Tumgik
rajahvien · 10 months
Text
Arts 1 Blog 5 | Mga Katanungan Tungkol sa "Hymen oh Hyménéé"
Tumblr media
Binansagang "Holy Grail of Filipino Art", ang piyesang ito ay tila ngayon na lamang muling nabigyan ng pansin. Una ay bakit nga ba? Marahil ito ay dahil sa museo ito ng mga Ayala nakalagay. Maaaring nais kunin ng mga Ayala ang pansin ng madla upang pagmasdan at purihin sila pagkat ang isang piyesa ni Juan Luna ay naririto. Tila umaatake na naman ang pagiging swapang at gahaman ng mga Ayala.
Hindi ba't nararapat na sa Pambansang Museo ito nakalagay? Ano ang rason ng mga Ayala sa pagmamay-ari nito? Ano pa ang kahalagahan nito sa kasalukuyang lipunan?
Unang katanungan dahil ito ay isang malaking piyesa ni Juan Luna, at ang kasaysayan ng piyesang ito ay nararapat malaman at mabigyang halaga ng masa. Pangalawang katanungan dahil heto na naman ang mga Ayala sa kanilang kapitalistang paraan ng impluwensya sa aspeto ng sining, may tinatagi nga bang rason ang mga ito?
Tumblr media
Ang opresyon sa kababaihan ay nasasalamin rito, bilang si Juan Luna ay napaslang ang kanyang asawa at ngayo'y habang buhay na nakapinta sa piyesang ito. Bilang isang artistang may problema sa pagkontrol ng kanyang emosyon, makikita sa kanyang mga gawa ang lalim, gaspang at bigat ng mga kulay.
Nararapat itong makita ng lahat at malaman ang kasaysayan, pagkat ang istoryang pinanggalingan nito ay sumasalamin pa rin sa lipunan ngayon, lalo na sa mga suliranin, diskriminasyon, at karahasan sa mga kababaihan sa panahon ngayon.
Sa simpleng piyesa, gaya ng simpleng mga salita, dula, sayaw at mga kwento ay nakakapagbigay boses ito sa mga opresyon, kahirapan at kawalan ng hustisya, kaya't napakahalaga ng sining sa kasalukuyan.
0 notes
rajahvien · 10 months
Text
Arts 1 | Blog 4: Ganid : Isang pagsusuri sa mga Ayala at ang Dulot nila sa Sining sa Bansa
Si Zobel de Ayala at ang mga dambuhalang burgesyang mga kapitalista at ang kanilang mga gahamang pagmamay-ari ng mga kalupaan at iba pa.
Sa aspeto ng sining, kilala ang mga Ayala sa pagmamay-ari ng mga museo. Dito, mas hindi nagiging makamasa ang sining. May bayad ang pagpasok, at hindi basta basta lamang makakapasok ang isang ordinaryong mamamayan. Nang dahil dito, nawawalang ng access ang mga Filipino sa sining.
Tumblr media
Hindi lamang dito sumusumpong ang pagiging gahaman ng mga Ayala, maging sa Anabu 1-G, Cavite. Kung saan ang Ayala Lands, ay binili ang lupaing sakahan ng mga mamamayan dito upang gawing komersyalisado. Nang dahil dito, isang sayaw na tinatawag na Bakte ang mawawala sa kanyang lupang pinagmulan. Ang sayaw na Bakte ay isang sayaw kung saan ipinamamalas ang mga galaw ng isang magsasaka habang nagtatanim, gayon rin ang mga galaw ng bawat mamamayan sa Anabu 1-G. Ito ay aking natuklasan nang pumunta kami sa Philippine National Highschool for the Arts at nanuod ng isang presentasyon, kung saan sila ay mismong dumayo sa lugar na ito. Sa kanilang pagpunta ay tinuruan sila ng mga kabataan doon na sumayaw ng bakte at sa dulo ay gumawa sila ng isang presentasyon kasama ang mga bata. Sa kanilang pamamalagi doon ay nakakuha sila ng mga hinaing na siyang ikinadurog ng aming puso, aalis man daw sila, ay babaunin pa rin nila ang kulturang ito. Ngunit iba pa rin daw na sa lupaing iyon sila nasayaw ng bakte.
Tumblr media
Isa ito sa mga halimbawa kung gaano kasahol at nakaaapekto ang mga Ayala, hindi lamang sa ordinaryong mga mamamayan kung hindi pati na rin sa kultural at sa aspeto ng sining na paraan. Kaya't nararapat lamang na kalampagin ang mga natutulog na nanunungkulan, gisingin ang mga natutulog na diwa, upang ang mga ganid at hindi makataong mga ito ay magwakas na.
0 notes
rajahvien · 10 months
Text
Arts 1 | Blog 3 : Spiderman Meme bilang Biswal na Representasyon ng Kultural na Kapital ng Isko’t Iska 2022 In the Kapokverse of MADness.
Tumblr media
Gamit ang Spiderman Multiverse Meme ay gumawa ako ng biswal na mapa kung paano tumatakbo ang kultural na kapital sa Isko't Iska 2022 In the Kapokverse of MADness. Isang paalala lamang, ang nilalaman ng aking nga blog kabilang na ito, ay opinyon at opinyon ko lamang, at hindi direktang sumasalamin sa mga nabanggit na pangalan at mga organisasyon sa mga akda na likha ko.
Ang Isko't Iska ay nagsimulang sumiklab sa mapagpahirap at gahamang rehimeng Marcos, nagsilbi itong kahel na bukang liwayway ng pag-asa upang maisulong ang mga pang-aagrabyado sa masa at kalapastanganan ng administrasyon. Nagkaisa ang Umalohokan Incorporated, UPLB Writer's Club, at UPLB University Student Council upang paingayin ang mga panawagang nag-uugat sa masa, at ito'y nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, pinaiingay ang boses ng masa sa mga dati pa at maging ang mga bagong problemang kinahaharap ng bayan na tila hindi mawakasan dahil sa bulok na sistema at korap na pamumuno.
Isa ang pag-usbong ng Isko’t Iska sa masasabi kong pinaggagamitan, binabahaginan, nagpapanatili, at nakabubuo pang muli ng Kultural na Kapital.
Bilang ang Isko’t isa ay nagtatampok ng mga Freshie Students ng UPLB, sa tulong ng Umalohokan, ay nakakahamig ito ng mga aktor para sa naturang produksyon. Ito rin ay nagpapaingay ng mga kontemporaryong isyu na ang lipunan natin ay mayroon. Mga panawagang dapat na marinig ng mga nanunungkulan. At bilang ito ay taunang nagaganap, it ay patuloy na nangyayari. Kung saan napapanatili ang pagkakaroon ng kultural na kapital gamit ang Isko't Iska.
Tumblr media
Ang nabuo ring samahan ng Umalohokan Incorporated, UPLB Writer's Club, at UPLB University Student Council at ng iba pang mga organisasyon, ay nagsisilbing kultural na kapital nang dahil sa mga konekayon nitong patuloy rin na sinusuportahan ang bawat isa. Ang Umalohokan at UPLB Writer's Club sa pagbuo ng piyesa na siyang gagamitin sa bawat Isko’t Iska. Ang pag analisa nila ng mga linya at istorya. Ang University Student Council sa pagtulong ng pagkuha ng mga lugar pang ensayo at pangtanghal gaya ng Basement ng SU at D. L. Umali Auditorium. Ang pagtulong din sa pinansyal na pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Mercato Los Baños at Sunday Market para magsagawa ng busking, nang makalikom ng donasyon mula sa masa. Ang pakikipagkapitbisig rin ng UP Photographers Society at Tanglaw para sa pagkuha ng mga litrato, at ng UPLB Perspective para sa pagpapaingay ng naturang produksyon.
Tumblr media
Ang mga dula, kwento, awitin, paggalaw, at kagamitan na mula sa produksyon na ito ay maaari ring pagsimulan ng bagong produksyon sa hinaharap, gaya na lamang ng mga apple boxes na siyang ginamit noon sa isang produksyon na Palanca in My Mind, ito ay nagamit pang muli sa produksyon ng pagtatanghal ng Umalohokan para sa Gandingan.
Tila isang magandang simula,
ang bumuo ng isang samahan,
na siyang patuloy sa pagkilos at paggawa,
patuloy sa mithiing makakamtan
Sana'y mas bigyang pansin
ng mga nasa itaas ang mga hinaing
pagkat sa huli't huli
ay pare-pareho lang naman tayong kumakain ng sinaing
kaya't sa luntiang mga damo,
kahel, bughaw, at kulay rosas na langit,
mga kultural na organisasyon UPLB ay makita mo,
suportahan, bigyan ng puwang, nang mapagpalayang sining ay makamit.
0 notes
rajahvien · 10 months
Text
Arts 1 | Blog 2 : Pagdalumat : Isang Repleksyon sa Sining sa Kasalukuyan
Sa pagdalumat natin sa nagdaang mga siglo ng pag-unlad at pagbabago ng sining sa Pilipinas, at bilang saksi sa ng sining sa kasalukuyan, ay narito ang aking mga na-obserbahan :
Isko’t Iska 2022 : In the Kapokverse of MADness
Tumblr media Tumblr media
Bilang parte ng produksyon ng taunang Isko’t Iska ay nasaksihan ko bilang aktor ang pagkakapit-bisig ng Umalohokan Incorporated, UPLB Writer's Club, at UPLB University Student Council kasama ang marami pang organisasyong nakiisa para maisulong ang produksyon kasama dito ang mga panawagang nag-uugat sa masa. "Dulang mula sa Masa, Para sa Masa", ito ang pinanghahawakan ng Isko’t Iska sa mahigit apat na dekada nitong pagpapamalas ng talento at pagkalapag sa mga natutulog na diwa, lalo na noon sa lagim na idinulot ng rehimeng Marcos, sa mga nagdaang administrasyon at magpahanggang sa ngayon na nasa posisyon na naman ang isang gahaman at mapang-alipustang nanunungkulan. 
Tumblr media
Ang pagtatanghal na ito ay nabuo gamit ang pinagsama-samang mga malawak, makulay, bukas at mapagpalayang mga isipan. Mula sa mga awitin, mga pagsayaw, sa pag-arte, paggalaw ng mga ilaw, dramaturhiya, mga kasuotan at marami pang iba. 
Isa sa mga ito ay ang mga kantang isinulat at inawit bilang gabay ni Gab Carreon kasama si Cha Moulic at Meg Guiang. 
Ulan, Apoy, at Hangin [Isko't Iska 2022 Song Demos]
Tumblr media
Ang paggamit ng mga hiram at ukay-ukay na damit ay isa rin sa mga paraan upang maging maayos na damit at magkaroon ng pagresaykel at paggamit muli ng mga kasuotang ginamit mula sa mga nakaraang produksyon. Tila nagkaroon pa nga ng ukay-ukay sa Umalohokan, kung saan maaaring mahiraman ng damit na magagamit para sa hinaharap na mga produksyon.
Tumblr media
Higit sa lahat ay ang kabuluhan ng nasabing produksyon. Gaya ng workshop namin sa klase kasama ang aming mga kapwa Iskolar na nagmula sa Lumad Bakwit School, ang bawat kulay, luntian, dilaw, at itim na siyang nay kanya kanyang kahulugan, bawat pares na aming hinabi upang makabuo ng kwintas, pulseras at iba pa, ay gayundin ang mga tawag ng tambuli ng mga kontemporaryong suliranin na aming isinulong sa Isko’t Iska. Ang mga pag-atake sa mga Lumad Bakwit Schools sa Pilipinas ay isa sa mga panawagan ng aming mga kapwa Iskolar ng bayan sa naganap na workshop. 
Tumblr media
Kaya't para sa mga kapwa namin artista ng bayan, mga manonood, mga kultural na organisasyon sa Pilipinas, nawa'y pagtuonan ninyo ng pansin ang pagtampok, pagsuporta at paingayin ang panawagan sa mga kwento at pagtatanghal na may kabuluhan gaya ng mga kapwa natin mula sa Lumad Bakwit School at ng Isko’t Iska.
Tumblr media Tumblr media
Paumanhin kung aking bukambibig ang Isko't Iska sa inyo, ito lamang talaga ay napakalapit sa aking puso. Sa mahigit tatlong rin kasing nakulong ako sa aming bahay, malayo sa pagtatanghal sa entablado at maging sa kalsada. Unang beses ring naramdaman kong may kahalagahan ang aking itinatanghal. 
Kaya't kung hindi mo naabutan ang aming pagtatanghal noong ika-walo at ika siyam ng Marso sa D. L. Umali Auditorium ay huwag madismaya dahil may pre-recorded na pagtatanghal na maaari ninyong mapanuod sa Facebook page ng Isko’t Iska at Youtube Channel ng Umalohokan Incorporated! 
Tumblr media
Gaya ng pagsikat at paglubog ng araw sa kahel na langit, patuloy at patuloy pa rin na sisibol ang sining na makahulugan at  mapagpalaya!
Artista ng Bayan, Ngayon ay Lumalaban!
Ngayon ay Lumalaban, Artista ng Bayan!
0 notes
rajahvien · 11 months
Text
Arts 1 | Blog 1 : Shet late na ko! : Isang Repleksyon sa 'Art is a Privelege'
Tumblr media
kuha ng litratistang si Jerich Estilles.
Shet late na ko!
4:27 nakaupo sa laundry area ng dorm. 
Dinadama ang paligid. Mga huni ng ibon. 
Kaluskos ng mga luntiang dahon ng puno na ani mo'y nagtitipon. Mga brief ng dormers na nakasabit, at tila kaibigan ang hangin na isang banayad na haplos ng tahanan ang siyang bitbit. 
Pinikit ang mata at tuluyan nang nakakita. 
Naalala ko pa noon, una kong tuntong sa entablado, nag-uumapaw ng saya at sobra rin na kabado, puno ng kagustuhang matuto. 
"Kaya 'yan! Tiwala lang!" Sabi ko sa sarili. Unang karakter na ipinagkatiwala sa'kin ay isang narrator isang magandang simula para sa isang katulad kong munti! Ngunit nang unti-unti ay napansin ko rin na pa-kaunti na nang pa-kaunti ang kanilang pagtingin sa mga kakayahan ko. Tanghali noon, nagmamadali akong umakyat sa hagdan papunta sa theater area namin. May naririnig akong mga boses na nag-uusap. Siguro nagsimula na sila. Pagkarating ko ay bigla silang tahimik, katatapos lang pala ng aking guro na mag-discuss para sa mga kapalit ng main roles sa aming itatanghal na play. Naupo ako kasama ang aking mga kaklase, maya-maya pa'y para kaming ibong maya nang pinalaya, eme nagdismiss na. Pagkaalis ng teacher namin ay saka ako kinausap ng aking kaklase. Dumaloy ang kaba sa aking katawan kahit na hindi pa alam ang kanyang sasabihin. 
Pagbuka ng kanyang bibig at umusal ng mga salita' y saka ko napagtanto. Kaya pala, kaya pala ang tahimik nang bigla kong pagdating kanina. Bago pala ako makarating ay mas naunang dumating ang mga salitang, "Walang babagay na main role kay Rajah sa play natin", "Alam niyo kung bakit? Kasi yung mukha niya naka ganun, palagi siyang nakasimangot".
Ngayo'y dumami naman nang dumami ang mga boses sa utak ko, dumami ang mga pagdududa sa aking mga kakayahan. Pangit ba 'ko? Siguro? Hindi ba ako marunong bumagay sa isang karakter? Siguro? Hindi ba maganda ang boses ko? Siguro? Hindi niya kasi ako pinakikinggan. Guro ko' yon 'e. Teacher ko yung nagsabi. 
Moment of realization. Or should I say "WTF Moment". Kaya pala sa mga may makikinis, gwapo at magagandang mukha sa amin niya ibinibigay ang mga oportunidad na makapagtanghal sa labas ng eskwelahan,  kaya pala over the years, sa parehong mga tao lang niya ibinibigay ang mga lead roles. Kaya pala favorite niya iyong mga may cha-ching samin, eme not eme. Kasi ayaw niya sa mukha ko. Mukha ko raw na palaging nakasimangot.
Resting bitch face ko yun teh. 
Masasabi kong oo nga 'no, Art is a privilege. Mga oportunidad na sa magagandang mukha at mga may kaya lang naibibigay. Lalo na kung korap ang sistema. No shame sa mga kasama kong busog na busog sa oportunidad na ibinigay ng guro namin. Sisihin ang sistema, hindi ang walang muwang na kasama.
Mga artistang walang gamit.
Mga pangarap na hindi makamit.
Naisin mang salingin ang mga oportunidad na mayroon,
Ang mabuhay pa rin ang uunahing bigyang tuon.
Ngunit ano nga ba ang mabuhay,
kung sa realidad mo nama'y walang kang malay?
Malay na lumaban at makiisa,
Para sa sining, para sa masa.
Sa paglubog naman ng araw, narito ako at nagpursigi na hasain ang talentong mayroon ako. At kung saan man ako dalhin ng hanging dumadampi sa akin ay kakayanin ko. Sumulong sa paroroonan, patungo sa kahel na bukang liwayway ng kinabukasan. 
Pinikit ang mata at patuloy lang na naniwala. 
Lahat ay magagawa, sa sarili lang ay magtiwala.
Timecheck 5:41pm - Shet late na ko!
0 notes
rajahvien · 11 months
Text
ako si rajah vien,
Tumblr media
nagnanais magbahagi ng kahel at luntiang kasiningan sa inyo. kahimanawari nawa'y maibigan ninyo.
1 note · View note