Tumgik
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
BIONOTE
Tumblr media
Si Roselyn Abejo Baratama ay ipinanganak noong Nobyember 26, 2001sa Villanueva, Misamis Oriental. Siya ay anak nina Dorothy at Roberto Barataman at bunso rin sa tatlong magkakapatid. May mga nakamit na patimpalak siya gaya ng Miss VNHS Earth 2017, Miss Sustainable Tourism 2017 1st runner up at Miss Villanueva-Tourism 2019. Maliban naman sa pagandahan ay isa rin siyang consistent honor student noong nasa Junior High School palang siya.
Tumblr media
Siya ay si Natashia Kaye S. Flores nakatira sa Villamar subdivision Iponan, Cagayan de Oro City. Ipinanganak noong ika sampo ng Pobrero sa taong 2001. Siya ay pangalawa sa tatlo niya'ng magkapatid. Anak Nina Rey Anthony Flores at ni Lorena Sabate. Si Kaye ay nakapagtapos ng secondarya sa Lourdes College at nag wagi bilang isang with honor. Si Kaye ay kasalukuyang nag-aaral sa Xavier University at gusto niya'ng magtapos ng kanyanng pag-aaral bioang isang med tech. Si Kaye ay may pinaninindigan ba salita na "Don't stop trying until you succeed."
Tumblr media
Si Xiavir Trayvillia Hamos ay ipinaganak noong October 17, 2001 sa Quezon City. Ngayon siya ay isang senior highschool student ng Xavier University Ateneo de Cagayan, siya ay isang loyaltee awardee at isang honor student noong grade school, ang pangarap nya ay maging isang piloto , siya ay isang batang cute
Tumblr media
Si Nyl Frances Marte Bernil ay ipinanganak noong Pebrero 27, 2001. Estudyante siya noon sa paaralang Bright Rock School pero isa na siyang Xavier Atenean ngayon. Naniniwala siyasa kasabihang "Wag kang susuko kahit kalaban mo pa ang buong mundo" dahil matatalo ka lang kapag susuko ka.
Tumblr media
Si Lhevinne Dianne Niña L. Cahoy is ang babae na nabubuhay dito sa mundo ng labing - piyong taon, at nakatira sa Gingoog City. Ipinanganak siya noong January 21, 2002 nina Teresita L. Cahoy at Arthur M. Cahoy na isang mga entrepreneur. Siya ay nakatapos ng sekondarya sa Christ the King Collegena merong mga achievements; softball, basketball, soccer, at iba pa. Siya ay isang magandang babae na punong puno ng pagmamahal sa mga magulang at kaibigan. Kaya’t buong puso ito magmalasakit kapag iyong makaibigan.
Siya ay naniniwala sa kasabihang “ Pagmahal mo, iparamdam mo” kaya tiyan na di kanya iiwan ng basta-basta lang. Kaya isa sa mga mahalagang tao. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Xavier University bilang grade 12 HUMSS student.
Tumblr media
Si Jose Clarito Antonio P.Enriquez ay ipinanganak noong June 3,2003 sa Quezon City.Ngayon siya ay nagsusumikap bilang isang estudyante.Siya ay nakatapos ng Primaryang edukasyon sa Stonyhurst Southville International School,at Secondaryang edukasyon sa Xavier University Ateneo De Cagayan.Buong buhay siya nagtitiwala sa kasabihang "just keep swimming".Nais niya maging isang abogado sa kinabukasan.
Tumblr media
Si Alyssa Danielle C. Dingal ay ipinanganak noong ika-25 ng Abril 2002 sa Cagayan de Oro city, Misamis Oriental. Siya ay nakatapos ng primaryang edukasyon sa Xavier University Ateneo de Cagayan, at nakatapos siya ng sekondaryang edukasyon sa King of Zion school, at sa kasalukayan nagaaral sa Xavier University muli. Nagtitiwala siya sa kasabihang “You only die once” at nais niyang maging piloto sa kinabukasan.
Tumblr media
Si Joriz Quisaba Superable ay ipinganak noong Oktubre 20, 2002 sa Cagayan de Oro City. Siya ay anak nina Myrna at Porferio Superable at bunso naman sa tatlong magkakapatid. Nagtapos si Joriz ng Junior high sa Xavier University Junior High School. Siya ay isang katoliko at kasalukuyang nakatira sa Hillsborough Point, Pueblo de oro, Cagayan de oro city. Si Joriz ay isang dating miyembro ng ACIL at isa sa mga nakiisa sa pagturo ng mga bata sa Barangay Carmen, na may katagang "Tulong Dulong". Sa kasalukuyan, siya ay miyembro ng Kapisanan ni Pedro Arrupe na layong magbigay tulong sa mga nangangailangan. Pangarap naman niyang maging lawyer at naniniwala sa kasabihan ng Robinsons na, "Keep moving Forward".
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Pasasalamat kay Bb.Maricel
Walang pasasalamat ang nabatid ng grupong ito sa aming magandang Bb.Maricel na ang pasenya ay kay haba, dahil magkaroon sila ng isang produktibong semestre kasama siya. Kailan man may Hindi nila makakalimutan ang gurong nagturo sa Manila ng mga mabubuting aralin, maging sa paaralan man o totoong aralin na mga ganap sa buhay. Lahat ng mga matutunan ng grupo ay dadalhin hanggang sa kanilang pagpasok ng kolehiyo at pagtanda.
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Pag-aalay
Ang blog na nito ay inaalay ng grupo sa mga sumusunod na kabataan na mahilig nq lumikha ng mga maaaring maging inspirasyon kapag sila ay gustong sumulat at maibahagi ang malikhaing parts ng kani lang buhay. At kanila rin ito inaalay sa guro nila ng dahil sa kanya marami silang naabot sa buhay at natutunan lalo na ang pagkakaisa at pagmamahalan sa bawat myembro ng grupo na Hindi maging matagumpay kung wala ang isa't- isa.
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Prologue
Lahat ng mga bagay at pangyayari ay darating rin sa punto na kung saan matatapos rin ito. Ngunit sa kabii lang banda, walang bagay na natatapos na walang natutunan. Maaaring ito ay isang matamis o mapait na katapusan, ngunit Alan ng bawat tao na kapag na tapos na ito, may mga bago na namang matutunan at mga bagong bagay na makakatulong sa pag usbong ng bawat-isa. Sa blog na ito, napuno ito ng mga iba't ibang aktibidad at ala-ala na ginaaa ng buong grupo. Naglalaman ito ng mga tula, maikling kwento, at iskrip ng dula na nakakapaloob rin ng bagay na natutunan na mismong ang mga manunulat ang siyang gumawa.
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni:Nyl Bernil
Haiku –“Hustisya”
Ika’y masaya
Ako ay nalulungkot
San ka, hustisya?!
Tanaga – “Pagbago”
Pumunta sa Cagayan
Kaibigan pinuntahan
Nang makita ko siya
Naging LGBT na
Dalit-“Kasiyahan”
Gabi man o umaga
Ako ay may buhay pa
Kaya tayo’y magsaya!
Diona – (8 pantig) 4 taludtod “Ballpen”
Umiyak ako ng ilog
Noong ikaw ay nahulog
Ikaw man ay isang bagay
Ika’y nagbibigay buhay
Malayang tula – “Akala”
Akala ko ba kaibigan tayo
Akala ko kapatid tayo ng kahit anong mangyari
Akala ko kung lahat ay mawawala, kayo ang aking matatakbuhan
Ang totoo pala ay mga ahas lang kayo bilang tauhan
Hindi ba sapat ang aking ginawa
May pagkakamali ba ako sainyo
Hindi, wala lang talaga kayong respeto
Hinusga niyo ako na wala kayong ebidensiya
Ngunit sa huli, mahal ko pa rin kayo
Kahit akala ko na pamilya tayo
Mga Hudas pala kayong nagtatago
Pasalamat ko lang sa mundo, nakilala ko ang Demetrio
Kumbensyonal:Bato
Kahit tayo ay magkabilang mundo
Oras, damdamin at paghihirap ko
Lahat ng ito’y binigay ko sa’yo
Ngunit bakit hindi ka nakuntento
Sabi mo maiintindihan mo ako
Sabi mo nga mahal mo ako ng todo
Pero bakit nawalan ka ng respeto
Kahit ako lamang ay nagtatrabaho
Pero ito na naman ang totoo
Ikaw parin ang awit ng puso ko
Kahit ito’y parang durog na bato
Kamangha-mangha ka parin na tao
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni:Diane Cahoy
HAIKU 
(Pag papabalik)
Tinatangkilik
Mga yakap at halik 
Sana’y magbalik 
TANAGA
(Malaya)
Sabi mo ayaw mo na
Dahil napapagod ka
Wala akong magawa
At ika’y pinalaya 
DIONA
(Dati)
Noon tayo’y masaya 
Parating magkasama
Ngayon ay nag laho na
DALIT
(Akala)
Ang akala ko ikaw na
Kala ko tayo’ng dalawa
Pero bakit ka nag-iba
Merton kana palang iba
KUMBENSYUNAL
(Hinakit)
Sa lahat ng ating pinagdadaanan
Maraming sakit at luha ang dumaan 
Pinili parin natin ang magmahalan
At ipinangako’y hanggang kamatayan
Kahit pinilit na tayo’y ipag layo
Pinaglaban parin natin ang “tayo”
Di nagtagal napaisip mo’ng sumuko
At unti-unti ka’ng tuluyang lumayo
Sana’y mag balik na kala nila’y mali
Sana mag balik ang mga sandali
Sana sa mga nagdaan at sa huli
Sana pagmamahal mo’y mananatili 
MALAYANG
(Bahag-hari)
Ako’y nasa alapaap 
Hawak ko’y aking pagmamahal
Na kung sa’ay
Sa langit man o sa lupa ay
Di katanggap tanggap
Nakita ko ang ulan
Kahawig nito’y mga luha kong 
Dala-dala ang dugo 
Ng puso kong nasasaktan
Kayay akoy dahan-dahang aalis 
Unti-unting lalayo sa lugar na kung sa’ay kaming mga taong 
Nasa tuktok ng bahag-hari 
Ay hindi pwedeng magmahal 
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni:Xiavir Hamos
Haiku:
Fliptop na Fliptop
lagi koy nag Fli-Fliptop
di nag sasawa
Tanaga:
Sa umaga, ang bilis
na narating ng gimik
ang tampalasan sa punit
basta hindi pipikit
Diona:
narinig ko ang lahat
sampung ulit ang lakas
Na akoy di mo tanggap
Dalit:
Taos-puso sana ako
para ang mga tanong to
sa sobrang init ng ulo
ay hindi tingnan ng aso
MALAYA:
Kung ako ang kalaban wala kang pag-asa
paano ka nag rap di ka marunong bumasa
Ako si Xiavir ref, aircon, technician
itong kalaban ko taga paypay sa kulungan
Kahit anong klaseng aircon split type , window type, kaya koy awin
pero mukha nito di ko kayang ayusin
ah kailangan kita, akoy may imbento
sasakyang panglubak gagawin kong gulong mukha mo
Paguwi ko sa probinsya ikaw ang kasama
ang trabaho mo sakin taga salo ng granada
ang yabang pumorma akala mo hiphop
nagsasalita wala namang kausap
Ikaw ang estatwa na nakita ko sa luneta
namamlimos kasi wala ka ng pag asa
alam mo pare pwede ka sa derby
tumayo ka sa gitna babatohin ka ng dirty
Tradisyonal/kombensyonal:
Ako ay tinagurian na isa sa mga pinakamalupit
Ang makatang hibang na binabalak ulit
na muling ibalik ang tinaga at punit
na karangalan ng aming larangang inakalang nasa ataul
Mahal kita kaya kita ipinagtatanggol
Ang musika parang babaeng napusuan ko
kaakit-akit makahimas kaya nga ang tigas ng ulo ko
at aking nilabas ang kanta kahit may butas to
Para makabunga ng mas marami pang katulad ko
Di kapanipaniwala
Ito ang tula na nagsisilbing paalala
Na hindi lahat ng rap ay nakakawalang gana
sumama na kayong lahat sa abrakadabra
At talagang mahiwaga
Sabihin sa pamilya at mga kabarkada
na di lahat ng rap ay nakakawalang gana
Sumama na kayong lahat sa abrakadabra
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni:Alyssa Dingal
Haiku:
Ako’y babae
Nguni pusong lalaki
Di na titibok
Tanaga:
Kami at magaaral
Upang maroon kaming
Mapayapa na buhay
At kaya naman ito
Diona:
Jose may bisita ka
Matagal na raw niyang
Gustong magpakilala
Dalit:
Gusto akong pumasok sa
Lugar na tahimik lamang
Tayong dalawa maglakad
May bitbit na pagkain lang
Kumbensyonal tula:
Ako ay si Paningning
Na mahilig manuod ng sining
Kasama ang aking mga kapiling
Na sina Jing-Jing at Bing-Bing
At Kung kami ay minamalas
Ng umulan ng Malakas
Tumakbo kami ng mabilis
At sana’y ulan lumihis
Para kami ay makaalis
At makauwi ng mabilis
Sa mga pangyayari na iyon
Bigla nag bago ng panahon
Malayang tula:
Nakatingin sayo, ika’y sa kanya
Gwapo ka sa paningin
Kayong dalawa’y magkasama
Sana’y akin ka nalang
Buhay ko ay malungkot
Pero salamat mga kaibigan
Kahit siya’y masaya sa iba
Ako’y pinapasaya niyo naman
Kapag ako’y malungkot dahil
Sa kanya, nandiyan kayo
Para magpasaya sa buhay kong
Malamya’at matamlay
Kaya kahit wala ka na
Masaya pa rin ako at kasama
Ko ang mga kaibigang tunay
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni: Natashia Flores
Haiku:” Ngiti” Ang isang ngiti ay aking kayamanan na minimithi. Tanaga:” Crush” Tuwing masilayan ka ang puso ko'y kakaba di Alan anong gawin Pag-ibig na ba kaya. Diona:” Kaibigan” Ako'y nasasaktan kaibigan lang ang turing Di pala ako dapat. Dalit:” KONPESYON” Noon ay masaya tayo Sinabi Kong mahal kita Ngunit ikaw ay naglaho Ako'y umibig mag-isa. Malayang tula:” Bulalakaw” Isang bato na nakasanayan ng lahat Siya'y paikot-ikot di Alam kung anong gawin Maraming nakasalubong at nabangga pero di niya pinansin at siya'y lumayo at nag-iba Sumikat ng mag-isa Itinaas ang sarili at nagbigay ikaw, maganda sa paningin Di-alam ng marami, ikaw na titiklop buhay nakasaad, mga bagay nakapansin At nangarap sila'y maging. Sapagkat mga mata nakasunod walang nakakapitan kundi sarili lamang. Bumagsak mag-isa, walang sumalo Lahat ay bumalik sa umpisa, Isang bato di kilala.
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni Jose Enriquez
agaHaiku:”Papuri”
diyos,papuri
ang batas,di nasunod.
pag gusto,akin.
Tanaga:”Sanctuary”
di parin naguusap
Damdamin takip ulap
ngunit paglapit mo lang
nagliwanag;buo pusong
Diona:”basura”
ganito lang kadali
puso ko ay basura
gamitin,tas itapon lang.
Dalit:”maliit na bagay”
maliit lang na bagay ito
sana’y swerte,kapalaran
handa labanin ang buong mundo
ngunit nag iisa ako.
Malaya:”Bench Press”
umuulan ng pawis
ang sigaw naririnig sa buong kwarto
pikit mata,walang nakikita
malibann sa sarili sa salamin
“TATLO NALANG!,ISA PA!!”
sigaw ng kasama.
“ISA NALANG NATIRA!”
nanginginig ang kamay mo.
pagkuyumin ng ngipin
pagsigaw ng “ITAAS”
unti unting naglipad ang barbell
sa sigaw ng pagod pababa.
oras na huminga.
Tatlumpung segundo bago sa sunod na set
Kumbensyonal:”bird food”
pasensya sa paggalaw ng hangin
pasensya sa paglipad ng ibon
liit na bagay sa unang tingin
baka maglalaki ngayong hapon
basag na puso,ilagay sa kahon 
walang silbi,pakain sa ibon.
ipagtapon gaya ng tinapay
siguro mawawala ang ingay
ingay sa pusong walang kabiyak
hanap ng dalagang bulaklak
o kaya babaeng buhok ay alon
ngunit walang tatangap ng basag .
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni Roselyn Barataman
Haiku: “Umaasa Muli”
Sa iyong halik,
Puso ay sumasabik
Tayo’y mag balik
 Tanaga: “Hanggang Kailan”
Kahit hindi mo alam
Ikaw parin ang hanap
Puso mo’y inaasam
Ngunit ito ay mahirap
 Diona: Paalis na Tayo
Tayo ay lilisan rin
Papunta na sa hardin
Pwede rin sa ilalim
 Dalit: “Walang Linaw”
Ano na bang nangayayari?
Puso ko ay humahapdi
Tila’y parang inaapi
Sa irog kong walang sukli
 Kumbensyonal: “Paikot-ikot”
Parang kailan lang na tayo’y sobrang saya
Sa bawat oras ay mayroong halaga
Ngunit ngayon, tila wala ng pag-asa
Sino nga ba talaga ang may pakana?
 Hanggang kailan ko ito maitataman?
Ginawa ko na lahat nang makakaya
Ginawa ko ang sa tingin ko na tama
Ngunit mali, lahat ay kulang pa pala
Hanggang saan pa aabot ang pag-ibig?
Ipapaagos nalang ba sa ilog?
Ngunit dinggin mo sana ang huling himig
Sa puso ko na pagmamahal ang handog
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
Tula ni Joriz Superable
Joriz Superable
Haiku: “Ikaw”
Ang hirap parin
Makita kang masaya
Kasamang iba
 Tanaga: “Kaibigan”
Sa isang ngiti mo lang
Nahulog ako sayo
Kahit kaibigan lang
Ang tingin mo sakin
 Diona: “Bahagi ng Puso”
Binuhos ko puso ko
Para isulat ito
Sana magustuhan mo
 Dalit: “Barkada”
Mga taong tunay tp
Kung saya man o lungkot mo
Di ka pababyaan nila
Nandiyan sila para sayo
 Kumbensyonal: “Ang Makatang Hilaw”
Lingid sa nalalaman ng tao
Marami pa akong nadadaana
Ako’y isang maliit na buto,
Sa’king kamay ang kinabukasan
 Sinusupsop lahat ng aral
Kinakaya ang mga pagsubok
Sa dasal at gabay ng may kapal
Malalampasan ang mga dagok
 Kahit pagod, buhay tinatahas,
At ako ngayon ay nauuhaw,
Isang manggang wala sa tamang oras,
Malayo pa ang makatang hilaw.
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
PAGPAG:THE PARODY
Roselyn Barataman bilang Roselyn Barataman
Joriz Superable bilang Joriz Superable
Alyssa Dingal bilang Alyssa Dingal
Dianne Cahoy bilang Diane Cahoy
Natashia Flores bilang Natashia Flores
Nyl Bernil bilang Nyl Bernil
JC Enriquez Bilang JC Enriquez
AT 
Xiavir Hamos bilang Multo
                                   PAGPAG:THE PARODY
Eksena: May anim na mag babarkada na masayang nag road trip ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay nasira ang kanilang gulong
JC: Ano ba naman oh?! Pangalawa at huling gulong nato at wala na tayong iba pang spare tire… at-- wala ring signal dito upang tawagan ang tow truck..
Kaye: OMG! What are we gonna do? Gutom pa naman ako.
Joriz: Oh no! It’s getting madilim and marami na rin ang mosquitoes, nakaka itchy…
Rose: Ano ba naman kayo, maglakad-lakad na nga lang tayo at mag hanap ng makakatulong saatin.
Eksena: Nagpalakad-lakad sila hanggang sa nakakita sila ng bahay na kung saan may lamay na nagaganap.
Alyssa: Mga bro, tong-its tayo oh! Imposibleng namang walang baraha, eh lamay to.
Dianne: Kahit kailan naman Aly oh, sugal parin ang nasa isip mo.
Kaye: Makituloy kaya tayo? Siguro namang may kape at mga pagkain sa loob. Tara na!
Eksena: Pumasok ang magbabarkada sa bahay at may nakita silang isang lalake na nakaupo sa tabi ng kabaong.
Dianne: Magandang hapon po, maari po bang makituloy sainyong bahay? Nasiraan ho kasi kami ng gulong at medyo napagod na ho rin kami sa kakalakad.
JC: Pwede po ba kaming makahingi ng tulong?
Nyl: Sige pasok muna kayo, nakakaawa nama’t dito pa kayo napunta…
Rose: *kinuha ang kanyang salamin* ang haggard ko na sis, mag re-retouch muna ako ha.
Kaye: Ohhh pagkain! *humablot agad ng sandwich at ipinasok ang iilang piraso sa kanyang jacket*
Aly: *tahimik na pumunta sa abuloy at kumuha ng pera*
Eksena: Nasagi at nabasag ni Joriz ang isang tasa ng kape na siyang dahilan sa pagka sugat nito. Dahil sa takot niya sa dugo, hindi ito mapakali at umiyak, hanggang sa naiharap niya ang kanyang mukha sa salamin ng kabaong at doon tumulo ang kaniyang luha. Agad namang kumuha si DIanne ng walis upang linisin ang kalat. Ngunit napansin ni Nyl ang mga kalapastangang ginawa ng mag kakaibigan at nagalit ito.
Nyl: Ano bang ginagawa niyo?! *ipinalayo si Joriz sa kabaong* Alam mo bang bawal mapatakan ng luha ang salamin ng kabaong? Dahil kahit sobrang sakit na, dapat natin itong pigilan upang hindi na tayo mapahamak at mahirapan pa. *agad namang pinunasan ito ni JC ngunit hinablot ni Nyl ang kamay nito* Bawal rin yan! Itigil mo na ang pag wawalis, masama yan! Alam niyo ba na kahit anong gawin mong paglinis sa kanyang pagkakamali, mananatili parin ang mga mantsa nito sa buhay mo. Ikaw naman ineng, itigil mo na yan, hindi ka na gaganda pa *agad naman nitong kinuha ang salamanin na hawak-hawak ni Rose*. Umalis na nga kaya sa pamamahay ko! Ngunit, bago ang lahat… ibialik mo ang mga sandwich, bawal mag BH habang ang patay ay nasa bahay pa at may mga bisita pang darating, buraot kang bata ka!
JC: Susubukan ko ulit mag hanap ng signal at tumawag muli ng tow truck
Joriz: Pero signal is nowhere to be found!
Aly: Maghahanap nga tayo. Bobo mo ter, walang initiative.
Eksena: Matapos ang isang oras, nakahanap na ng signal si JC at tinawagan niya agad ang kakilala niyang may tow truck upang maka uwi na sila sa lalong madaling panahon. Ngunit, wala silang ka muwang-muwang sa mga susunod na mangyayari sa kanilang buhay pagkatapos ng ingkwentro nila sa isang galit na nagdadalamhati na si Nyl.
Isang gabi, habang si Rose ay naghahanda ng matulog, may napansin syang kakaiba sa kanyang muka.
Rose: Bakit parang may namamaga sa muka ko? Matignan nga sa salamin…. OMG?! May pimple ako? Urgh! Ang malas ko! Wala na ang clear skin ko! Ano ba naman to oh!
Eksena: May isang misteryosong lalake sa balcony ng kaniyang kwarto at tahimik itong nag mamasid na may dalang kutsilyo. Ngunit, sa gilid ng salamin ni Rose ay mayroong matulis na bagay at dahil sa galit nito sa pimple ay pinagsasaksak nito ang kanyang mukha. Papalapit ng papalapit ang lalake ngunit sa panahong sasaksakin na niya ang babae ay bigla na lang itong natumba sa kanyang kinauupuan.
Nyl: Wala na siyang puslo. Bad trip naman oh.
Eksena: Nabalitaan ng magbabarkada ang nagyari sa kanilang kaibigan at pumunta sila kaagad sa lamay ni Rose.
Aly: Ayun! Tong-its na! Sige iwan ko muna kayo ha, paki sabi nalang sa mga mahgulang ni Rose na ”condolence”
Dianne: Ano ka ba naman Aly? Pwede bang mamaya na yang pag susugal?
Aly: Sige na! *agad naman syang umalis at pumunta sa mesa na kung saan mag nag susugal*
Eksena: Sa kalagitnaan ng paglalaro ni Aly ay may isang lalake namang nag mamasid na tila bang may masamang plano sa kanya. Lumapit ito kay Aly at dahan-dahang inilabas ang dala niyang kutilsyo.
Aly: Ay! Badtrip naman oh, kahit isa sa laro wala parin akong panalo! *sumigaw ito ng malakas at bigla nalang itong napakapit sa kanyang dibdib*
Eksena: Sasaksakin na sana ng lalake si Aly sa kanyang giliran ngunit bigla nalang ito nawalan ng malay. Kinalaunan ay nawalan na rin ito ng pulso dahil inatake na sya sa puso na nagin dahilan ng kaguluhan sa lugar. Kinalaunan, unti-unting namamatay ang mga magbabarkada dahil sa kanilang sariling galaw.
Nyl: Ano bayan bad trip di pa ako naka patay kahit isa sa kanila. Kaylangan kong kumuha nang 9 na kaluluwa upang mabuhay muli ang aking anak. Paano ba yan? Sino nga ulit yong susunod kong target? Ah yung nag nakaw nang pagkain. Puwes humanda ka!
Eksena: Malalim na ang gabi nang nakauwi si Kaye sa kanilang bahay galing sa burol nang kanyang kaibigan na si Aly ay may isang lalaking sumusunod sa kanya paguwi.
Kaye: Hay sa wakas nakauwi na ko. Gutom na gutom na ako teyka ano bang ulam? (tinignan ang mesa kong ano ang natirang ulam) hmm sinabawan ang sarap nito.
Eksena: Nag hahanap si Nyl ng tyempo upang makalapit kay Kaye upang patayin ito ngunit siya ay nabigla sa kanyang narinig.
Kaye: (sumigaw) T-U-B-I-G acchhk
Eksena: Nagmamadaling kumuha si Nyl nang tubig at ibinigay kay Kaye
Nyl: Oh ito tubig bilis uminom ka bilis! Di ka pwedeng mamatay sa ganyan lang. Wag kang mamatay please hayaan mong ako ang papatay sayo.
Eksena: Pero di kinaya ni Kaye at naputol nang tuloyan ang kanyang hininga dahil lang sa sabaw. Habang naglalakad papauwi si Nyl.
Nyl: Paano na to? Ba’t ang malas. Sigurado na ba to’ng hindi ako makakapatay? Paano na yung anak ko? Paano na ako? Ayaw kong mabuhay mag isa! ( nag isip nang mabuti si Nyl sa kanyang susunod na planong pagpatay sa magbabarkada)
Eksena: Kinabukasan, wala paring naplano si Nyl kong papaano niya patayin ang susunod niyang target. Dahil sa walang maisip, tinignan niya lang si JC galing sa malayo at tsaka nagsimulang magisip. Nagmamadaling nagbihis si JC dahil sa kanyang natanggap na mensahe na napatay ang isa sa kanyang kaibigan na si Kaye. Nagbihis siya at tumingin sa salamin upang magayos sa kanyang sarili. Biglang may malakas na lindol ang nangyari kayat nabasag ang salamin diretso sa mukha ni JC at ito ang dahilan ng kanyang kamatayan. 
Nyl: oh tignan mo nga naman wala panga akong planong pagpatay eh naunahan na naman ulit ako sa kanilang kamalasan. Hay buhay. So ano na? Itutuloy ko pa ba to o hindi na? eh wala na akong magagawa at sigurado ako na mamamatay na rin yung dalawang natira mamaya o bukas.
Eksena: Sa kabila ng kanyang mga iniisip ay nagpatuloy parin siya sa pagpatay sa dalawang natira. Bukas ng madaling umaga ay pinuntahan na ni Nyl ang isa sa dalawang natira. 
Nyl: Magtatagumpay ako ngayong araw na ito dahil may maganda akong plano at sigurado akong magwawagi ako sa dulo. 
Eksena: Sa pagdating ni Nyl sa bahay nang isa sa dalawang natira ay siya ay biglang nagulat nang makita niya na may lamay sa bahay nang kanyang susunod na target. Pumasok ito at tinignan kong sino ang ang nasa lamay. Laking gulat niya nang makita niya na patay na si Joriz dahil raw sa sakit dala nang pag hohongkong ni Joriz. Nakahawa siya ng sakit galing sa Hong kong at di nila nalaman na malubha na pala ang sakit kaya ito ang dahilan ng kanyang kamatayan.
Nyl: Ayoko na pagod na pagod na pagod na ako! Oo na, ako na! Ako na mag-isa! walang jowa, walang asawa, walang nang anak!! (Biglang May na alalang linya sa kanyang napanuod) (“Kapag nahanap mo na yung taong sa palagay mo, para sa 'yo, huwag mo nang pakakawalan, ipaglaban mo.”) kaya ikaw, ikaw na yung huli kaya wag kang susuko at ipaglalaban kita hanggang mapatay kita.
Eksena: Di na nag aksaya nang oras si Nyl at pinuntahan niya agad ang huling natira. Sinaksak niya ito sa ilong at namatay si Dianne. Pero parang hindi masaya si Nyl sa kanyang nagawa dahil ngayon niya lang natanto na wala palang kwenta ang pagpatay niya kay Dianne kasi isa lang ang kanyang nahukaha na kaluluwa. Eh dapat palang sa umpisa ay di na niya ginawa dahil di naman sila umabot nga 9 kaya dahil sa kahihiyan niya di niya kinaya at kinuha ang sarili niyang buhay. 
The end
0 notes
salitang-naligaw-blog · 5 years
Text
epilogo
Sa paggawa ng mga sulating ito, naibalik ng mga manunulat ang nakaraang karanasan sa buhay at mga damdamin nila nito. Kasiyahan o kalungkutan man, lahat ito ay importante sa paglakbay ng tao sa buhay dahil dito sa ating mga karanasan nakukuha ang mga pananaw at prinsipyo sa buhay.
1 note · View note