Tumgik
Text
Blog Entry#1: Pagkakaibigang 'di Malilimutan
"Kaibigan, matagal na kitang kasama lagi akong nandito tuwing may kailangan ka. Sa hirap o ginhawa kasama mo ko sa kalokohang iyong isinasagawa. Kapatid ang turingan sa isa't isa, halos hindi mapaghiwalay na parang tsinelas na lagi mong suot, pag nawala ang isa'y ayaw ng isuot. Sa panliligaw mo sa babaeng iyong gustong gusto, kasama ako. Pagbili ng regalo, kasama mo'y ako. Ipapaalam para lamang makasama. Lumipas mga panahon, biglang nag - iba. Bakit ganun? Bakit biglang nagbago? Parang isang bulang na lahat ng pinagsamaha'y tinapon na lang basta basta. Totoong kulay iyong pinakita. Para mo akong ginamit, ginamit upang makuha ang matamis na oo ng iyong sinta. O aking kaibigan, lagi mong tatandaa'y mag - iba man ang iyong kulay, ang mahalaga ay totoo ka. Samahan nati'y di ko malilimutan kahit kaibigan mo na kasama mo sa lahat ngayo'y iba na. Kinalimutan mo man ako, pag sasamahan sana nati'y di mo malimot. Salamat kaibigan sa lahat ng ala-ala. Lagi mong tandaan, ako'y laging nandito para samahan ka. "
~PricelySerenity
Tumblr media
1 note · View note