Tumgik
panpil12 · 9 years
Photo
Tumblr media
Isang infographic ukol sa kawalan ng trabaho sa ating bansa. Sa akdang Dublas ni Ursolino, ipinapakita niya ang hirap nang pag-apply sa trabaho, at ang magulong sistema upang makakuha ng mga dokyumentong kinakailangan, na sa huli ay nagdulot ng kawalaan sa bidang si Timo.
0 notes
panpil12 · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
panpil12 · 9 years
Text
The Load Never Bothered Me Anyway
Parang Frozen, kasi Let it Go. Kapag mabiktima ka ng load-eating scam, talagang manghihinayang ka sa nawala mong load. Let it go, let it go.
Mahilig ako magbasa ng mga nakakaaliw na reply. Di ko napigilan ang tawa ko nung nabasa ko ang mga witty na reply sa isang bagong modus ng text scam na nafeature sa isang article mula sa When In Manila. Ang text scam na ito ay tumatarget sa mga magulang.
“Inay, Itay, naaksidente ako--padalhan mo ako ng load, ngayon din!“
Tumblr media
Image Source: When In Manila
Minsan, lalo na kapag naka-unli text ako, gusto kong replayan ang mga text scammers. Baka naman kasing makakuha ako ng nakakaaliw na reply na pwede ipost sa Facebook, para makahakot ako ng maraming like. Pero hindi ako witty, kaya dinedelete ko lang kaagad ang mga mapanlinlang na text bago ako maasar. Baka kasi mapikon sa akin ang scammer kung gaguhin ko. (Bilang isang estudyante ng compsci, alam kong kailangang mag-ingat. Malay mo, techie pala siya, nantritrip lang dahil walang magawa.)
Sa panahon ngayon, hindi na gaano uso ang mga text scam na katulad ng kay Dayun, na kailangan mong pang tawagan at puntahan ang mga kung-ano-anong lugar. Mas uso ngayon ang mga text scam na nangangain ng load. Mas madaling gawin, mas mahirap mahuli, at mas maraming maloloko.
Maraming iba’t-ibang modus ng mga text scam, at isa ako sa mga hinding hindi magpapaloko. Kaya tuwing may naririnig akong kwento mula sa isa sa mga kakilala ko na naubos daw ‘yung load nila dahil nadali sila ng scam, naasar ako.
Tumblr media
Source: Philippine Daily Inquirer
Ayon sa isang article mula sa Philippine Daily Inquirer, madali lang na matukoy kung text ang isang scam o hindi. Minsa’y pinapaalala pa ng mga telcon na sila lang ang pwedeng magsend ng advisory at iba pa. Pati ang balita, ay nireport at nagbigay na ng babala tungkol sa text scam.
Ngunit kahit marami nang naisulat tungkol sa mga text scam, sobrang dami ng nadadali. Nakarating na nga ang problema ng mga text scam sa senado. Gawan daw ng paraan. Hindi kasi rehistrado ang mga cellphone numbers sa Pilipinas kaya marami ang naglalakas ng loob maging scammer.
Tumblr media
Si Lito Lapid, isa sa mga senador na ayaw sa text scam. (image source)
Para sa akin, common sense lang naman ang kailangang gamitin.
Una, kung galing sa isang 11-digit na mobile number, scam iyon. Manghihingi ba ang Globe ng load mula sa ‘yo? Kung mali-mali ang grammar, sa tingin mo, galing kaya iyon sa isang malaking korporasyon na may promo sa kung ano?
May kasabihang Ingles na “Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me.” ‘Wag tayong magpaloko sa mga text scammers... Lokohin natin sila. Baka makakuha ka pa ng nakakaaliw na reply na pwede ipost sa Facebook at makakahakot ng maraming like. 
(May nahanap akong video ng balita. Quotable quote: “magtanda at ‘wag basta-bastang pumatol sa ganitong text”)
youtube
Sources:
https://www.youtube.com/watch?v=oxZhH280apo
http://www.wheninmanila.com/beware-new-text-scam-targets-mothers/
http://technology.inquirer.net/38243/5-signs-a-text-message-is-a-scam
http://technology.inquirer.net/38235/lapid-wants-senate-to-probe-text-scams
0 notes
panpil12 · 9 years
Text
T*nga ka ba? (City ni Dayun)
Noong grade four ako, una akong nagkaroon ng cellphone. Tandang-tanda ko pa yung Nokia 3200 ko na pwedeng mapalitan yung cover sa case nito sa likod. 
Tumblr media
Dati pa yun 2005 pa, sampung taon na ang nakalipas. Pakiramdam ko noon sobrang cool ko kasi ako lang ang may cellphone  sa aming mga magkaklase. Lagi yung nasa loob ng pouch  na nakasabit sa leeg ko. Lagi akong sinasabihan ng nanay ko: “O, alagaan mo yang cellphone mo ha? Wag kang sasama kahit kanino paglabas mo ng skul. Wag mong ilalabas yang cellphone mo pag nasa labas ka ng classroom!” Syempre um-oo naman ako. Sa kabutihang palad ay hindi naman nakuha o nawala yung 3200 ko sa classroom o kahit sa may labas ng school. Sa ibang paraan siya nawala at di ko na babanggitin kasi hanggang ngayon ay hindi pa malinaw ang mga detalye. Weird no? Pero ganun eh, hanggang ngayon ay ang dami ko pading katanungan sa pangyayaring iyon. Bakit? Paano? Kailan? Sino?
Ang daming mga bagay na napakalaki ng halaga sa atin, mapa-sentimental value o monetical value man yan, na madali lang makuha sa atin ng kahit sino man na gustong umangkin. Kahit mga kilala natin ay pwedeng gumawa nito. Eh basta ba wala silang paki sa mararamdaman mo eh kayang-kaya nilang gawin yun. Nakakalungkot lang na kahit mga malapit (akala mong malapit) sa’yo ay pwede gawin to’. OO KAKILALA KO YUNG KUMUHA NG 3200 KO. Di ko talaga inasahan yun. Hanggang dun nalang yung detalye di ko na itutuloy. Iniisip ko nalang na siguro abswelto naman ako sa bintang ng katangahan sa akin dahil sa pagkawala ng 3200 ko. Eh kakilala ko siya eh! Di ko nakita yun at di ko inakalang magagawa niya yun. Hindi ko masasabing tanga ako.
Kung gusto niyo humanap ng tanga na parehas ng sitwasyon ko, marami diyan. Yung mga naloloko ng scam, mga nauuto sa “Nanalo ka sa raffle ni Atty. XXX” text messages”. Ayun yung mga tanga. Di mo na nga kakilala eh bakit mo kakagatin pa. Wala ka bang paghihinala dun? Kahit na may mga akala mong opsiyal na raffle number pa yan eh bakit ka padin kakagat? Di ka naman personal na sumali sa kahit anong raffle. Yan ang sasabihin ko sa kahit sinong kumakagat sa mga scam messages. Pero sa panahon ngayon kaunti nalang masasabihan ko niyan. Alam na ng mga tao ang estilo ng mga manloloko eh. Alam na nila kung paano gumagana at umiikot ang utak ng manloloko. Parang may utak ng manloloko na din sila eh. Ganyan kagaling mag-adapt ang mga tao sa sitwasyon.
Pero akala mo ba sila lang ang gumagaling? Na sila lang ang may kayang makakita ng panloloko? Pati din ang mga manloloko naga-upgrade na din. Mula sa mga cheap tricks  gaya ng messages eh mas ginagawa pa nilang makatotohanan para mas mataas ang tsansang may maloko. Parang katulad ng sa “City ni Dayun”. Nagsasama na din ng mga makatotohanang attorney. Pati yung bagay na napanalunan mo eh kitang-kita mo na din sa harap ng mata mo. Eh sino bang hindi maloloko dun? Sino bang hindi magpapaka-tanga doon? Baka ako nga eh maloko na din.
Madami pang ibang katangian at porma ang panloloko. Para lang makakuha ng kahit anong importanteng bagay mula sa iba ay kayang gawin ng mga manloloko na paikut-ikutin ang kanilang gawain. Sa mga ganitong sitwasyon, ang mga maaaring maloko na lamang ay ang mga may tanging kahinaan. Ang kahinaan na ito ay ang kahinaan sa mga materyal na bagay - bagay na alam mong isang karangyaan sa buhay at tanging ang may kuwarta lang ang makakakuha. Madami pang iba’t-ibang kahinaan na nakikita ng manloloko pero ito ang pinakaprominente at pinakapangkaraniwan sa lahat.
Masasabi ko lang na sa panahon ngayon ay mas makulay na. Hindi mo na madaling masasabi kung ano ang tama sa mali, mabuti sa hindi, kalokohan sa kabutihan, scam sa katotohanan. Hindi na siya isang  mundo na itim at puti lang ang makikita mo. Maaaring sabihin natin na napakadali na ang mahlog sa scam  ngayon. Sa tingin ko ay totoo ito pero mayroon din naman tayong magagawa para hindi mahulog sapatibong ng manloloko. Tandaan lang natin na hindi lahat madali at mabilis na dumadating ay mabilis din na umaalis. Kung gusto mong kagatin ang isang text message dahil bibiyayaan ka daw nito ng libo-libong salapi, edi kagatin mo lang. Basta tandaan mo na kung gaano kasarap ang pakiramdam ng huwad na pag-asa ay mas doble pa ang sakit ng mapait na katotohanan.  Sa pinakadulo ay ang mga pag-iisip lang din natin ang tanging makapagdidikta ng gagawin natin. Ito din ang tanging magsasabi kung magpapaka-tanga ka o hindi. Higit sa lahat, ang ating pag-iisip lang din ang maaaring mang-scam sa atin.
Easy come,easy go
credits:
Nokia 3200: http://www.gsmarena.com/nokia_3200-pictures-528.php
0 notes
panpil12 · 9 years
Photo
Tulungan natin ang mga biktima! Itigil na ang victim-blaming mentality lalung-lalo na sa isyu ng rape!
Tumblr media
31 notes · View notes
panpil12 · 9 years
Text
Ang Awtor at Pangunahing Karakter ng Istorya bilang Iisa (Walong Taong Gulang X Rosa)
Ang may akda ang nagdedesisyon ng mga elemento ng isang istorya. Mula sa buod, takbo ng istorya, lugar at oras ng mga pangyayari at pinakaimportante ay ang karakter. Pinakamahalaga ito dahil ang bawat detalye ng isang kwento ay umiikot sa karakter at ang karakter ng bawat istorya ang siyang nagiging pokus ng bawat mambabasa. Mula sa kanilang personalidad, mga desisyon sa bawat pangyayari, pati ang mga maliliit na detalye ng karakter ay mahalaga sa pagbuo ng isang makabuluhang istorya. Gaya ng nasabi, ang awtor ang magdedesisyon ng bawat detalye ng karakter. Maaaring ang karakter ay base sa isang isang taong nais ng awtor. Maaari ding ginawan lamang ng bagong personalidad ng awtor ang karakter. Maaari ding siya mismo ang karakter na ito o di kaya ay may maihahalintulad sa karakter ang awtor. Dito ay bibigyan ng pokus ang karakter na base sa awtor o may kahalintulad sa awtor. Ano ba ang magiging epekto nito sa takbo ng istorya? Ano-ano pang elemento ang maaaring maapektuhan ng ganitong uri ng karakter?
Sa isang kwento, ang ganitong uri ng pagpili ng karakter ay maaaring maka-apekto lamang sa buod ng istorya, ang pagiging tunay nito at ng mga pangyayari dito pati na ang mga emosyon na inilalahad ng kwento. Kung ang awtor ang mismong karakter, maaari masabi na tunay ang mga pangyayari sa kwento. Sa kwento ng 'Rosa' ni Rosa Maria Heneson, isa itong salaysay mismo ng awtor at ang karakter ay ang awtor mismo. Dito pumapasok ang authenticity ng kwentong ito. Kadalasan din kung ang karakter ay mismong awtor, ang kwento ay nakasulat sa first person point of view. Maaaring hindi obhektibo ang kabuuhan ng istorya, ngunit masasabi pa sin na may katunayan ang mga pangyayari sa kwento. Sa 'Rosa', obhektibo ang pagkwento ng awtor at ang mga subhektibong parte ay kaniyang idinugtong pagkatapos ng mga obhektibong salaysay. Sa ganitong paraan ay nananatili ang pagiging tunay ng mga salaysay ni Rosa Heneson. Mapapansin din natin na ang mga emosyon na gustong ilahad ng awtor sa kwento ay mas totoo at mas nadarama ng mambabasa. Ito ay dahil na din sa mga subhektibong parte ng kwento na maaaring ipasok ng awtor. Gaya ng sa 'Rosa', ang mga matitinding emosyon tulad ng galit, pighati at kalunkutan, paghihirap at mga munting kasiyahan ay naibibigay ng awtor sa pamamagitan ng pagsalaysay naman ng kanyang nararamdaman sa mga tunay na nangyari. Kaya din mas dama ng mga mambabasa ang mga emosyon na gustong ilahad ng awtor ay dahil ito ay suportado ng mga tunay na pangyayari.
Sa kaso naman ng kung ang awtor ay hindi ang karakter mismo kundi maihahalintulad lamang sa karakter, mayroong mga nabubuong pagdududa sa katunayan ng kwento. Hindi naman sa masasabing hindi tunay ang buong kwento ngunit may mayroong tsansa na hindi nangyari ang kwento kung kanino man. Tulad ng sa Walong Taong Gulang, isang akda ni Genoveva Matute, hindi siya mismo ang karakter sa kwento ngunit siya ay may pagkakahalintulad sa karakter partikular na sa kanyang propesyon bilang guro.  Kadalasan din ay nakasulat ito sa first point of view sa kagustuhan ng awtor na mas dama ang mga emosyon na ilalahad. Ngunit dahil may duda ang magbabasa sa katunayan ng mga pangyayari, ay hindi ganoong kadama ang mga emosyon ng kwento. Masasabi din natin na ang mga aksyon ng karakter ay naiimpluwensyahan ng sariling desisyon mismo ng awtor. Isa siyang karakter na may sariling personalidad na maaaring naimpluwensyahan din ng personalidad ng awtor. Sa Walong Taong Gulang, masasabi natin na ang mga aksyon na ginawa ng karakter sa akdang iyon ay maaaring ang mga aksyon na gagawin din ng may akda kung siya ay nasa parehong sitwasyon bilang guro. Sa ganitong pangyayari ay nakakasilip din ang mababasa sa tunay na personalidad ng awtor. 
Kung ang karakter naman ay hindi ang awtor, kadalasan nakasulat ang kwento sa third point of view. Dahil dito ay nawawalan ng authenticity ang kwento at ang lebel ng emosyon na gustong ipahayag ng awtor ay hindi makukumpara sa nakasulat sa first point of view. Taliwas sa nasabi, mayroon din namang mga awtor na kayang maglahad ng matinding emosyon gamit ang pangatlong punto de vista. 
Sa pagsusulat ng kwento ay mahalaga na alam mo ang layunin mo sa pagsulat nito. Mahalaga din na ito ay naaalinsunod sa buong kwento. Mula sa pagpili ng point of view hanggang sa pagpili ng personalidad ng karakter ay kritikal para sa pagsulat ng epektibong kwento.
0 notes
panpil12 · 9 years
Link
Noon pa man, lalung-lalo na noong panahon ng hapon ay talamak na ang panggagahasa na makikita rin sa Rosa ni Mario Rosa Henson. Nakakalungkot isipin na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring nabibiktima nito.
Kahit mga lalaki ay pwedeng maging biktima ng rape.
Kahit karelasyon mo o asawa, kung walang pahintulot (consent) ay pwedeng ituring na rape
Napakaraming tao ang nagdurusa dahil sa panggagahasa at ang masaklap pa ay maraming biktima ang pinipiling manahimik dala na rin ng takot at kakulangan ng tulong. Kailangan nating bigyan ng suporta ang mga naging biktima nito. Ito ay isang seryosong upasin kaya’t hindi dapat ginagawang biro ang isyu na ito.
source: http://www.buzzfeed.com/rossalynwarren/a-t-shirt-saying-rape-is-a-snuggle-with-a-struggle-has-been#.iyvKVx0zRP.
0 notes
panpil12 · 9 years
Video
youtube
‘WAG NA!
Pinakita sa video ang isang magandang halimbawa ng maaring epekto ng shabu sa isang tao (kahit na umaarte lang ang uploader). Tulad na rin ng sa akdang Satan Has Already Bought U ni Lourd De Veyra kung saan pinakita rin ang epekto ng droga sa mga karakter na sina Cesar, Franco at ilan pang mga taong nabanggit nila rito.
Ang pinakamasamang epekto ng shabu at iba pang pinagbabawal na droga ay ang pagkawala sa sarili ng gumagamit nito dala na rin ng ang utak ang talagang sinisira ng mga naturang kemikal. Hindi na nila alam ang tama at mali, wala na silang pakialam sa kung anong epekto nito sa kanilang sarili at ang tanging gusto na lang nila ay ang makakuha pa ng masmarami kahit na rin salat sila sa pera. Hindi rin natin maikakailang napakaraming namamatay dahil dito, hindi lamang sa epekto nito sa ating katawan ngunit pati na rin sa mga sanga-sangang naidudulot nito sa buhay ng tao tulad ng mga utang, krimen, at iba pa. Nakakalungkot ring isipin na pati ang mga inosenteng tao ay nadadamay tulad ng nabanggit sa kwento kung saan naputol pati ang kamay ng isang studyante.
Sa huli, makakatutulong ang pagbasa ng kwentong Satan Has Already Bought U lalung-lalu na sa mga kabataan upang maiwasan ang lumalaganap na transaksyon ng mga ilegal na droga. Mula rito, makikita ng mga tao ang maaring maidulot nito sa kanilang buhay at pipiliin nilang hindi na ito subukan. Ikaw, gusto mo bang mawalan ng kontrol sa sarili mo? Gusto mo bang makapanakit ng tao dahil lang hindi mo alam ang ginagawa mo? Napakaraming pwede nating pagka-abalahan - pagsulat, pagsayaw, pagpinta, pagkanta, at marami pang iba. WAG LANG ANG ILEGAL NA DROGA.
Tumblr media
credits: photo: http://media.philstar.com/images/the-philippine-star/nation/20140526/shabu.jpg. video: https://www.youtube.com/watch?v=TuprRGpNPcU.
1 note · View note
panpil12 · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ito ay isang moderno at bagong pagkukwento (retelling) ng Kamay, Kubyertos at Sipit. Ang akdang👋, 🍴, at 🍜 ay isang kwentong binubuo ng mga dayalogo sa pagitan ni Impong Tumasa/ Lola (dilaw) at Teresa (asul). Sa strukturang ginamit na text message ay mabilis na nakikita at naiintindihan ang palitan ng mensahe ng dalawang karakter. Dahil na rin sa modernong panahon at paikli ng paikling attention span ng mga tao, makatutulong ang ganitong istruktura upang mapadali ang pagbabasa. Sa kabila nito ay hindi nagbago ang takbo, mensahe, mood/tone ng kwento.
0 notes
panpil12 · 9 years
Photo
Tumblr media
SCAM ALERT! -made by yours truly 
DISCLAIMER: hindi ako ang may gawa ng vector images. 
0 notes
panpil12 · 9 years
Photo
Hindi man madali ang magturo, kokonti ang sweldo at kulang ang mga natatanggap na benefits, tuloy pa rin sila sa pagpasok sa trabaho at paggabay sa mga estudyante araw-araw. Kaya para sakin, sila ay mga superhero, kahit ano mang hadlang, tuloy pa rin sa pagtuturo.
Bilang isang superhero, pinagkalooban sila ng kapangyarihan na mag-alaga at magpalaki ng mga estudyante, at magbigay ng tulong at gabay sa paghubog ng mga utak at kakayahan ng mga bata. Sabi nga sa Spiderman, “With great power comes great responsibility”. Ang guro ay may kapangyarihan o awtoridad sa kanyang ma estudyante, ngunit itong awtoridad ay hindi dapat ginagamit sa masama kundi ito ay isang paraan nang pagtuturo ng tamang asal at paggabay sa mga estudyante patungo sa tamang daan.
Sa huli, totoo ang sinasabi ng t-shirt, hindi normal na tao ang isang titser, siya ay isang surperhero.
Tumblr media
I used to be normal and then I become a Teacher T-shirt
30 notes · View notes
panpil12 · 9 years
Photo
Tumblr media
WANTED: Mga taong may puso para sa pagtuturo. 
Trabaho: Magturo ng buong husay, buong sikap at buong lugod sa mga batang may kanya-kanyang pangarap na pumapasok araw-araw para matuto at matupad ang mga ito.
Lugar: Isang malayong komunidad sa Palawan
Sahod: Di kalakihan
Benepisyo: Wala gaanong benepisyo at suporta na nanggagaling sa gobyerno
Pero sa lahat ng ito, GUSTO KONG MALAMAN MONG KARAPAT-DAPAT KANG IPAGMALAKI. ISA KA SA MGA PINAKAMATATAPANG NA TAO NA NAKILALA KO. SALAMAT SA IYONG PAGOD, KATAPATAN AT PAGMAMAHAL MO SA’YONG TRABAHO AT SA’YONG MGA ESTUDYANTE. ISA KANG BUHAY NA BAYANI NG BANSANG ITO!
Photo source: https://www.pinterest.com/pin/446419381790375728/
0 notes
panpil12 · 9 years
Photo
Tumblr media
One try have repercussions. Never try it!
“Meth incinerates your brain forever. There’s no going back.” -Cesar (from Satan Has Already Bought You)
Photo source: http://manila.coconuts.co/2014/08/26/15-kilos-shabu-seized-qc-raid
0 notes
panpil12 · 9 years
Photo
Tumblr media
(Tungkol sa photo-edit: Siguro kung maging kanta ang kwento, ito ang magiging album art.)
Mga Muni-muni Ko
Kinilabutan ako pagkatapos basahin ang kwentong ito, lalo na sa dulong banda, lalo na nung nabasa ko ang linyang, "sabog ang ulo, luwa ang utak". (Full-body kilabot, kung tawagin.) Nung binasa ko ‘yun, naimagine ko ang nakahilera niyang pamilya, binabaril sa ulo isa-isa, at si Lenina, nagtatago, at pinapanood lahat ‘yun. 
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng kwento, naging kutob ko na ulila na si Lenina, pero hinulaan kong siguro dahil sa baha o kung ano mang kalamidad. Natakot kasi siya nung nakakita sila ng bangkay nung bumagyo. May iilang parte kung saan nakwekwento niya ang tungkol sa “mga mababait na babae’t lalaking nakabaril”, at ang mga “demonyo at Hapon sa baryo”, ngunit dahil mahina ako sa history, hindi ko kaagad naisip kung sino-sino nga ba ang mga tinutukoy ni Lelina.
Tinuloy ko ang pagbabasa ng kwento. Nakahanap ako ng hint kay Fernando Poe Jr. at kina Guy at Pip. (”Patay na sila, diba?” inisip ko, habang tinatype ko ang mga pangalan sa Google. Buhay pa pala ang gumanap kay Guy at Pip.) Ang resulta ng search: bandang dulo ng 1960′s hanggang simula ng 1980′s. May Hapon pa ba nung 70′s? Nagsearch ako uli: ano ang mga pangyayari nung panahong iyon?
Ang New People’s Army ay nabuo noong 1969. Medyo gets ko na ang setting ng kwento! Akala ko kasi na mga 2000′s naganap ang kwento. Marami kasing mga batang gutom, mga banyagang dumarayo para mang-rape ng bata, mga magulang na nahihirapang sustentohan ang kanilang mga anak kung kaya’t sumasabak sa iba’t-ibang trabaho.
(Ang dami-daming mapipick-up na tidbit tungkol sa kanilang mga buhay mula sa istoryahan. Gusto ko ang paraan ng pagkasulat ng kwento, lalo na’t ang ginamit nilang point of view ay yung sa bata, na nagsasabi ng simpleng katotohanan.)
Pero seryosong inakala ko na mga 2000′s ang setting ng kwento. Sinabi ni ma’am ang time period nung discussion, pero nakalimutan ko iyon pagkatapos kong basahin uli ang kwento. Huh. Matagal na pala ang mga problemang iyon.
Ang kwento ng batang magbabarkada ay hindi lang kwento nila--sinasalamin din pala nito ang kwento ng ating mga kababayan na nabuhuhay rin sa ganoong sitwasyon. Hanggang ngayon, may giyera at kahirapan.
Naisipan kong magresearch tungkol sa kahirapan. Ayon sa isang surbey ng National Statistics Coordination Board noong 2012, ang isang pamilya ng lima ay nangangailangan ng humigit-kumulang walong libong piso kasa buwan para sa kanilang pagkain at pang-araw-araw na gastusin. Kapag kulang pa doon ang kinikita ng isang pamilya, makakasama na sila sa bilang ng mga nasa ilalim ng poverty threshold. Inireport ng surbey ng NSCB na dalawamput-walong pursyento ng mga Pilipino ay nabubuhay sa kahirapan.Nakakabahala din na ayon sa kanilang data, hindi bumaba ang pursyento ng mga mahihirap mula 2006 hanggang 2012. Walang nagbabago. Nagresearch din ako ng konti tungkol sa NPA. Negosasyon parin hanggang ngayon. Maraming namamatay.
Huh.
1 note · View note
panpil12 · 9 years
Text
I thought I knew you
Pretty, classy, sophisticated, and all the synonyms of those words are probably the very words my mind associated with the name, Imelda Marcos. I was glad that I was assigned to report about her biography but the excitement turned to amazement and along with a little compassion after I read the required readings. I was amazed because it seems to me that the history “faked” me all those years of my life. I undoubtedly admire the former First Lady for her grace and sophistication and I keep her name safeguarded and bound with all the charming adjectives. The history planted such admiration to my early and young mind. Before I read the story, Imelda Marcos' image has been very pleasant and appealing for me disregarding the fact that she and her husband was allegedly accused by many or I should probably say that some of these accusations were true. All those wicked things made few scratches on her image to me. But those issues were never been enough to change the carved expression and the learned history in my early years. I was fascinated, or now, I'll say blinded with her nightingale-like voice, her charming and pleasant features and the ambassador-of-peace aura which were all in her physical and charismatic characteristics that were so innate of her. But above all, my feeling of being related is just for a geographical reason. I have been oriented that she and the rest of Romualdezes were from Leyte. Fame is what the clan of Romualdez holds in Tacloban, the place where I am from. As I'm digesting the readings, I was at first delusional about the informations that I'm taking in which were very new and alien to me. It's like reading a fictional novel where the place where you grow up is involved and Imelda happened to be the star. The idea that I am reading  a biography popped out in my head at the middle of reading the story. I got excited in reading especially when the names of the places I know is there and including the school of my best friend. It’s awesome when you have this concrete picture in your mind of what you are reading. It’s like being there and personally witnessing the events that are happening.
After I have read the article, I had this feeling of knowing Imelda Marcos for the second first-time. Unlikely to be the same person I have known before.
The article is really informative and was written excellently. Check it out!
0 notes
panpil12 · 9 years
Text
SHABU *ka-ching*
https://www.youtube.com/watch?v=vBYJdZlpBT4
Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng SHABU?
SHABU = Satan Has Already Bought U. Dahil sa pamagat na ito, napaisip ako kung magkano ba talaga ang halaga ng isang tao.
Tumblr media
Hindi bababa sa $548000 ang halaga ng isang tao. ‘Sell-a-able’ talaga ang tao. Lalong lalo na kapag malusog ang pangangatawan. Ngunit maibebenta mo pa ba ang iyong katawan kapag unti-unti na itong nabubulok dahil sa SHABU. Ano nga ba ang epekto ng shabu sa katawan?
Shabu o tinatawag din na methamphetamine ay isang puting droga na pwedeng hinihithit, tinuturok at sinisinghot. Ito ay isang lason na ginagamit bilang isang stimulant at unti-unting sumisira sa katawan ng tao. Ito ay kaugnay sa  mga malulubhang kondisyon ng kalusugan tulad ng memory loss, aggression, psychotic behavior and potential heart at brain damage.
Maraming tao ang paulit-ulit na gumagamit ng shabu dahil ang shabu ay nabibigay ng kasiyahan, lakas ng loob, at energiya. Ngunit sa oras na sinubukan mong gamitin ang shabu, tiyak na di mo nang maiiwasang hindi umulit.
Pero sa lahat ng detalyeng ito, sino nga ba ang nagsasabing ibenta mo ang iyong katawan? Higit kang mas halaga at kapakipakinabang nang buhay.
(Sources: http://www.drugfreeworld.org/drugfacts/crystalmeth.html)
(Photo reference: http://9gag.com/gag/aQ4p0dr )
0 notes
panpil12 · 9 years
Text
P*TA, myDSL
Isang dagli. Frances Calceta.
Masakit ang ulo niya ngayon habang pinag-iisipan ang kung anu-anong matematikang kinailangan para matapos at maipasa na ang kanyang basurang proyekto. “Pwede na,” sabi niya sa kaniyang sarili. Tiningnan niya uli—mukha namang tapos, at pagod na siya. Di na gaanong basura.
Tahimik ang loob ng bahay maliban sa tunog ng electric fan at huni ng computer na nagsisimula nang magluma. Gabi-gabi, mahigit limang oras siyang lumilibot sa kung saan-saang lupalop ng internet. Nagsusunog ng oras. Naglilialiw. Facebook, Twitter, Instagram, porn. Mabagal na naman ang putanginang internet—tumigil ang video saktong sa utong ni Maria Ozawa. (Tumaas na naman ang views ni Ozawa, napansin niya sa sidebar.) Saktong-sakto. Naka-frozen, naka-zoom-in, parang... kabute. Nawalan siya ng gana. Panghimagas niya sana 'yon pagkatapos magsulat ng putanginang paper na puno ng kung anu-anong math na hindi niya gaano naintindihan. Sana maka-tres. Sana maka-tres. Inexit niya ang window.
Mas mabilis ang koneksyon ng internet tuwing gabi, pero walang kwenta rin. Sabaw ang utak niya. Madalas ay nagugulat nalang siya't maliwanag na ang langit sa labas, na buong gabi na pala siya nagsasayang ng kuryente sa paggawa ng wala. Masakit na naman ang kanyang ulo. Hindi yung sa baba, kundi yung ulong nag-iisip. Iniisip niya na naman yung paper, yung exam, yung inaasam na tres. Halos isang linggo na siyang walang matinong tulog. Halos isang linggo na ring nagloloko ang internet. Sinilip niya ang modem—wala. Umuulan sa labas—malamig, presko. Naisipan niyang umidlip muna ng mga sampung minuto habang hinihintay na bumalik ang internet. Mabuti na lang at natapos niya ang project 'to ng maaga. Mabuti nalang...
Napanaginipan niya ang utong ni Maria Ozawa, ang EnggLib2, at ang math na hindi niya maintindihan. Nagising siya ng saktong alas-tres ng umaga, tatlong oras ng nakalipas sa deadline ng pagpasa.
Hindi pa rin bumabalik ang internet.
0 notes