Tumgik
piggypang0 · 3 years
Text
“Photography is the story I fail to put into words”-Destin Sparks
Ang potograpiya ay isang sining biswal kung saan isa itong paraan o proseso para makagawa ng isang larawan sa pamamagitan ng isang aparato na kung tawagin ay kamera.Sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng isang potograpo o potograper ang kanilang damdamin o kanilang mga saloobin.ito ay sinig sa pagkuha ng larawan at pagtitimpla ng mga imahe gamit ang angkop na ilaw at anggulo. Ang potograpo o potograper ay isang taong kmukuha ng mga litrato o larawan sa kahit anong bagay na kanilang makikita na gusto nilang ipahayag ang kanilang magiging saloobin sa pamamagitan ng bagay na iyon. Sa susunod na litrato ay isang halimbawa ng potograpiya kung saan ako mismo kumuha.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mapapansin sa mga litratong nakuha ko ay mga litrato ng ibat ibang halaman o di kaya ay isang puno.Mapapansin din na nakapokus sa isang bagay ang mga litrato. Nagsimula ang potograpiya noong panahon ng mga kastila sa dekadang 1870 hanggang 1890.Ginamit ang litrato para sa balita at impormasyon hinggil sa katayuan ng kolonya.Ito ay naging kasangkapan o instrumento upang manghikayat ng mga turista. Malaki ang impluwensiya ng potograpiya sa bansa dahil maraming mamamayan ang nagkakaroon ng interes sa pagkuha ng litrato at ito ay kawili wili para sa lahat. Ang sumusunod ay mga sikat na potograper sa pilipinas. XYZA CRUZ BACANI Isang pilipina na manunulat at potograper kung saan ay ginamit niya ang kaniyang trabaho upang isulong ang kamalayan.Kilala siya sa kaniyang “black and white photographs of hongkong” at dokumentaryong proyekto tungkol sa migrasyon at interseksyon ng paggawa at karapatang pang tao.
NICCOLO COSME Isang konseptwal na potograper na nakabase sa manila philippines.Ang kanyang ama ay si Caesar Colet Cosme, isang manunulat at direktor sa television.
SHAIRA LUNA Isang pilipinang potograper.Kagaya ng iba,ay kilala rin bilang “gifted child at “promil kid’.na naging tampok sa patalastas ng isang gatas para sa mga sanggol ng Wyeth sa taong 1995
EDUARDO MASFERRE Isang filipino-catalan na potograper na gumawa ng importanteng dokumentaryong pahayag tungkol sa pamumuhay ng katutubong tao sa rehiyon ng cordillera sa pilipinas .Siya ay kinilala bilang”father of philippine photography”
MANNY LIBRODO Isang full time na guro sa isang internasyonal na paaralan sa bangkok kung saan nadiskubre niya ang kaniyang pagnanasa sa potograpiya at kung saan nadiskubre rin sa mundo ng online ang kaniyang katangi tanging “purely ambient light” na diskarte sa glamour,fashion at sa travel portraiture.
SAAB MAGALONA Isang filipinang aktres,mang aawit,at blogger na nagsimula sa tv5 sa isang drama serye na nakatuon sa kabaataan na pinamagatang “lipgloss”. Siya ay anak ni Francis Magalona at kapatid nila Maxene Magalona ,Frank Magalona at Elmo Magalona. EMMANUEL SANTOS Isang dokumentaryo at sining na potograper na nakabase sa Melbourne,Australia.Habang naninirahan sa pilipinas siya ay naging potograper ng united nations high comissioner for refugees. Matapos lumipat sa australia noong 1982 at nagtrabaho siya bilang katutubong mang aawit.Ang kaniyang mga likhang sining simula noong 1980’s ay nakapokus sa Jewish Diaspora,kung saan ay kinuhanan niya sa buong mundo. Iilan lamang iyon sa mga kilalang potograper dito sa pilipinas na naghahatid ng magaganda at nagbibigay inspirasyon na mga litrato.Dito nagtatapos ang talakayan tungkol sa potograpiya.
2 notes · View notes