibigay pa ng iba pang mga halimbawa o litrato na may bilang pito.
d. Paglalahat
• Magatatanong ang guro sa mga estudyante kung ano ang bilang na pinag-aralan at magbibigay sila ng halimbawa sa pamamagitan ng mga gamit na mayroon sila sa kanilang bag.
e. Paglalapat
• Magbibilang nang sabay-sabay mula bilang isa hanggang bilang pito.
IV. Pagtataya
Gawain 1: Bakatin ang mga linya at isulat ang partikular na bilang.
Tumblr media
Tumblr media
V. Takdang Aralin
Tukuyin ang tamang bilang at pangalan ng mga sumusunod na larawan sa loob ng kahaon.
1. 🍌🍌🍌🍌🍌🍌
2. 🍞🍞🍞🍞🍞🍞🍞
3. 🍅🍅🍅🍅🍅🍅🍅
4. 🍇🍇🍇🍇🍇🍇
5 🌽🌽🌽🌽🌽🌽🌽
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Lesson Plan Kindergarten
I. Objective: at the end of the lesson, the pupils are expected to:
1. Identify fruits and vegetables
2. Classify pictures as fruits or vegetables: and
3. Explain the importance of eating fruits and vegetables.
II. Subject Matter: "Fruit and Vegetables"
Reference: 40- Week curriculum for kindergarten
Materials: pictures, real objects, and charts
III. Procedure
A. Preparation:
Let the pupils sing the song " Fruit Salad"
B. Motivation:
I have some things om the table. What are they,?
As you can see, these things are group into two. These things belong to group A while these things belong to group B. What can you say about group A? How about group B?
C. Presentation:
Can you guess what our lesson will be?
Today we are going to talk about fruits and vegetables
D. Discussion
Show each fruit and vegetable to the class. Let them identify which are fruit and which are vegetables.
Exercise: let the children put the fruit cut out on the tree and the vegetable cut out on the vine.
Why should we eat fruit and vegetables?
E. Generalization
Who can hive examples of fruits? What ate example of vegetables?
F. Application
Group Activity
Let each group classify the fruits and vegetables by placing the pictures on the appropriate column
🍇🥕🍋🍊🍉🥬🥦🍆🍏🍎
Fruits: Vegetables:
IV. Evaluation
Write V fo Vegetables and F for Fruits
1. 🍊
2. 🍆
3. 🍌
4. 🍇
5. 🥬
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Lesson Plan Kindergarten
I. Objective: at the end of the lesson, the pupils are expected to:
1. Identify animals that live on the land, on water, and both on land and water;
2. Give example of animals that live on land, water and both on land mad water;and
3. Explain ways om how to show kindness to animals
II. Subject Matter: " Habitat of Animals"
Reference: 40- Week Curriculum for Kindergarten
Materials: picture, book, chart
III. Procedure
A. Review
Let the pupils recall the sound of animals.
Let them sing the song " Kitty, Kitty, Meow"
B. Motivation
Show picture of different animals in different habitats.
Let the pupils describe each pictures.
Ask: Where does the animal live?
C. Presentation
Today we are going to find out what animals live on land, on water, and both on land and water.
D. Discussion
Show the pupils a box. Let them guess what inside the box.
Let the pupils get one object from the box and give the name of each animal.
Let the pupils place the toy animals in their habitat on the pocket chart.
Sat: Where does the fish live?
What will happen if this animal will not be feed
How will you shoe kindness to these animals?
E. Generalization
What animals live on land? Who can give me animals that live on land? How about animals that live on both land and water?
F. Application
Let each group select the pictures of animals according to habitat indicated on the chart
🦐🐙🦈🐬 Live on water
🐫🦙🦒🐘 Live on Land
🐊🐸🦢 🐢 Live on both water and Land
IV. Evaluation
Direction: Write L if the animal live on land, W if the animals live on water, LW if the animal lives on both water and land.
1. 🐬
2. 🐢
3. 🦛
4. 🦒
5. 🦘
V. Assignment
Draw the animal for each number.
1. Animals that live on land
2. Animals that live on water
3. Animals that live on water and land
0 notes
sensei-archie · 3 years
Text
Banghay Aralin Filipino 2
I. Layunin
Sa loob ng 30 minuto na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod nang nat 85% kahusayan:
A. Natutukoy ang kahagahan ng pakikipagkapwa-tao
B. Napapahagahan ang kapwa: at
C. Naisusulat ang mga katangian ng isang mabuting kapwa
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pakikipagkapwa-Tao
B. May Akda: Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Nelsa S, D. Aida J. Cruz, Erlinda B.Castro, Virginia C. Cruz, at Matilde N. Padalla.
C. Materyales: Kwaderno, Papel, Lapis, mga larawan ng tao.
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kapwa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pang araw-araw ma gawain
A. Panalangin
B. Pagbati
C. Pagsasaayos ng Silid
D. Pagtala ng Liban
2. Pagbabalik Aral
Sa pagpapatuloy ng unang markahan ating balikan ang ating pagkilala sa sarili at kapwa. Sabihin kung OO kung sumasang-ayon ka sa pahayag at HINDI kung hindi
1. Ang pangunahing ideya ay matatagpuan ba sa unahan ng talata?
2. Ang ponema ba ay makabuluhang tunog sa isang wika?.
3. Ang aki, sita at ikaw ay halimbawa ba ng panghalip panao?.
B. Paglinang na Gawain
a. Pagganyak
Ating pag-aaralan sa araw na ito ay ang Pakikipagkapwa-tao. Bago tayo magsimula ay atin munanh basahin ang talata.
Si Lea
Si Lea ay batang magalang. Sumasagot siya ng po at opo kapag nakikipag-usap. Humahalik rin siya sa kamay ng kaniyang mga magulang bago umalis ar pagdating mg bahay. Pinalaki siya ng kaniyang mga magulang na magalang at marunong makipagkapwa-tao.
Pagkatapos basahin nag talata, ano ang inyong naramdaman o naisip dito?
Tungkol saan ang kwento?
Magbigay ng pangunahing ideya
B. Paglalahad
(Magbibigay ang guro ng mga senaryo sa mga bata at kanilang tutukuyin ang panguhing ideya)
C. Pagtatalakay
Ang ating pag-aaralan sa araw na ito at tungkol sa "Pakikipagkapwa-Tao"
Sa inyong palagay, bakit kinakailangan na maging mabuti ang isang tao?
Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa-tao?
D. Paglalahat
(Magtatawag ang guro ng eatudyante at tatanungin ito kung ang ipinapakita ng larawan ay pakikipagkapwa-tao)
E. Paglalapat
(Magbibigay ang mga mag-aarap ng halimbawa ng pakikipagkapwa-tao at ikukuwento sa klase kung bakit ito mahalaga)
IV. Pagtataya
Isulat ang wastong panghalip panao para sa pangngalangay may salungguhit.
1. Ang guro ay pipili ng kalahok sa paligsahan (Ako, Siya, Ikaw)
2. "Salamat at hindi tinaggihan ni Bel_____ ang alok ko (ka, mo, ko)
3. Sinabi ng guro kay Bel. "______ay sasali sa paligsahan." (Ikaw, ako, siya)
4. "Ilang taon ka Bel?" Tanong ng guro. "_____ at pitong taong gulang".( Ako, siya, ikaw)
5. "Hindi_______pa tatanggihan ang nais niyo" ( ko, mo, ka)
V. Takdang Aralin
Isulat sa kwaderno ang mga katangian ng isang mabuting mag-aaral.
1 note · View note