Tumgik
Quote
Is kilig an important factor sayo when choosing someone to have a relationship with? Paano if okay nman yung tao, matino, matalino, may itsura, may pangarap, talented, maganda katawan, mabait pero wala kang nararamdamang spark? Ippursue mo ba siya/ sasagutin mo ba siya?
(via paulcallsmethelittlevixen)
Pero isipin mo if walang spark like what happened to me sa 3rd boyfriend ko. Parang may kulang. Yes it is necessary. Tama nga si Noringai, mabubuhay ka ba ng spark? Pag naging mag asawa kayo, ikakabuhay nyo ba yang spark, mapag aaral nyo ba mga anak nyo with that? Hindi. 
Pero without it, para kang kumuha ng job na you’re not passionate about. Isipin mo gusto mo maging fashion designer kunwari pero naging lawyer ka. Dapat may passion. And if you’re going to ask me...if pag nagsettle ka baka magkaspark rin. I’ve been in a relationship na sa una wlang kilig. In the end...hinanap ko siya sa iba. So if papasok ka nga tlaga sa isang relationship without spark/ kilig/ kuryente... para ka na rin nagsettle. Because sya lang ung the one available.
1 note · View note
Quote
Is kilig an important factor sayo when choosing someone to have a relationship with? Paano if okay nman yung tao, matino, matalino, may itsura, may pangarap, talented, maganda katawan, mabait pero wala kang nararamdamang spark? Ippursue mo ba siya/ sasagutin mo ba siya?
1 note · View note
Text
Sawang sawa ka na ba maging single?
Hindi ko maimagine na magsusulat ako dito. Ng kabaduyan or feelings. Hahaha! But I’m currently reading “Buti pa ang Roma, May Bagong Papa” ni Noringai and so far I’m amused and had been able to relate to her stories. 
So nung nabasa ko yung chapter sa book na “Malamig ba ang christmas mo?” Noringai points out na it’s better to be single than being in a relationship just for the sake of being in a relationship. And naisip ko, ilang beses ko na ginawa to. Hahaha. 
Oo, sawang sawa na ako maging single. Jowang jowa na ako. Gusto ko naman maranasan ulit yung kilig factor, yung itrato ka ng parang prinsesa ng partner mo, yung may magpapangiti sayo and alam mong kasama mo at masasabihan mo pag may problem ka. Alam mo kasi, kapag may jowa ka, parang napprove yung value mo. Na desirable ka, kamahal- mahal ka. Siguro nga jinowa ko yung 3rd (ex) boyrfriend ko for self validation.
Ayun, this happened to me nung 2018. Dahil sa jowang jowa na ako. Naisipan ko mag-Tinder, but wala naman matino and ang habol lang is sex.
So naalala ko si IT guy from UST na super maeffort. I reconnected with him through Facebook. So wow, talagang desperada, nagchat ako ng parang walang nangyari hahaha. I first met him sa Omegle. We chatted, agreed na maging kami noon but marami pala siyang “special someone” hahaha. Marami pala kaming kachat niya.
SIguro malungkot rin siya, or naisip niya na malabo na magka girlfriend siya ngayon or dahil ako na mismo yung lumapit kaya chnat rin niya ako. Ano ba nman yung single siya, single ako, wala naman masama dun diba?
Sa una masaya. Andun yung excitement. Like wow, ang bilis ng landian, also after 1 month naging kami. After 1 month nga ba? Hahha first meeting namin is sa LRT1, dahil sa Monumento siya sumasakay and sa Roosevelt ako, sasakay siya ng pa Roosevelt muna para sunduin ako. Sabayan ako pumasok. Ok naman. But nung mag ttwo months na, hindi ako masaya.
I have to admit, hindi naman pala siya yung taong akala ko. Noon kasi tingin ko ang cool ng ginagawa niya. Magaling siya sa photography (omg isang deciding factor to kaya pinili ko siya maging bf dahil umaasa ako na maayos ig ko at may taga kuha ako ng picture lols). Pangalawa, he’s workaholic. Alam mo, gusto ko ung mga taong may pangarap sa buhay. May patutunguhan, hindi lang yung basta work. Gusto ko may passion. Pero I learned na hindi pala maganda mag boyfriend ng workaholic kasi wala siya gaanong time sayo. And ang boring niya
Yung pangatlong reason, hays, well tahimik siya. Pag magkasama kami nammonopolize ko yung conversation. Pag kinakamusta ko siya ok lang daw siya. One liner kung sumagot. Naiinis ako. Siguro wala kaming common ground or yung mga sinasabi ko ay wala naman siyang pake (bec they’re trivial things or too girly stuff). IDK. Maybe yung mga gusto niyang topic or conversation, is something na I don’t have interest about. 
Pero at least, naenjoy ko yung food pag magkasama kami. Naaalala ko nun na sabi niya masarap yung ramen sa Ramen Kuroda (dahil maarte siya sa ramen at pinagyayabang niya na ang gusto lang niya is ung ramen sa Japan or kung saan mang restaurant) I’m proud na nagustuhan naman niya ung suggestion ko. Lol. Naging favorite ko kasi ung Ramen Kuroda hahaha since mura and masarap compared sa Ipuddo and Ramen Nagi. Hahhaa Also naging favorite restaurant ko ung Nihonbashitei. Japanese restaurant siya and fave ko ang takoyaki and salmon sashimi. pinaka ung salmon chakuze. hahaa basta salmon siya na may masarap sa sabaw and nori sa taas. But may time na nagkita rin kami tapos ilang beses na nag away kami and omg di na kami nakapagdinner. Alam mo di ko na mabilang yun and after nun ilang incident I swear binawas bawasan ko na makipagkita sa kanya. I’d rather go out with my friends than go on a date with him. Seriously, naiinis nga ko pag may lakad kaming barkada and he insisted na magkita kami sa Makati. Huhuhu I have FOMO with my friends pa naman. So... with these said....
Eto yung mga bagay na ayaw ko sa kanya:
1) Tahimik siya and di niya kayang makipagsabayan sa mood mo. 
2) Gloomy siya kasama- he’s always problematic
3) Strict siya sa pananamit ko- naalala ko noon na gsto ko magbackless pero magagalit daw siya if sinuot ko. Like hello you should be proud na sexy girlfriend mo
4) Ang bilis niya magalit. Hate ko talaga yung tinataasan ako ng boses, tapos parang laging pagalit ung sentences niya. Pag ganun, tumataas din boses ko and naiirita ako. 
5) Hindi ako proud kasama siya. Hindi ko masikmura na may makakita sa amin na kakilala ko or kakilala niya and maassociate sa kanya. Ni bnlock ko nga ung kaisa isang mutual friend namin sa fb wag lang malaman na naging boyfriend ko siya e. Kasi hindi ko type itsura niya. Kahit sa anong anggulo ayoko at pangit siya. 
6) Buti pa sana kung may sense of humor pero pangit, mapagttyagaan na. Pero duh, sabi ko bat ang seryo-seryoso mo? Alam mo mas ok if itatawa mo lahat ng problema kc di naman nawawala yung problema. If lagi kang nakabusangot every time na may pinagdadaanan ka, e di ang pangit mo na kasi di naman nawawala yan. Ganun siya. Be it family-related problem, work problem. 
7) Wala siyang friends. I mean meron naman pero ung friends niya is pangit rin. Wala naman siyang friends na as in close na someone he can talk to without judging. More on he has friends na game related. IDK what, pero IDC
8) Tingin niya sakin immature. Well totoo naman. Sorry ha, wala pang P20,000 ung sahod ko compared sa nakita kong payslip niya na... 24k per cut off niya given his age. So kung gusto nyo malaki sahod mag IT kayo lol. Medyo insecure but one time nagtingin kasi kami ng Globe Postpaid Plans. Nagsuggest ng nag attend samin na pwede ako mag IPhone 8 pero may 8k cashout tapos di ko na maalala ung per month pero hinirit agad ng bf ko na di ko kaya. E ayoko naman magsette sa phone na di ko gusto
9) Naisip ko from number 8 incident, ayoko minamaliit ako. Hindi porket nauna ka sakin magkaroon ng mataas na sahod, sasabihin mo na sakin hindi career oriented. So porket workaholic ka, you work Monday to Friday na lagi OT and the weekend for photography and restaurant stuff. Tingin mo sakin walang pangarap? I love what I do. Mukha lang akong chill. Also sana pala di nako nag kkwento ng office politics and management issues sayo kasi di mo ko naiintindihan
10) I know what I want and he’s the exact opposite. He’s short, and fat. Also crooked yung teeth niya (wala daw siyang balak magpadentist pero diba dapat every year man lang magpacleaning ka or check) tapos he’s serious, tahimik, no sense of humor, no time for fun, no sex omg (we did it once tapos praning na praning sya if nabuntis niya ako. we had condom and pills omg ano pa ba ikakaworry mo?!). Sex is not fun pag siya. Marunong siya (i think magaling) but when we do it and nakikita ko siya hindi ako nag eenjoy kasi at the back of my mind yuck.
11) Ayaw mo ko nakikipag inuman with my friends even though may mga babae rin naman ksama. Sino ba nman kasi may sabi na maglasing ako and sunduin mo ko tapos ung sumama sakin palabas ng bar is mga guy friends ko. Hahhaa di ko naman alam na magsselos ka, and grabe todo explain pa ako na may kasama rin kaming mga babae sa loob ng taxi. Alam mo hate ko tlaga ung bihira na nga lang magkita pero walang time na di ka nagalit sakin or nagtampo. Hindi ka naman kasuyo suyo.
I decided to break up nung nag SB kami sa tomas morato. I’m with my friend that time and nainis ako kasi sabi mo before christmas gusto mo ko makita and makadate. Sumasakit ung idk idc basta may sakit ka nun tapos nagpapasama ka sa ospital but i declined. Kasi before that happened nagkkwento ako tapos tawa ako ng tawa, halos mamatay nako//di nako makahinga sa kakatawa sa sarili kong joke tapos ikaw NR lang. Walang kibo. And dun ko naisip na bat di tayo magbreak? Ayoko na. Di ko maimagine na kasama ka, and ayoko na magspend ng time kasama ka next year. 
I’m sorry if nakipagbreak ako before christmas sayo. That’s December 18. 
I’m sorry if nakipagbreak ako the night after maospital ka, and di kita sinamahan and wala akong pake sa nararamdaman mong sakit kasi ayoko na- when nung nagkasakit ako ikaw yung umalalay sakin and ikaw ung nagbantay sakin sa ospital kahit pagod ka na from work.
I’m sorry if nung tayo pa, I decided to sleep over sa condo ng guy na officemate ko dati (and don’t judge wlang nangyare) but di ko pinaaalam sayo na pumunta ako dahil nung nagpaalam ako na ppunta ako sa condo ni guy, sbi mo mkikipagbreak ka pag tinuloy ko so I lied na umuwi nako.
I’m sorry if I slept with my officemate nung tayo pa.
I’m a terrible person, I know. Kaya nga okay na siguro na nakipagbreak ako kasi hindi naman talaga kita mahal-  I mean gusto to begin with. 
My friends know this story and for them ang sama kong tao, na mali ginawa ko. Na pavictim ako. Pero kahit na sinasabi nila na you’re good for me, alam ko naabuso na kita and months before nagbreak tayo I don’t care anymore. 
That Christmas, hindi naman naging malamig pasko ko. Okay nga ako e. And I vowed na maging single and hindi na makipagrelasyon sa taong di ko naman gusto. And yeah the year after that, wala na kong sinaktan na tao. Ayoko na pumasok sa isang relationship for wrong reasons. 
2 notes · View notes