Tumgik
rmlurbnjr-blog · 7 years
Text
Pag-asa island sa Spratlys
Mula sa aking obserbasyon, ang balitang isinulat ng philstar patungkol sa Pag-asa Island na balak itayo sa Spratlys ay umaangkop sa 10 Pamantayan sa Komunikasyong Etikal.Ang balitang ito ng PhilStar ay ay nagbibigay ng impormasyong makatotohanan. Nasabi kong makatotohanan ang kanilang balita dahil nabanggit nila ang mga taong nasa likod ng impormasyong kanilang nalakap. Isa na rito si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario. Sa balitang ito rin malinaw na naipahayag ang mensaheng nais iparating sa mga mambabasa. Hindi rin nagamit ang mga salitang, Marahil,Di-umano,siguro at iba pa. Hindi rin nagpakita ng eksaherasyon at hindi nagbigay ng pansariling opinyon ang mga manunulat ng balita. Samakatuwid, nakuha ng balitang ito ang lahat ng mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal.
1 note · View note
rmlurbnjr-blog · 7 years
Text
Activity no.3
Sa lungsod ng Batangas kakaiba at katangi-tangi ang diyalektong ginagamit. Doon, kadalasang tila “pagalit” ang tono ng mga tao kung magsalita. Bagamat hindi nmn talagang galit, ito ay nakasanayan na, at kung ihahambing sa paraan ng pananalita sa Maynila, para sa mga taga-maynila- ito ay “nakakatuwa”. Bilang isang tubong Batangueño, masasabi kong nakakatuwa ring makita ang mga reaksyon ng mga karatig bayan tuwing naririnig ang diyalektong Batangan (Batangueño). Sa Batangas, tila matapang ang mga tao, ngunit kung titingnan ng mabuti, kung kikilanlanin, malalapit sa isat-isa ang mga Batangueño, dahil sa pamamaraan ng pakikipag-usap, “pa-galit” man sa tingin ng iba, ang pag-taas ng boses ay nangangahulugang malapit sa kausap ang taong kapanayam ng isang Batangueño.
1 note · View note
rmlurbnjr-blog · 7 years
Text
Cualidades de un Presidente
        Matalino, Matapang, Totoo, Mahal ang Bayan, ilan lamang yan sa mga katangian na hinahanap ng samabayanan sa pagpili ng kanilang Presidente, mapa Pilipinas man o ibang bansa. Dahil nga sa malaking gampanin ang posisyong Presidente, mainam na pagsusuri ng katangian at pagbabalik tanaw sa mga mabubuting nagawa ng kandidatong tumatakbo sa posisyong Presidente. Bagamat ganito ang pamamaraan ng mga Pilipino at iba pa sa pagpili ng Presidente walang kasiguraduhan na ang mapipiling Presidente ay magiging maayos at matagumpay ang pamumuno nito sa kanyang termino. Kung ako ang tatanungin, narito ang aking batayan sa pagpili ng Presidente ng isang bansa, BUKOD pa sa nakasanayang batayan.
           UNA, dapat ang Presidente na pipiliin ay malinis ang record sa presinto, walang bahid ng kahit anong kaso at di nasasangkot sa anumang krimen na naganap. Isa itong dapat na malaman ng bawat mamboboto, kung ang tatakbong Presidente ay sangkot sa isang krimen o isyu, ito ay ikasisira ng kanyang imahe at isang patunay na di dapat pagkatiwalaan ang nasabing kandidato.
           IKALAWA, Kalusugan, tulad na lamang ni dating Senadora na si Miriam Defensor-Santiago, siya ay tumakbo para sa posisyon na Presidente noong Halalan 2016. Nakakapanghinayang lamang na malaman na hindi angkop ang kanyang kalusugan para sa gobyerno, ang kanyang taglay na husay at abilidad na itaguyod ang gobyerno at ang Pilipinas na naangkop na daan ang siyang kailangan n gating bansa, Gayunpaman, isang hadlang ang kaniyang kalusugan sa pagiging Presidente ng Pilipinas, na siya ring naging isa sa mga rason kung bakit hindi siya binoto ng mga tao.
           HULI, ang Presidente na dapat ihalal ay dapat magkaroon ng kakayahang isaayos ang problema at suliranin ng bansa, dapat na may konkretong plano nailatag para sa problema ng isang bansa. Marapat na ang bawat kilos ng Presidenteng ihahalal ay organizado at iniisa-alang-alang ang kapakanan ng bansa, mapa-usaping pakikipag-uganayan man ito sa ibang bansa, o sa ikabubuti ng mamamayan ng bansa.
1 note · View note