Tumgik
purplepotatomonster · 5 years
Text
Masaya Ako
(Note: This is based on the film entitled "Masaya Ako" by Serendipity Studios & Entertainment so the some of the thoughts and words used are from the film itself.)
Masaya ako. Bow.
Masaya ako kasi bumabangon ako sa umaga,
Nainumulat ang aking mga mata,
Pagmamasdan ang paligid at ang ari nitong ganda,
Isang bagong panimula at pag-asa.
Masaya ako kasi buo pa rin ang aming pamilya,
Kahit minsan, nag-aaway sila mama at papa,
Pero binabalewala ko na lang kasi parang normal naman 'yun sa pamilya,
Basta ang mahalaga, kami ay magkakasama.
Masaya rin akong naliligo,
Kumakanta at sumasayaw-sayaw pa sa banyo,
Kahit minsan ay nawawala na sa tono,
O di kaya'y nagiging kaliwa parehas ang mga paa ko.
Masaya ako kasi nakakapagcommute ako,
May mga nakakasalamuha akong ibang tao,
Kahit medyo siksikan nga lang sa loob dito,
At nagkakahalo-halo ang amoy ng baho at bango.
Masaya rin ako kasi nakakapasok ako sa paaralan,
Kasama ang mga kaklase at nagkakatuwaan,
Kapag sa mga exam ay sampu lang ang tinamaan,
Buti nga at may tama pa diba? -- kaya ayos lang 'yan.
Masaya akong kumakain sa kantina,
Minsan nga, may nakakasama akong magkakatropa,
Minsan, kinukuha nila yung pagkain ko at minsan at nilalagyan ng ibang lasa,
Pero ayos lang, masarap pa rin naman tsaka nabusog pa sila.
Masaya akong kasama ang aking mga kaibigan sa pag-uwi,
Ay teka, biro lang pala, ang kaibigan ko lang ay ang aking sarili,
Pero ayos lang, uuwi pa rin akong nakangiti,
At pagmamasdan ang ngiti ng iba upang ang pagod ay mapawi.
Masaya akong makarating na muli sa bahay at magpahinga,
Magkakasama na naman kaming muli ng aking kama,
Tanging unan ang kayakap at wala ng ibang kasama,
Matulog nang mahimbing hanggang sa sumapit na muli ang umaga.
Masaya ulit akong gigising, babangon,
Haharapin ang mga bagong hamon,
Masayang maliligo at magbibihis ng uniporme,
Magcocommute at dederetso na sa klase,
Wala mang itinama ngayon sa aming pagsusulit,
May susunod pa naman 'diba? -- kaya ako'y babawi na lang ulit.
Masayang kakain sa kantina kasama ang magkakatropa,
Ako ang siyang bibili ng pagkain at ang mabubusog ay sila.
Pero alam niyo ba, sa kabila ng lahat ng ito,
May babae pa ring nagmamahal sa akin nang totoo,
Kaklase ko rin siya eh -- maganda na, mabait pa at matalino,
'Yun nga lang, kahit ang katotohanan, minsan ay nababaliko,
Na ang taong minamahal ko nang lubos ay may iba na palang gusto,
Pero ayos lang basta't nakikita ko siyang masaya,
Makasalubong ko man silang magkasamang dalawa,
Makita ko lang ang mga ngiti niya,
Ay magiging masaya na rin ako para sa kanila -- s'yempre lalo na sa kanya.
Masayang uuwi mag-isa at hihigang muli sa kama,
Maririnig ang mga magulang na nagpapalitan ng salita,
Masaya pa rin ako kasi kumpleto pa rin ang aking pamilya,
Hanggang sa marinig ko ang mga katagang, "Pagod na ako sa anak mong iyan. Ayaw ko na."
Ngayon, gigising at babangong muli,
Maliligo, magcocommute at sa paaralan mananatili,
Pupunta sa kantina kasama ang magkakatropa,
Ngunit hindi ako kumakain at walang inimik na salita,
Pakatapos ay uuwi sa bahay at hihiga sa kama,
Walang maririnig sa aming bahay -- hanggang gabi ay payapa,
Pero masaya pa rin ako kahit ako na lang mag-isa.
Hanggang sa sumapit muli ang umaga,
Gigising, babangon, magcocommute, papasok sa paaralan, blah blah blah,
Uuwi tapos hihiga sa kama,
Nagtatago na likod ng nakangiting maskara,
Pagod na sa lahat ng bagay at wari'y lahat ay nakakairita,
Parang hindi ako nakatadhanang patuloy na mabuhay pa.
Ganito pala ang pakiramdam ng pagiging masaya.
Sobrang hirap pala talaga.
Bawat saya na aking nadama ay napalitan ng mga luha.
Ang tanging hiling ko lang sa buhay ay ang makapagpahinga.
At tayo'y muling babalik sa simula.
Masaya ako kasi bumabangon ako sa umaga,
Nainumulat ang aking mga mata,
Pagmamasdan muli ang paligid at ang ari nitong ganda,
Isang bagong panimula at pag-asa.
Ipagpapatuloy ang buhay at ako'y lalaban
Haharapin ang mga problema at mag-isa itong sosolusyunan,
Kahit na sa huli, ang tanging meron ako ay ang sarili ko lamang,
Kahit mahirap at mahaba ang tatahakin ay patuloy lang sa pagtakbo,
Ako'y magpapatuloy at hindi ako susuko.
Basta ang alam ko, masaya pa rin ako.
Ikaw, anong kwento ng pagiging masaya mo?
0 notes
purplepotatomonster · 5 years
Text
What is Love
Love has its different forms which make it hard for people to understand. It could be parental love, self-love, friendly love, brotherly love or romantic love. There are also terms like unconditional, conditional, rational, and agape love. These contexts create confusion in the love being expressed to them. Some people would assume the it could be romantic love but for the one who gives it, it's just friendly love and vice versa. In these cases, how should we define love?
In my own perception, love is not complicated; the people involved in love are the ones who are complicated. They give too much meaning on the love being shown to them. In these cases, love could be constructive if it builds a stronger relationship among people but it could also be destructive if it destroy bonds among them.
Love is neither painful or full of sacrifices. It will never be the cause of deterioration of a person. Sacrifices would still be evident in life but love will not always be an excuse for every sacrifice. If it causes too much pain to yourself or towards someone, it cannot be defined as love.
Every person in this world deserves to love and be loved but not everyone is proving that they are worthy of it. Before you express your love towards someone, you have to love yourself first. Self-love is the second greatest love of all, next to God's unconditional and agape love. It is very pleasing to love someone as much as you love yourself -- for you know that you won't harm yourself so you won't be the cause of other's pain.
0 notes
purplepotatomonster · 5 years
Text
BAGONG TAON, BAGONG TAO
Isang mahabang taon na naman ang lilipas,
Iba’t ibang emosyon ang ating nailabas,
Ang iba ay nagsaya samantalang ang iba ay nalungkot,
Marami ring taong nabalutan ng poot,
May mga taong nagmahalan nang lubusan
At meron din naming nasaktan kasi pagmamahal ay hindi nasuklian,
Ngayon, sa pagsalubong ng isang panibagong kabanata,
Usung-uso na naman ang mga iilang kataga,
Kagaya ng “Day 1 of 365” o kaya ay “Bagong Taon, bagong ako”
Meron ding “Sana maging masaya ako sa taong ito”
“This will be my year”, “I hope for a healthy 2019”
Pero papatalo pa ba yung “Hahanap ako ng taong para sa akin”
Marami pang linyahan na paulit-ulit nating narinig
Pero nakulangan sa gawa, puro buka lang ng bibig
Wala namang imposible kung mangangarap tayong muli
Marami pang taon ang lilipas, hindi pa ito ang huli.
Pero ang tulang ito ay handog ko sa mga taong hindi sumuko,
Hindi nawalan ng pag-asa at nanatili sa mundo
Muling nagmahal kahit nasaktan nang ilang beses,
Pinilit na sumigaw kahit nawawalan ng boses
Hinamak sa kalungkutan, tayo’y sinubok ng panahon
May mga taong nanahimik habang may dinadalang depresyon,
Ngumingiti kahit hindi na totoo, maipakita lang na sila ay matatag
Pero pilit na pala ang pagkapit, sa balo’y malalaglag
Balot na balot ng kadiliman ang buong pagkatao
Kahit na sa sobrang kaliwanagan, ang mga kulay ay nakatago
Mga luhang pumapatak sa gabi kaya ang una’y basang-basa
O hindi kaya’y sa banyo nanatili hanggang mata’y hindi na namumula
Mga taong nagkasugat at nagkadugo ang mga kamay,
Mga taong nagtangkang kitilin ang kanilang buhay,
Pero sa huli, naging matapang na humarap muli sa mundo at patuloy na maglakbay
Kayong lahat ang naging inspirasyon ko kung bakit ako narito,
Marahil magkakaiba tayo ng kwento pero may iisa tayong hangarin,
Ang maging masaya tayong muli at marinig ang tinig natin,
Marahil ilang beses na nating narinig na maraming nagmamahal sa atin,
Na naniniwalang may mga pangarap tayong ating liliparin
Maabot, matatanaw ang isang panibagong umaga,
Isang panibagong buhay na puno ng pag-asa
Maraming salamat sa inyo kasi buhay pa rin ako,
Sa mga pinagkakautangan ko ng loob ay nabibilang kayo.
Kaya ngayon, bago matapos ang taon ay aking ipagsisigawan,
AKO AY NADAPA PERO PATULOY NA LALABAN.
NALUNGKOT PERO NANINIWALANG MAKAKARAMDAM NG KASIYAHAN.
BABANGON PA RIN KAHIT ILANG BESES NANG NASAKTAN.
MAY BAGONG PAG-ASA AT AKO’Y MANININDIGAN.
Isang taon ang matatapos at may bagong sasalubungin,
Isang bagong tao naman ang inyong kikilalanin.
Isang bagong taon, bagong tao.
Bagong ako at babangon ako.
Babangon tayo.
#KeepGoing2019
0 notes
purplepotatomonster · 6 years
Text
Gaano Karupok?
Gaano ako karupok? Na tipong makita lang kitang nakangiti, puso’y nag-iiba ang tibok Bumibilis na tila hindi na normal Crush pa lang kita nito ha, eh paano kung may pumapagitang pagmamahal? Ay, ito naman yung lagi kong ipinagdarasal
Gaano ako karupok? Yung tipong ang mga titig mo ay sakin nakatutok Sasabihan sana kita nab aka ako’y matunaw Pero nangangambang sa likod ay may ibang tinatanaw Ano naming paki ko diba? Basta nakikita ako ng iyong mga mata, ako’y sobra-sobra pa sa masaya
Gaano ako karupok? Tumabi ka lang sa’kin ay iba’t ibang kaisipan na ang pumapasok Gusto mo rin ba ako? Sa dami ng upuan, bakit sa tabi ko? Ah jusko, hindi ako makahinga Ang iyong mga kamay, mahahawakan ko ba? Makakausap ba kita? Aamin ka ba sa’kin? Kung panaginip lang talaga ito, please lang, huwag niyo na akong gisingin
Gaano ako karupok? Alam ko na yung kaisipang ganito ay malapit nang mabulok Pero tuwing nagrereact ka sa memes ko, nakakakilig talaga Parang compatible yung sense of humor nating dalawa Tapos parehas pa tayo ng gustong kulay at taste sa musika Mas lalo lang akong nahumaling sa’yong ganda
Gaano ako karupok? Pagdating sa’yo ay parang nasisiraan ng tuktok Yung hindi mo pagpansin sakin pagkalipos ng mga lingo o buwan Ngunit isang chat mo lang ulit sa’kin, agad kitang rereplyan Nakakabaliw, nakakatanga Anong magagawa ko? Gustung-gusto talaga kita
Gaano ako karupok? Kahit sobrang down na ako sa mga hinaharap kong pagsubok Kapag humihingi ka ng tulong ay nandito pa rin ako para sayo Laking tuwa ko kapag ako ang nilalapitan mo At siyang lungkot ko kapag narinig na ang mga hinaing mo Hindi ako sanay na makita kang malungkot Nakakaramdam ako ng guilt, sa kaloob-looban ay kumikirot Hindi man lang kita mapasaya Sa kabila ng pagbibigay mo sakin ng sigla
Marami pang dahilan kung bakit ako marupok Baka pag inisa-isa ko pa ay abutin ako ng pamumuti ng buhok Ganun daw talaga pag nagmamahal ka Handa kang masaktan nang paulit-ulit nang dahil sa kanya Wala naman kasing mali kung nagmamahal ka Ang mali ay umaasa kang mamahalin ka rin niya Kaya’t mapapaisip ka na lang talaga Gaano ka karupok nang dahil sa kanya?
Kasi ako, Kung gaano kita kamahal, ganoon din ako karupok sa'yo.
0 notes
purplepotatomonster · 6 years
Text
I can't escape from the past but I'll do my best for the betterment of the future. I know I have sinned and I must face the consequences of my actions but anytime, ... I could pull the trigger.
0 notes
purplepotatomonster · 6 years
Text
What do you do when you’re extremely sad?
Me? I isolate myself from the social world. I deactivate my facebook account. I don’t post any tweets in Twitter. I turn off my phone so nobody would have access to me. I won’t even talk to anyone in person. I know it’s being selfish -- assuming that they care and worry for me. I just don’t want them to see me weak and foolish, hoping that someone would be there.
You know what’s the worst part of being sad? It is when tears fall down on your cheeks before you even notice it. 
Well, I think it’s better to deactivate myself in the social world than to deactivate myself in the real world. 
I’ll be back when I have fully fixed myself. I’ll be back when I’m strong enough to face everyone. I’ll be back, I promise.
0 notes
purplepotatomonster · 6 years
Text
The 15-Kilometer Walk
As I stepped on the cold floor of our house, I rushed to my room to rest myself. Everything in me is so tired that I’m better off dead. I laid myself on my bed and searched about something. UP Los Baños to SM Calamba. 15 kilometers. 2 hrs and 47 mins of walking.
I laughed silently while I cry -- which sounded crazy but I did. The pain is still there; the fatigue and dizziness also made my body so heavy -- it feels like it wasn’t mine. After all of this, I still managed to show a smile to myself as I look at the mirror.
Maybe you’re wondering why I did it. Well, it was kind of rebellious and personal so I wouldn’t have to tell it here. All I can say is that I’m dumb but I feel proud that I did it. But here goes the timeline:
7:30 am -- I started walking to a friend’s dormitory to get my glasses just to hide the sparkles of tears dripping on my face. I continue to set off and haven’t looked at the time that much so I wouldn’t feel tired while walking.
8:30 am -- I reached Los Baños Municipal Hall. I was so happy that after a long walk, I was able to  see a landmark that I used to look at when I’m going to and from UP.
9:00 am -- My feet started to enfeeble. I almost tripped over a group of people in front of me  but luckily, I regained my balance. I also started the burden being put on my back. Everything became heavy. I couldn’t feel anything but the gravity pulling me towards the ground.
9:30 am -- It rained so hard and my mind was muddled in thoughts. Should I let myself be wet or not? Should I stop walking? Well, what I did is I pulled off my umbrella and I continued to walk while I’m shivering in cold. My long sleeves wouldn’t even protect me from the cold wind brought by the rain.
9:45 am -- The sun showed itself once more. It was as radiant as the sparkling gold mixed with coppers. Its light stood out on the way while it struck on my face. It whispered tho my ears that there is hope but I shall rest. It so happened that I saw a shed so I sat there for a while.
10:00 am -- I continued walking and saw another landmark -- the Garden Inn. It was a very nice place to see and the 7 11 beside it. I dropped by there when I have so much time before going to UP but earlier, I walked past it but the only difference is I didn’t stopped.
10:30  am -- The busy road, noise pollution and a place of costly foods -- Halang. Yet, I smiled again knowing that I would be able to make it. I skipped happily and I don’t even care if people were looking or staring or saying something about me. I’m about to prove something.
11:00 am -- My destination -- SM Calamba. Tears started to shed. I did it.
Sigh. It wasn’t really my plan at first -- I was planning to walk from UP Los Baños to Cabuyao but my feet can’t exceed the pain threshold anymore. I called my Mom to pick me up at SM Calamba. I’m so glad she did.
So what’s the point of this? Well, I learned a lot of things while I embark in this walkathon. A LOT.
1. First of all, you will meet a lot of people but unfortunately, they really don’t deserve a person like me. I’m an outcast.
2. You will have to face different kind of problems but you need to overcome those. If you are weak, then you’ll end up quitting what you have already started.
3. If you want to prove something, make the best out of it. Don’t be afraid to show off but still, stay humble.
4. People will look at you and judge you in an instant. Just be yourself!
5. It’s okay if you lose your pride. It is not something that you can’t live without. Seek for help.
6. Our parents will always be there for us -- be grateful because you still have them. They maybe rude at times but believe me, they will be the ones who will help you and be with you until you reach the peak of success.
7. Last but not the least, there will always be a Higher Being looking and guiding us from above. I may not see Him but I can feel Him.
This 15-kilometer walk will be part of my history. It was my first and I hope this shall be not my last. Anyway, I would rest now. My feet are still shaky and my head is spinning. Thanks for reading. Adiós!
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
I tend to hurt myself for the happiness of my love.
I tend to break myself for my love to be fixed.
I tend to cut myself in half so my love will feel that she’s complete.
I tend to do these things for my love.
I am the enigmatic masochist.
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
I wanted to confess what I felt about you for a short period of time but someone has told you he likes (loves) you already so I ended up staring at the both of you  in the cloud nine.
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
“To become lovers from friends is simple. One person has to take a step closer and that one step changes their relationship.” -- Ahn Min Hyuk ♥
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
How would I win your heart if I won’t ever gonna play your game?
How would I even have you if I don’t make a way to make you mine?
How am I suppose to live a happily ever after when we’re not together until the end?
How?
I have existed for 18 years without you but all I can ask right now is how am I supposed to live without you? 
Such a pity question which I never wanted to be answered.
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
Untitled
Nagising nang maaga at walang pakundangan ay agad kitang pinuntahan. Medyo natutuwa dahil alam kong magkakasundo tayo ngayong araw dahil sa tulong ng aking mga kaibigan ay naging karamay kita nung mga nakaraang araw. Inayos ang sarili para sa paghaharap nating dalawa at sinalubong ka ng ngiti. Ngunit nawala ang lahat sa isang iglap. 
Unti-unting nawawalan ng pag-asa. Nanghihinayang at isinakripisyo ko ang lahat para harapin ka ngunit hindi ka pala magpapakita sa akin. Ang bigat sa pakiramdam at unti-unting dinudurog ang puso ko ng iyong mga salitang binitawan noong araw.
“Magbabago na ako. Mas pagbubutihan ko para sa iyo. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang kinabukasan mo.” Mga salitang tumatak sa aking pus – mga peklat na hirap akong gamutin at hindi ko pwedeng balewalain dahil buhay ko ang magiging kapalit. 
Bakit? May nagawa ba akong mali? Alam ko namang may pagkukulang ako sa iyo eh, hindi naman ako mapagmataas. Sobra-sobra naman ang iyong paghihiganti sa akin?
Pinaasa. Pinaikot-ikot ngunit sa huli, wala pala akong mapapala kundi sakit sa ulo at mga hinanakit lamang. May iba na palang masaya sa iyo at heto ako't naiwang nag-iisa. Akala ko iba ka na sa kanila. 
Tama. Akala ko lang pala.
Pero wala eh, kailangan kita kaya’t heto ako’t nagmamakaawa sa iyo.
Pagbigyan mo na ako. 
Sawang-sawa na ako maagawan, SAIS.
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
Once we accept our limits, we go beyond them. 
- Albert Einstein 
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
That Girl Who Writes
For you,       who strikes her pen       on a fiery papyrus,       scorch every edge,       ignite with colors,  Shall experience illumination.
To you,       who caresses the board       with her finger’s wit,       send me butterflies,       burst with colors,  Will experience wanderlust.
With you,        who exhales words        out of my vocabulary,        under the purple rain,        shine with colors   Should experience tranquility.
You,         who owned the alphabet         and my numbered days,         send me to the heavens,         made me fall in love         to this girl who writes.
It’s you.
I like you.
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
Stars neither have ten sides Nor a ball of gas lying in space. Stars look like you.
YOU ARE MY STAR.
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Photo
Tumblr media
TONGUE TWISTER Nakakapagba...nakakabag…nakakapagbapa…nakakapagbagabagab Ay teka iba na lang, ano kayang mas madali, yung kayang sabayan ng paghikab Pitumpu’t pitong puting tupang ina mo Pitumpu’t pitong puting tupang ina mo Pitumpu’t pitong puting pu…tupang ina mo Teka, muntik na akong mapamura don ah Wala bang mas madali? Iisip na lang ako ng iba At ako’y marahang tumugon Mahinahon Tigilan na natin to, wala tayong mapapala Kahit kailan pa ay hindi na maitutuwid ang iyong pagsasalita Ilang araw na ba ang dumaan mula nung tayo’y nagsimula Pero ni isang pagbabago’y wala akong makita Kasi ganyan ka naman talaga eh, kahit kailan di na tutuwid na ang iyong dila Nakakapagpabagabag diba? Parang mga pangako mong nasisira Kada sambit mo ng mga letra, halatang may kabaluktutan Akala mo siguro, ikaw lang yung nahihirapan Pitumpu’t pitong puting p*t*ng ina mo Oo, nagulat ka noh? Patawad pero sinasadya ko ito Pinigilan mo magmura para mapagmukhang mahal mo ako? Iba na lang lokohin mo sa mga mapanlinlang na salita mo Hindi mo ba talaga kayang sabihin yung dalawang tongue twister na ito? Bakit mo kasi pinipilit kung hindi mo naman gusto? Parang pagmamahal mo sa’kin, halatang ipinipilit mo Bawat pagsisinungaling mo’y tumatagos sa puso ko Halata naman kasing sa mga tongue twister na iyon, ika’y nahihirapan Pinakasamahan kita, hindi kita iniwanan Tinuruan kita kung paano at hindi ka pinabayaan Nakakatawa diba, kasi halos parehas ng istorya Yung paghihirap mo sa tongue twister at sa kwento nating dalawa Akala mo ikaw lang yung nahihirapan talaga? Sa una lang naman mahirap diba, pero kung nahihirapan ka pa rin sa dulo, tumigil ka na Sawa na ako makinig sa iyong kalokohan Mahal mo ako? Hindi ba ako iiwanan? Bakit ilang araw pa lang ang lumipas ay hirap ka nang patunayan? Sana itinuloy mo na lang yung pagmumura Kasi kahit kailanman, pagmamahal mo'y hindi ko nadama Matagal kitang tiniis, hindi kita pinagsawaan Pero eto lang pala ang matatanggap mula sa iyo Salamat na lang sa lahat ng panggag*go mo Pagkatapos mahirapan, maghahanap ng iba Mas madali ba talaga o magsisimula ka ulit magpakatanga? Gaya nga ng sabi ko, walang madali sa simula Pero kung iyan ang gusto mo, wala na akong magagawa Oo sa simula, nahirapan din akong mahalin ka Takot na masaktan ulit kaya minsang nagbaluktot ng dila Pero natutong magsalita ng tuwid at ika’y mahalin Ngunit eto naman ang iginaganti mo sa akin Wala na, tapos na, ayoko na Hindi ako karapat-dapat sayo, pinapakawalan na kita.
0 notes
purplepotatomonster · 7 years
Text
Paper Cut
Pain strikes every time I pour alcohol; As my skin shivers and the breeze conquers deeply into my glands.
Another paper has been wet with ink, and a combination of saltwater and wine; Has it just ended?
The dim light, the shadows can't be seen; their agonizing silence whispers in my ears, voiceless screams.
Let it bleed, it'll heal through time; It shall clot itself while you vanguard thyself from another wound.
Not a joke but not a reason to lie your body on a bed; You're stronger than a paper cut.
0 notes