Tumgik
raizaeunice-blog · 5 years
Text
ST. JOHN’S ACADEMY, INC. DINALUPIHAN, BATAAN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO: PATAKARANG PANGWIKA HUMSS 11-ST. AUGUSTINE MEDINA,RHONY GIGANTE CASUPANAN, TRISHIA FLORES, JOZEL • KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52 , S . 1987 NG DECS O “PATAKARAN SA EDUKASYONG BILINGGUWAL Ang patakarang bilingguwal ay naglalayong makapag tamo ng kahusyan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang Wikang ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.” Ang Bilingguwalismo ay nangangahulugang isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyo linggwistik. Ipinakikita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang lipunan ay nakapag ambag sa development ng wika. Ang mga batayan sa pagtuturo ng Edukasyong Bilingguwal 1974 ay ito ay panahon g aktibismo at demonstrasyon. Simula ng pag-unlad ng wikang pambansa at noong 1969, pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive No. 202 na bubuo sa Presdential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sapagpapabuti ng sstema ng Edukasyon. Ang edukasyong bilinggwual ay binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura sa pasubalng gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan. Ang implimentasyon ng edukasyong bilingual ay binubuo ng apat na taong transisyon (1977 – 1987) na uumpisahan ang paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga asignatura tulad ng A.P ( Social Studies ) , Agham Panipunan ( Social Sciences), Edukasyong Panggawain ( Work Education ) , Edukasyon sa Wastong Pag-uugali ( Character Education) at iba pa. Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang Filipino na siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad. Ang pangambang ito ay Isang hungkag na pangamba. Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang iyong pagkatao. Kung may malay ka dito, at may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Ito dapat ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang pagyamanin ang kani-kanilang mga wika, kultura at kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng isang wikang pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at mapayabong. • KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. , 210 S. 2003 O “PATAKARANG NAGAPAIGTING SA PAGGAMIT NG INGLES BILANG PANGALAWANG WIKA SA SISTEMANG PANG EDUKASYON” Ito ay pingtitibay ng seksyon 7 , Artikulo XIV ng 1987 konstitusyon na nagla-laan na ito rin ay para sa komunikasyong batay sa pahayag ng Malacanang, ito ay isang patakaran ng Estado upang itaguyod ang edukasyon bilang isang paraan uoang makamit at mapanatili ang isang mabilis na pag-unlad sa lipunan. Samantala, kailangan ang pagkakaroon g kakayahan, kasanayan at kahusayan an gating ga mag aaral sa Wikang Ingles upang mapanatili at mapabuti ang kanilang maoag kumpitensyang gilid sa mga umuusbong at mabilis na pag lagong local at pangbuong mundong industriya. At sinasambit na ang Ingles ay dapat ituro bilang ikalawang lenggwahe, umpisa sa Unang Baitang. Layunin nito na bumuo ng kakayahan at kahusayan ng lahat ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Ingles upang gawing mas handa ang mga ito para sa mga oportunidad sa trabaho na uuusbong sa mga bagng teknolohiya sa ekonomiya at makabagong modernisasyon. Napaka halaga na pag-arala n ang wikang Ingles dahil ito ang wikang pangunahing ginagamit upang makihalubilo, sa pakikipag kalakalan at makipag-usap sa iba’t ibang tao. At karagdagan, ito rin ay tinatawag na “universal language” o pandaigdigang wika sa mundo. Dahil doon, nakakapag ‘adopt’ tayo ng iba’t ibang tradisyon, kultura at lahi. • KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 16, S. 2012 NA NAGTATAKDA NAMAN NG MGA PANUTUNTUNANG SUSUNDIN SA PAGPAPATUPAD NG MOTHER TONGUE BASED , MULTILINGUAL EDUCATION 0 MTB-MLE Ayon sa kalihim ng edukasyon na si Armin Luistro, bilang karagdagan sa mga wika sa mga wika ng pagtuturo na binanggi sa DepEd order no.16 series ng 2012, “Mga alitutunin sa pagpapatupad ng Edukasyon sa Multilingual sa wika (MTB-MLE) sa ialim ng K to 12 Basic Education Program. Tulad ng ipinahayag sa DepEd Order no. 28 series 2013 , ang pitong karagdagang wika na gagamitin sa tinukoy na rehiyon at dibisyon na nagsimula noong SY 2013- 2014 Ybanag sa Rehiyon II (Tuguegarao City, Cagayan at Isabela); ivatan din oara sa Rehiyon II (Batanes Group of Islands); Sambal para sa Rehiyon III (Zabales); Akianon para sa Rehiyon IV ( Aklan at Capiz) ; Kinaray-a para sa Rehiyon VI ( Capiz at Aklan ); Yakan para sa Autonomous Region sa Muslim Mindanao ( Lalawigan ng Basilan); at Surigaonon para sa Caraga (Surigao City at Probinsya). Sa pagdiriwang ng ika-13 na "International Mother Language Day" noong Martes, nanawagan ang isang kongresista at ilang mga organisasyon sa pagsasabatas sa panukalang gawing medium of instruction ang wikang kinagisnan ng mga mag-aaral. Sa isang press conference noong Martes, inihayag ni Valenzuela Reppresentative Magtanggol Gunigundo ang kahalagahan ng House Bill 162, o Multilingual Education and Literacy Act of 2010 na naglalayong magkaroon ng permanenteng implementasyon sa paggamit ng vernacular sa pagtuturo ng leksyon sa mga paaralan. Ayon kay Gunigundo, sa programang ito, gagamitin ang first language (L1) ng mga bata sa pag-aaral ng kanilang mga leksyon. Sa ganitong paraan, aniya, mas maiintindihan ng mga bata ang mga aralin. Ikinalulungkot ni Gunigundo ang umano'y "reading without understanding." Batay umano sa kanilang pag-aaral, hirap umano ang mga estudyante na intindihin ang leksyon sa paaralan kung ang gagamiting medium of instruction ay wikang hindi kinasanayan. DepEd Order No. 74 Sa utos ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) Order 74 noong 2009 upang maipanukala ang paggamit ng wikang kinagisnan sa pagtuturo. Sa panibagong K-to-12 curriculum, ipatutupad ang mother-tongue-based multilingual education program (MTBMLE) hanggang Grade III lamang. Ayon kay Dr. Rosalina Villaneza ng Department of Education (DepEd), sisimulan ang pagpapatupad nito sa susunod na school year, ngunit sinubukan na ito ngyong School Year 2011-2012. Aniya, "Na-implement namin last year sa 921 schools. Sila 'yung mga pioneering schools natin all over the country... Sa mga pioneer schools, doon tayo natututo "what worked and what didn't. Then we have to improve on it." Dagdag pa niya, "'Yung mga pioneering school, matagal na naming na-train ['yung mga guro] kasi noong lumabas ang DepEd Order 74, we gathered all the materials and existing experiences ng mga schools na nag-implement ng lingua franca Kung mabibigyan man ang mga mananaliksik ng pagkakataon na makapagpatupad ng batas ay ipatupad ng mga mananaliksik na aralin ang pagsulat ng Baybayin. Alam naman natin na ang baybayin ang pinaka unag paraaan ng pagsulat ng mga katutubo, sinasabi ng |CCN na “ isa lamang ang Baybayin sa marami pangwikang ginagamit ng pilipino bago pa dumating ang mgakastila sa ating bansa nagaaral at ginamit nila ang baybayin upang maturuan ang mga naunang Pilipino ng katolisismo” kung ang mga kastila ay kayang aralin at gamitn ito bakit na tayong mga Pilipino ay wala halos nakakaalam sa sariling atin. Kaya pursigidong pursigido ang mga mananaliksik na pag-aralin o pag aralan ang baybayin karagdagan din na upang maging mulat sa mga nagging nakaraan sa kasaysayan ng bansa. Oo, nasa 35% na Pilipino ang nakakaalam sa kasysayan ang hindi ito pinag aaralan. Dinidiin ng mga mananaliksik na tayo bilang isang pinoy na magkaroon ng sariling anyo ng pagsulat ng gaya na lamang ng mga Chinese, Korean at Japanese na ibang paraan ng pagsulat. Sa pananaw ng mga mananaliksik ginugusto rin nila na magkaroon tayo ng sariling disenyo ng pagsulat an gating bansa na Pilipinas. Kung ang kabataan ngayon o mas kilala sa tinatawag na “millennial” ngayoin ay kayang aralin ang alphabeto ng kanilang mga iniidulo tulad ng mga sikat ngayon na KPOP o Korean Popular music at sayaw na sikat na sikat na ngayon. Kung kaya nilang aralin ang paraan ng pagsulat ng ibang bansa nakasisiguro na ang mga mananaliksik na kayang kaya aralin ang sariling atin. Sa ilalim ng House Bill no. 4395, national script act act 2011 na muling inihain noong nakaraang taong, hinihikayat ang muling pagtakda sa baybayin bilang Sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng araw araw na paggamit rito inilunsad kamakailan lamang ang baybayin keyboard, isang libreng mobile application. Itoy maaaring makatawag ng pansin sa ilang kabataan at makapaghikayat pa ng ibang kabataan tulad nila. At maging interesado rin sila na buhayin ang sinaunag Sistema ng pagsulat sa pamamagitan din ng pagaaral ng ating sinaunag pagsulat na ipinamana ng ating mga ninonu na baybayin tiyak na maipapakita ang buhay na kahalagahan ng baybayin sa ating bansa. Masasabi o mituturing na regalo ang mga paman sa atin ng mga ninuno tulad ng kultura at ang lenggwahe. Ngunit sa pagdaan ng globalisasyon at modernong Sistema unti-onti na itong natatabuna at nawawala at napapaloitan na ng kulturang popular. Dinidiin ng mga mananaliksik na nararapat lang pag aralan ang ganitong pagsulat di dahil sa pagiging palamuti kundi upang magkaroon tayo ng damdamin ng nasyonalismo at pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura. Kung nagawa ng ibat ibang institusyon naipasa ang pag aaral ng banyagang wika tulad ng ingles, espanyol at iba pa, ano ang naguudlot sa atin upang bigyan naman ng maigtingang pansin ang sariling kultura? Nakakalungkot lang na tayong pinoy ang nagiging banyaga sa sariling wika. “ang baybayin kapag ating ginamit ay nagbibigay ng sariling pagkakalilanlan sa pamamaraan natin ng pagsulat. Ang mapagyaman ito ay isang malaking pribilehiyo para sa mga naniniwalang kayang kaya makipag sabayan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa”. Ang mga linyang iyan nanapaka loob sa mga paniki ay nakapagbibigay na ng napakalaking motibasyon upang lalo pang pagbutihin ang pagaaral nito. Ang House Bill 1022 o National Writing System Act ay may layuning itanghal ang baybayin bilang pambansang sistema o paraan ng pagsulat sa bansa. Nakakalungkot lamang na higit sa 30% porsyento ay mali ang pagsambit sa Baybayin at tinatawag ito bilang “ALIBATA”. At sa mga guro naman, ay madaragdagan ang maituturo nila s mga estudyante,para lalong mahubog at mas maintindihan ng mga estudyante ang pagkakaiba ng Baybayin sa Alibat. Kung ang estudyante at guro ang makikinabang sa pag-aaral ng Baybayin ay makikinabang din ang paaralan. Dahil tataas ang antas pagdating sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral ng Baybayin dahil hindi lahat ng paaralan,kolehiya at unibersidad ay may kapasidad na gamitin ito. Mararapat lang na aralin ang ang Baybayin ng mga mag-aaral ang ganitong klase ng pagsulat. Hindi lamang dahil sa ktuwaan kundi ang damdamin ng nasyonalismo at presensya n gating mahalagang kasyasayan. Kailangan nating pag-aralan ito dahil ngayon ay nalilimutan na natin ito at unti unti na itong nababaon sa limot at ang iba ay walang hilig aralin ito. Peo higit sa 60% ang ng nanais na aralin ito at kailangan itong maibalik dahil parte ito ng kasyasayan ng Pilipinas dahil ito ang pangunahing ginaamit noon n gating mga ninuno. Wag nating hayaan na mabaon ito sa limot dahil mahalaga ito at ito rin ay bilang pagkilala na rin sa mga ninuno natin na gumawa nito. Ito ang matatawag nating sariling atin at orihinal na mula sa atin ito. Mahalagang pag-aralan ang baybayin dahil ito ay dagdag impormasyon sa kaalaman ng tunay na panulat ng mga Pilipino. At mapapaunlad nito ng husto an gating literature ang mga estudyante ay mabibigyang kaalaman hinggil sa usaping baybayin. Hindi lamang sa mga piling mag-aaral, kung hindi ay mula sa elementarya haanggang kolehiyo. Upang mamulat ang mga estudyante na ang Pilipinas ay mayroon ding sariling pamamaraan ng pagsusulat.. masasabi itong panukala at sumasang ayon an gang mga 50% na mga tao kung isasaatas ito dahil muli nitong binubuhay ang kahalagahan ng baybayin sa kultura nating mga Pilipino at isa itong patunay nan gating kasarinlan,hindi lang sa Wika kundi sa titik din na sana ay hindi malimutan. Panahon narin upang gising na ang natutulog na damdamin ng pagka Pilipino natin.. Laging tandaan at itatak sa ating puso’t isipan na ang pagkakaroon ng sariling wika a nagpapakita ng pagkaka-kilanlan at pagbibigay pagkilala at respeto sa ating mga ninuno. Tayong mga Pilipino y may sariling pamamaraan at atin itong pagyamanin at huwag limutin. Ang Pilipinas ay tinawag na Perlas ng Silanganan di lamang sa kagandahan ng ating mga lupain kundi ito din dahil sa yaman ng ating kultura.
0 notes
raizaeunice-blog · 5 years
Text
St. John’s Academy, Inc.
Dinalupihan, Bataan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO: PATAKARANG PANGWIKA
HUMSS 11-ST. AUGUSTINE
Raiza Eunice D. De Leon
Natalie Claire M. Santos
Nichole G. Arellano
John Gabriel C. Fabia
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 ng DECS o “ Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal”
Kami ay sang-ayon sa batas na “patakaran sa edukasyon bilingguwal” dahil ang Ingles ay isa sa unibersal na lenggwahe ng lahat at pinakamadalas na gamitin kahit saang lugar o bansa ka man magpunta. Makatutulong din ito sa iyong mga trabaho sa hinaharap. Para hangga't maaga ay matutuhan na rin ng susunod na henerasyon ang pagsulat at pagsasalita ng wikang Ingles. Hanggang sa maging bihasa na ang mga tao sa pagsasalita at pagsusulat ng wikang Ingles. Bagkus, mainam rin naman na gumamit ng salitang Ingles, halimbawa na lamang kapag ikaw ay magtatrabaho sa ibang bansa kailangan mong magsalita ng wikang Ingles dahil nga ito ay kadalasang ginagamit at isa ito sa mga unibersal na lenggwahe. Kailangan din natin na ito'y maisakatuparan dahil maraming tao na ang nakapagsasalita ng wikang Ingles, hindi naman sa tayo ay dapat makisabay, dapat natin itong pag-aralan upang magkaroon tayo ng pagkakaintindihan sa ibang lahi kung mapunta man tayo sa ibang bansa. May dahilan naman upang pag-aralan ang wikang Ingles, kaya dapat ding maisama ang wikang Ingles sa edukasyon. Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral dahil madaragdagan ang kanilang kaalaman. Mapagsisikapan pa nila ang kanilang pag-aaral. Napagtitibay din ang relasyon ng guro at estudyante. Mahahasa din ang kasanayan nila sa pag-gamit ng dalawang salita o lenggwahe; ang wikang Filipino at ang wikang Ingles. Makatutulong rin ito sa mga guro na madagdagan ang kanilang abilidad nila sa pagtuturo gamit ang Edukasyong Bilingguwal. Napatataas ang kalidad ng edukasyon at mahahasa sila sa paraan ng kanilang pagtuturo sa pamamagutan ng paggamit ng Edukasyong Bilingguwal. Magagamit natin ang salita o wikang Ingles kapag nagkaroon ng pagkakataon na tayo ay makapunta sa ibang bansa dahil ang salitang Ingles sa ibang bansa ay madalas na ginagamit ng iba't ibang lahi, kaya kapag tayo ay sa kanilang lugar ay mas mapapadali ang pakikipag-usap o ang komunikasyon natin sa kanila, upang magkaroon din ng kapayapaan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at karahasan.
Gayunpaman, kailangan pa rin nating mga Pilipino na tangkilikin ang sarili nating wika lalo na ang wikang katutubo. Sapagkat tayong mga Pilipino ay dapat lamang na tumangkilik o tangkilikin ang ating sariling wika, dahil maraming wikang katutubo ang nawawala na sa kasalukuyan at kaunti na lamang ang gumagamit nito. Bagkus, naniniwala ang karamihan na ang pagiging angkop bilang wikang pambansa ay hindi nangangahulugang angkop ding wikang panturo sa mga asignaturang science at math. Ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa nang 12 taon upang matutunan ang kanilang unang wika. Ibig sabihin na ang unang 12 taon ng bata ay dapat nakalaan o bigyang diin ang pagkatuto ng unang wika ng bata. Kung gayon, ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis at madali kaysa mga matatanda. Ang mga bata ay natututo ng pangalawang wika sa iba’t ibang paraan, batay sa kanilang kultura, sa kanilang pangkat at sa kanilang indibidwal na katauhan. Alam nating mga Pilipino na ang wika natin ay hindi mawawala ngunit kailangan pa rin nating panatilihin at bigyan din ng pansin ang wikang katutubo.
Kautusang tagapagpaganap Blg. 210, s. 2003 o ang patakaran na nagpapaigting sa Paggamit ng Ingles Bilang Pangalawang Wika sa Sistemang Pang-edukasyon”
Sang-ayon kami dahil ang mabuting epekto ng ingles sa Pilipinas ay,una naiintindihan natin ang sinsabi ng ibat dahil ang ingles ay itinuturing pangdaigdigang wika,pangalawa ito rin ay may mabuting epekto sa pag-unlad ng ating ekonomiya.Ang di-mabuting epekto nito ay di na natin ginagamit ang ating sariling wika at diyalekto. Dito matututunan nating mag salita o makipag usap sa mga nakakausap natin ng wikanag ingles at madali lang natin makausap ang mga dayuhan. Kng tayu man ay makikipag usap sa mga gungamit ng wikang Ingles ito ay madali lang kung ikaw ay marunong nito. Makakausap natin sila at maiintidihan dahil sa wikang paggamit ng Ingles. Mas madali natin mababasa ang mga nakasulat o maiintindihan. Ang magandang maidudulot nito sating mga pilipino ay madali tayung matutu sa wikang ingles. Ang wikang Ingles ay hindi lang para sa mga mayayaman o sa mga “Konyo.” Ito ay hindi lang para sa mga maarte at mga social climber. Isa pa sa mabuting epekto nito ay mas nakakahalubilo tayo sa mga taga ibang bansa kung tayo man ay may sasabihin sa kanila o kung sila ay may sasabihin sa atin. ang hindi naman mabuti na epekto nito ay karamihan sa atin ay binabase ang lenggwahe sa depenisyon ng katalinuhan ng kung sino man saatin. Ang pag-aaral ng wikang Ingles ay para sa lahat na may ambisyon sa buhay, at sa mga gustong lumawak ang kakayahan sa maraming bagay. Isang patunay nito ay ang pag-dagsa ng mga Koreano sa Pilipinas para mag-aral ng Ingles, dahil mura ang pag-a-aral nito dito. Mahalaga ang pag-a-aral at pagiging bihasa sa wikang Ingles sa marami pang ibang dahilan. Hindi dapat mahiyang aminin na may kakulangan ka dito. Mas importante ay kung anong ginagawa mong mga hakbang para maging magaling sa larangang ito. Mayroon akong mga halimbawa Kung bakit mahalagang gamitin ang wikang Ingles. Una na rito ay diiba ang mg pilipino ay nag hahananap ng trabaho. Karamihan sa job interview, lalo na sa mga high-paying jobs, ay ginagawa sa Ingles. Ito ay dahil English is an international language at ginagamit ito sa maraming bansa sa buong mundo. Isa pa rito ay dahil marami sa mga instruction sa pabalat at pakete ng gamot na pang-kalusugan at pampa-ganda ay nasusulat sa English, kung paano ito gamitin at inumin.
Pag-aaral pa rin ang Ingles ay kung nais mong paglalakbay at hindi pakiramdam ang itim na tupa, at sa malayang makipag-usap sa mga tao ng iba’t-ibang nasyonalidad? Gusto mong maging isang mag-aaral sa isang banyagang unibersidad? Gusto mo ng prestihiyosong trabaho sa pag-promote ng hagdan karera? O baka gusto mong magtrabaho sa ibang bansa? Sa katunayan, sa paglipas ng panahon ikaw ay mapagtanto rin na 75% ng mundo na pagsusulatan ay isinasagawa sa wikang Ingles, 80% ng mga impormasyon na naka-imbak sa mga computer ay din sa wikang ito, at ang karamihan ng mga internasyonal na mga dokumento, mga artikulo at mga akdang pampanitikan, nakasulat na pagtuturo ay sa Ingles. At hindi isaalang-alang ang industriya ng pelikula at musika Olympus. Pelikula American-ginawa ay naging bahagi ng ating buhay, at bawat pop mang-aawit ay itinuturing na prestihiyosong na kumanta kahit isang kanta sa Ingles.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 16, s. 2012 na nagtatakda naman ng mga panuntunang susundin sa pagpapatupad ng mother tongue based, multilingual education o MTB-MLE
Ang MTB-MLE ay upang inilunsad sa Pilipinas bilang pagtupad sa Kurikulum ng K-12, na ipinatupad noong 2012. Ito ay inaasahang maipatupad sa lahat ng paaralan sa Pilipinas, partikular na sa mga batang nag-aaral sa Kindergarten at unang tatlong taon sa elementarya. SaSa henerasyon natin ngayon isa sa mga isyu sa Pilipinas ay ang pag-gamit ng iba't-ibang wika, katulad ng Ingles na nakuha natin sa mga Americano. Sa katunayan maraming nag tatalo sa paggamit ng multilingual language sa pagtuturo. Madaming sumasangayon at madami din na tumataliwas dito. Ano ba talaga ang dapat piliin? Tunghayan natin. Ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, mayroon tayong 144 na buhay na wika. At, humigit kumulang 90% ng populasyon sa ating bansa ay nagsasalita sa isa sa walong pangunahing wika. Ang multilingual language sa edukasyon o mother tounge based ay ang pag aaral o pag tuturo na gamit ang unang wika. Ayon sa nakalap naming impormasyon, sa multilingual na edukasyon, dito ang Filipino, Ingles, at iba pang mga dagdag na wika ay ipapakilala bilang mga bukod na asignatura sa isang maingat at sistematikong paraan at hindi dapat mangyari ito bago tumungtong ng Grade 4. AyonAyon din sa nasagap naming impormasyon, sa kasalukuyan ang mga kabataan na nakaranas ng ng MTB-MLE sa bansa natin ay nakitaan ng pagbabago sa pag sasalita at sa pag-iisip. Nakikita din na tumaas ang kumpiyansa nila sa sarili nila. Nag pakita rin ng bilang na nabawasan ang pag-liban sa mga klase ng estudyante. Na nangangahulugan na nagaganahan silang mag-aral. Naging aktibo sila sa pag-sagot. Dahil dito, sang-ayon kami sa batas na ito na dapat talaga na gamitin ang mother tounge sa mga asignatura. Kung gagamitin ang mother tounge sa inyong lugar ay mas makakasagot ang mga bata dahil mapapansin naman natin na kapag Ingles ang pinapagamit na pangsagot ay hindi nag tataas ng kamay ang mga bata. Ang batas na ito ang makakatulong sa mga bata na makasagot ng maayos sa kanilang guro. Ito rin ang posibleng maging daan upang tumaas ang mga grado ng mga bata. At sa pamamagitan rin nito mapapataas ang kumoiyansa sa sarili ng mga bata na hindi mahiyang sumagot sa kanilang mga guro. Hinihikayat namin talaga ang pag-gamit ng multilingual language education. Malaki din ang nabawas na Drop outs sa iba't-ibang eskwelahan sa Pilipinas. Patunay na mabisa ang pag-gamit ng Multilingual Language Education sa Pilipinas. Dahil malaki ang maitutulong nito hindi lang sa mga bata, pati na rin sa ating bansa, kami ay sang-ayon. Ayon sa pag-aaral mas mabilis matuto ang mga batang Pilipino kung ang wika nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito ay dahil sa gamay na nila ang kanilang wika. Mas madali silang matuto, mas mabilis silang matuto at mas naiintindihan nila ang turo ng guro. Magagamit din nila ito sa iba't-ibang gawain. Tulad ng pakikipag komunikasyon. Magagamit din nila ito sa sa pag tanda nila. Dahil dito, mas magiging maunlad at maayaos ang bansa natin, ang Pilipinas. Tayo ay mag ka-isa sa pag unlad ng wika natin. Para sa Pilipinas.
“Ang paggamit ng Ingles sa asignaturang Ingles lamang at mother tongue sa mga natitirang asignatura sa primarya”
Ang paggamit ng Ingles sa asignaturang Ingles lamang at mother tongue sa mga natitirang asignatura sa priamarya ang napag-isipan at ginawa naming batas. Dahil dito, mas mapag-tutugunan nang pansin ng mga estudyante na kapag ang asignatura na inaaral nila ay base sa kanilang mother tongue ang mga salitang nakasulat, mas nagaganahan sila mag aral dahil mas madali nila ipaliwanag at maintindihan ang mga aralin na napakaloob sa asignatura. May mga asignatura na Ingles ang pagkakasulat nito, dito sa mga asignaturang ito hindi porket Ingles ang nakasulat ay Ingles na din ang gagamitin. Sa pagkakataong ito ang Ingles na napapaloob sa mga asignaturang iyon ay siyang nagbibigay daan sa mag aaral na maintindihan nila ng mabuti, pero kahit ganun pa man mas maigi na gumamit ng mother tongue ang mga estudyante kapag kailangan nila ipaliwanag ang mga iyon. Sa panahon ngayon hindi ganoong karaming estudyante ang magaling sa pagsasaling wika nila sa Ingles, sa kadahilanang nahihirapan sila sa pagsalin ng mga salita ng kanilang mother tongue sa Ingles. Kaya sila nahihirapan ay dahil may mga salita sa Ingles na kapag isinalin sa mo sa tagalog ay malalim ang kahulugan at minsan ay mahirap gamitin sa isang pangungusap. Gagamitin lamang ito sa primarya at pag dating sa sekondarya ay gagamitin na nila ang Ingles dahil doon ay mas Kaya at mas mahahasa nila ang pag salita at pag sulat sa Ingles. Kaya sa mga Bata o primarya ay mother tongue pa lamang and gagamitin para mas maging aktibo at hindi sila mahiya na sumagot lalo na kung alam nila ang tamang sagot. Dahil kahit kami ngayon na nasa sekondarya na at minsan nahihirapan din at nahihiyang sumagot lalo na pag Ingles dahil nahihiya kami na mag kamali, pano pa kaya ang mga nasa primarya na estudyante. Pag dating naman nila sa sekondarya ay pag aaralan na nila ang Filipino dahil ang pinag-aralan nila ay ang kanilang mother tongue noong sila ay nasa primarya kaya pag dating sa sekondarya ay pag-aaralan na nila ang tungkol naman sa asignaturang Filipino. Sa ganong paraan ay kahit papano natalakay nila ang tungkol sa kanilang mother tongue sa primarya at pati na rin ang Filipino pag dating nila sa sekondarya. Ito naman ang isa sa mga halimbawa ng panitikan ng ibang mother tounge, ito ang mga kapampangan at ang kanilang panitikan wika.
Ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Kapampangan ay “Pampango” o “Kapampangan”. Ito ay miyembro ng Wikang Malayo-Polynesia . Noong 1571, napag-alaman ng mga Español na ang palapantigan ng wikang ito ay maaring iugat sa wikang Devangari . Ito ay may sariling ortograpiya at alpabeto. Kapansin-pansin sa alpabetong ito ang kawalan ng titik “h”. Noong 1896, nailimbag ang isang aklat tungkol sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na “Alfabeto Pampango” na isinulat ni Alvaro de Benavante. Sa kasalukuyan, karamihan ng mga taong nagsasalita ng Kapampangan ay nakatira sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac subalit mayroon din naman sa ilang bahagi ng Zambales at Bataan. Isa ang kapampangan sa pinaka kilala na mother tounge sa ating bansa. Madalas talaga itong gamitin lalo na ng mga tiga Pampanga, kahit ang mga estudyante doon ay madalas mong maririnig na nag kakapampangan. Kaya kung sa elementarya o primarya ay ang mother tongue pa lamang ang gagamitin ng mag-aaral ay mas gaganahan ito dahil kahit saan sa lugar niya ito gamitin ay may alam siya tungkol rito.
1 note · View note